Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
13Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Tanong at Sagot Tungkol sa Pananakop ng Tsina sa Bajo de Masinloc/Scarborough Shoal

Tanong at Sagot Tungkol sa Pananakop ng Tsina sa Bajo de Masinloc/Scarborough Shoal

Ratings: (0)|Views: 12,128 |Likes:
Tanong at Sagot Tungkol sa Pananakop ng Tsina sa Bajo de Masinloc/Scarborough Shoal
Tanong at Sagot Tungkol sa Pananakop ng Tsina sa Bajo de Masinloc/Scarborough Shoal

More info:

Published by: David Michael San Juan on May 11, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/10/2013

pdf

text

original

 
1
Mga Tanong at Sagot Tungkol sa Pananakopng Tsina saBajo de Masinloc/Scarborough Shoal(2
nd
Edition)
(Simpleng lenggwahe ang ginamit sa artikulong ito para madalingmaintindihan ng mayorya ng mga Pilipino.)
TANONG: KANINO BA ANG BAJO DE MASINLOC/SCARBOROUGH SHOAL?SAGOT:
Sa Pilipinas ang Bajo de Masinloc. Pilipinas ang may-ari ng Bajo deMasinloc.
TANONG: ANO ANG BATAYAN NG PAGMAMAY-ARI O OWNERSHIP NGPILIPINAS SA BAJO DE MASINLOC?SAGOT:
Panahon pa lamang ng mga Kastila, sakop na ng Pilipinas ang Bajo deMasinloc. Noon pa man ay naaabot na ito ng mga mangingisdang Pilipino.Hanggang ngayon (bago magpadala ng malalaking barko ang Tsina) aynapupuntahan iyon ng mga mangingisdang Pilipino. Kapag tiningnan sa mapa,malinaw na mas malapit ang Bajo de Masinloc sa Pilipinas kaysa sa Tsina.Katunayan, sakop ng probinsya ng Zambales ang Bajo de Masinloc. Sa ilalimng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), malinaw naang Pilipinas ang nakakasakop sa Bajo de Masinloc.
 
2
TANONG: BAKIT INAANGKIN NG TSINA ANG BAJO DE MASINLOCNGAYON?SAGOT:
Dapat bigyang-diin na noong panahon ni Mao Tse Tung, mula noongitatag ang People’s Republic of China noong 1949, hindi naman inangkin ng Tsina ang Bajo de Masinloc. Hindi rin nila ito pinupuntahan noon. Inangkin langat pinuntahan ng Tsina ang Bajo de Masinloc nang maging lantad nakapitalista na ang sistemang ekonomiko nila sa mga nakaraang taon. Dahilkapitalista na ang Tsina, kailangan nito ng mas maraming petrolyo namagagamit sa pagpapatakbo ng mga industriya. Sa ilalim ng kapitalismo, tuboo profit lang ang iniisip ng mga negosyante at mga nasa gobyerno. Dahil sakagustuhang lalong magpayaman, sinisimulan na ng Tsina ang pag-angkin samga malalapit na pulo o teritoryo na posibleng may petrolyo. Bajo de Masinlocang pangunahing target ng Tsina dahil alam ng gobyerno nila na mahina anggobyerno ng Pilipinas at watak-watak din ang mga mamamayang Pilipino digaya ng mga Vietnamese, Taiwanese at iba pang mga mamamayan sa paligidng Tsina. Kumbaga, “easy target” ang teritoryo ng Pilipinas.
TANONG: MAY KARAPATAN BA ANG TSINA NA ANGKININ ANG BAJO DEMASINLOC?SAGOT:
Wala. Ngayon lang nila ito inangkin, at inaangkin nila ito sapamamagitan ng paggamit ng pwersa (nagpadala na sila ng mga malalakingbarko para takutin ang mga Pilipinong mangingisda na dati ay lagingnagpupunta roon). Hindi nila pwedeng gamitin ang mga lumang mapa paraangkinin ang Bajo de Masinloc dahil mula noong mawasak ang Chinese Empiresa pagsilang ng People’s Republic of China, nagwakas na rin ang validity ngmga lumang mapa na ginawa sa ilalim ng Chinese Empire. Hindi namaninangkin ng mga naunang pinuno ng People’s Republic of China ang Bajo deMasinloc noon. Samantala, mula pa noong panahon ng Kastila hanggangngayong taon na magpadala ng mga barko ang Tsina sa Bajo de Masinloc,malinaw na inaangkin at pinupuntahan ito ng mga Pilipino. Gayundin, sa ilalimng UNCLOS, ang Pilipinas talaga ang nakasasakop sa Bajo de Masinloc.
TANONG: KUNG WALANG KARAPATAN ANG TSINA SA BAJO DEMASINLOC, BAKIT SILA NANDOON?SAGOT:
Nandoon ang mga barko ng Tsina dahil malakas na bansa sila. Samundong ito, sa mas maraming pagkakataon, nananaig ang malalakas lalo nakapag hindi nagsasama-sama ang mga mahihina laban sa malalakas.
TANONG: MAGKAKAROON BA NG AKTWAL NA GERA?
 
