You are on page 1of 52

Rose Marie Almares

Characters: Reinamie Ayra Marieczar Almarez Ken Arthur Fernandez John Andrei Borja Jovelyn Clarisse Libunao Raymart Calaoagan Jose Mari Bungalan Darren Caabay Julianne Agustin Stephanie Azurin Jose Marie Bungalan Gerard Nico Sabado Patrick Peralta *BITCH Others

PROLOGUE I never imagined that he can do that to me. Yung tipong, in one moment, were okay. Then suddenly, everything was changed. Sabi niya, I love you so much. Wag na wag mo akong iwan. In just one click, nagbago na isip niya. Sabi niya, hindi na kita mahal. Iniyakan lang kita kasi naaawa na ako sayo. Everything went wrong. Isa lang inisip ko nung mga sandaling yun, yun ay ang mamatay. But one side of my heart told me, Hes not worth it. Can we go back to the place our love was strong? Can you tell me how our perfect love goes wrong? Can somebody tell me how to get things back the way it used to be? Oh God, give me a reason. Im down on bended knees. Let me tell you my story. Let my expectations touch your heart, and let my story inspire you not to expect too much.

CHAPTER 1 lets meet up! my former classmate, John Andrei, texted me. where? ahm. SM? What tym ka free? after my last exam. 5:00 maybe?

sige. Hintayin kita ha? oh sure. See yah! So, dyan nagstart lahat between Drei and I. I went to the SM after my last exam. Then, pumunta kami sa quantum. Tambay lang dun. Tapos pakila-pakilala. He was my classmate in elementary. Pero hanggang grade 3 lang kasi nagtransfer sya dito sa Baguio nung grade 4. He looks so HANDSOME! Di ko iniimagine na magiging ganito siya kagwapo ngayon! Nung mga bata kasi kami, lagi kaming nagaaway kasi bully siya! Super bully! As in ! I cant stand him! Hahaha but seeing him right now makes me feel kilig ! ang gwapo na kasi niya ! oh! By the way! I havent introduced myself yet. Im Reinamie Ayra Marieczar Almarez. Nagaaral sa Saint Louis University Baguio City. 1st yr college. Back to the main topic,dito kami sa SM. Nasa getting-to-know each other stage ulit kami. Haha. Pero, Im so kilig talaga! I think, I like him na!

so, miss ayra. Magkwento ka naman tungkol sa sarili mo. Anu nang bago sayo ngayon? wala naman masyado ee. Kaw muna magkwento. Nahihiya talaga ako sakanya. Sa sobrang gwapo ba naman niya !haiiiiy ! oh sige, ako muna mauuna. Hmm. 4th yr high school palang ako. Nagstop kasi ako nung lumipat ako ditto sa Baguio. Napabarkada kasi ee. Pero 1 yr lang naman yun. Nabarkada ako, natry ko makipagaway, yung bugbugan talaga. Natry ko rin magyosi, magbisyo. Nabarkada talaga ee. Pero nung narealize kong mali yun, sumali ako sa church namin. Naging drummer din ako dun for 2 years. Dun ako nagbago talaga. Good boy na ako ngayon. Then he smiled. Wow! Im so impressed! Wala siyang bisyo, makadiyos, drummer pa! unti unti ko na talaga syang nagugustuhan. Since nahihiya pa ako, di ako makapagsalita ng masyado. wow! So nagbago ka talaga ha? oo naman! Alam mo bang crush kita nung elementary? Waaaah! Parang naaalala ko rin na naging crush ko sya. Pero dahil nga sa pambubully nya sakin nun ee siguro nawala yung feelings ko sakanya , kasabay nung pagtratransfer niya ditto sa Baguio. And we were just in 3rd grade then. Di pa alam kung anu mga feelings ng mga bata noon. Hahaha. So sabi ko nalang, oh? Ahm. Ako rin ata ee? Hahaha kaso lagi mo akong binubully nun. Haiiiy! di bale, nagbago na ko ngayon.ahm. pwedeng magtanong? anu yon? oh my god! Itatanong ba niya kung pedeng manligaw? Waaaaah! pwede ba kitang ligawan? Waaaah ! eto na yun ee! Waaah ! what am I going to say? hindi ba parang ambilis? Ngayon ngayon lang tayo nagkita, tapos, ligaw agad?

nung first time kasi kitang nakita, may naramdaman na akong kakaiba ee. So, pede ba? sigurado ka ba jan? yup! uhm. Oh sige! thank you! tara na. 7pm kasi curfew ko ee. tara. Hatid na kita. Habang naglalakad kami sa session road, biglang umulan. Wala pa mandin kaming dalang payong! Waaaaaah! Then sabi niya, hintayin mo ko dito. May bibilhin lang ako. Iniwan niya ko sa tapat ng 7/11. Di ko naman alam kung san siya pupunta. So yun. Pagbalik nya, may dala na syang payong. halla! Napabili ka pa ng payong! okay lang! 60.00 lang naman ee. Wala naman sa price yung sinasabi ko ee, ibig kong sabihin, nagapakagentleman pa siya. Haha. So naglakad ulit kami papunta ng dorm ko. Habang naglalakad, hinawakan ko yung arm niya. Kasi, ang gentleman niya. Grabe. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking ganto. I really really really like him na! Nung malapit na kami sa dorm, sabi niya, pwede ko bang hawakan kamay mo, miss ayra? sure. Nahiya naman daw ako kasi baka magaspang kamay ko ahahaha. Nung malapit na talaga kami sa dorm, he tried to kiss me. Pero sabi ko, wag muna. Nanliligaw ka palang ee. sorry. Then pumasok na ko sa loob ng dorm. Super kilig ako grabe! Tapos nagtext siya bigla, sorry sa nagawa ko. Baka maturn off ka na sakin niyan.: ok lang yun. Atleast nagsorry ka di ba? sorry talaga.

Ayun. He never failed to impress me. Labas kami ng labas pero di ko napapabayaan pagaaral ko. Naging inspiration ko sya.

FEBRUARY 14, 2012 Grabe! 3 flowers natanggap ko kanina sa room, isang subject lang yun ! tapos isang serenade. Hmm. Sa school kasi, tuwing valentines day, may mga booth. Pwede kang magpadeliver ng flowers and/or chocolates. Pede rin ang serenade. Pinaserenade ako nung barkada ko. Failed nga lang kasi after nung kanta, sabi nung kumanta ee anjan po sa labas si Erick, nahihiya daw pumasok. Ayun! Nalaman kong siya yung nagpaserenade sakin. Hahaha. Namimis ko na si Drei. Makikipagkita ako sakanya mamaya. Magstay sya sa dorm till 9pm mamaya. Excited na ko Lumabas kami ng mga barkada ko. Pumunta kami ng quantum, where it all began. Hinintay ko dun si Drei. Excited na kong Makita siya. I texted him, asan ka na? naglalakad palang ako dito sa session. ok. Cge. Hintayin kita. Ingat ka ha? Ilang minutes na ang nakalipas wala pa rin siya. Haiiiy ang tagal niya. Excited na kong Makita talaga siya ee. Miss na miss ko na siya. Pagdating niya, pinakilala ko siya sa friends ko. Then, nalaman ko na kaya siya natagalan kasi bumili siya ng flowers and chocolates. Nakasupot pa kasi ng SM yung chocolate ee. Hahahaha ngayon lang ako nakatanggap ng bouquet galling sa manliligaw! Haiiiy hes soooo sweet ! naglakad-lakad kami then pumunta na ng dorm. Balak ko na siyang sagutin . mamaya sasabihin ko sakanya. Isssh! Ang gwapo ng soon-to-be boyfriend ko! Damn! Nung nasa dorm na kami, tinatanong tanong niya ako kung kelan ko siya sasagutin. Drei, ready ka na bang magka girlfriend? ewan ko. Bakit? Aww. Kung sinabi niyang oo, sasagutin ko na siya. Pero, mali sagot niya ee! Sayang! wala lang. natanong ko lang. pero kelan mo nga ako sasagutin? maghintay ka nalang.

Pinauwi ko narin siya after naming magusap. Its getting late na rin kasi ee. Then nagtext ako saknya. alam mo ba kung bakit ko natanong yun? Sasagutin na dapat kita ee, kaso mali sagot mo. its okay. I can wait. For you. How sweet. I love him already. Nagtwit ako. Saying, will you be my man ? Nagreply siya ng, aww. I missed it. But its okay. I can wait. Nagpost siya sa FB wall ko ng, waiting shed ka ba? bakit? kasi bus ako.hihintayin kita. hindi ba parang baliktad? anung baliktad? di ba dapat, aq yung bus? Tapos nasa waiting shed ka, kasi, hinihintay mo ako? oo nga noh? Haha ganun narin yun. Basta hihintayin kita. I love you. I love you, too. Waaah! I love you-han sa FB? Broadcast na broadcast ee noh? Hahaha. Inlove ee. SUNDAY Niyaya ko siya sa Gonzaga Building. May concert kasi dun yung School of Teaching. Kasama namin sina Julianne, Karlo, Fred, at Daniel. Syempre magkatabi kami ni Drei. Feeling ko nga naboboring siya, pero ako enjoy. Haha. Pagkatapos nung concert, nagyaya silang kumain. Treat ako ni Drei. Sa KFC kami kumain. Hahaha gutom na gutom ata tong mahal ko, dami niyang inorder ee. Habang dumadaan yung mga araw, lalo akong naiinlove sakanya. Hanggang sa isang gabi, niyaya niya ako manood ng concert sa athletic bowl. Pumayag ako pero pagdating ng 7:30, di pa nagsisimula yung concert, nagyaya na akong umuwi. Sasagutin ko narin siya. Nung malapit na kami sa dorm, sabi ko sknya, drei, may ipapakita ako sayo. anu un? sa tab* ko. Tgnan mo jan sa album sa gallery. *galaxy tab

Ang totoo niyan, isang personalized picture ang nandun. Saying, REMEMBER THIS DAY, BECAUSE IT IS THE DAY THAT ILL BE YOUR GIRL. I LOVE YOU. PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART.Sabi niya, sinasagot mo na ako? ayaw mo? girlfriend na kita? ayaw mo nga? syempre gusto ko. Simula ngayon, girlfriend na kita! Yesss! sige na! uwi ka na. late na ee. Ingat ka ha? I love you. sure. I will. I love you too. Pagdating ko ng dorm, nakatanggap ako ng gm* niya. I love this day.

I love you, babe.

Drein.01 *group message.

CHAPTER II Parang gusto kong bawiin yung pagsagot ko kay Drei. Para forever friends kami. Ayoko kasi yung pag magbrebreak kami eh masakit super. Haiiiy. I texted him. Drei, parang gusto kong friends lang muna tayo. Ayoko kasing magbreak tayo ee. Mahal na talaga kasi kita. Baka magsawa ka agad sakin. Gusto ko sanang ituloy. Kaso , nahihiya ako ee. bakit? May nagawa ba akong mali? wala naman. Tinuloy namin yung relasyon namin. Masaya naman kasi lagi kaming nagkikita. I really really love him. masyado akong busy ngayon kasi may research kami sa Filipino. Research at survey. sa March 5 niyo na ipapasa yung research niyo. Sabi ni Mrs. Garcia, yung Filipino teacher namin. 5 kami sa isang group. Kagrupo ko yung dating boyfriend ng kaibigan ko, si Ken Arthur Fernandez. Bawat meeting naming magkakagroup, siya lagi katabi ko. Lagi ko rin siyang pinagsasabihan. Kasi naman, siya tong nakipagbreak. Sa araw ng 1st monthsary nila. Haiiiy. How can he dump a girl? Ish! Nainis tuloy ako sakanya! grabe ka naman! Ikaw pa tong nakipagbreak sakanya. Haiiiy. Ano ba talaga kasing nangyari sa inyong dalawa? nakakasawa na kasi siya. Ang boring niya ee. Lagi nalang kaming nagaaway. grabe ikaw pa talaga tong nagsawa sakanya. Haiiiiy. Ewan ko sayo. Pero alam mo, feel ko rin magbf ng taga mens dorm. Para lagi akong hinahatid. Haha. Tapos alam ko rin kung anong oras siyang umuuwi. Haiiiy. No comment man lang sya sa sinabi ko. Haiiy. Manhid talaga ! nakakainis! ui, punta kayo bukas sa dorm. Tapusin na natin yung research natin. anong oras? text text nalang. di ko alam number mo. Binigay ko sakanya # ko then tinext niya ko agad. --------------babe, mass tayo. saan?

sa cathedral? oh sige. Sunduin mo ba ako? diretso ka nalang sa simbahan babe. Dito na ko ee. Sa pinakaharap ng simbahan. Pumunta ako agad sa simbahan. Nakita ko naman siya agad dun. Siyempre, mahal mo ee. Alam na alam mo kung anunng hitsura niya, anong amoy niya, kahit siguro anino niya malalaman mo. Ganun kapowerful ang love. Naks! Tumabi ako sakanya. wag ganyan. Nasa simbahan tayo. Lumayo siya sakin. wow. Bait aa. Parang mejo nagtampo ako sakanya nun. Haist. Kaya di ko siya nilalapitan.then bigla siyan lumapit sakin, di rin siguro nya ako natiis. oh, bat ka lumalapit? bawal ba? andito tayo sa simbahan ee. Hahaha. Ang gwapo niya talaga! Magkalapit na ulit kami. you may now give the sign of peace. sabi nung pari. Ayun. Kiss ko siya sa cheeks. Ganun din siya sakin. Haiiiy. How sweet. I love him. I really really love him ! Sabi niya may pupuntahan daw siya kaya pagkatapos ng mass hatid agad niya ako sa dorm. Ayun. Pumayag naman ako. Alam ko naman na di siya gagawa ng kalokohan ee. Yung bang alam kong safe siya sa pupuntahan niya. Pagdating namin sa dorm, pinakilala ko siya kay ate emx. Ung asst. matron namin. Sabi ko sakanya, babe, tulungan mo naman kami sa research namin. Magaling ka naman di ba? sige. Tignan ko. Anong oras ba? uhm. Sabi nila mga 2 daw ee. Hintayin nalang natin. oh sige. Hinihintay namin mga groupmates ko. Haiiiy ! naman oh! Yung feeling na di pa kami naglalunch, hinihintay lang namin sila. Unang dumating si Wellden. Sumunod si Ken, tapos si Jeff. Di ako makapagisip sa gagawin namin. Waaah ! bukas na yung deadline ! wala pa kaming nagagawa! Buti nalang, 89 grade ko sa Filipino nung Prelims. 87 nung midterm. Dapat nga din a ko namromroblema ditto kasi sure of passing na ko. Kaso kasi, saying din naman di ba?

