You are on page 1of 11

ADAMSON UNIVERSITY COLLEGE OF ENGINEERING MINING, GEOLOGY AND CERAMICS DEPARTMENT

Buhay ng Isang Super Mom o Super Dad

In Partial Fulfulment for the course requirement in Society and Culture with Family Planning

Ipinasa nila: Aque, Leandro Ernesto G. Guimbangunan, Avegail P.

Ipinasa kay:
Prof. Nolasco, Eman Oktubre 7, 2012

Panimula Sa halos isang daang milyong katao sa Pilipinas, labing-apat napung milyon ang solong magulang. Higit kumulang labinlimang porsiyento ito ng populasyon ng ating bansa. At sa kasalukuyan, patuloy ang pagdami ng mga sitwasyon nito. Mahalaga ang partisipasyon ng bawat single parent sa ating lipunan. Paano na lang kaya kung ang nag-iisa mong magulang ay mawalay pa? Sa dami ng mga posibilidad na nakalaan at sa mga ginugusto nilang makamtan, napapaisip tayo kung anong paraan nila ito natutugunan sa isang pamilyang pinapatakbo ng isang solong magulang. Isang

mahalagang dahilan na dapat na mabigyan ng tingin ng lipunan, ay ang pagsasama at pagmamahalan sa isang pamilya. Hindi mapapantayan ang saya ng pagsasama kahit gaano ito kasimple dahil dito masusukat ang tibay ng pundasyon ng isang pamilya. Napili naming ang paksang ito dahil isa silang mahalagang salik sa paraan ng pagpapalago ng ating lipunan ngayon at sa patuloy na pag-unlad natin. Nais naming maipakita ang kanilang mga kaalaman at karunungan sa paglaganap ng isyu at usapin sasingle parenting. At hinaharap ay makabahagi ng sapat at tamang impormasyon higgil sa buhay nila. Malimit na hindi natin sila napapansin ngunit sila ay nararapat na bigyan ng atensyon dahil sa kanilang ipinapakitang tapang at lakas ng loob sa pangaraw-araw na pamumuhay. Ang pangunahing layunin nitong pananaliksik namin ay inihahandog para sa lahat at para makapagbigay ng impormasyon sa kung paano sila nabubuhay. Sa anong paraan nila bubuhayin ang pamilyang nag-iisa at ang mga maaaring epekto nitong paraan ng pamumuhay sa kanilang mga anak.

Kabataan, may pamilya man o wala at sa lahat ay maaari itong basahin. Ang Buhay ng Isang Super Mom o Super Dad ay paksa para sa lahat. Hindi lang ito nakapagbibigay ng impormasyon bagkus pati ng babala para maiwasan o mabawasan na ang bilang ng ganitong uri ng sitwasyon. Ang mga mambabasa mismo ang makakapagbigay ng kanilang mga opinyon o mga mungkahi para sa ganitong paksa. Ang pagiging solong magulang ay di-bago sa ating lipunan. Ito ay nariyan lang at di lamang pinapansin ngunit kasalukuyang dumarami ang mag kaso nito. Ito ay pwedeng resulta ng komplikasyon sa relasyon ng magasawa o di kayay sa umpisa pa lang ay pinili na ang pagsosolo. Mga karaniwang dahilan kung bakit naiiwan mag-isa ang ilaw o haligi ng tahanan. Sa larangan ng sosyolohiya, nais naming na makapagbigay ng mga kaalaman tungko sa mga natatanging magulang na siyang nakahandang basahin ng publiko. Makapaglahad ng malinaw na impormasyon at maitanim sa bawat isipan ang mga maaaring epekto nito sa ating lipunan.

Pagtatalakay ng paksa Bago natin talakayin ang buhay ng mga solong magulang, mabuti nang alamin muna natin kung bakit nga ba nagkakaroon ng ganitong sitwasyon? Ano ang mga sanhi nito? Ayon sa isang blog, mayroong apat na kadahilanan ang pagsosolong magulang. Isa na dito ang maagang pagbubuntis. Itong mga uri ng nagiisang magulang ay labis na karaniwan sa mga kabataan na nagrerebelde sa kanilang mga magulang. Naramdaman nila ang kapabayaan ng kanilang mga magulang di lang sa kanilang mga pangangailangan, pati sa pagmamahal at pagmamalasakit na kanilang inasahan. Dahil dito sa kapabayaang ito, natututo ang mga kabataan na maghanap ng paraan upang tuparin ang kanilang mga pangangailangan. At sa ganitong kaugalian ay kadalasang nagreresulta sa pagkabuntis ng/sa kanilang kasintahan.

