You are on page 1of 12

1

ADAMSON UNIVERSITY COLLEGE OF ENGINEERING DEPARTMENT OF ELECTRONICS ENGINEERING (ECE)

Isyu sa usaping Pang-kasarian

Bilang Bahagi ng Kinakailangan Sa Kursong Karunungang Panlipunan I

Ipinasa ni: Pabustan, Kim Alfred De Vera, Rennze Dominic

Ipinasa kay: Prof. Nolasco, Eman October 07, 2012

INTRODUKSIYON

Ang isyu tungkol sa kasarian ay matagal ng pinag tatalunan ng halos lahat ng bansa sa Asya at maging sa Europa at Amerika. Noon pa man ang kasarian na ang naging batayan ng pagbibigay antas sa lipunan sa isang tao. Pinakikita ito sa mga karapatang minsang pinag bawal sa mga kababaihan tulad ng karapatang bumoto, karapatang makilahok sa pulitika, karapatang sumali sa Olympics at marami pang iba. Mahalaga ang aming napili na paksa dahil makikita natin dito kung saan at ano ang pagkakaiba ng lalaki at babae na matagal ng natatak sa isipan natin kung ano dapat ang isang babae o lalaki makikita rin natin dito kung ano ang posisyon ng lipunang ating ginagalawan tulad ng mga pangunahing institusyong napalaki ang epekto hinggil sa isyu ng kasarian. Isa sa pangunahing isyu na kinakaharap ng mga pananaliksik hinggil sa ugnayang pangkasarian ay ang pagiging dominante ng lalaki sa halos lahat ng bagay kaysa sa mga babae dahil hanggang ngayon ay napakalaki parin ng agwat ng babae at lalaki sa pagtingin ng lipunan. Makikita din natin dito kung ano din ang mga kayang gawin ng mga kababaihan sa ating panahon at malalaman din natin kung makakaya ba nila ang mga ginagawa ng mga kalalakihan. Dito din natin makikita ang kahalagahan ng mga diskusyon at mga debate hinggil sa paksa na ating pag-uusapan sa usaping pangkasarian. At para malaman natin ang ating mga karapatan bilang isang lalaki o babae. Napili namin ang paksa na ito para malaman namin ang mga problema hinggil sa usaping pang-kasarian. Mahigpit naming iniiwasan ang pag kukumpara ng dalawang kasarian tungkol sa mga nagagawa at hindi nagagawa nito. Napili din naming ito upang malaman ang mga bagay na makakaapekto sa amin bilang isang lalaki o babae dahil sa suliranin sa usaping ito. Ang pagkakakilala ng tao sa isat-isa ay karaniwang nakatali sa kani-kanilang kasarian. Halimbaw na lamang nito ang ipinasusulat sa mga papeles na hinihingi para sa ibat-ibang pakay kung tayo ay lalaki o babae. Kailangan ding ilahad ito para sa mga transaksyon sa gobyerno o sa mga pribadong oipisina. Ang mga pangalang ibinibigay sa atin ay sinasabing panlalaki o pambabae. Ang lalaki ay hindi dapat magkaroon ng pangalang pambabae at ang babae ay hindi dapat magkaroon ng pangalang panlalaki. Ganito ang kaugaliang nakasanayan ng halos lahat sa atin kayat pinili namin ito upang itama ang mga kaisipan minsang naging dominante sa isipan ng ating lipunan hinggil sa isyu ng kasarian.

