You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN PARA SA MULTIGRADE HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN AT SIBIKA V at VI Aralin 1

HEKASI VI

I.

LAYUNIN Nakikilala ang mga katangian ng populasyon na makatutugon sa pag-unlad ng bansa.

II.

PAKSANG ARALIN Mga Katangian ng Populasyon sa Bansa BEC PELC Sanggunian: Ang Pilipinas sa Pagbuo ng Bansa, pp. 5 11 Tsart ng mga organizers, kard Kagamitan: Pakikipagtulungan sa pag-unlad ng bansa Pagpapahalaga:

I.

PAMAMARAAN Panimulang Gawain 1. Balitaan Magbalitaan tungkol sa kaunlaran ng kabuhayan sa sariling barangay at sa buong bansa.

2. Pagganyak a. Ipabigay ang kahulugan ng populasyon gamit ang concept map. populasyon tao

b. Isulat sa pisara ang salitang tao. Ganyakin ang mga mag-aaral na magbigay ng mga pakahulugan nila sa salitang tao sa pamamagitan ng concept mapping.
matalino palipatlipat ng lugar

masipag

tamad

Tao

sakitin

mapaghanap malusog

mahilig sa tahimik na lugar

c. Ipatukoy ang mga katangiang makatutugon sa pag-unlad ng bansa.

Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipabasa sa kanila ang teksto tungkol sa katangiang kanilang tatalakayin. Ipatala ang mahahalagang detalye sa tulong ng mga patnubay na tanong: Unang Pangkat Laki ng Populasyon Bilis ng Paglaki ng Populasyon 1

HEKASI VI

1. Taluntunin ang pagbabago sa laki ng populasyon mula 1960 2007. 2. Ano ang nangyayari sa populasyon ng bansa sa bawat taon? 3. Anu-ano ang mga dahilan ng mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa? Ikalawang Pangkat Distribusyon ng Populasyon Kapal ng Populasyon 1. Aling rehiyon ang may pinakamakapal na populasyon? 2. Alin ang may pinakamanipis ang populasyon? 3. Ano ang isinasaad ng talahanayan tungkol sa distribusyon ng tao sa bansa? Ikatlong Pangkat Populasyong Rural at Urban Kasarian at Gulang 1. Saan matatagpuan ang populasyong urban? populasyong rural? 2. Ano ang ipinahihiwatig ng datos ukol sa populasyong urban at rural? 3. Paghambingin ang populasyon ayon sa gulang at kasarian. Ikaapat na Pangkat Pandarayuhan Katangian ng Populasyon 1. Anu-ano ang mga dahilan ng pandarayuhan? 2. Anu-ano ang epekto ng pandarayuhan sa isang pook? 3. Anu-ano ang katangian ng populasyon na nakatutulong sa pag-unlad? Bilang ng Paglaki ng Populasyon Umaabot na sa 76,498,735 ang populasyon ng Pilipinas pagsapit ng taong 2000. Ang bilis ng paglaki nito ay dulot ng pagpapabuti ng kalagayang pangkalusugan at pangedukasyon ng bansa. Bigyang-pansin ang paglaki ng populasyon ng Pilipinas mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. (Tingnan sa Talahanayan 1.2) Ang kauna-unahang pagtaya sa populasyon ng bansa ay ginawa nang dumating ang mga Espaol noong 1521. Ayon sa mga tala ng mga misyonerong Espaol, may 500,00 katutubong Pilipino noon. Naging 1.5 milyon ang populasyon ng Pilipinas noong 1799; 1.9 milyon noong 1812; at 6.2 milyon noong 1896 nang magtatapos na ang pananakop ng mga Espaol sa bansa. Nagsimula ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano. Naitala ito sa 7,635,000 noong 1903. Nang lumisan ang mga Amerikano noong 1948, naging 19,234,000 na ang bilang ng mga Pilipino. Naranasan ng bansa ang mabilis na paglaki ng populasyon dahil sa pagbuti ng pampublikong kalusugan at sanitasyon. Nasugpo noon ang epidemya ng mga sakit na kolera at bulutong. Itinatag ang Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod na Kwarentas. Kasabay nito ang pagbubukas ng mga klinika at pagamutan at ang pagtuturo ng wastong pangangalaga sa pansariling kalusugan. Nagpatuloy sa paglaki ang populasyon ng Pilipinas noong panahon ng Ikatlo at Ikaapat na Republika. Noong 1970, 36.6 milyon na ang bilang ng mga Pilipino. Naging 55 milyon naman ito noong 1985 at lumaki pa nang sumunod na mga taon. May panahon ding bumagal ang paglaki ng populasyon ng bansa. Naganap ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naapektuhan nang malaki ang populasyon sa panahon ng kaguluhan at kahirapan ng buhay. Samantala, nagsimula ang programang pampopulasyon ng bansa noong 1969. Ito ang tugon sa suliranin ng mabilis na paglaki ng populasyon. ipinailalim ang programang ito sa Komisyon ng Populasyon. nagkaroon ng bahagi sa programang ito ang ibang mga tanggapan ng pamahalaan gayundin ang mga paaralan. Talahanayan 1.2 2

