You are on page 1of 7

402 XXXXXXXXXXXXX IN CHARGE "ROTC," sabi sakin ng kaibigan ko. "Bakit kasi tayo sumabak diyan?

" "Ako kasi nandun si crush. Malay ko lang sayo," sabi ko. "Eh kasi andun din si crush ko eh." tumawa siya. "Tss." sabi ko. "Hindi ko siya crush pag-ROTC. Masungit eh," Tumawa naman yung kaibigan ko. "Hindi naman masyado. Nakangiti pa nga rin palagi eh...sayo nga lang," "Sakin ka diyan! Hindi noh!" sabi ko tapos inayos ko na yung uniform ko then lum abas na kami papunta sa quadrangle. Maghapon na naman sa araw. Haaayysss... Ako nga pala si Kaycee Jamaica. 1st year college student. Hindi ko na sasabihin course ko kasi hindi naman mafofocus because oneshot lang ito. Nagumpisa na kaming magtatakbo dun sa initan tapos sit-up, push-up, kahit anong pwedeng gawin. Grabe! Ang init, wala pa yung mga officers namin. Pinagpahinga naman kami nung isa na assigned. Umupo ako sa ilalim ng puno tapos tinanggal ko yung cap ko pati yung butones nung shirt ko. Nakasando naman ako pe ro basangbasa na kaya parang second skin na rin pero mainit na talaga eh. "Beh!" hingal na tawag sakin nung kaibigan kong si Jane. "Bakit?" tanong ko. "Hindi ata pupunta mga officers ngayon, ang swerte naman!" Nag-pout ako. "Tss...anong swerte dun? Ang inet! Anu ba yan!" "Hahah." sabi ni Jane. "Puntahan ko lang si ex dun oh! Problemado yun eh, si gf kasi nanlalalaki." tapos umalis na siya. "Kay," Napalingon ako. Si Mark Joaquin. "Bakit?" "Hindi daw pupunta mga officers ngayon ah." tumabi siya sakin.

Inaantok ako. I snuggled closer sa kanya tapos hiniga ko yung ulo ko sa chest ni ya. Nilibot naman niya payakap sakin yung kamay niya. "Antok ka?" tanong niya. "Mmm, wala kasi yung energizer ko eh." sabi ko na tinutukoy si Adam. Tumawa siya. "Obsessed ka din dun eh noh? Ang pagkakakilala ko sayo ayaw mo sa m ga sweaty things tapos sasali ka sa ganito. You're a stalker, baby." Sinuntok ko siya ng mahina sa tiyan. "Che! Stalker ka diyan! Baka secret admirer , maganda kaya ako-"

"Alam mo may gusto-" May sumigaw, yung mga officers nandito na daw, kanina pa. Pinagmamadali kami, ba dtrip daw si Adam at Bryan. Hindi na kami nakapagayos kaya nak-ponytail na lang ako at hindi na yung bun tapos may mga nakalabas na rin sa tali. Hindi ko na nga nabutones yung shirt ko pero may mga iba na ganun din naman kasi daw galit yung mga officers. "Ganito ba kayo pagwala kami!" sigaw ni Adam. "Mga kung ano anong ginagawa! Nagl alandian!" tumingin siya samin ni Mark. "Sumali ba kayo rito para sa ex niyo? Para makipag-reunite dahil alam niyong hin di sasali yung gf nun!" sabi naman ni Bryan. Whoa! Patama ba yun kay Jane. Over huh! "Mga walang kwenta!" lumapit si Adam samin tapos kumunot yung noo niya. "Jamaica ! Anong klaseng damit yan? Ganyan ba ikaw pag wala kami? Pinapakita ang pagkabab ae mo? Ganyan ba ang gagamitan mo sa gera pag meron? Maghuhubad ka sa harap nila !" "Sir, wala pong kasalanan si Kaycee," sabi bigla ni Mark. "Did I ask you to speak, Joaquin!" sabi ni Adam. Shit! Katakot! Pero wala namang kasalanan si Mark eh, baliw kasi tong officer na to eh hindi lang naman ako yun g nakaganito. Yung iba nga nakasando lang talaga eh! Tsss... "Permission to speak, sir!" sabi ko. "Request denied!" sabi ni Adam. "Lahat kayo, 30 na ikot sa quadrangle! Joaquin! Jamaica! 30 na squatras! MOVE!"

