You are on page 1of 8

MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
Lahat silay may mataas na antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod. MGA PINUNO I. Abraham Lincoln dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at nagiwan ng hindi na mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi maging sa buong mundo. Hindi ,mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang pormal na edukasyon at siyay mahirap na mamamayan lamang. Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng publiko. Dahil sa kakulangan ng speech schools, matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya. Hanggang sa kasalukuyan, ipiapalagay na ang kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig. II. Franklin Delano Roosevelt nanatali sa White House nang apat na sunud-sunod na termino mula 1923-1945.

Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. KAHULUGAN NG PAGSASALITA Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA 1. Naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita; 2. Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao. 3. Nakapag-aanyaya o nakikinig; at nakaiimpluwensya ng saloobin ng

4. Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito. 5. Madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. KAHALAGAHAN NG PAGLINANG MABISANG PAGSASALITA NG KASANAYAN SA

Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang ipinagkatulad sa isat isa. J.F. Vergara | Pagsasalita Pahina 1

MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA 1. KAALAMAN Upang maging epektib na tagapagsalita, kailangang alam mo ang paksa ng usapan. Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika. Kailangan rin na may sapat kang kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura at maging sa kultura ng iyong kausap. 2. KASANAYAN Ang pagsasalita ay isang kasanayang maaaring linangin. Kailangang mayroong kasanayan, sa wika, retorika, at balarila. Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamikling panahon. (May mga sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind.) Kailangang may sapat siyang kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tuland ng tinig, tindig, galaw at iba pang anyong di-berbal. Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa ibat ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan atbp. 3. TIWALA SA SARILI Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniang nagiging kimi o hindi palakibo. Kailangang matatag ang damdamin at malawak ang kaisipan. Mapilitan man siyang magsalita paminsan-minsan, inilalantad naman ng kanyang mahinang tinig, garalgal na boses, mabagal na pananalita, pautal-utal o ang panginginig ang kakulangan niya ng tiwala sa sarili. Pahina 2

Nilinang niya ang kanyang kakaya han sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga malalayang simulain ng pagsasalita. Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan. Maging ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang tagapakinig. III. John F. Kennedy Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng ipinalabas ng mga programang pantelebisyon. Dahil sa kanyang epektib na pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa nasabing halalalan. IV. Demosthenes dakilang orador. tanyag na isang

Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang sarili magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan. Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang maituwid lamang ang kanyang pananalita. ------------------------o-------------------------J.F. Vergara | Pagsasalita

MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
Kinakailangang may tikas, ika nga, mula ulo hanggang paa. Hindi magiging kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung siyay parang nanghihina o kayay siya ay mukhang sakitin. Kailangang siya ay magtaglay ng kawili-wili at kalugod-lugod na personalidad upang siya ay maging higit na mapanghikayat. 4. Kumpas - Kung wala nito, ang nagsasalita ay mukhang tuod o robot. Ngunit ang kumpas ng kamay ay kailangang maging angkop o tumutugma sa diwa ng salita o mga salitang binibigkas upang maging malinaw ang mensaheng nais iparating sa mga tagapakinig. 5. Kilos at Ekspresyon Ang emosyon ng nagsasalita ay nailalantad sa kilos ng katawan at espresyon ng mukha. Siguraduhing angkop ang kilos at ekspresyon habang nagsasalita upang itoy di magdulot ng kalituhan sa mga tagapakinig. Ang mga mata, balikat, paa, at ulo. Ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita MGA PANANAW SA PAGSASALITA 1. Ethos (Ethical) Tumutukoy ito sa kredibilidad ng isang ispiker. Mahalaga ito upang paniwalaan siya ng kanyang awdyens at nakatutulong ito upang mas mapataas pa ng ispiker ang tiwala sa kanyang sarili. Sabi nga, ang kredibilidad ay hindi nakukuha sa mabilis na paraan, bagkus, ito ay pinaghihirapan at pinagyayaman. 2. Pathos (Pathetic) Tumutukoy naman ito sa emosyong hatid ng ispiker sa kanyang awdyens. Ang pananaw na ito ay isang mahalagang salik tungo sa mabisang pagsasalita. Nararapat kasing maramdaman ng awdyens ang sinseridad ng ispiker Pahina 3

