Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon Ay Pinag-Uuspan

MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon Ay Pinag-Uuspan

Ratings: (0)|Views: 359|Likes:
Published by kaka alih

More info:

Categories:Types, Research
Published by: kaka alih on Feb 13, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF or read online from Scribd
See more
See less

05/10/2014

 
 MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc Page 1 of 5
MOA-AD - Anong Mapapakinabangan dito ng mga Bangsamoro at tagaMindanao?
 Posted in 
Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh. (Ang kapayapaan ay Sumasaatin lahat) Samuli heto na naman ang inyong, Kaka Alih o si Bapa I Maryam sa programang
“Suara Talaiged”
(the Voce of the Native Inahabitants) na sumasahimpapawid tuwing ika-anim hanggang ika-pitong gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.Tuloy-tuloy na tayo sa ating mga tatalakayin ngayon gabi ng Martes, 27 ng Enero 2009 atpangalawang gabi ng Safar sa 1430 sa Hijri calendar.Ayon sa Text kagabi:
”DXUP, anong mapapala ng mga taga Mindanao kong napirmahan ang MOA AD?” 
 Ito lang ang text na di natin nasagot dahil kinakapos tayo ng oras kagabi at nangako tayongsubukan nating pag-usapan ang MOA AD, ngayon gabi.MOA AD,Nagimbal ang buong mundo, lalo na ang mga Bangsamoro ng mabigo na maisakatuparan ang
“pormal” na pirmahan
ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sapagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamahalaan ng Pilipinas.Ang MOA AD ang nagiisang solusyon na nabuo at napagkasunduan ng magkabilang panig nanag-gigiyera, at kong minsan ay nag-uusap sa matagal ng panahonAng layon ng MOA AD ay upang wakasan ang matagal na hidwaan at sigalot sa pagitan ngkalakhang estado ng Pilipinas at ng mga Bangsamoro sa Mindanao.Napaloob din sa kasunduan upang tuldukan ang tatlong dekadang digmaan sa Mindanao sapamamagitan ng pagpapalawak ng Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM atpagbibigay ng ilang kapangyarihang administratibo sa mamumuno sa itatatag na BJE. Tinatayang
 
 MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc Page 2 of 5
mahigit na 700 barangay sa Sultan Kudarat, Lanao Del Norte at North Cotabato ang maidaragdagsa ARMM kung matutupad ang kasunduan.Nakatakda sanang lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas , sa pangungunani Presidential Chief Adviser on Peace Process Hermohenes Esperon, at ng Moro IslamicLiberation Front (MILF) sa pangunguna naman Mohagher Iqbal, punong negotiator ng MILF,noong ika-5 ng Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.Isang araw bago pa magkakapirmahan -Agosto 4 pa lamang ay dumating na ang mga imbitadongmga lider, kilalang diplomats, stakeholders at reporters sa buong mundo sa Kuala Lumpur,Malaysia.Nakakalunos isipin na hindi pa man pormal na napagtitibay ang nasabing kasunduan, pinukol naito ng batikos at kritisismo mula mga lider na sila sana ang mangunguna upang lutasin angproblema ng mamayan. Tulad ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat.Simpleng rason:
“….
walang pormal na konsultasyong isinagawa ang pamahalaan
sa mga lugar na masasakopng Bangsamoro Juridical Entity (BJE).Ang salungat na lider sa MOA AD at naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang layon naislamang malinawan sa nilalaman ng MOA-AD, kaya agad naman naglabas ng TemporaryRestraining Order (TRO) ang korte upang pigilan ang pirmahan.Sa kabilang banda, habang patuloy na pinagtatalunan ang legalidad ng nasabing kasunduan, hindinaman maiiwasang sumulpot ang mga spekulasyong na nais manatili ni Pangulong Arroyo sapuwesto.Hindi kaila sa marami na masugid siyang tagapagtaguyod ng pagbabago ng sistema ngpamahalaan -- mula sa sistemang presidensiyal tungo sa parliyamento.Sinasabi ng ilang kritiko na ang hakbang tungo sa MOA-AD ay katumbas ng palihim napaniniguro ng pangulo na maipagpapatuloy ang kanyang pagkapangulo sa pagtatapos ng kanyangtermino sa 2010.Ayon sa mga kritiko, ang probisyong nilalaman ng MOA-AD ay nangangailangan mismo ngsuporta mula sa konstitusyon, at dahil hindi ito pinahihintulutan sa kasalukuyang saligang batas,kailangang magbago ng konstitusyon. Kabilang dito ang pagkilala sa mga heograpikal atpaghihiwalay ng kapangyarihan na inaasahang magiging mapagtaya sa pagbabago ng umiiral nabatas sa kapuluan.Dahil sa mga ganitong pagbatikos, nakikini-kinita na ng mga kritiko ang pag-gamit ngpamahalaan ni Gloria sa isyu ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao upang matuloy angmga personal na balak at intensyon ng iilan.Sa ganitong tagpo, hindi lingid sa sambayanang Pilipino ang mahabang pakikibaka ng mgaMuslim sa katimugang Pilipinas. Pakikibakang maghahatid ng tunay na kapayapaan, katiwasayanat kaunlaran sa mayamang lupain ng Mindanao.Ang MOA-AD ay pagkilala sa kahalagahan ng pagbibigay-pansin sa mga lehitimong hinaing ng
 
 MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc Page 3 of 5
mga kapatid nating Muslim ngunit sa hindi maiiwasang pagkakataon, ay hindi nilulubayan ngmarka ng maruming pulitika ang sana 'y isang kasunduang magpapatatag pa sa Mindanao dilangbahagi ng estado ng Pilipinas na nag-aasam lamang ng kalinga, pansin at pantay na pagtingin.Ang mga makasariling intensyon na naglalagay sa bansa sa bingit ng alanganin ay inaasahangmagbibigay sa sambayanan ng dagok na magdidiin pa lalo sa atin sa malalim nang mga problemana nais nating lagpasan para makamtan ang kaunlaran at kasaganaan.Sa ngayon, patuloy ang pag-inog ng kwento ng Memorandum of Agreement at ng BJE. Mgakwentong magsasapin-sapin pa't patuloy na guguhit ng mas malalim na mga sugat sa atingkasaysayan. Mga sugat na noon pa natamo ng isang bansang nais lumipat patungo sa paraiso-angbansa ng Bangsamoro.Heto pa ang isang Text, bagamat nasagot na natin, para sa kaliwanagan ng lahat medyobabalikan natin:
“Kaka, gusto kong itanong kong bakit hanggang ngayon ay
 pinag-uusapan pa rin ng mga peace advocates, lalong lalo na ninyong mga Bangsamoro ang MOA-AD, hindi ba wala na
iyan, dahil inihayag na ng supreme court na “unconstitutional”?
Sagot ni Kaka Alih:
Ang ginawa ng korte suprema, na diniklarang ”unconstitutional” ang MOA
-AD ay katulad na dinsa pagdeklara na walang karapatan ang mga Bangsamoro na masolb ang kanilang malakingproblema, ang katarungan na inagaw at ipinakagkait na maibalik sa kanila, ang pagmamalakad ngpamamahala sa kanilang mga mamayan at Sultanato, kahit na umalis na ang mga mamankop naEspanya at Amerika.Kinakailangan marahil na malaman mo (natin) kaibigan ang mga ilan sa mga mahahalagangpuntos na nakapaloob sa Memoramdum of Agreement ng Ancestral Domain (MOA-AD).Napakahalaga ito kaibigan na malaman natin dahil ang nasabing kalatas na ginawa atnapagkasunduan ng GRP at MILF panel sa loob ng 3 taon at 8 buwan at ito ay ang nag-iisangmapayapang sulosyon sa problema ng mga Bangsamoro:
I - Konsepto at Paninindigan (concept and principles)
 1. Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ang Moro Islamic Liberation Front(MILF) ay nagkasundo at tumalima sa karapatan ng bawat isisilang na Moro at katutubo saMindanao upang makilala at tanggapin bilang Bangsamoro. Ang kalayaan pumili ng mgakatutubong tao (indigenous people) ay igagalang.2. Ang pagmamay-ari ng lupang minana ay sa mga Bangsamoro dahil sa kanilang naunangkarapatang manatili doon bilang maramihang tumpok ng mamayan na kinikilala ng kanilang mga
ninuno simula’t sapul pa at dahil sila ang unang maayos na manirahan doon.
 3. Ang dalawang panig na nagkasundo ay tumalima na ang lupang minana ay hindi kabilang salupain ng pamahalaan ng Pilip
inas bagkos ito’y sumsakop sa lupang minana, pinagkaisahan,
nakaugaliang lupain, karagatan, mga lupian at tubig at ang mga likas na kayamanan nasumasailalim sa kaugaliang pagmamay-ari.

Activity (2)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->