You are on page 1of 23

>>><<< I'M YOURS (A T-SHIRT LOVE STORY) written by Sarrah Armenta A.K.

A sjmcarmenta Copyright All Rights Reserved 2012 >>><<<

Her POV

Hi. I'm Shane Aquino. 20 years old. Never been kissed, never been touched. A 4th year Mass Communication student.

Oh well... It's February 13 today and it's clear na Independence Day bukas, este Valentine's Day pala. Haha.

Kanya-kanya ng trip ang bawat class sa school namin. Yung block namin, napag-usapan na kelangan lahat kami magsusuot ng statement shirt bukas. Any statement shirt about sa love.

Actually, may nakita na ako sa Penshoppe na isusuot bukas. Simple lang syang white T-shirt na may nakasulat sa harapan na 'I'm Yours'. Nung February 10 ko pa sya nakita.

Ewan ko ba. Basta, unang pagkakita ko pa lang sa T-shirt na yun, gustong-gusto ko na talaga sya. Hindi ko nga lang agad nabili kasi medyo mahal. 600 pesos. Eh 250 pesos per day lang naman ang baon ko.

So ang ginawa ko, pamasahe lang ang ginastos ko for the last 3 days. Sinigurado ko lang na kumakain ako ng heavy breakfast sa bahay at bumabawi ulit sa dinner pag-uwi galing school.

At ngayon, nandito na nga ulit ako sa Penshoppe para bilhin yung T-shirt.

Kinuha ko na yung T-shirt mula sa pagkaka-hanger at akmang pupunta na sa fitting room para isukat yung damit, ng biglang...

"Miss excuse me... Nabayaran ko na kasi to eh..." sabi ng isang lalaki sabay hawak sa T-shirt na kasalukuyan ko ring hawak.

Anak ng...

Nag-angat ako ng mukha para makilala kung sino yung epal na lalaki.

Bigla naman akong natulala nung ma-realize ko kung sino.

Sino pa ba naman ang lalaking nakakapag-patulala sa akin ng ganito?

Sino pa?

Eh di si Reggie Navarro. Ang secret love ko since 1st year high school. Yes, seriously. Almost 8 years ko na syang minamahal. Pero until now, parang hangin pa rin ako sa kanya na hindi nakikita.

Eh sino ba naman kasi ako? Diba? I'm a just a normal high school student back then. Samantalang sya, sya lang naman ang sikat na lead vocalist ng banda ng school namin noon.

Pagka-graduate nga namin ng high school, I thought hindi ko na sya makikita ulit. Kaya naman nung malaman ko na dun din sya mag-aaral ng College sa school na papasukan ko, sobra akong natuwa. Ok lang kahit hindi nya ako kilala. What important is, patuloy ko pa ring makikita ang gwapo nyang mukha. Haha.

Same as nung high school, sya din ang lead vocalist ng banda ng school namin ngayon. He's now a 4th year Nursing student.

Hindi pa rin ako makapaniwala na kinakausap ako ngayon ni Reggie Navarro.

Nabalik lang ang huwisyo ko nung mag-snap sya sa harapan ko.

Shit Shane! Masyado ka ng obvious!

"Miss, pasensya na ah? Pinareserve ko na kasi talaga 'to eh. Saka binayaran ko na. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi pa binabalot nung saleslady."

Wala sa sariling umu-o na lang ako. Kanino kaya nya yun ibibigay? Ang swerte naman nung pagbibigyan nya na yun, kung sino man sya.

Unfortunately, wala na silang stock ng ganung T-shirt. Sayang naman. Pinag-ipunan ko pa naman yun.

Anyway, wala na rin naman akong magagawa. Naglakad-lakad na lang ako sa mall para maghanap ng maisusuot bukas.

Kinabukasan, nagulat ako nung makita kong may gift na nakapatong sa ibabaw ng desk ko. Binasa ko yung card na nakadikit sa gift.

Shane, Wanna know me? Be there at the concert of FEU Band later tonight. I'm wearing a floral polo. Happy Valentine's Day :)

Akmang bubuksan ko na yung gift, ng biglang tinawag ako nung Class President namin. Isa kasi ako sa in-charge sa Marriage Booth ng department namin. Pinagpaliban ko na lang muna yung pagbubukas ng gift, at inilagay iyon sa bag pack ko, pagkatapos ay lumabas na ng room.

