Bukod pa rito, madami pang iba-ibang Kristiyanong dula ang sumikat sa panahonng Espanyol hanggang sa ngayon, tulad ng
panunuluyan,
isang dulang nagsasalaysayng pagpunta ni Maria at Jose sa Bethlehem, ang
ninos inocentes
tungkol sapagpapaapatay ni Herodes sa mga batang dalawang taong gulang pababa, ang
viacrucis,
kung saan iniikot ang imahe ni Hesus sa 14 na estasyon na kumakatawan samga mahahahalagang pangyayari bago siya namatay, at ang
siete palabras.
Ang mga tanging sekular na dulang nakilala noon ay ang
sarswela
, isangromantikong dula tungkol sa banggaan ng mga uri o kaya'y mga mahahalagang isyu salipunan, tulad ng mga tiwaling pulitiko o mga tamad na asawa. Sumikat ito sa mga akdanina Severino Reyes, Hermogenes Ilagan, Servando de los Angeles at iba pa.Naipakilala din ang
drama
, na gaya ng sarswela ay kinatatampukan ng tula o prosangunit mas nagbibigay pansin sa mga aspeto ng buhay Pilipino, tulad ng sugal. Maramisa mga dramang ito ay di na nakikita sa teatro kundi sa telebisyon at pelikula, maramisa mga
soap opera.
Nang dumating ang mga Amerikano, sinikap nilang ipakilala ang kanilang mga uring dula, marami ay hango sa mga kwento ng Kanluran. Isa sa mga naipakilala nila ayang
bodabil,
na hindi maituturing na pormal na dula kundi palabas na puno ng halo-halong kantahan, sayawan at pagpapatawa. Ngunit marami sa mga
bodabil
ng panahonay gaya-gaya lamang sa mga Amerikano at di makikitaan ng bakas ng lipunan atkulturang Pilipino. Noong panahon ng Hapon lamang nagkaroon ng malakingpagbabago sa dulang ito, na napasukan na ng mga drama upang pagbigyan ang mgaartistang nawalan ng trabaho dahil sa giyera.Dahil sa bagong uri ng edukasyong ipinakilala ng mga Amerikano, naipakilala samga Pilipino ang mga dulang kanluranin, tulad ng mga sinulat nina Shakespeare, mgadulang
Broadway
tulad ng "Annie" at "Evita", o mga klasiko tulad ng mga gawa ninaChekov, Goldoni, Moliere, Bretch at iba pa. Dahil dito, napilitan ang mga Pilipino nagayahin ang pananalita at gawi ng mga Amerikano, mula sa pangkanta hanggang sapananamit, anupat pinapakilala ang Amerika bilang isang paraiso.Sa modernong panahon ngayon, nadagdagan pa ang mga uri ng dula namakikita sa mga tanghalan ngayon. Ang mga dulang Asyano, tulad ng
noh
at
kyogen
,ay naging regular na sa mga tanghalan. Sumikat din ang iba't ibang mga akda ng mga