Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
80Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Timawa Buod

Timawa Buod

Ratings:

2.0

(1)
|Views: 43,464|Likes:
Published by Junmar Oyardo
Buod ng nobela ni Agustin Fabian na Timawa
Buod ng nobela ni Agustin Fabian na Timawa

More info:

Categories:Topics, Art & Design
Published by: Junmar Oyardo on Aug 05, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
See more
See less

02/18/2015

 
Timawa: Isang Nobela
By:
 AC Fabian
Unang Kabanata Buod:
Araw ng Sabado pagkatapos ni Andres sa kanyang gawain sa kusina ng dormitory ay inusisa siya niAlice at Bill ukol sa kanyang karansan sa buhay. Naitanong siya kung anu-ano ang kanyang nagging trabaho saAmerica at ang kanyang tugon ay ako ay nagging tagahugas ng pinggan, nagging tagapitas ng mansanas atdalanghita, tagatanim ng kamatis, letsugas at reployo, nagging serbedor, utusan at ibat iba pang mga trabaho.Isa pang tanong sa kanya ay king bakit hindi na lang niya ipinagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho atnagpasya pa siyang mag-aral. Ang kanyang sagot ay sapagkat ito ay naipangako niya sa kanyang ama. Naikwento rin ni Andres na isang magsasaka ang kanyang ama at tuwing fiesta ay nagtitipon ang mga ito upangtumulong sa pag-aayos. Sabay sabay ring kumain subalit sila ay minata ng isang Donya at sinabihang mga
timawa
na hindi pa raw tapos makakain ang mga bisita ay ayun sila at kumakain na. Sinabi rin ng kanyang amana kung ayaw ni Andres na matulad sa kanya ay dapat itong mag-aral. Napag-usapan rin nila na dapat ay subukan ring mag-aliw ni Andres dahil tila maabot naman nito angkanyang mga pangarap. Natapos ang usapan ng lumalalim ang gabi at inihatid ni Andres si Alice sa kanyangtinituluyan.
Ikalawang Kabanata Buod:
Habang patungo sina Bill at Andres sa kanilang tinutuluyan ay tinukson ni Bill si Andres kay Alice dahilsa kanyang pakiwari ay may gusto ito roon. Panay ang udyok ni Bill na ligawan na ni Andres si Alice dahil satingin rin niya ay may gusto rin si Alice sa filipinong kaibigan. Napag-usapan rin nila na maraming nanliligaw sa dalaga at wala ni isa sa mga ito ang napupusuan niyasapagkat ang bukambibig lang daw ng mga ito ay puro pag-aaliw samantalang ang gusto ni Alice ay iyong pinaghahandaan ang kinabukaSan. Nagpatuloy sa pag-uudyok si Bill at sinabi rin nito na maraming pagkakatulad ang dalawa, una na rito ay parehas silang nakikibaka sa buhay, parehas rin silang ulila at pareho rin nagtatrabaho upang makapagtapos ng pag-aaral. Nakatulog na si Bill nguit hindi pa rin makatulog si Andres sa kakaisip sa sinambit ng Amerikanongkaibigan. Kinaumagahan ay pumasok na sila sa kanilang trabaho sa dormitory at nangantyaw si Bill na kunyariay sinabi ni Andres na bagay sila ni Alice. Tinanong ni Alice si Andres malapit sa tenga nito kung totoo iyonnang pumasok at nakita sila ni Mrs. Grey.
 
Timawa: Isang Nobela
By:
 AC Fabian
Ikatlong Kabanata Buod:
 Nilapitan sila at tinanong si Mrs. Grey kung anu ang nagyayari, sa pag-iisip nito na sina Andres at Aliceay nagkakaigi.Sinabi rin nito na hindi alam ng dalawa ang kanilang ginagawa at hindi raw magkabalat ang mgaito sapagkat lubhang pinapansin roon ang pag-uugnay ng di magkabalat.Umalis na si Mrs. Grey at dahil sa hinagpis ay napayakapn si Alice kay Andres na tila pinipigil namanang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Sumabat na si Bill at sinabi na kung totoo ang kanilangnararamdaman dapat nilang ipaglaban ang kanilang kaligayahan kahit pa maging tutol ang buong daigdig. Di itosinang-ayunan ni Andres at sabing sa nobela lamang nangyayari ang mga iyon. Naging mahaba pa ang argumentng dalawa ngunit hanggang sa huli ay walang gusting magpatalo sa kanilang pinaniniwalaan.Samantala pautloy pa rin si Andres sa pang-araw-araw niyang gawain. Bilang kabayaran sa pagtatrabahosa ladies’ dormitory ay doon siya kumakain. Ang ginagamit naman niya na pang matrikula ay ang naimpok niyang pera bunga ng kanyang pagtatrabaho noon. Nagkakaroon naman siya ng kaunting kita sa tuwing siya aynagpapaupa sa pagmamekinilya ng report ng kanyang mga kaklase sa unibersidad at isa narito ang mayamangFilipino na si Alfredo. Nung araw ring iyon ay pumunta si Alfredo sa pinagtatrabahuhan ni Andres upang magpagawa ng reportngunit ayaw nitong pumasok. Nagalit si Andres sa pag-iisip na ikinahihiya ni Alfredo na may makakita sa kanyana nakikipag-usap siya sa isang tagapaghugas lang ng pinggan. Upang makaganti ay siningil nito si Alfredo ngisang daang dolyar para sa pinagagawa nito. Ngunit nakita ni Bill at Alice ang ginawang iyon ni Andres kayanagalit si Alice.
Ikaapat na Kabanata Buod:
 Nagkaroon ng pagtatalo ang tatlo dahil sa palagay nina Alice at Bill ay mali ang ginawa ni Andres sakababayan nito. Para na rind aw hinoldap ni Andres si Alfredo sa ginawa nito ani Bill. Paliwanag naman niAndres na ginawa lamang niya iyon dahil sa tingin niya ay ikinahihya siya ng kababayan. Ipinaliwanag ngmaayos nina Alice at Bill na mali ang kanyang ginawa at pagkatapos ay nagpasya si Andres na ipabalik na langkay Alice ang pera ni Alfredo.Sa pamamagitan ng sulat ay naibalik ni Alice ang pitumpu’t limang dolyar kay Alfredo at may kalakipitong sulat na nagsasaad na dinamdam ni Andres ang hindi nito pagpasok. Dahil sa sulat ay naisip ni Alfredo namay katwiran si Andres ngunit higit na nasa isip niya ay si Alice na maaring dumagdag sa mga kakilala niyangdalaga at maaring maging katipan.Sabado ng gabi nang pumunta si Alfredo sa Ladies’ Dormitory hindi lamang upang makipag-unawaankay Andres kundi pati ang makipagkilala kay Alice. Nagtaka ang tatlo sa pagpasok nito sa kusina. Sa huli ayhumingi ng paumansin si Andres kay Alfredo at ang lahat ay naging masaya ng gabing iyon. Mag-isang umuwi siAndres habang nagmumuniamuni sa daan nang may malaking kasiyahan. Malalim na ang gabi nang umuwi siBill at nang makita ni Andres na may dugo ang kaibigan.
 
