Professional Documents
Culture Documents
a
masasamang libro,t, casulatan, pati nang pag-iing
a Puno nang santa Iglesia, sa macatouid, ang santo Papa at ang mang
a Poong Cardenal
na pinatungculan niya, sampon nang mang
a calolouang
quinacaling
a nila; at caya ng
a gayong libro,i,
macasasamang lubha sa mang
a nasabing
Puno baga nang santa Iglesia, upang mahadlang
a
utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang
i nang ipinagbaual.
Isusunod co ng
a pang
a erefe sa uicang castila, cun sa uicang tagalog, cun sa alin mang uica, cun sacali,t,
cristiano man ang maghulog av cun ualang pahintulot ang mang
a Puno.Caya ng
a ang lahat na
mang
a libritong hang
a nang
apapang
a
tampalasang auit at palasintahan! Cun touirin ninyong mabuti ay agad matatalastas na ang
pagcapang
a panalang
in, at
mang
a pang
acong sinung
aling, na di
umano,i, ang mang
a panalang
it, at nasumpung
ang
nacababao sa santo Sepulcro, sa altar cayang pinagmimisahan nang santo Papa, at iba,t, iba
pang ganito na ipinalimbag sa mang
at niyon.
Ang icapat av baual din naman ang lahat na mang
a libro, mang
at ang mang
a casulatang iniing
a hang
al na ualang
namumuang
a matatanda, na mang
a hang
al pa sa canila.
Ang icalima,i, baual na lahat ang mang
avo,i,
nilimbag o lilimbaguing ualang itinuturong pang
a auit at corrido,
na arao-arao,i, ipinalilimbag na ualang pahintulot, at ualang itinuturong may catha, (na
palibhasa,i, iquinahihiya ang sinulat ay di ibig na maquilala) ay paraparang baual na lahat; lalong
lalo na,t, ang caramihan niyang mang
a auit ay mang
a camaliang di
naayon sa mang
a cagalang-galang na mang
anan nang
tampalasan nilang pluma, ay ang lahat na ganiyang mang
a
sinasabi ay hindi nilang ipagmamacahiyang maalaman ang canilang mang
a pang
alan; at cun
totoo sana ang laman niyang mang
a pinararatang
a casamaan. Phin
11Tunay ng
ala,i, Noli me
tangere, na pinupuri,t, binabasang ualang agam-agam nang maraming natuturang cristiano, baga
ma,t, sa pagbasang ito,i, nagcacamit sila nang casalanang daquila; sapagca,t, ang nasabing libro,i,
punong puno nang mang
a ereja,t, mang
a sabing sinung
aling, mang
a
udvoc na capangahasan, mang
ig sa mang
a tunav na
cristiano, mang
a paglalapastang
an sa mang
a camangmang
a,t, cahunghang
ang
humihicayat sa pagcampi sa tacsil at sucab na si Lutero at sa iba pang mang
a erefe, mang
a aral
na lubhang lihis at mang
a sinulat niya
sa nasabing libro at hindi pa niya pinagsisisiha,t, tinatalicdan, ay dapat na ariin siyang tacsil at
tampalasan sa Dios, ereje at excomulgado.
Tingni, mang
a sinasampalatayanan natin.
Bucod pa sa siya,i, tampalasan, ay hagal pa naman sa madlang bagay; sapagca,t, cun siyasatin
ang pagcagaua nang nasabing libro,i, isip ninyong hindi ang camay nang may bait na tauo, cundi
ang paa nang isang mangmang ang isinulat noon; at halos sa lahat nang fojas ay mapagmamalas
na ang gumaua,i, hang
al na Phin 14hang
a
munting calat na casulatan, ang mang
a camaliang
hinati,t, sinala nang santo Papa, gava nang mang
a uica,t, mang
a
acalang di ucol sa cabanalan, ang lahat nang mang
a Sacramento,t,
sa mang
a
mabanal na asal.Laban dito sa cautusang itong bigay nang santo Papang si Pio IX, upang
masaula ang mang
a cay Rizal,
na ang itinututol nila,i, di pa ipinagbaual; sapagca,t, cun di pa tang
a ereja at mang
a,
cristianong bumabasa nito, ay houag cang paraya sa iyong sarili, na gaya nang ibang marami na
ang acala,i, hindi totoong nacacapahamac ang pagbasa nang mang
a utos
na ito. Ay capatid co! Sinong macapagsasalaysay nang mang
a
caloloua dahil sa pagbasa nang Phin 20mang
a
mahahalay ang halimbaua ay higuit ang casamaan sa mapagcanulong caibigan, higuit ang
cahunghang
ayo,i,
laguing namamanglao at caguitla-guitlang ugali? Cun sino ang nagnacao sa canila nang cabaitan,
nang cahinhinan, nang casayahan nang loob, sampon nang casiglahan nang canilang catauan?