3 Ang aming layunin sa paksa na ito ay para magising ang bawat isa na tayo ay may pantay-pantay na karapatan bilang isang tao at para ipahayag ang ating mga nararamdaman at saloobin at upang mag paliwanag ng mga katanungan hinggil sa isyu. Layunin naming gisingin ang bawat isa tungkol sa kanilang mga kaisipan at paniniwalang naging napalaki ang ambag sa kanilang posisyon at pag tingin pag dating sa isyu. Ang pag sagot sa mga katanungan ng halos ng taong napapaloob sa ating lipunan tungkol sa isyu ang pinakamahalagang layunin namin. Hindi na mahalaga kung ano ang ating kasarian dahil marami namang paraan para malaman natin kung ano ang ating kakayahan. Makikita din natin kung ano talaga ang pagkakaiba ng babae sa lalaki at mga dahilan kung bakit sila nagkakaiba sa ibat-ibang aspeto sa ating lipunan. Mababasa natin dito kung ano ba talaga ang ating kasarian. Ang pagkalalaki naman ay isang sosyolohikal sapagkat ang mga papel na ginagampanan ng isang tao sa pamilya at lipunan pati na ang mga ekspektasyon sa kanya ay hinuhubog ang mundong sosyal na kanyang ginagalawan. Ito ay sikolohikal din sapagkat ang personal na pananaw ng kinauukulan ay hindi maaaring balewalain. Malungkot man sabihin ngunit totoo na hindi nababanggit ang kababaihan at ang ambag niya sa pagbubuo ng pambansang kamalayan. Para bang ang kalalakihan lamang ang may kakayahan sa mga matatayog na mga ideya gaya ng pagmamahal sa Inang Bayan o ng nasyonalismo.Mabuti na lamang na ang kababaihan ay unti-unting namumulat sa pangangailangan na isama sila sa mga pahina ng ating kasaysayan, lalo na sa pagbubuo ng pambansang kamalayan. Hinihikayat namin ang mga mambabasa na mag bigay ng kanilang sariling posisyon hinggil sa isyu upang mag karoon siya ng kasagutan sa mga ito at kalinawan pag dating sa dulo ng isyu. Ang pag aanalisa sa isyung aming napili ay kinapapalooban ng pag hahanap ng mga nakaraang pag aaral na katulad ng aming isyu, pag kakaroon ng interbyu sa ilang tao hinggil sa kanilang posisyon hinggil sa isyu at pag kokondak ng mga poll upang mabilis na malaman ang posisyon ng ating lipunan hinggil sa isyu. Sa pamamagitan ng mga ito ay makagagawa kami ng isang pag aaral hinggil sa isyu ng kasarian na kung saan ay walang pinapanigang kasarian. Kasarian at Pagkakakilanlan

4 Sadyang mahirap iwasan ang sistema ng pagkilala na tumitingin sa ating kasarian. Kapag ang isang tao ay nagkukuwento tungkol sa isang kaibigan, kailangan niyang banggitin kung ito ay isang lalaki o babae. Kung hindi, mahihirapan ang kinukuwentuhan na maglarawan sa kanyang isip ng kaibigang iyon. Bagamat ang pagiging lalaki o babae ay maaaring walang kinalaman sa kanyang kuwento o sa ibang katangian ng kaibigang tinutukoy, ang karaniwang takbo ng pag-iisip ay kumikilala sa kasarian bilang aspeto ng pagkakakilanlan na hindi maihihiwalay dito. Hindi naman talaga maiiwasan na ang bawat tao ay mayroong kasarian. Hindi ito dapat iwasan. Mahalaga ito para sa reproduksiyon at para sa kaligayan ng indibiduwal. Dahil na rin siguro dito, ang kasarian ay nakikita bilang isang katangian kung saan nakasalig ang pagkilala sa isang tao, ang pagtingin at pagpapahalaga sa kanya, ang pag-asa sa kanyang magagawa at hndi magagawa, at ang pagsuri sa dapat at hindi niya dapat gawin. Kahit na walang likas na masama sa ganito, nakapagbubunga ito ng pangaapi dahil sa pagtawag ng pansin sa kasarian sa halip na sa mismong pagkatao. Kung gayon, makatutulong na masuri ang kahulugang ibinibigay natin sa kasarian sa ibat-ibang sitwasyon. Ang tuon dito ay nasa kalalakihan lamang, subalit ang mga implikasyon ay totoo para sa anumang kasarian. Sa tingin namin ang magiging ambag ng pag aaral na ito sa larangan ng Karunungang Panlipunan ay ang pag sagot sa mga katanungan ng mga tao hinggil sa isyu at ang pag tama sa mga maling kaisipan hinggil sa isyu. Magiging ambag din nito ang pagiging patas natin sa pag tingin sa isat- isa maging siya ay isang babae o lalaki.

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura/ Diskusyon

Batay sa naisagawang Census ng pamahalaan sa unang bahagi ng kasalukuyang dantaon, may ilang kapuna-punang kalagayan ang ugnayan ng kasarian sa kabuhayan.

5 Ang una rito ay ang makabuluhang bahagdan ng mga kababaihan sa mga naitalang mga hanapbuhay.

Talaan Blg. 1 Mga Manggagawang May Sahod sa Pilipinas ayon sa Industriya at Kasarian 1903, 1918, 1939 at 1948

Kabuuan

Lalaki

Babae

Bahagdan Babae

Lahat ng Gawain 1903

6,987,686

3,496,65 2

3,491,03 4 90,286

49.96

Agrikultura

1,254,063

1,163,77 7

7.20

Serbisyong Propesyunal Serbisyong pantahanan at personal Kalakalan at transportasyon Pagawaan Walang pasahod, hindi naitala

