You are on page 1of 15

1.

Sa Aking Mga Kabata Kapagka ang baya'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Mga Katanungan: Ano ang namamayaning diwa sa tulang ito ? Basahin ang mga taludtod na kinapapalooban ng nasabing diwa. 2. Ipaliwanag ang kaugnayan ng wikang sarili (katutubo) sa diwang makabayan. 3. Anu-ano ang kahalagahan ng wika sa tao? 4. Bakit nagiging kahatulan ang wika sa mga tao? Basahin ang Art. XIV, Sek. 6,7 ng 1987 Konstitusyon. Paano natin mapapalago ang wikang pambansa? 5. Sang-ayon ka ba sa pagtanggap ng mga salitang banyaga at gamitin silang Filipino na rin? Ipaliwanag!
1.

2. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at Edukasyon (Alienza Intima Entre la Religion y la Buena Educacin) Katulad ng dapong sanay na umakyat nang paliku-liko sa punomg mataas, yamang sila kapway magandang pamalas niyong kabukiran at lupaing patag saka lumalaking laging magkayakap; kung ang punoy namay kulangin ng habag, at ang dapong iyoy mawalan ng liyag, ay makikita ng dahoy nalalagas; ang Edukasyon may katulong na tapat niyong Relihiyong kanyang kaakibat: nang dahil sa kanya, Edukasyoy bansag at ay! niyong taong magtakwil na bulag sa relihiyong banal na may aral-pantas sa linis ng daloy, lumalayot sukat. Saka kung ang puno ng ubas na mahal, ay nagpapatuloy sa paglaking tunay, gayundin ang kumpol ng bungang pang-alay na lubhang matamis na matuturingan, at sampu ng tinik niyang matuturan ginagawaran din ang pagkaing bagay: gayon din ang agos na lubhang malinaw, na may makalangit na handog sa buhay

niyong Edukasyong ganap at matibay, na akay ng kanyang maningning na ilaw; nang dahil sa kanyay mabango ang singaw, at ang mga bungay masarap sa namnam. Kung walang relihiyon, edukasyong iyay Parang isang bangkang hangin ang kalaban, Na walang pang-ugit na sa digmay taglay Sa gayong kaugong na simbuyot tampal Ng galit na hanging boreas ang ngalang Siyang bumabakang buong kabangisan Hanggang mailubog ng kapalaluan Sa pusod ng galit ng sangkaragatan. Kung hamog ng langit ang sa kapatagay Nagbibigay-buhay, Tagsibol na dahil sa kanyay mainam, Ang mga bulaklak ay naglilitawan, At pinaririlag ang gilid ng daan; Iyang edukasyon ay gayon din naman, Na pinalulusog sa mabuting aral Ng isang Relihiyon na sumusubaybay, Na ang tinutungoy madlang kabutihan Sa kanyang paglakad na lubhang marangal; At dahil sa butiy bulaklak ang bigay Na may halimuyak ng bango saan man.

Mga Katanungan:

1. Anong mga paghahambing ang ginamit ni Rizal para maipakita ang pagtutulungan ng relihiyon at edukasyon? 2. Sumasang-ayon ka ba sa prinsipyong inilahad ng bayani sa kaugnayan ng relihiyon at edukasyon? 3. Ang prinsipyo bang ito ni Rizal ay makikita sa kalakaran ng lipunan sa kasalukuyan (edukasyon, simbahan, pulitika, atbp.)?

3. SA KABATAANG PILIPINO (A La Juventud Filipina)


(Lumusog ka, Mahinhing Bulaklak) (MGJHGJG Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas! Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan magiting na diwang puno sa isipan mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay at dalhin mo roon sa kaitaasan. Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw na mga silahis ng agham at sining mga Kabataan, hayo na't lagutin ang gapos ng iyong diwa at damdamin. Masdan ang putong na lubhang makinang sa gitna ng dilim ay matitigan maalam na kamay, may dakilang alay sa nagdurusa mong bayang minamahal. Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais

