/  38
 
•July 15, 2007 •No Comments Masarap magbasa ng El filibusterismowant explanations read this post, explains all chapters,
ALL
Ang nobelang “El Filibusterismo” ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalaysa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora. Tulad ng “Noli Me Tangere”, ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito saLondon, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos angkanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiramng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab nahangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan. 
Mga Tauhan:
 
Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita 
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino
Ang amain ni Isagani
Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
 Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastilangunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
 Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds
Kabanata ISa Ibabaw ng Kubyerta
 
Buod
 Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, BenZayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namangkilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ngMaynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ngpato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
Mga Tulong Sa Pag-aaral
1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila.2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang Filiay may 13 taong nakapagitan.3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isangmamahayag.4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas,kape o ano man. Mula sa abang bataan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay maytabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog.
Mga Tanong at Sagot1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan?Tugon
a. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng paglalagay ng pamahalaan namay mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ngmga mestiso at indiyo.b. Sa mabagal nguni’t mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taongpamumuno sa Pilipinas.c. Sa pagkulapol na pinturang puti - nagpapanggap na malinis at marangal ngunit’t makikita ang mga dumi sa likodng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sapamahalaan at simbahan.d. Sa bilog na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ngpagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad.e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at ibapang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o pagigingmagkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika atpangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilogna bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, aysiyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungoang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.)
2. Bakit inis na inis si Donya Victorina?Tugon
Iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta.
3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayonkay Simoun?Tugon
a. Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal.b. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.k. Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig.d. Giginhawa ang paglalakbay.
4. Anu ano ang tutol dito ni Don Custudio?Tugon
a. Malaki ang gugulinb. Maraming bayan ang kakailanganing siraink. Walang ibabayad sa mga manggagawa
5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito?Tugon
a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito.b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo.k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkainat kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayonkaugnay ng pangalan ng mga paraon at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay namangagawa roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at panahon;d. At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio.
6. Dahil sa mga panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibyla at Don Custodio, anoang naging palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta?Tugon
a. Siya ay isang mulatong (mestisong) Amerikano.b. Mestisong taga-India at Ingles naman daw.
7. Bakit nangigilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun?Tugon
Ito’y kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa Habana, Kuba.
Dagdag na mga Tanong at Puna
 
1. Mararahas ang mga balak ni Simoun. Lahat ay makakapagpahirap sa mga mamamayan.2. Si Don Custodio ang ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga puno sa Pilipinas.3. Si Padre Sibyla ay pangalawang rektor ng UST.
Kabanata IISa Ilalim ng KubyertaBuod
  Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang (2)estudyate na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isangkatatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago.Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralangbalak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio.Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, angkasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si DonyaVictorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaña, na sa bahay pa ni PadreFlorentino, amain ng binata, nagtatago.Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na diniya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito’ymahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil dinamin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ayPilipino.Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorrana kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihinninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ngmga usap-usapan. At dagdag ni Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainitay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinakinggan ang pagsingkilni Basilio.Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak atmalawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog nawatak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isaganina rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kaySimoun dahil ang makina ay hahanapin pa.Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na KardinalMoreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan si PadreFlorentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.
Mga Tulong Sa Pag-aaral1. Bakit kalakaran sa matanda, tulad ni Kap. Basilio na nakatatagpo ng balakid sa lahat ng dakosamantalamg ang kabataan ay masigasig sa mga balak, tulad nina Isagani?Tugon
Marami nang kabiguang naranasan ang matatanda kabiguan sa sarili nilang mga pangarap at balak noong kanilangkabataan samantalang ang mga bata ay may maapoy pang damdamin na gatong sa kanilang mga balak atadhikain. Di pa sila nakararanas ng maraming kabiguan. Dahil dito, kahit papaano, ang daigdig ay sumusulong,umuunlad.
2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyangmga kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan?Tugon
Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo. Mahiligin sa alahas ang mgaPilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani ang isangkatangiang hinahangaan niya at hinahanap lalaking matapang at nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan.
3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?Tugon
Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung pagsisimula pa lamang angisang paroko di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pag-umunlad na ito, pinapasok na ng mga praylengKastila.
4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinomng serbesa?Tugon
Hindi. Ito’y totoo para sa bayang malalamig nguni’t di sa Pilipinas na totoo nang mainit kadalasan ang panahon. Tingnan ang palainom ng tuba. Pagkainom ano? Bulagta!
5. Ano ang tugon ni Isagani kay Simoun?Tugon

Share & Embed

Recent Readcasters

Add a Comment

Characters: ...

Maylanie Pamintuanleft a comment

walang kuwenta

shineshine55left a comment

i need the script!