You are on page 1of 2

Ang Buhay Estudyante Sa Kolehiyo Ano nga ba ang buhay Estudyante sa kolehiyo? Mahirap ba? Madali? O tama lang?

Alam naman nating lahat ang pakiramdam ng isang estudyante, ngunit iba parin ang pagiging estudyante ng isang kolehiyo . Para sa ating lahat, importante ang edukasyon kaya ito ay ating pinagtutuunan ng pansin. Hindi madali ang buhay estudyante sa kolehiyo. Dito, Ang oras ay dapat pahalagahan. Dahil sa kolehiyo, Mabilis ang oras. Ang pinaka ayaw nating lahat, ay yoong mga gurong pag-sasabay sabayin lahat ng Gawain. Yoong tipong , Di man lang nila maisip na tao lang tayo at hindi tayo si superman para matapos lahat ng pinapagawa nila agad-agad. Madalas, tatamarin nalang pumasok dahil sa mga ganyang guro. Hindi kasi alam kong anu ang uunahin sa dami ng ibinigay o ipinapagawa. Tapos sasabayan pa ng puyat tapos antok sa pag pasok sa eskwelahan. Sa kolehiyo, dito mo mararanasan o makakahalubilo lalo ng mga ibat- ibang tao. Dito nagsisimula ang barkada. May mga barkada na walang pake kung hindi gumimik at gumawa lang ng kalokohan. Meron naman yoong, yayayain ka mag-aral o iimplowensyahan ka sa magagandang bagay. Hindi natin kaylangan ng ibang taopara magsumikap tayo. Kaylangan lang nating isipin na ginagawa natin ito para sa ating mga magulang. Kung gusto mong umasenso at gumanda ang buhay. Ang dapat nalang gawin, ay mag-aral kalang. Wag dapat tatamad tamad. Kung ganyan tayo palagi wala tayong mararating niyan sa buhay. Ang edukasyon ang susi sa ating mga tagumpay.

Kinabukasan Ng Isang IT Student Sa panahon ngayon, mas lalong nagiging indemand o mas nagiging hi-tech ang mga gamit ngayon, kaya mas maraming kumukuha ng IT dahil mas gumaganda ang mga gadgets o mga produkto ngayon. Ang iba ay gusting mag IT dahil gusto rin nilang gumawa ng sariling imbensyon na maipagmamalaki, sisikat at higit sa lahat ay yayaman pa sila. Ditto sa Pilipinas, isa rin ang IT sa mga kailangan ditto o sa iba pang bansa. Dahil ditto sa Pilipinas, kung ano ang mas magandang kurso at sikat, iyon ang kanilang kukunin. Dahil iniisip nila na yayaman sila dito. Sa panahon din ngayon patok ang isang IT student dahil marami silang mga oportunidad na makapunta sa ibang bansa dahil gusto sila ng marami dahil sa galling nila sa pag preprogram at sa galing nilang gumawa ng mga website. Hindi dapatnatin maliitin ang isang IT student, dahil kung wala sila, wala ang mga gadgets, o mga magaganda at hi-tech na produkto ngayon. Malaki ang natutulong nila sa pag gawa ng sariling imbensyon. Sabi ng iba, ang IT ay sobrang sikat ito lalo na sa ibang bansa. Kapag narinig nga daw nila ang IT ay alam na nila ay ito ang mga taong magagaling tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kompyuter. Ang mga IT student ay ang mga batang matataba ang utak o malawak. Nakakagawa ng mga imbensyon dahil gusto nila ito at mahal nila ang kanilang ginagawa. Kaya kung ikaw ay isang IT student, magsikap ka. Dahil nasa kamay mo ang kinabukasan mo. Ikaw ang gumagawa ng kinabukasan mo. Malay mo, baling araw ang imbensyon na trip mo lang ay sisikat at makikilala ng buong mundo. Kaya magsumikap dapat ang lahat. Wag aksayahin ang oras .

You might also like