Natapos ang buong araw na wala namang espesyal na nangyari sa akin. Nag-bantay lang ako ng Marriage Booth kasama yung close friend kong si Ara.

Pagkatapos namin itabi yung mga ginamit sa booth, inaya nya akong pumunta sa quadrangle para manood ng concert ng FEU Band.

Oo nga pala. May concert ngayon sina Reggie. Of course, hindi pwedeng hindi ako present! Haha.

Habang naglalakad papunta malapit sa stage ng quadrange, bigla akong may naalala.

Tama!!! Yung nagbigay ng gift!!!

Sakto namang nagtilian yung mga tao. Awtomatikong napatingin ako sa stage.

Kaya naman pala. Nasa stage na kasi ngayon sina Reggie.

Pero wait!!!

Si Reggie!!! Naka-floral polo sya!

OMG!!! Posible kayang sa kanya galing yung regalo?

Pero hindi, hindi...!!! Imposible! Hindi naman nya ako kilala eh.

Saka ko lang naisip na kunin yung gift sa bag ko at buksan ito.

O_O

Nanlaki yung mata ko nung ma-realize ko kung anong laman nung gift.

Yun lang namang T-shirt sa Penshoppe na gustong-gusto ko, pero hindi ko naman nabili.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagka-gulat ng biglang mag-salita si Reggie sa microphone.

"Good evening everyone. Now... I would like to dedicate this song sa babaeng lihim kong minamahal for the last 8 years. She is the reason kung bakit dito ako sa school na 'to nag-aral. If not because of her, siguro... wala ako sa harapan ninyong lahat ngayon. Shane Aquino of MC 4-A, you are my inspiration for singing. If you're here right now, this song is for you..."

***

His POV

Hi. Im Reggie Navarro. 20 years old. And believe it or not, in my 20 years of existence, I never had any girlfriend yet. Im now a 4th year Nursing student in FEU.

Maybe youre wondering why Im an NGSB guy. NGSB stands for No Girlfriend Since Birth. Alright, well let me share to you my story

I was still in Grade 6 back then, and it was February 14. Yeah, it was a Valentines Day. Kasama ko noon ang parents ko papuntang SM Ayala. We live in Quezon City, so the only way that we could get fast there is to ride the MRT.

Yeah. Back then, we dont have a car yet. Nakakatawa nga kasi car dealer ang Dad ko, pero wala kaming car. Haha.

And para naman hindi na kayo magtanong pa, yes, Im an only child. It was supposed to be their Valentines Date, pero dahil sa naawa sa akin ang Mommy ko, sinama na nila ako. Nakakatawa pa nga, kasi parang feeling ni Mommy, 8 years old pa lang ako, eh tuli na nga ako nung time na yun. Haha.

Ayaw ko pa nga sana sumama kaso, wala naman ako kasama sa bahay, kasi yung katulong namin humingi ng dayoff para daw makapag-date naman sila nung asawa nya. Sounds funny right? Pero ganun siguro talaga pag love, walang matanda, walang bata.

So there, sumakay na nga kami ng MRT. Paghinto ng MRT sa next station, biglang may sumakay na babaeng sa tingin ko ay kasing edad ko lang. May kasama syang middle-aged man na sa tingin ko ay Daddy nya.

Ewan ko, pero parang nastar-struck ako sa kanya. I could not get my eyes off her. Maputi sya na kulot ang buhok, yung parang kay Goldilocks. Nakapony-tail yung buhok nya nun. Matangos yung ilong nya na binagayan naman ng mahaba nyang pilik-mata. Tapos mapula yung lips nya. Basta! Para syang Barbie doll.

Simula nun hindi ko na nakalimutan yung mukha nya. Sa sobrang pagka-star struck ko nga sa kanya, dinrawing ko agad yung mukha nya pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay. Yeah, Im a painter.

Naisip ko nun, blessing in disguise na rin pala na sumama ako sa date ng parents ko. At blessing in disguise na rin na wala pa kaming sasakyan nung mga panahon na yun, kasi kung hindi, hindi ko sya makikita, diba?

