You are on page 1of 1

FEB.

26, 2013

NR # 3027B

Gumamit ng LED lights, hiniling


Hinikayat ni Rep. Edwin Olivarez (1st District, Paraaque City) ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na suportahan ang kanyang panukalang batas na hihikayat sa mga tanggapan ng gobyerno na itigil na ang paggamit ng incandescent bulbs, tube bulbs at Compact Fluorescent Lights (CFL) bulbs at sa halip ay gumamit ng Light Emitting Diode (LED) tube bulbs para bumaba ang bayad sa kuryente. Sa House Bill No. 6892 na iniakda ni Olivarez na tatawaging LED Light Saving Act of 2013, ang paggamit ng LED lights ay hindi lamang magtataguyod sa kakayahan ng gobyerno kundi mapo-protekhan din nito ang kalikasan kung hindi gagamit ng mga produktong may halong mercury o may high carbon dioxide emissions. Malaki ang maitutulong ng LED lights sa maayos na pag-andar ng air-conditioning units sa mga opisina ng gobyerno dahil hindi ito madaling mag-init, sabi ni Olivarez. Mas matibay ito kaysa pangkaraniwang bumbilya dahil may lifespan ito na hanggang 50,000 hours, kompara sa CFL na may lifespan na 8,000 hours, dagdag pa ni Olivarez. (30) eag

You might also like