You are on page 1of 4

January 06, 09 ng sinundo ang mga Koreano mula sa airport.

Jan. 07, 09 kinabukasan nang sila’y bigyan ng warmth welcome sa


paaralang Castor Alviar National High School. May mga presentasyong
inihandog ang mga estudyante mula sa II-Virgo. Ang putungan,
Lanseros de negros, kini-kini ay ilan lamang sa mga inihandang
isinagawang presentasyong marahil ay ikinatuwa ng mga Korean.

January 08, 09 (Thursday ). Ito ang unangginawang pag tuturo ng


koreano. Ang naka incharge sa pag tutor ng taek won do ay ang grupo
nila Jenny, Qoo, Hugs, & Pooh. Nang unang pag pasok nila sa room ay
isa-isa silang nag pakilala ,itinanong nila kung meron kaing prepared
pants para sa gagawin sa labas . Isinagawa nila ang pag tuturong ito sa
ibaba sa stage. At dahil wala kaming nainhandang pants kaunti pa lang
ang naituro sa aming martial arts and self-defense. Naubos lang ang
oras naming sa pag lalaro ng grupuhang Chinese kit, at habang break
time nakikipag kwentuhan naman ang mga ito sa amin. Dito nagging
close si Hugs kay Carla, si Grace kay Qoo at Rj kay Jenny.

January 09, 09 (Friday). Ito naman ang ikalawang batch ng


volunteers, Ari, Alli, Rachel, Thomas, & Ddochi. Tinuturo nila kung
paano ang pag sulat ng Korean letters at kung paano dapat ang
tamang pag sulat nito, binigyan nila kami ang kopya at kinakailangan
na lang naming tularan ito tatlong beses dapat itong gawin. Ang mga
numerong (1)/il/, (2)/e/, (3)/sam/, (4)/sa/, (5)/o/, (6)/yuk/, (7)/chil/,
(8)/pal/, (9)/gu/, (10)/sip/. Tinuro din nila ang mga English words sa
Korean , ex. Ang head (meuri), face (eul gul), eye (nun), mouth (ip),
neck (mok), nose (ko). At ang break time naman ang pagkakataon para
makapag picturan at makapag pasulat ng korean letters na pangalan
namen, o kahit anung words. Yung mga DAYS rin tinuro nila kung ano
sa Korean yung Sunday/il y oil/, Monday/wol y oil/, Tuesday/hwa y oil/,
Wednesday/su yo il/, Thursday/mok y oil/, Friday/kum y oil/, Saturday…
di ko na alam.

January 12, 09 (Monday). Ang third batch naman


ng grupo ay sila Edwin, Himo, Emma, Sun, & Bill. Tinuro
nila sa amin ang pag gawa ng tradisyunal na damit na
Hanbok sa pamamagitan ng ipinamigay nilang colored
paper na dual side. Tinuro nila kung paano ang tamang
sunud-sunod na pag tiklop nito para makabuo ng
hanbok.
Nag pakita rin sila ng halimbawa ng mga laro sa
kanila. Nag enjoy kaming panoorin ang laro nila Edwin at
Himo dahil hinahaluan nila ito ng biro. Ang kengkoy ng dalawang yon,
marunong silang makisakay sa kalokohan naming III-Mercury. Nag laro
din kami ng Ko Ko game “ko means nose”. Si Edwin ang cheeks, si Sun
ang eyes /nun/, si Himo yung /ip/ mouth, si Bill yung /meuri/ head. Ang
gagawin lang sa game na to laging naka point sa “ko” at huhulaan mo
lang kung saan ang susunod na ituturo nito at sasabihin mo kung sino.
Katulad din ito ng laro sa Pilipinas.
January 13, 09 (Tuesday). Ang mga Korean volunteers na
pang-apat na grupo sila Alice, Michelle, J.k Donkey, Coco. Base
dun sa survey ko ito daw yung boring na grupo … nung una,
sigura mukha kasing suplada si Michelle at Donkey sa una, pero
ang nakakatuwa sa kanila ay sila Alice at Coco very friendly kase
sila at mahilig din sila sa pictures. Na obserbahan naming di lang
ako kase nang pumasok ang principal habang nag tuturo sila ng
kanta sa amin makikita mo dito na medyo parang nainis si
Donkey, di man lang kase nag excuse si Ma’am eh, akala namen
kung baket pumasok mag papa picture lang pala…

