Welcome to Scribd. Sign in or start your free trial to enjoy unlimited e-books, audiobooks & documents.Find out more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
3Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Paper on Stalking

Paper on Stalking

Ratings: (0)|Views: 157|Likes:
Published by simplyhue
paper on stalking, analyzing mamarazzi, sayaw ng dalawang kaliwang paa, beerkada comics etc. giving the signs of being stalked, what to do and what not, tips, etc. anything under stalking in the philippine context... mostly contextualizing the film mamarazzi
paper on stalking, analyzing mamarazzi, sayaw ng dalawang kaliwang paa, beerkada comics etc. giving the signs of being stalked, what to do and what not, tips, etc. anything under stalking in the philippine context... mostly contextualizing the film mamarazzi

More info:

Published by: simplyhue on Oct 08, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/24/2012

pdf

text

original

 
Paniniktik: Ang Naniniktik at ang Tinitiktikan
Sa unang basa sa pamagat ay maaaring ang kaagad na maiisip ay ang salitang-ugat ngtatlong pangngalang nabanggit, at ito ay ang - tiktik. Kung tutukuyin ang pakahulugan nito saating bokabularyo ay maiuugnay ito sa dalawang bagay. Una ay ang tiktik bilang isang uri ngaswang sa mitolohiyang Pilipino kung saan ito ay may anyong taong-paniki at kilala sakatawagang ito dahil sa tunog na nililikha nito na tik-tik-tik tuwing gabi. Sunod naman ay angtiktik bilang isa sa mga kilalang tabloid sa ating bansa na naglalathala ng mga istoryang ukol samga pagtatalik.
Maaari rin namang pumasok sa isipan ang mga katagang, “Boss, natiktikan nanamin ang hideout ng mga sindikato,” o iba pang
katulad nito, na madalas banggitin sa mga
Pinoy action movies noong dekada ‟80 o ‟90.
Sa mga nabanggit na iba-ibang kahulugan ng tiktik ay mahihinuha ang ilang mga magkakatulad na taglay nitong katangian: ang diwa ng pagigingmasugid na tagapagmanman nang hindi nalalaman ng minamanmanan.Papasok ngayon ang tawag sa ganoong uri ng gawain, at ito ay ang paniniknik, o maspamilyar sa tawag na stalking. Sa kasalukuyan, masasabing hindi pa hinog ang lagay ng atingestado ukol sa usapin ng stalking sa kadahilanang hindi pa naisasabatas ang napakaramingproposed senate bills na naglalaman ng Anti-Stalking Laws kung saan binibigyang depinisyonang stalking bilang isang krimen at kasama na rin ang karampatang multa o parusa na ipapatawsa sinumang mapapatunayang stalker. Hindi pa rin nabibigyang pansin ang konsepsiyon ng mgaPilipino sa stalking sa pang-akademyang pananaliksik dito sa ating bansa kaya naman nagingmahirap ang pagbubuo, paglilimita at pagsasaayos ng mga nakalap na datos. Ang mga pag-aaralna ito ang siyang gagamitin bilang batayan ng paghihimay na gagawin sa mga pelikula at Pinoykomiks na nagpamalas ng gawaing stalking, pahapyaw man o sa malaking kabuuan.
 