HEKASI VI

POPULASYON NG PILIPINAS, 1799-2000 Taon Populasyon (sa libo) Taunang Antas ng Paglaki 3.91 1.80 1.23 2.10 1.62 2.22 1.34 0.78 2.41 0.72 0.50 2.87 2.03 2.11 2.07 2.89 3.08 2.78 2.71 2.40 2.35 2.32 2.36 Pinagkunan ng Datos

1799 1800 1812 1819 1829 1840 1850 1858 1870 1877 1887 1896 1903 1918 1939 1948 1960 1970 1975 1980 1985 1990 1995 2000

1,503 1,561 1,933 2,106 2,593 3,096 3,857 4,290 4,712 5,568 5,985 6,261 7,635 10,314 16,000 19,234 27,088 36,684 42,071 48,098 55,000 60,703 68,616 76,499

P. Buzeta P. Zuiga Sedula Sedula Simbahan Mga lokal na opisyal P. Buzeta Bowring Guia de Manila Senso Senso Pagtataya ni Prop. Plehn Senso Senso Senso Senso Senso Senso Senso Senso Senso Senso Senso Senso

Pinagkunan: 2001 Philippine Statistical Yearbook Distribusyon ng Tao sa Pilipinas Hindi pantay ang distribusyon o pagkakabahagi ng mga tao sa Pilipinas. Ito ay iniuugnay sa ibat ibang salik tulad ng kalagayang pisikal ng mga rehiyon, pandarayuhan, pag-aanak at pagkakaroon ng transportasyon at komunikasyon. Ang distribusyon ng tao sa bansa ay pinagbabatayan ng pangangasiwa, pamamahagi ng mga kalakal, paglilingkod at pagpaplano ng mga pamayanan. Dahil dito, mahalaga ang pagtiyak sa kalagayan ng distribusyon ng tao sa bansa. Nasusukat ito sa pamamagitan ng kapal ng populasyon. Kapal ng Populasyon Tumutukoy sa bilang ng tao sa bawat kilometro kwadrado ng lupain sa bansa ang kapal ng populasyon. natutuos ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang populasyon ng bansa sa kabuuang sukat o lawak nito. Bilang ng Tao Kabuuang lawak ng bansa

Kapal ng Populasyon

Ano ang kapal ng populasyon ng bansa noong 2000? 76,498,735 300,000 kilometero kwadrado

254.99578 o 255

HEKASI VI

Ang karaniwang kapal ng populasyon ay 255. Nangangahulugan ito na 255 ang bilang ng tao sa bawat kilometro kwadrado ng lupain. Ano naman kaya ang magiging kapal ng populasyon ng bansa sa taong 2005, kung aabot na sa 83 milyon ang bilang ng mga tao rito? Makikita sa sumusunod na talahanayan ang kalagayn ng kapal ng populasyon ng bansa noong 2000. Aling rehiyon ang may pinakamakapal ng populasyon? Aling dalawang rehiyon sumusunod dito sa kapal ng populasyon? Aling rehiyon ang may pinakamaliit na populasyon? Talahanayan 1.3 KAPAL NG POPULASYON, 2000 Rehiyon Bilang ng Tao sa Bawat Kilometro Kwadradong Lupa NCR 15,617 CAR 100 I 327 II 100 III 445 IV-A 574 IV-B 84 V 265 VI 310 VII VIII IX X XI XII ARMM CARAGA Average 381 168 198 196 191 179 211 111 255

