You are on page 1of 25

CANT BE TAMED

CHAPTER ONE Hello ma,Im on my way. Give me an hour. Pagkasabi niyon ay agad niyang pinindot ang end call at saka paitsang nilagay ang cellphone sa dashboard ng kanyang BMW. 6 months pa lang ang kanyang kotse. Regalo ito ng papa niya nung nakaraang birthday niya. Spoiled siya sa kanyang papa, lahat ng hilingin niya binibigay nito. Palibhasa nag-iisa siyang anak. Hindi na siya nasundan dahil nahirapan daw ang kanyang mama nung ipanganak siya. Kaya naman lumaki siyang may gintong kutsara sa bibig. Tumingin siya sa kanyang wristwatch. Alas siyete pa lang ng gabi pero naabutan na siya ng traffic. Isang oras na din siyang nagbibiyahe pero nasa kahabaan pa siya ng Commonwealth. At malayu-layo pa siya sa Fairview kung saan naroon ang kanilang mansiyon. Pinauwi siya ng kanyang mga magulang dahil dumating ang kanyang abuela. Mula kasi ng magkaroon siya ng trabaho bumukod na siya ng tirahan. At ngayon nga sa isang condo unit sa Makati siya nakatira. Umuuwi lang siya sa mansiyon nila kapag may okasyon at kapag dumadalaw siya sa kanyang mga magulang kung hindi rin lang siya busy sa trabaho. But these past few months ay miminsan lang siya nakadalaw dahil na rin sa hectic niyang schedule. Muling tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa dashboard. Hello. Where are you? si Sofia. Ito ang kanyang bestfriend. Naging kaklase niya ito sa Amerika nung mag-aral siya doon ng college. Iisa lang naman kasi ang kursong kinuha nila. At dahil magkapareho sila ng mga hilig at trips sa buhay naging magkaibigan sila. Birds of the same feather flocks together ika nga. At ngayon nga they are the best of friends in town. Hello to you too. sagot niya sa tonong nagbibiro. Ngunit hindi nito pinansin ang pagbibiro niya. I said where are you? ulit nito sa tanong. On my way home. Dumating kasi ang aking beloved lola.sagot niya. Why? Kaya pala walang sumasagot sa telepono sa condo mo. Anyway, Ill just call you back later. I have something to discuss to you. Take care and please no use of cellphone while driving. Sabi nito at agad na ring tinapos ang tawag. Napailing siya sa kaibigan dahil sa huling sinabi nito. Kahit kailan masiyado talagang concerned ang kaibigan niya pagdating sa kanya. Mas matanda kasi ito ng dalawang taon sa kanya. At siya ay twenty three years old. Kaya minsan parang ate niya ito kung umasta. Well, Sofia Llanes was the sister she never had. Kaya nagpapasalamat siya at naging kaibigan niya ito. Na kung tutuusin naman parang kapatid na rin ang turingan nila sa isat-isa. She looked again at her wristwatch. Eight thirty na. Nang sa wakas ay makawala siya sa traffic. Thanks God. Usal niya. Binilisan na niya ang pagpapatakbo. Isa at kalahating oras din siyang naipit sa trapiko. Pinaparada na niya ang kanyang sasakyang sa kanilang garahe ng lumabas mula sa malaking bahay ang kanyang ama. The rich and famous Geronimo Fernandez. From the Fernandez Groups of Companies. It was one of the most reigning business all over the world. Kaya naman kilalang kilala ang kanyang ama sa mundo ng mga negosyante. Hija, sabi nito ng umibis siya sa kanyang sasakyan. Agad siyang humalik sa pisngi ng kanyang ama. Wheres everyone? tanong niya. Inside, kanina ka pa hinihintay ng dalawang yon. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay sinalubong siya ng kanyang mama. Agad siyang humalik sa pisngi nito at pagkuway lumapit siya sa kanyang abuela upang makipagbeso beso rito. What took you so long, hija? tanong ng kanyang mama. The former beauty queen Isabel Fernandez. Sa kanya niya namana ang height niyang five feet and six inches. Kanina pa naiinip ang lola mo sa paghihintay sayo. Nasaan ba ang condo mo at parang napakalayo naman ng biniyahe mo Ella? narinig niyang tanong ng kanyang abuela. Kasalukuyan kasi niyang hinuhubad ang kanyang suot na sandals. What else is new here? Parang hindi niyo naman kabisado ang Pinas la. Masyado pa ding matraffic.sagot niya sabay upo sa isa sa mga sofa sa kanilang maluwang na sala. O siya, kumain ka na at akoy magpapahinga na. Napagod ako sa bihaye. Sabi ng kanyang lola habang naglalakad ito papunta sa hagdan. Aakyat na ako sa kwarto ko, bukas nalang tayo magkwentuhan. Sa edad na seventy six ay malakas pa din ang kanyang abuela. Nagagawa pa nitong magbiyahe ng mag-isa mula Amerika papunta dito sa Pilipinas. Doon na kasi ito nakabase kasama ang nag-iisang kapatid na babae ng kanyang papa. Ang kanyang Auntie Liza. Na ngayon ay may sarili na ring pamilya. Umuuwi lang sa Pinas ang kanyang lola pag naisipan nitong umuwi. Basta lang maisipan niya, ganun. May saltik din kasi sa ulo ang kanyang lola. Natawa siya sa naisip. At sa kanya ka nagmana, Ella, sabi ng isang bahagi ng utak niya. Partly, yes. Dahil pareho silang matigas ang ulo. Ginagawa nito ang mga bagay na binabawal dito. Gaya ng pagbibiyahe ng nag-iisa dahil nga siyempre delikado na sa isang gaya nitong may edad na ang pagbibiyahe ng walang kasama. But still, ginagawa pa din nito. Ang katwiran nito ito daw ang higit na nakakakilala sa sarili nito kaya alam nitong kaya pa niyang magbihaye kahit na mag-isa. Sabi pa nga nito noon,I can still tour around the world if I may want it. Even without a company. Natawa pa nga siya ng marinig niya iyon. Walang nagawa ang kanyang ama kundi pagbigyan ito. Kaya heto at nakakagala ang kanyang lola na para bang Tagaytay lang ang Pilipinas kung magpasya itong umuwi. For sure, hindi rin naman ito mapipigil ng Auntie Liza niya kahit anong gawin nito. Saksi siya doon dahil sa bahay ng lola niya siya tumira nung nag-aaral pa lamang siya sa kolehiyo. Walang palag ang magkapatid pagdating sa mama ng mga ito. Tanging siya lang naman ata ang nakakapagpauto sa kanyang lola. Why not? Siya ang paboritong apo nito bukod sa dalawang anak ng Auntie Liza niya. Pareho kasing lalaki ang mga pinsan niya. Pumunta ka na sa kusina ng makakain ka na. boses ng mama niya ang pumutol sa pag-iisip niya. Nauna na kaming kumain kanina dahil nainip ang lola mo. Alam mo naman ang matandang yon. Elsa. Tawag nito sa isang katulong. Agad namang lumapit ang tinawag. Bakit ho maam? sagot nito. Anak ito ng mayordoma nila. Siguro kasing edad lang din niya ito. Ipaghanda mo ng makakain ang senyorita mo.utos ng kanyang mama. Agad namang bumalik sa kusina ang katulong. Eat well baby. Tingnan mo at nangangayayat ka na. sabi nito sabay halik sa kanyang ulo. Goodnight ma. Goodnight baby.

At umakyat na ito sa hagdan. Siya naman ay tumayo at nagtungo sa kusina upang kumain.

Subsob si Andrei sa laptop na nasa harap niya ng tumunog ang telepono. Ayaw sana niyang sagutin ito dahil sumasakit na ang kanyang ulo sa mga reports na binabasa niya at parang nadadagdagan pa iyon sa patuloy na pagtunog ng telepono. Dammit. Siguraduhin lang ng nasa kabilang linya na importante ang sasabihin nito. Inis na dinampot niya ang receiver . Hello honey. Where are you? Pagkarinig pa lang niya sa boses ay kilala na niya kung sino ito. Its definitely Karen. Nakilala niya ito the other night sa isang bar ng magkayayaan silang magkakaibigan na mag-unwind. Nilapitan siya nito at agad nagpakita ng interes sa kanya. And they end up into his bed. Isa na naman si Karen sa mga babaeng kumukulit sa kanya ngayon after the socalled one night stand. Madadagdagan na naman ang kailangan niyang iwasan. Malinaw naman sa mga ito, no strings attached. Ewan ba niya kung bakit tawag parin ng tawag ang mga ito kahit na tinapos na niya ang kanyang ugnayan sa mga ito. Nakahinga nga siya ng isang linggo dahil walang nangulit sa kanyang babae. Nagawa niya ang dapat niyang tapusin. Ngunit heto at uumpisahan na naman ni Karen. Humugot siya ng malalim na hininga bago sumagot sa kausap . Im busy. Call other time. Come on honey. Lets have dinner together. And then maybe we can drop by at my place. Im sure youll gonna love it.sabi nito sa nang-aakit na boses. Alam niya ang gustong tumbukin nito pero wala siya sa mood. Masakit ang ulo niya. Im really busy right now. Bye. Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Agad niyang binaba ang receiver. Pagkuway sinapo niya ang ulo niya. Marami pa siyang tatapusin. Marami pa siyang nakatambak na trabaho. Tumayo siya at tinungo ang mini ref na nasa kaliwang bahagi ng personal office niya. Naglabas siya roon ng mineral water at ininom ang gamot na kinuha niya sa kanyang medicine kit. Tumingin siya sa kanyang wristwatch. Alas diyes na pala ng gabi. Again, hindi na naman niya namalayan ang oras. Niligpit niya ang mga gamit na nagkalat sa ibabaw ng mesa niya. Bukas na niya ito tatapusin. Nakasakay na siya sa kotse niya ng tumunog ang cellphone niya. Oh no. Not other woman again. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag nakahinga siya ng maluwag ng malamang ang kuya Anthony niya ang nakaregister sa incoming call niya. Agad niya itong sinagot. What is it? Tumawag ang mama kanina. Hindi ka raw niya makontak sa cellphone mo.sagot nito. Maghapon kasi siyang naging abala sa trabaho. At kapag ganoong marami siyang ginagawa ay talagang inooff niya ang kanyang cellphone. Ayaw niyang magpakulit sa mga babaeng habol ng habol sa kanya. Women! His favorite pass time. They were all good. Wild and good in bed. Pero hanggang doon lang yon. Ayaw niya ng kahit anong commitment. Ayaw niyang matali sa isang babae. He wasnt ready yet to tie the knot, not now. He was still enjoying his bacherlorhood. At ang pag-aasawa ay malayo pa sa isip niya. Not until he hasnt find the right girl worth for his vow. Asawa? Bakit ba pag-aasawa ang naiisip ko? Ah! Marahil sa sobrang pagod lang. Idagdag pang kausap niya ang kuya niya who happened to be happily married with his wife Katrina. At ngayon nga dalawa na ang anak ng mga to. Binuhay na niya ang makina ng kanyang kotse. Okay. Ill call her back as soon as I get home. Thanks bro. Regards sa mag-ina mo. Yun lang at tinapos na niya ang tawag. Mula ng mamatay ang kanyang ama sa heart failure two years ago, silang magkapatid na ang namahala sa lahat ng iniwang negosyo ng kanyang ama. They owned an international banking and finance company. Ito ang hawak ng kuya niya. At siya, managed a chain of hotels and supermalls. Pagod na isinandal niya ang likod sa malambot na couch sa sala ng kanyang bahay. Pagkatapos hubarin ang sapatos dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Binagsak niya ang katawan sa malambot na kama. He was dropped dead tired.

Sumisikat na ang araw ng magising si Ella. Tiningnan niya ang orasan sa bed side table niya. Alas nuwebe na. Pumasok siya sa banyo upang maligo. Pababa siya ng hagdan ng makasalubong niya ang isang katulong. Si lola?tanong niya. Nasa garden po kasama ang mama niyo.sagot nito. Dumiretso siya sa garden sa likurang bahagi ng bahay. Good morning.bati niya paglapit niya sa dalawa. Si papa? Maagang umalis, may meeting daw siya.sagot ng kanyang mama. Here, take your breakfast first.sabi ng kanyang lola habang inilalapit sa harapan niya ang isang baso ng pineapple juice at plato na may hotdog, bacon at fried eggs. Kapag nasa condo siya hindi niya ugaling gumising ng maaga para magluto ng breakfast. Malimit ay nagpapadeliver siya pagdating niya sa kanyang opisina. Maaga kasi siyang pumapasok sa Sofia&Ella. Isang fashion house named after them, with her bestfriend Sofia. Ito ang negosyong tinayo nilang magkaibigan ng magtapos sila ng college. They are both popular fashion designers. Hindi lang miminsang nafeature sila sa ibat-ibang fashion magazine. No doubt dahil unique ang mga clothing styles nila. Kaya nga nagkaroon sila ng maraming branches na nagkalat sa buong Pilipinas. And now theyre planning to extend it outside the country. Iyon ang proposal ni Sofia nung tumawag ito kagabi pagkatapos niyang magdinner. Matagal na niyang balak iyon, hindi nga lang niya masabi sabi sa kaibigan dahil naging abala sila sa mga orders nitong mga nakaraang buwan. Hindi niya akalaing pareho pala sila ng iniisip ng kaibigan. Sila kasi mismo ang nagdedesign at gumagawa sa mga orders ng mga bigatin nilang kliyente. They know how fashion works in the social lifestyles of everyone. Fashion involved in our daily life. So, how have you been, hija?ang kanyang lola. Im doing great Grandma. Kayo dapat ang tinatanong ko niyan. Well, as you can see, Im still as tough as a carabao.pagbibiro nito.

Yeah right. As tough as a carabao yang tigas ng ulo niyo.ganting biro niya. Sabay na nagtawanan ang kanyang lola at mama. Look whos talking.sabat ng kanyang mama. Im not.depensa niyang sagot. Tell it to the marines baka sakaling paniwalaan ka.ang kanyang lola. Nagtatawanan pa din sila ng iabot ng isang katulong ang telepono sa kanya. Senyorita, si maam Sofia po. Gusto daw kayong makausap. Inabot niya ang telepono. Nag-excuse siya sa kanyang mama at lola at pumunta sa pool na katapat ng garden. Yes Sofia? Sofie ang palayaw nito pero sa tunay na pangalan niya ito tinatawag. Para sa kanya kasi mas malambing banggitin ang Sofia kaysa sa Sofie. Are you busy right now? Samahan mo naman ako please? Not really. To where?tanong niya. Mall. Im gonna look for that new series of Gossip Girl book. Pareho silang adik sa Gossip Girl. Madalas nila itong panuoring dalawa noon sa bahay ng kanyang lola sa Amerika. Ito ang bonding moment nila bukod sa pagshoshopping kapag wala silang pasok. Kaya naman kinolekta nito ang mga series books ng Gossip Girl. Kakaiba kasi ang fashion statement ng mga bida sa nasabing palabas. Maraming mapupulot, lalo na sa mga kagaya nilang nasa fashion world. At aminado siyang marami silang ideas na nakukuha dito, bukod sa nakakakilig siyempre ang kwento. Okay. Magkita nalang tayo sa mall. What time ba? Nandito ako sa boutique. Hinihintay ko si Miss Jessie. Kukunin niya kasi ngayon yong pinagawa niyang long gown. Si Jessie ay isa lang sa mga regular customers nila. Isa itong modelo. At isa lang ang masasabi niya. She has a voluptuous body. Can you drop by here? Para sabay na tayong pumunta. Hindi ko dala ang sasakyan ko. Coding ko ngayon. Okay. Wait me there. Bye.pagtatapos niya sa tawag. Pagbalik niya sa garden wala na ang kanyang mama at lola. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagbihis ng pang-alis. Maya maya lang ay binabaybay na niya ang daan papunta sa main boutique nila. Pagdating niya dun ay naghihintay na ang kanyang kaibigan. Mahigit isang oras din ang biyahe niya. Lets go.sabi nito pagkakita sa kanya. Pagdating nila sa mall ay kumain muna sila. So tell me, is Ryan ok? What do you think of him?tanong nito habang nakatingin sa kanya. Si Ryan ang latest boyfriend nito. Pinakilala nito sa kanya noong isang araw. Mataman niya itong tinitigan. What?tanong nito sa ginawa niyang pagtitig dito. I dont like him. Nothing more special bout him.aniya. Is that all you can say?sabi nito na bahagyang tumaas ang boses. What do you want me to say? You asked me and then I gave an honest opinion. Yeah. An honest opinion. Ganoon naman lagi ang sinasabi mo everytime I ask you bout my boyfriend. Kay Vincent ganyan din ang sinabi mo noon. Kay Jake harap harapan mong sinabing ayaw mo siya. And the rest ganyan na ganyan din.You know what girlfriend nagtataka lang ako sayo. Do you hate men? mahabang paliwanag nito. Of course not. E di sana I dont like Tom Cruise.sagot niya sa tanong nito. Thats not what I mean. When we were in college ang dami daming nanliligaw sayo noon pero ni isa man lang wala kang sinagot. Kasi po wala akong magustuhan sa kanila.depensa niya. No. Its not like that. Kasi din po first move pa lang nila tinu-turn down mo na. Hindi mo pa nga nakikilala ng lubusan inaayawan mo na. Paano ka magkakaroon ng boyfriend niyan?sabi nito. Oo nga at ganoon siya. Pero anong magagawa niya e sa ayaw nga niya sa mga nanliligaw sa kanya. Kaysa naman sa paasahin niya ang mga yon sa wala. Kaya habang maaga dinidispatsa na niya ang mga to. Masiyado kasing mataas ang standards mo sa pagpili ng mamahalin. Babaan mo para may maqualify naman. Ano bang ideal man mo?narinig pa niyang sabi nito. Hmmm. Ideal man ko? Isa lang naman ang hinahanap ko sa isang guy. Iyong kapag nakita ko siya alam kong siya na. A man who can makes my heart beat faster. Iyong kayang guluhin ang buong sistema ng katawan ko. Twenty three years old ka na iha. Your old enough. Youre not getting any younger anymore.patuloy nito. She shrugged. At saka sumipsip sa iced tea na nasa harapan niya. Nagpatuloy pa din ito. The famous fashion designer Ella Mae Fernandez was a man-hater and an ice maiden.pang-aasar pa nito. Im not either of the two.sagot niya. Irritation rose in her. So tell me why is it that you still have no boyfriend till now? Tuluyan na siyang nainis sa kaibigan. Have you brought me here just to pissed me off? Hey, easy. Nagtatanong lang naman ako. Im just curious you know.natatawang sabi nito. If you done lets go.aniya sabay sukbit ng bag sa kanyang balikat. Tuluyan ng nasira ang mood niya. Kapag ganitong inaasar siya ng kaibigan talagang napipikon siya. Pero hindi naman yong hindi sila nagpapansinan. Kahit inis ang isa sa kanila nagpapansinan pa din sila. Solid ang friendship nila ni Sofia. Hindi gaya ng ibang magkakaibigan na kapag nainis ang isa sa kagrupo wala ng pansinan. Sila hindi, kabisado na nila ang ugali ng isat-isa. Lumabas na sila ng kinainan.

