Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
25Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Sagisag Kultura Ng Filipinas 002

Sagisag Kultura Ng Filipinas 002

Ratings: (0)|Views: 2,777 |Likes:
Published by buenaventura_f_a

More info:

Published by: buenaventura_f_a on Sep 22, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/16/2013

pdf

text

original

 
Federico Caballero
Ipinagkaloob kay
Federico Caballero
(Fe·de·rí·ko Ka·bal·yé·ro) ngCalinog, Iloilo ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong taong 2000 dahilsa kaniyang pagsusumikap na mapanatili ang mga paniniwala, tradisyon,at panitikang Panay-Bukidnon sa pamamagitan ng paghimok sa mgamananaliksik at tagapagtaguyod ng kultura na isulat ang mga ito upangmaituro sa mga nakababatang miyembro ng kanilang komunidad.Sampu ang pangunahing epikong-bayan ng Gitnang Panay na tinatangkangisalba ni Caballero. Kabilang dito ang
 Humadapnon
at
 Labaw Dunggon
 na binibigkas sa wikang Ligboc, ang lengguwaheng nalalapit sa Kinaray-angunit hindi na ginagamit.Ang mga epikong-bayan ang nagsilbing pampatulog nilang magkakapatidhabang lumalaki. Tuwing gabi, inaawit ng kanilang ina o ng kanilang lolasa talampakan na si Anggoy Omil ang mga epiko ng kanilang mga ninuno.Sa kanilang magkakapatid, tanging siya ang nagpatuloy sa pagpapalaganapng kanilang panitikan.Sa kasalukuyan, nagtatrabaho bilang kawani ng Bureau of NonformalEducation si Caballero. Dumadalaw siya sa iba’t ibang barangay athinihikayat ang mga nakatatandang mag-aral na magsulat at magbasá.Bagaman kinikilala siyá bílang isang
manughusay
o tagapamagitan samga hidwaan at isang
bantugan
o iginagálang na indibidwal sa kanilangkomunidad, hindi pa rin madali para sa kaniya ang himukin ang mganakatatanda. Sa kabila nitó, ipinaaalala pa rin niya ang tungkulin ng kanilanghenerasyon na isalin sa mga nakababatàng miyembro ng komunidad ang panitikan at kulturang ipinamana rin sa kanila ng kanilang mga ninuno. Nagbubunga naman ang kaniyang mga pagsisikap. Bukod sa mga iskolar,akademiko, at mga tagapagtaguyod ng kultura, kinikilala na rin ng kaniyang pamilya, lalo na ng kaniyang tatlong anak ang kagandahan at kahalagahanng isinusulong niyang adhikain. (GB) (ed GSZ)
 
cabeza de barangay
Ang
cabeza de barangay
(kabésa de ba·ra·ngáy) ang pinuno ng baryonoong panahon ng Espanyol na humalili sa mga pinunòng datu atkatumbas ngayon ng posisyong kapitan ng barangay. Ang pinunòng ito aymaaari lámang magmula sa mga prinsipalya o mag-anak ng mga datu atmayayamang pamilyang mestisong Tsino at Espanyol.Ang mga cabeza de barangay ang pangunahing tagapamahala sa mganayon, tagakolekta ng mga buwis at tributo, at tagatipon ng mga polista otrabahador mula sa mga karaniwang tao para sa pamahalaang Espanyol.Siya rin ang tanging nakalalahok sa paghalal ng gobernadorsilyo o pinunòng bayan noong siglo 19.Bilang kapalit sa kaniyang katapatan at paninilbihan sa pamahalaangEspanyol, binibigyan ang cabeza de barangay ng mga pribilehiyo gayang paggamit ng titulong “Don,” ang hindi pagbabayad ng tributo o buwisng kaniyang pamilya, at ang pagiging malaya niyá at ng kaniyang mgaanak na lalaki sa sapilitang paggawâ o
polo y servicio
. Ang termino ngisang cabeza de barangay ay hindi bababa sa tatlong taon ngunit maaariniyang matamasa nang panghabambuhay ang mga nasabing pribilehiyokung siyá ay makapagsisilbi sa pamahalaang Espanyol nang hindi bababasa sampung taon. (MBL) (ed GSZ)
 
Benedicto R. Cabrera (Bencab)
(10 Abril 1942—)
Itinanghal si
Benedicto R. Cabrera
(be·ne·dík·to ka·bré·ra) na PambansangAlagad ng Sining sa Pintura noong 2006. Mas kilala siya bilang Bencab nasiya ring lumilitaw na lagda sa kaniyang mga pintura. Natatangi ang kaniyang sining sa larangang ng pinturang Filipino dahilsa pagbibigay niya ng diin sa pagguhit kaysa kulay. Kinakatawan ng mga pintor na sina Leonardo da Vinci at Michelangelo ng Italya ang ganitongestilo ng pagpipinta. Ang Filipino, noon at ngayon, gamit ang iba’t ibanghulagway, ang pinakatampok na paksa sa mga obra ni Bencab. Sinasabingang kakulangan ng kulay sa kaniyang mga obra ay napupunuan ng karakter ng kaniyang mga paksa.Unang eksibit niya sa gulang na 24 anyos ang ginawa sa Indigo Gallerynoong 1966. Mula sa isang larawan ng isang marungis na babaeng kinunanng retrato mismo ng pintor noong dekada 1960, iniluwal ang hulagway natinawag niyang
Sabel 
. Sinisimbolo ng hulagway ng Sabel ang hikahos nakalagayan ng maraming Filipino. Ang
 Larawan
 
Series
naman ay nagmulasa mga larawan ng mga Filipino na hango sa mga mapang antigo at mgalibrong kinolekta ng mag-asawang Bencab at Caroline noong sila ay nasaLondon. Sa mga pinturang Larawan, nahuli ng pintura ni Bencab nang buhay na buhay ang mga pigura sa mga retrato na animo’y reproduksiyonnito. Subalit dahil sa husay at kasiningan ng pintor, nagmimistulang mga bagong larawan ang pintura. Noong 1986, bumalik sa Filipinas ang pintor matapos ang diborsiyo. Mulingsinalamin ng kaniyang pintura ang panibagong yugto ng kasaysayan ng bansa sa kaniyang ikalawang bersiyon ng
Two Filipinas
 —ang
 EDSA Event.
 Sa Baguio City na namalagi si Bencab kapiling ang iba pang manlilikhang sining na bumubuo sa Baguio Arts Guild gaya nina Kidlat Tahimik atSantiago Bose.Ipinanganak si Bencab noong 10 Abril 1942 kina Democrito Cabrera,isang empleado ng gobyerno at Isabel Reyes. Sa kaniyang mga naunanglikha makikita ang mga imahen ng lugar na kinalakhan niya sa Bambangat Mayhaligue sa Tundo. Napangasawa niya si Caroline Kennedy, isangmanunulat na British. Nag-aral siya ng Fine Arts,
major 
sa CommercialArts sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1959-1963. Naging ilustrador siyang
 Liwayway
at
Sunday Times Magazine
ng
 Manila Times
noong 1965-1968. Pagkaraan, iniukol na niya ang buo niyang panahon sa pagpipinta.(RVR) (ed GSZ)

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->