Ay sa aba co! Yaon palang tampalasang libro, yaong mahalay na auit, yaong carumal-dumal na
palasintahan, yaong maruruming tula, na paraparang pinatutuloy sa bahay nang ualang pag-iing
at
na magulang! Ay sa aba ninyo, mang
a magulang! at cayo ng
a ang hihing
a
casiraang iquinapapahamac nang di mabilang na mang
a sinabi co magpahang
an ng
ing
a casambahay, mang
a
caibigan nama,t, caquilala, sa mang
a daquilang pang
an sa pagbasa
nang mang
a lamina,t, uala, nang auit man, tula man, maguing limbag maguing
sulat camay, ay bago mong bilhin basahin ay dapat mong usisain Phin 24muna cun baual,
cun dili caya; cun dapat maguing baual sapagca,t, masama.Ang pag-uusisa nito,i,
nacacailang
ang siyasatin mo cun ang librong bibilhin o babasahin ay natatamaan nang alin man
sa mang
a Puno ay
marahil hindi cristiano, at cun ganoon sucat nang ipaquibilang sa mang
a panahong quinalalag-
yan natin ay pati sa mang
a librong di nagcacailang
a erejia at mang
a cailang
an Phin 26din
sumigao na ualang tugot: Caing
at cavo sa mang
a
Puno, ang tinutucoy cong mang
an at casamaan
nang ano mang libro.
Icatlo. Cun totoong totoo,t, ninanasa mong houag magcamali dito sa daquilang bagav na ito,
ang lalong mabisang paraan, na nasasaclauan nang lahat na mang
a. Na houag cang bumili, at houag bumasa nang ano mang libro, diario, auit at
ano mang casulatan na di ca maquipagsanguni muna sa Phin 27iyong Confesor, sa iyong
Amang Cura, cun sa ibang banal na Sacerdote. At ito rin ang dapat mong ipasunod sa ivong
mang
a may
catungculang magsaquit sa icagagaling nang iyong caloloua.
Sundin mo ng
a masasamang casulatan.
At cun sacali,t, dala nang di ninyo carunung
uni,t, cun di
ninyo magagaua ito,i, sunuguin ninyong tambing. Sunuguin, sunuguing ualang aua,t, hinayang sa
salaping ibinili niyong mang
ang
ang
a hinahang
ang
a masasamang libro. Ang naturang babayi, baga ma,t, timtima,t, may puri, ay nagbibili
nang mang
a librong laban sa ating santa Religion at laban din sa magagaling na asal. Anaqui
nabulagan siya nang casaquiman sa salapi, gaya nang pagcabulag nang maraming naglalaco,t,
nang
ang
a
masasamang casulatan, at di nila inaanumana ang mang
a casalanang di mabilang na
quinacamtan nila, at ang mang
ang
aral nang Pare ay iminulat niya ang mata nang caniyang isip, caya,t,
napagquilala, na ang mang
a manglalason; at
darating ang arao, at sila,i, hihing
an nang Pang
a magcasiya sa loob
nang babaying yaon ang sisi sa sarili, at napag-unaua na ang pang
ang
a,t, minabuti niyang lisanin magpacailan man ang paghahanap buhay na yaon. Nang matapus
ang sermon ay tinung
o niya ang bahay nang Pare, at nagsabi sa caniya nang ganito: Aquin
napagquiquilala, Ama co, ang cadaquilaan nang aquing pagcacasala sa pagbibili co nang
mang
a masasamang libro, ng
a tinubo,
ay mamagaanin cong lahat, houag lamang mapacasama ang aquing caloloua. Pinuri ni P.