CHAPTER TWO Kasalukuyan siyang nasa meeting with other business associates sa isang kilalang coffee shop na nasa loob ng mall na pag-aari niya mismo ng may mahagip ng tingin ang kanyang mata. Palabas ang mga ito ng Sbarro na katapat ng coffee shop kung saan naroon sila ng mga kasama. Parehong maganda ang dalawang babae. Pero ang mas nakapukaw ng atensiyon niya ang nagmamay-ari ng mukhang iyon. The one and only Ella Mae Fernandez. Anak ng business tycoon

na si Mr. Geronimo Fernandez. Isa itong sikat na fashion designer. Ilang beses na ba niyang nakita ito sa mga pahina ng magazines? Oo nga at talagang maganda ito, but he wasnt expecting na ganoon pala ito kaganda sa personal. She has the most beautiful face he had ever seen in his entire life. Beautiful wasnt enough to describe her. Shes stunning. Sinundan niya ito ng tingin. Nakamini-skirt ito which is great dahil lalo lang naemphasize ang mga binti nito. And the legs, wow! Perfect. Tumingin siya sa mga kasama na noon ay nagpipirmahan na ng mga contracts for their new project. Muli niyang sinulyapan ang babae, malayo na ito at ang kasama nito.Tanging likuran na lang ng mga to ang natatanaw niya mula sa glass door ng nasabing coffee shop. She could be a model itself,anang bahagi ng kanyang isip. Sa tingin niya mas bagay itong maging modelo. She got the heights and a perfect pair of legs. Para sa kanya mas bagay dito ang mga damit na dinedesenyo nito para sa mga ibang modelo. Ang mga papeles na inilapag sa harapan niya ang nagpabalik sa kanyang isip. Oras na para siya naman ang pumirma. Pagkatapos niyang pirmahan ang mga papeles nakipagkamay ang mga to sa kanya at sabay sabay na silang lumabas sa nasabing establisiyemento. Binaybay niya ang parking lot kung saan nakapark ang kanyang sasakyan. Maya maya lang binabagtas na niya ang daan pauwi sa kanilang bahay. Pupuntahan niya ang kanyang ina. Hindi niya ito natawagan kagabi dahil agad siyang nakatulog. Kaya sasadyain na lamang niya ito para makadalaw na din dito. At isa pa matagal tagal na din mula noong huli siyang umuwi doon. Pagdating niya sa kanila naabutan niya ito sa sala na may kausap sa telepono. Oh sure hija, you can come to my place. Dalhin mo na rin yong mga bago niyong designs.sabi nito sa kausap. At pagkatapos ay nagpaalam na ito. Lumapit siya sa ina at humalik sa pisngi nito. Whos that?tanong niya. Si Sofie, my fashion designer.sagot nito. Nagkibit siya ng mga balikat at naupo sa isang single settee na naroroon. Speaking of fashion designer, a face popped up on his mind. Damn! Bakit ko ba siya naiisip? To think na kanina ko lang siya nakita in person. Ihinilamos niya ang mga kamay sa mukha niya. Shes great. And a beautiful too. You must meet her.narinig niyang sabi ng kanyang ina. Mom, I dont have time and- Im sure you look good together.agaw nito sa sasabihin pa niya dapat. Or maybe I can set a date on the two of you. Mom stop it. I said I dont have the time.inis niyang sagot dito. Dont make me laugh son. I know you always have time womanizing around. Not anymore, mom. depensa niyang sagot. If that so, then Its time for you to have a serious relationship. Para naman makapag-asawa ka na. Look at your brother, hindi ka ba naiinggit sa kanya? He was gifted with two beautiful daughters. Dont you wish building your own family? Aba Andrei tumatakbo ang panahon. At hindi ka na bumabata. You need someone to take care of you. Paano na lang kung mawala ako?mahabang litanya nito. He rolled his eyes. Here we go again. Kaya nga minsan ayaw niyang umuwi dito dahil sa pangungulit ng kanyang ina tungkol sa pag-aasawa. Mom Im just twenty nine. Its too soon to settle down. And besides Im busy raising our business to the top.naiirita niyang sagot. Our business was already at the top. Dont give me that crap.she said in a wrathful tone. Hindi niya pinansin ang tono nito. Sabi ni kuya tumatawag ka raw sakin?pag-iiba niya ng usapan. Wala siyang balak makinig ng sermon ngayon. Yeah. Muntik ko ng makalimutan, mabuti at pumunta ka dito.anito sa mababa ng tinig. Im attending an event at gusto ko nandoon ka. What event? Thanksgiving party para sa ginanap na bazaar last week. Successful ang charity sales namin kaya we planned to have a party next Wednesday. Kasali ang ina niya sa maraming institution na nagsasagawa ng mga nakakatulong sa mga mahihirap na kababayan. At nung nakaraang linggo nga ay nagsagawa ang mga to ng bazaar to raise money for charity. Do I need to go there? I think my presence wont need there. Wala naman akong naitulong doon. And mom, kelan mo pa ako niyayang sumama sa mga party na ganyan. Alam mo namang wala akong hilig dyan.reklamo niya. Ilang party na ba ang pinuntahan nito at never siya nitong niyayang sumama. So why now? nagtataka niyang isip. You need to come sweetie, Sofia will be attending. And a lot of beautiful girls. Malay mo doon mo mameet ang meant-to-be mo. Ah kaya pala. Sabi na nga ba e at duda siya sa pagyayayang ito ng kanyang ina. May hidden agenda pala ito na ngayon ay hindi na hidden dahil parang inamin na rin nito ang totoong hangarin nito sa pagyayaya sa kanya sa nasabing party. Akala ko pa naman tapos na ang isyu na yon. And whos Sofia anyway? Hah, hindi siya interesado. Kung kasing ganda ito ni Ella pwede pa. Pero hindi din, walang papantay sa ganda ng nag-iisang Ella Mae Fernandez. Mom paulit ulit lang tayo. Dont rush me to get married okay? Ako ang bahala kung kailan ko gustong lumagay sa tahimik. Not for you to decide. And Im not going for that party. Not in my life.napipikon na niyang sabi. Alam na ng kanyang ina kapag ganoon ang tono niya. Okay, but just this one sweetie. Attend the party and then I wont push you to get married.anito. No. mariing tanggi niya. Come on sweetie. Just this once. And then Ill leave you for your decisions.her mother keeps on bargaining. I said no.sabi niya sa matigas na tinig kasabay ng pagtayo. Alam na ng kanyang ina na tinatapos na niya ang usapan na yon. Tinungo niya ang hagdan. Okay. Maybe ako na lang. I wont miss the party. Im going to meet Ella Mae Fernandez over there. Finally mami-meet ko na rin siya in person. Lagi kasing si Sofia ang nakakaharap ko sa tuwing umoorder ako.anito. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng marinig niya yon. Napatda siya sa paghakbang. At nilingon ang kanyang ina.What did you just say mom? Who you will be going to meet? Did I heard the name Ella Mae Fernandez?sunod sunod na tanong niya.

Yeah. You heard it right. She will be at the party. Siya ang partner ni Sofia sa negosyo. Hindi ko pa kasi siya nami-meet personally so I think it was my chance to meet her,tugon nito. Then I think I can accompany you to the party.bigla niyang nasabi at saka itinuloy ang paghakbang. Hindi na niya hinintay na makasagot ang kanyang ina. Dumiretso agad siya sa kanyang silid. Marahil ay nagtataka ito sa biglang pagbabago ng isip niya. Kanina lang ay grabe ang pagtanggi niya. Siya man ay nagtataka din kung bakit bigla niyang nasabi iyon. Kasi gusto mo ulit siyang makita, sagot ng isang bahagi ng kanyang isip. Of course not!tanggi naman ng isa niyang isip. Bumuntong hininga siya. What was happening to him? Bakit ba lagi nalang sumisingit sa isip niya ang Ella Fernandez na yon mula pa kanina? Ni hindi pa nga niya ito name-meet personally. Ni hindi din nito alam na nag-eexist siya sa mundong ito. Lihim na nagtaka si Mrs. Analiza Morales sa naging sagot ng anak. Parang kanina lang ay halos magmakaawa siyang sumama ito pero mariin ang pagtanggi nito. At kilala niya ang bunsong anak. Kapag sinabing ayaw nito, ayaw nito. Sino man sa kanila ay hindi ito napipilit sa hindi nito gusto. Kahit ang namayapa niyang asawa ay nahihirapan ding kumbinsihin ang anak niyang ito. Pero sa isang Ella Fernandez kay bilis nitong nagbago ng isip. Interesting. Lihim siyang napangiti. Lalo tuloy umahon ang eagerness niyang makilala ang isang Ella Mae Fernandez. She must be someone special.

Kasalukuyang kausap ni Ella ang kaibigang si Sofia at iba pang kilalang personalidad ng dumako ang tingin niya sa entrance ng kinaroroonan nilang bulwagan. Dito dadausin ang isang thanksgiving party para sa nakalipas na charity sales. Isang lalaki ang nakaagaw ng atensiyon niya. At papasok ito sa nasabing bulwagan. Akay nito ang isang medyo may edad ng babae. Siguro nasa mid-sixties ito. At kitang kita ang kagandahan nito despite the age. Siguro ubod ito ng ganda noong kabataan niya,naisip niya. And wait! She looked at the dress she was wearing. Design ko yan ah. Isa ba ang ginang sa marami nilang customers? Ah!hindi niya alam. Si Sofia kasi ang incharged sa pakikipag-usap ng personal sa mga customers nila. At siya, mas gusto niyang siya ang personal na nagdedesign at gumagawa ng mga damit. Mag-ano kaya tong dalawang to? Tinitigan niya ang lalaki habang palapit ang mga ito sa kinaroroonan nila. He was tall and awesomely handsome. Ngayon lang ata siya nakakita ng lalaking kasing gwapo nito. Hes one of his kind. Maayos ang buhok nito na bumagay sa shape ng mukha nito. Matangos ang ilong, may manipis na labi, and his eyes-oh my god! They are the most expressive eyes in the universe. Gray ang kulay ng mga mata nito. It was out of the ordinary. Teka, paano ko nalaman ang kulay ng mga mata niya? Huli na para bawiin ang ginawa niyang pagexplore sa mukha nito. Nasa harapan na niya ang mga ito. Nakakahiya. Kung pwede lang sana kainin na siya ng lupa sa kinatatayuan niya. Kahit hindi niya nakikita ang mukha niya alam niyang namumula ang mga pisngi niya sa natamong kahihiyan. Bakit naman kasi obvious ang ginawa mong pagtitig e, kastigo ng isang bahagi ng kanyang isip. Anong magagawa ko para siyang Greek God na bumaba mula sa Mt. Olympus. Masisisi mo ba ako?depensa naman ng isang bahagi ng kanyang isip. Tumikhim si Sofia at binati ang dalawang bagong dating at pagkuway ipinakilala siya nito. Ella, this is Mrs. Analiza Morales. Suki natin yan.ani kanyang kaibigan. Maam Ana, this is my bestfriend and my partner in crime, Ella Mae Fernandez. Nagbeso beso silang dalawa ni Mrs. Morales. Finally, weve met hija. Ive been waiting for this day. Sofia, hindi mo sinabing ganito pala kaganda ang partner mo.baling nito sa kanyang kaibigan. And shes still single Maam Ana. At ang bruha niyang kaibigan nilaglag siya. Nagmukha na nga siyang tanga kanina dadagdagan pa nito.Pasimple niya itong tiningnan ng masama. Mamaya ka lang. Oh really? I cant believe na sa ganda mong yan ay wala ka pang nobyo, hija. ani Mrs. Morales. At bago pa makapagsalita ulit ang kaibigan niya ay inunahan na niya ito. Baka kung ano na naman ang maidaldal nito. Nice to meet you, Mrs. Morales, paumpisa niya. Naku, wag niyo pong pinagpapapansin yang kaibigan kong yan. Minsan talaga kung anu-ano ang nasasabi niyan.pagbibiro niya. Just call me Tita Ana. Drop the formalities hija. By the way, ladies meet my son, Andrei Morales,ani ng ginang. Son, this is Sofia Llanes and Ella Mae Fernandez. Nice to meet you, Sofia.sabi nito sabay lahad sa palad nito para sa shake hands. Buong-buo ang boses nito. Matapos makipagkamay sa kanyang kaibigan ay binalingan siya nito. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. And Im happy to meet you, Mae. Mae? Wala pang tumawag sa kanya by her second name. Kahit ang mga magulang niya ay Ella ang nakasanayang itawag sa kanya. And the way he says my name was so sweet. Oh no! Im gonna faint anytime. Parang biglang sumikip sa napakalaking bulwagan na iyon at nahihirapan siyang huminga. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Naramdaman niya ang marahan nitong pagpisil sa palad niya. S-same here.she stuttered.

Hindi nakaligtas sa kanya ang panginginig ng palad ni Ella. Natutuwa siyang pagmasdan ang namumula nitong mga pisngi. Cute pala ito kapag nahihiya. Namumula ang mga pisngi nito na kitang kita dahil sa maliwanag na ilaw. Idagdag pang she has a fair skin. Higit pala talaga itong maganda sa malapitan. Ito ang babeng tinatapunan ng second look, or maybe third look. At kahit siguro nasa gitna ito ng maraming tao mag-i-stand out pa rin ito sa karamihan. Naaliw siyang pagmasdan ito kanina habang ina-assess siya mula ulo hanggang paa. Doon niya sinamantalang pagmasdan din ito. At ngayon habang pinagmamasdan niya itong nakikipag-usap sa mga ibang personalidad na naroroon sa nasabing party ay hindi niya talaga mapigilang humanga. Bagay na bagay dito ang suot nitong cocktail dress. Umabot lang ang haba nun above her knee. Her back was bared. Simply arousing. Uminit ang kanyang pakiramdam. Weird. Tumayo siya at lumapit sa buffet table ng may biglang humalik sa kanya. Hindi niya inaasahan yun kaya naman nagulat siya at hindi agad nakapag-react. Hey, what are you doing here? I didnt expecting to see you here. Whos with you? sabi nito pagkatapos siyang halikan. It was Jessie. Isang modelo na nakilala niya noon mula sa isang kaibigan.

Tiningnan niya ito. She was wearing a long black gown. Simple lang ang pagkakadisenyo pero masasabi mong expert ang gumawa non. Sa trabaho din naman nito malamang puro fashion experts ang nagproprovide ng mga susuotin nito. Im with my mom. sagot niya sabay turo sa kanyang ina na noon ay kausap ni Sofia. Mind if I join you?anito. Nagkibit lang siya ng balikat bilang tugon.

Hindi nakaligtas kay Ella ang nakita niyang eksena. Naghahalikan ang mga to. Hindi man lang nahiya ang mga to, dun pa sa lugar na yon na maraming tao. Umahon ang inis niya. Bakit ka ba naiinis? Hindi mo naman siya boyfriend ah?kastigo ng kanyang isip. Oo nga at hindi niya ito boyfriend, pero tama bang doon sila maghalikan? Hindi man lang makapag-antay ang mga to. Hindi man lang namili ng lugar. Pero knowing Jessie, hindi na siya magtataka. Liberated naman kasi ang isang to. Nairita siya sa nakita kaya naman nagpasintabi siya sa mga kasama at tinungo ang powder room. Hinanap ng mga mata niya si Ella mula sa malawak na bulwagan. Pero hindi niya ito makita. Umuwi na ba ito? Nang may lumapit kay Jessie ay agad siyang lumayo at hinanap ang banyo. Alam niyang hindi siya lalayuan ng dalaga kaya naman sinamantala na niyang may kumausap dito. Mahirap pa naman itong itaboy.

CHAPTER THREE Lumabas siya ng powder room habang hinahalungkat ang bag niya dahil narinig niyang nagriring ang cellphone niya ng bumangga ang katawan niya sa isang malaking bulto. At dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya ay naramdaman niyang babagsak siya sa makintab na tiles ng pathway na iyon. Mariin siyang pumikit at hinintay ang pagbagsak niya. Gotcha.sabi ng tinig na narinig niya. Agad siyang nagmulat ng mata. At bumungad sa paningin niya ang gwapong mukha na iyon. Nakatunghay ito sa kanya mula sa ayos niyang malapit ng bumagsak sa sahig. Nakaalalay ang mga braso nito sa likuran niya dahil sa pagsalo nito sa katawan niya upang hindi siya tuluyang bumagsak. Agad ang pag-ahon ng kaba sa kanyang dibdib. At dahil hindi niya napaghandaan ito ay bahagya siyang nawala sa sarili. Hindi agad siya nakakilos. Nang itayo siya ni Andrei she composed herself at hinarap ito. Bulag ka ba ha?pagalit niyang sabi upang pagtakpan ang kabang nararamdaman. Muntik na akong madisgrasya dahil sayo. Bakit ba hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo? Hey, hey, hey. Is that how you thank the one who helped you? anito habang nakataas ang dalawang kamay. Ikaw nga itong hindi nakatingin sa dinadaanan mo. Kung hindi ka kasi hahara-hara sa daanan hindi ako babangga sayo. Wag ka kasing maglakad habang may ginagawa ka. Alam mo pa lang may ginagawa ako e, di sana iniwasan mo ako.

I cant believe this woman. Ito na nga ang tinulungan, ito pa ang galit. May tinatago din pala itong bangis. Despite the innocent face there was a tigress buried in her. Napailing si Andrei. Look Mae, hindi ko alam na babangga ka sakin. And besides nasalo naman kita. So no need to worry about. Youre okay.paliwanag niya dito. Yun na nga e, pano kung hindi mo ako nasalo at- I wont let that happen. pang-aagaw niya sa sasabihin nito. Hinampas siya nito ng bag. Aray. sapol siya sa dibdib. May pagkabayolente din pala ito What was that? kunot ang noong tanong niya. What if bumagok ang ulo ko sa sahig? I would have died. horrified look into her face. Youre a bit overreacting.he said in a furious tone. Ano ba itong babaeng to. Nabangga lang,over mag-react. Next time see where were you heading to. Nang hindi ka bumabangga kung saan saan.aniya at nilagpasan ito.

The nerve! Overreacting pa daw siya? Paano kung bumagok nga naman ang ulo niya sa sahig. It may cause a big damage. Akala mo kung sinong gwapo. At ang herodes nilayasan ako. Hindi man lang nagsorry. Bastard! Tinungo niya ang malaking bulwagan habang dala pa din ang inis. Pagkakita niya kay Sofia ay nilapitan niya ito. Ella, where have you been? Kanina pa kita hinaha-hey whats with that face? Bakit di maipinta yang mukha mo? Sinong nakaaway mo?sunod-suond na tanong nito ng marahil ay mapansing nakasimangot siya. Some jerk.sabi niya sabay ng paghalukipkip. Whos jerk?ani Mrs. Morales. Narinig marahil nito ang sinabi niya. Your son, Tita.sagot niya sabay ng pag-excuse ng marinig niyang nagriring ulit ang kanyang cellphone. Lumayo siya sa mga ito at sinagot ang tawag. Hindi niya napansin ang malaman na pagtitinginan ng dalawa. At sabay nun ay ang pagngiti ng mga ito.

