You are on page 1of 3

KANINONG ANINO? Ang ating bansa, bansang Pilipinas ay sinasabing kabilang sa mga bansang mahihirap.

Sinasabi nila ito dahil ang ating bansa ay laganap sa polusyon, kurapsyon at kahirapan. Paano ba natin maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon? Ano ang kailangan nating gawin? Maiiwasan natin ang mga sitwasyon na ganito kung magtutulungan at magkakaisa ang mga Pilipino. Ang Pilipino ay sagana sa likas na yaman.Ito ay dapat nating alagaan, ingatan at palaguin, dahil tayo rin naman ang makikinabang nito. Lumahok tayo sa mga programang tungkol sa kalikasan, kalinisan at tungkol sa pagpapaunlad ng ating bansa. Tangkilikin natin ang sariling atin, katulad ng mga produktong gawa dito sa Pilipinas. Sa katunayan, maraming mga turista ang dumadayo sa ating bansa dahil sa napakaraming magagandang tanawin at likas na yaman ang bansang Pilipinas. Sagana rin tayo sa mga katangian na hinahangaan ng mga banyaga katulad na lang ang pagiging matatag,masayahin sa kabila ng kahirapan sa buhay, meron magandang kalooban, relehiyoso, at marunong magpasalamat sa mga biyaya at sa bawat pagsubok na ating nalalampasan katulad na lang ng mga dumaang kalamidad. Pilit pa rin tayong bumabangon ano mang pagsubok ang dumating dahil ang mga Pilipino ay hindi nawawalan ng pag-asa. Ang pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa kalakalan sa ibat-ibang bansa ay malaking tulong sa pag-asenso ng bansang Pilipinas dahil dito, nagiging matatag pa rin tayo.

Isa sa maipagmalaki natin ay ang ating mga bayani. Sila ay nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Sila ay dapat igalang at maging huwaran dahil sa sakripisyong inalaan at inalay nila sa ating bansa. Si Dr. Jose P. Rizal ay ang ating pambansang bayani na nag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa kanyang inang bayan. Dapat natin siyang tularan dahil sa kanyang kabayanihan. Siya ang nagsisilbing anino ng sambayanang Pilipino upang maging malaya tayo at handang ipaglaban ang ating bansa. Siya ang nagsisilbing huwaran ng katapatan at handang mamatay para sa kanyang bayan. Maraming katangian at hindi mapapantayan ng ibang bansa ang bansang Pilipinas. Katulad na lang ng ating kulay kayumanggi na hinahangaan ng mga banyaga. Ang pagiging simple, masayahin, malakas ang loob, relihiyosong Pilipino ay hindi mapapantayan ng alin mang lahi. Mahirap man, ngunit may pagkakaisa pa rin dahil ang bansang Pilipinas ay isang bansang malaya. Bawat isa sa atin ay may karapatan upang matulungan natin ang ating bansa. Magkaisa, magtulungan para sa ika-unlad ng ating bansa. Iwasan ang masamang bisyo, katulad ng droga dahil hindi ito makakatulong sa atin lalung-lalo na sa mga kabataan dahil may kasabihan nga tayo Ang kabataan ay pag-asa ng bayan. Kaya maging huwaran sana ang bawat isa sa atin para sa mga susunod pang henerasyon at para ito ang maging susi sa pag-unlad ng ating bansang Pilipinas. Ang mga Pilipino ay sadyang maipagmamalaki kahit saan man larangan ito dalhin maraming kakayahan at angking talino dahil ang bansang Pilipinas at ang mga Pilipino ay mayaman sa lahat ng bagay na hindi mapapantayan ng kahit na sino man.

Ang ating mga likas na yaman na natatanggap ay tulong na rin ng ating mahal na Poong Maykapal.

You might also like