You are on page 1of 47

PANITIKAN SA PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad noong 1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang mga namundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon ay kasa-kasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng mga Amerikano. Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito isinauli ang kalayaan. Nawala ang tanikala, nawala ang gapos. Sa unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang mga Pilipino.

KALAGAYAN NG PANITIKAN
Tila naging mapaghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat nang panahong ito bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito ng malaking halaga.Isa sa naging kapansin-pansing pangyayari sa Panitikang Pilipino sa panahong ito ay ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa larangan ng panulat. Naging mga ulirang manunulat na Amerikano sina Ernest Hemingway, William Saroyan, at John Steinbeck sa kanilang mahusay na teknesismo ng panulat.Sila ang nagbigay ng diwang mapanghimagsik at kapangahasan sa panitikang Tagalog at Ingles.

MGA PAKSA NG PANITIKAN


1. Tungkol sa kalupitan ng mga Hapones 2. Kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones 3. Kabayanihan ng mga gerilya

MGA PAHAYAGAN AT MAGASIN


1. LIWAYWAY 2. BULAKLAK 3. ILANG-ILANG 4. SINAG-TALA

MGA AKLAT NA NALIMBAG


MGA PILING KATHA (1947-1948) ni Alejandro G.
Abadilla; kinilala bilang AMA NG MALAYANG TALUDTURAN

ANG MAIKLING KWENTONG TAGALOG (1886-1948) ni Teodoro Agoncillo


AKOY ISANG TINIG (1952)-katipunan ng mga tula at sanaysay ni Genoveva Edroza Matute MGA PILING SANAYSAY-(1952) ni Alejandro G. Abadilla

MANLILIKHA, MGA PILING TULA (19611967) ni Rogelio Mangahas MGA PILING AKDA NG KADIPAN (1965) ni Efren Abueg PITONG DULA (1968) ni Dionisio Salazar MANUNULAT:MGA PILING AKDANG PILIPINO (1970) ni Efren Abueg SINING AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL NG PANITIKAN (1965) ni Rufino Alejandro

MGA AKLAT KAY J.RIZAL


Nang Musmos Pa si Rizal at Ulirang Magaaral si Rizal na sinulat ni DIOSDADO CAPINO Ang Buhay at Mga Akda ni Rizal BEN UNGSON Rizal, Ang Bayani at Guro at iba pa DOMINGO LANDICHO Gabay sa Pag-aaral ng Noli at Gabay sa Pagaaral ng Fili EFREN ABUEG

ANG MULING PAGSIGLA NG PANITIKAN SA INGLES


MGA PAHAYAGANG INGLES Philippine Free Press

Morning Sun Sergio Osmena Sr.


Daily News- Ramon Roces Philippines Herald pamilya Soriano Chronicle pamilya Lopez Bulletin - Menzi

MGA AKLAT SA INGLES


Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viraykalipunan ng mga tula
Phil. Cross Section(1950) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros Prose and Poems (1952) ni Nick Joaquin Phil. Writing (1953) ni T.D. Agcaoli Phil. Harvest (1953) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros Horizons East (1967)Artemio Patacsil at Silverio Baltazar

ANG TIMPALAK-PALANCA
Isa ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang pagkakalunsad ng Timpalak-Palanca o Palanca Memorial Awards for Literature na pinamumunuan ni Ginoong Carlos Palanca Sr. noong 1950. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagbibigay gantimpala ang timpalak na ito bagamat ang nagtatag ay yumao na. Ang larangang pinagkakalooban dito ay ang MAIKLING KWENTO, DULA at TULA.

ANG MAIKLING KATHANG NAGWAGI NOONG 1950-1951


MABANGIS NA KAMAY..MAAMONG KAMAY Pedro Dandan PLANETA, BUWAN AT MGA BITUIN Elpidio Kapulong

KWENTO NI MABUTI Genoveva EdrozaMatute

DULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALANG PALANCA


-HULYO 4,1954 A.D. sinulat ni Dionisio Salazar

TULANG NAGKAMIT NG GANTIMPALANG PALANCA


- ALAMAT NG PASIG sinulat ni Fernando Monleon

PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan. Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan noong 1970-1972. Samutsaring paniniwala ang dahilan ng kanilang pagiging aktibista. Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa ating mga kabataan ang naniniwalang di na demokratiko kundi isang gobyernong kapitalista ang umiiral sa ating bayan sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay may patuloy na

Nanalig na matatag ang pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga kakulangan. Ang iba naman ay may paniniwalang dapat nang palitan ng sosyalismo o komunismo ang bulok na pamahalaan. Ibat ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan nang panahong ito. May mga kabataang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan [ New Peoples Army], may mga naging burgis radikal o rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang walang pakialam sa takbo ng pamahalaan.

