Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
4Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Ano Ang Kwento

Ano Ang Kwento

Ratings: (0)|Views: 582 |Likes:
Published by Paul Eugenio
Maikling Kwento May mga kilalang uri ng pantikang naratibo sa bansa tulad ng mga kwentongbayan at epiko. Ngunit ang maikiling kwento o short story ay bago pa lamang sa ating bansa, moderno at Kanluranin ang anyo. Ito ay kilala sa pagiging maikli at sekular na uri ng prosa. Nagsimula lamang tumubo ito sa ating bansa sa huling mga taon ng ika-19 na siglo, sa lahat ng mga pangunahing wika sa bansa. Sa Cebuano, kilala ito sa tawag na sugilanon, salita sa Kapampangan at sarita sa Ilocano. Noong panah
Maikling Kwento May mga kilalang uri ng pantikang naratibo sa bansa tulad ng mga kwentongbayan at epiko. Ngunit ang maikiling kwento o short story ay bago pa lamang sa ating bansa, moderno at Kanluranin ang anyo. Ito ay kilala sa pagiging maikli at sekular na uri ng prosa. Nagsimula lamang tumubo ito sa ating bansa sa huling mga taon ng ika-19 na siglo, sa lahat ng mga pangunahing wika sa bansa. Sa Cebuano, kilala ito sa tawag na sugilanon, salita sa Kapampangan at sarita sa Ilocano. Noong panah

More info:

Published by: Paul Eugenio on Aug 01, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/19/2012

pdf

text

original

 
Maikling Kwento
May mga kilalang uri ng pantikang naratibo sa bansa tulad ng mga kwentong-bayan at epiko. Ngunit ang
maikiling kwento o
short story 
 
ay bago pa lamang saating bansa, moderno at Kanluranin ang anyo. Ito ay kilala sa pagiging maikli at sekular na uri ng prosa. Nagsimula lamang tumubo ito sa ating bansa sa huling mga taon ngika-19 na siglo, sa lahat ng mga pangunahing wika sa bansa. Sa Cebuano, kilala ito satawag na
sugilanon
,
salita
sa Kapampangan at
sarita
sa Ilocano.Noong panahon ng mga Espanyol, may mga umusbong na maikling kwento saanyo ng mga
ejemplo
o
halimbawa
na makikita sa mga novena, sermon at ibang uri ngbabasahing pangrelihiyon. Madalas nagbibida ito ng mga buhay ng mga santo kagayang
Cassayoran sa Quinabuhi 
at
 Ang Suga.
Sa pagdating ng mga huling taon ng ika-19 na siglo, nagsimula nang umusbongang mga
cuadros
, mga kwentong naglalaman ng mga sekular na tema at mgakuntemporaryong usapin na hiwalay sa mga babasahin ng simbahan. Ngunit dahil sakawalan ng mga imprenta, hindi kumalat ang mga ito hanggang noong taon 1900.Noong pagdating lamang ng ika-20 siglo nagsimulang umusbong ang
maikling kwento
bilang isang hiwalay na uring panitikan, gaya ng
dagli 
,
pinadalagan
at
instantanea.
Sapagdaan ng panahon, ang temang romatiko nito ay napalitan ng protesta laban sa mga Amerikano at mga
 prayle.
Lumitaw ang mga
dagli 
sa mga pahayagan tulad ng
Muling Pagsilang 
at
Taliba,
at sa magasin na
Liwayway 
na nagsimulang nailathala noong 1922. Sa mgababasahing ito nakilala sina Lope K. Santos, Amado V. Hernandez at iba pa. Nagsimulading magsulat ang ibang manunulat sa Ingles, gaya nina Vicente M. Hilario at PazMarquez - Benitez. Ilang taon ang lumipas ay pinanganak ang ibang mga magasin nanagtatampok ng mga maikling kwento tulad ng
Bisaya, Hiligaynon
at
Bannawag.
Kungnoon ay naglalaman lang ito ng mga salin mula sa Tagalog, kinalaunan ay naglathalana ito ng mga maikling kwento na naisulat sa katutubong wika.Sa pagdating ng 1930 ay nagsimulang magbago ang mga naisusulat na akda,marami sa mga ito ay nagbibigay pansin sa mga isyung panlipunan, di tulad ng mgasentimental at madramang mga akda ng nakaraang dekada. Nakilala sa mgamanunulat ng maikling kwento sila Genoveva Edroza Matute, Juan C. Laya, Jose
 