Habang nagiisip kami ni Wellden para sa research namin, naglalaro sina BF at Jeff sa laptop ko.si Ken naman, nagtetext. Si Drei, hes perfect. Kaclose agad niya tong mga groupmates ko. Hahaha parang ayaw ko na nga siyang papuntahin sa pupuntahan niya. Kaso baka sabihin aman niya masyado akong demanding. Gusto ko lagi ko lang siyang kasama. Gusto ko ako lang. kaso baka pag sinabi ko sakanya, iba yung maging impression niya sakin. Halos di ko nga pinaparamdam na mahal ko siya. Gusto ko kasi machallenge siya ee. Yung ganun ba. Haiiiy. Sana di siya magsawa sakin. Drei, anung ginagawa niyo? naglalaro, di mo ba nakikita? Mejo napahiya ako dun aa! Tinawanan tuloy ako ng mga groupmates ko. sorry naman! tinarayan ko siya. Ish. Nakakainis lang naman kasi ee! Hindi naman big deal yun, kaso, gusto ko lang rin itest kung hanggang saan yung kaya niyang ugali ko. Nagwalk out ako. Kinuha ko nalang yung reviewer ko sa Chemistry kasi may quiz kami kinabukasan. Pagbalik ko, sorry siya ng sorry sakin. Tumatabi-tabi siya sakin. Kaso nga lang, paepek nga ako di ba? Kaya di ko siya pinapansin. ui, Ayra, sorry na. to naman, daling magalit. Di na mabiro. ee ang ganda ganda kasi ng pagkakatanong ko ee! Tapos sasagutin mo ko ng ganun? Sinong di mababadtrip? sorry na please Sa sobrang di ko pagkatiis sakanya, pinansin ko rin siya. Inaalala ko rin kasi yung pag alis niya maya maya ee. Maiiwan nanaman ako. Iiwan na niya ako. Huhuhuhu OA lang teh? Hahahaha. Ilang saglit lang, sabi niya, alis na ko. Tinext na ko ng kasama ko. oh sige. Tara hatid na kita sa labas. ingat ka ha? I love you. I love you, too. Then he kissed me.

CHAPTER III 8Di ako makapagisip ng maayos kasi wala na si Drei. Si Ken, Jeff at Wellden nalang kasama ko. Pero paalis narin si Wellden at Jeff. Pinaiwan ko si Ken kasi taga mens dorm lang naman siya. Nung malapit ng mag 7pm, sabi k okay Ken, tara! Kain tayo sa labas. Para matapos na yan.

oh sige. San tayo kakain? your choice. sa Mang Inasal nalang. Para makapagyosi pa ako. So , pumunta kami sa Mang Inasal. Grabe! Ang daming tao! Panagbenga kasi ee! Nagulat ako nung nilagay nya yung point finger nya sa balikat ko. Tas sabi niya, hawak ako sayo. Baka mawala ako. oa mo naman! Alam mo naman umuwi magisa ee! Then yun. Inalis niya. Iniisip ko rin kasi baka may makakita samin. Sus! Kahit ganun kasimpleng bagay lang, dami ng malisya para sa iba. Ayoko namang iba yung sabihin nila, makarating pa kay Drei. Di ko pa nga pala naisasabi sakanya na sa labas ako kakain kasama tong groupmate ko. Nagtext ako sakanya, babe, kasama ko si Ken. Ditto kami sa Mang Inasal. Nung nasa Mang Inasal kami, binigay niya sakin wallet niya. Ako ata magoorder para saming dalawa. How inconsiderate! Ish! anu sayo? kung ano sayo, yun narin sakin. Yung chicken leg sana oorderin ko. Kaso nga lang, sabi nung crew ee 30 mins pa daw ang hihintayin. Kaya yung sisig nalang inorder ko. ken, yung sisig yung inorder ko kasi 30 mins pa hihintayin pag yung chicken, okay lang ba? okay lang. Nung dumating yung order namin, dir in naman kami nakagawa ng dapat naming gawin. Haha. Kasi napasarap sa pagkain ee. Hahahahahahaha Since magyoyosi siya, pumunta kami sa smoking area. Dun ko nalaman na meron palang fireworks display na magaganap. Last day ng panagbenga ee. Nasisiyahan ako habang nakikita ko yung mga fireworks. Ibat ibang shape kasi. Habang nanonood ako ee nararamdaman kong nakatingin siya sakin. Pano ba naman kasi, para akong bata! Halos mapatalon ako sa tuwa. Nakatingala. Busy ako sa panonood, siya busy sa pagtetext at pagyoyosi. Hahaha. Habang nakatingala ako, pinitik niya yung leeg ko. ang sakit naman! mukha ka kasing batang nanonood ee. Nakakaaliw ka kasing panoorin. so kelangan mamitik? Tumawa lang ang loko. Hahaiiiy!

Nagdecide na kong umuwi kasi mag 8pm na. habang nasa daan kami, pinapangaralan ko nanaman siya na hindi dapat sya yung nakipaghiwalay sa babae. Kasi maling mali yun. Sa mismong araw pa ng 1st monthsary nila. Marami na siguro tong napaiyak. Haha. Buti pa yung si Drei KO ee mabait. Mahal ako. Hahaha kilig nanaman ako . Speaking of him, di pa sya nagtetext sakin. Wala siguro siyang load. Haiiiy. Miss ko na siya. Sana siya nalang kasama ko sa mga oras na to. Nakarating na kami sa kanya kanya naming dorm. Dun q lang nareceiive yung text ni Drei. Saying, ok. Sige. Ingat babe. I love you. Hes really sweet. Naalala ko tuloy yung minsang pinagusapan naming yung tungkol sa pagcocollege niya. Gwapo ee. Baka pag nagcollege siya, marami siyang mameet na ibang babae. Pano nalang ako? Ee ang gusto daw niyang kunin is tourism. Gusto daw niyang magaya sa ate niya and gusto niyang magtravel sa ibat ibang lugar. san ka magcocollege? baka sa UB. ayaw mo bas a SLU para mas malapit ako sayo? malayo ee. Sa Bakakeng pa. anu bang kukunin mong course? tourism. tourism? Ee pano kung marami kang makilalang babae? Pano nalang ako? ikaw lang. promise. Di ako titingin sa ibang babae. Ikaw lang talaga. Ayokong magexpect. Alam kong tumutupad siya sa usapan. Pero, wala pa rin namang kasiguraduhan na ako lang mamahalin niya di ba? Ngayon lang ako nakakaramdam ng takot. Sa mga naging bf ko, sakanya lang ako natakot.ayokong maging nega. Pero ayoko lang talagang mawala siya. Nung time na sinagot ko siya, napaisip ako. Baka pag naging kami, mawala na yung sweetness niya sakin. Sinabi ko naman sakanya yun. Pero sabi niya, hindi. Kung anu siya nung nililigawan niya ako, ganun pa rin siya pag naging kami. Im not expecting, gaya nga ng sinabi ko. But Im hoping.

CHAPTER III Di ko katext si Drei. Ewan ko ba kung bakit. Wala siguro siyang load? Ahy. Ewan. Si Ken yung katext ko. Hahaha naging textmate kami ee noh? Pero hanggang dun lang. ayokong manloko ng tao. Tsaka, my Drei is much better than he is. Alam kong mahal ako ni Drei. Ee siya, di ko nga alam kung pinaglalaruan lang niya ang mga babae. Hanggang sa nakatulog ako, si Fernandez lang katext ko. No choice din naman kasi ako. Sayang load ko ee. Hahaha

Kinabukasan, halos di ako pumasok sa mga subjects ko para lang tapusin yung research. Nung Filipino na namin, sabi nung teacher namin ee, sa Wednesday niyo na ipapasa yung mga research niyo. Siguraduhin niyo lang na maaapprove yan ha. WTF! Sa Wednesday pa pala ipapasa! What the heck! Buti nalang, di pa namin tapos yung research. Hahahaha. So after ng class namin, yung mga groupmates ko pumunta ulit sa dorm. Gagawa ulit kami ng research. Haiiiy.nakakainis. nung time na yun, nagkukulitan kaming mga groupmates. Pero mas kakulitan ko si Ken. Siya katabi ko ee. Yung pang massage sa ulo, nilalagay ko kay Ken. Haha. Nakakakiliti yun sa una. Pero if you got used to it, hindi narin. Madalang kong katext si Drei ngayon. Ewan ko ba kung bakit. May iba na kaya siya? Haiiiy. Yoko magisip ng ganun. Mahirap masaktan. Nagaaway kami ni Yen. Dahil lang kay Daniel. Mahal kasi niya si Daniel. Kaso may BF siya. Panu naman yun? So sabi ko sakanya, mamili na siya. Kasi iniiyakan niya si Daniel ee. Buti pa ko masaya sa lovelife ko. Well, not really. Di kasi niya ako tinetet. Di narin kami nagkikita. Haiiiy. Pero, alam ko, ako lang mahal niya. so, ayun. Tutal taga mens dorm si Ken at taga Ladies dorm ako, niyaya ko siyang sabay kaming umuwi. Dun nagsimula yung friendship namin. Na kinaselosan naman ng kaibigan kong dati niyang girlfriend. One time, sabay kaming nagreview kasi may quiz kami sa Solid Mensuration. Tabi kami sa garden, with his friend, Leo. Then pagdating ko sa room, katabi ko yung ex niya, nahulog yung calculator niya. Pupulutin ko sana kaso bigla niyang inapakan. Grabe! Walang good moral! Nakakainis! Si Drei naman, di narin nagtetext sakin. Ewan ko kung bakit. Im missing him everyday. Medyo busy rin ako kaya medyo di ko napapansin yung di pagtetext sakin ni Drei. May song kaming ginagawa para sa theology namin. Own composition siya kaya medyo nahirapan kami. So, Thursday, nagplano-plano kaming magmeet sa dorm. Si Erick, Mikee, Andrae, Sweeden at Fred lang pumunta. Ish! Di nanaman kumpleto. Hanggang 3 lang ako pwede kasi may klase na ako ng 3pm. P.E. ee 2pm na sila pumunta ng dorm. Kaya yun. Wala kaming nagawa. Tapos, nagyaya si Fred na mag SM sila. Punta daw sila sa quantum. Sabi ko naman, magaabsent na ko para makasama ako. Hahah. Tinext ko naman si Ken, sabi ko sama siya. Sabi niya maglilinis pa daw siya sa room nila. Sabi ko naman bilisan niya. So, pinapage naming siya sa mens dorm. Taga dun din kasi si Fred. Kaya, pinuntahan narin niya. So sumama rin siya. Then biglang nagtext si Drei. kita tayo ngayon. Haissst! Ilang araw siyang di nagpaparamdam tapos magtetext-text siya ng ganun ngayon! Hmmp! saan? Papunta ako ng SM ee. ako rin naman. Kasama mo? mga friends ko. Mga groupmate ko sa Theo. Di ko na tinanong kung sinong kasama niya. Baka masaktan lang ako. sige. Kita nalang tayo don.

sa quantum kami ee. halatang iniiwasan mo ko aa. bakit naman kita iiwasan? ewan? ish. Ewan ko sayo. Di kita iniiwasan noh. oh, ee bat ayaw mong makipagkita? ee kasi nga, Im with my friends. sige. Kita nalang tayo bukas. okay. Haiiy. Gusto ko rin sanang makipagkita sakanya, kasi namimiss ko na siya ee. Kaso, naunahan ako ng pride ko. Haiiiy. Well, ganun talaga. Kelangan din naman magmatigas, di ba? Nung nasa quantum na kami, nag Wii sina Fred, Mikee, Andrae at Sweeden. Ako, nakaupo lang. si Ken naman nagvivideo. Salitan kami, actually. Haha. Ayoko kasing sumayaw. Pakantahin na nila ako wag lang sayaw. marunong naman ako kaso wala lang talaga ako sa mood. Badtrip din kasi ako kay Drei. Haiiiyy ewan ko ba. Parang wala lang kasi ako sakanya. Yung feeling na ganun. Haiiiy ansakit isipin. Habang nasa quantum kami, nagtetexan parin naman kami ng BF ko. Pero di ganun masyado. Etong si Ken, may napapansin ako sakanya. Tumatabi siya sakin. Tapos, bigla niyang hinawakan kamay ko, then hinalikan ako sa noo. anong meron? Di ako makapagreact. May boyfriend ako. May boyfriend ako. May boyfriend ako. Di pwede to. Mahal ko si Drei. Di to pwede. AYOKO! Pero di ko masabi sakanyang hindi pwede ee. Di ko alam kung bakit. Di ko alam kung nabigla ba ako or what. Di ko alam gagawin ko. Nung pauwi na kami, nagtext si Drei. Akala ko para sakin lang yun, yun pala GM. Sa text nya, may nakalagay na, nice to meet you. Simpleng mga salita pero, oa ako ee, nasaktan ako. Di lang ako nakipagkita sakanya, may kameet na siyang iba? Awwts. Nagreply ako sakanya. Tinanong ko kung sino yun. Sabi niya, ako daw yun. Hes so thankful dawn a nameet niya ako. WOW! Palusot di ba? Halatang palusot lang di ba? Nainis ako nun. Di ko na siya tinext. Tawag siya ng tawag pero di ko sinasagot. Hanggang sa nakauwi na kami sa dorm, dun ko lang sinagot. hello, galit ka ba? tumatawa pa siya!

