You are on page 1of 1

Noli Me Tangere-Kabanata 25 : Elias at Salome Buod Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan

nila ang taong kanilang hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng isang lawa. Naroon sa batalan ng kubo si Salome, ang dalagang nanahi. Dumating si Elias, ang piloto ng bangkang hanap ng mga Kastilang guwardiya sibil. Sa buong akala ni Salome, lilitaw si Elias mula sa lawa, subalit hindi ito ang nangyari dahil sa nakakilala kay Elias. Napag-usapan ng dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at si Maria Clara na anak ni Kapitan Tiago. Nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang manirahang kapiling ng mga kamaganak sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kanilang mga kapalaran, maaaring matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso. Ibig sanang makapiling ni Salome si Elias, na samahan siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang kalayaan si Elias na gawin ito dahil sa mga kaganapan noong araw na iyon bago sila muling magkita. Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang ari pa nitong kabataan at kagandahan upang makakita ng kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib. Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, na gamitin ni Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pagaalala nila sa isat isa habang magkalayo. Isang gawaing maituturing ni Salome sapat na upang maituring na magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang magiging pagkakalayo sa isat isa. Sa halip, kumalas si Elias sa pagkakayap kay Salome. Mabilis siyang lumiwas at naglaho sa mga anino ng mga puno. Sinundan lamang ni Salome ng tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga yabag ng lalaking kaibigan. Karagdagang Kaalaman Ang Elias at Salome ay ang dating nawawalang kabanata ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Sa mga siping kinapapalooban nito, karaniwang ito ang ibinibilang na ika-dalawampu't limang kabanata ng aklat. Sa mga makabagong sipi, kalimitang nauuna ito sa Sa Tahanan ng Pilosopo at Katapusan ng Noli, o idinaragdag sa huli o sa apendiks ng aklat. Karaniwang pinapaniwalaang hindi ito nasama sa orihinal na paglilimbag dahil kinulang si Rizal ng pambayad sa pagpapalimbag, kaya't kinailangang bawasan ang mga kabanata ng nobela. Nang natagpuan ang orihinal na manuskrito, nakita ang kabanatang ito na may malaking ekis, kung kaya't binansagan itong "Kabanata X" ("Kabanatang ekis", hindi kabanata bilang 10 bagkus isang kabanatang tinaggal mula sa orihinal na manuskrito; sapagkat hindi nalalamang ganap kung paano ang dapat na pagkakahanay nito sa Noli), isa ring dahilan kung bakit idinaragdag din ito sa bahaging apendiks (kung mayroon) ng aklat. Sa salin ni Mara Soledad Lacson-Locsin, na may dagdag ni Raul L. Locsin, ito ang pangdalawampu't limang kabanata.

You might also like