Borgar ang gayong magandang banta, at nang
acong tutulong
a
ibang libro, cundi yaon lamang macapagpapagaling sa mang
a caloloua.
Tularan naua itong magandang halimbaua nang mang
a bagay
bagay na auit at masasamang libro! Tularan mo rin ng
a hinlog, mang
a catoto,t, mang
a
caquilala, at nang sila nama,i, gumanap nang mang
an nang mang
a caloloua, at
mapatungcol na lahat sa lalong capurihan nang Dios. Siya naua.
Dasalan at Tuksuhan
Ang kabuuan nito ay nasa anyong katesismo at karaniwang dasal subalit naglalaman ng
panunuya at tahasang panunuligsa sa mga prayleng kastila. Ito ang naging dahilan kung bakit
siya tinawag na Pilibustero sa kanyang kapanahunan.
Tanda
Ang tanda ng kara krus ang ipangadya mo sa amin, Panginoon naming Prayle, sa mga bangkay
namin,
Sa ngalan ng Salapi at ng Maputing binti, at ng Espiritong Bugaw. Siya nawa.
Pagsisisi
Panginoon kong Prayle,
Diyos na hindi totoo
at labis na pagkataong gumago at sumalakay sa akin:
pinagsisisihan kong masakit na masakit
sa tanang loob ko
ang dilang pag-asa sa iyo, berdugo ko.
Panginoon ko at kaaway
na inihihibik kong lalo sa lahat,
nag titika akong matibay na matibay
na di na muli-muling mabubuyo sa iyo:
at lalayuan ko na at pang-iilagan
ang balanang makababakla ng loob ko
sa pag-asa sa iyo,
at nakalilibat ng dating sakit ng mga bulsa ko,
nag titika naman akong maglalathala ng dilang pagkadaya ko,
umaasa akong babambuhin ka rin,
alang-alang sa mahal na pasyion at pangangalakal mo ng Krus,
sa pag-ulol sa akin.
Siya nawa.
Ama Namin
Ama namin sumasakumbento ka,
sumpain ang ngalan mo,
malayo sa amin ang kasakiman mo,
gilitan ang leeg mo dito sa lupa para ng sa langit.
Saulian mo kami ngayon ng aming iyong inaraw-araw
at patawanin mo kami sa iyong pag-ungal
para nang pagpapatawa mo kung kamiy nakakwartahan;
at huwag mo kaming ipahintulot sa iyong mga tukso
at ihadya mo kami sa masama mong dila.
Aba Ginoong Barya
Aba ginoong Barya nakapupuno ka ng alkansya
ang Prayle ay sumasainyo
bukod ka niyang pinagpalat pinahigit sa lahat,
pinagpala din naman ang kaban mong mapasok.
Santa Barya Ina ng Deretsos,
ipanalagin mo kaming huwag anitan ngayon
at kami ipapatay. Siya nawa.
Aba Po Santa Barya
Aba pong Santa Baryang Hari,
inagaw ng Prayle,
ikaw ang kabuhayan at katamisan.
Aba, bunga ng aming pawis,
ikaw ang pinagpaguran naming
pinapanaw na taong anak ni Eba,
ikaw nga ang ipinagbubuntong hininga namin
sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapis-hapis.
Ay aba pinakahanap-hanap namin para sa aming mga anak,
ilingon mo sa amin ang kara krus mo man lamang
at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin
iparinig mo ang kalasing mo Santa Barya ina ng deretsos,
malakas at maalam, matunog na ginto
kamiy ipanalangin na huwag magpatuloy sa amin
ang mga banta ng Prayle. Amen.
Mga Utos ng Prayle
Ang mga utos ng Prayle ay sampu:
una: Sambahin mo ang Prayle ng lalo sa lahat.
ikalawa: Huwag kang magpapahamak manumba ng ngalang deretsos.
ikatlo: Mangilin ka sa Prayle lingo man at fiesta.
ika-apat: Isangla mo ang katawan mo sa pagpapalibing sa ama at ina.
ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping pang-libing.
ika-anim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.
ikapito: Huwag kang maki-nakaw.
ika-walo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
ika-siyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
ika-sampu: Huwag mong itanggi ang iyong ari.
Itong sampung utos ng Prayley dalawa ang kinauuwian.
isa: Sambahin mo ang Prayle lalo na sa lahat.
ikalawa: Ihain mo sa kanya ang puri mot kayaman. Siya nawa.
Ang mga kabuuang asal, ang pangalang tontogales ay tatlo,
Igalang mo
Katakutan mo
ang Prayle at Pag Manuhan mo
Isang Tula sa Bayan
Ni: Marcelo H. Del Pilar
Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Paung nalilimbag ang lalong dakila,
Narito rin naman ang masamang gaua,
Na ikakaamiis ng pusot gunita.
Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin,
Na pauang naghandog ng galak s akin,
Ay inaruga no baying ginigiliw.
Ipinaglihim mo nang akoy bata pa
Ang pagdaralitang iyong banibata,
Luhay ikinublit nang di mabalisa,
Ang inandukha mong musmos kong ligaya.
Ngayong lumaki nang loobin ng langit,
Maanyong bahagya yaring pag-iisip,
Magagandang nasay tinipon sa dibdib,
Pagtulong sa iyo baying iniibig.
Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatp
Ang pagkadusa mot wala nang nahabag,
Gayong kay-raming pinagpalang anak!
Sa agos ng iyong dugong apinawis,
Marami ang dukhang agad nagsikimis,
Samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ay hapung-hapo nat putos nang gulanit.
Santong matuid mo ay iginagalang,
Ng Diyos na lalong makapangyarihan
Na siya ngang dapat na magbigay dangal,
Bagkus ay siya pang kinukutyang tunay.
Ngunit mabuti rin at napupurihan,
Sa pag hahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na ditto ang punoy din a kailangan.
Kung pahirap lamang ang ipadadala,
Na nangagpupuno sa amiy sukat na
Ang hulog ng langit na bagyot kolera
Lindol, beriberi madla pang balisa.
Bayani ng Rebolusyon ng Pilipinas
NAKILALA si Marcelo H. del Pilar bilang Plaridel. Ipinanganak siya noong
ika-30 ng Agosto taong 1850 sa Cupang, San Nicholas, Bulacan. Ang
kanyang mga magulang ay sina Julian del Pilar at Blasa Gatmaytan.
Nanguna siyang propagandista para sa reporma ng Pilipinas at naging editor
at publisher din ng La Solidaridad. Nagsimula siyang mag-aral sa Kolehiyo de
Jose Flores at lumipat sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Nakatapos siya
ng kursong abogasya noong 1880.
Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong
magpiyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta
siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin
tuwing Flores de Mayo.
Pinakasalan ni Marcelo H. del Pilar ang kanyang pinsan na si Marciana del
Pilar noong 1878. Nagkaroon sila ng pitong anak.
Noong 1878, itinatag ni Plaridel ang Diaryong Tagalog para mailathala ang
pagpuna at pagpansin kung papaano namamalakad ang gobyernong
Espanyol sa Pilipinas. Tinulungan siya ni Pedro Serrano Laktaw sa
pagpapalathala ng "Dasalan at Tuksuhan" at ng "Pasyong Dapat Ipaalab
ng Puso ng Taong Bayan."
Sa Espanya, kasama siya ni Graciano Lopez-Jaena sa paglathala ng La
Solidaridad. Ang pahayagang ito ang naging instrumento sa naglalathala ng
kanilang mithiin na mapaunlad ang gobyerno ng Pilipinas. Si Plaridel ang
humalili kay Lopez-Jaena bilang editor ng pahayagan.
Matatag na ang reputasyon ni Marcelo H. del Pilar bilang propagandista bago
nagkaroon ng utos na arestuhin siya noong 1880. Ito ang nagtulak sa kanya
upang tumakas siya sa Espanya. Nagbalik siya sa bansang kanyang
sinilangan at sa Bulakan ay natagpuan niya ang mga taong handang makinig
sa kanya. Si Del Pilar ay sumulat ng mga propagandistang pamphlet sa
paraang maliwanag, mabisa at simpleng Tagalog lamang ang gamit.