25,637 571,955 226,555 959,670 3,949,806

23,358 431,388 150,989 243,081 1,484,05 9

2,279 140,567 75,566 716,589 2,465,74 7

8.89 24.58 33.35 74.67 62.43

Kabuuan

Lalaki

Babae

Bahagdan Babae

Lahat ng Gawain 1918

6,441,150

3,224,59 6

3,216,55 4 730,102

49.94

Agrikultura

2,601,299

1,871,19 7

28.07

Serbisyong Propesyunal Serbisyong pantahanan at personal

685,507 1,853,804

409,737 518,103

275,770 1,335,70 1

40.23 72.05

6 Kalakalan at transportasyon Pagawaan Hindi alam 426,547 865,698 8,295 252,894 168,999 3,666 173,653 696,699 4,629 40.71 80.48 55.80

Kabuuan

Lalaki

Babae

Bahagdan Babae

Lahat ng Gawain 1939

8,466,150

4,219,27 8

4,247,21 5

50.16

Agrikultura Serbisyong pantahanan at personal

3,456,370 3,478,084

2,981,551 474,819 123,508 3,354,57 6

13.74 96.45

Serbisyong Propesyunal Iba pang serbisyo Pangingisda at pangangaso Pagmimina at pag titibag Pagawaan Transportasyon at komunikasyon Klerikal Kalakalan

103,415 180,569 26,820 47,109 601,335 203,596 48,899 270,766

65,438 175,841 24,903 46,625 333,976 202,449 44,904 171,099

37,977 4,728 1,917 394 267,359 1,147 3,995 99,667

36.72 2.62 7.15 0.84 44.46 0.56 8.17 36.81

Kabuuan

Lalaki

Babae

Bahagdan Babae

Lahat ng Gawain 1948

5,202,518

4,120,70

1,081,818 20.79

7 0 Agrikultura, kagubatan at pangisdaan Pagmimina at pagtitibag Pagawaan Konstruksyon Transportasyon at komunikasyon Kalakalan Pamahalaan Serbisyong personal Serbisyong propesyunal Serbisyong panlibangan Gawaing hindi naiuri Gawaing hindi naitala 17,860 452,603 133,411 134,863 340,386 246,841 376,770 158,775 12,567 52,375 39,975 17,680 245,919 133,361 132,940 202,097 233,658 146,296 92,022 10,857 47,872 32,494 180 206,684 50 1,923 138,289 13,183 230,474 66,753 1,710 4,503 7,481 1.01 45.67 0.04 1.43 40.63 5.34 61.17 42.04 13.61 8.60 18.71 3,236,092 2,825,504 410,588 12.69

Sa pangkabuuan, ang lahat ng mga tala ay nag sasaad na halos kalahati ng mga manggagawang naitala ay mga kababaihan. Palagiang ganito ang kalagayan sa kabuuan ng mga tala para sa lahat ng gawain, maliban na lamang sa taong matapos ang digmaan na biglang bumaba sa ikalimang bahagi lamang ng kabuuan ang bilang ng mga kababaihan. Mapupuna rin ang pag baba at pag taas ng partisipasyon ng mga manggagawang kababaihan sa iba- ibang larangan sa pagdaraan ng panahon.

Batay sa mga nabanggit na pagtalakay, ilang paglalahat ang maaaring isakatuparan. Ang una ay ang kapuna- punang makabuluhang bilang ng mga kababaihan na kasangkot sa larangan ng pagawaan. Sa unang limang dekada ng nakaraang dantaon,

8 ang naitalang bilang ng mga kababaihan ay makabuluhan sa maraming larangan. Hindi na maikakaila ang kanilang partisipasyon sa iba- ibang laranga ng kabuhayan.

Gayunpaman, may kapuna- punang pag hihiwalay ng mga gawain na nakabatay sa kasarian ang nanatili, kung hindi man pinalakas ng pag daraan ng panahon. Ang ilang mga gawain ay naging eksklusibo sa mga kababaihan at kalalakihan. Ito marahil ay bunga na rin ng mga nangingibabaw ng mga pananaw hinggil sa kakayahan at kasanayan na ikinakawing sa kasarian ng kalinangan ng lipunan. Hindi masusukat ng anumang kantitatibong pamamaraan ang pamamayani ng ganitong uri ng ideyolohiya ng pag gawa at ugnayang pangkasarian, subalit ang mga datos at nag papakita ng pag kakaroon ng ganitong hayag ng katangian.