Ang piling pagsosolo at pag-ampon. Ito ay karaniwang tinatanggap sa ating lipunan ngayon. Naniniwala ang mga tao na ang pagsosolo ay ang kanilang tadhana at ang pagaasawa ay hadlang sa kanilang pagpurisgi sa anumang karerang nais nilang pagtagumpayan.Ginagawa lang magampon upang maramdaman ang pagkakumpleto sa kanilang buhay. Kadalasan, karamihan ng mga tao ay nagsasabing mas kumpleto ang buhay kapag may anak. Itoy tama naman dahil sila nga ang nagbibigay inspirasyon at kaligayahan sa panahon ng pangangailangan. Ang pagpapakawalang-bisa ng kasal o annulment. Sa ating lipunan ngayon, ito ang pinakapangunahing rason ng pagsosolong magulang. Napakarami ng mga maaaring dahilan ng pagpapawalang bisa ng kasal, isa na rito ay kapag ang korte . At kadalasan, mauuwi ito sa pagkahiwalayang ng mga magulang at ang pangangalaga ng anak ay mapapasiyahan sa kung sinuman ang nararapat na magalaga sa kanya at mabigyang suporta ng kabilang partido. Ang pagkamatay ng asawa ay isa rin sa mga sanhi na nagbubunga sa pagsasarili ng naiwang balo sa pagpapalaki ng kanilang anak. Maraming emosyonal na pagbabago ang kailangang magampanan ng nabyudo o nabyuda dahil siya na lang mismo ang magtataguyod sa kaniyang pamilya. Masayang magkaroon ng buong pamilya. Bawat parte ay may kanya-kanyang responsibilidad na pinanghahawakan. Katulad ni tatay na nagbibigay proteksyon at siguridad sa pamilya at ni nanay na nag-aasikaso sa mga gawaing-bahay. Ngunit paano kung isa sa kanila ang mawala sa isang pamilya? Magiging masaya pa rin ba o malungkot na? Ang pagtanggap ng responsibilidad sa isang pamilya ay napakahalaga. Sabi nga ng mga matatanda, hindi daw katulad ng pagsubo ng kanin ang pag-aasawa na kapag ayaw mo na ay iluluwa mo lang. Mas lalalo na sa ating panahon, hindi biro ang pumasok sa isang relasyon ng walang kasiguraduhan. Kailangan may permanente kang trabaho para matustusan ang pangangailangan ng pamilya, bahay na pagmamay-ari at siyempre mamawala ba ang KASALAN? Dapat hindi dahil ito ang isa sa dahilan kaya marami pa ring pamilya ang buo at matiwasay na nagsasama.

Unahin muna natin ang mga buhay na nakaranas ng kalungkutan habang binubuhay nila ang kanilang pamilya. Gurlis pinays: Noong nalaman mong buntis ka, ano yung unang pumasok sa isip mo? Imee: Naisip ko agad, paano na iyong nga plans ko para sa sarili ko at para sa family ko. Naipagtapat mo ba agad don sa lalaki na buntis ka? Ano naging reaksiyon nya? Sinabi ko agad, natulala siya at di nakakibo agad. Habang nagbubuntis ka, ano yung mga pagsubok na dinaanan mo? Dumating ba yung pagkakataong ginusto mo siyang ipalaglag? Napakaraming pagsubok, unang-una naisip kung paano sasabihin sa parents ko. At oo, naisipan kong magpalaglag. May tulong ka bang natanggap mula sa ama ng anak mo? Meron naman, sa simula hanggang mag-tatlong taon ang anak namin. http://gurlispinays.wordpress.com/2011/05/09/pintig-ng-isang-single-mom-ngiti-saanumang-panahon/ Nabasa ka ito sa isang blog. Hindi man detalyadong detalyado ang kanilang paguusap bagkus makikita at malalaman mo agad na ang buhay ng isang batang solong magulang ay hindi masaya sa umpisa. Panghuhusga, panlalait at kung anu-anong masasakit na salita ang maririnig mo sa ibang tao na mas masakit pa kaysa sa pagsampal sa iyo ng harapan. Hindi din maiiwasan na magalit ang iyong mga magulang dahil halos naibigay naman nila ang pangangailangan na kailangan mo. Sa totoo lang, masuwerte na ang mga solong magulang na tinatanggap pa rin ng kanilang pamilya. Hindi tulad ng iba na pinapalayas, tinatakwil at mas malala pa rito ay hindi na kinikilalang anak.

