Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
5Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Bayani

Bayani

Ratings:

4.29

(7)
|Views: 2,998 |Likes:
Published by scribd9281

More info:

Published by: scribd9281 on Feb 02, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC or read online from Scribd
See more
See less

01/09/2013

 
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noongAgosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ngpag-aaral mula sa Colegio de San Juan noong 1893.Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ngmga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni EmilioAguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan saEstados Unidos.Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ngTayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamitniya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidosbilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act),nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ngpamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik saPilipinas.Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935,nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonweltng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakassiya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niyapinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noongAgosto 1, 1944 sa gulang na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery.Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa LungsodQuezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Si Sergio Osmena y Suico (Setyembre 9, 1878 - Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang SergioOsmena, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 - Mayo 28, 1946). Siya angama ni dating Senador Sergio Osmena Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmena III, John Osmena, datingGobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmena ay nanguna sa mga nagtapos ngprimarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungosiya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmena. Ipinadala siya ng lokalna liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay mulisilang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng KorteSuprema na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmena aypumangalawa sa naturang eksamen sa bar.Dalawampu't limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal nglalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907.Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea,isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935.Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng MisyongOsRox (Osmena-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan
 
ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmena ang humalili sa kanya. sinadating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng atingpagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampikasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas naituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ngPilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanonglumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mgakabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ngmga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946.Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunitnatalo kay Manuel Roxas.Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena aynamatay noong Oktubre 19, 1961.Si Jose Paciano Laurel y GarciÃ
Âa (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng Republika ngPilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia.Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. siya ay agad namatay.pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justicenoong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang IkalawangDigmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ngmga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya angkapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator"pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959,namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890 - Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim napangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at GregoriaRivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 atnaging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ngadministrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulanniya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa,pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sapuso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.Siya ang unang Ilokanong pangulo.
 
Si Manuel Acuna Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay nagsilbibilang Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 1946 hanggang sa kanyang kamatayan noong Abril 1948.Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, angLungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mgamagulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya saHouse of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonweltng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ngPananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. NoongIkalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sapanahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas naitinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya.Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mgaHapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kaypangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinasna sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyentobilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhaypolitika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kaySergio Osmena. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. NoongAbril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpatisa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base. Siya ay sinundan ni Elpidio Quirino.Ipinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa Luzon sa panahongkolonya ng Espanya ang Pilipinas, ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ngisang paring Jesuit, nagpatala siya sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila, kung saan siya nag-aral ngmedisina.Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong panguiinahan ang isang pag-aalsa na sa kaunting panahon aynagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinatapon si Aguinaldo sa HongKong noong 1888. Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ng mga Britanya at nagtipon ng mgaarmas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas.Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noon ni AndresBonifacio, na may layuning patalsipokkin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Kasama ni Dr. JoseRizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896, at ginapanan niya angpamumuno sa kilusan pallgkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol sapamamagitan ng pwersang militar at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldoang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sapagkakatapon.Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo sa mgaAmerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa unanakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikanoupang patalsikin ang mga Espanyol � kasama ng paglilipat ng maghigit na 15,000 nahulingtropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikanoay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya atnagsimulang sakupin ang bansa gaya ng ginawa ng mga Espanyol noon. Walang tulong ninuman,ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapulungan ngSaling-batas ng Pilinas bilang pangulo noong Enero 1, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ngmga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban saEstados Unidos noong Pebrero 4, 1899.Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung

Activity (5)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Badz Llamas liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->