Isa pang mahalagang bagay ng maaring ihain bilang pag lalagon ay ang epekto ng kaayusang koloyal sa larangan ng paggawa at kasarian. Mapapansing ang kolonyalismong Amerikano ay ipinakilala bilang tagapagbukas ng mga oportunidad sa mga mamamayan hinggil sa maramihang kalakalan at pag gawa. Ang kapuna- punang naging epekto ng pagbubukas na naganap ay ang pagpapatatag ng paghihiwalay ng kasarian sa mg particular at ispesipikong gawaing pang- industriyal. Bunga nito, ang pagkakaroon ng mga gawaing panlalaki at pambabae lamang ay naging malawakan. (Mula sa Philippine Social Sciences Review Vol. 52 January- December 1995)

Ayon sa mga datos na naitala sa itaas madaling makikita ang partisipasyon ng mga kababaihan sa mga nabanggit na gawain. Mapapansin na lahat ng mga gawain ay hilalahukan ng mga kababaihan at ang iba pa sa mga ito ay dikit ang bahagdan sa mga kalalakihan. Gamit ang mga datos na ito mapapatunayan na sa isang aspeto ng ating lipunan at iyon ay ang mga nabanggit na mga gawain na pantay ang babae at lalaki.

Masasagot na din ng mga datos na ito ang mga katanungan sa pag aaral na ito. Tulad ng mga bagay na kung saan ay dominante ang lalaki ngunit ngayoy may mga kababa

9 ihan na rin at ang mga maling kaisipan natin hinggil sa pagiging babae at lalaki. Ang pag pili ng trabaho na kung saan ay naaapektuhan ng kasarian dahil na rin sa maling pananaw na natanim na sa ating mga isipan na kung saan ang mga trabahong panlalaki ay hindi dapat hilalahukan ng mga kababaihan

Kung susuriing mabuti ang mga datos sa itaas ay makikita parin na may mga gawain parin na kung saan ay dominante ang mga kalalakihan ngunit hindi parin nawawala ang partisipasyon ng mga kababaihan tulad ng Pagmimina at pagtitibag, Konstruksyon, Pangingisda at pangangaso at Transportasyon at komunikasyon. Bunga na rin ito marahil ng pagkakaroon ng tradisyunal na pananaw hinggil sa kung alin ang mga panlalaki at pambabae sa mg gawain. Mapupunang ang lahat ng mga gawaing nagpapahiwatig ng pagiging panlalaki ay nangangailangan ng pisikal na lakas o kakayahan sa pamamahala. Sa ganitong pamamaraan, maaaring ipakita ang tradisyunal na pag tingin hinggil sa paghahati ng mga gawain sa aspeto ng kasarian. Ang mabubuo nating pinapakahulugan nito ay ang pag kakaroon ng diskriminasyon sa larangan ng kasarian ayon sa kakayahan ng mga indibidwal na isagawa ang mga gawain ayon sa kakayahan at sa hindi ayon sa kasarian. Ang nasabing diskriminasyon ay walang nilalabag na karapatan ng babae o lalaki dahil nakabatay ang pag pili ayon sa sariling kakayahan.

Maitatama rin ng mga datos sa itaas ang mga tradisyunal na kaisipan kung saan ang isang trabaho sinasabing pang babae o pang lalaki lamang. Isang magandang halimbawa nito ay ang pag kuha ng mga babae ng kursong inhinyero. Noon pa man karamihan ng mga nagiging inhinyero ay mga kalalakihan lamang ngunit ngayon ay pinasok na din ito ng mga kababaihan. Natanim na sa ating mga isipan na ang kursong ito ay pang lalaki lamang ngunit ngayoy pinapatunayan na mga kababaihan ang kanilang pagiging pantay sa mga kalalakihan sa pag pili pa lamang ng kursong kanilang kukuhanin. Isa itong maling tradisyunal na kaisipan na dapat na mabago o mawala sa isipan ng bawat isa. Resulta/ Konklusyon