Nailathala sa kanyang panahon ang kanyang Parodies of the Our Father, Hail
Mary, the Apostles" Creed, Ang Sampung Utos at Ang Catechism kung saan
naging epektibo ang propaganda kahit na magkakatulad ang pormat at habi
ng mga nobela.
Namatay si Del Pilar noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Barcelona, Espanya.
Sakit na tuberculosis ang kumitil sa kanyang buhay.
Hindi siya itinuturing na isang filibustero. Namatay siya nang walang poot sa
makapangyarihang bansa, subalit ipinakita niya na may galit siya sa mga
naghahari sa Pilipinas.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ni: Marcelo H. Del Pilar
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta't sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?
Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.
Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kahoy ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.
Ipahandug-handog ang buong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
Ni: Marcelo H. Del Pilar
Puso ko'y nahambal ng aking marinig
bunso, ang taghoy mo't mapighating hibik,
wala ka, anak kong, sariling hinagpis
na hindi karamay ang in among ibig.
Wala kang dalita, walang sa kahirapan
na tinitiis kang di ko dinaramdam:
ang buhay mo'y bunga niring pagmamahal,
ang kadustaan mo'y aking kadustaan.
Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag
nang panahong ako'y di pa nagsasalat
walang inadhika ang in among liyag
kundi puspusin ka ng ginhawa't galak.
Sa awa ng langit ikaw ay sagana
ng sukat iyamang malalagong lupa,
lahat ng pananim wala mang alaga
sa kaparangan mo'y tumutubong kusa.
Ang tabako't kape, palay, tina't bulak
abaka at tubo'y kailangang lahat,
sa mga lupa mo'y tantong naggugubat
itong sa sangmundo'y hirap mahagilap.
Sarisaring kalap na sakdal ng tibay
sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;
hindi makikita sa sangdaigdigan,
ngunit sa budok mo'y nangagkalat lamang.
Ang asupre't tingga, ang tanso at bakal
ang ginto at pilak ay nangahuhukay
sa mga lupa mo't sa dagatan nama'y
sarisaring perlas ang matatagpuan.
Tantong naliligid ang mga lupa mo
ng dagat ng China't dagat Pacifico
balang mangangalakal sa buong sangmundo
pawang naakit dumalaw sa iyo.
Talaga nga manding ikaw ang hantungan
ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;
ikaw nga't di iba dapat makinabang
nang yaman sa iyo'y gawad ng Maykapal.
Sa gayo'y kailangan mata mo'y mamulat
isip ay gisingi't nang makatalastas
ng sukat asaliing ipagkakapalad
sa buhay na ito't nang di ka maghirap.
Akong iyong ina'y taga-tupad bilang
ng mga tadhana ng Poong Maykapal,
ipinaiwi ka't ang hangad ko lamang
musmos na isip mo'y sakiting aralan.
Ituro sa iyo ang utang na loob
sa nagkakandiling maawaing Diyos;
matuto ka namang sumamba't umirog,
puso mo sa kanya'y huwag makalimot.
At para mo na ngang pasalamat bilang,
makapagtanggol ka sa kapanahunan
ng aring tinamo't maapamahalaan
tapat na paggamit ng santong katwiran.
Ang tagapagturo'y pinakapili ko,
hinirang sa lalong mabait na tao;
ako'y nabighani't umaasang totoo
sa may sinumpaang mahigpit na boto.
Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan
sa harap ng Diyos, na anaki'y tunay,
na ito raw mundo'y kusang tatalikdan,
kusang tumatangi sa lahat ng yaman.
Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;
prayle ang siyang aking hihirangin
na tagapag-iwi blang taga-tingin
sa iyo't nang di ka baga pagliluhin.
Mahigit na ngayon tatlong daan taon
na iniiwi kang prayle ang may kandong;
katiwala akong sa gayong panahon
ang isip mo't yaman nama'y yumayabong.
