You are on page 1of 10

Mga kahulugan ng Pananaliksik:

Ayon kay Aquino, ang pananaliksik ay Isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan

Wika

naman nina Manuel at Medel na ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular o tiyak na suliranin sa isang siyentipikong paraan.

Si

Parel ay nagbigay ng kahulugan sa pananaliksik bilang sistematikong pagaaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik. Sina Treece at Treece ay nagbigay ng puna na ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin.

Sina

Atienza at iba pa ng U.P. ay bumuo ng isang praktikal na depinisyon ng pananaliksik. Ayon sa kanila, ang pananaliksik ay ang matiyaga,maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

Bilang

kongklusyon, ang pananaliksik batay sa ibinigay na iba,t ibang kahulugan ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pagaayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensiyong nagawa.

Mga katangian ng Pananaliksik:


Ang

pananaliksik ay sistematiko. Ang pananaliksik ay kontrolado. Ang pananaliksik ay empirikal. Ang pananaliksik ay pagsusuri. Ang pananaliksik ay obhetibo, walang kinikilingan at lohikal. Ang pananaliksik ay ginagamitan ng hipotesis.

Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik:


Ang

isang mananaliksik ay masigasig. Ang mananaliksik ay masinop. Ang mananaliksik ay masistema. Ang mananaliksik ay mapamaraan. Ang mananaliksik ay magaling magsiyasat. Ang mananaliksik ay may pananagutan

Mga Bahagi ng Riserts:

I.A.Panimula Mababasa sa panimula ang presentasyon o paglalahad ng suliranin. Nililinaw rin ang sanhi ng pagpili ng paksa at ang kahalagahan nito. B. Paglalahad ng Suliranin Dito makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag-aaralan. Bukod dito, makikita rin ang tiyak na katanungan na kailangang masagot sa sulating pananaliksik

C.

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Tinalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensiya. Binabanggit din kung sino ang makikinabang at ang posibleng implikasyon ng pag-aaral na gagawin sa mga taong tinutukoy na makikinabang.

D.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang saklaw ng pag-aaral ang nagsasabi kung saan makakakuha ng sapat na impormasyon at ang lugar na pagdarausan ng gagawing pag-aaral. E. Kahulugan ng mga Katawagan May mga salita o konseptong ginamit sa pag-aaral na kailangang isaisahin at ipaliwanag ang kahulugan nito.

You might also like