Araw ng Martes at ngayon ang nakatakdang araw ng pag-uusap nila ni Mr. Geronimo Fernandez. Nasa isang sikat na coffee shop si Andrei kung saan nila napagkasunduang magkita. Alas diyes pa lang ng umaga. Maaga siya ng trienta minutos. Lagi ng ganoon ang gawi niya sa tuwing may meeting siya sa labas. Ayaw niyang nale-late, ayaw niyang mapahiya at masabihang unproffessional makipag-usap. Mula ng pamahalaan niya ang ibang negosyo nila never pa siyang nahuli sa mga meeting places niya. Humigop siya sa kape na nasa harapan niya. Maya lang ay nakita niyang

papasok na sa nasabing coffee shop ang kanyang kameeting. Tumayo siya ng makalapit ito sa mesang kinaroroonan niya. Kinamayan niya ito. Its good to see you again, Mr. Morales.anito. Ilang beses na din naman niya itong nakita at nakasalamuha sa mga pagtitipon na pinupuntahan niya na may kinalaman sa negosyo. Same here, Sir.ganting bati niya. Naupo sila at umorder ito ng kape sa lumapit na matre d'. I thought I am the most punctual businessman in this world. I always came thirty minutes ahead of the time. Pero naunahan mo ako.nangingiting sabi nito. Natawa siya sa sinabi nito. Did I broke your records, Sir?ganting biro niya. Hindi nito napigilang tumawa sa sinabi niya. Kagaya ka rin ng Daddy mo. But not as punctual as you.anito. Then Im flattered to be the first on the dot, Sir. Matapos magbiruan ay pareho na silang seryoso sa pinag-uusapan. So what do you think?tanong nito. Sinabi niya ang kanyang preferences sa mga inilatag nitong plano. You amazed me.sambit nito. A highly intelligent businessman at your young age. Do you have a girlfriend? Bagamat nagulat sa tanong nito ay hindi siya nagpahalata. Thank you, Sir.aniya sa ginawa nitong pagpuri sa kanya. No, Sir, I dont have. Humigop siya ng kape. Really? Im glad. Bagay kayo ng anak ko.anito. Nasamid siya. Muntik na niyang maibuga ang kapeng iniinom niya. You bet. Nagpatuloy ito. Pero masiyadong aloof ang dalaga ko. Hindi ko pa nabalitaang nagkaboyfriend man lang yon. Nag-aalala nga ako sa batang yon at nagiging workaholic na. Naalala niya ang sinabi noon ni Sofia sa party na single pa din ito. Good. Anim na araw na din ang nakakaraan mula nong makaengkwentro niya ito sa nasabing pagtitipon. So paano, ipapadala ko nalang ang mga papeles sa opisina mo.sabi nito at tumayo na. Tumayo na rin siya at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Have a good day.anito bago tuluyang lumabas ng pinto. Nag-iwan siya ng bill sa mesa at nilisan ang coffee shop.

Nasa loob siya ng kanyang opisina ng katukin siya ni Sofia. Saglit lang niya itong tinapunan ng tingin at pagkuway ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa. Lunch time na Ella. Come on. Gutom na ako. yakag nito. Sinipat niya ang kanyang wristwatch. Alas dose pasado na nga. Medyo nakakaramdam na din siya ng gutom. Naupo ito sa silyang nasa harapan ng mesa niya. Niligpit niya ang mga gamit at kinuha ang kanyang bag. Maya maya lang ay papunta na sila sa paborito nilang restaurant. Hows tita Isabel and lola Agua.tanong nito na ang tinutukoy ay ang kanyang mama at lola. Theyre fine.aniya. Nakasakay siya sa kotse nito dahil hindi niya dala ang kanyang sasakyan. Hinatid lang siya kaninang umaga ng kanyang ama dahil sa mansiyon siya natulog kagabi. E kumusta naman si Andrei? Nagulat siya sa tanong nito. Whos Andrei?patay-malisya niyang tanong. The jerk, remember?anito sa tonong nanunukso. Bigla niyang naalala ang mukha nito. At ang mga mata nitong parang humihigop kung tumingin. Parang namiss ko siya. At pagkatapos ay naalala ang naging huli nilang pagkikita at ang halikang namagitan dito at kay Jessie. Biglang umahon ang inis niya sa naisip. Do I care about him? Paki ko naman sa kanya. Bakit sakin mo siya tinatanong close ba kami? Kung gusto mo siyang kamustahin e di tawagan mo si Jessie.mahabang sabi niya. Oh bat parang galit ka? Easy girlfriend.natatawang sabi nito. Alam niya inaasar na naman siya ng kaibigan. Hinding hindi siya magpapaapekto sa mga pang-aasar nito. Baka akala nito, may kasalanan pa nga ito sa kanya dahil pinangalandakan nito sa party na wala siyang boyfriend. Akala ba nito natutuwa siya doon? Nagkita kami ni Andrei kahapon.patuloy nito. Talaga? Bakit hindi mo sinabi kahapon? Saan kayo nagkita? Nag-usap ba kayo? Anong pinag-usapan niyo? Sunod-sunod na tanong ng kanyang isip. Who cares? And guess what he said.anito na ang mga mata ay nakatutok sa daan. Hindi ako interesado. Anong sinabi niya?Oh please sabihin mo anong sinabi niya? Lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa din ito umiimik. Lumingon siya sa labas ng bintana. Ano bang sinabi niya?hindi nakatiis na tanong niya. Hindi niya napansin ang lihim nitong pagngiti. Akala ko ba hindi ka interesado? Aminin mo na kasi youre attracted to him.anito. Of course not. Of course not your face. Sa akin ka pa maglilihim. I know you for a decades now Ella. Im not attracted to him, okay?I was just curious kaya ako nagtanong. Youre blushing.Sofia said, teasing. Cut the crap. Napipikon na siya. Just admit it, tapos ang usapan. You are attracted to him. Hindi mo pwedeng ipagkaila ang sinasabi ng mga mata mo.litanya nito. Siya? Attracted sa kumag na yon? No way! Pero bakit siya interesado ng sabihin ng kaibigan na nagkita ang mga ito kahapon? Hindi kaya attracted talaga siya sa binata? Dahilan upang lagi niyang naiisip ang mga mata nito sa nakalipas na mga araw? Hindi rin, naiisip ko lang ang mga mata niya dahil kakaiba ito. Iilang tao lang ba ang may ganong kulay ng

mata. Malamang foreigners pa ang mga yon.Kontra ng isip niya. Namalayan na lang niyang huminto ang sasakyan. Narating na nila ang paborito nilang restaurant. Hinihintay na nila ang kanilang orders ng tumunog ang cell phone ng kaibigan. Sinagot nito ang tawag. Hello. What?anito na bahagyang tumaas ang boses matapos mapakinggan ang nasa kabilang linya. Nilingon niya ito. Nakita niyang kumunot ang noo nito. Okay,tell him that Ill come over. Maya maya lang ay narinig niyang sabi nito. Matapos nitong ibaba ang hawak na cellular phone ay saka namang dating ng kanilang orders. Ella, Im sorry. Kailangan kong puntahan ang kuya ko.anito sa nagsusumamong tinig. Nagwawala daw kasi siya sa bahay nila at hindi maawat ng mga katulong. Umalis na naman daw kasi ang asawa niya. Go then. Im okay here. Dont mind me, go.pagtataboy niya dito. Kabisado na rin kasi niya ang kuya nito. Sakit ito sa ulo noong wala pa itong asawa. At ng nagkaroon naman ito ng asawa mas lalo itong naging sakit sa ulo. Lagi kasing nag-aaway ang dalawa. Maraming hindi pinagkakasunduan. At ang asawa nito ay laging lumalayas sa tuwing nag-aaway ang mga to. At ang kuya naman ng kaibigan nagwawala sa tuwing nilalayasan ng asawa. Parang mga bata. At ngayon marahil ganoon na naman ang nangyari. Paulit-ulit nalang ang mga to. Ang kaibigan niya ang tanging nakakapagpakalma sa baliw nitong kuya. Kaya naman ito ang madalas tawagan ng mga katulong sa tuwing ganoon ang eksena. Are you sure youll be okay here? Im really sorry hindi kita masasamahan kumain. I promise Ill make it up to you. Ano ka ba. Just go. Baka wala ng kasangkapang natira sa bahay ng kuya mo.she mocked. Okay. Thanks. But wait, paano ka pala uuwi? Ill just take a cab, dont worry.sagot niya. Mabilis na umalis ang kanyang kaibigan. Inumpisahan niyang galawin ang pagkaing nasa plato niya. Alone?narinig niyang sabi ng isang pamilyar na tinig. Unti-unti niyang nilingon ang taong nakatayo sa harapan niya. And her heart beats became irrational. Dumako ang paningin niya sa mga mata nito. Nakakahipnotismo ang mga abuhing mata nito. Are they real o contact lens? Ipinilig niya ang ulo. Teka, nagmumukha na naman akong tanga sa harapan nito. Tumuwid siya ng upo at sinagot ito. You just stated the obvious. He grinned. Holy cow! Sa kauna-unahang pagkakataon nakita niyang ngumiti ito. He looked more gorgeous with that smile. Why are you alone? Umupo ito sa katapat niyang silya. Hindi ba pwedeng mag-isa ang isang tao? inirapan niya ito. Hindi nito pinansin ang pagtataray niya. Order mo ba tong lahat? Bakit parang ang dami? Oo bakit? Paki mo? Hell, you eat like a man.sabi nito. Hindi noh. Naniwala ka naman. Dalawa dapat kami ni Sofia kakain, kaso may emergency.paliwanag niya. You should eat a lot. Look at you, youre so thin.pinagdiinan nito ang salitang thin. Dont you know the word slim? The nerve of this man. Nagpunta lang ba ito dun para laiitin siya? Inirapan niya uli ito.

CHAPTER FOUR Naaaliw si Andrei pagmasdan si Ella. Halatang naaasar na ito sa kanya. Tinitigan niya ang labi nito. Parang naaakit siyang halikan iyon. A sensuous lips. Natural na mapula ito. Alam niyang wala itong bahid ng lipsticks. Sa dami ba naman ng nakilala niyang babae, kabisado na niya kung may lipstick ang mga labi ng mga to o wala. Light lang ang blush on nito. At ang buhok nitong tuwid na tuwid ay malayang nakalugay. So simple yet so sophisticated. Ano bang ginagawa mo dito? Narinig niyang tanong nito. Ano bang ginagawa sa loob ng restaurant, Mae?pambabara niya. Then take your orders and go evaporate.anito. E wala naman si Sofia kamo, ako nalang kakain sa orders niya. Sayang naman. tiningnan niya ito. For sure hindi mo din naman mauubos ang lahat ng to, right?turo niya sa mga pagkain. Do as you please.sabi nito. Nag-umpisa siyang sumubo. O bat ayaw mo ng galawin yang pagkain mo?tanong niya ng makitang nakamata lang ito sa kanya. Nawalan nako ng gana.

Nakamasid lang si Ella kay Andrei habang kumakain ito. Ang sarap nitong pagmasdang kumain. Maganang magana. Hindi niya akalain na ang isang tulad nitong ubod ng yaman ay panghihinayangan ang mga pagkaing masasayang. Panaka naka siya nitong sinusulyapan. Hihintayin niya itong matapos. Baka naman isipin nitong bastos siya kung basta na lamang niya ito iiwanan doon, gayong kumakain pa ito. Nang maubos nito ang para sana kay Sofia ay kinuha nito ang tira niya at inumpisahang ubusin. Nagulat siya sa tinuran nito. Sayang,sabi lang nito. Ano ba to pataygutom? naisip niya. Hmmm, infairness pogi points din yon sa kanya. Nang matapos itong kumain ay kinuha niya ang bag at nilabas ang wallet niya. Pero naunahan siya nito. Naglatag ito ng pera sa ibabaw ng mesa. Teka, ako ang magbabayad.she insisted. Let me do it. kontra nito. Pagkatapos ay tumayo ito at inakay siya palabas ng restaurant. Nakahawak ito sa braso niya. She felt electrifying. May kung anong mainit na kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan. Sa simpleng hawak lang nito ay parang napapaso siya. Oh no! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pasimple niyang inalis ang braso mula sa pagkakahawak nito. Wheres your car?narinig niyang tanong nito. W-wala. I mean, h-hindi ko dala.kandautal niyang sabi. Ano ba tong nangyayari sakin?

Then Ill take you home. Thanks but no thanks. I can manage, Mr. Morales.tanggi niya. Andrei, Mae. I preferred us to be on a first name basis. Look Mr. Morales Im-. Andrei.pagtatama nito. Okay, Drei. Im really-. Thats more better.agaw na naman nito sa sasabihin niya. Will you let me finish?usal niya, with gritted teeths. Stop arguing. Kinuha nito ang kamay niya at iginaya sa kinapaparadahan ng kotse nito. Binuksan nito ang pinto. Get in the car.utos nito. Hindi siya tuminag sa kinatatayuan niya. Sino ba ito para utusan siya? Manigas ka! Dont make me repeat my words, sweetheart. You wouldnt aware what Im capable of.banta nito. Now, get inside the car.punong puno ng authorization ang boses nito. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Padabog siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Wala silang imikan habang nasa biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Habang ito ay tutok na tutok sa pagmamaneho. Wari bang nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita. Ito ang unang bumasag sa katahimikan. Saan ba kita ihahatid?tanong nito. Sa office. Marami pa kasi akong naiwang trabaho. tugon niya. Muli hindi na ito umimik hanggang sa maihatid siya nito. Aba, alam kung saan ang opisina ko. Matapos magpasalamat ay mabilis siyang umibis ng sasakyan nito. Walang lingon likod na naglakad siya papasok sa nasabing gusali. Pasado alas otso ng gabi ng maisipan niyang umuwi. Wala kasi si Sofia kaya medyo naparami ang trabaho niya. Paglabas niya ng gusali ay napansin niya ang isang pamilyar na bulto. Si Drei. Gwapo pa din itong pagmasdan kahit sa malamlam na liwanag. He was standing against his car. Nakahalukipkip pa ito. Nakatingala sa langit. Curiousity killed the cat. Tumingin din siya sa langit. Ano bang tinitingnan nito? piping tanong niya. Tumingala siya ulit sa langit. Puro bituin lang naman ang nakikita niya. Ano bang meron? Sa ganoong ayos siya nito nakita. Ano bang tinitingnan mo sa langit? Napapitlag siya. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya. Ano nga bang tinitingnan ko sa langit? tanong niya sa kanyang isip. Aba ewan. Hindi ba at ito ang nakatingala sa langit kanina? Akala pa naman niya ay may tinitingnan ito dun,wala pala. Nakita niyang tumingala din ito sa langit. Ano ba. Hindi niya napigilang tumawa.

Nagulat pa si Andrei ng humagalpak ng tawa si Mae. Ito ang unang beses niyang narinig ang tawa nito. And it was like a music to his ears. Masarap palang pakinggan ang tawa nito. Palagi kasi itong nakaangil pag kaharap siya. Cant be tamed, sa isip-isip niya. At ngayon ay tumatawa ito. Marunong din pala itong tumawa. But wait! Ano bang tinatawanan nito? Naprapraning na ata ang babaeng to I cant believe youre laughing now. Ano bang tinatawanan mo? Share mo naman.pagbibiro niya. Tawa pa rin ito ng tawa. Anong nakakatawa? Tumingala siya sa langit, dito ito nakatingin kanina bago ito humagalpak ng tawa. Wala namang kakaiba. A lot of stars, okay. So? Hey, is theres something funny with the stars?curious niyang tanong. Hindi na kasi nito mapigil ang pagtawa. Minasdan niya ito. Kung sana lang lagi itong nakangiti pag nakikita niya. Nakakahawa kasi itong tumawa. Napangiti siya. Namumula na ang buong mukha nito. Okay, enough sweetheart. Natigilan ito sa pagtawa. Pagkatapos ay tiningnan siya ng masama. Dont you ever call me sweetheart again. At saka ano bang ginagawa mo dito? He rolled his eyes. Tigre na naman, he muttered. Bumubulong ka pa ha. hinampas siya nito ng dala nitong bag. Aray! Nakadalawang hampas na ito sa kanya ng bag. Una sa party, tapos ngayon. Strike two ka na, Mae ha?may pagbabanta sa boses niya. Kanina lang ay halos mamatay ito sa kakatawa, tapos biglang magsusungit. Ano bang problema ng babaeng to? Nahipan na ata ng masamang hangin. Bakit ka nga pala nandito?she said in a calmed voice. Tingnan mo tong babaeng to, sa isip-isip niya. Ihinilamos niya ang mga kamay sa mukha. Ah woman! Bakit ba kay hirap ispelingin ng mga to? tanong niya sa kanyang isip. Lalo na ang isang to. Shes so hard-to-handle. Kakaiba talaga ito sa lahat ng nakilala niyang babae. Napailing na lang siya. Sinong mag-aakala na ang isang Ella Mae Fernandez na mula sa alta sosyedad ay may saltik din pala sa ulo? Ihahatid sana kita since wala kang dalang sasakyan.sagot niya. Okay,anito at nagpatiuna ng maglakad. Wala siyang narinig na reklamo. Good start. Nang marating nila ang kinapaparadahan ng kotse niya ay pinagbuksan niya ito ng pinto. Pumasok ito ng tahimik. Umikot siya sa driver seat at umupo. Hindi muna niya ini-start ang ignition. Humarap siya dito. Mae,usal niya. I know we had a bad start. And Im sorry if Ive been rude.panimula niya. Im sorry for all my wrongdoings that annoyed you and makes you mad. I want to start over again if you may just accept my apology. sinsero niyang sabi.

Nakatitig si Ella sa gwapong mukha ni Andrei habang nagsasalita ito. Seriousness was written all over his face. At may kasama pa itong pagmamakaawa na tanggapin niya ang apologies nito. He caught me off-guard. Para namang matitiis kita, sabi niya sa kanyang isip. Hindi naman siya galit dito, if truth be told. Front lang niya yon para pagtakpan

ang binubuhay nitong damdamin mula sa kanya. Mula kasi ng makilala niya ito, lagi na lang siyang nawawala sa sistema niya. At hindi ito maalis sa isip niya. Nandito ito ngayon sa harapan niya, nagsusumamo. Sino ba siya para mag-inarte pa? Apology accepted.sagot niya, smiling. Bahagyang lumaki ang mga mata nito. Really?anito, parang hindi makapaniwala. Natawa siya sa itsura nito.Ayaw mo? Of course not.sabi nito na nakangiti na. Diyos ko po! Wag kang ngumiti ng ganyan, piping usal niya. You should smile often, you look more beautiful.narinig niyang sambit nito. Bahagyang namula ang mga pisngi niya. Sanay siyang nasasabihan ng maganda. Pero bakit dito parang nailang siya? Dati naman, walang dating sa kanya ang anumang papuri na nanggagaling sa iba. Pero sa taong to, iba ang pakiramdam niya. So strange. As a start of our good relationship, can I invite you to a dinner tonight? Ano daw? Relationship? May balak itong magkaroon sila ng relasyon? Gaga, anang kanyang isip. Maraming ibig sabihin ng salitang relationship. Pwedeng relasyon sa family, sa kaibigan at kung anu-ano pang relasyon. Bakit ano bang relasyon yang iniisip mo? kontra ng kanyang isip. E bakit may kasamang dinner date? kontra naman ng isa niyang isip. Ayaw paawat. Sinabi ba niyang date?Niyaya ka lang niya over dinner dahil nagkaayos na kayo. Yun lang yon. Date ka jan. Ambisiyosa, anang kanyang kontrabidang isip. Sandali, awat niya sa dalawa niyang isip. Whatever. Lalo lang siyang naguguluhan. Oo nga naman, tama nga naman ang isa niyang isip. Hindi nga naman nito sinabing date. Nakarinig lang siya dito ng salitang relationship, nagexpect na siya ng ibang meaning. Well, what does she expect? Relasyon nga lang naman yon sa pagsisimula nila bilang magkaibigan. Yeah right! Kaibigan. Sure, no problem,sagot niya. Agad nagliwanag ang mukha nito. Thanks, sambit ni Andrei, pagkuway ini-start na nito ang ignition. Dinala siya nito sa isang first-rate restaurant. Masaya silang nagkwekwentuhan habang kumakain. Masarap pala itong kausap. He makes sense at all. Sa buong buhay niya ngayon lang niya naappreciate ang company ng isang lalaki. Pero hindi kaya nag-eenjoy siya dahil ito ang kasama niya? Ayaw na niyang isipin pa. Basta masaya siya ngayon na kasama niya ito. Period.