10 Pinapanganak ang bawat tao na may katawan ng babae o ng lalaki. Ang pagkakaiba sa katawan ang nagtatakda sa kasarian (sex) ng tao.Iba naman ang papel batay sa gender (gender role) ng isang tao. Pagtatakda ito ng komunidad kung paano ang pagiging babae at lalaki. Umaasa ang komunidad sa bawat tao na mag-isip, makadama at kumilos sa takdang paraan, dahil lang sa silay babae o lalaki. Sa maraming komunidad, halimbawa, babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, magipon ng tubig at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at kapartner. Madalas naman, lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay para suportahan ang pamilya at mga magulang sa pagtanda, at magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan. Di tulad ng pisikal na pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae, gawa ng komunidad ang gender role. Sa maraming komunidad, ang gawain tulad ng paglalaba at pagpaplantsa ay tinuturing na pambabae. Pero ang ibang gawain ay paiba-iba ang pagtrato depende sa mga tradisyon, batas at relihiyon. Puwede pa ngang maiba ang mga papel na ito sa loob ng iisang komunidad, batay sa edukasyong naabot, katayuan o edad. Halimbawa, sa ilang komunidad, inaasahan sa gawaing bahay ang mga babaeng mula sa isang uri o katayuan, samantalang mas maraming trabaho ang puwedeng pagpilian ng iba. Kasarian pagkakapantay-pantay, una at nangunguna sa lahat, ang isang tao na karapatan . Mga kababaihan ay may karapatan upang mabuhay sa karangalan at sa ginhawa at mula sa takot. Empowering kababaihan ay din ang isang kailangangkailangan kasangkapan para sa pagsulong ng pag-unlad at pagbabawas ng kahirapan. Empowered babae ay mag-ambag sa kalusugan at pagiging produktibo ng buong pamilya at komunidad at sa pinabuting mga prospect para sa susunod na henerasyon. Ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian ay underscored sa pamamagitan ng pagsasama bilang isa ng ang walong Millennium Development Layunin . Pagkakapantay-pantay ng kasarian ay kinilala bilang isang susi sa pagkamit ng iba pang mga pitong mga layunin. Pa diskriminasyon laban sa mga kababaihan at mga batang babae kabilang kasarian-based na karahasan ,pang-ekonomiya diskriminasyon , reproductive na kalusugan inequities , at mapanganib na mga tradisyonal na kasanayan - ay nananatiling ang pinaka-malaganap at paulit-ulit na paraan ng hindi

11 pagkakapareho. Mga kababaihan at mga batang babae pasanin ng napakalaking hirap sa panahon at pagkatapos ng mgamakatao emerhensiya , lalo na ang mga armadong salungatan. Para sa higit sa 30 taon, ang Pondo ay sa forefront ng nagtataguyod para sa mga kababaihan, nagpo-promote ng mga legal at patakaran na reporma at kasarian sensitibong data ng koleksyon, at pagsuporta sa mga proyekto na mapabuti ang kababaihan kalusugan at palawakin ang kanilang mga pagpipilian sa buhay. Rekomendasyon Sa panahon nila Rizal kung ating mapapansin, pagdating sa mga kababaihan sila ay konserbatibo, mahinhin, mapanatili ang pagiging malinis sa pangangatawan at pananampalataya sa relihiyon at kailangang sa bahay lamang ang mga babae. Pagdating naman sa mga lalakiy kailangang mapanatili ang pagiging matipuno at ang pagbibigay ng respeto/ paggalang sa mga kababaihan. Ngunit batikos ni Rizal na hindi dapat ganito ang maging imahe ng mga kababaihan dito sa Pilipinas kundi malakas, may paninindigan sa sarili at karapatan. Halimbawa nito ang mga Women of Malolos na ipinaglaban nila na dapat ang mga kababaihan din ay makatanggap ng wastong edukasyon at makapagsalita ng wikang Espanyol, silay nagwagi sa kanilang argumento laban dito. Dapat tularan din ang mga kababaihan ng mga dayuhan katulad ng America, Europa, at ang mga kababaihan sa Sparta. Kung ating maalala ang sinulat ni Rizal na si Salome ang kasintahan ni Elias ang nagaaya na lumisan at sumama sa kanya, ngunit ng malaman ni Salome na ayaw sumama ni Elias ay siya nitong iniwan at lumisan. Makikita dito ang pagdedesisyon ng babae para sa kanyang sarili at hindi nagpapaapekto sa kanyang kapaligiran. Ayon sa etikal na pilosopiya ni Rizal, tinuligsa niya ang tungkol sa pagpapakasal ng mga babae at lalaki ay hindi dapat sila nag-uugnay sa kadahilanan ng pera at kapangyarihan kundi pagmamahalan ang namamagitan sa dalawa. Isa isyu na tinuligsa ni Rizal ang pantay na pantay na pagtingin sa bawat kasarian, walang diskriminasyon dahil sa kasarian o pagiging sexist, at pantay na karapatan sa pagitan ng babae at lalaki. References http://www.likhaan.org/fil/content/papel-batay-sa-kasarian-gender

12 http://www.unfpa.org/gender/ https://wakeuphils.wordpress.com/category/gender-issues/ Gender Issues in Philippine Society by Ma. Cecilia Gastardo-Conaco http://www.thepoc.net/online-writing-contest-entries-2010/4295-the-dichotomy-ofgender-equality-in-the-philippines.html Contribution of Members Pabustan, Kim Alfred- Discussion De vera, Rennze Dominic- Introduction Pabustan, Kim Alfred- Recommendation De vera, Rennze Dominic- Conclusion

You might also like