pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na maaawa ito. Anggubat na madilim at malungkot ay nasasabugan ng libu-libong mga sakit at pagdurusa, nainuulit pa niyang sabihin at isinisigaw na bakit raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat namanang kanyang hangarin at sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindi magtataksil sakanyang pag-ibig kaya ibinigay rin niya ang kanyang pag-ibig dahil wala sa isip niya napagtataksilan siya ni Laura.
Aralin 5 - Halina, Laura Ko
Ang araling ito ay tungkol sa pangungulila ni Florante kay Laura! Ang sabi ni Florante aykatiwala at kasintahan siya ni Laura, hindi raw niya akalain na sasayangin lamang ni Laura angmaraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Floranteang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Kapag umaalis o inuutusan si Florante niHaring Linseo na pumunta sa ibang siyudad ay umiiyak si Laura, kapag tinatahi ni Laura angplumahe ni Florante ay parang korales ang kanyang mga daliri, takot si Laura na masugatan siFlorante sa pakikipaglaban, ang baluti’t koleto ay hindi pinapayagan ni Laura na madampi’tmalapit sa katawan ni Florante hangga’t hindi niya nasisigurong wala na itong kalawang,pinahihiyasan ni Laura ang turbante ni Florante ng perlas, topasyo’t maningning na rubi, kapaghindi pa dumadating si Florante galing sa ibang siyudad o kahit saan ay hindi mapalagay siLaura dahil akala ni Laura na nasugatan siya at kung may galos lang si Florante sa balat aylabis na ang pag-aalala ni Laura rito at hindi naniniwala si Laura sa isang bagay kapag hindi paniya ito nasusuri.Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya’y nakatali sa puno. SiLaura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan naito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matindingpagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.
Aralin 6 - Ang Pagdating ni Aladin sa Gubat
Ang araling ito ay naglalarawan ng isang lalaking gerero na pumunta sa gubat upangmakalimutan ang masasakit na nangyari tungkol sa kanyang pag-ibig.Nang dumating ang isang gererong lalaki sa gubat na nakasuot ng putong na turbantena kahanga-hanga at ito ang pananamit ng mga Moro sa siyudad ng Persya. Huminto siya sakanyang paglalakad at tumingin siya sa kanyang paligid upang humanap ng mapapahingahanat may nakita siyang isang bubong ng kahoy. Umupo siya sa puno ng isang kahoy at doonsiya’y umiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang
Leave a Comment
thanks :)) very very much
please do have English translation.
yun! yung tagalog naman na maiintindihan
Thank youuuuuu :))
patulong nmn sa pag papaliwanag ng aralin 21 to 29 plss guys!? :( tnx
iloveyou
mwah, love na kita!
,,thankz.... :D