Ipinarada ni Andrei ang kanyang kotse sa malaking garahe ng kanilang bahay. Bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Wala ang kanyang ina sa sala. Wala din ito sa kwarto nito. Dumiretso siya ng kusina. Wala din ito doon. Tinalunton niya ang study room, wala din ito. Nasaan ang kanyang ina? Tumingin siya sa malaking orasan na nakasabit sa dingding ng silid na iyon. Alas nuwebe ng umaga. Umalis ba ito? Lumabas siya ng study room. May narinig siyang nagtatawanan. Tinalunton niya ang pasilyo. Palakas ng palakas ang naririnig niya habang palapit siya sa kinaroroonan ng mga to. Palinaw ng palinaw. And there, those familiar laughs. Paano ba niya makakalimutan ang mga tawang yon? Parang musika ito sa pandinig niya. Noong magdinner sila ng gabing yon, pinagsawa niya ang kanyang tenga sa mga tawa nito. Madali lang din pala itong mapatawa. At ngayon heto, muli na naman niyang naririnig ang mga yon. Napangiti siya. Pagkakita sa mga to, hindi muna siya lumapit. Sumandal siya sa hamba ng pintuan, nakita niya ang kanyang ina na binubuklat buklat ang catalog na hawak nito. Sa gawing kaliwa nito ay si Sofia, and there she goes, sitting pretty sa tabi ni Sofia. Nakalugay ang mahaba nitong buhok gaya noong una niyang makita. Nakangiti ito na nagpasingkit lalo sa tsinita nitong mga mata. Walang kahit na anong bahid ng kolorete sa mukha. May mga babae din palang maganda kahit walang make-up. A natural beauty. Hindi siya napansin ng mga ito, abalang abala kasi ang mga to sa pinag-uusapan. Hindi naman siya makarelate sa pinagtatawanan ng mga ito dahil nadatnan na niya ang mga to na nagtatawanan. Ehem, tumikhim siya. Sabay-sabay na lumingon ang tatlo. Lumapit siya. Hello ladies,bati niya na kay Ella nakatingin. Oh, the jerk was here,ang kanyang ina. Agad siyang lumingon dito. At napansin niyang nagtitinginan ang tatlo. Nakangiti ang mga to. Kumunot ang noo niya. Did I miss something here? lumingon siya sa kanyang ina. Mom, are you reffering to me? magkasunod niyang tanong. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga to? Napadalaw ka Andrei?pag-iiba nito sa usapan. Since when did you ask me sa pagdalaw ko sa inyo?aniya, puzzled. And Im not a jerk, dugtong niya. Palihim na tumingin ang kanyang ina kay Ella. Who said it, mom?tanong niya na kay Ella nakatingin. Namumula ang mga pisngi nito habang nakayuko. Ah, ito ang may sala. Nag-angat ito ng tingin. Well?untag niya. A-ahh, k-kasi ano, nagkamot ito ng ulo. Hindi alam ang sasabihin. K-kuwan kasi. Tinitigan niya ito. Shes a damned pretty. Drei, I-it was j-just ahmmm.patuloy pa din nito. Nag-aapuhap ng tamang salita para makapagpaliwanag. Nilalaro laro nito ang laylayan ng suot nitong blusa. She looked sexy with such gestures. And the way he says my name, it was too sweet to hear. He grinned. You dont need to explain sweetheart. Its okay.aniya, staring.

CHAPTER FIVE Nahihiyang nagyuko ng tingin si Ella. Bakit ba ganoon tumitig ang lalaking to? She felt uneasy. Parang hindi niya makayanan ang mga titig nito. Nag-angat siya ng tingin, sinundan niya ang tinitingnan nito. Shocks! Nakatingin ito sa mga hita niya. Nakawalking shorts lang kasi siya dahil araw ng linggo iyon. Madalas ay hindi sila pumapasok ni Sofia sa

opisina. Wala siyang balak lumabas ng condo niya kanina kung hindi lang siya nito sinundo. Ang sabi nga nito pupunta ito sa bahay ng mga Morales upang ihatid ang catalog ng mga latest nilang designs. Hinatak na kasi siya agad ng kaibigan kanina kaya hindi na niya nagawang magbihis. At ngayon pinagpiyepiyestahan ni Andrei ang mga hita niya. Pasimple niyang pinatong ang mga kamay sa kanyang hita na para bang matatakpan ang kabuuan nun. Napansin ata ang ginawa niya kaya tumingin ito sa mukha niya. He was sheepishly grinning. Goddam shit! Nagsalubong ang kanilang paningin. Their stares locked for a while. Ehem, kunway napapaubong turan ni Sofia na nagpabalik sa kanyang huwisyo. Oh no! I found myself in an awkward situation again. Ill see you later, ladies. narinig niyang sabi ni Andrei. Tumalikod na ito at naglakad paalis ng bigla itong pumihit paharap, Oh, by the way,anito na sa kanya nakatingin. You have a great pair of legs, Mae.At naglakad na ito palayo. Dumoble pa ata ang hiyang naramdaman niya sa sinabi nito. How can he be so frankly? Tiningnan niya ang dalawang kasama. They were smiling-or rather amused. E-excuse me,nagmamadali siyang tumayo mula sa kinauupuan at pumasok sa loob ng kabahayan. Tinungo niya ang banyo ng isa sa mga guests room na nakita niya. Kailangan niyang makalma ang sarili. Hindi pa siya nakakarecover sa mga titig ni Andrei, idagdag pa ang hiyang nararamdaman niya. Ano na lang ang sasabihin ni Tita Ana? Baka isipin nito nakikipagflirt siya sa anak nito. Ah!nakakahiya talaga. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko? Pero bakit ganoon? Sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, masaya siya. She was happy seeing him again. Tatlong araw na din ang lumipas mula noong magdinner sila. At inaamin niya namiss niya ito ng sobra. Pagkagaling sa mansiyon ng mga Morales ay dumiretso sila ni Sofia sa mall. Ganoon ang routine nilang magkaibigan. Kahit sobrang busy nila sa kanilang negosyo, may oras sila para sa pamamasyal tuwing Linggo. Naglibot libot sila sa naturang Mall. I want to buy a new pair of shoes,ani Sofia. E di bumili ka. Tara sa nine west. yakag nito. Nang marating nila ang nasabing stall, hinayaan niyang mamili ang kaibigan. Naupo siya sa malambot na upuan na naroon na pinasadya para maging komportable ang mga magsusukat. Nang may mahagip ang kanyang tingin. Teka, parang si Ryan yon ah. Sinundan niya ng tingin ang lalaki. Hindi siya nagkakamali, kahit isang beses pa lang niya nakita ang pagmumukha nito, alam niyang ang boyfriend ng kaibigan yon. May kasama itong seksing babae. Nakaangkla pa ito sa kanya. Kailangan malaman ito ng kanyang kaibigan. Are you done?tanong niya kay Sofia. Not yet,anito. Make it fast, please.aniya na ang mga mata ay nakatingin sa maglover na ngayon ay halos magyakapan na. Parang mga tuko, naisip niya. Hindi ito dapat mawala sa paningin niya. Allright, just a minute.anito saka nagmamadaling inilapag ang mga sapatos na napili at binayaran sa counter. Tatlong sapatos din ang binili nito. Nang ibigay na ng saleslady ang mga paper bags ay siya na ang nag-abot nun. Lets go, at dagli dagli niyang hinatak ang kaibigan palabas. What the rush?nagtataka man ang kaibigan ay hindi niya iyon pinansin. Dinala niya ito sa stall kung saan naroroon ang two-timer na boyfriend nito. Nagulat ito sa dinatnan. R-ryan? usal nito. Nang makita sila ng lalaki ay nagulat din ito at namutla. Hindi marahil nito inaasahan na makikita sila doon. Babe, who are they? tanong ng kasama nitong babae. Babe, yuck! They are just a colleagues, babe, sagot nito ng makabawi sa pagkabigla. Kelan mo pa kami naging colleagues, talipandas! At ang walanghiya, itinanggi ang kaibigan niya. Umahon ang galit sa dibdib niya. Hindi siya papayag na madehado ang kaibigan niya. Kailangan maturuan ng leksiyon ang hayop na lalaking ito. Tumingin siya sa kaibigan, napatda ito sa kinatatayuan. Hindi magawang magsalita. Ganon ang kaibigan niya mahina pagdating sa pag-ibig. At naawa siya sa nakitang itsura nito. Parang anumang oras bubunghalit ito ng iyak. Hinarap niya ang lalaki at sinampal niya ito.

Yon ang nakitang eksena ni Andrei. Whoa! Ngumuwi siya. Dinig na dinig niya ang lakas ng pagkakasampal nito sa lalaki. Nasa tapat lang sila ni Mike ng stall na kinaroroonan ng mga to. Si Mike ay kaibigan na niya mula pa noong college. Palikero din ito kagaya niya. Tinawagan siya nito kanina dahil wala daw itong kasama. Kasalukuyan silang nagmemeryenda ng mga oras na yon. Ang kapal naman talaga ng mukha mo,narinig niyang sinabi ni Ella. Hindi na niya huhulaan kung anong nangyayari doon. Batay pa lamang sa nakita niyang ayos ng mga to, alam na niya. Nahuli ang lalaki na may kasamang ibang babae. Poor boy, aniya sa isip. Thats why I never liked you, you son-of-a-bitch. sinampal uli ni Ella ang lalaki sa kabilang pisngi. Baloyente talaga ang babaeng to. Hindi ito natakot man lang sa kaharap. Come on jerk, speak up.sabi pa nito sabay taas ng dalawang kamay na para bang naghahamon ng away. Nanatiling walang imik ang lalaki. Hey, sumosobra ka na ha.sinabi ng babaeng nasa tabi ng lalaki. Shut up. bulyaw nito sa babae, matalim ang tingin. Medyo nakakaagaw narin ng atensiyon ang mga to. Ang iba ay humihinto upang makiusyoso, at ang iba naman hindi mapigilang hindi lumingon. Kahit kailan, laging may kabuntot na gulo si Ella. Pasalamat nga ang dalaga at parang ayaw siyang patulan ng lalaki. Pero kung ibang lalaki lang na walang pasensiya sa mga babaeng tulad nito ay baka kanina pa ito pinatulan. At hindi niya mapapayagan iyon. Kapag kumasa ang lalaking

kaharap nito ngayon siya mismo ang dadaluhong dito. Pero sa tingin niya wala namang balak pumatol ang lalaki. Guilty sa ginawang mali. What a scene!untag ni Mike. Napanood din pala nito ang eksena. Nakangisi ito habang napapailing. Whos that babe? tanong nito. Fascinating seen on his eyes. The one with the guy? balik niyang tanong sa kaibigan. The one whos in a short. Damn! shes a goddess. And the legs, oh men! He turned to his friend with a warning look. Back off, What? Why, do you know her? Just leave her alone,aniya sa mariing tinig. Kilala niya ang kaibigan. Kung malikot siya sa babae mas malikot ito. I never heard you of becoming so protective, pare. ani Mike. Okay, I had my hands off of her. Nakakaloko ang ngiti nito. Tumingin siya sa gawi nila Ella, ngunit palayo na ang mga to, hatak hatak nito si Sofia. So, is she your special girl?narinig niyang tanong ng kaibigan. What?gulat niyang tanong. What made you think that? Well, do I need to answer your stupid question? Alam mo naman siguro ang sagot. Shes just ahmm,nagkibit siya ng balikat. well a friend. Uhuh? Oh men! Your acting different. Inlove ka ba, pare? Nabigla man siya sa tanong nito ay hindi siya nagpahalata. Siya inlove kay Ella, the tigress? Youve got to be kidding. Dont you see her a while ago, pare? Shes a trouble. Nakita mo naman kung anong ginawa niya kanina. And you think that I might inlove with her? Thats stupid! Daig pa nun ang tigre kung manglapa. And one more thing, may sayad yon sa ulo pare. mahabang paliwanag niya. Youre convincing yourself, Andrei.ani kanyang kaibigan, mocking. Whatever! Hahayaan na lang niya ang kaibigan sa gustong isipin nito. Pero sino nga bang niloloko niya? Sarili niya? Sino bang kinukumbinsi niya? Ang kaibigan o mismong siya?

Alas nuwebe na ng umaga ng magising si Ella. Madaling araw na kasi siya nakauwi dahil nanggaling sila ng bar ni Sofia kagabi. Sinamahan niya itong magpagaan ng nararamdaman. Hinayaan niya itong uminom ng alak, sumayaw till she drop, at umiyak. Dahilan upang umabot sila ng alas dos ng madaling araw. Tuwina ay ganoon ang ginagawa nito after the break up. Kaya hindi na bago sa kanya ang mga ginagawa ng kaibigan. Nakailang boyfriends na ba ito. Her friend was poignant. Iniyakan nito lahat ng lalaking nagdaan sa buhay nito. Minsan naiinis na rin siya dito, dahil kahit ang mga walang kwentang exes nito ay iniyakan. Gayong niloko na nga siya. Hindi lang ito ang miminsang beses na niloko ito. Ewan ba niya kung bakit nakakatagpo ang kaibigan ng mga manloloko. At ewan ba niya kung bakit bobo itong mamili ng mamahalin. Kaya nga halos lahat ng ipinakilala nitong nobyo sa kanya ay hindi niya gusto. Nararamdaman niya kasing hindi mapagkakatiwalaan. At tama nga siya lagi. Ilang weeks pa lang ba nitong naging kasintahan si Ryan? Pero kung iyakan nito ang lalaki kagabi parang kay tagal na naging sila. Ang emo! Who knows, baka nga mas nauna pa iyong nakita nilang kasama ni Ryan kaysa sa kaibigan. Bumangon siya sa kama at nag-inat. Sa mansiyon nila siya umuwi. Hinatid kasi niya si Sofia sa bahay nito kaninang madaling araw. At ang mansiyon ang mas malapit sa tinitirhan nito. Lumabas siya ng kwarto ng hindi pa nagsusuklay ng buhok. Tinungo ang hagdan, nagugutom na siya. Nasa bandang dulo na siya ng hagdan ng maghikab siya. Good morning, sleepyhead. Naudlot ang paghihikab niya. Pamilyar ang boses na iyon sa kanya. Nakanganga pa siya ng lingunin ang kanilang sala. Si Andrei. Prenteng prente ang pagkakaupo nito sa sofa. Nakade-kwatro pa. Wait, namamalikmata lang ba ako? Baka panaginip lang to. Sinampal niya ang sarili. Aray,usal niya. Medyo napalakas ata ang sampal niya. Lumingon siya sa sala. Naroon pa rin ito. So totoo? Agad siyang kumaripas ng takbo pabalik sa kanyang kwarto. Anong ginagawa nito sa bahay nila? Ni hindi man lang siya nakapagsuklay o naghilamos man lang. Nagmamantika pa ang mukha niya mula sa pagkakatulog. Nakita niya ako sa ganoong ayos. Nakakahiya! Kasi naman eh. Malay ba naman niyang nasa pamamahay nila ang mokong na yun. E di sana inayos man lang niya ang sarili bago bumaba. Hmmpp!

Hindi mapigilang mangiti ni Andrei. Kanina pa niya tinitingnan si Ella habang bumababa ito ng hagdan. Nakapajama pa ito at isang fitted na sando ang pang-itaas. Wala sa ayos ang buhok, kaya alam mong kagigising lang nito. Aantok antok pa ito habang pababa ng hagdan. Sabay ng paghikab nito ang pagbati niya ng good morning. Nakanganga pa ito ng balingan siya ng tingin. At pagkatapos ay bigla nalang kumaripas ng takbo paakyat. Umiling-iling siya. Shes really hot, bigla niyang naisip. Kahit nakapang tulog lang ito, kahit magulo ang buhok nito, kahit oily pa ang mukha nito, hindi iyon nakabawas sa ganda nito. Parang kaysarap nitong halikan sa umagang yon. Hayy Ella! Youre getting into my nerves. Nang bumaba si Mr. Fernandez ay tumayo siya at nakipagkamay dito. Pinapunta siya nito dito dahil may mga bagay daw itong gustong i-discuss sa kanya tungkol sa gagawin nilang proyekto. Lets discuss it to the library, Mr. Morales, anito. Sumunod siya dito. Mahigit tatlong oras din silang nag-usap ni Mr. Fernandez. Dito ka na maglunch, hijo.yaya nito sa kanya. I wont accept no for an answer. nakangiting pahabol pa nito. Wala siyang nagawa kundi pagbigyan ito. Nasa hapag kainan na sila ng ipatawag ni Mr. Morales si Ella. Pababain mo si Ella at sabihin mong sumabay na samin.utos nito sa isa sa mga katulong. Ilang minuto lang ay bumungad na ito sa kusina. Maayos na ang itsura nito. Nakajeans ito na tinernuhan ng itim na sleeveless. Nakaflip-flop ito. Light blush on lang ang nagsilbing kolorete nito sa mukha. Nakapusod ang buhok paitaas. At ang isa pa niyang napansin, may nakapaskil na ngiti ito sa mga labi. So maganda ang mood nito, naisip niya.

Hi, Pa.anito at humalik sa pisngi ng ama. At pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. Hi, Drei! How do you do? Umupo ito sa tapat niya. Nilagyan ng kanin at ulam ang plato. Himala, good mood nga to. Im doing great, Mae. How are you?ganting tanong niya. So, you know each other already. I wonder how.si Mr. Morales. Im doing fine, Drei. Weve met once in a party, Pa. baling nito sa ama. Tumango tango nito, Mabuti naman at nandito ka.ani Mr. Morales. Hindi ako pumasok ngayon, Pa. Actually, dalawa kami ni Sofia ang hindi pumasok. Malulugi ang negosyo niyo niyan kung ganyang sabay kayong umaabsent. Ngayon lang naman, Pa. At isa pa malabong mangyaring malugi kami. tanggol nito sa sarili. E bakit nga pala hindi kayo pumasok ni Sofia?tanong ng ama nito. Nothing. Pwede naman kaming umabsent anytime, diba? We are the boss. Nakikinig lang siya sa usapan ng mag-ama. Sinulyapan niya si Ella. Tumingin din ito sa kanya, at nginitian siya nito. Hindi niya napigilang kindatan ito.

