Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
5Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
AP Unit 1 - Modyul 1a (1)

AP Unit 1 - Modyul 1a (1)

Ratings: (0)|Views: 1,241 |Likes:
Published by Franz Andrei Bana

More info:

Published by: Franz Andrei Bana on Nov 28, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/09/2013

pdf

text

original

 
 
1
 Grado 7 Mga Saksi ng Kasaysayang PilipinoMarkahan 1 Sinanunang panahon hanggang sa pagtatag ng kolonyangEspanyolModyul 1 Pagpapakilala sa primaryang sanggunianGawain 1. Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian2. Limitasyon ng mga sanggunian3. Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunianOras Lima (5)
M
ODYUL SA
P
AGKATUTO
 Pangkalahatang Ideya
Paano natin nalalaman ang mga nangyari at nangyayari? Sa sarili natingbuhay, umaasa tayo sa iba-ibang pinagmulan ng impormasyon katulad ngpersonal na liham,
email 
o
text 
sa
cell phone
, litrato, at kwento ng kaklase okaibigan. Tungkol naman sa nagaganap o naganap sa bansa, umaasa tayo sadyaryo, telebisyon at radyo para sa balita, o kaya sa kwento ng ating mgamagulang at guro. Lahat ng mga ito ay sanggunian ng impormasyon na atingginagamit upang maunawaan ang isang isyu o pangyayari, magdesisyon tungkolsa isang bagay, at lumahok sa iba’t ibang gawain sa bahay, paaralan, at lipunan.Tatalakayin nitong modyul ang mga uri, anyo, limitasyon at kahalagahan ng mgasanggunian sa araw-araw na buhay at sa kasaysayan. Anuman ang natitira mula sa nakaraan, katulad ng sulat o larawan, ayitinuturing na primaryang sanggunian, maging sa personal na buhay o sa buhayng bansa. Bilang bakas ng nakaraan, ang primaryang sanggunian ay katibayan namay nangyari. Kung wala ang sangguniang ito, hindi natin matitiyak na maynaganap, saan at kailan ito naganap, kung ano ang nangyari at kung sino angnaroroon.Dahil ang primaryang sanggunian ay gawa ng aktuwal na saksi ngpangyayari, nagbibigay ito ng buhay at kulay sa kasaysayan. Halimbawa, saliham, talaan sa araw-araw (
diary 
), larawan, awit o dyaryo, nararanasan,nararamdaman o nakikita ang damdamin at kaisipan ng mga gumanap at angkapaligiran ng kanilang panahon. Kung gayon, ang pag-aaral ng kasaysayangamit ang primaryang sanggunian ay nagdudulot ng sariwa, bago o naiibangpagkakaunawa ng nakaraan na hindi kadalasang nakukuha sa teksbuk at ibanglibro.Sa taong ito, pag-aaralan mo ang iba’t ibang primaryang sanggunian upanglalong maunawaan ang kasaysayan ng Pilipinas.
Gawain 1. Kahulugan ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian
1. Paano mo nalalaman ang nangyari o nangyayari sa buhay? Isipinang lahat ng paraan at ibahagi ito sa klase. Halimbawa, paano mo nalaman namay ikinasal na kamag-anak, o nanalo si Manny Pacquiao sa laban sa Las Vegas,o itinatag ang Katipunan? Isulat ang sagot sa patlang.
 
 
2
 2. Tingnan ang lahat ng mga sagot. Maaari bang ikategorya ang mgaito ayon sa kung ang pangyayari ay direktang nasaksihan o nabalitaan sa iba?Gamitin ang
organizer 
sa ibaba.3. Ang nakasaksing pinagmulan ng impormasyon ay tinatawag naprimaryang sanggunian, samantalang ang pinagmulan ng impormasyong galingsa iba ay sekundaryang sanggunian.4. Alin sa mga sanggunian sa ibaba ang primarya at sekundarya?Lagyan ng tsek ang nararapat na kolom.
 
Sanggunian Primarya SekundaryaBandila
History of the Filipino People
, aklat ni Teodoro AgoncilloPahayaganLitrato Artikulo ni Ambeth Ocampo tungkol kay Rizal5. Makikita sa mga halimbawa sa itaas na iba-iba ang anyo ng mgaprimaryang sanggunian, kung ito ay pasulat, pasalita, nakalarawan at iba pa.Tingnan ang mga anyo at halimbawa sa ibaba at magdagdag ng iyong halimbawa.
Nasaksihan
Nalaman saiba
Uri ng SanggunianPrimaryaSalaysay ng taong nakasaksi ngpangyayari
 
SekundaryaSalaysay ng isang di nakasaksi ngpangyayari ngunit nalaman ito mula saisang saksi o sa sekundaryangsanggunian
 
 
3
  Anyo ng Sanggunian Halimbawa Iba pang HalimbawaNakasulat dyaryoPasalita teyp ng talumpatiBiswal litrato Awdyo-biswal pelikula
Digital 
 
email 
 Kumbinasyon ng mgaitotalaang maylarawan6. Para sa historyador, pinakamahalaga ang impormasyong galing saisang saksi dahil direkta nitong nakita o naranasan ang naganap.
Gawain 2. Limitasyon ng mga Sanggunian
1. Bagamat ang isang sanggunian ay pinagmulan ng impormasyon, itoay may limitasyon. Isipin, halimbawa, na manunuod ang klase ng isang konsyerto,laro ng basketbol, o pista ng bayan—kung gayon, lahat ng estudyante ayprimaryang sanggunian. Talakayin sa iyong pangkat ang mga sumusunod natanong.a. Pare-pareho kaya ang isasalaysay ng lahat tungkol sa pangyayari?b. Anu-ano ang mga salik na makaaapekto sa pagbuo ng salaysay ngbawat isa? Ilista ang mga salik na ito.2. Iulat ang sagot sa klase. Base sa mga sagot, anu-ano ang nakikitamong limitasyon ng primaryang sanggunian?Mga Limitasyon ng Primaryang Sanggunian
Hindi gaanong naalala ng saksi ang mga detalye ng pangyayari
 
Primaryang Sanggunian
 
Katibayan ito na may naganapdahil nandoon o naranasanmismo ng saksi (may-akda) angnangyari.Sekundaryang Sanggunian
 
Kwento ito base sa sinulat osinabi ng iba at hindi ng nakasaksimismo.
kung saan ako nakapwesto (sa bandang harapan, malayo, sa likodng malaking
sound system
, poste o matangkad na tao).
 
 
 

Activity (5)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Joychito Bedes liked this
Joychito Bedes liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->