Nag-umpisa na kaming tumakbo. Ano bang problema nun? Lumapit sakin si Jane na na iiyak na. "Squatras din ako, beh! Sampu nga lang." "Ano bang problema nung mga yun?" tanong ko. "Ewan ko. Ayos lang naman yung iba eh. Si Adam at Bryan lang yung may topak." sa bi niya. Nanahimik na lang kami tapos nung natapos na yung laps, pumunta kaming apat sa g itna tapos nag-squatras na, nung natapos na yung sampu, umalis na si Jane pati y ung ex niya tapos ako hingal na hingal na. Ang hirap kaya! Napansin ko na sinasa bayan lang ako ni Mark. "Mark. Pinapabagal lang kita. Mauna ka na." sabi ko. "Okay ka pa ba?" tanong ni Mark sakin. "Hatid kita sa inyo mamaya. May sasabihin din naman sakin si Tita eh," Tumango na lang ako tapos lumupasay nung natapos na yung 30. Ba't ba ko pinapahi rapan ng kumag na yun! Binuhat ako ni Mark dun sa ilalim ulit ng puno tapos bini gyan ako ng tubig. "Ano bang problema nun!" "Selos," sabi ni Mark. "Huh?" tanong ko. "Tingnan mo si Bryan." Tinignan ko naman si Bryan. Nakakuyom yung kamay niya tapos nakakunot yung noo. Nung sinundan ko yung tingin niya. Nakita ko si Jane kasama si ex. Naguusap sila tapos tinatapik ni Jane yung likod ni Ex na parang reassurance. Then it clicked , ah... "Ibig sabihin..." "Oo. May gusto si Bryan kay Jane." sabi ni Mark. "Watch this," hinawakan niya yu ng kamay ko tapos biglang sumigaw si Adam na pumunta daw lahat dun. Tumayo na ka mi tapos naka-smirk naman tong si Mark. Ano yun? "So, may overnight camping tayo bukas. Full on training. Everyone is required to attend. I will group you sa lima tapos may isang assigned officer." sabi ni Ada m. "Ako ang maggu-group para walang daya tsaka alam ko yung mga ties at magkakaibig an rito," sabi ni Jack. Sinabi na niya yung mga magkaka-group hanggang mapunta s amin. Kami yung last. "Joaquin, Jamaica, Sanchez (Jane), Lielle (Ex). Yung offic

er niyo...si...Adam at si Bryan." "Ba't magkasama sila!" sabay na sabi ni Adam at Bryan. Ah...what? Sinong sila yung tinutukoy ng mga to? Si Jane at Ex? Tsaka ba't dalaw a officers namin? "Ba't hindi?" sabi naman ni Jack. "Dalawa officers niyo kasi sobra na rin naman nang officers tsaka last group na kayo. Magusap-usap kayo. And this time, walang officer officer. Pantay pantay kayong lahat. Ako lang ang masusunod, understood ? Dismiss!" Bumilog na kami tapos walang nagsasalita. "Uh..." sabi ni Jane. "Sinong magdadal a ng tent?" "Ako na lang," sabi ni Ex. "Hindi na, ako na." sabi ni Bryan. "O-kay," sabi ni Jane. "Ano pa bang kailangan?" "Yun lang. Magrarasyon naman sila ng pagkain pati tubig." sabi ni Adam. "Let's go sa position sa higaan then," sabi ni Mark bigla. "Para hindi tayo maga away away pag nandun na." Tinignan siya ni Adam na parang galit. "Fine. Dalawang babae yung meron tayo so isa sa kanila ay sa gilid tapos yung isa sa tabi nun. Isang lalaki lang ang maka katabi sa isa sa kanila." "Ako na lang tatabi kay Jane." sabi ni Ex. Komportable naman kasi sila sa isa't isa na parang magkapatid. "I disagree." sabi ni Bryan. "Mag-ex kayo kaya awkward. You should never be toge ther maliban na lang kung kayo ulit." "Tabi na lang kami ni Kay," sabi ni Mark. "No!" sabi ni Adam. "Then what is your solution? Ikaw ang tumabi? Hindi naman kayo at hindi kayo clo se...not like us." sabi ni Mark. Speechless ako. Ano bang problema ng mga to.