Pinagkunan: 2001 Philippine Statistical Yearbook Sagutin Mo 1. Ano ang tinutukoy ng katawagang populasyon? 2. Kailan ginawa ang kauna-unahang pagtaya ng populasyon sa Pilipinas? 3. Anu-ano ang isinasaad ng Talahanayan 1.1 tungkol sa populasyon ng Pilipinas noong 2000? ng talahanayan 1.2? 4. Bakit hindi pantay ang distribusyon ng populasyon sa ibat ibang lugar ng bansa? 5. Bakit mahalaga para sa pamahalaan ang kaalaman tungkol sa distribusyon ng populasyon ng bansa? 6. Ano ang pagkakaugnay ng distribusyon ng populasyon sa kapal nito? POPULASYONG RURAL AT URBAN Mahigit sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay rural. May mga populasyong rural sa lahat ng mga rehiyon ng bansa maliban sa Metro Manila. Kabilang sa populasyong rural ang magsasaka, mangingisda, magtotroso at minero. Ito ang mga gawaing pangkabuhayan na pana-panahon, hindi gaanong malaki ang puhunan, hindi gaanong matatag ang bentahan at bilihan at kulang sa pamamahalang teknikal. May kinalaman dito ang uri at dami ng mga likas na pinagkukunang-yaman sa pamayanan. Samantala, ang populasyong urban sa Pilipinas ay matatagpuan sa Metro Manila at iba pang mga pangunahing lungsod at bayan. Karaniwang malaki at may kakapalan ang populasyon sa mga pook na urban. halimbawa, bagaman pangalawa lamang sa may pinakamakapal na populasyon ang Metro Manila, ang kapal ng populasyon nito ay 15,617 sa 4

HEKASI VI

bawat kilometro kwadrado. Kaya naman, nagiging suliranin dito ang pagsisikip, polusyon, paglaganap ng ibat ibang sakit, kawalan ng hanapbuhay at pagtaas ng antas ng krimen. Pag-aralan ang Talahanayan 1.4. Ano ang mapapansin sa agwat ng bilang ng populasyong rural at populasyong urban? Ano ang ipinahihiwatig nito? Talahanayan 1.4 POPULASYONG RURAL-URBAN NG PILIPINAS 1980, 1990, 2000 1980 1990 2000 Pook Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan Rural 30,088,711 62.56 31,256,195 51.49 32,894,457 43 Urban 18,008,749 37.44 29,441,719 48.51 43,604,278 57 Kabuuan 48,097,460 100 60,697,914 100 76,498,735 100 Pinagkunan: Asiaweek, June 2, 2000

Kasarian at Gulang Sa 68,616,536 na populasyon ng mga sambahayan sa Pilipinas noong 1995, iniulat na mataas nang kaunti ang bilang ng mga lalaki sa mga babae. Ang proporsyon o bilang ng mga lalaki sa bawat 100 babae ay 101.6. Inulat na 100.7 ang proporsyong ito noong 1980. Sa mga rehiyon, tanging ang Pambansang Punong Rehiyon lamang ang may nakararaming babae, na iniulat na 95.5. Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinakamalaking proporsyon ng mga lalaki sa bawat 100 babae, na iniulat na 105.2. Tulad ng karamihan sa mga umuunlad na bansa, ang piramide ng gulang at kasarian para sa Pilipinas ay nagpapakita ng isang malawak na balangkas. Nagpapahiwatig ito ng isang batang populasyon. Nagpapakita rin ito ng pagbaba ng populasyong lalaki at babae sa pagtanda ng mga ito. Kapag hinati sa tatlong pangkat ng gulang, ang populasyon na wala pang 15 taong gulang ay binubuo ng 38.3 bahagdan. Ang pangkat na produktibo o 15 hanggang 64 na taon ay 58.2 bahagdan.

Ang matatandang 65 taon pataas ay may 3.5 bahagdan lamang. Nangangahulugan ito na sa bawat 100 tao sa bansa, mga 38 ang may gulang na mula 0 hanggang 14 na taon; mga apat ang may gulang na 65 taon pataas; at 58 ang may gulang na 15-64.

Ang populasyong nasa gulang na 15 hanggang 64 na taon ang ipinalalaga na naghahanapbuhay. Ang populasyong kasama sa gulang na wala pang 15 taon at 65 taon 5

HEKASI VI

pataas ang nabibilang sa hindi naghahanapbuhay. Makikita sa gulang ng populasyon noong 1995 na sa bawat 100 tao, 58 ang naghahanapbuhay at 42 na hindi nagtatrabaho ang umaasa sa kanila. Tatlumput walo sa kanila ang mga batang wala pang 15 taon at apat ang matatanda. Ang hindi tiyak dito ay kung ang lahay ba ng taong may gulang na 15 hanggang 64 na taon ay may hanapbuhay. Ano ang ipinahihiwatig ng bilang ng populasyong 0-14 na taon mula 1980 hanggang1995? Ano naman ang kahulugan ng papalaking bahagdan ng populasyong may gulang na 65 taon pataas mula 1980 hanggang 1995?