hindi. Bakit? wag ka ng magalit. Wala akong iba. Ikaw yun promise. hindi nga ako galit. promise? oo. oh sige. Babye na. Binaba ko na yung phone. Di ako galit,pero naiinis ako. Naiinis ako kasi may iba siyang kasama, tapos ganun pa. naiinis ako kasi di ko nasabi sakanya na naiinis ako. :< nagsisimula na yung ayokong mangyari, yung makakilala siya ng babaeng mas magugustuhan niya. PARANOID! Sa school naman, nagkahiyaan na kami ni Ken na magpansinan. Tsaka, ayoko na rin na magkasama kami. Kasi yung ex niya ee. Nakakabwisit rin. Dinadabog-dabugan niya ako pag magkatabi kami. Hainako! Magsama sila! May boyfriend kaya ako! Haist! Kami ni Drei, Malabo na. :< ewan ko kung bakit. siguro dahil na rin sakin. Haiiiy. I miss him. Halos di na kami nagkakasama. Di na kami nagkikita. Di narin kami nagkakatexan. Lumalabo na talaga. Hanggang sa isang araw, nagugustuhan ko narin si Ken. Lagi kaming magkatext. Siyempre lagi din kaming nagkikita. Malamang, magkaklase kami ee. Kelangan ko ng mamili di ba? Mahal ko si Drei, kaso parang wala na. parang wala na ako sakanya. So, si Ken pinili ko. Kasi siya yung malapit sakin. Sa pagpili kong yun, di naman ibig sabihin na kami na. siya lang yung kasama ko palagi. Katext. Pero di parin mapalitan sa puso ko si Drei. Pero di ba, step by step naman yun? Siguro, hintayin ko nalang din na magustuhan ko siya. Lagi ko siyang kasama pero nagtatago kami sa ex niya. Yun ayaw ko sakanya ee. Yung ayaw niyang ipakita sa iba kung sino na talaga gusto niya. Samantalang ako! Siya yung pinili ko. Haiiiy. Sana di ako magsisi sa huli. May mga times parin na si Drei yung iniisip ko. Kahit kasama ko si Ken, siya yung gusto kong makasama. Pero kelangan kong panindigan ee. Di ko pa nasasabi kay Drei. Wala akong lakas ng loob sabihin sakanya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Malapit ng matapos yung semester. Lagi nga kaming magksama ni Ken. Nung pauwi ako, hinatid niya ako sa bahay. Pinakilala ko siya sa mama ko, sabi ko, siya si Drei. Minsan kasi, nakita kami ng ninang ko na co-teacher ng mama ko na magkasama sa SM, ayun! Ang sabi ko nalang sa mama ko, siya si Drei. Yung boyfriend ko. Sa bahay na pinatulog ni mama si Ken. Kasi gabi na masyado. Wala naring bus. Nagtext si Drei. Sabi niya, I love you so much. sorry, nainlove ako sa iba. Yun nalang nasabi ko. Hiyang hiya talaga ako sakanya.nagreply pa ako gamit yung phone ni Ken kasi wala akong load. Wrong move.

kanino naman? Okay lang. Im used to it. ha? Anung ibig mong sabihin? lagi naman akong nasasaktan at naloloko. Kaya sanay na ako. di ko alam kung panu to ieexplain ee. Haiy. Kung alam mo lang sana pasensya ka na. sorry. Pero nainlove ako kay Ken ee. Dito nga siya matutulog sa bahay ngayon. Hinatid kasi niya ako. Sorry. I love you. Wala naman kaming balak ni Ken na maging magBF-GF. Sana talaga di ko to pagsisihan hanggang sa huli. Pero ngayon palang, parang pinagsisisihan ko na. Umuwi din si Ken kinabukasan. Sa tawag nalang kami naguusap. Isang gabi nagaway kami kasi kumakain ako, kaya sabi ko wag muna siyang tumawag. Tapos sabi niya, kung ayaw ko daw siyang kausapin, sabihin ko. Di yung nagsasabi pa ko ng palusot. Haiiiy. Buti nalang katext ko si Drei. Sinasabi niyang mahal niya ako. Alam ko naman yun. Mahal ko naman siya kaso di ko masabi sabi. Haiiiy. sorry talaga drei. Sa nagawa ko. nung gabing sinabi mo sakin na kakain kayo sa labas, alam ko na. halla. Wala pa nun. Natulog kasi siya samin, kaya yun. Sorry talaga. hihintayin nalang kita. Sana nga, mahintay mo ako. asan ka pala ngayon? dito sa Dis-soor. Bakit? uuwi ako ng Bauang bukas. sige. Sunduin kita? susunduin ako ni Jedd ee. Wahahaha. Tampo naman ako. sige. Lunch nalang kayo ditto. sige. Kita nalang tayo. sige. Ingat ka. Uwi ako bukas sa bahay at nang makapag ayos ayos naman ako sa sarili ko. Magkikita kami. Im so happy

Nung nasa bahay nako, sinabi ko kay mama na pupunta yung mga kaklase ko nung elem. Baka lumabas din kami. Pumayag naman siya. Dinuguan at fish yung niluto niya. Mga 2pm nakarating sina Drei at Jedd sa bahay. Unang pumasok si Jedd sa bahay, kasi may hinahanap pa si Drei sa labas. Haiiiy. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin kaso di pwede. Kumain muna sila. Niloloko-loko ni Jedd si Drei. Kasi, dip ala siya kumakain ng dinuguan. Iba nga pala kasi yung religion niya. Sabi ni jedd, pag kumain ka dawn g dinuguan , babalikan ka ni ayra. huy. Wag ganyan. Baka maniwala siya. Hinintay ko silang matapos kumain. Then nagkwentuhan kami. bakit ba tayo biglang nagkaganito? ee kasi nga, nagselos ako ng super dun sa kameet mo ee. Kaya yun. sorry na kung anuman yung nagawa ko. Pwede mo ba akong bigyan g 2nd chance? di ko alam ee. Naipakilala ko na kasi si Ken kay mama. hindi ba ako kilala ng mama mo? Kilala nga ba siya ni mama? *flashback ma, may ikwekwento ako sayo. May nanliligaw sakin ngayon. Kaklase ko siya nung elementary pero nagtransfer siya sa Baguio. John Andrei Borja yung pangalan niya. Ang gwapo niya ngay. Binigyan niya ako ng flowers at chocolate kanina. ayna , maat! Enjoy mo lang magpaligaw. Saka mo na siya sagutin. Kwinento k okay Drei yung paguusap namin ni mama nay un. Then nagtwitt sya, nakatag sakin, enjoyin mo lang daw muna @ayramie. enjoyin muna kita? I replied. *end of flashback ngayon ka palang niya nakita pero naikwekwento kita saknya dati di ba? bigyan mo naman ako ng second chance. I love you. Yan yung gusto ko sakanya. Expressive siya. Yung tipong pag magkasama kami tapos wala na kaming makapagusapan, haharap siya sakin tas sasabihin niya, ayra, mahal kita.

Anong sasabihin ko sakanya? di ko alam. Tinext ko si Ken. Sinabi ko sakanya na humihingi ng 2nd chance si Drei. Sabi niya bahala daw ako. Drei, bigyan mo ako ng time. Okay lang ba? liligawan nalang ulit kita. Please? Mahal kita ee. Tinext ko ulit kay Ken yun. Umalis ako saglit, pagbalik ko, pauwi na sila. Tinanong ko kung anung problema. Sabi ni Jedd, kung may boyfriend ka, sabihin mo. Di yung pinapaasa mo kami ditto. Ha? Anong boyfriend? Sinong boyfriend? ha? Sinong boyfriend? nagtext sakin si Ken. Layuan na daw kita. Grabe. Pati ba naman panliligaw ko ditto sinabi mo pa sakanya. saglit lang ha. Kukunin ko lang phone ko. Kinuha ko yung phone ko tas tinanong kay Ken kung anong tinext niya kay Drei. Sabi daw niya, siguro naman alam mong may boyfriend na yan? Layuan mo na siya. Wow! Grabe! Ang galling niya! Nakakainis! Sabi ko sakanya bawiin niya yung tinext niya kay Drei. Buthe threatened me. Hahanapin daw niya sa Baguio si Drei kung di ko siya nilayuan. Naniwala naman ako. So sabi k okay Drei, hintayin mo ako. Bigyan mo lang ako ng time. Then umalis na sila ni Jedd. Di ko man lang nasabi sakanyang mahal na mahal ko siya.

CHAPTER IV Sinabi ko sakanyang hintayin niya ako. Mali yung nasabi ko sakanya. Sana, sinabi ko nalang sakanya yung totoo. Sana di nalang ako nagsinungaling. Pero ano pang magagawa ko? Wala na siya ee. Umalis na sila. Sana, bumalik siya. At nang masabi ko sakanya lahat ng gusto kong sabihin sakanya. Pagkatapos nung araw na yun, din a ulit siya nagparamdam sakin. Eto na nga ba yung sinasabi ko. Mawawalan siya ng time pag kami na. sana talaga, di ko muna siya sinagot. Para nararamdaman ko parin yung sweetness niya sakin. I missed him. I totally missed him. Habang hinihintay ko yung text niya, si Ken yung madalas kong katext. Di na nagpaparamdam sakin si Drei. Hanggang sa nagustuhan ko narin siya. Nanligaw siya sakin. At yun! Boom! Naging kami. Dapat mag work out to, dahil kung hindi, pagsisisihan ko to ng todo.

Sabay kaming nagenroll. Sabay kaming umakyat a day before the summer classes. I think its gonna work out. I think Im falling for him , I know he loves me. He really loves me. Sinamahan niya ko na naglipat ng gamit mula SLU-LRH to Halcyon Caf lounge. Ayokong magstay sa dorm pag summer. Syempre, gusto ko rin naman gumala kahit papano. Hahah di ba? Ow, by the way, I told Drei about my where-abouts. Para kung sakaling maalala niya akong puntahan, alam niya kung saan. But I really love my boyfriend now. Nagiimprove naman yung relationship namin, lumelevel up. Minsan , pumupunta punta ako sa apartment niya, ipagluluto siya. Malapit nang mag Bangus Festival. Tinatawag ako ng parents niya, pinapapunta ako don sakanila. Sa Lingayen, Pangasinan. Ayoko sana, kasi nahihiya ako. Pero mas nakakahiya ata pag tinanggihan ko di ba ? One time, pumunta ako sa apartment niya. Naglinis ako dun kasi puputa daw yung parents niya. Wala siya nun kasi may exam siya so ako lang naglinis. Matutulog sana ako kasi napagod ako nung bigla siyang nagtext. beb, punta ka dito sa SM. huh? Bakit? gusto ka daw makita nina dad. Oh my god! 20 pesos lang pera ko! okay. Where? Gerrys Grill. san banda yan ? basta yung sa pinakataas. Sunduin kita sa escalator. ok garud. ingat ka. I love you. okay. Love you too beb. Kinakabahan ako habang nasa jeep. Wooooah! Meeting the parents ! eto yung pinaka nakakakaba sa relationships ee, yung meeting the parents! Waaah! Then tumatawag siya .. beb! Asan ka na? nagagalit na si daddy. saglit lang! nagjeep lang ako. Nasayo kaya pera ko , di ba? ahy. Oo pala. Haha. Sige ingat ka garud. Basta sunduin kita ok? Text ka pag malapit ka na. I love you. okay.okay.

