You are on page 1of 3

TONDO MAN MAY LANGIT DIN 1.

Naturalismo Ang teoryang naturalismo ay naglalarawan ng kasamaan ng tao sa daigdig na higit na maganda ang marumi at karumal-dumal na pangyayari. Nabibigyan pansin din sa teoryang ito ang mga saloobin, damdamin, kilos, at gawi ng mga tauhan. Makikita natin ang teoryang ito sa ibat-ibang parte ng kwento. Ang unang halimbawa ay noong inilahad sa atin ang pangyayari na pagkakasuntok ni Estong kay Victor dahil lamang sa kadahilanang si Victor at Alma ang mga paboritong estudyante ni Ms. Quilala. Ating mapapansin din ang toeryang ito sa parte kung saan pinagsamantalahan ng ama ni Alma na si Mr. Fuertes sa kanilang katulong na si Dolores. Ating mapapansin na mga maruruming pangyayari ang resulta ng pagbugso ng kanilang damdamin. 2. Bayograpikal Sa teoryang ito tinatalakay ang mga pangyayaring nakapaloob sa buhay ng may-akda katulad na lamang ng kanyang pook na sinilangan at karanasan at inspirasyon sa pagsulat. Hinalintulad ni Cruz ang mga lugar sa kanyang nobela sa lugar kung saan siya lumaki. Siya ay lumaki sa tabi ng esterong karutong ng Canal de la Reina sa likuran ng pabrika ng Alhambra. Sa mga oras na baha,lumalangoy silang mga bata sa estero. Kung ating mapapansin, halos pumapareha ito sa lugar ng Tundo kung saan nakatira si Victor. Katulad din na Victor, iniwasan niya ang pakikisangkot sa pulitika't pulitiko pagkaraang inihabla siya ng Civil Service Commissioner Abelardo Subido na siya'y "security risk" sa Tanggapan ng Alkalde ng Maynila. 3. Historikal Pinapag-usapan sa teoryang historical ang ibat-ibang sitwasyong political na lumulutang sa may-akda katulad na lamang noong nakipagkita ang isang kandidatong konsehal kay Victor. Siya ay humihingi ng pabor na siyay ikampanya ni Victor sa Looban para siya ay makakuha ng boto. Kung inyong maaalala ay magaling magunbinse ng tao si Victor katulad na lamang noong ipinahayag niya ang pagtutol sa librong binebenta ni Agila kayat na lamang naisipan ng konsehal na siya ay lapitan. Napag-usapan ng dalawa ang lahat ng graft and corruption na nangyayari at lahat ng katiwalian ng mga politico. Kapalit ng paghahakot ng boto ni Victor, lalakarin ng konsehal ang appointment ni Victor upang siyay makapagturo na. 4. Klasismo Pinaniniwalaan sa teoryang klasismo na kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain. Kung ating ikukumpara ang ugali ng magkapatid na Lukas at Victor, makikita natin ang pagsasagawa ng teoryang ito. Kinakampanya ni Lukas ang kandidatong si Paking. Kahit na hindi ganoong kaganda ang imahe ng politikong ito, ay pinili parin ni Lukas na ikampanya ito dahil sa malaking bayad na inihandog ng politiko sa kanya. Si Lukas ay nakabatay sa pera kumpara kay Victor na sa prinsipyo nakabatay ang pagboto sa tamang opisyal. 5. Humanismo Ito ang teoryang nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.Kung saan ito ang nagiging pokus o sentro ng may-akda.Ang tao ang siyang pinahahalagahan dito.Ang kanyang mga paraan at istilo ay kailangan sa pagkamit ng kanyang mga pangarap at tagumpay. Sa kabanata 20, mapapansin natin na isinasabuhay nito ang teoryang ito sapagkat