Ang mga ganitong tao ay mahirap na makaakit o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig. PAMANTAYAN NG ISANG USAPAN Ang isang usapan o conversation ay isang prosesong pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng dalawa o higit pang kalahok na gumagamit ng verbal o senyas na wika sa pagpapalitan ng kaalaman, pagpapahayag ng saloobin o damdamin na kung saan ay nakaapekto sa kilos o gawi, sikolohikal, kaalaman at damdamin ng mga partikular na kalahok. MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA 1. Tinig Ito ang mahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Sa maraming pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit pakinggan. May mga sitwasyong nangangailangan ng malakas na tinig ngunit may ilan na mahinang tinig lamang. May bentahe ang isang tagapagsalita kung may kaalaman siya sa tamang pagtimpla ng tinig, kung kalian lumalakas at kalian humihina, nararapat na may timbre na siyang nakakakuha ng atensyon ng tagapakinig. 2. Bigkas Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbunga ng ibang kahulugan. Kailangang bigyang-pansin ng tagapagsalita ang bigkas ng mga salita kasama nito ang tinis, haba, lakas, intensidad, bilis, intonasyon, diin, bagal at hinto ng pagsasalita. 3. Tindig Sa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa mga timpalak-pambigkasan napakahalaga ng tindig. J.F. Vergara | Pagsasalita

MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin. Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa. Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin. Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan. Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang. Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu.

hindi lamang sa pananalita, gayon din naman sa pagiging makatotohanan ng kanyang sinasabi. 3. Logos (Logical) Tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker. Kadalasan, ang katotohanan ng mensaheng inilalahad ng ispiker ay dulot ng pagiging likas na matanong niya kaugnay sa mga nangyayari sa kanyang paligid. MGA TEKNIK SA PAGBUBUKAS NG MABISANG USAPAN 1. 2. 3. 4. 5. Mga pinakabagong balita Mga bagong impormasyon Mga kinagigiliwang gawin Mga opinyon, pananaw at paniniwala Mga pangyayaring pareho ninyong naranasan

3. PANGKATANG-TALAKAYAN Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan;

LIMANG KASANAYAN SA PAGSASALITA 1. PAKIKIPAG-USAP Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang: Kailangang kakitaan ng paggalang sa isat-isa. May matapat na layunin sa pakikipag-usap. Sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa nag-uusap ang pagsasalita. Ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-uusap. Ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob.

Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan. Magkaroon ng bukas na isipan. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama.

4. PAKIKIPAGDEBATE O PAGTATALO Tungkol sa pagtuligsa:

2. PAKIKIPANAYAM (INTERBYU) Mga dapat pakikipanayam: tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng

Ipahayag ang kamalian ng kalaban Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban Pahina 4

J.F. Vergara | Pagsasalita

MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan. 2. Memoryadong Pagsasalita Mula sa terminong memoryado, isinasagawa ng ispiker na magsalita kung saan nakaimbak na sa kanyang isipan ang lahat ng kanyang sasabihin mula sa simula, gitna hanggang wakas. Sa ibang aklat, maaari itong tawaging pinaghandaang talumpati. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati. Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati. Sa ibang pagkakataon, ang isinulat 3. Impromptu Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda. Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati: Pag-aralan ng mabuti ang iyong paksa. Alamin kung ano ang iyong mga kalakasan. Gumawa ng balangkas. Tandaan ang iyong panimula at wakas. Bigyan ang sarili ng isa hanggang dalawang minuto para makapag-isip. Pahina 5

Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban

Tungkol sa pagtatanong: Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong.