"Kaya nga eh. I don't want any vulgar or scandals sa camp ko kaya hindi kayo mag tatabi." sabi ni Adam. What! Scandals? Kami ni Mark? Nagpapatawa ata siya... "Ano bang problema mo? As if naman na makikita nila kung may gawin kami." sabi n i Mark. At itong mokong na to, nili-lead pa yung suspicion na ganun eh hindi kam i pwedeng gumanon ni Mark... "ANO! You really planned on doing it!" sigaw ni Adam tapos tumayo na palapit kay Mark. Tumayo na rin si Mark tapos magsusuntukan na sana sila kung hindi lang pi nigil nila Jack. "Anong problema dito!" sigaw ni Jack. Walang sumagot. "Tapusin na nga natin ito hanggang maaga pa.Jamaica, Sanchez, Lielle, Bryan, Adam, Joaquin, line!" Luminya kami. "You will answer this truthfully. Okay!" "Yes, sir!" sabay sabay naming sabi. "Adam! Anong pinagaawayan niyo ni Joaquin?" "Sleeping arrangement, sir." sabi ni Adam. "Anong meron dun?" "Gusto niyang katabi si Kaycee," sabi ni Adam. "Joaquin! Ba't mo gustong katabi si Kaycee?" naka-smirk na tanong ni Jack. "She's safer with me and hindi ko papayagan na may ibang lalaki ang tumabi sa ka nya hanggang andito ako." sabi ni Mark. Sige, career-in mo. "Jamaica! Sinong gusto mong katabi?" "Si Jane po, Sir." playing safe, hahaha. "Joaquin o Adam?" Tss...tinanong din. Natural gusto ko katabi si crush pero papatayin ako ni Mark kapag sinabi ko yun. "Si Mark po," "Okay, any reason kung bakit siya ang pinili mo? May gusto ka ba kay Joaquin? Or may relationship kayo?" panggigisa ni Jack.

Malalaman na ng lahat...

Na....

"Kapatid ko siya, Sir." sabi ko. May mga naggasp tapos nalaglag yung bibig, hahaha, yung naka-0.... Yung pinapasu kan ng langaw. "Magkapatid kayo?" tanong ni Jack na naguguluhan. "Yes, Sir." sabi ni Mark na nakangiti. "Magkahiwalay lang yung parents namin. I' m her brother kaya I have the right to be protective sa kanya." Tumango tango si Jack tapos napatingin ako kay Adam na nakatingin samin na hindi makapaniwala tapos mayamaya, tumawa siya. "Ano ba yan! Nagselos ako sa wala!" Ano daw? Nagselos siya? Kanino? Samin ni Mark? "Adam! Hindi pa tayo tapos! Ba't ka nagselos?" "Kasi close sila. Magkapatid pala. Muntanga lang ako," sabi niya tapos paramg go od mood na siya ulit. Nakangiti na naman. "Jamaica! May boyfriend ka ba?" Paano napasok yun. "Wala po," "Yown oh! Wala daw, Adam!" sigaw nung isang officer sa likod namin. Lahat na pal a sila nakikinig. "Joaquin, sabi nila may gusto ka raw kay Adam. Totoo ba?" Namula ako tapos napatingin ako kay Adam. Hinihintay niya yung sagot ko. "Yes, S ir."

"Yes what, Kaycee?" si Adam na yung nagtanong. "Yes, I like you." Ngumiti siya. "Would you let me court you and prove to you that I like you too?" Hindi ako makasagot. Ano daw? DUGDUG DUGDUG DUGDUG "Jamaica! Answer the question." nakangiti na sabi ni Jack. "Uh...yes. Sir." sabi ko . Napangiti na rin ako. He likes me daw eh! Hindi pa ri n magsink in sakin pero...EEEEEEEEKKKKKKKK!!!!!!! Kakakilig. I can't believe it lang ang drama. "Good. Let's start now." sabi ni Adam tapos inakbayan ako. Tinignan niya si Mark tapos sinuntok ng pabiro sa balikat. "Iuuwi ko na to, brother-in-law," "Sige lang, mahigpit si daddy. Curfew ng ten." sabi ni Mark. "Ten ng umaga?" sabi ni Adam tapos tumawa. "Iuuuwi mo ko ng umaga?" tinaasan ko siya ng kilay. "Oo, akin ka na muna." sabi niya. "Umaga ka diyan! Suntok gusto mo?" sabi ko sa kanya. "Naku, brutal ang misis." "Hindi pa nga tayo misis na agad." sabi ko. "Dun din papunta yun." sabi niya tapos bigla niya kong binuhat. "Tayo ng maghone ymoon." Naghiyawan naman yung mga tao dun hanggang palabas na kami ng campus. Nakita ko din si Jack na ginigisa na sina Jane. Whahaha! "Ewan ko sayo!" sabi ko na natatawa pero pulang pula na ko nun. ~~~~~ END ~~~~~

You might also like