Talahanayan 1.5 POPULASYON NG PILIPINAS AYON SA GULANG 1980, 1990, 1995 1980 1990 1995 GULANG Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan 100 60,697,994 100 68,613,706 100 Kabuuan 48,098,460 20,221,547 42.0 24,004,586 39.5 26,295,462 38.3 0-14 26,240,572 54.6 34,629,959 57.1 39,903,629 58.2 15-64 3.4 2,063,449 3.4 2,414,615 3.5 65 pataas 1,636,341 Pinagkunan: 2001 Philippine Statistical Yearbook 2. Pagtalakay Ipaulat sa bawat lider ng pangkat ang mga nakuhang impormasyon. Gabayan ang mga bata sa pagtatalakayan sa tulong ng mga organizers. Pangkat I Laki at Bilis na Paglaki ng Populasyon Taon 1960 1970 1980 1990 2000 2007 Populasyon 27,087,685 36,684,486 48,098,460 60,703,206 76,504,077 88,574,614 Dagdag na Populasyon

9,596,801 11,413,974 12,604,746 15,800,871 12,070,537

Pangkat II Distribusyon at Kapal ng Populasyon sa Bawat Kilometro Kwadradong Lupa LUZON VISAYAS NCR 15,617 R-VI 310 CAR 11 R-VII 381 R-I 329 R168 VIII R-II 100 R-III 445 R-IVA 574 R-IVB 84 R-V 265 MINDANAO R-IX 198 R-X 196 R-XI 191 R-XII ARMM CARAGA 179 211 111

Pinagkunan: Asia Week, June 2, 2000 Pangkat III

HEKASI VI

A. Populasyong Rural at Urban Populasyong Rural at Urban

57%

43%

Urban - 43,609,620 Rural - 32,894,457

Pinagkunan: Asia Week, June 2, 2000

B. Kasarian at Gulang (2000)

Ayon sa Kasarian
65 pataas (4%)

49.6450.36 % %

Lalaki 38,524,267

Babae 27,979,810

Pinagkunan: NSO, 2000

Pangkat IV
pagiging malusog at matalino may kasanayan

Katangian ng Populasyon Tungo sa Pag-unlad

may wastong saloobin maayos at tama ang pamamaraan epektibo at maaasahan matiyaga sa gawain mapagmahal sa mga bata Mabilis magkwenta masipag sa pagtupad sa tungkulin

Pandarayuhan
EPEKTO NG PANDARAYUHAN

Pagbabago sa Populasyon

Pagbabago sa Kalakarang Gulang ng mga Tao

Pagbabago ng mga programa at gawain sa pagpapaunlad ng bansa

HEKASI VI

Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Anu-ano ang katangian ng populasyon na makatutugon sa pag-unlad ng bansa? Ang mga katangiang ito ay ang mga sumusunod: laki ng populasyon distribusyon at kapal ng populasyon populasyong rural at urban kasarian at gulang pandarayuhan populasyong malusog, matalino at may wastong saloobin 2. Paglalapat a. Makipangkat sa dalawang kamag-aaral at bumuo ng triad. Pag-usapan at talakayin ang inaakalang sagot sa tanong na nasa kahon. Isulat sa papel ang nabuong kasagutan at basahin sa klase. Bakit mahalagang kilalanin at pag-aralan ang ibat ibang katangian ng populasyon sa bansa? b. Paano ka makikipagtulungan sa pag-unlad ng bansa? CORRECTIVE INSTRUCTION

IV.

PAGTATAYA Kilalanin kung anong uri ng katangian ng bansa ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang titik lamang. ________1. ________2. ________3. ________4. Malawak ang pang-unawa at mabilis magtrabaho. May mga lugar sa bansana malawak ngunit madalang ang mga taong naninirahan. Ang Pilipinas ay binubuo ng 76,504,077 na populasyon ayon sa 2000 senso. Maaaring lumiit ang populasyon ng nilisang lugar at lumaki naman sa lugar na pinuntahan. Tinatayang higit sa 16 milyon ang madaragdag na populasyon ng bansa pagsapit ng 2010. a. b. c. d. e. f. Paglaki ng populasyon Malusog at matalinong populasyon Pandarayuhan Bilis ng paglaki ng populasyon Bilang ng populasyon Distribusyon at kapal ng populasyon

________5.

V.

KASUNDUAN Anu-ano ang mga salik na may kinalaman sa paglaki ng populasyon? 8

You might also like