Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
3Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Kasaysayan Ng Wikang Filipino_g6

Kasaysayan Ng Wikang Filipino_g6

Ratings: (0)|Views: 1,002|Likes:
Published by educguide

More info:

Published by: educguide on Jul 17, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/21/2014

pdf

text

original

 
 
Kasaysayan ng Wikang Filipino
Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isangmalayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino.
Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa?
Sang-ayonkay Dr. Isidro Dyan, isangdalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "
Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroongginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangangmagkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sasarili. 
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na
nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.
Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyungnaging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga taga-Cebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipinodaw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng mga taong nasa katagalugan.Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi
‘sin
g wikang nabuo at kinilalang"lingua franca"ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sabuong kapuluan.Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa kasalukuyanng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga
87 na iba’t ibang w
ika. Kabilang sa mgapangunahing wika ayTagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon,Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isangkatutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ngpook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog ay ginagamit hindi lamangng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo.Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang
Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag
-
aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa
halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapg-ambag sa wikaang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat
gramatika ng iba’t ibang
wikain sa Pilipinas.Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mag
Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya nga’t pinili nila ang Tagalog na siyang
wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga
 
 
talumpati na punung-puno sa damdaming bayan.
Kahit si Rizal at iba pang propagandista’ysumulat sa Kastila, batid nilang ang wika’y malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga
kababayan nila.Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakdang pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito angdahilan kung bakitsimula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pang
 
alawangdigmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika.Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw atiba pa ay nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikangpambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikangopisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isangwikang pambansa. Ito ay utang natin sa nagingPangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang"Ama ng Wikang Pambansa." Noong1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upangmaisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika, isangprobisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas.
Ito’y napapaloob sa Arti
kulo XIV,Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935."Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang atpaggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalanghindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal."Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagangmga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-
aaral ng iba’t ibang
wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang
Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng
nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong
Disyembre 30, 1937, inihayag ni PangulongQuezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.
 
 
Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong
ng ating wika:Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ngSurian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika atpumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng PangulongQuezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.Abril 1, 1940
- Ipinalabas ang K
autusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ngisang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Ipinahayag pa ring ituturo angwikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4,1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunangpagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa
mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ngpagdiriwang ay inilipat sa
Agosto 13-19 tuwing taon
.Agosto 12, 1959-
Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim JoseRomero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7.
Ayon sa kautusang ito, kaylaman attutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Oktubre 24,1967
- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na anglahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na anglahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat saPilipino.Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad nagagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ngpaaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.

Activity (3)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads
Eunhae Lee liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->