CHAPTER SIX Napahawak si Ella sa dibdib niya. Anumang oras tatalon ata ang puso niya. Bakit ba ang gwapo nito? Tapos kikindatan pa siya nito. Waahhh! Catch me Im falling. Ano daw? Falling? As in falling in love? Kaninang nakita niya ito sa sala ay talagang nagulat siya. Hindi niya kasi ito inaasahang makikita doon. Ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikiharapan. Kaya naman agad siyang nagtatatakbo. Buti nalang at kagigising niya lang kaya naman may dahilan siya kung nagmukha man siyang tanga kanina. Duda siya sa sarili kung magagawa nitong umaktong normal pag kaharap na si Andrei. Hindi siya ganito, hindi siya nakakaramdam ng kaba pag kaharap ang isang lalaki, hindi siya nauutal pag kausap ang sinumang lalaki, hindi siya nagmumukhang tanga sa harap ng isang lalaki, hindi siya nawawala sa sarili, hindi kumakabog ang dibdib niya sa paglapit ng isang lalaki. Tanging si Andrei lamang ang nakakagawa nun sa kanya. Tanging ito lang ang nakakapagparamdam ng lahat ng yon sa kanya. Alam niya, hindi normal ang nararamdaman niyang ito. Hindi kaya nahuhulog na siya dito? Pero bakit ang bilis naman? Kailan lang ba niya nakilala ang binata? Kunsabagay, kapag tinamaan ka ng pana ni Kupido, hindi na importante pa kung gaano mo na siya katagal na nakilala o kilala. Wala naman sa tagal ng panahon iyan. Walang pinipiling oras ang pagtibok ng puso. Tumitibok na kaya ang puso niya para sa binata? Ah ewan! Ayaw muna niyang intindihin ang nararamdaman niya. Tsaka malay ba niya kung may kasintahan ito. For now, ieenjoy na lamang niya ang sandali. Naunang tumayo ang kanyang papa. Mauuna na ako sa inyo, may pupuntahan pako . Andrei, thanks for the time.ani kanyang ama. Ella, susunduin ko pa ang mama at lola mo sa mall. Ikaw na ang bahala dyan, bilin pa nito sa kanya. Yes, pa. Take care. At tuluyan ng lumabas sa kusina ang ama. Sinulyapan niya si Andrei, tapos na itong kumain. Nakasandal ang likod nito sa sandalan ng upuan, nakatingin ito sa kanya. Nagyuko siya ng ulo at itinuloy ang pagkain. Hindi niya talaga matagalan ang mga tingin nito. Mae,untag nito sa kanya. H-ha?aniya sabay sulyap dito. May gagawin kaba mamaya? I mean can I take you out? Bakit?tanong niya. Do I need to reason out why I wanna go out with you? In good terms naman na tayo diba? Ahmm, yeah. I almost forgot, ayos na nga pala tayo. nakangiti niyang sabi. So, is that a yes? Yes. Allright. I pick you up at around seventy thirty.anito pagkuway tumayo na. I have to go. See you later. paalam nito.

Pagdating ni Andrei sa kanyang opisina ay naghanda siya para sa meeting niya mamayang alas dos y medya. Tumingin siya sa orasan, may isang oras pa siyang natitira bago ang meeting. Tumunog ang intercom sa ibabaw ng mesa niya. Miss Carmela Cruz is on the line 2, Sir. Are you going to take the call?ang kanyang sekretarya. Oh, yes. Thanks Betty.aniya dito. At pagkatapos ay inangat ang receiver ng line 2. Hello loverboy, bungad nito. Hey, kailan ka pa dumating?tanong niya. Si Carmela ay nakilala niya noon sa Amerika. Sa loob ng tatlong taon na paninirahan niya doon ay ito lamang ang babaeng naging malapit sa kanya. Mabait naman kasi ito sa kanya. Kahit inamin nitong may gusto ito sa kanya noon, hindi nito ipinilit ang sarili sa kanya. Okay lang daw yon. Sabi pa nito noon, hindi naman lahat ng gusto mo magugustuhan ka rin sa paraang gusto mo. Napakaunderstanding nito, kaya naman maganda ang naging pagkakaibigan nila. Kahapon lang, labas tayo mamaya. I miss you. paglalambing nito. I cant. May nauna na kasi akong lakad, sagot niya. Is that important than me? Akala ko pa naman, youre excited to know that Im back. Pero inuuna mo pa rin ang trabaho. pagtatampo nito. Nais niya itong pagbigyan pero hindi niya pwedeng i-give up ang lakad nila ni Ella mamaya. Nagsisimula pa lang siyang paamuin ito, ayaw niyang sumablay dahil alam niya iba magalit ang dalaga. Please Andrei, baka pwede mo namang ipagpaliban muna yang nauna mong lakad. I really miss you, sweetie. Alam niya naglalambing na ito. Likas naman kasing malambing ito. Ewan ba niya kung bakit never niyang nagustuhan si Carmela. Hindi rin naman pahuhuli ang ganda nito. Mabait, matalino, at napakaunderstandable, san ka pa. Pero kahit anong gawin niya, hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sa dalaga. Thats only he could offer.

Cams, of course Im glad that you were in town now. But I cant really make it tonight. Some other time okay? pag-aalo niya. Okay,malungkot na sabi nito. Pagkatapos ay nagpaalam na. Naghanda na rin siya para sa kanyang meeting.

Paikot ikot si Ella sa harap ng full-length mirror sa loob ng kanyang silid. Hindi siya mapakali sa ayos niya. She wasnt satisfied for her looks. Parati ng confident siya sa ayos niya pero ngayon bigla siyang naconcious. Kelan ka pa naging conscious sa itsura mo, Ella, ang kanyang isip. Ngayon lang, sambit niya. Gusto niyang maging maganda sa harap ni Andrei. No questions ask. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. She was wearing a red evening gown. Bumabakat ang kurba ng katawan niya sa suot niyang yon. Inayos niya ang buhok niya to match with her dress. Tumingin siya sa orasan, seven fifteen na. Maya maya lang darating na ang kanyang date. Naglalagay siya ng lipstick ng may kumatok, sumungaw mula sa pinto ang ulo ng kanyang mama. At pagkatapos ay tumuloy ito papasok sa kanyang kwarto. Perfect, you are glooming, hija. Hindi nako magtataka. Hes so handsome, bagay na bagay kayo,ani kanyang ina, wariy nanunukso ito. Oh my god, is he there? natatarantang isinuot niya ang kanyang stiletto heel. Pagkatapos ay binalingan niya ang ina. How do I look, ma? tanong niya. Youre always beautiful, baby. Hes downstairs already, bilisan mo at kanina pa siya naghihintay.ani kanyang ina habang palabas ito ng silid niya. Isang pasada pa ang ginawa niya sa sarili. Kinuha niya ang purse at lumabas na siya ng silid. Nadatnan niyang kausap ni Drei ang kanyang mga magulang at ang abuela. Tumayo ito ng makalapit siya. Wow, usal nito ng makababa siya. Nakatitig ito sa mukha niya. Admiration ba ang nakikita niya sa mga mata nito? Hopefully, dahil nagpaganda talaga siya para dito. Excited na siya sa date nilang dalawa. They made a lovely couple, right? Sabi ko na nga ba at bagay sila.narinig niyang sambit ng kanyang ama. Definitely, sang-ayon naman ng ina. Unfortunately, were not a couple. Tara, yaya na niya dito. Matapos siyang ipaalam sa kanyang magulang at lola ay iginaya na siya nito palabas. Dinala siya nito sa isang eleganteng restaurant. Ibinigay nila ang kanilang orders sa lumapit na matre d'. Tumingin siya kay Andrei, pinagsalikop nito ang mga daliri at ipinatong sa ibabaw ng table. Mataman itong nakatingin sa kanya. Youre lovely,sambit nito ng buong paghanga. T-thanks, you too, sagot niya. Pilit kinakalma ang sarili. Lovely? biro nito na nakaangat ang isang kilay. Y-yes, n-no, I mean youre a good looking. nalilito niyang sabi. He grinned. She cant help admiring this guy. He was oozing with charm. At kapag ganoon ang ngiti nito, wala na, she was always losing her mind. Iniiwasan na nga niyang tingnan ito sa mata but its look like it has magnet. Kahit ayaw niya, kusa siyang napapatingin sa mga mata nito. Youre eyes, wala sa sariling sambit niya. Kumunot ang noo nito. What about my eyes? tanong ni Drei na sinamahan nito ng taas ng balikat. Theyre rare, aniya. He put a smile in his face, Do you like it? tanong nito sa kanya. Very much so, tumango tango niyang sagot.

Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain. Marami silang napagkwentuhan. Maraming nalaman si Andrei tungkol kay Ella. At aminado siya, masarap itong kasama. Malayong malayo ito ngayon mula sa pagiging amasona. He always knew she was far better than it. And he was right, coz Ella was admirable. Shes astounding. Who would thought of it? Knowing her now was beyond belief. Akala niya dati hindi na siya magkakaroon ng pag-asa na mapalapit dito if he could just think their first encounter. Hmmm, so Ella, the tigress was no longer wild, huh? Napangiti siya mula sa naisip. Lumabas sila ng restaurant na iyon na may ngiti sa labi. He was satisfied. Itinuloy nila ang pagkwekwentuhan hanggang sa loob ng sasakyan. Hindi ito nauubusan ng topics. Marami itong alam na mapag-uusapan. Tuwina ay hinahayaan niya itong magsalita ng magsalita. Enjoy na enjoy siyang pakinggan ang mga kwento nito. Masarap itong kausap, hindi mabobored ang sinumang makakasama nito. Ang dami nitong ideas tungkol sa mga bagay bagay. Napapailing nalang siya minsan kapag medyo weird na ang mga sinasabi nito. Madaldal din pala ito, akalain mo yon, ani kanyang isip. Oh by the way, sa condo nga pala ako uuwi ngayon, bigla nitong sabi. What?aniya sabay tampal sa manibela. Bakit ngayon mo lang sinabi? Nasa Tandang Sora na sila, kung tutuusin malapit na sila sa Fairview. Ang layo na ng nilakbay nila. Sorry, nawala sa isip ko.anito habang nagkakamot ng ulo. Ayan, ang daldal mo kasi eh, naisip niya. Iginilid niya ang sasakyan. San ba ang condo mo? tanong niya. A-ahmmm, sa Makati. kagat ang labing sabi nito. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. At pagkatapos ay umiling iling na nag U turn siya. Im sorry Drei, wag ka ng magalit. Please?maya maya ay sabi nito sa malambing na boses. Nagsusumamo ang tingin nito sa kanya. Marunong din pala itong maglambing. Im not mad, okay? he said with such calmness in his voice. Hinawakan niya ang tungki ng ilong nito. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya at ipinikit na nito ang mga mata.

Nagising si Ella ng maramdamang may yumuyugyog sa kanya. Pagmulat niya ng mga mata ay ang mukha ni Andrei ang nabungaran niya.

Im sorry sweetheart for waking you up, I wish I couldnt have to. If only I could know where exactly your condo is. guilty on his face. Sorry nakaidlip ako, tumingin siya sa labas ng bintana. And she lead the way. Binuksan niya ang pinto ng kanyang condo. Pagkatapos ay hinarap ito. Would you like to come over? imbita niya. I would loved to, but its getting late. You need to take a rest. anito. She nodded. Thanks Drei, I really enjoyed the night, sinsero niyang sabi. Me too, mahina nitong sabi at pagkatapos ay hinapit siya sa baywang. What are you planning to do? tanong ng kanyang isip. Bahagya nitong itinaas ang baba niya. Ang lakas ng kabog na nararamdaman niya. Gahibla nalang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Oh my god. Oh my god. Oh my god. She closed her eyes at naramdaman niya ang banayad na paglapat ng kanilang mga labi. It was a gentle kiss. But she coulnt react, tumigas na ata ang buo niyang katawan. Naririnig na niya ang tambol ng kanyang puso. Nagtagal ang halik nito ng ilang minuto. Kapwa pa sila hinihingal ng pakawalan nito ang kanyang mga labi. Thanks for the wonderful night, Mae. anito at naglakad na palayo. Pagkasara niya sa pinto ay nanghihina siyang sumandal doon. Sinalat niya ang kanyang mga labi. Hinalikan siya ni Andrei. My first kiss. I had my first kiss. Gosh! Kaninang nagdidinner sila, naging kampante siya sa presensya nito. Kaya naman talagang naenjoy niya ang pakikipagkwentuhan sa binata. Nawala bigla ang pagkailang niya. Nangibabaw sa puso niya ang kagustuhang makasama ito, ang makausap ito. Umaapaw sa kaligayahan ang puso niya. Hindi niya akalaing ganoon ang magiging epekto sa kanya ng paglabas nilang iyon. Hindi siya nailang sabihin ang mga komento niya sa mga napag-uusapan nila. Ganoon nga siguro iyon, kung mahal mo ang isang tao you will felt contented. At hindi niya maaari pang ipagkaila ang nararamdaman niya. It was a strange feeling na ngayon lang niya naramdaman. In her twenty three years of life, she was hooked, at last. Hindi nga lang niya alam kung paano ito dadalhin, it was odd. Siguro sa ngayon, sasarilinin na muna niya ang nararamdaman. Walang dapat makaalam na may ispesyal siyang pagtingin para sa binata. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi niya ito kayang ipaliwanag. Lalong lalong hindi ito dapat malaman ng binata. Not now. Natulog siyang may ngiti sa mga labi.

CHAPTER SEVEN Betty, ilan pa ang appointments ko?tanong ni Andrei sa kanyang sekretarya. Last na po iyong kanina. By the way, Sir tumawag nga po pala si Sir Mike kani-kanina lang. anito. Okay, tatawagan ko nalang siya. pagkasabi nun ay pumasok na siya sa kanyang pribadong opisina. Isinandal niya ang likod sa swivel chair at pumikit. Mukha ni Ella ang nakikita niya sa kanyang balintanaw. Agad ang ginawa niyang pagmulat. Ipinilig ang ulo at nagbuga ng malalim na hininga. Dinukot niya ang kanyang mobile phone at idinayal ang numero ng kaibigang si Mike. Hello, pare. bati nito. Whats up? tanong niya sa kaibigan. Busy ka ba? Wala akong kasama dito. Nasan ka ba? Loob ng sinehan? parang hindi pa siguradong sagot nito. What? tumawa siya ng malakas. What the heck are you doin there, kailan ka pa nanood ng movie sa isang sinehan? And alone? May sakit ka ba, pare? pang-aasar niya dito. Dont tease, just come. pikon nitong sabi. Tell me first why you end up on that cinema. Wala ka na bang ibang mapuntahan? he chuckled. Narinig niya ang buntong hininga nito. I was with this girl, nagyayang manood ng sine. And because she was my date, pinagbigyan ko. When we get here hinalikan ko dahil akala ko game, sinampal ako at inwan dito. Hindi pa nga naguumpisa ang palabas. Pinagtawanan niya ang kaibigan matapos itong magkwento. Serves you right, man aniya. Look whos talking sarkastiko nitong sabi. Excuse me, hindi ako kasing manyak mo, Whatever, pupunta kaba o pasasabugin ko tong buong mall mo? Halatang badtrip na ang kaibigan. He chuckled again. Im comin,aniya at tinapos na ang tawag. Nasa daan na siya ng maisipan niyang tawagan si Ella. Hello,bungad nito. Hi sweetheart. How are you? Do you still have work? sunod-sunod niyang tanong. Wala katatapos lang ng trabaho, heto nga at nagkukwentuhan lang kami ni Sofia ngayon. Good, can I invite both of you to a movie? Really? Oh sure, basta ako ang mamimili ng movie ha? demand nito. Napailing siya. This girl really amazed him everyday. Parang may magagawa naman ako, pagbibiro niya. Be ready in fifteen minutes, Im on my way already. pagkasabi nun ay tinapos na niya ang tawag. Nakahanda na ang dalawa ng marating niya ang boutique ng mga to. Pinagbuksan niya ng pinto si Sofia sa likurang bahagi ng kanyang kotse. At si Ella ay pinaupo niya sa harapan. Umikot siya sa driver seat at pumasok. Pagkaupong pagkaupo pa lang niya ay hinampas na siya nito sa braso. Strike three. Dont ever use cellphone while driving, dont you know safety guidelines? singhal nito sa kanya. Hinaplos niya ang brasong hinampas nito. Masakit yun ah, isip niya. Binuka niya ang bibig, na agad din naman niyang itinukom ng marinig niyang nagsalita si Sofia mula sa likuran. Nagsalita ang hindi, ani Sofia. Tiningnan niya si Ella with a half smile. Nakanguso ito ng lumingon kay Sofia. At least hindi ko na ginagawa iyon ngayon, tanggol nito sa sarili.

Really? Ilang days na, one, two or three? pang-aasar ni Sofia. Inirapan nito ang kaibigan sa likuran. Natatawa siya ng paandarin niya ang sasakyan. Bakit ba ang weird ni Ella? Nakatatlong hampas na ito sa kanya mula noong makilala niya ito. Pero bakit parang nagugustahan naman niya? Weird na rin ata siya. Sadism at masochism pa ata ang drama nila. Natawa siya sa naisip.

Mabilis nilang narating ang mall. Bumibili sila ni Sofia ng makakain sa loob ng sinehan ng makita niyang may kausap si Andrei sa cellphone nito. Sino kayang kausap niya? tanong ng kanyang isip. Pansamantala niya itong tinitigan. Ang gwapo gwapo talaga nito. Lahat ata ng babae napapalingon dito. Nakapolo shirt nalang ito, wala na ring suot na necktie. Bukas ang ilang butones sa taas ng suot nitong polo. Nakita niyang ngumiti ito habang may kausap parin sa cellphone. Hayy, nakakataba ng puso. Hoy, nagde-daydreaming ka na naman. Wag mong masiyadong titigan baka matunaw, pang-aasar nito, siniko pa siya. Kanina ka pa ha, napipikong sabi niya. Inirapan niya ito. Kabisado na niya ang kaibigan. Mapang-asar talaga ito. At siya lagi ang favorite nitong subject. Kunsabagay, hindi naman niya masisisi ang kaibigan. Nahuli siya nitong nakatitig kay Andrei. Dumiretso na sila sa sinehan. Siya ang namili ng papanuorin nila. Alam niya kasing blockbuster na iyon. Iginiya sila ni Andrei sa Cinema 7. Kumunot ang noo niya, wala pa silang ticket. Wait, pigil niya sa dalawa. Wala pa tayong ticket, Its okay, Mae. Lets go. hinawakan siya ulit nito sa braso upang igiya papasok sa sinehan. Pero hindi tayo makakapasok diyan ng walang ticket, I said Its okay. Keep moving, utos nito. Nakita niyang dumiretso na si Sofia papasok ng sinehan. Walang bantay sa labas ng sinehan. Nasaan yung kumukuha ng mga tickets? At saka bakit basta nalang pumasok ang kaibigan? Nagtataka man ay nagpaagapay na lang siya kay Andrei. Bahagya siyang nanginig pagkapasok sa loob ng sinehan. Ang lakas ng aircon. Siguro maraming nanonood blockbuster eh, kaya siguro nilakasan ang aircon, naisip niya. Kunot ang noo niya ng marating nila ang mga upuan. Bakit walang tao? Akala ko ba blockbuster tong palabas? Tumingin siya sa screen, puro palatastas pa lang ng mga upcoming movies. Iginiya siya ni Andrei sa kinauupuan ni Sofia. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. May napansin siyang isang lalaki na nakaupo sa bandang unahan nila. Nilapitan ito ni Andrei at kinausap. Kumunot na naman ang noo niya. I feel so weird, aniya sa kaibigan. Why? tanong nito. I dont know, I-its j-just so strange. I cant explain it, nalilitong sabi niya. Stop thinking, you worry too much. Just enjoy the movie, okay? pakonsola ni Sofia. Sasagot pa sana siya sa kaibigan ng makalapit na si Andrei, kasama nito ang lalaki na nakaupo kanina sa unahan. Dumoble pa ata ang pagkakakunot ng noo niya. Ladies, I want you to meet my friend, Mike Paredes. Pare, Sofia Llanes and Ella Mae Fernandez. pakilala ni Andrei sa kanila. Nice to meet you, two beautiful ladies, anito at nakipagshakehands sa kanila. I remember you, bigla ay sabi nito na sa kanya nakatingin. Tumaas ang kilay niya. Oh really? Yeah, I knew it. Dito din sa mall na to, you slapped a man who was having an affair with other woman. Am I right? nakangising tanong nito. Ikinibit niya ang mga balikat bilang tugon. Bigla niyang naalala ang ginawa niya sa manlolokong ex ng kanyang kaibigan. Binigyan niya talaga ng leksyon ang damuhong lalaking iyon. Tumingin siya sa kaibigan, wala itong reaksyon. Nakatutok lang ang mga mata nito sa big screen. Wari niya hindi na nito masiyadong dinidibdib ang nangyari. Nasanay na rin marahil ito sa ganoong klaseng lalaki. Umupo si Mike sa kanang bahagi ni Sofia. At pagkatapos ay umupo naman si Andrei sa kaliwa niya. Bale napagitnaan sila ni Sofia ng dalawang lalaki. Itinuon niya ang atensiyon sa big screen ng mag-uumpisa na ang palabas. Luminga siya sa paligid. Silang apat lang ang tao doon. Bakit ganoon? pagtataka na naman niya. Hindi naman siguro nagkataong silang apat lang ang nanood ng mga oras na iyon. Kailan lang nagshowing ang nasabing palabas. At napapabalitang dinudumog ito sa lahat ng sinehan. Imposible namang silang apat lang ang manonood, meron at meron pa ding dapat moviegoer na maliligaw doon. Pero bakit ganito? You know what guys, this is really strange, bigla niyang nasambit. Please, Ella. Just watch okay? ani Sofia, Pero hindi ako mapakali, Sofia. Whats the matter?tanong ni Andrei sa kanya. Any problem? Sit back and relax, ani Mike. Cool na cool ito. Hindi niya pinansin ang mga to. I know there something wrong here, nilagyan niya ng diin ang bawat salita. Ipinareserved ni Andrei ang sinehang ito para sa inyong magkaibigan, patamad na sagot ni Mike. Ano? malakas na sabi niya sabay ng pagtayo. Anong ipinareserved? Bakit ipinareserved? Pwede bang magpareserve? sunod-sunod na tanong niya. What do you expect with your man, bilyonaryo yan. si Mike. Oo alam niya ubod ng yaman ito. Pero pwede bang ipareserve ang sinehan ng ora-orada? At bakit nito kailangang ipareserve ang sinehan para lang sa kanila? Tiningnan niya ng pailalim si Andrei. Nakatingala ito sa kanya, pilit ang mga ngiti, mas tamang sabihing nakangiwi ito. Bakit kailangan mong ipareserved ang sinehang ito? At bakit- Sit first and Ill explain. Nagfri-freak out ka na naman eh, putol nito sa sasabihin niya.