Hanggang sa gumraduate na ako ng elementary.

Nagdaan ang buong summer na walang araw na hindi ko tinitigan yung mukha nya na iginuhit ko. Haha. Mukha na ba akong baliw? Nah! Hindi naman siguro.

So there Pagdating ng enrollment sa high school, ayaw ko sanang sumama kay Mommy pero nagpumilit sya. Napaka-walang kwenta ko raw na estudyante. Hanggang sa wala na rin akong nagawa. Sumama na lang ako.

Nung nasa Registrars Office na kami ni Mommy, nanlaki yung mga mata ko nung marealize ko kung sino yung babaeng sinusundan namin sa pila.

Biglang nabuhay yung dugo ko. At napuno ako ng excitement.

Hindi ako makapaniwala! Magiging schoolmate ko yung babaeng tinititigan ko ang mukha sa araw-araw na ginawa ng Diyos, since February 14, 2002. Sana maging kaklase ko sya.

Pasimple akong sumilip nung sinusulat na nya yung name nya sa list na nakapatong sa table ng Registrar.

Shane Aquino

Yun pala ang name nya. Ang cute naman.

Hindi na ako makapag-antay na dumating yung pasukan. Im more than excited. Kaya naman nung first day na ng klase, hindi na ako kinailangan gisingin ni Mommy o nung katulong namin, kasi alas kwatro pa lang, gising na ako. Haha Excited lang masyado.

6:00 AM nasa school na ako. Dumiretso ako dun sa building kung saan nakapaskil yung list ng lahat ng first year student pati yung section nila.

Una kong nakita yung pangalan ko. First section ako. Nice. Matutuwa nito sina Mommy.

Automatic na sinunod kong hinanap yung pangalan ni Shane. Natapos ko na yung list ng students na nasa first section, pero hindi ko nakita yung pangalan nya. Na-disappoint naman ako. Ibig sabihin kasi hindi ko sya magiging kaklase.

Pero kahit alam ko ng hindi ko sya kaklase, hinanap ko pa rin yung pangalan nya sa mga sumunod na section, para at least alam ko diba?

Hanggang sa natapos ko na yung pinaka-last na section, hindi ko nakita yung pangalan nya.

Pero imposible!

Imposibleng magkamali ako ng basa sa pangalan nya, kasi maganda yung handwriting nya. It was very clear na Shane Aquino ang name nya.

Saka ko lang napansin na may isa pa palang list na nakahiwalay. Nakalagay ito sa bandang taas nung mga list na tinignan ko. Binasa ko yung label nung list na yun.

Science Oriented

At dun nakita ko nga yung pangalan nya. Number 1 pa sa list yung name nya.Alphabetical order kasi.

Pero Science Oriented? Ano naman kaya yun?

Nung first subject namin, dun ko lang nalaman kung ano yung Science Oriented. Yun pala yung parang pinaka-star section.Lahat daw ng matatalino, nandoon. Nakahiwalay yung building nila sa building namin. Nalungkot naman ako dun.

At kung inaakala ninyong hindi ko sya tinry lapitan, dyan kayo nagkakamali. Dahil every day of my life since first day ng klase, sinubukan ko na syang lapitan pag nakikita ko sya sa canteen. Pero lagi syang may kasamang lalaki na malamang kasing edad lang namin.

They were too close. Basta! Lagi silang magkasama! Hindi ako makakuha ng tyempo.Siguro magkaklase sila.Sila ng dalawa matalino.Haha.

Hanggang sa isang araw nakita ko sya sa park ng school na walang kasama. I thought it was already my day. But I was wrong. Dahil nung akmang lalapitan ko na sya, biglang nag-ring yung phone ko, so sinagot ko naman ito at sandaling huminto sa paglalakad. Pero yung mata ko, sa kanya pa rin nakatitig.

Nagulantang yung buo kong pagkatao nung malaman ko ang reason ng call na yun.

My Mom was brought to the hospital. She had a heart attack. Umalis agad ako sa kinatatayuan ko at tumakbo palabas ng gate ng school.

Pagdating ko sa ospital, agaw-buhay na si Mommy.

Anak promise me Tat-apusin mo ang pag-aaral mo kahit ano mangyari Ipangako mo Maggigirlfriend ka lang kapag 4th year college ka na Yung siguradong gagraduate ka na sabi nya yun habang naghihingalo.

