Sa English,
autism
ang tawag sa espesyal na kondisyon ng taong may di-normal na pag-unlad.“May sariling mundo” ang bansag naman sa Tagalog bilang paglalarawan sa autism. Angmanipestasyon kasi ng ‘di normal na kalagayang ito ay kilos na parang walang kaugnayan sa paligidng tao at mistulang gumagalaw siya sa sariling kapaligiran.Kakaiba ang batang may
autism
. Hindinga siya normal gaya ng mga ibang bata. Ang mga may batang autism ay dapat bigyan ngpagmamahal ng mga taong nasa paligid niya. Ngunit ano nga ba ang autism? Bakit may mga ibangbata ay meron ito. Saan nakukuha ito? Ang Autism Ang Autistic Spectrum Disorder ay isangkomplikadong kapansanan na may kaugnayan sa pag-unlad o paglaki ng bata, na may mahalagangepekto sa paraan kung paano ang isang tao ay nakikipagtalastasan, nakikisalamuha sa ibang tao atmakapagsaad ng emosyon at/o idea. Ang mga salitang
autistic spectrum
ay kalimitang ginagamitsapagkat ang ganitong kalagayan ay nagkakaiba-iba sa mga tao. Ang autism ay isang sakit kungsaan nahihirapan ang utak sa pagpoproseso sa mga nakalap nitong impormasyon o pakiramdam.Ito ay nagdudulot ng suliranin sa isang batang
autistic
dahil apektado ang kanyang pakikisalamuhaat, pagkatuto. Laganap ang sakit na ito sa buong mundo at karaniwang makikita ang mga sintomasnito sa unang tatlong taon ng isang bata. Sa Pilipinas, tinatayang may hanggang 300,000 na Pilipinoang may autism. Sa bilang na ito, tanging limang bahagdan lamang ang natukoy na may ganitosilang kondisyon. Ang malungkot pa rito ay tanging dalawang bahagdan lang ng maliit na limangbahagdan ang nakakatanggap ng pagpapagamot. Sanhi, Sintomas at LunasIpinapalagay na angautism ay isang genetic disorder kung saan posibleng may diperensya sa
genes
o
chromosomes
ngisang bata bago pa siya isilang. Ibinilang rin sa mga posibleng sanhi ang teoryang “bad parenting”kung saan hindi naging maayos ang pangangalaga at pagtrato sa sanggol habang ito ay nasa loobpa ng sinapupunan. Gayundin, sinisisi rin ang maduming kapaligiran lalo na ang mga lason sahangin na posibleng pumipinsala sa
immune system
at utak ng bago at pagkatapos itong ipanganak.Normal ang hitsura ng isang batang autistic. Gayunpaman, may problema ito sa maraming aspeto.Kabilang sa mga pangunahing katangian ng ganitong kondisyon ang matinding kaibahan sapakikisalamuha sa lipunan, sa pakikipagtalastasan, masyadong mahirap ang proseso ng pag-iisip atmga may ritwal na balangkas ng pag-uugali. Natatangi sila dahil sa kanilang kakaiba, inosente athindi naaangkop na pakikisalamuha sa lipunan, mahabang bulol-bulol at putol-putol na pananalita,kahinaan sa hindi-berbal na pakikipagtalastasan, mababaw na mga interes at mahinang kakayanansa koordinasyon sa pagkilos ng katawan at sa pag-iisip. Inilarawan din sila na nahihirapan sapaggamit ng kasanayan sa isang paraang maaaring baguhin at kapaki-pakinabang. Hindi panatutukoy ang sanhi nito. Ngunit nalulunasan ang mga sintomas sa pamamagitan ng therapy tuladng music therapy, physical therapy, vision therapy, dietary interventions at pagbabago ng kilos obehavioral treatment kung saan itinuturo sa mga autistic ang mga bagay na dapat nilang ikilos atgawin sa araw-araw. Papel ng Paaralan Ang Autism Consciousness Week na itinakdang
Leave a Comment