Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
1Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
ALIM

ALIM

Ratings: (0)|Views: 38|Likes:
EPIKO
EPIKO

More info:

Categories:Types, Research
Published by: Dan Alexis Morco Arinzana on Dec 04, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/04/2012

pdf

text

original

 
Alim
(Epiko ng mga Ifugao)
Ang epikong
 Alim
ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga kagubatan ay maraming mgahayop na madaling hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilangkumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na ang bigas naisasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patagmaliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog. Namatay ang mga tao.Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay bumalong. Natuwa ang mga tao at silaay nagdiwang. Subalit bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nangtumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ngbaha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at Wigan.Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita itoni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan.Nalaman nilang silang dalawa lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ngbahay si Wigan na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan aynagdalantao. Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na magpakamatay.Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si Makanungan. Ikinasal niMakanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat nababae. Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae.Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa. Namuhay silang masagana.Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang ani. Naalala ni Wigan at niBugan si Makanungan. Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy parin ang tagtuyot. Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos angpagsasalat at tuyot.Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng buhay ni Igon.Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at Bugan. Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay angmagkakapatid - sa timog, sa hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'ymag-aaway at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan,magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->