Kabanata I: Isang Pagtitipon
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Mark na higit na popular sataguring kapitan Mac. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daangAnloague na karatig ng Ilog-Binondo. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin nagaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mga bisita ay si TiyaIsabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sinaTinyente Guevarra , Padre Sibyla, isang dominicong pari, si padre Damaso na madaldalat mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang saPilipinas.Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mgakatutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyanggastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol salupain ng mga Indiyo.Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhanang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait naugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa.Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noongmga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla angusapan.Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabiniya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mgaerehe.Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatanang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.Ipinaliwanag pa ngtinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos nahukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isangerehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.Ang ginawa ay itinuturing sa isangkabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokyaang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niyaang mga kasulatang nawaglit.Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitongmakapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso.Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mgaito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.
Kabanata II: Si Crisostomo Ibarra
Leave a Comment