You are on page 1of 18

SPEECH-ACT THEORY

ISANG PAG-UULAT

Asst. Prof. ROBERT DL. AMPIL, Ph.D.

Introduksyon

Bakit nga ba tayo nakikipag-usap sa ibang tao?

Speech-act theory

Ang kadalasang isinasagot sa tanong na ito ay upang makipagtalastasan, makipagpalitan, magbigay at makakuha ng impormasyon. Samakatwid ang primaryang tungkulin ng wika ay maglarawan. halimbawa: How many eggs this morning? six. suriin mabuti ang mga sumusunod pang usapan. Come to breakfast. How do you like them done? sunny side up. The yolks are too hard. Youre always complaining!Cook them yourself. Aw! Mum!

Speech-act theory

Alam nating lahat na ang pahayag na youre always complaining! ay hindi isang simpleng deskripsyon ng isang nakagawiang pagkilos. Dito pumapasok ang social psychology at linguistic analysis. Ang huling anim na pahayag ay gampanin ng tiyak na aktong sosyal: pag-anyaya,pagtatanong, pagsagot, pagrereklamo, pagpapahayag ng galit, at paghingi ng paumanhin. Ang mga pahayag na ganito ay tinatawag na performative ni Austin (1964), at ang kilos na isinasagawa ay tinatawag na speech-act.

Speech-act theory
Ayon kay Austin, efektibo lamang ang pahayag kung sinabi o binigkas ito ng tamang tao sa tamang pagkakataon, at nauunawaan ng ibang tao kasali sa paguusap. Dagdag pa niya, ang intensyon at kalagayan ng pag-iisip (state of mind) ng ispiker ay sekondaryo lamang ng gawain.

Speech-act theory

Nagsimula ang speech-act sa pag-aaral ni John Austin, na pinalawak at isinama sa linguistic theory ni John Searle. Samantala, ang pag-aaral naman ni Searle ay tumutugon sa mahahalagang katanungang may kaugnayan sa imbentaryo at klasipikasyon ng akto (acts) na alam ng tao at ang pamamaraan na ang isang pahayag ay maaaring iugnay sa higit pang akto. Ayon sa kanya, upang maunawaan ang wika kailangang maunawaan muna ang intensyon ng ispiker. Dahil ang wika ay isang intensyunal na behebyor, kailangang ituring itong isang anyo ng pagkilos o akto. Ang akto ay ginawa ng ispiker na nagpahayag ng salita, hindi ang salita. (words do not mean, people mean). Kung wala ang intensyon ng ispiker, imposibleng maunawaan ang mga salita bilang speech-act.

Speech-act theory

Sa impluwensya ng ordinaryong pilosopiyang pangwika (ordinary language philosophy), partikular ng Wittgenteins theory of meaning as use, dinibelop ni J.L Austin (1962) at ang huli, Searle (1969) ang isang sistematikong tala ng mga gawain o akto ng tao kapag nagsasalita. Sa lektyur ni Austin How to do things with words ay sinabi niyang hindi ang mga indibidwal na salita o pangungusap ang beysik na elemento ng komunikasyong pantao kundi ang partikular na speech-act na ginawa sa pagpapahayag ng salita at pangungusap.

Speech-act theory

May apat na uri ang Speech-act. Sa elementarya ay itinuro na ang uri ng pangungusap na naglalarawan sa perspektibo ng speech-act. Halimbawa:pagsasalaysay, pagtatanong, pakikiusap at pag-uutos. Binigyang-diin ni Searle na ang mga ito ay maaaring gumanap na speech-act. Upang maunawaan ang kahulugan, kailangang matukoy muna ang intensyon ng ispiker. halimbawa: Maaari mong sabihing I wonder what time is it.

Speech-act theory

Pagsusuri: Kapag narinig ito ng isang kaibigan maaari niyang isipin na nagtataka(wondering) ka lamang isang pagpapahayag. Kapag lumapit ka naman sa isang taong hindi mo kilala at sinabi ang pahayag na ito, iisipin niyang nagtatanong ka.Ang salita ay napalitan ng kahulugang What time is it?Sa kabilang banda, ang taong ito ay mag-iisip naman na tila nakikiusap kang sabihin niya kung anong oras na, at muling napalitan ang kahulugan, would you please tell me what time it is? Ang pahayag na Do you have time? ay karaniwang sinasagot ng oras hindi ng mayroon o wala. Ibig sabihin, nauunawaan natin na ito ay isang pakiusap na maibigay ang oras, hindi isang tanong kung alam natin kung anong oras na. Kung naghihintay ka sa pagpapalit ng kulay ng stop light sa isang tabi ng kalsada at sinabi ng isang pulis ang katulad na pahayag I wonder what time it is, ano ang interpretasyon ninyo dito?