Hindi bat napakahirap? Hindi lang sa pamilya nakararanas ng sakit, pati sa mismong karelasyon. Mahirap ang magbuhay ng/mga anak lalo na kung ikaw ay magisa. Mapipilitan kang magtrabaho at kasabay nito ay kailangan mo ding alagaan ang iyong anak. Iisa lang ang katawan natin kung kayat ang gawin ang mga bagay na ito ng sunud-sunod ay nakakapagod. Masakit ang iwanan sa ere lalo na kung hindi mo alam kung saan ka pa huhugot ng lakas ng loob para lumaban. Masasabi na rin pinagsukluban ka ng langit at lupa dahil sa dami ng problema na dumating. Sa ilan na gustong takasan ang kanilang napasok na problema. Para sa mga babae, nais nilang magpalaglag o patayin ang anak sa kanilang sinapupunan at ang mas masakit para nito ay iwanan sila ng kanilang karelasyon habang pinagbubuntis ang kanilang mga anak. Para naman sa mga lalaki ay iiwan sa kanila ang kanilang anak o kaya ay maghanap ng bagong karelasyon ang kanilang mga mahal. Ang tunay na sakit ay madarama habang pinapalaki mo ang iyong anak. May ilan na kinamumuhian ang mga ito dahil sa pait ng karanasan na kanilang naranasan ngunit may ilan na buong puso na tinatanggap ang responsibidad. Nakakatuwang marinig sa mga solong magulang na nakakatanggal ng pagod ang kanilang mga anak kapag ito ay kanilang nakikita. Kahit na anong pait ang naramdaman nila nakakalimutan nila ito kapag napalaki nila ng maayos ang kanilang anak. May ilan na masaya kahit sila lang ang bumubuhay sa kanilang pamilya dahil hindi sa liit ng gastos ngunit dahil sa nakakayanan nilang malagpasan ang mga problema na dumarating. Hindi na nila naiinda ang hirap bagkus ang saya na kanilang nadarama kasama ang kanilang pamilya ang pumapawi sa anumang kalungkutan na dumarating. Masaya man o malungkot ang nararanasan ng mga solong magulang ang mahalaga ay magawa nila ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang bagong pamilya. Ang pagtakas sa kanilang napasok na problema ay hindi solusyon ngunit kung paano ito haharapin at gagampanan. Wala man silang kaagapay sa buhay kung nariyan naman ang Maykapal na handang gumabay sa kanilang daan. Sigurado na ang kanilang pamilya ay hindi mawawala sa landas. Iwan ka man ng lahat ngunit nariyan ang Diyos para tumulong sa mga nakakaranas ng matinding pagsubok. 6

Mayroong mga tiyak na epekto ang isang pamilyang itinataguyod ng nag-iisang magulang sa paglaki ng kaniyang/kaniyang mga anak, bata pa man o teenager na, na ating masusuri kung mabuti ba o masama. Napakalaki ng partisipasyon ng magulang sa paglaki ng kaniyang anak at sa paghugis ng kaniyang pagkatao.Simulan natin sa mabubuting epekto. Sa pagiging mag-isang ina o ama, magiging mas malapit ang koneksyon ng magulang sa anak. Sila lamang ang kanilang tinitingalaan at hinahangaan at siyang magsisilbing gabay. Magagawa nilang makuha ang buong paggalang at pagmamahal ng anak at sa ganun, mas madaling gumawa ng mga panuntunan para kanilang sundin. Ang pagkamalapit ng pamilya ay masasabing pinakamabuting epekto ng pagsosolong magulang. Ang anak at ang magulang ay magkakaroon ng isang mahusay at bukas na relasyon. Ngunit hindi lang puro kabutihan ang dulot ng pagsosolong magulang. Halos kabaliktaran ito ng mabubuting epekto. Isa na rito ang sobrang pagkapagod ng magulang. Bilang nagiisang magulang, gaganapin niya ang papel bilang isang ama o ina na magreresulta sa pagdodoble ng kaniyang tungkulin sa pagpapalaki ng