At eto nga pala yung time na pinag gawa nila kami ng id na


susulatan naming ng pangalan sa harap at nick name naman sa
likod pwede rin naming ipasulat ito sa Korean letters. Nag group
kami sa seven para di mag kagulo sa pag gamit ng color na dala
nila. May kanta silang tinuro samen yung “ Semul” at “ Arirang”.
January 14, 09 (Wednesday).Ito yung pangalawang beses na
tinuruan kami ng Taek won do. Ngayon naka pants na kami pero
yung iba naka short at cycling lang. Pinag payuloy na nila yung
pag tuturo ng naudlot na martial arts. Tinuro nila sa amin kung
paano ang ibat-ibang style ng pag sipa at tamang pag suntok.
Una nag sample sila ng ng isang kunwari’y tabla na susuntukin
ng malakas para mahati sa gitna. Sunod kami naman ang pinag
subok na hatiin yon, maraming nag sasabing masakit pero nang
subukan ko naman… masakit nga! Pero nahati ko sya inferness!
Sinubukan ko yung kaliwa kong kamay aba!... di umubra. Pwede
ding gamitin sa pag sipa ang sarap ng feeling para kasing
ibubuhos mo don lahat ng galit mo sa kinaiinisan mo! Basta isipin
mo lang yung kinagagalitan mo mahahati mo yon.
Pag katapos non nag katuwaan nalang ang Koreano at III-
Mercury , kinukuyog nila yung hindi makakasipa ng Chinese kit
nakaka tuwa nga eh Korean volunteers kalaban namin,
nakakatuwa silang kalaro, naka video nga yun eh at nalagay ko na
sa youtube. Sunod nag picture-an lang kami kase uwian na eh.
January 15, 09 (Thursday). Nang umaga na to ipinaliwanag
lang sa amin ang rules at kung paano gagawin ang mga games
mamaya sa SPORT FEST. Pag katapos nag sulat lang kami ng mga
message para sa kanila, naiyak nga si Ari sa nabasa nyang
message. Bago sila lumabas ng classroom meron din silang
message na iniwan sa table.

(SPORT FEST ) on JANUARY 15, 2009


Nag simula ito sa oras na 1:30 ng tanghali sa Court ng
Masile. Ang unang game ay flying shoes, may isang bilog na kung
saan palayuan ng maihahagis na sapatos na di lalampas sa bilog.
Ang second game naman ay dodge ball, ditto pag papasa
pasahan ang bola sa ilalim ng butas ng paa, unahang makarating
ang bola sa dulo at unahan ding maibalik sa unahan ngunit
ipapasa na ito sa pamamagitan ng kamay, Kaso natalo kami ng
section Venus ang haba kasi namin eh.
Ang third game is couple game, dito kailangan ng dalawang
pairs, lalaki at babae kailangang ma protektahan ng lalake ang babae
na huwag matamaan ng bola dahil ma a-out ang pares na natamaan.
Ang kalaban naming nun ay Jupiter akala ko nga amin na yung game
nay un eh kaso di pa rin pala, kahit isa wala kaming napanalunan na
game! Laging looser!. Sabi nga ni ma’am Fulgencio baka pang sports
na kami pero bigo paren hehe. Tapos nun nilubos lubos na ang pag
papa picture, buti may kuha na videong remembrances.

January 19, 2009- Monday

Farewell Party Day


Ito na ang last day na may mag tuturo sa amin sa umaga. Sila J.k
Donkey, Alice, Michelle, at Coco. Muli nilang kinanta ang Semul song nila sa
korea at sumabay naman kami sa mga ito. Sayang nga lang at hindi ko
kinopya ang lyrics nito dahil alam ko na ang tono. (Saturn room)

Sunod naman sumayaw sila at itinuro samen ang mga steps nito,
madali lang pero medyo nakakalito pero kung ilang araw naming ni-practice
yon malamang bago sila umalis nasayaw na namen yun ng kompleto at
walang mali. Nakakatuwa si J.k donkey kasi ang galling nyang sumayaw
grabe! Ka-inlove, di ko nga lang natanong kung dancer ba sya dun sa HAK
KYO nila. May mga exercise din silang itinuro nakaka relax nga eh para lang
kaming naglalaro. Sinayaw nila yung YMCA na kanta halintulad dito sa
Pilipinas. Bago kami tumaas sa room ng III-Mercury picture-an, nakuhanan
nga naming sila ng video habang sumsayaw nun.

Nang nasa itaas na kami, meron silang ipinamigay na papel kse dun
pala naming isusulat yung message naming para sa bawat isa sa kanila.
Syempre meron din silang message para sa aming III-Mercury. Kada message
di mawawala yung words na “ I will miss you”, “I love you”, “thank you” and
ofcourse “GOODBYE”. And uwian na picture ulit.

Farewell Party ( evening


)
Ilang oras nalang din na namin makikita ang mga friendly koreans sa
CANHS. Pero bago man sila umalis may mga iiwan silang mga dance no. para
sa atin. Kalungkoy man … mag pakasaya nalang at mag enjoy sa
mapapanood natin sa kanila. Ang galing talagang mag sayaw niJ.K Donkey!
Ang cute din nung dance no. ni Ari “Nobody(2x) it’s you”. Kakalungkot
kinanta nilang lahat yung I believe, pati ang galling ni Bill kumanta ng
“sarang hal soon uhb neun guh jyo”. Ma mi-miss namin lahat ng mga kanta
at sayaw na pinerform nila sa HAK KYO natin. Ang galling din ni Qoo dun sa
pag sipa na table na nakataas at mag kaiba ang nakahawak! Plakda sya!
Pero ang galling kase nabali nya yung isa.

Nang tapos na yung programa, puro yakapan ang makikita mo. Nag
bigay nga ako ng pictures sa ibang Korean volunteers eh, sana itago nila. Na
touch ako kay Rachel kasi nung binigay ko yung picture naming dalwa
yumakap sya ng mahigpit and said thank you I will miss you. Grabe yakap
ditto yakap doon yung iba nan-tsa-tsansing nalang eh di talaga uuwi hanggat
di nayakap lahat ng koreano! Anyway no packels lang huling day na kasi yun
eh kaya nilubos-lubos na.

You might also like