You are on page 1of 11

BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3 PANUNURING PAMPANITIKAN IKALAWANG MARKAHAN - UNANG LINGGO I.

PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Pagsusuri sa Akdang Pampanitikan saTeoryang Imahismo Tula Ang Guryon Pagbubuo ng mga Imahe mula sa akda sa pamamagitan ng bisa ng mga ginamit na salita na nakapaloob sa akda Kritikal na pagsusuri Pagtanggap ng mga pagsubok sa buhay

Susuriing Genre : Halimbawang Akda : Kasanayang Pampanitikan :

Kasanayang Pampag-iisip : Halagang Pangkatauhan :

II.

MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Nakapaglalahad ng mga pansariling karanasan kaugnay sa mga karanasang nakapaloob sa akda. B. Mga Layuning Pampagtalakay B.1. Pagsusuring Panglinggwistika Nagagamit ang kapangyarihan ng salita sa paglalahad ng panibagong kaisipan. B.2. Pagsusuring Pangnilalaman Naiuugnay ang mga karanasang nakapaloob sa akda sa mga pansarili at karanasan ng iba na maaaring nasaksihan, naranasan at narinig. B.3. Pagsusuring Pampanitikan Nasusuri aang tula batay sa teoryang imahismo. C. Natutukoy ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng tula. D. Nakasusulat ng kapaksa ring tula.

123

III.

PROSESO NG PAGKATUTO UNANG ARAW A. Panimulang Gawain Pagganyak Mungkahing Gawain : Pagpapagamit ng mga larawang nakatala sa ibaba. a. Kawaya c. Trumpo Tanong : Ano ang ibig ipahayag o bigyang interpretasyon ng mga inilarawang mga salita? B. Pakikinig ng awiting Gulong ng Palad ni Rico J. Puno (nasa teyp). Tanong : Bigyang-kahulugan ang kabuuang nilalaman ng awit. b. Kandila d. Krus na daan

A.

Pagpapabasa ng maikling talata. Akda : Ang buhay ayon sa maraming palaisip ay patuloy na pakikipagsapalaran sa daigdig na ito. Sa pagsilang pa lamang natin natin ay marami ng pagsubok ang nakaabang sa atin kaya kailangan na natin itong paghandaan. Kailangang maging matatag tayo at maging matapang sa pagharap dito.

Pag-unawa sa binasa sa tulong ng mga tiyak na tanong. Tungkol saan ang talata? May kaugnayan kaya ang talata sa buhay mo? Ano iyon?

D. Pagpaparinig ng Akda. Mungkahing Gawain : Sabayang Pagpapabigkas ng Akda (Pangkatan)

124

Pangkat I Tanggapin mo anak, itong munting guryon, Na yari sa patpat at papel de Hapon Magandang laruang pula, puti, asul, Na may pangalan mong gitna naroroon. Ang hiling ko lamang bago paliparin, Ang guryon mong ito ay pakatimbangin; Ang solot pauloy sukating magaling Nang hindi mag-ikit o kayay magkiling. Pangkat II Saka, pag humihip ang hangin, ilabas At sa papawiriy bayaang lumipad; Datapwat ang pisiy tibayan mo, anak At baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin mat hindi, balang-araw; ikaw Ay mapapabuyong makipagdagitan; Makipaglaban ka, subalit tandaan Na ang nagwawagiy ang pusong marangal. Pangkat III At kung ang guryon moy sakaling madaig, Matangay ng iba o kayay mabatid; Kung saka-sakaling di na mapabalik Maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ng guryon, marupok, malikot, Dagitit dumagit saan man sumuot O, paliparin mot ihalik sa Diyos, Bago patuluyang sa lupay sumubsob!

125

E. Pagbubuo sa Akda. Mungkahing Istratehiya : Concept Map Detalye

Detalye Pangunahing Konsepto

Detalye

Detalye PAGSUSURI SA AKDA IKALAWANG ARAW A. Panimulang Gawain Mungkahing Gawain : Pagtukoy ng mga salawikain / kasabihan tungkol sa buhay.
Ang buhay ay parang gulong Minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim.

Ang buhay ay parang tanghalan Lahat tayo may papel na Ginagampanan

BUHAY

Kung ano ang taas ng paglipad, siyang lagapak kung bumagsak.

Mahiwaga ang buhay ng tao Ang bukas ay di natin piho

126

B. Pagtalakay sa Tula. Pangkatang Gawain: Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglinggwistika Pagpipiliin ang pangkat ng mga salitang maaaring bigyan pa ng panibagong kahulugan at ipapaliwanag ayon sa pagkakagamit nito sa tula. Salita 1. malagot 2. madaig 3. makipagdagitan 4. pakatimbangin 5. nagwagi Kahulugan mapatid matalo makipaglaban Ayusin o pantayin nagtagumpay Paliwanag

Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman Mungkahing Istratehiya : Venn Diagram Paghahambing ng Buhay sa Guryon BUHAY A

AB

GURYON B

127

Mga Tanong : 1. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagpapalipad ng guryon? 2. nito? 3. guryon? Bakit dapat maging maingat sa pagpapalipad Paano nagkakatulad ang buhay ng tao at

Panlahat : Pagsusuring Pampanitikan Mungkahing Istratehiya: Visualization Pamamaraan : 1. Babasahin muli ng guro ang tula.