Naupo siya at humarap dito. Ipinareserved ko ang sinehang ito para maaccommodate kayo ni Sofia. Para walang istorbo. Solo natin ang lugar. So please stop asking questions already, manuod ka nalang. paliwanag ni Andrei. Pero hindi mo na dapat ginaw- Ella, will you please calm down? And shut the hell up. Hindi ako makapagconcentrate sa pinapanuod ko dahil diyan sa kakatanong at kakareklamo mo. Andrei reserved this area, so whats the big deal? Ipinareserved niya ang sinehang ito, tapos. Wag ka ng magtaka pa, magagawa niya ang lahat ng gusto niya sa mga pag-aari niya. And this mall was no exception. He owned this. napipikong litanya ng kaibigan. What? sabay ng pagtayo ay ang pag-echo ng malakas na boses niya sa loob ng sinehang iyon. At sabay nun ay ang pagtakip ng tenga ng tatlo.

Simula noon ay naging madalas ang paglabas nila ni Andrei. Minsan sinusundo siya nito sa kanilang boutique at bago siya nito ihatid kumakain muna sila sa labas. Minsan din ay ipinagluluto sila ng mama nito ng dinner. Aliw na aliw sa kanya ang ginang dahil ayon dito siya lang daw ang tanging nakakakontra sa anak nito. Malapit na rin ang binata sa kanyang mama at lola. Gustong gusto ng mga ito ang binata. Kabiruan kasi ito ng lola niya. Naging madalas din ang paguusap nila sa telepono. Lagi silang nagtatawagan kung may libre lang din silang oras sa trabaho. Lalo na ito, kahit alam niyang sobrang abala nito sa trabaho sinisingit pa din nitong tawagan siya. Ganoon na ang nakasanayan nila simula ng maging close sila. Pero may mga pagkakataong pa ring nagtatalo sila. Ewan ba niya, siguro hindi na talaga nila maiiwasang magbangayan. Nasanay na rin sila sa ganoon. Ilang buwan na din silang magkakilala ni Andrei. At habang patagal ng patagal, patindi naman ng patindi ang atraksiyong nararamdaman niya para sa binata. Kung noon may duda pa siya, ngayon malinaw na, mahal na niya ang binata. Kung sana lang pareho kami ng nararamdaman. Bakit ba ganoon? Kung kailan naman siya umibig, parang sasablay pa. Wala namang sinasabi si Andrei na mahal din siya nito. Kaya heto siya ngayon umaasa. Kontento na siya sa ganoon, atleast nakakasama niya ang binata. Masaya na siyang makita ito at makausap, wala na siyang hihilingin pa wag lang itong mawala sa buhay niya. Kung gusto nito hanggang ganoon lang sila, fine. Manatili lang itong bahagi ng buhay niya.

Tutok na tutok ang atensyon ni Andrei sa mga files na nasa harapan niya. Marami siyang appointments ngayon. At ngayon nga tinatapos niya ang isang file na kakailanganin niya mamaya sa isa niyang meeting. Hindi niya ito natapos kagabi dahil naparami ang inom niya. Kumpleto kasi ang barkada kaya naman inumaga siya ng uwi. Noong wala pang asawa ang iba nilang mga kaibigan ay madalas nilang gawin yon. Nagtitipon tipon sila sa isang lugar na exclusive for the boys only, at doon nila malayang ginagawa ang lahat ng gusto nila. Pag-usapan ang lahat ng gusto nilang pag-usapan. At kagabi nga ay hindi siya agad nakaalis dahil siya ang naging tampulan ng tukso. Hindi siya pinakawalan ng mga ito. Pahamak na Mike, isip niya. Ito kasi ang nagumpisa, sinabi nito na nasapol daw siya ni Kupido. Asar na asar siya sa kaibigan. Ito ang pinakamalapit sa kanya. At ito ang nangunguna kagabi sa panunukso. Kaya heto at nagmamadali siya ngayon sa pagtapos ng report. Tumingin siya sa orasan, isang oras nalang ang natitira para sa susunod niyang meeting. Shit! Mainit na ang ulo niya, ayaw niyang nag-aapura sa trabaho. Tumunog ang intercom sa ibabaw ng kanyang desk. Shit! At lalong ayaw niyang naiistorbo. Hinayaan niyang tumunog ito ng tumunog. Nang hindi siya nakatiis sa ingay na nililikha nun ay inis na pinindot niya ang button. Did I asked you to not disturb me? galit niyang sabi sa sekretarya. Im sorry, Sir. Pero si Miss Ella po kasi kanina pa tumatawag. Ang kulit po kasi eh.anito sa nahihintakutang boses. Kabisado na siya ng mga empleyado niya, kapag ganoong mainit ang ulo niya ilag ang mga to sa kanya. At alam na din ng mga to na talagang nagagalit siya kapag naiistorbo siya. Connect me to her, aniya, hindi nagbago ang boses. Kung ibang babae lang hindi talaga siya tatanggap ng kahit na anong tawag. Y-yes, Sir. nagmamadaling sabi nito. Maya maya lang ay narinig na niya ang boses ni Ella. Im busy, do you need anything? bungad niya dito. Hindi pa niya tapos ang report na ginagawa niya. Hanggat maaari ayaw sana niyang magpaistorbo kahit na kanino. May gusto lang akong sabihin. anito. Then tell it quickly, patamad niyang sagot. Nakatutok ang mga mata sa file na binabasa niya. Ano bang ginagawa mo? tanong nito. Just tell me what do you wanna say, okay? Usap muna tayo, wala akong makausap. Umalis si Sofia. paglalambing nito. At wala din akong panahong makipag-usap ngayon, dali dali niyang sabihin. Not now, Mae. Im busy. pinagdiinan niya ang bawat salita. Ganon ba, oh sige. matamlay na sabi nito. Kung hindi lang siya nagmamadali at wala lang siyang tinatapos pagbibigyan niya ito. Ill call you later, okay? pakonswelo niya dito. Pero may sasabihin pa ako sayo, singit nito ng magpapaalam na siya dito. What? Hindi pa ba yon ang sasabihin mo? Ipinikit niya ang mga mata at tumingin sa taas, pagkatapos ay bumuga ng hininga. Akala pa naman niya yon na ang sasabihin nito, ang mag-usap muna sila dahil wala itong kasama sa opisina nito. No. its not. Then what is it? Im in a hurry, Mae. I dont have time for chatting. nawawalan ng pasensiyang sagot niya. Hey, easy. I just want to go to mall, wala akong kasama. Pwede mo ba akong samahan later? anito. After work, nagpahabol pa. Hinilot niya ang kanyang sentido. He gritted his teeths. Is that it? Yes, she said in a cool way. Nananadya ba ang babaeng to?

You called me para lang sabihing samahan ka sa mall? Nangulit ka para lang dyan? tumaas na ang boses niya. You know that Im busy, I told you that I am busy. Tapos yon lang naman pala ang sasabihin mo. Tumingin siya sa orasan, fifteen minutes before his meeting. Nagpatuloy siya. I didnt have enough sleep, Im rushing a report right now. I never had my lunch yet. I had a nonstop meeting since this morning. And now, youre wasting my time for your crave. Fifteen minutes left before my meeting dapat kanina pa ako nandoon. You might at least have told me from the start, hindi na sana humaba ang usapang ito. nanggigigil na ibinagsak niya ang telepono. Grrr, gusto lang pala nitong pumunta ng mall kailangan pa siyang istorbohin. Habang patagal ng patagal nagiging makulit ito. Niligpit niya ang mga gamit at naghanda sa pagpunta sa Conference room. Kahit siya ang titleholder ng kumpanya ay ayaw niyang nale-late sa mga meetings niya.

CHAPTER EIGHT Hindi makapaniwala si Ella, bahagya pa siyang nakanganga dahil sa pagkabigla. At ang mokong na Andrei na yon binagsakan ako ng telepono. Aba, teka nga. Idiniyal niya ulit ang telephone number ng opisina nito. Sekretarya nito ang sumagot. Gusto kong makausap ang boss mo, utos niya dito. Matigas ang tinig. Sorry, Miss Ella. Pero kasalukuyang nasa meeting na po ngayon si Mr. Morales. sagot nito. Ganon ba, okay. aniya at nagpaalam na dito. Hmmm. Hindi ata siya papayag na babagsakan lang siya nito ng telepono. Oo alam niya at galit ito, pero tama bang gawin nito yon sa kanya. Aba, aba, malay ba naman niyang wala itong tulog at may inaapura itong report? Hindi na nga siya nakapagreact sa outburst nito babagsakan pa siya ng telepono. Gusto lang naman niyang magpasama ha. Malay ba niyang maiistorbo ito sa pagtawag niya. Sabi ng sekretarya nito, nasa meeting na daw ito. Bigla ay ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. May naisip siyang plano para gantihan ito. Sinipat niya ang relo sa kanyang bisig, alas siyete na ng gabi. Kinuha na niya ang bag at lumabas ng kanyang opisina. Dumaan muna siya sa powder room bago tuluyang lumabas ng gusali. Binabaybay na niya ang kinapaparadahan ng kanyang kotse ng may marinig siyang humaharurot na sasakyan. Nilingon niya ang pinanggagalingan nun. At isang pulang Ferrari ang nakita niyang humaharurot sa daan. Pagkatapos ay huminto ito sa tapat niya. Kumikintab ito mula sa mga ilaw sa daan. Iilang tao lang ba ang may ganitong uri ng sasakyan? Milyones ang halaga nito. Pero sino kaya ang lulan ng sasakyang ito? tanong niya sa kanyang isip. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang bag. Nilingon niya ang guwardya nila, sa iba ito nakatingin. Baka masamang tao ito at balak siyang kidnapin. Madilim pa naman sa kinatatayuan niya. Kidnapper nakaFerrari? Are you nuts? sita ng kanyang isip. Nang biglang lumabas ang sakay nun. Si Andrei? Nakakunot ang noo nito, madilim ang mukha. Maluwag na ang suot nitong necktie at nakataas sa mga bisig ang manggas ng suot nitong polo shirt. Kitang kita ang kapaguran sa itsura nito. Get inside my car, maawtoridad nitong utos ng nasa harap na niya ito. I have my own car, Drei. walang emosyon sagot niya. I know, now get in. Dont you hear me? I said I have my own car, ulit niya. Dont you hear me too? Sumakay ka sa kotse. Wag mong ubusin ang pasensya ko, Mae. galit na sabi nito. Bakit pa ako sasakay sa kotse mo when I have my own? hindi siya magpapatalo dito. Sasakay ka o hindi? may banta na sa tono nito. Dont use me that tone, bulyaw niya dito. Hindi ako sasakay sa kotse mo. Hinawakan nito ang batok, alam niyang nagtitimpi ito. Isa, bilang nito. Aba, tama ba ang narinig niya? Binibilangan siya nito. Hindi siya tuminag sa kinatatayuan. Dalawa, Im sure Mae hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Sumakay ka na. Bakit ako sasakay? nakataas ang noong tanong niya. Itinaas pa niya ang kilay niya. We need to talk. Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka sakin. he clenched his teeth. Oo nga pala naalala niya ang kalokohang ginawa niya kanina. At hindi niya ito masisisi kung magalit man ito sa kanya ngayon. Ang balak lang naman niya kanina ay istorbohin ito. Her original plan was to keep his phone ringing. Malay ba niyang iaaccept nito ang tawag. Out of guilt, lumakad siya palapit sa sasakyan nito. Binuksan niya ang passenger seat at doon naupo. Pumikit ng mariin si Andrei, nauubusan na talaga siya ng pasensya kay Ella. Bakit ba ang tigas ng ulo ng babaeng ito? He keeps on muttering while hopping in his car. Umupo siya sa driver seat at tiningnan mula sa rearview mirror si Ella. Tumingin din ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Again, he gritted his teeth. Konti nalang talaga bibinggo na sa kanya ang dalaga. Ano pang hinihintay mo, pasko? angil nito sa kanya. Hindi mo ako driver, lumipat ka dito sa harapan, mariing utos niya. Ayoko, mariin din ang pagtanggi nito. Talagang hinahamon siya ng babaeng ito ha. Muli niya itong tiningnan sa rearview mirror ng kanyang sasakyan. Nakatingin ito sa labas ng kotse niya. Sige magmatigas ka pa. Hwag mo akong hamunin, Mae. Lilipat ka o hihintayin mo pang kaladkarin kita dyan, banta niya ulit dito. Im serious,lady. Im grew tired hearing all your objections. Padabog na bumaba ito ng sasakyan. Lumipat ito sa harapan at padabog ding pumasok. At pagkatapos ay pabagsak na isinara ang pinto. Umiling-iling siya, nang makitang maayos na ang pagkakaupo nito saka pa lang niya pinaandar ang sasakyan. Dinala niya ito sa mall. Particularly, sa isang food chain. Kumain ka, mando niya ng makitang hindi nito ginagalaw ang pagkaing nasa harapan nito. Hindi ako gutom. Bakit mo ba ako dinala dito? salubong ang kilay na tanong nito.

Hindi niya ito pinansin, ipinagpatuloy niya ang pagkain. Ayaw niyang makipagtalo dito kapag ganoong gutom siya. Hindi ba at gusto nitong magpunta ng mall? Ngayon namang dinala niya ito dito nagrereklamo. Hayy, ang hirap ispelengin nito. May saltik nga talaga ata ito sa ulo. Naalala pa niya ang ginawa nito kaninang nasa meeting siya. Kasalukuyang siyang nagsasalita sa harapan ng mga subordinates niya ng magring ang kanyang cellphone. Nakalimutan niya itong ilagay sa silent mode dahil sa pagmamadali kanina. Ayaw sana niyang sagutin yon, pero dahil nakakaistorbo kaya naman nagmamadali niyang kinuha mula sa bulsa ang nasabing mobile phone. Icacancel niya ang nasabing tawag. May pagmamadali sa kilos niya ng dukutin ito, hindi niya namalayang napindot niya ang call button. And worst hindi rin sinasadyang napindot niya ang loudspeaker ng kanyang mobile phone. Umalingawngaw sa apat na sulok ng kwartong iyon ang malakas na boses ni Ella. Hoy Andrei, dont you ever do that again. Wag mo akong pagbabagsakan ng telepono kapag kausap kita, you asshole. I swear youll gonna pay for that. Nakangiwi pa siya ng ilayo niya ang naturang gadget. Hindi niya ata nakayanan ang lakas nun, bahagyang natulili ang kanyang mga tenga. At huli na para bawiin iyon dahil nagtatawanan na ang kanyang mga subordinates. Gigil na gigil siya dito. Hindi lang nito alam kung paano siya inasar ng mga nakarinig sa sinabi nito. And because of that goddam call, he found himself unable to think and concentrate. He couldnt perform well. Parang nawala lahat ng sasabihin niya. Dahilan upang icancel niya ang nasabing meeting. Naunawaan naman siya ng mga kameeting niya, bagkus naaliw pa nga ata ang mga to kaya nasalinhan ng panunukso ang mga tinig. Kaya lang nahihiya siya sa ginawa niyang pagcancel. First time niyang gawin iyon dahil lang sa isang tawag ng isang babae. Pero hindi lang naman basta tawag iyon, sinigawan siya nito over phone. Sinabihan pa siyang asshole. And everybody in that room heard it, for goodness sake!