Garcia Villa, Brigido Batumbakal at Nick Joaquin. Sa pagdating ng giyera, sumikatnaman ang mga akda nina Narciso Reyes, N.V.M. Gonzales at Liwayway Arceo.Makikita sa kanilang mga akda ang pagsunod sa mga nakasanayan, na may pokus samga tunggalian sa pagitan ng tradisyon at pagunlad, at ang konsepto ng pag-ibig,kawalan ng hustisya at materyalismo.Sa pagdating ng dekada sisenta, nagsimulang magsulat ang mga kwentista ngmga akdang repleksyon ng mga problemang panlipunan at ekonomiko ng Pilipinas,tulad ng kay Manuel Ocampo, Eduardo Reyes, Ponciano P. B. Pineda, Andres CristobalCruz at Rogelio Sicat. Iba-iba ang dating ng mga akdang naisulat: marami ay mayliberal na pagtingin habang ang iba ang naturalistiko at negatibo ang pagkakasulat.Ngunit habang palapit ang Martial Law, nagbago ang ideolohiya patungo sa Marksismoat Maoismo, repleksyon ng tumitinding paglakas ng mga maka-Kaliwa. Marami sa mgaakda ay nagnanais na ipakita ang tunggalian sa pagitan ng mga uri, mga isyu nglipunan, paglaban sa neo-kolonyalismo at hiling ng isang lipunang walang uri.Naniniwala ang mga manunulat noon na ang mga manunulat ay may tungkulin napalayain ang lipunan sa pamamagitan ng kanilang mga akda.Ngunit naputol ang lahat nang dineklara ang Martial Law noong 1972, kung saanmarami sa mga manunulat ang dinukot, pinatay o nawala na lamang bigla. Tanging mgapahayagan at akdang pasado at may magandang imahe ng pamahalaaang Marcos angpinayagang mailathala, tulad ng nasa magasing
Focus Philippines.
Nalimitahan angmga manunulat sa mga paksa tulad ng
Bagong Lipunan
at
Green Revolution
, o kayanamang mga akdang may temang sekswal. Bagamat bawal, lumabas ang mgaperyodikong tulad ng
Ulos
at
Kamao
na naglalathala ng mga akda patungkol sa mgaabuso ng rehimen at mga tunggalian sa lipunan.Sa pagkakatalsik ng rehimeng Marcos at pagbabalik ng demokrasya sa bansa,muling lumabas ang mga iba't ibang pahayagan at peryodiko na naghimok sa mgakwentista na magsulat muli. Lumabas din ang iba't ibang parangal para sa kanila, tuladng Gawad Ka Amado Hernandez at Gantimpalang Ani, bukod pa sa ibinibigay ngCultural Center of the Philippines at Gawad Carlos Palanca. Ang mga kwento pagkatapos ng rehimeng Marcos at makikitaan ng pokus samga bagong isyung panlipunan na may personal na tono, tulad ng pangingibang-bayan,
 
giyera sa Mindanao at laban sa NPA, peminismo, at ang pagsasapulitikal ng simbahan.Lumabas din ang mga akdang nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng buhay salungsod at sa nayon. Nakilala sa panahong ito ang mga akda nina Bienvenido Santos,Conrado de Quiros, Lualhati Bautista, Fanny Garcia, Rolando Tolentino, Ely Rueda-Guieb at marami pang iba.
Mga Uri ng Maikling Kwento
1.
Kababalaghan
- mga kwentong ginawa upang manakot ng mambabasa atkinakasangkapan ito ng mga madalas na kinakatakutan tulad ng halimaw, multoat mga kababaliwan.
2.
Misteryo
- umiinog sa paglutas ng espiya o mga palaisipan tulad ng kamatayano aksidente.
3.
Krimen
- tinatalakay ang misteryo, imbestigasyon at paglutas sa mgakarimarimarin na krimeng nararanasan ng isa o grupo ng tao.
4.
Thriller -
kathang makapigil-hininga dahil gumagamit ng panggulat at pambitin
5.
Kathang Siyensya -
katha tungkol sa bentahe ng teknolohiya at epekto ngsiyensiya sa ibang lipunan.
6.
Romansa -
kinatha bilang aliwan ng babae ukol sa pakikipagsapalaran sapakikipagkaibigan, pakikipagkasintahan at maging buhay mag-asawa.
7.
Kathang Pambabae -
mga kwentong hitik sa katatawanan tungkol sa buhaypag-ibig ng mga modernong babae sa kasalukuyan.
Mga Elemento ng Maikling Kwento
1.
Banghay
- burador o buod ng kwento. Ito ang gabay na sinusundan ng isangkwentista sa kanyang pagsisimula.
2.
Tunggalian -
labanan, salpukan at banggan ng mga lakas ng mga tao o kayapuwersa ng kapangyarihan. Dito nakabatay ang aksyon ng mga tauhan sa akda.
3.
Tema -
mga inspirasyon o motibasyon ng manunulat upang magkwento
4.
Tauhan -
tumutukoy sa mga personalidad ng mga tauhan na inilalarawan okinakatawan sa kwento.
5.
Tagpo -
ang lunan kung saan nagaganap at ang panahon kung kailan

Activity (4)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads
Gude Gudzz Perez liked this
Janine Molod liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->