Mahal na mahal kitaanak ayun lang at binawian na sya ng buhay.

My life had been miserable since then. Napapangiti lang ako kapag nakikita ko si Shane. She was like a sunlight nung mga panahong feeling ko, ang dilim-dilim ng paligid ko dahil sa pagkamatay ni Mommy.

Pero hindi ko na sya magawang lapitan. And its all because of my Moms last words. Hindi ko pwedeng baliin yun. Sigurado kasi ako na pag nilapitan ko si Shane, hindi ako makapagtitiis na hindi sabihin yung nararamdaman ko para sa kanya. So ayun Pinagkasya ko na lang yung sarili ko sa pagtingin sa kanya mula sa malayo habang ang sayasaya nya kasama yung lalaking lagi nyang kasama.

Until one day. Inaya ako nung isa kong kaklase na mag-audition for school band.

Alam ko naman actually sa sarili ko na magaling ako kumanta, marunong ako maggitara at mag-piano, pero nagdalawang-isip ako. Hindi ko rin alam. Basta! Nagdalawang-isip lang ako.

Pero sa huli, naisip ko si Shane. Pag nakasali ako sa school band, sisikat ako. Ibig sabihin, makikilala ako ni Shane. Ok lang kahit hindi kami magkakilala personally, basta at least alam nyang nag-eexist ako. So there pumayag ako mag-audition, and fortunately, ako ang napili as lead vocalist.

Since then, pag may concert ang banda, lagi kong nakikita si Shane na nanonood. Natuwa naman ako nun. At least ngayon, alam nya na nag nag-eexist ako. Haha.

Hanggang sa lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon. Hindi ko pa rin sya nilalapitan. Tinitikis ko ang sarili ko.

But if you think that it was just easy for me, no, it wasnt. Sa tuwing makikita ko si Shane, at maaalala yung mga salita ni Mommy, parang unti-unting dinudurog yung puso ko.

Until dumating yung Graduation Day namin. Ang lungkot-lungkot ko nun. First is because wala na si Mommy. And second, kasi nagdaan yung apat na taon na hindi kami naging close ni Shane. I didnt know kung makikita ko pa sya.

Hanggang isang araw, nung ibabalik na namin sa school yung toga na ginamit namin nung Graduation, sinabi sakin nung isa kong kaklase na sa FEU daw mag-aaral si Shane. Honestly, hindi ko alam kung pano nya nalaman. Basta, sinabi na lang nya sakin yun.

Wag na kayong magtaka. Alam lahat ng mga kaklase ko ang tungkol kay Shane. Sa kanila ko nga lang din nalaman na yung lalaking kasama pala lagi ni Shane ay bestfriend nya. Childhood bestfriend.

So ayun nga, dahil sa nalaman kong sa FEU sya mag-aaral, dun din ako nag-enroll ng College. Nursing ang kinuha ko. Si Shane, Mass Communication. Wag na ulit kayo magtaka kung pano ko nalaman. Malamang nag-imbestiga ako.Haha.

Nag-audition ulit ako para maging lead vocalist ng FEU Band, and luckily, ako ulit ang napili.

Wala rin naman nagbago.Hanggang tingin lang pa rin ako kay Shane. Wala na rin yung bestfriend nya. Hindi ko alam kung nasan. Basta, hindi ko na sila nakikita magkasama. Iba na ang laging kasama ni Shane. This time, babae na.

Lumipas ulit ang tatlong taon na patuloy ko pa ring tinitikis ang sarili ko na lapitan si Shane. Hanggang tumuntong na kaming dalawa sa 4th year college.

Actually, excited ako noon mag-4th year, kasi syempre, huling taon na yun. At pagkatapos, pwede ko ng ligawan si Shane. Haha.

Pero syempre, katulad nung sinabi ni Mommy, kelangan sure muna ako na makaka-graduate talaga ako. So hindi ko rin agad-agad sya nalapitan. It took me 8 months in 4th year para matapos yung thesis ko. February ko na iyon natapos. At iyon din ang last requirement for graduation. Buti nga natapos ko agad ng February. Yung iba kong classmates, hindi pa tapos.