Sa mga naging internasyonal na pag-aaral, inilarawan ang stalking bilang isangkonstelasyon ng pag-uugali na kinasasangkutan ng paulit-ulit at patuloy na pagtatangka upangigiit sa isa pang tao ang hindi naman kagustuhang komunikasyon at/o relasyon (Mullen et al.1999, p.1244). Kapag ang isang tao ay nagsasanhi ng isang antas ng takot o pangamba sapamamagitan ng pag-uugali na kung saan sa paimbabaw ay inosente, ngunit sa kontekstongpananaw ay maipapalagay na isang makabuluhang banta, ito ay matatawag ding stalking (Goode1995, p. 24). Sa madaling sabi, ang stalking ay walang humpay at kahina-hinalang pagsunod atpanliligalig ng ibang tao na nagbibigay banta sa kanyang kaligtasan (Meloy at Gothard 1995, p.258).
Laon pa, ang salitang “stalk” ay matagal nang ang pakahulugan ay pagsunod
-sunod atpaglalakad ng palihim. Sa bandang dulo ng 1980, iniugnay ng media ang stalking at stalkerupang ilarawan ang isang grupo ng mga indibidwal na patuloy na sumusunod at nanghihimasok sa ibang tao. Bandang 1981 lamang nang ang stalking bilang isang krimen ay nabigyang pansin,pero sa kabila nito ay hindi pa rin naitatag ang malinaw na linya sa pagitan ng stalking atkatanggap-tanggap na pag-uugali (o hindi stalking bilang krimen). Ito ay dahil sa kasabay napag-unlad ng teknolohiya na naging parte na ng pangaraw-araw na pamumuhay tulad ngpagtawag sa telepono at paggamit ng internet (Violence Against Women Grants Office, 1989).Batay sa pag-aaral na isinagawa nina Scwartz-Watts at Morgan ng American Academy of Psychology Law, napag-alaman nila na ang stalking ay mas laganap kaysa sa inaakala ngnakararami: 8% ng mga babaeng Amerikano at 2% na lalaki naman ang nakaranas ng ma-stalk.Ito ay kumakatawan sa 1.4 milyon na Amerikanong biktima ng stalking taon-taon. Angkaramihan sa mga stalkers ay naging karelasyon ng biktima, subalit malaking bilang din nito ayhindi kailanman nakilala ng personal ang kanilang biktima, o mga acquaintance lang - mga
 
kapitbahay, kaibigan o katrabaho. Maaaring hatiin sa tatlong dominanteng kategorya ang mga uring stalker: intimate partner stalkers, delusional stalkers at vengeful stalkers.Kilala ang intimate partner stalkers bilang mga tao na hindi maka-let go o hindi maka-move on at pilit na itinatanggi na natapos na ang kanilang relasyon. Madalas ay kinakaawaan silang ibang tao, maging ng kanilang dating karelasyon (biktima). Ngunit hindi dapat sila magpakitang awa. Ayon sa mga pag-aaral, madalas na ang mga stalker na ito ay hindi naman kahabag-habag o mga malulungkot na tao na sadyang labis lamang magmahal, dahil sa katunayan ay silaang mga mapang-abuso sa emosyonal na aspeto at nais nila na sila lagi ang nasusunod sakanilang relasyon.Ang delusional stalkers naman ay bihira lang makipag-ugnay, kung mayroon man, sakanilang mga biktima. Sila ay maaaring mayroong pangunahing sakit sa pag-iisip tulad ngschizophrenia, manic-depression or erotomania. Ang mga stalkers na ito ay may malingpaniniwala. Iniisip nilang iniibig sila ng biktima at mayroon silang romantikong relasyon, kahitna kung tutuusin ay hindi pa sila nagkakakilala. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang babaengnang-stalk kay David Letterman, ang stalker na pumatay kay Rebecca Schaeffer at ang lalaki nanag-stalk kay Madonna.Ang huling kategorya ng stalker ay hindi sawi sa pag-ibig. Sila ang stalkers na ibigmaghiganti. Galit ang mga stalkers na ito sa kanilang mga biktima dahil sa maliit na bagay, totooman o imahinasyon lamang. Ang mga politiko, halimbawa, ay madalas magkaroon ng ganitongklase ng stalker dahil sa mga batas o programa na kanilang ipinapatupad o mga anumalya nakanilang kinasasangkutan. Ilan sa mga mapaghiganti o vengeful stalkers ay mga psychopaths,Ang ilan ay delusional, madalas paranoid, at naniniwala na sila, sa katunayan, ang biktima.Nangii-stalk sila upang makaganti, may kasalanan man o wala ang biktima.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->