kagyat na lumipad sa tuktok ng langit paghanapin mo ang malambing na tinig doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap. Ikaw na ang himig ay lalong mairog Tulad ni Pilomela na sa luha'y gamot at mabisang lunas sa dusa't himutok ng puso at diwang sakbibi ng lungkot Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan matigas na bato'y mabibigyang-buhay mapagbabago mo alaalang taglay sa iyo'y nagiging walang kamatayan. Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles sa wika inamo ni Pebong kay rikit sa isang kaputol na lonang maliit ginuhit ang ganda at kulay ng langit. Humayo ka ngayon, papagningasin mo ang alab ng iyong isip at talino maganda mong ngala'y ikalat sa mundo at ipagsigawan ang dangal ng tao. Araw na dakila ng ligaya't galak magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas purihin ang bayang sa iyo'y lumingap at siyang nag-akay sa mabuting palad. Mga Gabay na Tanong: 1. Ang tulang ito ay isang panawagan sa mga kabataan. Sa pagsisimula pa lamang, ano yaong hinihingi ng makata na gawin ng kabataan? Ano ang tanging liwanag na yaon?

2. Ihanay at saka ipaliwanag ang ibat ibang hakbang na itinagubilin ng may-akda sa kabataan para ito maging pagasa ng bayan. 3. Sa kabataan ay may tiyak na pinatungkulan ng kanyang panawagan si Rizal. Sinu-sino ang mga yon? Bakit kaya sila ang tiniyak sa dinami-dami ng kabataan? 4. Paghambingin ang mga kabataan noon sa panahon ni Rizal sa mga kabataan ngayon.

4. Dalit Sa Paggawa (Himno Al Trabajo)


KORO Maging sa digmaan, O kapayapaan, Ang lahat-lahat na Ay ukol sa bayan. Kaming Pilipino'y Laging magbabantay, Dahilan sa kanya Kami'y mabubuhay, Dahilan sa kanya Kami'y mamamatay. MGA LALAKI: Langit sa Silangan ay namumula na, Tayo na sa bukid, halina't magsaka! Yayaman ang bayan, tahana't pamilya'y Sa paggawa lamang ninitang ginhawa. Lupa'y matigas ma't

Mainit ang araw, Madali ang lahat kung dahil sa bayan. Dahil sa asawa't mga bunsong mahal. MGA MAYBAHAY: Buong tapang kayong kumilos, gumawa, Tahana'y maayos huwag mabahala; Asawang matapat ang nag-aalaga, Sa isip ng anak ay ipinupunla Ang binhi ng dunong, ang magandang nasa't Pag-ibig sa ating tinubuang lupa. Pagdating ng gabi't mamahinga tayo, Sumubaybay nawa ang magandang palad, Sakaling samain at masawi kayo, Kami ang gagawa, kaming inyong kabiyak. MGA BATANG BABAE: Mabuhay! Mabuhay Paggawa'y purihin! Purihin ang lakas at yaman ng bayan; Itaas ang noo't siya'y salubungin, Paggawa ang inyong lakas, dugo, buhay. Kung mayrong binata na magpapahayag Na siya'y ninibig sa isang dalaga, Mapatutunayan kung siya'y matapat Pagka't sa paggawa mapagkikilala! Lalaking masipag ang maaari lang Bumuhay sa kanyang sariling pamilya. MGA BATANG LALAKI: Turuan mo kami; halika, Paggawa, Hindi kami takot sa tulo ng pawis, Ibig naming kami'y maging lalong handa

Sa tawag ng aming bayang iniibig, Upanding matupad ang lahat mong nasa. At nawa'y mawika ng aming magulang, "Nakita na ninyo? Sila'y dangal namin!" Sa mga yumao'y higit sa kamanyang Ang galak na dulot ng batang butihin. Sadyang sinulat ni Rizal noong 1888 sa Madrid bago siya tumulak patungong Hongkong bilang tugon sa isang kahilingan buhat sa Lipa, Batangas upang ipagdiwang ang pagkakataas ng nasabing pook sa katayuang villa. Mga Tanong: 1. Ipaliwanag kung bakit ang buong tula ay isang pahayag ng pagkaPilipino. 2. Linawin ang tungkulin ng lalaki at ng maybahay gaya ng pagkasaad sa tula. 3. Ano ang halaga ng tula bilang sukatan ng pag-ibig? 4. Alinsunod kay Rizal, ano ang isang batang butihin? Ilarawan! 1. Gamitin ang akda ni Amado V. Hernandez tungkol sa paggawa. 2. Tunghayan din ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa papel ng paggawa sa ekonomiya at pag-unlad ng lipunan. Magnilay: 1. Pamilyang Pilipino noon vs Pamilyang Pilipino ngayon! 2. Manggagawang Pilipino noon vs Manggagawang Pilipino ngayon!