Ayaw ko kasing lumipas ang Valentines Day ng taong ito na hindi kami nagkakausap ni Shane. It was Valentines Day nung una ko syang nakita, kaya gusto ko, Valentines Day rin ako mag-uumpisang ligawan sya.

It was 4 days ago nung makita ko sya sa Penshoppe. May tinignan syang T-shirt. Pagkatapos, napansin kong tinignan nya yung price tag. After nyang tignan iyon, mukha syang batang nalungkot kasi hindi naibili ng ice cream, tapos ay binalik nya sa pagkaka-hanger yung T-shirt.

I dont think na nakita nya ako.

Pagkaalis nya, agad naman akong lumapit dun sa T-shirt at tinignan yung price tag.

600 pesos

Yung itsura ng T-shirt, plain lang sya na color white, tapos may nakasulat na Im Yours sa harapan.

Ang simple-simple lang pero ang mahal.

At dahil sa kulang din ang pera ko noon, hindi ko din agad nabili yung T-shirt. Hindi naman kasi talaga ako nagdadala ng maraming pera. Im thrifty, you know.

Unfortunately, naging busy din kami sa practice ng mga ka-member ko sa FEU Band, kaya hindi ko din talaga agadagad nabalikan yun.

It was just yesterday nung nabalikan ko sya.

O_O

Sobra pa akong nagulat nung makita kong andun na din si Shane. Im pretty sure, bibilhin nya na yun, kaya pinigilan ko sya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung T-shirt na noon ay kasalukuyan nya na ring hawak.

Excuse me Miss Pero kasi, nabayaran ko na to eh sabay kindat sa saleslady.

Para naman syang nagulat, pagkatapos ay tinignan nya ako.

Blanko yung expression nya pagtingin nya sakin.Siguro naman kilala nya ako.Sa dinami-rami ng beses na pinanood nya ang concert namin, imposibleng hindi nya ako kilala. Diba nga, dahil sa kanya kaya ako nag-audition para sa school band?

Parang natulala sya na ewan, kaya naman nag-snap ako sa harapan nya.

Pasensya na talaga Miss ah? Pinareserve ko na kasi talaga to eh, saka binayaran ko na rin. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi pa binalot nung saleslady... sabay tingin ko dun sa saleslady na mukhang kasalukuyang nalilito.

Hindi ko rin alam kung anong nangyari, dahil mukhang wala sa sariling umu-o si Shane. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o ano?

Pagkatapos ay umalis na lang sya. Nagpasalamat naman ako dun sa saleslady, at in-explain yung balak ko. Mukhang yung pagtataka nya ay napalitan ng kilig pagkatapos kong mag-explain.

Kaninang umaga, iniwan ko yung T-shirt sa ibabaw ng table nya sa classroom nila. Syempre nakabalot yun, at nilagyan ko ng note na:

Shane, Wanna know me? Be there at the concert of FEU Band later tonight. Im wearing a floral polo. Happy Valentines Day :)

At ngayon, andito na nga ako sa stage. Hindi ko alam kung nakita na nya yung gift.

Kinakabahan ako.

Sa tinagal-tagal na panahon ng pagtitikis ko sa sarili, ngayon na ang tamang araw para sa plano ko.

Pero bakit ganun?

Hindi ko pa rin sya nakikita?

Kung kelan naman ready na ako, saka pa sya mawawala.

At ang masama pa, masyadong maliwanag yung spotlight na nakatutok sa amin. Hindi ko tuloy masyado makita yung audience.

Pero Ewan Bahala na nga

Nagsalita na ako sa microphone.

Good evening everyone. Now I would like to dedicate this song sa babaeng lihim kong minamahal for the last 8 years. Shes also the reason kung bakit dito ako sa school na to nag-aral. If not because of her, siguro, wala ako sa harapan ninyong lahat ngayon. Shane Aquino of MC 4-A, youre my inspiration for singing. If youre here right now, this song is for you

Pagkatapos ay nag-dim yung light.

Sakto ko namang nakita yung mukha nyang gulat na gulat habang hawak yung T-shirt na binili ko sa Penshoppe na kamuntikan ng hindi ko mabili.

Natuwa ako sa reaction nya

You might also like