2. Sasaliwan ng isang angkop na musika habang ang tula ay binabasa ng guro. 3. Papipikitin ang mga mag-aaral habang isinasagawa ang proseso ng pagbasa. 4. 5. Pamumulatin ang mga mag-aaral. Pag-iisa-isa ng mga imaheng nakita sa tula.

6. Pagpapaliwanag sa bisa ng mga salita sa pagbuo ng mga imahe. 7. Pagtukoy sa mga damdaming napukaw matapos basahin ang tula. Halimbawa : malungkot, nag-alala, naligayahan, natakot. B. Pagbabahaginan ng mga ideya o mga talakay sa natapos na gawain. C. D. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig. Pagbubuo ng sintesis.

128

Mungkahing Istratehiya : Value Data Bank Pagpupuno ng mga salita sa mga ibinigay na di kumpletong pangungusap. 1. Napatunayan kong ___________________________. 2. Naniniwala akong ____________________________. 3. Nalulungkot ako sapagkat _____________________. 4. Natutuwa ako dahil ___________________________. IV. EVALWASYON PAGPAPAHALAGA SA AKDA IKATLONG ARAW A. Panimulang Gawain MungkahingIstratehiya : Storyboard Approach Pagsunud-sunod at pagbibigay ng mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa akda.

Pamamaraan: 1. Ibibigay ang pangunahing kaisipan sa akda. 2. Isa-isahin ang pantulong na detalye.

129

3. Ipagpapatuloy ang gawain hanggang may detalye pang maibibigay kayat maaari pang magdagdag ng kahon. B. Pagpapahalaga sa akdang tinalakay. C. Pangkatang Gawain. Pangkat 1at 2 : Pagpapakita ng Pakikisangkot Mungkahing Istratehiya : Isang Testimonya 1. Pagbabahagi ng isang karanasan ng pagtatagumpay o pagkabigo 2. Pagtukoy sa naging epekto sa tao.

Pangkat 3at 4 :Pagpapakita ng Paghahambing Mungkahing Istratehiya : Beyond the Lines Pamagat ng Akda Tauhan Katugma sa Kasaysayan Pagpapaliwanag ng Kaugnayan

Pangkat 5at 6 : Pagpapakita ng Pagtataya Pagsagot sa ginawang hanay ng paghahambing Tanong : Bakit masasabing maganda o di-maganda ang tula? Di magagandang Katangian

Magagandang Katangian

130

D. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang talakayan. E. Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral. F. Pagbibigay ng guro ng faynal na feedback tungkol sa napagusapan. E. Pagbibigay ng Sintesis. Mungkahing Istratehiya : Spider Map

Propesyunal

Pangkaraniwang Tao

(Ibigay ang mga katangian) Makabuluhang Buhay

(Ibigay ang mga katangian)

Pulitiko F. G. H. Pagkuha ng feedback sa mga mag-aaral.

Mag-aaral

Pagbibigay ng guro ng feedback sa nabuong simula. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay.

131

PAGPAPALAWAK NG KARANASAN PAGLIKHA IKAAPAT NA ARAW A. Panimulang Gawain Mungkahing Gawain : Pagpapabigkas nang may damdamin at pagpapaliwanag sa isang palasak na pahayag: 1. Kaya ikaw John, Magsumikap ka nang di ka matulad sa ibang di umaasenso. B. Pagpapabasang muli ng tula Pilipino ang mga salita upang makabuo ng isang maikling talata. Halimbawa : buhay, makipaglaban, pusong marangal, nagwawagi. C. Pagpapakuha ng mga ideya / kaisipan mula sa talatang binuo at isusulat sa pisara . D. Pagpapasulat ng maikling tula sa tulong ng mga nakasulat sa pisara. 1. 2. 3. E. 4 na saknong 4 na talutod bawat saknong may sukat at tugma Pagpapabasa ng ilang napasimulan

PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT IKALIMANG ARAW A. Panimulang Gawain Mungkahing Gawain : Pagpapadrowing Paksa : Simbolo ng Tagumpay

132

Halimbawa : toga, medalya, dahon ng laurel B. Pagbibigay ng reaksyon ng mga mag-aaral kung may kaugnayan ang mga larawan sa isinulat. C. Pagpaparinig ng naka-tape na tula. Habang nakikinig, ipabasa nang tahimik ang isinulat na tula. D. Pagbibigay ng reaksyon tungkol sa kaugnayan ng isinulat na akdang tinalakay. E. Pagpapakitang-suri sa isinulat (pipili ng kapareha) batay sa mga pamantayang inilahad. F. Pagbibigay ng feedback (ilang pareha). G. Pagkuha ng feedcbak sa mga nakinig. H. batay sa gawain. Pagbibigay ng guro ng pansariling feedback

133

You might also like