Hahaha . comedy talaga tong si Ken. Pinatago ko sakanya yung pera ko kasi baka magastos ko agad ee. So, kinakabahan parin ako. Ang dami kong tinext sa contacts ko, pampatanggal ng kaba. Jusko! Kinakabahan talaga ako ! brrr. Pagdating ko sa SM, I can hear my heart beating .. lols. Napapaenglish narin ako sa sobrang kaba. Nakikita ko na si Ken. Mas lalo akong kinakabahan. My gawd! Umupo ako sa harap ng mom niya. Tinitignan niya ako. Parang sinusuri, ganun. Papasa kaya ako sa standards niya? Simple lang naman ako, baka hindi ako pumasa. Doctor kasi mom niya ee. And shes beautiful. Gwapo rin yung dad niya, kahawig niya. Halos di ako makakain. Nahihiya kasi ako ee. Tsaka, andun si Savannah at Rosette, barkada ni Ken. Tumitingin lang ako sakanila para pampatanggal ng kaba. Nagsesenyas sila nga GO! Kaya mo yan! hahhaha. Sabi ng mom niya, kain ka ng marami. Mahaba haba din yung biyahe. mahaba haba din yung biyahe Oh my god! Isasama nila ako sa Pangasinan. Waaah! After kumain, pumunta kami sa Laundry shop, kasi andun pa mga damit ko, then sa apartment ni ken. Gusto ko yung family niya. I love them. Lalo na yung dad niya. Kwela kasi ee. Patawa ng patawa. Natural lang yung pagpapatawa niya. Habang nasa biyahe, nasa back seat kami ni Ken. Magkatabi. Sinasabi ko sakanya kung gano ako kinakabahan. Niyakap niya ko then sabi niya, okay lang yan. Mas kabahan ka pag sina ate at kuya ang makakaharap mo. Hahahha Haiiiy bastos talaga tong taong to. Akala ko icocomfort niya kaba ko ee! Hahaha Well, Im really really falling for him na. kasi naman, once na pinakilala ng boys ang girlfriends nila sa parents nila, may assurance na sa girls na mahal talaga sila nung boyfriends nila. Well, some worked, pero dahil nga sa generation natin ngayon, mas marami ang hindi nagwork. Pero I think, magtatagal kami netong unggoy na to. SANA. Tinawagan nung mom niya si Ate Kat, yung ate ni Ken. Well, I havent met her personally yet, but I think Ill like her. Im not expecting in return naman wala ako masyadong naintindihan sa conversation nila. konti lang. well, my familys (mother side) originally from San Fabian, Pangasinan. So, I know a little of Pangasinense . Ang naintindihan ko lang ee ayusin mo yung kwarto ni Ken, kasama niya girlfriend niya. Oo nga. Basta ayusin mo nalang. Malapit na kami. Kita kita nalang tayo sa Dagupan. Dun nalang tayo kumain. Siguro di naniniwala yung ate niya na kasama nila ako. Well, maski nga ako di naniniwalang pupunta ako sa bahay nila ee. Hahahaha. Well, parte yan ng buhay. Hahaha So kakain na kami eto, kainan nanaman. Di nanaman ako makakakain ng maayos. Andito narin yung mga kapatid niya: si kuya Bob at ate Kat. I like his family. Masiyahin.

Grabe! Hiyang hiya talaga ako dito. Adobo frog legs, chicken fillet at sinigang na bangus belly yung inorder nila. Coke yung drinks namin nina ate,kuya at mom niya, while sila ng dad niya ee san mig light. Urgh! Humanda ka sakin pag tayong dalawa nalang. Legal na legal siya sa lahat. Uminom at magyosi man siya sa harap ng mga magulang at kapatid niya ee hindi siya pinipigilan. Uhm, T.O di ba dapat, parents ang unang unang nagpapatigil dapat sa bisyo ng anak? Hmm. Im not against her mom and sa paraan ng pagpapalaki niya kina Ken. But, duhh! Sinong parents naman ang may gustong magyosi ang mga anak nila? Di ba? Well, kung pinalaki silang ganun, wala na akong magagawa. Dahil nga sa sobrang hiya ko, nagFB nalang ako sa phone ko. May wifi connection kasi tong restaurant. Then sabi ng dad niya, wag na kayong magtexan. Ishare niyo naman pinaguusapan niyo sa text. Pagtingin ko kay ken, hawak hawak din niya cp niya, FB rin. Ahh. So akala ng dad niya, nagtetexan kami. ken, kunin mo nga muna cp ni Ayra. Maya na kayo magusap. pero po, nagfafacebook lang po ako. Di ata niya narinig sa sobrang hina ng boses ko. Pero alam naman ni Ken na FB lang ginagwa ko ee. Pero kinuha parin niya, tong baboy na to ! issh! So itinuloy ko nalang yung pagkain ko, well, kung pag kain nga yung tawag sa tikim na ginagawa ko. Hahaha May nagtext! Wooah! Savior! Binalik niya yung phone ko. Tas nagtext ako kay Daniel, yung kaibigan ko. lavs! Patulong naman! Im with HIS family. Hiyang hiya ako ditto. Mas gugustuhin ko pang lamunin ng lupa sa mga sandaling to. Help! magkwento ka nalang ng tungkol sa buhay mo. tulad ng? tulad ng kagalingan niyo po sa drawing. Mga adventures niyo, ganun po. FYI, Daniels the 1st Deans lister in our department. School of Engineering and Architecture. Di na ko nakapagreply sakanya. Wala na rin namang topic and pauwi narin kasi kami. Kami na yung gumamit ng motor na ginamit nina ate kat at kuya bob papunta sa restau. Sila na yung sumakay sa kotse. Siyempre, si Ken nagdrive. Marunong naman ako pero siyempre, unang una, di ko alam kung saan pupunta, pangalawa, wala akong lisensya. At pangatlo, siya lalake ee! Bat ako magdadrive! Ahahaha Nung nakarating kami sa bahay nila, nahihiya pa akong pumasok, siyempre. Tas sabi ng mom niya kunin ko na daw yung mga gamit ko sa carrier. So kinuha ko nga tas pumasok na kami sa bahay nila. Sakto lang yung bahay nila, mas malaki lang sa bahay namin. May 4 bedrooms sa 2nd floor at 3 sa baba. May laundry area, garage mini basketball court ,etc.. lahat ng rooms may aircon. Yung c.r. nila sa 2nd floor maluwang kasi may bath tub. Maganda naman yung bahay nila, yun nga lang, mainit.

At dahil nga nagdinner na kami, kanya kanyang punta na kami sa room. Dun ako sa room ni Ken, siyempre. Binuksan niya yung aircon then sabi niya, beb sa labas na ko. Kung magiinternet ka, eto yung password. Sinulat niya sa papel yung password.. sweetdreams.i love you so much. Then he kissed me lightly on the forehead. Di ako makatulog, katext ko si ken. Hahaha para kaming baliw. Nasa living room siya, nanonood. Hes with kuya Bob ata. Tulog na si ate kat and Parents nila. Nagfafacebook lang ako.sa susunod na araw pala, puputa kami ng Dagupan. Bangus Festival kasi. Bukas, ewan! Siguro wala? Pahinga lang siguro kami. 12midnight na, di parin ako makatulog. San kaya matutulog si Ken? Maya-maya, nasagot yung tanong ko. Dun din pala siya sa kwarto niya matutulog. Pinauna lang pala niya ako kasi manonood pa sila ng kuya niya. tingin mo beb, magtatagal tayo? oo naman. Kita mo ngang ikaw lang dinala kong babae ditto sa bahay. Papatulugin pa kita ditto. Katabi pa kita. nood muna garud tayo ng movie. sige. Ano ba? nanny mcphee. Napanood mo na? di pa. sige iplay mo na. Antok na ko. Hinayaan ko na siyang manood magisa. Hahaha. Kinabukasan, tinignan ko yung phone ko. Sanay kasi akong yun ang tinitignan pagkagising. NagGM si Drei. Nasa Poblacion daw siya, nakikifiesta. Pangasinan din ata yun, pero ewan ko lang kung malapit ditto. Di ko pinansin yung text niya. Gusto ko rin sanang siyang itext kaso baka magalit si Ken. Possessive kasi siya. 9:30 na, di pa rin nagigising si Ken. My god! Pagkalabas ko, paalis na yung mommy niya. Pupunta na ng hospital. Ihahatid siya nung dad niya. Ang nasabi ko nalang ee, ingat po kayo. kayo din, kung nagugutom kayo, may pagkain jan. sige po, thank you po. At dahil nga late na, ginising ko na siya. Tulog mantika talaga tong baboy na to! Kaya tumataba to ee! Ish. Magdamag na rin yung aircon. Di na nahiya to sa mga magulang niya, nagaaksaya ng kuryente! Haist! Samin kasi sa bahay, nagtitipid kami sa kuryente. Hahaha may oras ang pagbukas ng aircon para di aksaya. Be practical. Mahal na mga bilihin ngayon. Hahaha.

So nagising na rin siya sa wakas! Kumain na kami. Tas bumalik ulit sa kwarto para magpaaircon. Mainit kasi talaga ee. Binabawi ko na yung sinasabi kong pagtitipid. Ngayon lang naman siya umuwi ee, lulubos-lubosin na namin. Hahaha. Nanood ulit kami ng movie tapos nung naboring ako, sabi ko, beb punta tayo ng beach sige. Sa Poblacion kami pumunta. Fiesta ee. Poblacion beach. Wait, POBLACION? FIESTA? Tinext ko agad si Drei. I asked him where he is. Di naman nagreply. Hahaha. Bitter. Ee di wag siyang magreply! Nakakainis lang. Saglit lang kami sa beach, umuwi din agad kami. Hapon na. gabi na. dinner. Pahinga. Nood ng movie. Then tulog. Kinabukasan, ganung oras ulit gising namin. Naabutan ko ulit mom niya na paalis. Same as yesterday, ganun ulit sinabi ko, niya. Ginising ko si Ken. Kumain kami. Nagbantay sa store nila. Bumalik sa kwarto. Natulog saglit. Naligo. Parehas kami ng damit ni Ken, yung binili ko nung enrollment sa Artwork. Tinanong ng ate niya kung uniform namin sa SEA yung shirt namin. Sabi niya, hindi. Gaya gaya yang si Ayra ee. huh? Anong gaya gaya? Sino kayang bumili sa shirt mong yan ? sabi ko nga. Tinginan lang yung 2 kaptid niya. xD 3pm Papunta na kami sa Dagupan. Motor lang gamit namin kasi siguradong traffic. Malayo layo din pala ang Dagupan. Iniwan muna namin yung motor sa hospital, where his mother is working. Tapos, naghanap ng pwedeng pag withdrawhan. Magwiwithdraw ako ng pera ko. As in wala na kasi ee. Well, pumunta muna kami sa ZOLA to meet his friends. Mga sosyal mga friends niya, umiinom sila tas nagyoyosi. Urgh! I cant believe it! Pati mga babae! Samantalang ako pinagbabawalan niya! Sabagay, I have ,ugh, sabihin nalang nating sakit na bawal sa mausok na mga bagay. Nandun din daw past girlfriend niya. Ee lahat ng pinakilala niya sakin, may hawak na bote ng beer at yosi. So, ako lang talaga ang bawal, ganon? Oh well, its okay. Concern lang siguro siya sakin. he loves me ee. Di ba? Kung saan saan kami napupunta. Palakad lakad. Gusto ko na ngang humiwalay kami sa friends niya ee. Di ako belong sakanila. I swear! He introduced me to one of his friends, Ana. Sabi nung Ana, Pooch, I wanna hug you. Pero baka magalit girlfriend mo. They call each other Pooch. Maganda yung Ana. Siya yung pinakamagandang pinakilala niya sakin. Kaso, T.O. ako sakanya. Nagyoyosi rin ee. Siya rin ata yung pinakamayaman sakanlia kasi siya yung naka iPhone 4s. kakalabas lang nung phone nay un ee. Weeew. Di talaga ako bagay ditto. Simple lang naman ako ee. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko ngayon >_<

Naramdaman na ata ni Ken yung boredom ko. So sabi niya sa friends niya, kita nalang tayo mamayang gabi, nagtext na kasi si dad, meet daw muna kami. Pumayag naman sila. Its almost dinner narin naman kasi. So, restau ulit kami. Siya na nagorder ng para sakin. Bahala siya. Hiyang hiya parin ako hanggang ngayon ee. Hahaha. Pagkatapos kumain, nagpaalam siya sakin na kukunin lang daw nila ni kuya Bob yung motor sa hospital. Alangan naman pigilan ko? Hahaha so pinayagan ko. Tas pinaiwan ko sakanya yung phone niya para may mapaglaruan ako. Lasing na yung dad nila, kung ano-anong sinasabi sakin. Like wag daw akong mahiya, order lang daw ako ng gusto kong kainin, si ate Kat naman inutusan niya na magorder ng grahams. Para sakin daw. So nagorder naman si ate. Haiiy. Busog lusog na ko dito. May nagtext sa phone ni Ken. Si Bea. Magkita daw kami sa isang bar. Pagdating nila, sinabi ko sakanya.tinanong niya ako kung gusto kong pumunta. AYOKO! Pero ayoko rin namang masabihan na KJ so sabi ko okay lang. OKAY LANG! indirect way of saying AYOKO, PLEASE LANG. ugh! Habang papunta kami dun, traffic na, umaambon pa ng di malakas. As in parang in 1 minute ee isang patak lang ng ambon yung nararamdaman ko. Sabi niya, ilagay ko yung mga gamit namin sa carrier. So nilagay ko naman. Sabi niya pag to lumakas, din a tayo tutuloy. ikaw bahala. lumakas ka, ulan. Please lang. pagbigyan mo ko kahit ngayon lang. please please please. Bulong ko sa isip ko. Kaso parang di ata ako pagbibigyan ni ulan ee. Ayaw lumakas. Wala na ring traffic. Ow cmon! ayoko talaga Waaaah! Nung nasa national highway na kami, 20 mins travel papunta sa bar, biglang umulan ng malakas! As in super duper lakas! At dahil nga nakamotor lang kami, super duper din pagkabasa namin. At dahil nga super duper sa lakas yung ulan, huminto muna kami sa gilid. Tas biglang . FIREWORKS DISPLAY! Naalala namin yung unang beses na magkasama kami, sa SM. Nung kami pa ni Drei. beb, siguro tayo na talaga ang para sa isat isa. pano mo nasabi? tignan mo, fireworks display ulit. Parang nung nasa Baguio tayo. Unang pagsasama natin yun. Eto, unang punta natin ditto na magkasama. Suot pa natin couple shirt natin. Tas bigla pang umulan! oo nga ee. Tara uwi na tayo. Habang nagdadrive siya, hinaharang ko yung ulan na pumupunta sa eyes niya. Opposite way kasi kami sa ulan kaya masakit sa mata niya. Naaalala ko si Drei. Ganito rin kaya kami kung sakaling hinintay niya ako? Kung sakaling pinaglaban niya ako? At kung sakaling mahal talaga niya ako?