Sa kalahatan, maraming kabataan ang naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng matinding damdaming makabayan at upang mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang

Kanilang kahingian ay naging matalim at mabalasik ang panunulat ng ilan nating kabataan. At dahil dito, kasama ng ilang rebeldeng manunulat, marami sa kanila ang nangapiit sa mga kampong militar ng bansa.
Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit dahil sa ang mga akday mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang na paglalahathala at karamihan sa mga umakday kailangang lapitan pat makapanayam, ang pangangalap at pagpapahalaga ng mga akdang ito ay ipinauubaya na sa mga masusing nagsaliksik.

ANG BINHI NG AKTIBISMO


Humantong sa pagkakadeklara ng BATAS MILITAR [Martial Law] noong 1972 ang BINHI NG AKTIBISMO. Ngunit masasabing ang binhi ay naihasik na sa mga kabataan maging noong mga panahon pa nina Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba pa. Sadya pa ring masasabi na monopolohiya ng kabataang may init ng dugong dumadaloy sa kanilang ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa makapangyayaring lakas ng Pilipinas. Kayat balido ang sinabi ni Rizal na ANG KABATAAN ANG SIYANG PAG-ASA NG BAYAN.

KALAGAYAN NG PANITIKAN
** Punung-puno ng damdaming mapanghimagsik ** Nagkaroon ng kamulatang panlipunan ** Maliban sa makinilya, gumamit din sila ng PINSEL at isinulat sa mga plakard, sa PULANG PINTURA ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka

** Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika

MGA KABATAANG BUMANDILA


ROLANDO TINIO ROGELIO MANGAHAS

EFREN ABUEG
VIRGILIO ALMARIO aka RIO ALMA CLEMENTE BAUTISTA

PANULAANG FILIPINO
Nagtataglay ng tatlong [3] katangian ang mga tulang naisulat ng mga batang makata at mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo:

A. ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan


B. ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan at; C. ang tahasang masasabing labag sa kagandahangasal na panunungayaw at karahasan sa pananalita

MGA TULANG NAMAYAGPAG


MGA A! NG PANAHON [1970] ni Alejandro Q. Perez
KALIKASAN [1970] ni Aniceto Silvestre PERIGRINASYON AT IBA PANG TULA [1970] ni Rio Alma MGA TULA NG BAYAN KO AT IBA PA [1972] ni V.G. Suarez

SITSIT SA KULIGLIG [1972] ni Rolando Tinio


MGA GINTONG KAISIPAN [1972] ni Segundo Esguerra

ANG DULA, MAIKLING KWENTO AT NOBELA


Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan ng kanilang mga tauhan sa akda.
Payak ngunit makatotohanan ang salitaan o lenggwaheng ginagamit nila ngunit kadalasay ang payak at makatotohanang usapan, bagamat nasa makabagong panahon na ay hindi pa rin makayanang basahin ng mga babaeng may bakas pa ni Maria Clara, lalot ang usapan ay usapang lalaki o ginagamit sa tagpo ng pakikipagtalik.

ANG MGA PELIKULA AT KOMIKS


Nang panahon ding ito ng aktibismo, nagsimulang napanood ang mga pelikulang malalaswa na nakasisira sa kaugaliang silanganin-ang tinatawag na mga PELIKULANG BOMBA. Dito rin dumagsa ang mga komiks at iba pang babasahin na ang mga larawang iginuhit ay walang mga saplot sa katawan.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpatuloy pa rin ang gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak.
Halos tungkol sa IKAUUNLAD NG BAYAN ang karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), Pagpaplano ng Pamilya, Wastong Pagkain ( Nutrition), Drug Addiction, Polusyon, at iba pa.Pinagsikapan ng Bagong Lipunan na maputol ang malalaswang mga babasahin, gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masasamang impluwensya sa moral ng mga mamamayan.Ang lahat ng mga pahayagang

pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang pampaaralan.


Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagon kagawaran na tinawag na MINISTRI NG KABATIRANG PANGMADLAupang siyang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat, at iba pang babasahing panlipunan. Muling naibalik ng dating Unang Ginang IMELDA MARCOS sa pagpapanibagong-buhay ang ating mga SINAUNANG DULA tulad ng SENAKULO, EMBAYOKA NG MGA MUSLIM at iba pa.Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, at maging ang Metropolitan Theater ay muli niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino.

Naging laganap din ang pag-awit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit
Ang mga lingguhang babasahin tulad ng KISLAP, LIWAYWAY at iba pa ay malaki ang naitulong sa pagpapaunlad ng Panitikan. Naging Lagusan ito ng manunulat upang mailathala ang kanilang mga akda. Tahasang masasabi na nagningning din ang Panitikang Filipino nang panahong ito.

ANG PANULAANG TAGALOG


-Naglabasan ang mga slogan sa panahon na ito ng Bagong Lipunan:
halimbawa: Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan Tayoy kumain ng gulay, upang humaba ang buhay Magplano ng pamilya, nang ang buhay ay lumigaya Ang pagsunod sa magulang, tanda ng anak na magalang

Naging paksa ng mga tula ang PAGKAKAISA, TIYAGA, PAGPAPAHALAGA SA PAMBANSANG KULTURA, UGALI, KAGANDAHAN NG KAPALIGIRAN. Kabilang sa mga nagsisulat ng tula sa panahong ito sina PONCIANO PINEDA, ANICETO SILVESTRE, JOSE GARCIA RELEVO, BIENVENIDO RAMOS, VICENTE DIMASALANG, CIR LOPEZ FRANCISCO.
Pilipino: Isang Depinisyon PONCIANO PINEDA

MGA AWITING FILIPINO


Ganito ang ilan sa mga awiting lumitaw nang mga unang taon ng Bagong Lipunan
BAGONG LIPUNAN I. May bagong silang/may bago nang buhay Bagong Bansa, bagong dangal/ sa bagong lipunan II. Nagbabago ang lahat/tungo sa pag-unlad

at ating itanghal/ Bagong Lipunan


III. Ang gabiy nagmaliw nang ganap At lumipas na ang magdamag

Madaling araw/ ay nagdiriwang


Sa umagang daratal/ IV. Ngumiti ang pag-asa/

Sa umagang anong ganda (ulitin ang I)

Noong 1975, nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awiting Pilipino nang ang TL Ako sa Iyo ay awitin ng pangkat Cinderella. Ang awiting ito ay naging popular sa tawag na HIMIG-MAYNILA. Binubuo ito ng ilang balbal na Pilipino may kakaibang kumpas kaya mabilis na tinanggap ng mga tao. Narito ang awit.

TL AKO SA YO
Ewan ko ba kung bakit type kita/ di ka naman guwapo Kahit malabo ang pagpili ko/ TL ako sa iyo Panay kantyaw ng mga utol ko/ Dehins ka raw bagay sa kagandahan ko/ Malabo na raw ba ang mata ko/ at TL kita [KORO]

Kalyeng liku-liko ang takbo ng isip ko/


Sabi ng lolo may toyo ang utak ko. Sabi ng lola ay humanap ng iba/ may pormat mayaman

TL wala naman.
[ulitan ang unahan] at na TL- kita..Ikaw ang true love ko.

Naging tanyag din si RICO J. PUNO sa pag-awit ng himig-Maynila tulad ng kanyang The Way We Were. Narito ang isang saknong ng kanyang awit.
Alaala/nang tayoy mag-sweetheart pa Namamasyal sa Luneta Nang walang pera/

So its the laughter/we will remember/


The way we were/Remember the way we were.

Sa kaligirang ito, ang ilan pang mga mang-aawit na kompositor ay nadagdag pa. Kabilang dito sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan, at ang magkakasamang Tito, Vic at Joey. Naging matagumpay ang ANAK ni Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at damdaming ipinahahayag ng awiting ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga ito ng salin sa Hapon at sa iba pang wika. Narito ang awit:

ANAK
Nong isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo.

At ang kamay nila ang iyong ilaw


At ang nanay at tatay mo Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo


Sa gabiy napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga namay kalong ka ng iyong amang Tuwang-tuwa sa iyo.

III.

Ngayon ngay malaki ka na

At nais moy maging malaya


Di man sila payag walang magagawa Ikaw ngay biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo


At ang payo nilay sinuway mo. IV. Di mo man lang inisip na ang kanilang

ginagaway para sa yo.


