You are on page 1of 18

Sa na papel

Paghambingin ang konsepto nina Bienvenido Lumbera at Roland Tolentino sa Kulturang Popular

Ang Politika ng/sa Kulturang Popular


Ni John Torralba

Kahulugan ng Politika (Politics)

Affairs of the state; gobyerno; policy Usapin ng Kapangyarihan

Kakayahang mapakilos o magkaroon ng isang urin ng pag-iisip ang ibang tao

Ang Konsepto ng Kulturang Popular (K.P.)

Ang modernong panahon ay edad ng kulturang popular

Saklaw ang lahat ng aspekto ng buhay

Kayang ipatanggap ang realidad ng namamayaning kaayusan bilang realidad ng mga indibidwal

Pag-aakalang may sariling kalayaan

Ang Popular

Sumasaklaw sa pinakamaraming bilang ng tao (buong bansa o sektor)


Lahat ay may pagpapahalaga sa mga produkto ng kulturang popular kahit wala itong ispesipikong halaga Ang ideya ng pagiging culturally odorless o ang pagpapahalaga sa bagay ay sumusunod sa parametro nito Hal.: mga features ng cellphone

Ang Popular

Mekanismo ng liberal na demokrasya


Pinipili ng mga tao (demokratiko at malaya) Ngunit sa katunayan, ang pagpipilian ay preconstituted at preconditioned Hal.: cellphone May kalayaang pumili kung may kakayahang pinansyal

Ang Kultural
Antas ng kamalayan Afinidad ng indibidwal sa kolektibo, direkta at hindi direkta Hal.: Kamalayan ng maraming tao sa mga modelo, features at wika ng cellphone

Katangian ng Kulturang Popularayon kay Tolentino

Ginagawa para sa kita


Halimbawa: GMA Kapuso Foundation Wowowee

Transgresibo sa mga kategorya

Lumalagpas sa mga hangganan ng kasarian, lahi, uri, edad o lokasyon, kultura Hal.: Lahat ay may cellphone (mura, mahal, brand new, GSM, GQ, laruang cellphone)

Katangian ng Kulturang Popularayon kay Tolentino

Ipinapalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya

Mga uri ng medium


Mas midya Kultural na midya (edukasyon, sining, etc)

Usapin ng mediation o paano ipinalalaganap


Manipulasyon upang lumikha na nais na affect Hal.: Mga komersyal ng Jollibee at McDo

Katangian ng Kulturang Popularayon kay Tolentino

Pumapailanlang sa nosyon ng sadomasokismo


Laging may pagnanasa sa produkto commodity-fetishism May pakiramdam na salat o kulang Handang masaktan o manakit upang mapunan, kahit sandali, ang nasa

Katangian ng Kulturang Popularayon kay Tolentino

Nanggagaling, pangunahin, sa sentro.


Hindi nanggagaling sa mga tao kundi ibinaba sa mga tao Urban na sentro

Sa pambansa, mula sa mga lungsod Sa global, mula sa first world o makapangyarihang kapitalistang bansa

Ang Pagiging Politikal ng Kulturang Popular

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinasok ang K.P. ng mga kolonisador upang gamitin sa pagpapasunod at pagpapatibay ng kanilang pananakop

Pasyon, sinakulo, komedya, awit, korido

Sa kasalukuyan, ginagamit din ito, hindi lang para mapanatili ang politikal na kapangyarihan ng elite, kundi pati ang ekonomikong aspekto nito Economic power begets political power

Ang Pagiging Politikal ng Kulturang Popular

Sa kabilang banda, ang K.P. ay ginagamit din ng mga nasakop o dinodomina upang lumaban
Hal.: radio at TV noong EDSA 1

Para kay Tolentino, ang K.P. ay maaaring tingnan bilang tereyn ng tunggalian

Aspekto ng Tunggalian

Itaas at Ibaba Dominante at dinodominahan Nasa sentro at nasa tabi Sino ang makapangyarihan at walang kapangyarihan? Kultural na Kategorya
Produksyon ng kaalaman (ano, sino at paano? uri, kaalaman, kasarian, sekswalidad, lahi

Aspekto ng Tunggalian

Kasaysayan, Lipunan at Modernismo


Konteksto (panahon, espasyo at pagkatao) Modernisasyon

Kultural na Kategorya

Produksyon ng kaalaman (ano, sino at paano?)

Aspekto ng Tunggalian

Global at Lokal
Paggalaw ng kapital Ang kaugnayan ng lokal na karanasan sa pandaigdigang konteksto Ang anumang nangyayari sa bansa ay may kinalaman sa nangyayari sa ibang bansa

Aspekto ng Tunggalian

Nasyonal at Transnasyonal

Nasyonal
Pagbuo ng nasyon at nasyonalismo (Pambansang identidad)

Transnasyonal
Pagkalusaw ng pambansang identidad dahil sa imperyalismo at globalisasyon Internasyonal na solidaridad ng mga magkakatulad ng karanasan at adhikain

Homework

Sabihin kung paano susuriin ang alinman sa mga paksa gamit ang isa sa mga konsepto ng kulturang popular na tinalakay (Storey, Lumbera o Tolentino)
Sinulog Festival Cinemalaya Pagtakbo nina Noynoy Aquino at Mar Roxas 2010 elections

You might also like