Chapter V beb, lapit ka nga sakin. bakit? flat tayo ee. What the?! FLAT?! Anong oras na! ang lakas pa ng ulan! Walang vulcanizing shop na makita, at kung meron man, wala din pala siyang pera. Di siya nakahingi sa dad niya kanina kasi lasing yung dad nya. Di rin naman ako nakapagwithdraw kasi walang pag withdrawhan. Waaah ! isang town nalang, Lingayen na. bat di nalang sa Lingayen kami naflat-an? Waaah! So mabagal takbo namin. As in mabagal. Mga 20kph lang. tawa kami ng tawa. Hahaha atleast, experience, di ba? Nung nakarating na kami sa Lingayen, nagtulak kami! Waaahahahaha! Nakakahiyang experience to pero okay lang! kasama ko naman siya. Hahaha. Pagdating naming sa bahay nila, tulog na yung dad niya. Gising pa yung 3. Pinaligo agad ako ng mom niya kasi baka magkasakit daw ako. Yung mga gamit ko, nilabhan niya. Even my underwears! Ugh! Nakakahiya! Well, ramdam ko na medyo mainit ako. Naulanan kasi ee. Pero di pa naman to lagnat. Pagkatapos maligo, pumunta nako ng room ni Ken. Tas sumunod narin siya. Nagsorry siya sakin. Pinatulog na niya ako kasi naramdaman niya na iba yung body temperature ko. Mas mainit sa normal. Sinunod ko naman siya. Tas sumunod na rin siyang natulog. Kinabukasan, habang kumakain ng almusal, sabi ng dad niya, next time Ayra, wag kang makikipagdate sa 32 pesos lang ang pera. Hoy Ken! Ang lakas ng loob mong makipagdate ee wala ka namang pera. Naulanan pa kayo. Naflat pa sasakyan niyo, pinagtulak mo pa si Ayra. Nakakahiya ka. Tawanan kaming lahat. ta hindi mo ako binigyan ng pera. ee lasing na ako ee panu pa kita bibigyan. Di sana kinuha mo nalang tong atm ko at ikaw na mismo ang nagwithdraw. San kayo banda nagtulak? Tawanan ulit. sa bungad ng Lingayen. Magpapavulcanize dapat kami kaso naalala ko wala pala akong pera.wala din namang pera si Ayra kasi di siya nakapagwithdraw. kamalas mo namang makipagdate. Tawanan. I love his family talaga 3pm Uuwi na kami ni Ken sa Baguio. Weew. Mamimiss ko tong family niya. Sana di pa to yung last na pagpunta ko dito. Mga 6pm na kami nakarating dito sa Baguio. Kumain muna kami bago umuwi.

Our daily routine? 6am magigising ako 7:30 papasok (NSTP) 9:30 end ng class so uuwi muna ako sa apartment ko. 11:00 pupunta ako ng school. Hihintayin ko siya sa labas ng room niya (DRAWING 100 yung subject niya.) 11:30 kakain kami 12nn pupunta kami sa room ko (H609 Math4a) 1:25 pupunta siya sa room niya (P305 Engl3) 3:30 pupunta ako sa labas ng room niya (P109 PolSci1) 4:30 end ng class niya. Magmemeryenda kami or pupunta na kami sa next room ko. (H504 CADD1ae) 5pm start ng class ko. 5pm-8pm class ko. Pero madalas, 6:30 pinapauwi na kami. Sinusundo niya ako lagi. Sabay kaming magdidinner then ihahatid niya ako. EFFORT! Ganun palagi. May mga times na uuwi kami sa bahay sa Bauang. Dun siya matutulog. Separate rooms siyempre. Bukas na matatapos summer classes. May exam pa siya bukas. Ako wala na. so, niyaya ko yung barkada ko, boyfriend niya, boyfriend ng kapatid niya at kapatid niya na maginuman sa apartment ni Ken. (sa family niya yung apartment na tinutuluyan niya.) Napadami na nainom ko. Pati yosi. Pinayagan niya ako ngayon, ngayon lang naman ee. Niloloko nila ako na magpapadis daw sila nung boyfriend ng barkada ko. Ish. At dahil nga sa napadami inom ko, nalasing ako. Suka ako ng suka. Iyak ng iyak. Akala ko kasi natuloy sina Ken sa Padis. Hahaha kawawa tuloy mga nagalaga sakin. Pag gising ko, nawawala yung isang libo ko. Haha. 500 nalang tuloy naiwan sa pera ko. Damn. Iniyakan ko yun. Mga 2:30 hinatid ako ni Ken sa paradahan ng mga bus. Mauuna na kong uuwi. Di ko na siya aantayin. Sasama sana ako sa Pangasinan kaso may dadaluhan siyang debut mamayang gabi ee. So, di nalang. Pagdating ko sa bahay, iyak ako ng iyak kay mama. Iyakin ako ee. Hahaha Di ko nakatext si Ken. Busy kasi siya ee. Naiintindihan ko naman. Pag gising ko kinabukasan, nilalagnat ako. Ow em! As in super taas ng lagnat ko. Si Ken naman, nagpapaalam. Makikiouting daw siya sa mga kaibigan niya. beb okay lang ba kung sasama ako?

ikaw bahala. pero nakokonsensya ako. May sakit ka jan tapos ako ditto nagpapakasaya. woooh! Plastic! Pag sinabi ko bang wag kang pumunta, susundin mo ako? ahy? Di mo ba ako papayagan? hmm.punta kn. Bago pa magbago isip ko. thanks beb, I love you. okay. Sige. Ingat ka. Wag magpapagabi. ahy. Overnight yun beb. okay garud. Basta itext mo ako. sige. Di na ko nagreply. Ang hirap replyan ng text niya ee. Hahaha. Habang nanonood ako ng American idol, may nagtext sakin, yung ex ni Ken. ano ba talagang problema mo kay llayne te? Ahmm? Anong meron? Llayne? Wala naman akong problema sakanya. Tungkol ba to kay Jim? *I once dated Jim, Llaynes boyfriend. ahm? Anong meron? alam kong ikaw yung gumagamit ng account na Crisha Vinluan. huh? Anung meron sa account na yon? Finorward k okay Llayne yung text nay un ni Julliene. Di kasi ako mahilig sa away. Kinakabahan nga ako ngayon ee. Ayoko talaga sa away. Kaya ng kahit binabastos niya ako noon, di ko siya pinapatulan. nagpopost ng tungkol kay Llayne. Bad things about her. Ano bang problema mo sakanya? wala talaga akong alam jan. kung gusto mo, mangalkal ka nalang sa facebook ko. Eto account ko. einuel_s2pdmcg@yahoo.com password:******* okay. Pinagkakatiwalaan kita. Wag mo sanang sirain tiwala ko sayo. oo naman. Di ko naman kayang gumawa ng ganyan. Tsaka bakit ba ako main suspect niyo? chinat kasi ni andrada yung account na yun. Kinuha niya yung # nya. Tas ang binigay niyang # ee yang # mo. aa. Anong number ko naman?

basta isa sa mga # mo. halla, promise. Wala talaga akong kinalaman jan. sana nga mapatunayan na hindi ikaw yun. Kasi kawawa ka naman, pinagtsitsismisan ka na ng mga tao. Ouch naman why would I do that? am I that bad? Tinext ko si ken tungkol dun. Sinabi ko sakanya na tinext ako ng ex niya. Di naman siya nakapagreply agad kasi busy siya ee. Nakakainis lang kasi ako yung pinaka main suspect nila. Tas diretsahan pa akong tinanong kung ako yung may ari nung account nay un. Owh. Hindi pala ako tinanong. Diretsahang sinabi na ako yung gumagamit nun. WTF? Tumawag si ken sakin nung gabi na. kaso wrong timing siya ee. Bigla akong nasuka nung kausap ko siya. Hahaha. So pinatay ko na. anyway, Philip Philips won, Jessica Sanchez got the second place in the American Idol. Maaga akong natulog dahil sa lagnat ko. Madali lang natapos ang 2 weeks na bakasyon. Pasukan ulit. YES ! 2nd year na kami! Kaklase ko si Ken sa History2. Isang subject lang. pero ok narin yun. Atleast, di ba? FRIDAY beb, uuwi ako bukas. Dumating na yung package ko na boots ee. sige. Ahy beb, nagyayaya pala mga barkada ko. Padis daw kami. Okay lang ba? ayoko. ok sige. Umuwi ako kinabukasan para kunin yung mga boots ko. 3 pairs yun ee. So gooooood! Pagdating ko sa bahay, to make sure na wala sa Padis yung baboy nay un, sabi ko tumawag siya. After 10 mins, nagring phone ko. hello beb. asan ka ? bahay. bat walang tumatahol na aso? ah ee siguro tulog. yung totoo, asan ka? porket walang tumatahol na aso wala na agad sa bahay? Sabagay. Masyado ata ako naging mapaghinala. sorry na. matutulog na garud ako. Goodnight. I love you.

okay. I love you too. Maaga akong umuwi sa Baguio. 2pm. Minamadali kasi ako ni ken ee. Miss na daw niya ako. Pagdating ko , hinanap niya agad yung mga boots ko. Titignan daw niya. Hahaha so gay! Sabi niya, beb, isuot mo to mamaya pag pumunta tayo sa SM. ngek. ahy wag nap ala. Magshoshort at tsinels lang ako ee. Baka magmukha akong bodyguard pag nag ganyan ka. hahaha. Oo nga! gag* ka. Hahahaha. Nag oo ka naman. bwahahahaha ikaw nagsabi ee! So nagshorts lang din ako at tsinelepers. Hahaha Marami akong pera ngayon so ako nanaman gagastos saming dalawa. Habang kumakain, sabi niya ayaw mo ba talagang magbar ako? ayoko. boring.pabulong lang pero narinig ko. Binitawan ko kutsara at tinidor na hawak ko tas sabi ko, ano? Ulitin mo nga? wala yun. tapos na kong kumain. Dalian mo, uuwi na ko. halla, grabe ka naman. Sorry na. ee bat mo ko sinabihan ng boring? ee kasi ayaw mong nagbabar ako ee so? Sasabihan mo na ko ng boring? Ee di maghanap ka ng girlfriend na papayag na magbar ka. to naman, high blood agad. Sorry na. Di nalang ako umimik. Pero badtrip parin ako.naglibot libot kami sa SM. Bumibili ng kahit ano. Ako gumastos lahat. Lahat ng gusto niya, binibili ko. Ilang sandal lang umuwi na kami. Kinabukasan, nagdemand siya na nagugutom siya kaya bumili ako sa jolibee ng kakainin namin. 8:30 ako pumunta sa apartment niya. Then sabay na kaming pumasok sa 1pm class namin. Sa H404 ako, sa H405

siya. Parehas na Economics yung subject namin. (P.S. may crush ako dito sa Econ namin. His name is Joao Paolo Gabayne.) Chapter VI Im working on my monthsary gift. Monthsary namin bukas. May gift ako sakanya, binili lang namin kahapo, sa artwork. Yung doodle pad. Pero I ko siya pupunuin ng doodle. Pupunuin ko siya ng mga tula at drawings yung love story namin, ikwekwento ko sa pamamagitan ng tula . tapos sa bottom part ng mga leaf, magdradrawing ako. Then pag mabilisang titignan ee may motion yung drawings malapit ko naman nang matapos ee. I hope hell like it Yeeeey! Monthsary na namin! Excited na kong ibigay gift ko sakanya! 6pm ko binigay gift ko. He kissed me then said thank you. Uwi kn. Macucurfew ka niyan. text mo ko pag nabasa mo na ha? He nodded. Umuwi na ko sa dorm. 7pm nagtext siya. beb, text kita maya. Basketball lang. Ansama ng loob ko. Monthsary, inuna pa ang basketball? So di ako nagreply. Kinabukasan. Wala pa ring text. So nagtext na ko ng wag ka ng magtext sakin kahit kelan! Break na tayo. I didnt mean it. Nasaktan lang naman ako ee. 6am inaannounce ni Sir Gil (SAOs Dean) na walang pasok kasi may bagyo. I texted him. Then ang reply niya, nasasakal na ko sayo. Cool off muna tayo. Di ako nagreply. Kasi di ko alam irereply ko. Akala ko gumaganti lang siya sa tinext ko sakanya kaninang medaling araw. So mga 8:00 ako nagtext ulit sakanya, nabasa mo na ba? I hope you liked it oo, salamat cool off muna tayo, nasasakal na kasi ako sayo. Nasasakal? Pano siya nasasakal sakin? Nagyoyosi siya, umiinom, nakikipagbarkada. Mga di dapat ginagawa ng mga lalaking may girlfriend. Pero pinayagan ko siya. Yung pagbabar lang ang hindi kasi alam kong maraming mga babae dun. Pero, pano siya nasasakal sakin? Cool off gustp niya? Bat di nalang break up?

cool off? SPACE gusto mo? Okay! Ibibigay ko sayo! Break na tayo! Yang cool off na yan, break din lang abot niyan. Bat di nalang break sabihin mo? Ano yan ? killing me softly? Huh?pano ka nasasakal sakin? Huh? Sabihin mo nga?! kapag may pupuntahan ako, ayaw mo akong payagan. Gusto ko lang munang makipagbarkada. Gusto ko akin lang oras ko. Di ko kasi nagagawa pag kasama kita. ayaw payagan? Ee pinapayagan naman kita aa. Sa lahat ng pinupuntahan mo pinapayagan kita. oo nga, pinapayagan mo ako. Pero pagdataing ko naman sa bahay galit ka na sakin. Di na ko nagreply nun. As usual, umiiyak ako. Alam ko namang magkakabati rin lang kami kaya di ko masyadong pinansin. Well, as usual, mali ako. di nako kumain buong araw. Kinabukasan di narin ako nag breakfast.lunch. nagkasalubong kami ng 4pm. Di niya ako pinansin. Nanood kami ng SEA Sound Spectrum. Andun siya, pero di ko siya kasama. Di ulit ako nagdinner. Nagworry sakin yung roommate ko so tinext niya si Ken, sinabi niyang di pa ako kumakain simula kahapon. Tinawagan niya ako. hello! oh? ayusin mo nga sarili mo. Sabi ni Jenya di ka daw kumain simula kahapon? ah. Hindi. Ganto kasi yun, kaninang umaga, di ako nakagising ng maaga kaya di ako nakapagbreakfast. Kaninang tanghali naman di ako nakauwi ditto sa dorm kasi kasama ko sina Jemuel at Hackett. Nireview nila ako sa Advance algebra ko. ayusin mo yang sarili mo. Kumain ka. bakit ba tayo nagkakaganto? kailangan ko lang ng oras para sa sarili ko. Gusto ko makipagbarkada. di mo ba magagawa yun ng meron ako sa buhay mo? hindi. Pinatay ko na yung phone. Ang sakit kasi nung sinabi niya ee. Mas pinili niya mga kaibigan niya kesa sakin. Umiyak ako. Umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan. Since 1pm pa naman ang klase ko, 8:30 na ko nagising. At dahil nga kaugalian ko nang tignan yung phone ko pagkagising, tinignan ko ko inbox ko. Nagtext si Ken. ayra, eto nobela to pero sana basahin mo kasi alam ko naman na ghosts stories lang gusto mong basahin. Gusto kong makipag cool off muna sayo. Alam ko di mo to maiintindihan pero sana intindihin mo. Gusto ko lang makipagbarkada muna. Yung wala akong iniintinding oras ko, yung para sa sarili ko lang. mahal na mahal kita. Ikaw lang minahal ko ng ganito, alam mo yan. Pero sana pagbigyan mo ako sa bagay na to.