Pagkat ang nais moy masunod ang layaw mo Di mo sila pinapansin. V. Nagdaan pa ang mga araw At ang landas moy naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo.

At ang una mong nilapitan


Ang iyong inang lumuluha At ang tanong Anak, bat ka nagkaganyan? VI. At ang iyong matay biglang lumuha Nang di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mot nalaman mong Ikawy nagkamali [3x]

Narito pa ang awit ni FLORANTE na kaisa ng Bagong Lipunan sa panawagan sa lalong makabuluhang pamamayan.

AKOY PINOY
I. Akoy isang Pinoy sa pusot diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa Akoy hindi sanay sa wikang mga banyaga Akoy Pinoy na mayroong sariling wika. KORO Wikang Pambansa/Ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan/Hangad kong lagi ay kalayaan Si Gat Jose Rizal nooy nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw magmahal sa sariling wika Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda

II.

ANG DULA SA BAGONG LIPUNAN


Nanguna sa pagpapanibagong-buhay ng ating mga sinaunang dula ang ating Unang Ginang ng bansa na si GNG. IMELDA MARCOS. Binuhay niya ang sarsuwela ng mga Tagalog, Sinakulo at Embayoka ng mga Muslim na pawang itinanghal sa ipinakumpuni niyang Metropolitan Theater at ipinatayong Folk Arts Theater at Cultural Center of the Philippines. Lalong nakapagpasigla sa dula nang panahong iyon at maging sa kasalukuyan ang mga sumusunod na samahang pandulaan.

1. PETA nina Cecille Guidote Alvarez at Lino Brocka


2. REPERTORY PHILIPPINES nina Rebecca Godines at Zenaida Amador

3. UP REPERTORY ni Behn Cervantes


4. TEATRO FILIPINO ni Rolando Tinio

ANG PELIKULANG PILIPINO


Nagkaroon ng taunang Pista ng mga Pelikulang Pilipino sa panahong ito. Sa tuwing may ganitong kapistahan ay pawang mga pelikulang Pilipino lamang ang ipinalalabas sa mga sinehan sa Metro Manila. Ginagawaran ng gantimpala at pagkilala ang nagwawaging mga pelikula at artista.

Nagsilabas sa panahong ito ng Bagong Lipunan hanggang 1979 ang mga pelikulang walang romansa o seks subalit tinangkilik dahil sa kakaibang kayarian nito, tulad ng :
-MAYNILA..SA MGA KUKO NG LIWANAG sinulat ni Edgardo Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka at sa pangunguna ni Bembol Roco

-MINSAY ISANG GAMUGAMO- ang pangunahing bituin dito ay si Nora Aunor


-GANITO KAMI NOON..PAANO KAYO NGAYON?pinangunahan nina Christopher de Leon at Gloria Diaz -INSIANG pinangunahan ni Hilda Koronel -AGUILA pinangunahan nina Fernando Poe Jr., Jay Ilagan , at Christopher de Leon

PAHAYAGAN,KOMIKS, MAGASIN AT IBA PANG BABASAHIN


Sa panahong ito ng Bagong Lipunan, nagbihis ng panibagong anyo ang nilalaman ng mga pahayagan. Ang mga balitang datiy naglalahad ng karahasan tulad ng patayan, nakawan, panggagahasa, at iba pa ay napalitan ng mga balitang pangkaunlaran, pang-ekonomiko, disiplina, pangkultura, turismo at iba pa. Narito ang mga sumusunod na pahayagan

1. BULLETIN TODAY
2. TIMES JOURNAL 3. PEOPLES JOURNAL 4. BALITA 5. PILIPINO EXPRESS

6. PHIL. DAILY EXPRESS


7. EVENING EXPRESS

8. EVENING POST

Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pilipino ang magasing LIWAYWAY simula pa noong 1922. Bukod sa Liwayway, ang ilan pang magasing mababasa nang panahong ito ay ang: 1. KISLAP
2. BULAKLAK 3. EXTRA HOT 4. JINGLE SENSATION

Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na siyang kinagiliwang basahin ng marami. Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. PILIPINO 2. EXTRA 3. LOVE LIFE 4. HIWAGA 5. KLASIK 6. ESPESYAL

KABUUANG TANAW SA PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN


Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong Lipunan ay ang mga SANAYSAY, AWIT, MGA TALUMPATI, AT TULA. Walang pinag-iba ang mga maikling kwento nang panahong ito sa mga naisulat noong bago magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang mga nobela at dula.

You might also like