Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
180Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Noli Script

Noli Script

Ratings:

4.47

(17)
|Views: 93,362|Likes:
Published by roy_dubouzet
Ito, ang pinakahihintay ninyong script...HALF pa lang ito ng noli ha...go for it! BAWAL ANG MANGOPYA, EXCLUSIVE TO 3-BELLARMINE STUDENTS OF ADDU ONLY!
Ito, ang pinakahihintay ninyong script...HALF pa lang ito ng noli ha...go for it! BAWAL ANG MANGOPYA, EXCLUSIVE TO 3-BELLARMINE STUDENTS OF ADDU ONLY!

More info:

categoriesTypes, School Work
Published by: roy_dubouzet on Feb 09, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
See More
See less

03/01/2014

 
Noli Me TangereAct 1- Ang Hapunan<Nakaupo si Basilio sa isang upuan sa harap ng lamesa, nagsusulat. Sa harap niya ay isang lampara degaas.>Narrator: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maramingnagdurusa. Maraming nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis,hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayo’ng mgakalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin, NOLI ME TANGERE.<aalis si Basilio sa set, papasok ang mga tao, dayuhan, bisita; nagmumukhang sala ang background,maliwanag at masaya, mukhang mayroong pagsasalo-salo.>Narrator: Alamin ninyo ang kuwento ng mga tao dito sa bayan ng San Diego; maraming malungkot,masungit, marami din ang nagsasaya, parang walang problema, o di kaya’y nagkukunwaring walangproblema.<papasok si Tiya Isabel na hawak-hawak ang basket na may kakanin at prutas, pa gala-gala sa sala.>Tiya Isabel: Diyos ko! Naririto na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyongpagdating. Ay naku, Tiago, diyos ko, nasaan ka na! Ang mga bisita mo nandirito na, maghintay lang kayodito ha, saglit lamang. <pa gala-gala pa rin sa set><pa gala-gala si Padre Damaso, tiyak na nakasimangot ang mukha>Padre Damaso: Tch, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo dito sa San Diego, ngayo’y inilipat akosa ibang bayan; napakawalang asal na mga Indio!<isang lalaki ang nakadaan sa kanya, tila kulay mais ang buhok.>Lalaking kulay-mais ang buhok: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!Padre Damaso: Wala akong pakealam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa!Hindi marunong magkumpisal, tch, Walang pagbabago sa kalagayan ng bayan!Lalaking kulay-mais ang buhok: Eh, Padre, ang sakit mo naman magsalita, parang hindi mong matalik nakaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak niyang si Clarita. Hindi ba kaibigan mo din yungyumao na si Don Raph..<sumabad si Padre Damaso>Padre Damaso: Tumigil ka, para kang sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin!<pumasok muli ang si Tiya Isabel, tumingin sa likod, parang may hinahanap, biglang nagulat at hinarapang mga bisita.>Tiya Isabel:<papasok si Kapitan Tiago at si Crisostomo Ibarra sa set> Aba, nandito na ho ang akingmatalik na pinsan, at ang kasama niyang si… <nagsabad si Don Crisostomo: “Ah, Juan CrisostomoIbarra y Magsalin po, Masaya akong makita kayong lahat.> <nagpalakpakan ang lahat, liban kay Ibarra.>Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwanan muna kita. <umalis si Kapitan Tiago sa set.><nakatitig ang mga bisita kay Ibarra, lalong-lalo na ang mga babae. Bukas-bibig si Padre Damaso.>
 