Ngayon lang ako hihiling sayo. Magaral ka, wag mong papabayaan sarili mo, yang studies mo lang ang bagay na di mawawala sayo, di pwedeng kunin ng iba. Kumain ka. Mahal na mahal kita. Ingat ka palagi. Pagkabasa na pagkabasa ko nun, nagpalit ako ng damit. Kumuha ng pera, at pumunta agad sa apartment niya. Pagkapasok na pagkapasok ko, kinuha ko lahat ng gamit ko. Nilagay ko lahat sa box. Then nung palabas nako, hinawakan niya kamay ko, pinigilan niya ko sa paglabas, wag mo namang gawin to. bitawan mo ko. Binitiwan niya kamay ko. Hinayaan niya akong maglagay ng mga gamit ko sa box. Then narinig ko umiiyak na siya. Gusto ko naring umiyak,pero di pwede. Gusto ko magpakatatag sa harap niya. Ayokong sabihin niyang weak ako. Habang naglalagay ng mga gamit, niyakap niya ko. Umiyak siya. Di ko na rin napigilan mga luha ko. Umiyak narin ako. nahihirapan din naman ako. hindi ee. Kung nahihirapan ka, bakit kailangan pang mangyari to? kelangan talaga ee. Kelangan ko lang ng 2 weeks para makapagisip isip. isip? Anong iisipin mo? Bakit kelangan pa to? intidihin mo ko, please lang. kahit ngayon lang. hindi ko kasi kaya. Di ko kaya. Di ko kaya Hagulgol na ginagawa ko. Siya pinili ko over Drei. Bat kelangang maging ganito? sssshhh. Tama na. wag ka ng umiyak. Aatakehin ka niyan. Just give me time, please. 1 week lang. please lang din, maraming pwedeng mangyari sa 1 week. Please lang. okay, sige. Kung magiging okay tayo ngayon, mawawalan parin ako ng oras sayo. Okay lang ba yon? okay lang. alam mo , iba kasi yung feeling na kahit wala siyang time sayo, atleast alam mong sayo parin siya. So please lang beb. Please. okay, pero di tayo magkikita, di kita matatawagan, di kita matetext, ahy? joke lang. basta mawawalan lang ako ng time sayo. okay lang yun beb. Basta akin ka parin. Katahimikan.

alam mo beb, sabi ng mga friends ko, may babae ka daw. Kasi hindi naman basta bastang makikipagcool off ang lalaki pag barkada lang ang dahilan. ngek. Alam mo namang hindi ako mahilig sa babae di ba? Ok. Assurance yun So, ok na ulit kaming dalawa. Hinintay ko siya sa harap ng room niya. Di pa ako kumakain . Pagkatapos ng class niya, pumunta kami sa gate 4. Bumili ng burger. holding hands nga, para alam kong wala ka talagang babae. So, nag hold hands nga kami. Wala talaga siyang babae, barkada lang talaga. SANA. Di parin kami okay. Nararamdaman ko yun. Kinabukasan, di nanaman niya ako tinetext. 4 days ang bakasyon namin, so before sana ako umuwi, magkita kami. Sabi ko magkita kami , sabi niya 1pm daw. Hinintay ko siya sa room ko ng 1pm , pero di siya pumunta. 4pm na, wala pa rin. So, umuwi ako ng dorm, umiyak ako. Nagtext ako sakanya. Ken, kunin ko na next week mga gamit ko. ok, sige. ugh. Okay kunana met. (nagagree naman siya.) ano garud ngay? Alangan pigilan kita. di ba yun naman ang dapat? bakit? ewan ko sayo. Di mo na talaga ako mahal. pano mo naman mararamdaman na mahal kita kung wala akong oras sayo? grabe! Ni simpleng pagtext lang di mo magawa! Di siya nagreply. I love you beb! Wala pa ring reply. tang ina niyan? Di mo na talaga ako mahal? Okay fine! Di parin siya nagreply.

Nasasaktan na talaga ako pero kelangan ko magpakatatag ee. Text ako ng text sakanya, pero di siya nagrereply. Hanggang sa tinext ko na yung ate niya, tinanong ko kung nakauwi na siya. Di nagreply sakin si ate Kat pero nagtext si ken di pa ako nakauwi, late nagpadismiss si sir.bukas na ko ng maaga uuwi. Wala na akong load, nagpapasa ang ako ng 2. Tuwang tuwa naman ako nung nagtext siya. beb, okay lang ba kung loadan kta? wag na. bukas nalang tayo magusap.maaga pa ako bukas. Magpahinga ka na. goodnight. I tried to call him pero out of reach yung phone niya. Bat kaya niya pinatay? Ayaw siguro niyang makaistorbo ako. Okay. Kinabukasan, nagmass kami. Iniwan ko yung phone ko sa bahay, baka sakaling pagbalik ko ee may text na sakin si Ken. Pero wala. So, ako na unang nagtext. beb miss na kita.i love you. ilyt talaga? oo. Sige, text nalang kita mamaya. May gagawin kami nina dad. ok. Wag mambababae huh? Di na siya nagreply. Kinabukasan. nagGM ako. Sinend ko rink ay Drei. Then nagreply siya, musta na? eto, single. Single naman ako di ba? Di na siya nagreply. Hmm. Masama talaga loob niya sakin. Nafifeel ko yun. Ee, siya naman may kasalanan ee. Naniwala siya agad. Tsss. Naiinis tuloy ako. Tuesday ako umuwi ng Baguio. Makikisleep over ako sa kaklase ko sa New Lucban. Kaklase ko sila nung high school at ngayon. Masamang masama kasi talaga yung loob ko. Uminom kami ng konti, di ako pumasok ng 7:30 class ko. Di ko kasi kayang bumangon ng maaga ee. Kaya yun. Then umuwi ako sa dorm ng 9am para magbihis ng PE t-shirt, PE kasi yung next subject ko. Kaklase ni Raymart si Ken sa PE, kaschedule ko sila. sure ako absent nanaman si Ken.

pano mo alam? ee nanggaling pa siya ng Pangasinan ee. Baka di pa nakakarating yun dito. ahy. Tama ako. Absent siya. After nung 1pm class namin, hinarang ako ni Steph, kaklase ko nung 1st year. ayra, okay nab a kayo ni Ken? ahm. Oo? Bakit ta? ahm. Pero okay na nga kayo? hindi pa ee. Ewan ko. wala bang iba ayra? wala naman, bakit? sure ka ba? Wala ka bang napapansin sakanya na iba, sa cellphone niya, or sa facebook niya? Kinakabahan ako. May alam tong si Steph. May gusto siyang sabihin sakin. Steph, kung may alam ka, sabihin mo na. ayra, eto sasabihin ko sayo para di ka na magmukhang tanga. Nakita ko siya kanina sa main gate, may kasamang babae, kaakbay niya Ayokong umiyak. Di ako makaiyak. Di pa ko kumakain since last week. Tubig lang laman ng katawan ko, ayoko nang ilabas pa. please lang. ayoko sanang umiyak, pero lumapit si Yen, ayra, whats wrong? Dun na ko napaiyak talaga. ui, ayra, tara na sa boarding. yen, pakisamapal naman si ken para sakin. bakit? tanong mo nalang kay steph. ganto kasi yun beeshii Then kwinento ni steph kay yen.

Nung nasa main gate na kami ni Mart, nakita ko si Ken. Nagsusuot ng ID. Then nagtago siya . akala niya siguro di ko nakita. Pero kitang kita ko siya. Alam niyo ba yung feeling na kahit likod lang niya nakita mo ee sure na sure kang siya yun? Mahal mo ee.

Chapter VII Umiiyak ako habang palabas ng main gate. Sabi ni Mart, okay lang yan. Andito pa naman kaming mga kaibigan mo ee. Parang kapatid narin turing namin sayo. Kaya kung pwede lang ayaw ka naming nakikitang nasasaktan. Wag ka munang mag bbf ha? Kami mung bf mo. Atleast kami di ka namin sasaktan. So sweet of him. Mas lalo tuloy akong napaiyak. Haiiy. Pagdating namin sa boarding house nila, humagulgol na talaga ako. Andun si Patrick, Kiel, Darren, JoseMo at Mart syempre. Mga 2:50 umalis yung apat, 3pm kasi klase nila. Kami lang ni Patrick yung naiwan. Umiiyak parin ako, bat naman ganun ngay tol? Akala ko ba di siya mahilig sa babae? Bat ngayon may iba na siya? Ambilis naman. Di pa nga kami break ee! may mga ganun talagang lalaki tol. Pero malay mo, di niya babae yun, barkada lang niya. kaakbay?! ewan ko aa. Wag kang magalit sakin. may i.d. ka ba jan? sa SLU din siya nagaaral, engineering din. Pero di na siya pumapasok kasi magtratransfer daw siya sa Manila. Different course. meron pa, bakit? samahan mo naman ako sa harap ng H609. Kaklase ko siya ngayon. Hintayin natin siya, pag pumasok siya, papasok rin ako. Pag hindi, absent na ko. sige, mga anong oras? mga 3:30 sige garud tol. Pahinga ka muna. Ayusin mo yang sarili mo. Wag ka ng umiyak. 3:30. Sinamahan niya ko sa harap ng room namin. Umiiyak pa rin. tol, bat ganun ngay? Ambilis naman. Sabi niya barkada lang. bakit naman biglang may babae na? binigay ko naman lahat sakanya, ok pa naman kami last week. Binilhan ko pa nga siya ng mga gusto niya. Binigyan ko pa siya ng gift nung monthsary namin. Tinanggap naman niya, nagthank you siya, tas ang kasunod ee cool off muna tayo, nasasakal na ko sayo. San nanggaling yun? Nasasakal daw siya sakin, pano? Alam mo naman dib a? barkada mo naman siya. Lahat ng ginagawa niya ee mga hindi dapat ginagawa ng mga may gf. Alam mo yan tol. Or kahit sana nakipagbreak nalang siya sakin, basta sinabi

niya yung totoong dahilan. Di yung dinahilan pa niya barkada niya sakin. Pinili ko siya over Drei. Kasi mas malapit siya. Kaya di ko pinili si Drei kasi alam kong maraming maghahabol sakanya, mas marami pang magaganda kesa sakin. Pero bakit naman ganun tol? Ambilis naman? Kelangan ba talaga ng babae tol? hindi, hindi kelangan ang babae. Pero di kasi maiiwasan yan. Lalo nat gwapo rin naman siya. Magusap nalang kayo, para maclear na yung sa inyo. pero bat sabi niya di siya mahilig sa babae? Sinabi niya rin sayo yun di ba? Bat ngayon may iba na siya? di ko rin alam tol. Siguro may dahilan siya. Pero di ko alam yung dahilan na yun. Nakita kong palapit sakin yung roommate, si ate Mafe. ahy, Ayra, excuse me. San yung Industrial Engineering department? jan sa H604 ate. anjan kaya yug department head nila? ahy wala ate, may klase. Nakita ko kasi siya kanina na pumasok sa H601 kanina. may kilala ka bang pwede naming maging statistician? ahm. Sa civil engineering department ate, si maam urbano. anong floor yun? 4th floor ate. ahy sige, thank you. umiyak ulit ako. 4pm yung klase namin. 4pm na, wala parin si ken. feeling ko di yun papasok tol. feeling ko rin. Pero sabi ko maghintay muna kami ng 5 mins. Baka sakaling dumating siya. 5 mins, wala parin siya. tara na tol. Di na papasok yun. ikaw ngay? Magaabsent ka na ? oo. Tas bumalik na kami sa boarding house nila. Habang naglalakad ako, umiiyak ako. di ko kasi mapigilan. Iniisip ko nga, sana atakehin ako ngayon at nang mamatay na ako. SUICIDAL!

