Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Kilusan sa pagbangon nang pambansang dignidad part 2

Kilusan sa pagbangon nang pambansang dignidad part 2

Ratings:

5.0

(2)
|Views: 1,339 |Likes:
Published by mark dario
A must read for political activist,community organizers ,sectoral organizers working for social change in the Philippines . A tribute to the Filipino working class and the youth who will someday redeem the stolen dignity of the Filipino People . A once proud and envied descendants of the malay race.
A must read for political activist,community organizers ,sectoral organizers working for social change in the Philippines . A tribute to the Filipino working class and the youth who will someday redeem the stolen dignity of the Filipino People . A once proud and envied descendants of the malay race.

More info:

Published by: mark dario on Feb 22, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC or read online from Scribd
See more
See less

07/01/2009

 
Simula na nang Pagbangon !(Ikalawang Bahagi nang sulating Kilusan sa Pagbangon nang PambansangDignidad)
Isang taon na ang nakaraan nang unang isa publiko ang konsepto nang Kilusan saPagbangon nang Pambansang Dignidad,Sa loob nang isang taon masasabi nang mayakda na ang pinasimulang sulatin ay nakapagbigay nang inspirasyon kung hindi man ay bahagyang kalinawan sa mga ibat ibang grupo o samahang naitayo na naglalayong bigyan nang bagong momentum ang pagkilos nang bayan upang makamit ang tunay na pagbabago sa ating bansa .Bagamat hiwa-hiwalay at may mga ilang kilalang personalidad na namumuno ang mga ibat ibang bagong pormasyon o organisasyongnaitayo, ang mga ito ay kakikitaan nang ibayong pagsisikap na kumawala o lagpasanang mga tradisyunal, makitid at shortcut na daan para daw akayin sa makabuluhanglandas nang pagbabago ,katinuan at kaunlaran ang buong sambayananAng lantarang pagkahumaling sa panawagang political power grab( digmaang bayan,armed struggle , insureksyon ,edsa type people power(conspiratorial ), coup detat,civilian military junta , transitional government ) ay unti unti nang nahuhubaran bilangsuntok sa buwan na panawagan para suportahan nang sambayanang Pilipino sakasalukuyang panahon lalupat ang mamamayan ay lagit lagi nang ang katanungangipinupukol ay sino at ano ang alternatibong ipapalit sa mga nakaupo at sa sistemangumiiral .Sa mga pagkilos na ganito, laging nakabuntot ang pangamba nang ordinaryongmamamayan na mauuwi lang naman sa pagsasalin nang kapangyarihan papunta sakamay nang isang grupo o ilang indibidwal ang pagkilos nang taumbayan at sa malaotmadali ay magpapakasasa rin sa yaman at kapangyarihan ang mga makakaupo.Angkatotohanang hindi kikilos para agawin nang mamamayan ang pampulitikangkapangyarihan nang walang katiyakan ang pagbabago o patutunguhan ang syang tunayna dahilan kung bakit sa kabila nang kabulukan nang sistemang umiiral ay atubili pa rinang mamamayan na samahan ang sinumang grupo para ang bulok na kaayusan aytuluyang ibasura sa kasaysayan .Dahil ang mapait na katotohanan , mahabang panahon kinaligtaan nang mga prominenteng samahang masigasig na kumikilos para sa makabuluhang pagbabago naang isang bagong sistemang panlipunang ipapalit sa kasalukuyang nabubulok na sistemaay hindi sisimulan lamang sa mismong araw nang pagka - agaw nang pampulitikangkapangyarihan. Ang malawak na pwersang nagkakaisa nang mamamayang maykakayanang magpabagsak sa isang nabubulok na sistema ay hindi parang bulangsusulpot kung saan o tatalimang parang mga sundalong kikilos na muna at saka namagiisip o magtatanong kung bakit. Ang rekisito na nauunawaan nang mamayan na ang pagbabagong minimithi ay hindi katulad nang isang magandang pangarap o pangako na pwedeng matupad o hindi ….pwedeng huwag simulan ngayon o kaya ay maghintay nangibang panahon…ang syang salalayan nang isang tunay na pambansang pagkilos namakapagluluwal sa isang makabuluhang pag unlad o pagbabago nang Lipunan.
 