Timawa: Isang Nobela
By:
 AC Fabian
Ikalimang Kabanata Buod:
 Nang makita ni Andres na may dugo ang kaibigan sa mukha ay tinanong niya ito kung ano ang nangyari.Sumagot lang ito na siya ay nabunggo sa poste ngunit hindi naniwala rito si Andres. Hindi sinabi ni Bill angtotoo na siya ay napaaway sapagkat ipinagtanggol niya ang mga hindi puti sa kanyang mga kamag-aral, dahilalam niyang magdaramdam ito.Alam ni Andres na napaaway ang kaibigan kaya tinuruan niya ito ng boksing upang makaganti. Lumipasang ilang buwan at nagging mahusay sa pagboboksing ang dlawa at marami na rin ang nais magpaturo kayAndres.Dumating ang isa sa dating nakaaway ni Bill at hinamon si Andres sa isang laban at nagpaunlak namansi Andres. Umabot sila ng maraming rounds ngunit alam naman ni Andres na wala itong laban sa kanya at pinagbibigyan lamang niya ito. Nang makitang hindi na makakalaban ang katunggali ay pinatigil na niya anglaban sa referee at inalalayan ang kalaban. Dahil sa ginawang iyon ni Andres ay maraming humanga sa kanya atsiya rin ay inanyayahang sumali sa koponan ng boksing sa kanilang unibersidad. Di naglaon ay nagging kampeonsi Andres sa kanyang timbang.Dahil sa kasikatan nito ay marami ng bumabati at nakakakilala sa kanya ngunit hindi natutuwa rito siAlice. Tingin ni Alice ay nagbago na si Andres at hindi na ito namamansin dahil sa ito ay bigatin na. Upangmakabawi kay Alice ay ipinasya ni Andres na ibigay dito ang kanyang medalya ngunit nang sumunod na gabi ay bumisita si Alfredo at magiliw itong sinalubong ni Alice. Umalis si Andres at itinapon na lang niya ang kanyangmedalya sa basurahan.
Ikaanim na Kabanata Buod:
Tuloy ang pag-aanyaya ni Alfredo kay Alice ngunit hindi niya ito pinaunlakan. Samantala nakita namanni Bill ang itinapong kohetilyong may medalya ni Andres at ibinigay it okay Alice pagkaalis ni Alfredo. Nang makita ni Alice ang alay na medalya ni Andres sa kanya ay bigla itong naluha at natiyak niya nasya ay tunay na iniibig ng binata. Gumawa rin ng sulat si Alice na ipinabibigay niya kay Andres. Pagkauwi niBill ay ibinigay niya kay Andres ang sulat. Hindi agad ito binuksan ni Andres para di isipin ni Bill nanagmamdali syang mabasa ito. Lumipas ang ilang sandali nang binasa niya ito at nalamang mahal rin siya niAlice. Dito nagsimula ang pagkakaunawaan ng dalawa at di naglaon ay nagging magkasintahan.Samantala patuloy pa rin sa pag-anyaya si Alfredo kay Alice ngunit hindi pa rin ito napaunlakan. Hindimapigilan ni Alfredo ang mayamot sa dalaga habang naglalakad sila ni Andres, ngunit hindi naman mapigilan niAndres ang ipagtanggol ito. Nagalit si Alfredo at sinuntok si Andres ngunit umiwas at yumakap lang si Andresupang mapigil ang galit ng kababayan. Subalit tinuhod siya nito at iniwang nakahandusay.

Activity (80)

You've already reviewed this. Edit your review.
Pauline Cortez liked this
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->