Nakamasid lang si Ella kay Andrei habang kumakain ito. Kahit inis siya dito, hindi niya mapigilang matuwa. Dinala pa din siya nito sa mall gaya ng gusto niya. Kahit galit ito sa kanya at kahit may kasalanan siya dito, pinagbigyan pa din siya nito. Ang sweet. Halatang pagod na pagod ito, at gutom na gutom. Parang naawa tuloy siya dito. Marami nga siguro talagang ginawa ito sa maghapon. Tapos hindi niya ito inintindi. Bagkus dumagdag pa siya sa alalahanin nito. Kung tutuusin kaya naman niyang pumunta ng mall kahit mag-isa, bibili lang naman siya ng toiletries. Hindi naman kabigatan yon. Pero ewan ba niya at bigla niyang naisipang tawagan ito kanina. Ayan tuloy, nagbabangayan na naman kayo, sisi ng kanyang isip. Kainin mo na yan bago pa lumamig, narinig niyang utos nito na inginuso ang pagkaing nasa harapan niya. Alam niya, shes been hard on him. Pero dahil inumpisahan niya iyon, paninindigan niya. Mapride siyang tao. Kaya kahit gutom siya, hinding hindi niya gagalawin ang pagkaing inorder nito. I dont wanna eat. she said, maintaining her hard face. Tinitigan siya nito sa pagitan ng pagnguya. Pagkatapos kumuha ito ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi. Hindi siya nito hinihiwalayan ng tingin. Nilukot nito ang tissue paper at ibinato sa ibabaw ng mesa. Are you going to eat or I will eat you out? He was frightening. Natakot siya sa anyo nito. Kakain, mahina niyang sabi. Inumpisahan niyang kumain. Nakakatakot pala ito kapag sobrang galit. Parang anumang oras gigilitan siya sa leeg. Nauna itong natapos kaya naman nailang siya habang pinapanood siya nitong kumakain. Ayoko na, busog nako, sabay baba sa spoon and fork na hawak niya. Ubusin mo yan, hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo yan nauubos, ganoon pa din ang anyo nito. Dinampot niya ulit ang kutsara at tinidor. Sabi ko nga, usal niya. Nang matapos siyang kumain ay tinanong siya nito kung bakit gusto niyang pumunta ng mall. Sinabi niya ang totoong pakay. Inalalayan siya nito sa pagtayo. Hmmm, infairness gentleman pa din pala ito kahit parang bubuga na ng apoy. And infairness to him, gwapo pa din ito kahit salubong ang mga kilay nito, at kahit nakasimangot ito. Iginiya siya nito palabas at tinungo nila ang Supermarket ng nasabing mall. Hawak hawak nito ang kamay niya, naramdaman na naman niya ang mga boltaheng dumadaloy sa katawan niya. Bakit ba sa tuwing magdidikit ang mga balat nila ng binata lagi siyang parang nakukuryente? Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. They locked between fingers. Umangat ang tingin niya sa mukha ni Andrei. Hindi na ito nakasimangot, hindi na rin salubong ang mga kilay nito. Kay gwapo nitong pagmasdan, hindi nakakasawa. Kinagat niya ang ibabang labi ng bigla itong tumingin sa kanya. Agad siyang nagbawi ng tingin. Pasimple siyang bumuga ng hininga. Nahuli ba niya ako? Sana hindi. Pagdating ng supermarket ay kumuha siya ng basket. Konti lang naman ang bibilhin niya. Kinuha ni Andrei mula sa kamay niya ang basket at ito ang nagbitbit. Tahimik lang na nakasunod ito sa kanya. Nung nasa counter na sila ay ito din ang nagbayad ng mga pinamili niya. Nang ipipilit niyang siya ang dapat magbayad ay binigyan siya nito ng let-mehandle-it look. Wala siyang nagawa kundi hayaan ito. Lumabas na rin sila ng mall pagkatapos niyang mamili. Wala pa din silang imikan habang lulan ng kotse. Ayaw sana niyang sa kanya manggaling ang unang salita, pero hindi siya makatiis. Pasalamat ka mahal kita, kundi nunca din kitang iimikan. Pero syempre hindi niya iyon isinatinig, sa isip lamang niya yon. Diba sabi mo kanina mag-uusap tayo? paumpisa niya. Wala itong reaction, nanatili itong nakatingin sa daan. Ahmmm, about nga pala iyong kanina, Nilingon siya nito at agad ding ibinalik ang tingin sa daan. Hindi ko alam na busy ka kanina, hindi ko din alam na may tinatapos ka, All eyes pa din ito sa daan. Nagpatuloy siya, And about the second call, I was just, a-ahmm, angry you know. Kasi naman pinagbagsakan mo ako ng telepono. No one dares do that to me. Kaya I do hope you understand why I acted like that. Still, no response. S-sorry na, nasambit niya. Bigla itong nagpreno. Muntik na siyang masubsob sa dashboard kung hindi lang siya nakaseatbelt. What the he- are you crazy? Bakit ba bigla bigla kang nagprepreno? angil niya dito. Nagpapakamatay ba ang lalaking to? Buti nalang malayo pa ang sasakyang nakasunod sa kanila. Kinabahan siya dun ah. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Lumingon ito sa kanya. Inirapan niya ito, saka tumingin siya ng diretso. Nakita niya mula sa dulo ng kanyang mata na umiiling iling ito bago nito ulit pinatakbo ang sasakyan. Mabilis ang takbo nila kaya naging maiksi lang ang kanilang byahe. Well, what do you expect with a Ferrari. Nilampaso nito ang lahat ng madaanan nilang sasakyan.

Pagbukas niya ng pinto ng kanyang condo ay tumuloy ito sa loob at nilagay ang plastic ng mga grocery sa ibabaw ng mesa sa kanyang kusina. Pagkatapos ay ibinagsak nito ang katawan sa mahabang sofa na nasa kanyang maliit na sala. Ipinikit nito ang mga mata. Parang kinurot ang puso niya sa nakitang itsura nito. Pagod nga yata talaga ito. Aayusin sana niya ang mga pinamili, nang magbago ang isip niya. Dahan dahan siyang lumapit sa binata. Drei? Hmmm? ungol nito. Walang duda, pagod nga ito. Pumwesto siya sa likuran ng sofa kung saan ito nakaupo. Dahan dahan niyang ipinatong ang mga kamay sa balikat nito. She begin to give him a massage. Nasarapan ata ito sa ginagawa niya kaya ipinatong nito ang ulo sa headrest ng sofa. She altered the massage on his temple. And she heard him breathe out. Binaba niya ang tingin dito, nakatingala ito sa kanya, nakatitig. She felt uneasy. Bigla siyang lumayo dito. Umupo siya sa isang single settee na katapat ng kinauupuan nito. Thanks, usal nito, bahagyang ngumiti. So, am I forgiven? Not yet, She pouted her lips. Natawa ito sa ginawa niya. Come here,anito habang tinatapik tapik ang sofa na kinauupuan nito. W-why? kinakabahang tanong niya. Bigla kasing naging seryoso uli ang mukha nito. Just come here, sinabayan pa nito ng senyas ng ulo na lumapit siya. Nanginginig ang mga paa na naglakad siya palapit dito. Umupo siya sa dulo ng sofa, leaving a space between them. Closer, sweetheart. malambing nitong sabi. She moved closer. And before she could react, naihiga na siya nito sa mahabang sofa. He was on top of her, giving her an intent look. She looked straight into his eyes. Was it desire she saw in his eyes? She couldnt move, as if she was being possessed. She smell his eau de cologne. And it was soothing. A large amount of electricity down to her every senses, and it made her stun for a while. Have you imagine how much I control myself not to kiss you? When all I want is to hold you like this and make love to you right and here. mahinang usal nito. Napalunok siya ng magsink in sa utak niya ang sinabi nito. Nabibingi na siya sa sasal ng kanyang dibdib. Kaybilis nun, at hindi niya makontrol. Im mad, yes. Not because of you and not because of that call. Its because I had a hard times dealing with you. Kapag nagagalit ka, I dont even know how to tame you. You always keep on fighting with me and I dont know what to do with you anymore. See my point? I dont give a damn on all your whims, and when if youre making a big deal out of something. Its okay with me. Its just that I cant control myself when it comes to you. And when you said sorry a while ago, I tapped the brake dahil talagang nagulat ako. I never expected youd say that, who would have thought? The brat Ella Mae Fernandez? Saying sorry doesnt fit you. And I am right, coz suddenly, you turned to a little monster again. Its because you scared the hell out of me, mas malakas lang konti sa bulong ang boses niya. Pinadaan nito ang daliri sa kanyang ilong. Naipikit niya ang mga mata dahil sa ginawa nito. Im sorry if I scared you, sweetheart. I will never do that again, Im sorry too Drei for all the difficulties Ive brought to you. You mean it? tanong nito. Nakatitig ito sa kanyang mga labi. O-of c-course, she stuttered. Dahan dahan nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. Oh no! No, no, no, please no. Para siyang naestatwa, hindi siya makakilos. Alam niya ang susunod na mangyayari, pero bakit ganun? Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Gusto niya itong itulak, hindi naman niya maiangat ang mga kamay. Gusto niyang magprotesta, wala namang boses na lumalabas sa bibig niya. Hindi kaya gusto din niya ang mangyayari? Hindi kaya gusto ulit niyang matikman ang mga halik ni Andrei? She parted her lips. Iyon ata ang hinihintay nito, naramdaman nalang niya ang labi nito sa mga labi niya. She let him explore her mouth. His kiss was a little aggressive. Parang naghihintay ng tugon mula sa kanya. Gumanti siya ng halik sa paraang alam niya. Better, narinig niyang sambit nito sa pagitan ng mga halik. The kiss was becoming intense and passionate, going deeper and deeper. Nadadarang na siya sa apoy na nagmumula sa katawan niya. Naramdaman niyang nakapasok na ang isang kamay ni Andrei sa loob ng kanyang blusa, cupping her breast. She moaned like she was in ecstasy. Kusang gumalaw ang mga kamay niya, isa-isa niyang tinanggal ang mga butones ng suot nitong polo shirt. Hinubad nito ang polo. At siya tanging underclothes nalang ang nagsisilbing saplot niya. Ni hindi niya namalayan kung paano nahubad ni Andrei ang mga damit niya. He unhooked her bra without leaving her lips. And all of a sudden, naramdaman niyang hinahalikan na nito ang puno ng isang dibdib niya. Nibbling the crown of her breast. Bigla ang paglabas ng mga ungol sa bibig niya. Napasinghap siya sa ginagawa nito. She grasped his hair. He begun to kiss her from top to toe. And retuned the kiss on her lips. She thought that the pleasure she was feeling right now has no end. Nang biglang tumunog ang telepono sa paanan niya. Bigla ang pagmulat niya ng mga mata at ubod ng lakas na itinulak niya si Andrei. What the hell, nakakunot ang noong sambit nito, marahil ay hindi inasahan ng binata ang ginawa niya.

CHAPTER NINE Lihim na napamura si Andrei. Kung kailan naman nasa kasarapan biglang tutunog ang lintik na telepono. Walang pakisama, piping usal niya. He sigh, at pagkuway nilingon si Ella. Nakahantad ang mga dibdib nito, bigla na naman tuloy uminit ang pakiramdam niya. Hindi nito malaman kung paano tatakpan ang katawan. At ang mga labi nito, they are the most sweetest lips he had ever tasted in his entire life. They are soft na kailangan mong ingatan para hindi masugatan. Pinagmasdan niya ito, nakasiksik na ito sa dulo ng mahabang sofa, nakayakap ito sa mga tuhod na nagsilbing takip ng katawan. Ang isang kamay nito ay hawak ang receiver ng telepono. Tumayo siya at dinampot ang mga damit nito na pinag-iitsa niya kanina kung saan saan. Pagkuway initsa niya ang mga yon sa sofa kung saan nakaupo ang dalaga. Tumuloy siya sa kusina nito at naglabas ng malamig na tubig mula

sa personal ref nito. Kailangan niyang maibsan ang init na nararamdaman. Nakadalawang baso din siya ng tubig, pero hindi umubra. Damn! Lihim na naman siyang napamura. Damn that caller, whoever he/she was. Pagdating sa bahay ay agad niyang binigyan ang katawan ng malamig na shower. Ganoon katindi ang epekto ni Ella sa kanya. Iniwan niya itong may kausap pa din sa telepono, sumenyas lang siya ditong aalis na siya. Tumango lang ito kanina bilang tugon. Naiisip niya ang mga labi nito, ang katawan nito. She had the curves in the right places. Ipinikit niya ang mga mata at itinapat sa dutsa ng rumaragasang tubig ang kanyang mukha. Pansamantala siyang nagbabad sa shower. Parang naaamoy pa niya ang katawan ng dalaga hanggang ngayon. She smells like a baby. Dumikit ata ang amoy nito sa ilong niya. Damn.

Knock, knock, narinig niyang sabi ni Sofia. Mula sa ginagawang sketch ay nag-angat ng tingin si Ella. Special delivery, anito sa maluwang na ngiti. May hawak hawak itong isang bungkos ng mga bulaklak. Iniabot nito sa kanya. Kunot ang noong kinuha niya yon. Nasa bungad kasi ang opisina nito kaya nakikita nito ang mga dumarating sa kanilang boutique. At ang opisina niya ay nasa bandang looban. Magkaiba sila ng opisina ni Sofia, ang kaibigan kasi ang humaharap sa mga customers. At ang trabaho niya ay mag-sketch ng mga designs. Pero pagdating sa pagtabas ng mga tela ay magkatulong sila ng kaibigan. Hindi lahat ng orders sa kanila ay sila ang gumagawa, may mga tauhan din kasi sila. Iyong mga special lang, gaya ng mga sikat na personalidad at yong mga nabibilang sa polite society ang personal nilang ginagawa. At minsan batay na rin sa request ng mga clients. Pagkatapos matahi ang damit, sila ni Sofia ang naglalagay ng mga disenyo. Ayaw nilang ipagkatiwala sa mga tauhan ang paglalagay ng mga studs, o ang paglalagay ng additional accessory. Sila ang gumagawa nun. Kaya naman naipapamalas nila ang galing sa paglikha ng mga kakaibang designs. Sinong nagpadala? excited na tanong nito. Malay, aniya sabay ng kibit ng balikat. Kinuha niya ang isang maliit na card na kasama ng naturang mga bulaklak. Mae, I miss you already, sweetheart. Andrei, Iyon ang nakasulat sa maliit na tarheta. Magkasama lang sila kagabi namimiss na siya nito agad? Lihim siyang kinilig. Bigla niyang naalala ang namagitan sa kanila ng binata. Kung hindi tumunog ang telepono hindi niya alam kung saan sila hahantong ni Andrei. Baka naibigay na niya ang sarili dito. Hindi rin siya agad nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Hindi sana nangyari iyon kung hindi siya nagpatangay sa tukso. Hindi sana humantong sa ganoon kung nagawa lang niyang tumaggi. Hindi rin sana mauuwi sa ganoon na halos may mangyari na sa kanila kung nagawa lang niyang kontrolin ang sarili. Hayy. Puro sana. Sana kasi hindi nalang tumunog ang telepono. Sana kasi hindi nalang tumawag si Sofia. Naudlot tuloy ang lahat. Diyatat nagustuhan pa niya ang namagitan sa kanila ng binata. Ipinilig pilig niya ang ulo. Nag-uumpisa na namang magulo ang isip niya. Si Sofia ang tumawag sa kanya kagabi. Ibinigay nito sa kanya ang concept ng mga dapat niyang i-sketch. Rush order yon mula sa pamilya ng isang sikat na politician. May nilakad kasi ito kahapon ng umaga, kaya hindi nito naibigay ng personal sa kanya ang nasabing orders. At iyon nga, tumawag ito kagabi sa panahong may milagrong nangyayari sa loob ng condo niya. Kahit kailan talaga mali ang pasok nito. Hoy, natulala ka na diyan, putol nito sa pag-iisip niya, ipinitik pitik pa nito ang mga daliri sa harap ng kanyang mukha. Nakakatulala ba ang laman ng note? tukso pa nito sabay hablot sa hawak niyang tarheta. Binasa nito ang note. Uyy, so tell me, kayo na ba? siniko siko pa siya nito. Ano ba, singhal niya. Magkasama ba kayo kagabi sa condo mo? anito, nanunukso ang tingin. Umupo siya sa kanyang swivel chair. Nagkunwaring inaayos ang mga gamit. Ayaw niyang tumingin sa kaibigan. Baka mabasa nito ang mukha niya at malamang muntik ng may mangyari sa kanila ni Andrei. Kilala pa naman niya ang kaibigan, malakas ang radar nito. Umupo ito sa silyang nasa harapan ng kanyang desk. What? anito. Anong what? balik tanong niya. Im asking kung magkasama kayo kagabi ni Andrei, ulit nito sa tanong. Mukhang hindi siya titigilan ng kaibigan. Yes, magkasama kami kagabi. Satisfied? nilagyan niya ng diin ang boses sa huling sinabi niya. Tiningnan siya nito ng pailalim. Wag ka ngang tumingin ng ganyan, naiirita niyang sabi. Were rushing an orders, remember? Back to work, shoo, shoo! she waved away her hands for emphasis. Itinuon uli niya ang atensiyon sa ini-sketch niya. Bigla itong tumawa. Youre so transparent, Mae. Wag kang masiyadong obvious para hindi ka mabuko. natatawang sabi nito. What are you talking about? she overstated. You know what Im talking about, ani Sofia pagkatapos ay tumayo na ito at lumabas ng kanyang opisina. Hinayaan na lang niya ito sa iniisip. Maya maya lang ay engrossed na siya sa ginagawa. Nagulat pa siya ng tumunog ang telepono sa tabi niya. Inangat niya ang receiver. Come here, quick. pagkatapos ay nawala na ang linya. Boses iyon ni Sofia. Nagtaka siya, bakit siya pinapapunta ng kaibigan sa opisina nito? Kung may sasabihin man ito, siya ang pinupuntahan nito sa opisina niya. Nagtataka man ay tinungo niya ang opisina ng kaibigan. Nang magulat lang sa dadatnan doon. Nakaupo si Andrei sa mahabang sofa na naroon sa silid ni Sofia na para sa mga kliyente. Hindi ito nag-iisa. May katabi itong magandang babae. Napatingin siya sa braso nitong hawak hawak ng babaeng kasama nito. Pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa mukha ng babae. Maganda ito kung sa maganda. Pero hindi niya ito feel. Parang may tinatago itong something na hindi niya maipaliwanag. Hindi kaya nagseselos ka lang? ang kanyang isip. Boses ni Sofia ang nagpabalik sa kanyang huwisyo.

Ella, this is Carmela Cruz, our new client. Gusto daw niyang sayo personal na magpagawa ng long gown para sa gaganaping engagement party next month. Miss Carmela, this is my business partner and my bestfriend as well, Ella Mae Fernandez. introduced ni Sofia sa kanila. Nagbeso-beso silang dalawa. So, youre Ella. Tama nga si Andrei maganda ka. Siya ang nagrekomenda sayo sakin. ani Carmela, nakangiti. Nice to meet you, Carmela. Thank you, sabi niya sa papuri nito. So paano, kayong dalawa nalang ang mag-usap, singit ni Sofia. Come to my office, yaya niya kay Carmela. Pagkuway sumunod ang mga to sa kanya. Have a seat, alok niya sa dalawa ng marating nila ang kanyang silid. Hindi niya tinitingnan si Andrei. Naiinis siya dito. Naupo ang mga to sa dalawang single chair na nasa harap ng kanyang mesa. So, lets get down to business, seryosong sabi niya. What do you want for your gown? kay Carmela nakatingin.

Nakamasid lang si Andrei sa mukha ni Ella, napakaseryoso nito. Ganoon ba talaga ito sa trabaho? Masiyadong blangko ang ekpresyon ng mukha nito. At kung hindi siya nagkakamali, iniiwasan siya nito. Kanina pa siya nito hindi tinitingnan, at hindi pinapansin. Gusto ko sana yong simple lang pero appealing ang cut. narinig niyang sabi ni Carmela. Ayaw sana niya itong samahan kaso lang pinilit pilit siya nito kanina sa kanyang opisina. Hindi niya alam kung paano siya nito natunton doon. At dahil hindi niya ito napagbigyan noong nagyayaya itong lumabas, naisip niyang pagbigyan ito ngayon. Kagagaling lang nito ng Cebu. Nandoon kasi talaga ang angkan nito. Doon pala ito naglagi, kaya pala noong tawagan siya nito noon ay hindi na ito muling tumawag pa. At kanina nagulat siya ng bigla itong sumulpot sa opisina niya. Mabuti nalang at wala siyang masiyadong ginagawa. Nakita niya ang mga bulaklak na ipinadeliver niya kanina para kay Ella. Nasa tabi ito ng bag ng dalaga. Madali lang yon, dont worry, ani Ella. Pwede mo ba akong bigyan ng mga samples ng design mo? si Carmela. Yeah sure, kelan mo ba gusto? Now na sana if Its ok with you, As in now na? Im rushing an orders kasi kaya malamang hindi ko maisisingit gawan ka ng sketch. But if you like, pwede kong ipakita ang mga previous sketches ko. Pagkatapos ay kinuha nito mula sa drawer ng mesa nito ang isang makapal na sketch book. Iniabot nito kay Carmela yon. Sinuri niya ang loob ng opisina nito. Napakaayos niyon, may mahaba ring sofa na naroron kagaya ng nasa loob ng opisina ni Sofia. Doon nakapatong ang bag nito at ang bulaklak na bigay niya. Mula sa dingding ay may malaking litrato ito na nakasabit. Naalala niya ang litratong iyon. Iyon din ang cover ng isang sikat na fashion magazine noong naglabas ito ng special issue. Meron siyang kopya nun kaya hindi siya maaaring magkamali. Nasa Amerika pa siya ng ilabas ang nasabing special issue. Doon niya ito unang nakita. Nilinga niya ang paligid, may tatlong transparent na parang dura box. Alam niya ipinasadya iyon dahil wala namang nabibiling ganun kung pagbabasehan mo ang anyo ng nasabing box. Sa isang box siguro nasa may sampung drawer yon. At kung hindi siya nagkakamali mga ibat-ibang palamuti para sa damit ang mga laman ng mga drawers. Malinis ang silid nito maliban lang sa mga papel na nagkalat sa ibabaw ng mesa nito. Kumuha siya ng isang papel, nang bigla nitong tapikin ang kamay niya. Dont touch that,ani Ella. It was just a paper, patingin lang,aniya. Kumuha ulit siya ng isang papel. Hinablot nito sa kanya ang papel. Dont touch anything in my desk, singhal nito sa kanya. Okay. Dont shout, kalmado niyang sabi. Ano bang ikinagagalit ng babaeng to sa isang papel? Nakita niyang pinaglipat lipat ni Carmela ang tingin sa kanila. Nabigla ata to sa pagtaas ng boses ni Ella. Nginitian niya ito. Dont mind us, just keep on browsing. he assured her.