binigyan ni Victor ng pagpapahalaga ang kanyang sarili. Hindi siya pumasok sa kanyang trabaho upang siya'y makapunta sa bacalaurreate. Mapapansin din ang humanismo sa kabanata 33 kung saan nakatuon ang ating pansin sa mga residente ng Looban na tulong tulong na naglinis ng kanilang estero. Ipinapakita rito ang pagbubuklod at mga kakayahan ng tao. 6. Romantisismo Isang istilo sa sining at panitikan.Mas may diin ito sa damdamin kaysa katwiran.Pinapakita ang maluwag na daloy ng emosyon at malayang damdamin ng pag-ibig.Ang pokus dito ay ang emosyon ng mga tauhan. Makikita sa buong kwento ang pagsasama at pagkakaibigan nina Victor at Alma na walang kupas. Kahit na mayroong mga hadlang sa kanila katulad na lamang ng estado nila sa buhay, si Alma bilang isang mayaman at si Victor bilang isang mahirap, ay kanila paring naisasabuhay ang pag-ibig na alay sa isat-isa. Mayroong mga parte rin na bumabaling ang atensyon ni Victor patungo sa kanilang nakaraang pag-ibig ni Flor. Si Flor naman ay may pagnanasa pa rink ay Victor katulad na lamang noong bumisita si Victor sa kanyang apartment. 7. Realismo Nilalahad dito na ang karanasan ng may-akda sa kanyang lugar na ginagisnan,Ang Tundo.Ipinapakita rin ang totoong kalagayan ng paligid,mga tao at lipunan.Ito ay hango sa realidad ng buhay at mga karanasan ng mga tao na nangyayari hanggang sa kasalukuyan na panahon. Sinasabi rin dito na higit na mas mahalaga ang katotohanan kaysa sa kagandahan. Isang halimbawa ng pagsasabuhay ng teoryang ito sa kwento ay ang pagpunta ng isang babae sa apartment nina Flor upang sabihin na mas karapat dapat na buhayin ni Tonyo ang kanyang pamilya. Natakot si Flor nab aka nga may asawang iba si Tonyo ngunit sa huli ay napagtanto niya na mas mabuting malaman niya na ang katotohanan kaysa mabuhay sila ng anak niya sa isang kasinungalingan kasama si Tonyo. Sa huli ay nakipaghiwalay din it okay Tonyo. Isa pang halimbawa ay noong nalaman ni Alma ang katotohanan kung bakit nahuli si Victor sa kanilang pagkikita. Noong una ay nagsisi si Alma kung bakit pa siya sumama sa pakikipag-bowling kung malalaman man lang din niya ang totoo na nakipagkita sa Victor kay Fely. Ngunit kinalaunan ay nagpasalamat siya na nalaman niya ito sapagkat mas gumaan ang pakikipagtunguhan nila ni Victor. 8. Pormalistiko Sa teoryang ito, ang teksto mismo ang pokus upang maiparating nang mabuti ang nais na mensahe ng may-akda. Sa buong kwento ay gumamit na ibang pabalbal ng salita ang awtor katulad na lamang ng kutonglupa at takwar. Gumamit din siya ng mga salitang pampanitikan katulad ng pobre at suspetsoso. Ang mga halimbawang salita ay nagbibigay ng interes sa mga mambabasa sapagkat itoy nagbibigay ng kulay sa konsepto ng kwento. 9. Siko-Analitiko Ang teoryang siko-analitiko ay pinapaniwala na nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang ng matsuridad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan. Si Victor ay isang halimbawa ng tao na nakamit ang matsuridad dahil naging bukas ang kanyang mata sa mga pangyayaring nakapaloob sa kanyang buhay katulad na lamang ng kahirapan at ang pagkamatay ng kanyang ama. Ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang mag-aral nang mabuti at upang makamit ang kanyang pangarap bilang isang guro. Ang paghahanapbuhay niya habang siyay nag-aaral pa lamang ng kolehiyo ang isa sa mga nagbigay kontribusyon sa kanya upang masustentuhan niya ang kanyang pag-aaral sa

kolehiyo. Sa pagdalo niya rin sa baccalaureate, ipinaalala sa kanila na ang edukasyon ay hindi natatapos sa pagabot ng diploma. Sa isip ni Victor ay totoo iyon sapagkat ang kanyang pangarap bilang maging isang guro ang alam niyang magbibigay ng sarap sa buhay niya. 10. Feminismo Ang teoryang ito ang nagpapatunay na ang mga babae ay hindi nakalagay sa ilalim ng estado ng mga lalaki na mayroong silang sariling kakayahan at pag-iisip. Isang halimbawa ay ang pagiging surpresa ni Flor sa graduation ni Victor. Sinasalamin dito na ang mga babae ay binibigyan ng mataas na halaga. Sa kabanata 45 naman ay makikita ang transpormasyon ni Flor mula sa pagiging isang takot na inang magluluwal ng anak, ay sa huli ay nagkaroon na rin ng tapang at lakas ng loob na harapin ang kapanganakan sa tulong ni Dolores.

You might also like