kaniyang/kaniyang mga anak. At dahil sa sobrang pagod ng magulang, ang anak ay makakaramdam ng pagkakahiwalay sa kanila. Ang anak ay hindi nakakakuha ng sapat na pagmamalasakit sa kaniyang magulang Mahirap para sa isang solong magulang ang matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang mga anak at mapanatiling mabuti ang sarili niyang kalagayan. Isa ring masamang epekto ang depresyon. Mas madaling makapitan ng depresyon ang mga anak na may nagiisang magulang dahil sa pagkawalan ng konsentrasyon at paggawa sa mga hilig nilang nakagawian. Ang kaugalian at kalagayan ng anak ay higit na apektado sa sitwasyon ng kanilang pamilya. Responsable ang solong magulang sa lahat ng maaring epekto sa paglaki ng kaniyang anak. Napakaimportante ang mga pagkakataon na kanilang pagsasama dahil ito kadalasan ang makakapagbigay kahulugan sa kalagayang mayroon ang isang pamilya at ating masabi kung saang direksyon mapupunta ang paglaki ng anak.

Sa dami ng nakararanas ng pagiging solong magulang, nais naming silang bigyang-pugay sa pagiging huwaran nila kahit sila ay nag-iisa kung kayat ginawa naming ang paksang ito. Nais naming makapag-ambag ng kaalaman sa sosyolohiya para malaman din ng iba kung anong mayroon sa ating lipunan. Nais din naming makapagbigay ng impormasyon para sa mga mambabasa. Ang pagiging maalam sa lipunan ay nakakatulong para masolusyonan ang mga problema.

Konklusyon Hindi madaling maging solong magulang lalo na sa ating henerasyon. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga umaako sa ganitong sitwasyon. Kailangang maging ama na handang magproteksyon sa anak/mga anak at maging ina na nagaaruga sa kanila. Dalawang katayuan agad sa pamilya ang dapat na gampanan para ang mga anak ay hindi maapektuhan. Mayroon mang ibat ibang dahilan kung bakit lumalaki ang populasyon ng mga solong magulang sa ating lipunan tulad ng mas pinipiling mag-ampon, pagwawalang bisa ng kasal, pagkamatay ng asawa at ang pinakakaraniwan ay pagrerebelde ng kabataan o maagang pagbubuntis. Malaking salik nito ay padalus-dalos na desisyon na nagiging dahilan ng di matibay na pagsasama. Ito ang karaniwang dahilan kung bakit dumarami ang mga solong magulang.

Mahirap pagsabayin ang dalawang responsibilidad sa iisang tao kung kayat hindi maiwasan na pati sa paglaki ng bata ay nagkakaroon ito ng malaking epekto. May ilan na ginagawang inspirasyon ang magulang para makaahon sa problemang kinakaharap at may ilan naman na napapariwala dahil hindi nagabayan ng maayos. Nagiging abala ang mga solong magulang para maghanap ng mapagkakakitaan para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Kung kayat hirap para sa mga solong magulang na gampanan ang responsibilidad na naatasan sa kanila. Masasabi na nasa diskarte ng magulang kung paano niya palalakihin ang kanyang anak ng maayos at hindi nagrerebelde. Kailangan ng anak ng gabay ng ina at ama na siyang paraan para hindi mawala sa landas na kanyang tinatahak. Kung kayat kahanga-hanga ang kanilang ginagawa. 8

Nagbibigay pugay kami sa mga solong magulang na nagagawa ang kanilang responsibilidad sa pamilya. Alam ng lahat na mahirap buhayin ang pamilya lalo na kung ikaw ay nag-iisa. Mahirap pagsabayin ang trabaho at responsibilidad sa pamilya. May ilan man na ramdam ang kanilang hirap ngunit naroon pa rin ang saya sa tuwing nakikita nila ang kanilang anak. Itinuturing nila itong pampatanggal ng pagod dahil ang kanilang anak ang nagbibigay kasiyahan sa kanila. Sa ating panahon, kailangan natin na magkaroon ng tamang karunungan at tamang kaalaman bago gumawa ng desisyon. Kung kinakailangan isipin ito ng higit sa sampung beses, gawin ito ng sa ganoon maiwasan ang malaking problema. Ang pagiging solong magulang ay hindi madali. Maraming panghuhusga at maraming pangungutsya ang mararanasan. Kung kayat isipin muna bago gawin ang mga desisyon na gagawin.