Speech-act theory

Naniniwala si Searle na ang mga aktong ito ay ang mga beysik na elemento ng kahulugan sa komunikasyon. Hindi niya binigyang-diin ang mga simbolo o senyales o salita o parirala, kundi ang yunit ng wika na pinagsama upang bumuo ng speech-act. Ang speech-act ay maaaring isang salita gaya ng ano?, parirala, gaano kahaba? o isang pangungusap.

Klasipikasyon ng Speech-act

Speech-act theory
Halimbawa: Mahilig si Juana sa matamis. Kahulugan: a. nagbibigay ng impormasyon hilig sa matamis b. nagpapaliwanag kaya mataba c. nagmumungkahi kung bibigyan ng regalo, huwag maalat o maasim d. nagbibigay-dahilan kaya bungi e. sumasalungat hindi mahilig sa maasim o maalat

Speech-act theory
1.Utterance Acts artikulasyon ng linggwistikong elemento sa isang partikular na kaayusang gramatikal gaya ng pagvocalize ng mga mang-aawit ng mi, mi, mi, mi. Hindi intensyon ng mang-aawit na magbitaw ng anumang pahayag; nageensayo lamang sila o di kayay tinitiyak kung nasa kundisyon ang kanilang mga instrumento gaya ng sa orkestra.

Speech-act theory
2.Propositional acts- pormulasyon ng nilalaman ng pahayag sa pamamagitan ng reference (hb.tumutukoy sa isang bagay sa isang ekstralinggwistik na daigdig) at ang predikasyon (atribusyon ng isang partikular na mga katangian), hb. Ang kabuteng ito (reference) ay nakakalason (predikasyon).

Speech-act theory
3. Illocutionary act indikasyon ng kung paano ang proposisyon ay kaugnay ng salita at ang komunikatibong tungkulin ng speech-act, halimbawa, isang pagtitiyak o pagbibigay ng babala. Sa ilang pagkakataon, ang tungkuling illocutionary ay eksplisit na ipinahahayag ng isang performatibong pandiwa sa unang panauhan isahan at pangkasalukuyan (I here by warn, maintain, promise). Sa ilang karaniwang pagkakataon ang intonasyon, aksent, mood, pang-abay, pang-angkop ay maituturing na pananda ng illocutionary.

Speech-act theory
4. Perlocutionary acts ginagawa nang may kabatiran sa kung ano ang maaaring maging epekto ng akto sa mga nakikinig. Samakatuwid, ginagamit ng ispiker ang akto upang maglabas ng ilang behebyural na pagtugon mula sa nakikinig. Halimbawa, kung nasa bahay ka ng iyong kaibigan at sinabi mo ang pahayag na Im hungry, gumagamit ka ng perlocutionary act upang humingi ng pagkain. Kasama sa paggamit ng perlocutionary act ang illocutionary act (nauunawaan ng iyong kaibigan ang mga salita ay intensyunal na ipinahayag at nakatuon sa kanya), propositional act (ang koneksyon sa pagitan mo at ang nararamdamang gutom), at utterance act (anumang isinaayos na salita upang gumanap ng perlocutionary act, sa kasong ito, Im hungry.

Speech-act theory
1.

2.

Mula sa apat na uri ng spech-act ay inilahad ni Searle ang listahan ng tungkuling pangwika: Commissives mga pahayag na naglalahad ng pangako na tutuparin ng tagapagsalita sa hinaharap (hal. Panata, pangako, sumpaan, pag-aalay, atbp). Expressives mga pahayag na naglalahad ng personal na damdamin ng tagapagsalita tungkol sa isang bagay (hal. Pasasalamat, pakikiramay, pagbati, paninisi, paghingi ng paumanhin, atbp.)

Speech-act theory
3. Declarations- mga pahayag na naghuhudyat ng panibagong kalagayan, pagkatapos maisagawa ang paglalahad (hal. Pagbibitiw sa trabaho, pagbibigaysentensya sa nasasakdal, pagbibinyag sa sanggol, atbp.) 4. Directives mga pahayag na naglalahad ng mensahe kung may nais ipagawa o ayaw ipagawa ang tagapagsalita sa kanyang tagapakinig. 5. Representatives pagpapatibay ng tagapagsalita sa katotohanang taglay ng proposisyong inihayag (hal. Pag-uulat, paglalahad ng reklamo, pag-aangkin ng isang bagay, atbp.)

You might also like