5. PAGTATALUMPATI May apat na pangkalahatang uri ng pagsasalita o pagtatalumpati. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: pagbasa ng isang itinakdang papel, memoryadong pagsasalita, impromptu, at ekstemporenyus. Uri ng Talumpati o Pagsasalita 1. Pagbasa ng isang Itinakdang Papel Ito ay sinasabing pinakamahirap sa apat na paraan ng pagsasalita. Mahirap ito dahil maaari itong makapagdulot ng pagkabagot ng awdyens. Nagagawa kasi nitong alisin ang tuwirang kontak ng ispiker sa kanyang awdyens dahil nakapokus siya sa kanyang binabasa. Nagbubunsod din ito ng pagkawala ng eye-contact at pagiging monotone na anyo ng tinig. Dagdag pa, isa sa mga estilo ng pagsasagawa nito ay ang paggamit ng mga salitang hindi lantarang isinasangkot ang awdyens. Isang halimbawa nito ay ang pagbasa ng hatol sa loob ng korte.

J.F. Vergara | Pagsasalita

MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
kaisipang nais iparating ng talumpati upang maipaabot ito ng malinaw sa mga tagapakinig. 3. Ang Tagapanood / Tagapakinig Higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig upang makapag-isip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapupukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibigay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila. KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MANANALUMPATI 1. 2. 3. 4. 5. May magandang personalidad Malinaw magsalita May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay May kasanayan sa pagtatalumpati Mahusay gumamit ng kumpas

Habang ikaw ay nagsasalita, maging mulat sa istilo at intonasyon.

Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na spur of the moment kung saan ang ispiker ay binibigyan ng pagkakataong makapagsalita ng wala ni anumang kahandaan. Tanging umaasa lamang siya sa mga impormasyong awtomatikong hatid ng kanyang isip. 4. Ekstemporenyus Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas. Hindi naman tiyak o lubusan ang kahandaan ng tagapagsalita ngunit mayroon pa rin o taglay pa rin niya ang limitadong kahandaan. Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore: Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI 1. Ang Mananalumpati Dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanonood ng mga tao. 2. Ang Talumpati Kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at J.F. Vergara | Pagsasalita

MGA KATANGIAN NG MABUTING KUMPAS 1. Maluwag at maginhawa higit na magandang tingnan kung natural ang pagkumpas at hindi naninigas 2. May buhay at hindi matamlay ibat-ibang sigla ang dapat taglayin ng mga kumpas 3. Tiyak tiyak ang pagtuturo sa tao o bagay na itinuturo 4. Nasa panahon nasa tayming ang kumpas, hindi nauuna o nahuhuli sa dapat nitong paglagyan 5. Angkop sa mga nakikinig iayon ang mga kumpas sa uri at antas ng tagapakinig at ang laki/dami ng mga ito ANG TAKOT SA PAGSASALITA SA HARAP NG MADLA

Pahina 6

MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita. Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan. Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa malalaking madla. Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga. Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.

Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na xenophobia o stage fright. Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, masagwang tindig o postyur, kakatwang ideya o anyong pisikal. IBAT IBANG DAHILAN SA STAGE FRIGHT Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig. Di kaaya-ayang karansan sa pagsasalita sa harap ng madla. Kakulangan o Kawalan sa karanasan sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal. Kakulangan o kawalan ng kahandaan. Kakulangan o Kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