<lumapit si Crisostomo Ibarra sa mga babae, nagpakilala, tumugon sa mga binata at matataas na tao atnagpapakilala. Nakita si Padre Damaso at nagsalita>Crisostomo Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng akingyumaong ama na si Raphael Ibarra! <mag-shake hands n asana>Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsan ay naging kaibigan koang iyong ama!<binaba ni Ibarra ang kanyang kamay at nakabuka ang bibig at nagtataka>Kapitan Tiago: Ah, kilala niyo na pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!<Lumayo si Padre Damaso at pinalitan ang props ng kainan, hindi na sala.><pumaroon na ang mga bisita sa dining table><umupo na ang mga bisita at sina Don Crisostomo Ibarra at Padre Damaso, ngunit wala si Kapitan Tiago,ito’y umalis sa set><Inihanda na ang isang supera , naglagay sila ng mga pagkain>Tenyente: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?Crisostomo Ibarra: Pitong taon po…Tenyente: Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!Crisostomo Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.Padre Damaso: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?Crisostomo Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit atpaano namatay ang aking ama.Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat namga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga ditosa bayang ito!Crisostomo Ibarra: <galit> Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayangPilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya!Padre Damaso: <lumingon sa paligid> Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong!Walang asal, sinasagot pa ang reberensya, parang matalinong magsalita!Crisostomo Ibarra: <tumayo si Ibarra> Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyanna yan siya dati pa at hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.<tumugon para umalis, sinamahan din ng Tenyente, hinarangan ni Kapitan Tiago>Kapitan Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi,sinundo na siya ni Isabel.
 
Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapatasikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.<umalis si Crisostomo at ang Tenyente sa set>Padre Damaso: Tingnan ninyo! Kayabangan! Mga binatang pinapayuhan para mag-aral sa Europa,pagbalik rito ay para nang sino! Dapat ipagbawal iyan ng gobyerno!<umalis ang lahat sa set>Act 2- Ang Erehe at Rebelde<iba na ang setting, gabi na, maraming tao sa daan, at kitang-kita ang mahinang pag-unlad ng bayan><Pumasok sina Don Crisostomo Ibarra at ang Tenyente sa set, naglalakad>Tenyente: Don Crisostomo, nabalitaan mo na ba tungkol sa iyong ama?Crisostomo Ibarra: Hindi po, hindi kop o alam kung paano at bakit siya namatay…Tenyente: <napabulalas, tiningnan si Ibarra> Ano?! Walang nagbilin ng mensahe para sa inyo tungkol sakamatayan ng iyong ama sa bilangguan?Crisostomo Ibarra: Bilangguan? Ang ama ko namatay sa bilangguan? Baka nagkakamali ka! Matinongtao ang aking ama! Mahal siya ng lahat, marami siyang kaibigan!Tenyente: Maraming nagmamahal sa kanya, mayaman din siya, marangal din ang iyong ama, kaya ngamarami siyang nakaaway na Espanyol.Crisostomo Ibarra: Ano?! Senyor, sabihin niyo po sa akin ang nangyari!Tenyente: Ayon sa mga tao, liban sa aking pagkasaksi, mayroong mangmang na artilyerong Espanyol nabinastos ng isang bata, nagalit ang artilyero kaya pinagsisipa niya ang bata, noong mga oras na iyon,naabutan ng iyong ama ang insidente at sinunggaban niya ang artilyero, natumba sa lupa ang artilyero,tumama ang ulo sa isang bato at namatay. Ayon sa ibang tao, sinuntok ng iyong ama ang artilyero, ayonsa iba, tinulak raw. Ang totoo, nawalan lamang ng balanse ang artilyero kaya ito natumba. Doon,tinalikuran ng mga dating kaibigan at mga taong bayan ang iyong ama, binansagang erehe at filibusterodahil hindi siya mangumpisal sa kanyang kasalanan na hindi naman niya ginawa. Ipinatapon siya sabilangguan hanggang siya’y magkasakit at mamatay.Crisostomo Ibarra: …Tenyente: Ako po ay nakikiramay sa iyong kasawian, ngunit, kailangan ko nang bumalik sa kwartel.<napatulala si Ibarra at mukhang nagmumok-mok, umalis na ang Tenyente sa set.>Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y pinagbintanganng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, naisniyang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng kanyang ama.Act 3- Suyuan sa Asoteya

Activity (180)

You've already reviewed this. Edit your review.
Kristine Enghog added this note|
pwede po ba magamit ang script na ito? kailangan lang po sa project namin...
Kristine Enghog liked this
Ira Camelia Degawan added this note|
Hi! Can I please see the rest of the script? I need it for a project of mine
Gab Zaragoza liked this
Beebub Lopez added this note|
Hi! Can I use your script for our movie adaptation?
jbcamonay liked this
lalamahfhdk liked this
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->