Ang pagkahubog nang isang pambansang kamalayan nang mamamayan na maykahandaang kumilos at magsakripisyo hindi lamang para sa pansariling kagalingan kunghindi para sa kapakanan nang kapwa at buong bansa ang syang tunay na motibasyongmay kapasidad na tuldukan ang kasalukuyang kahibangan sa kapangyarihan atkasakiman nang mga kumokontrol sa yaman at pampulitikang kapangyarihan saPilipinasIlan sa mga signipikanteng mga bagong grupo o organisasyong natatag ay ang gruponang KAYA NATIN na pinangungunahan nang mga tapat at mahuhusay na Chief Executive na tumatayong ehemplo at inspirasyon nang good and responsive localleadership at governance sa LGUs. Ang Tulong Barangay Movement na naghihikayatnang pagbuhay sa kaugalian nang damayan sa Komunidad at Barangay. AngBagumbayan Movement ni Senador Gordon na nanawagan nang pagbabagong buhaynang mga Pilipino sa pangunguna nang mga bagong tatayong lider nang bansa na mayintegridad at kredibilidad. Ang Bagong bihis na Economic at Social Reform Agenda niGen. Almonte na nangangarap nang pagkakaisa bilang isang bansa at pagunlad nangekonomiya nang buong bansa sa pamamagitan nang pagpapatupad nang desentralisasyonnang kapangyarihang pulitikal sa pamamagitan nang federal type of government atespesyalisasyon sa aspeto nang produksyon sa bawat rehiyon . Ang grassroot based naThird force coalition na binubuo ni Senator Kiko at mga nasa Kaliwang Pulitika sa pangunguna nang BAYAN Muna na nagsisikap na makapagbuo din nang platform based political party kabaligtaran nang umiiral na personality cult sa pulitika , Ang bagongtatag na Partido lakas nang Masa na iniluwal nang karanasan sa party list nangSANLAKAS at Partido nang Manggagawa na nagsisikap na makabuo nang partidonang masang Pilipino o grass root based Political Party na magbabandila nang platapormang pambayan bilang pantapat sa trapo politics na talamak na kalakaran sakasalukuyang electoral system. Ang Moral Recovery Crusade ni Bishop Nilo Tayag nanaghihikayat na tumakbong pangulo si Justice Puno upang pamunuan ang pagbangonnang moralidad nang mga taong papasok sa Serbisyo Publiko . Ang Kapatiran Party nanagsisikap na iluklok ang isang GOD centered Political Party Leadership sa bansa . AngMovement for Good Governance na naglalayong makatipon ang sampung milyong mulatna electorate na maghahahalal nang matitinong opisyal nang gobyerno na uupo sa local atnasyunal na antas at ang pinaka bago ay ang sumisibol na interes na ipinapakita nangmga grupo nang OFW/Diaspora na seryoso na ring kumilos at tumutulong para makialamna sa pagbabago at pulitika nang bansa . Ang ilan sa mga tampok na grupong ito ay angPPP oP artidong Pandaigdigang Pilipino, ang GFN o Global Filipino Nation at ang WFAo World Filipino Alliance at Save the Nation Movement na mahigpit ang ugnayan sa NAFAA ang pinaka malaking pederasyon nang mga Filipino Americans sa Amerika naang kasapian ay umaabot nang isang Milyon.Ang nagaganap na pagsusulputan ang mga organisasyon o pormasyong nabanggit na ayisang magandang senyales na sumasalamin sa kapasyahan nang marami sa ating mgakababayan ang nagsisimula nang kilalanin ang kawastuhan nang matiyagaang pagmumulat , pag oorganisa at pagkilos sa grassroots sa pagsisikap na hanapan nangsolusyon kung papaano makalahok ang pinaka malaking bilang nang mamamayan sa
 