CHAPTER TEN Pakiramdam ni Ella, sinasaksak ang puso niya sa sobrang selos na nararamdaman niya. Oo nagseselos siya. Nagseselos siya na hindi naman dapat, dahil wala siyang karapatan. Wala silang relasyon ng binata, hindi siya pwedeng magdemand. At yong halikang nangyari kagabi ay wala lang yun dito. May pa-i-miss-you miss you already pa itong nalalaman, may pamigay migay pa ito ng bulaklak, yon pala may ibang kasamang babae, hinagpis niya. Naiinis siya, sobrang naiinis siya. Do you really need to shout in front of your customers? Tingnan mo natakot tuloy sayo si Carmela akusa nito. Ah! Ipinagtatanggol mo pa siya ha. Sige magsama kayong dalawa. Why? Hindi naman siya ang sinigawan ko ah, depensa niya sa sarili. Oo nga hindi siya, but dont you know how to be discreet? Nasa harap ka ng isang customer mo. Wheres your professionalism? You shouldnt just become tactless and just shout whenever you like. Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. Siya pa ngayon ang parang masama. Halo-halo na ang nararamdaman niya sa mga oras na yon, paninibugho, inis, galit at frustrations. Pakiramdam niya sasabog na siya. Oo tama ito, hindi dapat ganoon ang akto niya sa harap ng isang kliyente. Hindi lang talaga niya maiwasang ilabas ang galit na nararamdaman niya sa binata. Kinakain siya ng paninibugho. At ang nakakainis pa, nakikita niya ang concern nito kay Carmela. She sighed. Did Carmela complained? Nakamata lang sa kanila si Carmela. No, but you might offended her, may diin na sa boses nito. Pinagulong ni Carmela ang kinauupuan nito palapit kay Andrei. Hinawakan nito ang mga kamay ng binata. Para silang magkasintahan kung titingnan mo ang ayos ng dalawa. Bakit ba ganoon nalang ito ipagtanggol ni Andrei gayong

hindi naman niya inaano ang babae. Hindi kaya may pagtingin ang binata kay Carmela? O hindi kaya magkasintahan na ang dalawa? Parang lalo siyang nafrustrate sa naisip niya. Parang hindi niya ata kaya yon. Tinampal niya ang noo. Why would she be offended when I wasnt shouting at her? But you might scare her in a little way. Have you ever asked Carmela if I offended her or scare her in a little way? Why you have to be speak on behalf of her? I didnt speak on behalf of her, I just want you to realize Ibinagsak niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa at padarag na tumayo. Na hindi ko alam ang tama ganon, kaya mo ako nilelecturan ngayon? putol niya sa sasabihin nito. Wait, guys! Stop!awat ni Carmela habang nakataas ang dalawang kamay nito. Youre not quite right, but youre pretty close. nagpatuloy sila. So, bastos ako ganon? I didnt say that. Then what?sigaw niya. Humahangos na pumasok si Sofia sa kanyang opisina. Hey guys, what was happening here? Bakit may naririnig akong nagsisigawan? Isa-isa sila nitong tiningnan. Nakatayo na rin si Andrei sa kinauupuan nito, nagtatagisan sila ng tingin. Si Carmela ay nakasapo sa ulo nito. Youre not getting my point, Mae. usal nito, medyo mababa na ang boses. At hindi mo ako naiintindihan, Drei. punong puno ng hinanakit ang tinig niya. How would I ever understand you when you acts so stubbornly? You wouldnt listen, youre always waving war, always bumped into me. Paano ba kita iintindihin kung ganyan ka? Pumikit siya ng mariin upang hindi tuluyang bumagsak ang pinipigilang mga luha. Excuse me, I need some fresh air. kinuha niya ang bag at mabilis na lumabas ng kanyang opisina. Iniwan niya ang tatlo doon. Hindi na niya matagalang manatili pa sa silid na iyon. Baka ipagkanulo siya ng sariling damdamin. Magmumukha na naman siyang tanga sa harap nito. Patakbo siyang lumabas ng boutique at tinungo ang kanyang kotse. Binuksan niya ang pinto ng driver seat, nang may biglang pumigil dun. Ang bilis naman siyang nasundan ni Andrei. Kunsabagay, sa tangkad ba naman nito. Pinilit niyang buksan uli ang pinto, pero pinipigalan nito. Ano ba, singhal niya dito. Let me in, Sinipa niya ang sariling kotse. Binayo bayo niya ang bintana nun. Bayo at sipa ang ginawa niya sa walang malay na sasakyan. Doon niya ibinuhos ang galit niya, ang paninibughong nararamdaman niya. Mae, tama na, awat ni Andrei sa kanya. Pilit nitong hinuhuli ang mga kamay niya. Patuloy siya sa pagbayo sa bintana ng kanyang kotse. Tama na, please, Mae. may paghihirap na sa tono ng boses nito. Nang mahuli nito ang mga kamay niya ay kinabig siya palapit. Niyakap siya nito ng mahigpit. Hush, enough sweetheart. I wont allow you to hurt yourself. Umiyak siya sa balikat nito. Tahan na. hinagod hagod nito ang likuran niya.

Nang masiguro na ni Andrei na normal na ang paghinga ni Ella, dahan dahan niya itong inakay papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto sa harapang bahagi ng kotse at inalalayan ito sa pagpasok. Hindi naman ito tumanggi, marahil ay napagod ito. At nawalan ng lakas. Naghihirap ang kalooban niyang makita itong ganoon. She was always been fierce and unbreakable. Pero ngayon she was weak, totally weak outside, and maybe inside. Parang may kumurot sa puso niya. Dinala niya ito sa kanyang bahay. Inihiga sa kanyang kama. Nakatulog ito sa kakaiyak habang nasa daan sila. Marahil ay napagod ito sa pag-iyak kaya iginapo ng antok. Hindi na niya ito ginising pa ng marating nila ang kanyang bahay. Binuhat niya ito papasok hanggang sa kwarto niya. Pagkatapos ay tinungo niya ang kanyang personal bar. Sinalinan niya ang baso ng alak. Inisang lagok niya iyon. Nagsalin pa uli siya sa baso. Ng isa pa, ng isa pa, at ng isa pa. Hanggang sa maubos niya ang isang boteng ng martini. Nagbukas uli siya ng isa pang bote, hindi pa siya lasing. Dapat hindi niya susundan si Ella kanina sa pagwo-walk out nito. Pero dahil kailangan nilang magkausap na dalawa, sinundan niya ito. Kailangan nilang magkalinawan. Marami silang dapat pag-usapan. Bitbit ang isang bote ng alak na pumanhik siya ng kanyang silid kung saan nakahiga si Ella. Pinagmasdan niya ito habang natutulog. Payapang payapa ang tulog nito. Medyo nakalihis ang suot nitong palda. Nahantad ang mapuputi nitong hita. Uminit ang kanyang pakiramdam. Shit. Hindi kaya dahil sa epekto ng alak yon? Marami na siyang nainom kung tutuusin. He keeps on swearing habang palabas ng silid na yon.

Iminulat ni Ella ang mga mata. Tumingin siya sa labas ng bintana, mataas na ang araw. Iginala niya ang tingin, hindi niya kwarto iyon. Napabalikwas siya ng bangon. Bumaba siya mula sa kama, sandaling tinitigan iyon. Panlalaki ang mga unan at ang kubre de kama. Kinapa kapa niya ang sarili. Wala naman siyang kakaibang nararamdaman. Bigla niyang naalala na sumakay siya sa kotse ni Andrei, umiyak siya doon ng umiyak. Iniyak niya ang lahat ng sama ng loob niya. At ng mapagod ang mga mata niya ipinikit niya. Hindi niya namalayang nakatulog siya. Ilang oras na kaya akong natutulog? Hindi kaya bahay ito ni Andrei? At sabay nun ay may nahagip ang kanyang tingin, lumapit siya sa side table na kinaroroonan nito. Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon. Iyon ang special issue ng isang sikat na fashion magazine. Siya ang cover nun, naalala niya kinulit kulit siya ng EDC ng nasabing magazine. Perfect daw kasi siyang maging cover, special issue iyon para sa mga fashion designers. Halos lahat ng mga fashion designers ay meron sa nasabing issue. Naguumpisa pa lang sila ni Sofia ng isali sila doon. At siya nga ang napiling maging main cover niyon. At bilang pasasalamat ng EDC, niregaluhan siya nito ng malaking portrait kung saan pareho ng sa cover ng magazine. Bakit may kopya nito si Andrei? nagtataka niyang isip. Two years ago na kasi mula ng ilabas ang issue na iyon. Tinungo niya ang banyo. Kailangan niyang mafreshen up. Kailangan maging fresh din ang utak niya sa pakikipagusap sa binata. Hindi na niya kayang magtago ng nararamdaman. Panahon na para masabi niya ditong mahal niya ito.

Napapagod na siyang maghintay at umasa. Kung wala man tugon ang damdamin niya, at least nasabi niyang mahal niya ang binata. Habang tumatagal kasi bumibigat sa dibdib. Ganoon pala kapag may sinisikil kang damdamin, ang hirap hirap dalhin. Pakiramdam mo pasan mo ang mundo. Pagkatapos niyang maligo inayos niya ang sarili. Nandito kaya ang binata? Baka wala ito at pumasok sa opisina. She sighed and step out on the door. Napanganga siya ng marating ang sala, kunot ang noo. Nagkalat ang mga bote ng alak sa carpeted floor. Umaapaw ang upos ng sigarilyo sa ashtray, at yung iba nalaglag na sa mesang kinapapatungan nito. Nilukot niya ang ilong, nangangamoy sigarilyo at alak ang sala. Dumako ang tingin niya kay Andrei na noon ay tulog na tulog padin sa couch na naroon. Tanging boxer shorts lang ang saplot nito. Ang mga damit nito nagkalat sa sahig. Siguro initsa nalang nito matapos hubarin. Dumako ang tingin niya sa umbok na naroon sa pagitan ng mga hita nito. Napakagat siya sa ibabang labi. Bigla din siyang nagbawi ng tingin ng mahimasmasan sa ginagawa. Nakakahiya ka, Ella, kastigo niya sa sarili. Niyugyog niya sa braso ang binata. Drei, wake up. aniya. Umungol lang ito bilang tugon. Ui, gumising ka. patuloy siya sa pagyugyog sa braso nito. What the heck,singhal nito ng marahil ay magulat sa paggising. Oh, please let me sleep more. dugtong nito saka ipinikit uli ang mga mata. Hinila niya ang isang kamay nito, pinipilit ibangon. Gumising ka na dyan. Bangon na. Hindi niya ito maibangon. Ang bigat ng kamay nito. Hinila niya ulit ang kamay nito. Nang magulat lang sa ginawa nito. Hinila din siya nito, kasabay ng pagtili niya ang pagbagsak niya sa ibabaw ng katawan nito. Halos magdikit na ang mga mukha nila. Nararamdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang mukha. Isang galaw lang ng sinuman sa kanila magtatagpo na ang kanilang mga labi. Their stares locked for a while. And her heart pounds became irrational. Nanginig ang buo niyang katawan, his hands around her. No words takes place between them, hinayaan lang nilang manatili sila sa ganoong ayos. Nang may maramdaman siyang matigas na bagay sa kanyang pusod. Mabilis na kumawala siya sa pagkakayakap nito. Uminit ang buo niyang mukha. Nang sulyapan niya ang binata, ngiting ngiti ito sa kanya. Bastos. What are these mess? pagalit niyang tanong habang itinuturo ang mga kalat sa sala. Nagkibit lang ito ng balikat. Pagkatapos ay inilagay nito ang mga kamay sa ilalim ng ulo at pagkuway tumitig sa kanya. Naglasing ka ba kagabi? Bakit ka ba naglasing? At saka look at yourself, nangingitim ang ilalim ng mga mata mo. Wala ka bang tulog? Anong oras ka ba natulog? And why I am here anyway? Bakit hindi mo ako iniuwi sa bahay ko? You should- Okay, stop! pigil nito sa kanya. Bumangon ito, umupo at sinapo ang ulo. Please, stop nagging me. Do it later. tumayo ito at tinungo ang kusina. Binuksa nito ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Stay here, Ill just take a bath. bilin nito at pagkatapos ay tinungo nito ang kwarto. Inumpisahan niyang ligpitin ang mga kalat sa sala.

Pagbalik ni Andrei sa sala ay malinis na uli ito. Nakahiga ang dalaga sa sofang hinigaan niya kanina. Nakatulog ata ito sa paghintay sa kanya. Marahan niyang tinapik ang pisngi nito. Umungol ito at pagkatapos nagmulat ng mata. Mula ng dinala kita dito wala ka ng ginawa kundi matulog. aniya, tinungo niya ang single settee na katapat ng kinaroroonan nito at umupo siya roon. Inayos ng dalaga ang pagkakaupo nito. Well?untag niya. Lets talk,anito sa paos na boses. Yeah, mag-uusap talaga tayo. We need to clear things up once and for all. Youre right, coz I cant stand it anymore. matagal bago ulit ito nagsalita. Ang sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka mapapagod maghintay. Hindi ka mapapagod umasa. Ganoon naman ang ginawa ko ah, naghintay at umasa. Pero may nangyari ba? Mali naman sila eh, dahil nakakapagod maghintay, nakakapagod umasa. At mas lalong nakakapagod magtago ng nararamdaman. Hindi mo ako maintindihan dahil hindi tayo pareho ng nararamdaman. At hinding hindi mo siguro ako maiintindihan kahit kailan. naiiyak nitong sabi. Nagulat siya sa mga sinasabi nito. And he was glad upon hearing it. Kahit hindi nito dineretsa ang sinasabi, nahuhulaan na niya kung ano at sino ang tinutuloy nito. How can you be sure na hindi kita maiintindihan? Because I love you and you dont have the same feeling, How can you be so sure na hindi tayo pareho ng nararamdaman? naghahamong tanong niya. Because you never say it- And you presumed it? agaw niya sa sasabihin nito. Because I never feel it, depensa nito. I want to, but you never gave me the chance. Kasi lagi kang nakikipagbangayan, ang hirap hirap mong iplease. You always picked a fight, usually deliberately. Paano ko pa magagawang iparamdam na mahal kita kung lagi akong nakikipagtalo sayo? Noon, ang hirap hirap mong paamuin. And when finally, things have started moving. Nagiging makulit ka naman. Dati ang alam ko lang may sayad ka sa ulo, hindi pala. Saksakan din pala ng tigas yang ulo mo. How can I put this without offending you, but youre the most difficult person to get a handle on. I tried every single way to tame you. And now, youre saying to me that you love me. You just dont know how happy I am. mahabang paliwanag niya. Naririnig na kasi niya ang singhot ng dalaga, umiiyak na ito. Tumayo siya at nilapitan ito, kinabig at dinala sa kanyang dibdib. Stop crying, sweetheart. Kinuha niya ang kamay nito, inilapat sa tapat ng kanyang dibdib. Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkakayuko. Feel my heart, its breaking when it sees you like that. Hush now. I promise no more pains. niyakap niya uli ang dalaga. I love you, Mae. I always been loving you from the start. I love your legs. I love your face. I love your smile, I love everything about you. Makulit ka na, mataray ka na, matapang ka na, bayolente ka na, at kahit may sayad ka na, mamahalin pa din kita. And I wont be get tired taming you for the rest of my life.

Mahal din siya ni Andrei. Hindi siya makapaniwala. Sobra sobrang saya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Isiniksik pa niya lalo ang katawan sa dibdib ng binata. She felt secure sa mga bisig nito. Parang nawawala lahat ng alalahanin kapag yakap siya nito. Since when you start loving me, Drei? tanong niya habang yakap pa din siya ng binata. I dunno, since I saw your face on a magazine naging obsession ko ng titigan ang litrato mo when Im tired on works. Nakakatanggal kasi ng pagod ang mga ngiti mo. Naalala niya ang magazine na nakita niya sa loob ng kwarto nito kung saan siya ang cover. Why do you love me kung halos puro negatives naman pala ang nakikita mo sakin? Its a true love I guess. You will love the positive sides and love more the negative sides. Why you have to keep that magazine? I saw it in your room. Because you have the most beautiful face in my eyes. And whos Carmela in your life? Why are you so concerned about her? Nagiging makulit ka na naman. Ang dami mo ng tanong, tama na. Kumawala siya sa pagkakayakap nito. Bakit ayaw mong sagutin? Why are you so protective over her? medyo tumaas ang boses niya. Here we go again, bulong nito. Dont spoil this moment, sweetheart. kalmadong sabi nito. Pagkatapos ay inabot siya nito para yakapin uli. Hinampas hampas niya ito ng unang nadampot niya. Hey, stop it! hinaharang nito ang mga sangga niya. E bakit nga ayaw mong sagutin- Allright, just stop it, anito sa sumusukong tono. Ibinaba niya ang unan sa sofa. Carmela was just a friend whom I met in America three years ago. Hindi ko siya ipinagtatanggol kung yan ang iniisip mo. Yes I am concerned with her dahil buntis yong tao. And way back to your office, baka kasi mastress mo siya kaya sinita kita kaninang sinigawan mo ako. Yun lang. Wag kang magselos sa kanya. Ikakasal na siya next year. At next month nga gaganapin ang engagement party niya. Yun ang dahilan ng paguwi niya dito sa Pilipinas, hindi ko rin alam yon, kanina lang niya sinabi sakin noong papunta na kami sa boutique niyo. tiningnan siya nito ng masama. Are you happy now? sarkastiko nitong sabi. She grinned. Tumayo siya and sit on his lap. Pinagsalikop niya ang mga braso sa leeg nito. Yes, Im the most happiest woman right now, Drei, Pagkatapos ay dahan dahan niyang inilapit ang labi sa mga labi ng binata. Hinalikan niya ito sa paraang alam niya. Gumanti ito ng halik. Kapwa pa nila hinahabol ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Thats not bad for a first attempt. narinig niyang sabi nito. Pagkatapos ay mabilis siya nitong inihiga sa mahabang sofa na iyon. Napuno ng tili niya ang buong bahay. WAKAS

RACQUEL FRANCIA

You might also like