3
SAGOT:
Malaki ang posibilidad na hindi magkaroon ng totoong gera. Una,alam ng Tsina na kapag nagdeklara ito ng gera, maaalarma ang mga malalapitna bansa at mas malaki ang posibilidad na kumampi ang ibang bansa saPilipinas para matapatan ang lakas ng Tsina (dahil alam ng ibang bansa nakapag lumalakas nang lumakas ang Tsina, baka sila naman ang “isunod” nito).Pangalawa, hindi magdedeklara ng gera ang gobyerno ng Pilipinas. Alam nggobyerno ng Pilipinas na pagpapakamatay o suicide iyon. Ikatlo, walang sapatna lakas ang Estados Unidos upang mang-udyok ng gera sa Timog SilangangAsya/Southeast Asia dahil abalang-abala ito sa Afghanistan, Iran at Syria.Gayundin, abalang-abala ang gobyerno ng Estados Unidos sa pagsugpo sapalakas nang palakas na kilusang anti-kapitalistang tinatawag na OccupyWallstreet Movement (na naging Occupy All Street Movement na ayon saibang aktibista). Bagsak na bagsak ang ekonomya ng Estados Unidos kayawala ito sa posisyon na mang-udyok ng gera. Tiyak na susulsulan ng EstadosUnidos ang Pilipinas na gumastos ng malaki para sa pagbili ng armas at mgasegundamano o second-hand na kagamitang pandigma sa mga Amerikanopero hindi gugustuhin ng Estados Unidos na magkaroon ng gera sakasalukuyan sa Timog-Silangang Asya dahil marami pa itongpinagkakaabalahan sa ibang lugar (lalo na nga sa mismong bansa nila).Uudyukan ng Estados Unidos ang mga opisyal ng militar sa Pilipinas at sa Tsina na gumastos ng malaki para sa pagbili ng armas at mga kagamitangpandigma dahil ang Estados Unidos ang pinakamalaking eksporter ng armassa buong mundo.
TANONG: TUTULONG BA ANG ESTADOS UNIDOS SA PILIPINAS SAISYUNG ITO?SAGOT:
Magpapanggap lang ang Estados Unidos na tumutulong o tutulongpero hindi maasahan ang anumang totoong tulong sa Estados Unidos. Tandaan na ang mayorya ng mga utang ng Amerika ay inutang sa Tsina:kapag bumagsak ang Tsina, bagsak din ang USA at vice-versa. Magkakabitang interes ng Tsina at Estados Unidos kahit na nga sa mata ng publiko aynagpapanggap silang magkaaway.
TANONG: PAANO MAIIWASAN ANG GERA?SAGOT:
Kailangang resolbahin ang problema sa paraang diplomatiko.Samakatwid, kailangang ihinto ang anumang aksyong militar. Halimbawa,dapat itigil ang Balikatan exercises sa pagitan ng mga militar ng Pilipinas atEstados Unidos. Dapat ding itigil ng gobyerno ng Pilipinas ang paghingi ngtulong sa Estados Unidos.

Activity (13)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Galing, Sana Makarating Sa Gobyerno ang Iyong Panukala.
Joel Costa Malabanan added this note
Mainam. Sumasang-ayon ako sa iyong mga panukala.
Jane Mackay liked this
Leojhane Rufo liked this
Jeson Dejero liked this
Jeson Dejero liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->