samasamang pagtugon sa panawagang linisin ang gabundok na basurang nagsabog sa buong Lipunan. .Malinaw na ngayon na hindi lamang ang mga nakaupo at ang kanilangmga ginagawang patakaran at batas ang basurang dapat walisin ,kung hindi mismongang bawat mamamayan ay may pangangailangang simulang purgahin sa kanyang sariliat gawi sa pang araw –araw na buhay ang kontaminadong mikrobyong kumapit sa lahatnang panlipunang aktibidades.Malinaw na na ang panlipunang pagbabago ay hindimakakayang isulong o ibigay nang iilang tagapagligtas nang hindi desididong kumikilosat binabago nang taumbayan ang mga pagiisip at gawing bahagi nang bulok na sistemang panlipunan .At sa malaot madali…..Unti unti na nating matutuhang papaano mabuo ang isangmalakas na pwersang may kakayanang magdulot nang pagbabago sa loob nang bawattahanan , komunidad ,lugar na pinagtratrabahuhan ,kabarangay ,munisipyo, siyudad,probinsya at bansa.
Paano nga ba natin dapat inuunawa ang kahalagahan nang isang PambansangKamalayan maghahatid nang makabuluhang pagbabago sa bansang Pilipinas
Ang kaganapan nang tunay o makabuluhang pagbabago ay hindi nagaganap sa isangiglap o pangyayaring aksidente . Ito ay sinasadyang kagustuhan ,pinaghahandaan nanglakas at tumatantya nang kalagayan para sa tamang tyempo at pagkakataon. .Gaya nangagos nang tubig nang ilog ito ay may ibat ibang pagmumulan o paghuhugutan athahanap at lilikha nang sariling lagusan hanggang marating ang malawak na karagatan.Sa panimulay mahina at madalang ang agos at may pagkakataon pa ngang akala natiytuluyan nang naglalaho. Ngunit sa panahon na nagtatagpo at nagsasama-sama ang daloytungo sa iisang direksyon nagagawa nitong anurin maging ang mga datiy balakid upangmapasama sa daluyong nang malakas na agos kung saan ito mismo ang gagawa nang paraan upang makagawa nang sariling daluyan.Sentrong usapin ngayon na nais pag ukulan nang pansin nang may akda ay ang paghuhubog nang isang pambansang kamalayan na may pagtatangi sa kakayanan atkagalingan nang mga Pilipino bilang isang lahi. Tanging sa pagkakaroon nang pambansang kamalayan mabubuo ang pinakamalawak na pagkakaisa o pagbubuklodnang mamamayang Pilipino tatapos sa mahabang panahon nang pagkakawatak –watak at pagkakanya-kanya . Kung papaanong ang ibat-ibang magagandang mithiin aymagsasama-samang kahalintulad nang isang malakas na agos namay kakayanang agusinat sagasaan ang mga balakid na pumipigil sa pagkakamit nang mga makabuluhang pagbabago sa lipunan .Kung papaano at saan tayo dapat magsimula ay sa pag amin natin sa ating sarili na bagamat tayo ay may sariling konstitusyon, batas, halal na pinuno at teritoryongkalupaan tayo ay kapus paring matatawag na isang bansang nagkakaisa at tulong tulongna tumatahak sa kaunlaran at kaayusan bilang isang lahi . Ang pulo-pulong pagkakahiwalay nang ating lupain…Ang pagkakaiba nang ating mga salita at kaugalian,ang magkakaibang kinahinatnan sa ibat ibang probinsya nang paglaban nang ating mganinuno sa mga mananakop, Ang pagkakaiba nang an gating mga relihiyon at

Activity (2)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->