Nung nasa bhaus na nila kami, nagtext ako kay ken. hanggang kelan mo ko pagtataguan? Akala ko ba hindi ka mahilig sa babae? Akala ko ba barkada lang kaya ka nakipag cool off? Pinayagan kitang makipagbarkada, pero yang babae, ibang usapan na yan. Nung nagreply siya, ayokong basahin. Kay Patz ko pinabasa. tol, ikaw nga magbasa. Pag alam mong masasaktan ako, idelete mo na. pero kung hindi, sabihin mo sakin. Binigay ko sakanya yung phone ko. Tas ang tagal niyang binasa. tol sabi niya . wait, tungkol saan muna? dun sa babae. Ouch. Ayokong pagusapan. wag na. idelete mo na. pero sabi niya nag..pat.urolang ayokong marinig! siya sa calculus. sabing ayokong marinig ee! Nagpaturo sa calculus? Kaakbay? T*ng ina niyan! Naniniwala ka naman? hindi tol. Halatang palusot lang naman ee. Halata nga. Magpapaturo siya ng calculus, bat di nalang sa barkada niyang lalake? Bat sa babae pa? di ako selosa pero ibang usapan na to ee. Paminsan minsan lang ako kung magselos kaya grabe ang kinkalabasan, like what happened between drei and i. At dahil nga sensitive ako, umiiyak parin ako. nagtext si Mart. tol, nageexplain sakin si Ken dito. Nagpaturo lang daw siya ng Calculus dun sa babae. naniniwala ka naman? di naman sa naniniwala ako tol, pero, ayusin niyo nay an. Ayoko ng makita kang umiiyak. Di ako nagreply sakanya. Nagtxt si Ken. Tawag daw ako sakanya. Sabi ko wala akong load. Pero meron , actually. So sabi niya, magusap tayo ng 6pm sa harap ng A210. kung gusto mong makipagusap sa isang tao, sasadyain mo siya. Di yung siya pa pupunta sayo.

kung ayaw mo, wag kang pumunta. Pero kung gusto mo, ok. 6pm. Di na ko nagreply. Walang hiya talaga tong taong to! Di ako pumunta sa meeting place namin. Para saan, di ba? Well, bukas, 7:30 at 1pm lang klase ko. Recollection kasi ng SOH (school of humanities) so wala kaming pasok sa mga subject na kasama sa recollection. Kinabukasan. Namimiss ko na siya. Binaba ko na yung pride ko, beb usap tayo. 1 hour lang naman ee. Meang 12nn. Please, bigyan mo naman ako ng time. Kahit ngayon lang. gusto ko private place. Dun tayo sa apartment mo. Meet tayo sa main gate. Text ko sakanya. Ang tagal niya bago magreply. okay. Anu bang paguusapan natin? basta. Kita tayo sa main gate. Di na siya nagreply. Malapit nang mag 12nn kaya pumunta na ko sa main gate. Nagtext ako sakanya then sinabi kong andun nako. Sabi niya, sa gate 4 nalang kami magkita. Wow! May iniiwasan ata siya sa main gate na makakita samin? I insisted na dun na kami magkita. Pero sabi niya, kung di daw ako pupunta sa gate 4, di na kami magkikita. Ee di sabi ko, kanya-kanyang punta nalang sa apartment niya. Halatang may iniiwasan siya sa main gate. May babae to, sigurado na ko. Nagtaxi na ko papunta sa Upper QM, dun sa apartment niya. 2 rides kasi pag jeep ee. Pagdating ko, pinaupo niya ako. anu bang paguusapan natin? uhm? Ewan. Di ko nga rin alam ee. Di ko alam kung anong sasabihin ko sayo. Tsss. 1pm na. Advance Algebra ko na. wala na. absent na ko. sana maging makabuluhan tong pagabsent ko. Di bale, ngayon lang ako magaabsent sa subject na to. may klase ako ng 4 aa. grabe naman! Ala una palang parang pinapaalis mo na ko aa! And besides, di ko pa nasasabi gusto kong sabihin. ano nga kasi yun? Napaka casual ng paguusap naming to. Kakaiba. Di tulad ng dati. pahiga naman ako sa kama mo. sige lang. Pumunta ako sa bed niya, nakihiga. Nagiisip ng sasabihin. Di ko alam kung anong sasabihin ko ee. Nakaupo siya sa may upuan sa labas.

ayra, payakap nga. For the last time. for the last time. Gusto ko sana siyang yakapin, kaso nung sinabi niya yung mga words na yun, ayoko nga. What I meant was ayokong last time na. pero iba pagkakaintindi niya. Amphiboly. grabe, may kissmark ka lang, ayaw mo na. Kissmark? Tumingin ako sa salamin, well, donated by me yung salamin na ginagamit niya. Actually pati kumot at pillow case niya, pinahiram ko sakanya. Uhm, pati pala yung extension. Tas ang kapal ng mukha niyang lokohin ako ! urgh! Balik tayo sa kissmark. Nung tinignan ko sa salamin, nagmukha ngang kissmark yung kinamot ko kanina na kagat ng lamok. ahy. Kagat ng lamok yan. weh? ou. Wala akong lalake. Di ako katulad mo. Di na siya nakaimik nun. Katahimikan. Paghinga ko lang siguro maririnig sa mga oras na yun. Sana atakehin ako, para magkaayos na kami. Nagtratravel nanaman tuloy isip ko. *flashback. Sa Pangasinan. 12nn beb, lalabas lang kami nina kuya. Maglalaro lang ng basketball. Madali lang naman siguro yun kaya pinayagan ko siya. Walang kuryente sa buong barangay nila. Ang init. Ang boring. Palowbat narin ako. at dahil walang magawa, pinatawag ko si Harold. Yung ex boyfriend ko. Kung ano-anong pinagusapan namin. 1pm.wala pa rin siya. 2pm.3pm.4pm. wala parin. Super bored nako. Lumabas nako ng room niya. Nakita ko si ate Kat sa living room. halla, ayra, sorry. Tinext ko na si Bob na uwi na sila. okay lang po ate. I smiled. Kahit sa loob loob ko ee naiinis narin ako pati sa kuya niya. Gusto ko narin sanang humiram ng pera kay ate kat. Tutal, may pera naman ako key Ken, ipapabayad ko nalang sakanya. Nakaligo na kot lahat lahat, wala pa rin sila. Buti sana kung hindi 7:30 ang pasok ko bukas. Kahit bukas n asana kami umuwi. 5pm. Dumating na siya. Sa wakas. beb, bukas na tayo umuwi.

7:30 ako bukas. magabsent ka na. what the? Pagaabsentin mo ako?! sige maliligo na ko. Di ko na siya pinansin. After 5 mins bumalik siya ulit, beb bukas na talaga. Di ako sumasagot. Pinalakasan ko yung pinapatugtog ko tas naghead set ako. ayra! galit na siya. Di ko prin siya pinapansin. Lumapit siya sakin tas inalis yung earphones ko. andito ka sa teritoryo ko kaya wag mo kong binabastos. bakit ba?! bukas na tayo umuwi. may 7:30 ako bukas di ba? Sinuot ko ulit yung earphones. Nagsasalita siya , di ko narirnig, di ko pinapansin. Lumabas siya sa room, binalibag niya yung pinto. Yung tipong kahit naka earphones ako ee narinig ko parin sa sobrang lakas. Bumalik siya fter 10 mins. Binilisan niyan naligo, nakakahiya daw kasi sakin. Nagready na ko, sumakay na ko sa car nila. Backseat kami. Passengers si ate Kat. Sinundo namin mom nila, nakasimangot ako. pero pag titingin ako sa mom niya, nakangiti ako. or kahit sa kaninong kapamilya niya. Sakanya lang ako nakasimangot. Kumain kami sa isang restau malapit sa hospital. Habang kumakain, nakasimangot ako. tinatapakan ni Ken paa ko. Di ko pinapansin. ma, patext nga. Itetext ko si Leo. Alam kong palusot niya lang yun. So, pinatay ko yung phone ko. Alam ko kasing ako yung itetext niya. Nung natapos kami magdinner, tinawag siya ng dad niya, nagpangasinense yung dad niya pero naintindihan ko. nagaaway kayo? parang may giyera akong narinig ee. on. (oo.) Tumingin sakin si Ate Kat , hayaan mo na yang si Ken. Baliw yan ee! ngumiti lang ako kay ate. Buti pa siya naiintindihan niya ako. nag Van na kami pauwi ng Baguio. Mom niya yung nagbigay ng pamasahe namin. Sa biyahe, as in di kami nagpapansinan. Tahimik sa van. Tas bigla siyang sumigaw ng,

anong gusto mong mangyari? ewan ko sayo! gusto mo ng break? kaya mo?! oo! oh di sige! Break kung break! sabi mo yan aah! Humanda ka sakin pagkababa natin. Di na ko nagsalita. Naiiyak na ko ee. Biglang binuksan nung katabi ko yung bintana, napunta sakin lahat ng hangin. Ayun! Inatake ako. di ako makahinga. Napaiyak ako kasi di ko matolerate. Timing nga naman. nagsorry sakin si Ken. Pinunasan niya mga luha ko. Niyakap niya ko, tas naglabas ng brown bag (air bag) para sakin. Then, okay na ulit kami. *end of flash back. Ang layo nanaman ng narrating ng isip ko. Sana, ganun ulit ngayon. Kung pwede ko lang sanang gawing excuse tong sakit ko para di niya ko iwan, gagawin ko. Pero ayokong maging pathetic. pakiss naman, for the last time. Why do he keep on saying that? For the last time. Damn! Wala na ba talagang pagasa? Pumunta siya sa room, kasama yung upuan. Pinapanood lang niya akong nakahiga. alam ba ng mama mo na. ganto tayo? Di ko alam kung anong ganto tayo yung ibig niyang sabihin. hindi pa. hinahanap ka nga niya nung birthday ni Xy. Pero sabi ko di ka makakapunta kasi siyempre long vacation. Di ko nalang sinabi na nagkakalabuan na tayo. aa. Ganun ba. Kumakain ka na ba? uhm. Oo? Bakit? huh. Talaga lang ha. Kaya pala anlaki ng ipinayat mo. nangiinsulto ka ba? hindi. Tignan mo nga yang sarili mo. Para ka ng butot balat. ahy oh? Ee di maganda. Para kahit papano ee pumayat naman ako. ayusin mo nga yang sarili mo. Bangag na bangag ka na. pumasok ka rin. Kumain ka.magpakatino ka nga

huh. Ang tino tino ko nung maayos tayo. Matataas grades ko. Kumakain ako palagi. Pumapasok ako parati. Bat ba kasi kelangan nating maging ganito? I cried. kelangan ee. Bigyan mo ko ng oras. Liligawan kita. Kahit pahirapan mo pa ako. okay lang. basta ayusin mo yang sarili mo. please naman beb, tama na. nahihirapan na ako. maging okay na tayo. Alam mo ba kung bakit di ako kumakain? Baka kasi sakaling maawa ka sakin, baka sakaling sa awa na yun ee bumalik ka sakin. Wag mo na kong saktan. Please lang. sorry, di talaga ee. Give me time. Dun na nagtapos yung usapan namin. Wala akong napala. Di kami nagkaayos. Wala na talaga. Chapter VIII Di pa ako umuuwi ng dorm simula nung Tuesday. Wala akong mukhang maihaharap dun ee. Bangag na bangag hitsura ko. Atsaka bukas, 4pm start ng klase ko. Recollection kasi ng SABM (School of Accountancy and Business Management). Nagtext ako kay ken ang sama ng loob ko sayo. bakit? di ko man lang narinig yung gusto kong sabihin mo. Hinihintay ko kasing sabihin niya na mahal parin niya ako. kaso, di niya sinabi. anu naman yun? figure it out. aa. Okay. Sige, text kita mamaya. Di na ko nagreply nun. Di parin ako matigil sa kakaiyak. Wait, bakit nga ba ako umiiyak? Ganto ko ba siya kamahal, o nagsisisi lang ako kasi iniwan ko si Drei na mahal ko para sakanya? Ewan. Naguguluhan ako. Mga 9:30 nagtext ako sakanya. ken,beb. Favor naman. Tulog nga ko jan ulit, for the last time. Promise, matutulog lang gagawin natin. Di na ko iiyak. Ni ako mageeskandalo. oh sige. Next week nalang. Hectic schedule ko ngayon ee. Naiintindihan ko naman. Nababagsak kasi siya sa calculus niya ee. Kaya pumayag narin ako. baka busy siya sa paghahabol ng sched niya. Kinaumagahan. Nagtext ako sakanya. mahal mo pa ba ako?