TIPS SA MABISANG PAGSASALITA Ang pagsasalita ay kinapapalooban ng maraming salik upang maayos at mabisa itong maisagawa. Ilan sa mga dapat tandaan tungo sa mabisang pagsasalita ay ang mga sumusunod: 1. Kaayusan ng buong kilos o galaw na inihahatid ng ispiker. 2. Pagiging alerto ng katawan at isipan ng isang ispiker kaugnay sa pagsasalita at interaksyon niya sa kanyang awdyens. Makikita kasi rito ang pagiging pursigido niya sa buong daloy ng pakikipagsalitaan. 3. Paminsan-minsan, gawing kontrolado ang kilos gayon din ang pagsasalita. 4. Ang tuwirang pagtingin sa mata ng mga awdyens ay mahalagang salik din dahil nakikita rito ang sinseridad ng ispiker. 5. Ang kalinawan, pagiging kaaya-aya at kumbersasyonal na anyo ng pananalita ay nararapat ding isaalang-alang. 6. Siguraduhing nagtataglay ng malakas na impak ang iyong mensahe at paraan ng pagsasalita. 7. Maging tuwiran sa nais mong sabihin. Iwasan ang paulit-ulit na pagpapaliwanag. 8. Tiyaking malinaw na mailalahad ang iyong mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng mga simpleng salita at simpleng paliwanag. Pahina 7

KAHINAAN SA PAGTATALUMPATI Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa maraming tao. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati. MAKAPAGSASALITA NG

MGA MUNGKAHI KUNG PAANO MAAYOS SA HARAP NG MADLA:

Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita. Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla. Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong

J.F. Vergara | Pagsasalita

MAKRONG KASANAYAN:

PAGSASALITA
travelogue, guide map atbp. Layunin nitong maipakita ang isang bagay sa teritoryal na paraan. 7. Paraang papaksa. Ang mga mensahe ay maaari rin namang maorganisa sa paraang papaksa. Ibig sabihin, ang mensahe ay diretso na agad sa paksang sasabihin ng ispiker. Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga sumusunod: - Ano, Sino, Kailan, Saan, Paano at Bakit - Politikal - Sosyal at iba pa 8. Paraang motibasyonal. Ang paggamit ng mga motibasyonal na lunsaran sa pagsasalita ay malaking tulong sa pagkuha ng atensyon ng awdyens. Kadalasan itong masasaksihan sa mga miyembro ng charity group kung inilalahad nila ang kanilang layunin sa paghingi ng tulong o donasyon. Talasanggunian: Badayos, P. et al. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.. Bernales, R. A., et al. (2009). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc..

PARAAN NG PAG-OORGANISA NG MENSAHENG SASABIHIN Upang maging mabisang ispiker, lahat ng impormasyon ay kailangang nakaayos sa paraang organisado. Narito ang ilang uri ng pag-oorganisa ng iyong sasabihing mensahe: 1. Gamit ang paraang pabilang at paalpabetikal. Sa pagsasaayos ng impormasyon, maaaring magamit ang pagbilang kung saan maaari mong lagyan ng bilang ang pagkakasunod-sunod ng iyong sasabihin nang sa gayon ay madali mong matutunton ang lahat ng impormasyon. 2. Kronolohikal na paraan. Ang paraang ito ay tumutukoy sa paglalahad ng simula, gitna at wakas, punot dulo ng pangyayari at iba pang mga kahalintulad na paraan. 3. Progresibong paraan. Sa paraang ito mahihinuha ang pagtalakay kaugnay sa isang simple hanggang kompleks na mga ideya, madali hanggang pinakamahirap at iba pa na kung saan makikita ang pagsulong o debelopment ng isang bagay o pangyayari. 4. Lohikal na paraan. Ang lohikal na paraan ay ang pagsasagawa gamit ang tiyak tungo sa pangkalahatang pananaw o kaya naman ay ang pangkalahatang pananaw tungo sa tiyak, problema tungo sa solusyon o implikasyon. 5. Paraang patuklas. Ang isang mensahe ay maaari rin namang maorganisa sa paraang patuklas. Isinasagawa ito sa paksang maaaring maipakita ang order o ayos o di naman kaya ay ang pagkakaroon at pagkawala ng isang bagay. 6. Paraang spatial. Ginagamit naman ito kung ang impormasyong ilalahad ay may kaugnayan sa heograpiya, J.F. Vergara | Pagsasalita

Pahina 8

You might also like