5.

HULING PAALAM

(Mi Ultimo Adios)


Paalam, bayan kong minamahal lupa mong sagana sa sikat ng araw; Edeng paraiso ang dito'y pumanaw at Perlas ng dagat sa may Silanganan. Buong kasiyahang inihahain ko kahiman aba na ang buhay kong ito. maging dakila ma'y alay rin sa iyo kung ito'y dahil sa kaligayahan mo. Ang nakikilabang dumog sa digmaan inihahandog din ang kanilang buhay. kahit kahirapa'y hindi gunamgunam sa kasawian man o pagtatagumpay. Maging bibitaya't, mabangis na sakit o pakikilabang suong ay panganib titiising lahat kung siyang nais

ng tahana't bayang aking iniibig. Mamamatay akong sa aking pangmalas silahis ng langit ay nanganganinag ang pisngi ng araw ay muling sisikat sa kabila nitong malamlam na ulap. Kahit aking buhay, aking hinahangad na aking ihandog kapag kailangan sa ikaririlag ng yong pagsilang dugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang Mulang magkaisip at lumaking sukat pinangarap ko sa bait ay maganap; ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyas na nakaliligid sa silangang dagat. Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningning sa mata'y wala nang luhang mapapait wala ka ng poot, wala ng ligalig walang kadungua't munti mang hilahil. Sa aba kong buhay, may banal na nais kagalinga'y kamtan nang ito'y masulit ng aking kaluluwang handa nang umalis ligaya'y angkin mo, pagkarikit-rikit. Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas, ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan ng isang buhay na lipos ng kariktan sa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay. Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin sa gitna ng mga damong masisinsin nipot na bulaklak sa ibabaw ng libing

ito'y halikan mo't, itaos sa akin. Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis pagsintang sa dibdib may tanging angkin hayaang noo ko'y tumanggap ng init pagka't natabunan ng lupang malamig. Hayaang ang buwan sa aki'y magmasid kalat na liwanag, malamlam pa mandin; Hayaang liwayway ihatid sa akin ang banaag niyang dagling nagmamaliw. Hayaang gumibik ang simoy ng hangin hayaan sa himig masayang awitin ng ibong darapo sa kurus ng libing ang payapang buhay ay langit ng aliw. Hayaang ang araw na lubhang maningas gawing parang ulap sa patak ng ulan maging panganorin sa langit umakyat ang mga daing ko'y kasama't kalangkap. Hayaang ang aking madaling pagpanaw iluha ng mga labis na nagmahal kapag may nag-usal sa akin ng dasal ako'y iyo sanang idalangin naman. Ipagdasal mo rin mga kapuspalad, mga nangamatay pati naghihirap mga dusa't sakit ina'y tumatanggap ng tigib ng lungkot at luhang masaklap. Ipagdasal mo rin mga naulila at nangapipiit sakbibi ng diwa; ipagdasal mo rin tubusing talaga

ang pagka-aliping laging binabata. Kapag madilim na sa abang libingan at nilalambungan ang gabing mapanglaw walang nakatanod kundi pulos patay huwag gambalain, ang katahimikan. Magbigay-pitagan sa hiwagang lihim at mauulinig wari'y mga tinig ng isang salteryo, ito'y ako na rin inaawitan ka ng aking pag-ibig. Kung nalimutan na yaring aking libing krus man at bato'y wala na rin mandin bayaang sa bukid lupa'y bungkalin at ito'y isabong sa himpapawirin. Limutin man ako'y di na kailangan aking lilibuting iyong kalawakan at dadalhin ako sa 'yong kaparangan magiging taginting yaring alingawngaw. Ang samyo, tinig at himig na masaya kulay at liwanag may lugod sa mata paulit-ulitin sa tuwi-tuwina ang aking taimtim na nasa't pag-asa.

Mga Tanong: 1. Kung totoong sa mga huling sandali ng buhay ng isang tao ay inihahayag niya ang kanyang lalong matatapat na damdamin at kaisipan, uriin ang damdamin at kaisipang namayani

2. 3.

kay Rizal nang kanyang mga huling araw. Ibatay sa tula ang sagot. Sinu-sino ang kanyang tuwirang kinausap sa tula? Ipaliwanag ang kahalagahan sa bayani ng bawat isang pinagpaalaman niya. Ano ang iniiwang damdamin sa inyo ng tula? Bakit?

You might also like