Di siya nagreply. Mga 30 mins na, wala pa ring reply. mahal mo pa ba ako? magtext ka naman. Para alam ko ginagawa ko. may girlfriend nako. Please lang, mag move on ka na. Ha? Girlfriend? Di ko na mabasa text niya. Blurry na pagtingin ko, punong puno ng luha mga mata ko. Di ako makapaniwala sa tinext niya. Tinawagan ko siya. hello?sino to? Babae yung sumagot. ayra. Pwede ba kay ken? my gawd! Ang nice ko sakanya! But why?! huy, ken. Ikaw daw. Umiiyak siya oh. Halla ka. Tumawa yung girl then pinatay niya yung phone. Tumawag ulit ako. sinong kelangan mo? si ken. Pwede ba sakanya? uuuhhhh. Kelangan mo siya? Pinatay ulit niya yung phone. Sino ba tong bitch na to ? siya ba yung gf niya? Walang modo. Di ata to nag elementary at di alam ang salitang good moral. Tumawag ulit ako. Dahil sa galit ko, sumigaw na ko. pwede kay ken?! bakit? Damn! Tinatanong niya ako kung bakit?! Ee kung imudmod ko kaya mukha nito sa semento?! Sino ba siya para magtanong ng ganun ? B*TCH! T*NG INA MO! WALA KANG KRAPATAN NA TANUNGIN AKO KUNG BAKIT! BASTA IBIGAY MO SAKANYA! Binabaan ulit ako ng phone. Wala talagang modo! I tried to call him, her pala. Pero out of reach na yung phone. After 10 mins, nagtext si Ken. wag kang pupunta sa bahay. Wala ako dun. May inuutos sakin. Teka, wala naman akong balak pumunta sa bahay niya. Bakit niya sinabi yun? Theres something wrong. Tinawag ko si Mart, sabi ko pupunta kami dun kay Ken.

wag na tol. Mageeskandalo ka lang dun. wag na ayra. Baka masaktan ka lang sa makikita mo dun. nasasaktan na ko. Lubos-lubosin na nila. bahala ka. Basta 30 mins lang tayo dun aa. oo. Basta samahan mo ako. Sinamahan ako ni mart na pumunta.nagtaxi kami.nagtext ako kay ate Kat ng ate kat, bat ganun? May bago na pala siya, di ko man lang nalaman. di nagreply si ate. Nung nasa harap na kami ng apartment ni ken, tinignan ko kung naka padlock. Hindi. So ibig sabihin, may tao sa loob. Ibig sabihin, nandun lang sila. So bumaba na kami ni mart sa taxi. Kumatok ako ng malaks. Walang sumasagot. Kumatok ulit ako ng malakas. Wala parin. Ayoko namang mageskandalo kasi sakanila yung apartment. Ee may tenant silang nasa labas, tinitignan ako. Kumatok ulit ako pero wala pa rin. Galit na galit na talaga ako. TANG INA MO KEN! ALAM KONG ANJAN KA! BUKSAN MO TONG PINTO! saglit lang naliligo ako. P*TANG INA MO! MAY KASAMA KANG BABAE JAN SIYA ANG MAGBUKAS NITO! Di siya sumagot. After a minute, binuksan niya yung pintuan. Tuwalya lang suot niya. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto, sinampal ko siya ng kabilaan. Closed fists. promise, walang nangyari samin. wala akong pakealam! Pumasok ako sa loob. Pinapapasok ko rin si Mart. mart, pasok ka at nang marinig mo kagaguhan nitong taong to. wag mart. Jan ka lang. wag na tol. Dito nalang ako. private ee. So pumasok kami ni ken sa loob. Umupo ako. nakatayo lang siya. dib a nagusap na tayo kahapon?

oo! Nagusap tayo kahapon pero di mo sinabing may iba ka na! bakit? nagsasawa na ko sa relasyon kahapon natin. nagsasawa ka na sakin? Ouch naman. Sana sinabi mo nalang kahapon na may iba ka na kaya ka nakikipagcool off. Di yang may iba ka na. di ko mapigilan sarili ko sa kakaiyak. Nanginginig ako. sag alit at gutom. Di pa ko kumakain. kelan pa? ngayon ngayon lang. bakit?! bakit niya ginawa yun? Di ko maintindihan. ayoko na kasi talaga beb. May gana pa siyang tawagin ako sa tawagan namin. Huh! Wala na akong masabi. Tahimik na kaming dalawa. andito ba siya? Ngumiti lang siya tas sumilip sa kwarto. Tumayo ako, sinilip ko siya, pero hinarang ako ni Ken. Feeling niya siguro susugurin ko yung girl. I can. But I wont. di ako ganun kapalengkera. miss, okay lang ba kung lumabas ka muna?maguusap lang kami ni ken. Gamit ni Ken suot niya. Damit at shorts. okay lang ba sayo? Sh*t! napatingin ako kay Ken. Seriously? Kelangan pang itanong sakanya kung pwede tayong magusap? Under ka na ngayon dre? oo naman. Pahiram ng tsinelas mo. Binigay ni Ken yung tsinelepers niya dun sa girl. Umupo si Ken sa kama. promise, walang nangyari samin. Alam mo naman pag ako ang nagpromise. huh. Nagpromise ka rin na di mo ako lolokohin. Anong ginawa mo? sa sobrang likot ng mga mata ko, nakakita ako ng bra na nakakalat. Arraaay! Lumuhod ako sakanya, please lang, ibreak mo na siya. Sabihin na nating 1 month na kayo. Pero wala pa yun sa pinagsamahan natin. grabe, wala pa naman kaming 1 month. yun na nga ee. Di pa kayo matagal. Kaya mo pa siyang iwan.please lang. tumayo ka nga jan.

Di ako tumayo. di kita kakausapin pag di ka tumayo jan. Siyempre tumayo ako. kaya nga ako andito para kausapin siya ee. please lang beb, iwan mo na siya. pero di niya maiintindihan. Di niya alam tong tungkol satin. tawagin mo siya dito. Ieexplain ko sakanya lahat. Aayusin ko tong gulo na ginawa mo. ako na kakausap sakanya. Umuwi na kayo ni mart. Ako aayos nito. Itetext ko nalang sayo kung ano mapapagusapan namin. hindi ako aalis ditto hanggat di ko siya nakakausap. anu ba yan! Ang tigas naman ng ulo mo! tawagin mo siya dito. ako na aayos nito. Di ba sabi mo gusto mong matulog kasama ako? ditto ka matulog mamayang gabi. At magusap tayo. magpromise ka na mamayang gabi okay na tayo, wala na kayo. promise. okay. Tawagin mo na garud siya dito. Kakausapin ko lang siya. Di ko siya sasaktan. Promise. Kilala mo ako, ayokong nakikipagaway ako. Tinawag niya yung babae. He warned me. And it hurts. Ansakit nung feeling na sinabihan niya akong wag siyang sasaktan. Samantalang ako, sinasaktan nila. Daladalawa pa sila. Okay. Its the moment of truth. ayra pala. Inabot ko yung kamay ko sakanya. kim. alam mo ba yung tungkol samin ni ken? well, sabi ni Ken di niya alam. Tinanong ko lang para sure. oo. Wrong answer, miss. Prinove mo lang na bitch ka talaga. huh? Sabi ni Ken di mo alam? sinabi sakin ng mga friends niya.

Tarantada ka pala ee! Alam mong may girlfriend lalandiin mo? Kahit na nga ba siya unang nanlandi sayo, dapat hinayaan mo nalang siya. oh, so, kelan naging kayo? kahapon lang. Kahapon lang? so, okay lang sigurong bawiin kung ano yung sakin di ba? Kaso, kelangan kong ibaba pride ko para sabihin yun sakanya. As in super baba. Mga 10 mins na katahimikan. Pinagisipan ko muna ng maigi, kung gagawin ko ba talaga. pwede bang ibalik mo na siya sakin? Boom! Nasabi ko rin! Ang hirap sabihin, pero kinaya ko, para sakanya. Chapter IX hindi ko alam, pero, mahal ko na kasi siya. Naipakilala ko narin siya sa dad ko. Woah?! Naipakilala na niya sa dad niya? In 1 day? Mahal na niya? In JUST 1 day?! What the eff? ee pano nalang ako? kung naipakilala mo na siya sa dad mo, sakin di ko lang naipakilala. Kilalang kilala na siya ng family ko. Lahat ng social gatherings nandun siya. Dun siya natutulog sa bahay kung minsan. And vice versa, natutulog tulog din ako sa bahay nila. Yang pinagsamahan niyo, walng wala yan sa pinagsamahan namin. ah? Nakapunta ka na sa bahay nila? Ahy . hindi pa. tanga lang te? Kaya nga natutulog ako dun di ba? oo. halla, sorry talaga. Pero di ko alam. Umiiyak siya.niyakap ako. Ano to, kaplastikan? Ako lang may karapatang umiyak ditto. Bat ka nakikiiyak? kunin ko # mo, itetext ko nalang sayo kung anong mapapagusapan namin. Pagpiliin nalang natin siya. Tinype ko yung # ko sa phone niya. okay lang ba kung ikaw na mismo ang mag give up? alam ko kasing ikaw ang pipiliin niya. basta itetext nalang kita. Biglang pumasok si Ken. Dinuro duro niya ako. bat ka nagtext kay ate kat? masama ba?

Di siya sumagot. Weeew. Ang sakit naman nun para sakin. Dinuro duro ako sa harap ng babae. Weee. Ang swerte ko talaga sakanya! DREI karma ko na siguro toh :< Lumabas na ko sa apartment ni Ken. Bahala na kung ano maging desisyon niya. galit nag alit ako sayo tol. sorry. pinagmukha mong tanga sarili mo dun. Sana di nalang kita pinayagang pumunta. alam ko namang nagmukha akong tanga dun tol. ewan ko sayo! Di na kami nagkibuan sa taxi. Hanggang sa nakarating kami sa boarding house nila, di parin kami nagkikibuan. 4pm pa klase namin kaya natulog muna ako. Pumasok ako.absent si Ken. Hanggang kelan kami magiging ganto? Nagetxt ako sakanya. yung promise mo na maguusap tayo mamayang gabi at jan ako matutulog, tuparin mo. dib a pwedeng sa text nalang natin pagusapan. hindi. bakit? basta mamayang gabi. okay. Magpaalam ka kay kim, siguradong magagalit yun. punyeta ka. Wala akong karapatang magpaalam sakanya dahil ako girlfriend mo. okay. 9pm. hinde.6pm. 8:30 6:00 6:30 6:00 nga ee! okay. Hintayin kita sa harap ng ZAGU. Nasaktan ako sa sinabi niya, na magpaalam muna ako kay kim dahil siguradong magagalit siya. Nagpaalam ba yung babaeng yun nung matulog siya kasama ang BOYFRIEND ko? Hindi naman di ba?

6pm. Hinatid ako ni Darren sa harap ng Zagu. Sabi ko sakanya, wag niyang sasabihin kay mart na kasama ko si ken. Magagalit yun. Taxi. Malapit na kami sa QM. Taxi driver: san tayo boss? Kaliwa o kanan? kaliwa po. Ahyyy. Kanan pala. ikaw ha, mahilig ka sa kaliwa. Inuuna mo kaliwa mo kesa kanan aa. Hahaha! Natawa naman ako dun! hoy, Ken, tignan mo, pati si manong driver alam niya! He smirked. Nung makarating kami sa apartment niya, umiyak lang ako ng umiyak. Sabi niya, ayra, sorry sa nagawa ko sayo. okay lang yun. Kakalimutan ko naman lahat yun ee. alam mo, ang tanga mo. Niloko na nga kita tapos iiyakan mo pa ako. tignan mo nga yang sarili mo. Di ka na kumakain. Bigyan mo naman ako ng rason para magsisi sa ginawa ko sayo. Iyak lang ginawa ko. Di ako nagsasalita. Hanggang sa antukin ako. pinapatay ko na yung ilaw. Niyakap ko siya, miss na miss na kita. Narinig ko yung pagiyak niya. Nabuhayan ulit ako. nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob na sabihin sakanyang bumalik na siya sakin. balik ka na sakin. Please lang. pano si Kim? Yun ee! Pano si Kim? Forever na lang ba niya akong sasaktan ? pano si Kim? Ee pano naman ako? wag mo naman akong biglain na mamili. wag kitang biglain? Ako ba, hindi mo binigla sa ginawa mo? Di siya nagsalita. mahal mo pa ba ako? hindi na.

what? Seriously? Seryoso ka ba? oo. ee bakit ka umiyak? Siguro naman may dahilan pag iyak mo di ba? naaawa lang kasi ako sayo. Yun na! boom! Naawa narin ako sa sarili ko pagkarinig ko nun. Di na niya ako mahal. Naaawa nalang siya. Kelangan kong tanggapin, di ba? masaya ka ba na iba katabi mo kagabi, iba nanaman ngayon? Di siya sumagot. masaya ka ba na dalawang babae ang nagaaway dahil sayo? haba ng hair ko ee! Wow! Nagawa pa niyang magbiro. So good , right? Natulog na kami. Pag gising ko, gumawa ako ng goodbye letter .. beb! Sorry. Sorry kasi sobra kitang minahal. Di bale, di mo na ko makikita. Mamimiss kita. Last na to, hayaan mo nakong sabihin sayo na mahal na mahal kita. Alam kong siya ang pipiliin mo, so, goodbye na. oka? Ingatan mo sarili mo. Then bumalik na ko ng dorm. Nakita nila akong umiiyak. Tinanong nila ako kung bakit. Kwinento ko lahat lahat sakanila. Ibat ibang comments like makita ko lang yang ken nay an, sasapakin ko yan. halla, naiyak naman ako sa kwento mo ayra. Pero kelangan mo ng magmove on. ish! Mapapatay ko yang lalakeng yan! Pero isang comment lang yung nakatama sakin ng sobra sobra isipin mo nalang, ganyan din naramdaman ni Andrei nung pinuntahan ka niya sa bahay niyo at nagmakaawang bumalik ka sakanya. Nakakarma ka lang, Ayra. Si Jovz, ang bestfriend ko sa dorm. (nasa chapter 3 yung sinasabi niyang pagpunt ni Drei sa bahay.) oo nga ee. Pinagsisisihan ko na ngayon bhe. pero di ko naman sinasadya yung nangyari samin ni Drei. Siya yung nangiwan, hindi ako. siya yung naniwala kay ken dib a? so partly, wala akong kasalanan. Ang naging kasalanan ko lang ee naging boyfriend ko si Ken. Yun lang. pero minahal ko talaga siya. okay. Sabi mo ee. Hinay hinay ka lang kasi. Maganda ka kaya nakukuha mo lahat ng gusto mo, pero payo ko lang sayo ha? Hinay-hinay lang. Nagsisisi ako ngayon. Why did I choose him over Drei? Sorry, Andrei. Can I have you back?

You might also like