Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
26Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Ano Ang Sanaysay

Ano Ang Sanaysay

Ratings: (0)|Views: 10,815|Likes:
Published by Paul Eugenio
Sanaysay Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan ng gamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kaya mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sa dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ng pagsusulat ayon sa perso
Sanaysay Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan ng gamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kaya mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sa dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ng pagsusulat ayon sa perso

More info:

Published by: Paul Eugenio on Aug 01, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/02/2013

pdf

text

original

 
Sanaysay
Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan nggamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parangnakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ngpagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kayamga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sadami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ngpagsusulat ayon sa personalidad ng may-akda.Nagmula ang salitang
sanaysay 
sa makatang si Alejandro Abadilla, nanangangahulugang " pagsasanay sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat nakaranasan." Nahahati ito sa dalawang uri ayon kay Genoveva Edroza Matute:
palagayan / impormal - malikhaung paghahayag ng saloobin mula sa mgapersonal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa paligid.
maanyo / pormal - diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa pagsasaliksik atpag-aaral ng mga impormasyon.Maari ring igrupo ang sanaysay bilang satirikal, pulitikal, panlipunanpangkasaysayan, pilosopikal, ispiritwal, inspirasyonal, pampanitikan o patawa, ayon kay Abadilla. Ngunit madalas na naghahalo ang mga anyong ito.
Kasaysayan ng Sanaysay
Nang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagsikap ang mga mananakop,sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika namaaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa mga ito ay ang
Declaracion de losmandamientos de la ley de dios,
isang paliwanag ukol sa Sampung Utos at ang
 Arte y reglas de las lengua tagala
na nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ngwikang Tagalog.Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino ay ang
Librong Pag- Aaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila
ni Tomas Pinpin. Dito ay sunod-sunod nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng
apuntes
(memoirs) at
informes
(accounts). Kahit na pangpersonal lang ang mga ito kadalasan, mababasa din dito angilang mga isyu sa pulitika, relihiyon at ekonomiya.
 
Sa pagsisimula ng Samahang Repormista, nagsimula ang mga manunulat namagsulat ng mga sanaysay na naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga mananakop, athumihiling sa mga Pilipino na kumilos laban dito. Ilan sa mga nakilalang manunulatnoon ay si Fr. Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar. Si Jose Rizal aynagsulat din ng mga sanaysay na naging batayan sa kanyang mga pampubikongpananalita. Sa panahon ding ito lumabas ang
La Solidaridad 
na naglilimbag ng mgasanaysay at artikulo ng mga repormista.Nang nagsimula ang rebolusyon, naiba ang hangarin ng mga manunulat patungosa pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa mga Kastila. Nagsimulang isulat angmga salaysay gamit ang mga katutubong wika. Una sa mga ito si Andres Bonifacio, anglider ng Katipunan, tulad ng kanyang mga akdang
 Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog 
at
Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan.
Sila Emilio Jacinto at ApolinarioMabini ay nagsulat rin ng mga kahalintulad na akda, tulad ng
Liwanag at Dilim
at
Kartilya ng Katipunan.
Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit ng wikang Ingles bilangwika sa pagsusulat ng mga sanaysay. Madalas itong impormal at sentimental, ngunitang iba'y nanatili sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng bansa. Nakilala sina CarlosRomulo, Fernando Marang, Maria Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario. Nabuo dinsa panahong ito ang
Kapisanang Panitikan
na nagnanais umali sa mga lumangpamantayan ng pagsusulat ng panahon.Pagkatapos ng digmaan, marami sa mga naisulat na sanaysay ay ginagamit sapagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong panahon na ito sila FranciscoIcasiano, Nick Joaquin, Kerima Polotan, Gilda Fernando at Renato Constantino. Angmga sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang kritisismo sa Amerika at angnasyonalismo na laganap bago ang pagdating ng Martial Law. Sa panahon ngPangulong Marcos, nasikil ang mga sanaysay na ito at nauso ang mga satirikongpagsusulat o mga sanaysay na personal ang tema.Sa modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga sanaysay nalumabas. May mga nakilala sa mga sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay BarbaraGonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon. Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman aynakilala sa mga sanaysay ukol sa kanyang mga paglalakbay, at sina Doreen Fernandez
 
at Edilberto Alegre ay nagsulat tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalezat Ildefonso Santos ay lumipat sa pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang mgaakdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol sa mga kuntemporaryong isyu, tuladng HIV-AIDS.
Elemento ng Sanaysay
Pamagat (Title) - nagsasaad kung ano ang nilalaman ng sanaysay, atnakakatulong ito sa mga mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.
Thesis -
ito ang masasabing "punto" ng sanaysay; kung ano ba ang nais naipahayag ng manunulat. Sa mga sanaysay, hinihingi na dapat maikli ngunitmalaman ito. Maari itong maglaman ng argumento upang maging epektibo angsanaysay. Maari itong makita sa umpisa, gitna o dulo ng sanaysay.
Organisasyon - Kung paano ba naka-ayos ang mga laman ng sanaysay. Sapagsulat nito, dapat na may magandang pagkakaayos ang laman mula saumpisa hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling maiintindihan ngmambabasa kung anong nais mong sabihin.
Pasimula (Introduksyon) - Unang talata ng sanaysay na nagpapakilala sa lamannito o mga impormasyong mahalaga upang maintindihan ang
thesis.
Katawan (Body) - Mga sumusoportang talata sa
thesis.
Naglalaman ito ng mgapunto na nagbibigay-diin sa mensahe ng sanaysay.
Kongklusyon (Conclusion) - Dito ibinubuod ang lahat ng laman ng sanaysay.Hindi katulad ng pasimula kung saan sinasaad ang punto ng sanaysay, dito naisisaad ng manunulat na tama ang kanyang mga sinasabi.
Mga Kilalang Manunulat ng Sanaysay
Fr. Jose Burgos
Pedro Paterno
Jose Rizal
Marcelo H. Del Pilar 
Graciano Lopez - Jaena

Activity (26)

You've already reviewed this. Edit your review.
Ricky Boado liked this
1 thousand reads
1 hundred reads
Recel Parba liked this
Beah Somozo liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->