Rekomendasyon Hindi madali ang maging isang solong magulang lalo na at mag-isa mo lang na binubuhay ang iyong pamilya. Kailangang maging mas masipag sa trabaho, mas pursigido sa mga gawain, at mas optimistic sa hinaharap dahil wala nang iba pang titingalaan at hahangaan ang iyong mga anak. Matindi ang mga hamon ng buhay kapag dumadaan sa single parenting, kaya mas mabuti nang maiwasan na ito ng maaga upang hindi na madaan sa lubos na paghihirap at sa kung anumang masamang karanasan na maidudulot nito. Sa ating lipunan ngayon, nararapat na taglayin ang positibong saloobin dahil nakakaapekto ito sa mental at pisikal na kalusugan ng isang tao na sa katunayan ay pumapasya sa kung ang isang tao ay magtatagumpay o hindi. Hindi dapat sila magpatalo sa mga emosiyong nararamdaman dahil sila mismo ang piloto ng kanilang buhay. Determinasyon ay kailangan para daigin ang mga pagsubok sa buhay. Kailanman ay hindi mo magagawa ang isang bagay kung di mo susubukin ito muli, siguro sa ibang anggulo o sa ibang pamamaraan. Magplano ng mabuti. Magtalaga ng mga layunin kasama ang buong pamilya at huwag itong biguin. Ito ay isang pamamaraan kung saan makukumpleto ang pamilya at may oras para sila ay magsama at magsaya. Alagaan ang sariling pamumuhay. Lahat naman tayo ay nangangailangan ng mapagkukunan ng sigla. Huwag hayaang magkasira dahil sa di nating pagkakaunawa, higit na gusto nilang makatulong sa mga sitwasyong ating pinoproblema. Para sa mga solong magulang, hindi rin natin matatanggi ang maghanap ng asawa o ang pagaasawa muli. Bilang isang grupo, naisip namin na malaki ang pamamahagi ng kultura sa pamumuhay ng isang solong magulang. Ang kultura ang nagsasabi ng disenyo ng pamumuhay nila at ang istilo ng kanilang pagpapalaki sa kaniyang/mga anak. Importante ang partisipasyon ng kultura sa kanila dahil ito ang kanilang gabay sa kanilang daan tungo sa kabuhayan.Naniniwala kami na tunay na mas nakabubuti ang pag-iwas at pagpigil sa pagsosolong magulang, at kung mangyari man, ay dapat na gampanin ang kaniyang tungkulin at responsibilidad bilang isang magulang.

Napakaraming posibilidad ang pwedeng mangyari sa isang pamilya, at sa mga posibilidad na ito ay may pagpipilian, at ang pinili ay may katumbas na kabayaran. 10

Gawin na nila lahat ng kanilang makakaya para sa kabutihan ng kanilang pamilya. Dahil sila mismo ang mga taong matuturi nating supermom o superdad.

Sanggunian Dhanya, J. (n.d.). Single Parenting Facts. Retrieved from: http://www.buzzle.com/articles/single-parenting-facts.html Manila Standard Today. (2012). 14M Filipinos are single parents. Retrieved from: http://philippines.ucanews.com/2012/06/11/14m-filipinos-are-single-parents/ 4 Causes of Single Parenting. (2009). Retrieved from: http://singleparentphilippines.blogspot.com/2009/12/causes-of-single-parenting.html Effects of Single Parenting on Children. (2011). Retrieved from: http://www.healthylifestyleplus.com/lifestyle-2/effects-of-single-parenting-on-children/ Gurlis Pinays. (2011). Pintig ng isang single mom. Retrieved from: http://gurlispinays.wordpress.com/2011/05/09/pintig-ng-isang-single-mom-ngiti-saanumang-panahon

Kontribusyon ng mga Miyembro Aque, Leandro Ernesto G.- Panimula, Pagtatalakay ng Paksa at Rekomendasyon Guimbangunan, Avegail P.- Panimula, Pagtatalakay ng Paksa at Konklusyon

11

You might also like