Katiwala akong nagpapanuto ka
sa landas ng iyong sukat iginhawa;
katiwala akong dangal mo't ligaya
ngayo'y tinatanghal na walang balisa.
Tatlong sacerdote ang ipinabitay,
bukod sa maraming pinahihirapan,
at dili umano'y nakapipigil daw
ng iyong ligaya, bunsong minamahal.
Hindi ko inino't ang buo kong asa
ay pagmamasakit ang ginawa nila,
sa pagkabuhay mo't hindi ko napunang
magdarayang udyok ng masamang pita.
Sa abang-aba ko't laking kamalian!
laking pagkasawi! laking kadustahan!
ng ipagpabaya sa kapahamakan,
ang dapat mahaling usbong niring buhay.
Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas
na ang nangaaba at kinulang palad
ay pawing mabait, pawing nagsisikap
dangal ta't katwira'y igalang ng lahat.
Prayle'y napoot sa magandang nais
ng sa ati'y tapat kung magmalasakit
ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid
ang kandili niya'y bagkus panggagahis,
Sa kayamanan mo'y sila ang sumamsam
ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan
at dinadaya kang di mo raw kakamtam
ang langit kung hindi sila ang bayaran.
Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen
kung di ka bumili ng sintas at kalmen;
pag hindi mainam ang pagpapalibing
ang harap ng Diyos, hindi sasapitin.
Sa paniniwala ng mga anak mo,
maraming naghirap, at nasa kombento
ang kanilang yama't sila'y ingkilino
na namumuwisan sa paring natuto.
Ang lupang nilawag at pinaghirapan
ng magulang nila't mga kanunuan
ngayo'y asyenda na't nahulog sa kamay
ng hindi nagpagod at di namuhunan.
Ang laki at higpit sa pana-panahon
ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,
makasingil lamang ay di nililingon
hirap ng magsaka;t pawis na ginugol.
Salapi at pagod ng nagsisibuwis
ay walang katumbas kung di ang maghapis,
tanghaling sagana ang hindi nagpawis,
maibaon sa utang at tumangis-tangis.
Ang lahat ng ito'y ninanais sana
ng malagyang lunas ng sinta mong ina,
ngunit paanhin ko, ngayo'y matanda na,
hapo na sa hirap ako't walang kaya.
Ang mga balitang Legazpi't Salcedo
at iba't iba pang inaasahan ko
sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,
ngayon ay wala na't inulila tayo.
Sa nangangatirang ngao'y nabubuhay
oo't may mabait, bayani at paham;
ngunit sia-sila'y nangag-iiringan
di magkasundo sa anumang pakay.
Sa ibig ng isa'y hahadlang ang iba,
sa balang kuruin ay di magkaisa
walang mangyayari tungol may halaga
sa gayo'y paanong aasahan sila!
Kaya kailangan bunsong iniirog,
matutong magtiis iayon ang loob,
sa madlang dalita, kung ayaw kumilos
ang mga anak mo sa pagkakatulog.
Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya
at iba pang nasyon ditto sa Europa
ay nangaghirap din sa prayle ng una
pawang nangday, pawa ring ginaga.
Kanilang nasayod lahat ng hinagpis
sa paniniwala't maling pananalig,
sa prayleng nagpanggap ng taong malinis
na nagpakadukaha't nag-anyong mabait.
Bayan, palibhsang marunong mahabag,
ay nahambal ngani sa nakitang hirap,
ang prayle'y kinandong, pinuspos ng lingap,
ang mga kumbento'y sumaganang lahat.
Prayle'y hindi naman nagpapahalata
daddaga't dagdagan pag-aanyong aba,
hindi napapansin lihim nilang banta
na ang namamaya'y kanilang mapiga.
Sapagkat ang prayle'y hindi kaparis
nitong mga Paring itim kung manumit,
ang prayle ay anak sa bundok at yungib
ng mga magulang na napakagipit.
Anak sa dalagita'y buong pagsasalat
walang nalalamang gawaing paghahanap
kaya kailangang tuyuin ang lahat
upang manariwa ang sariling balat.
Pag may mamatay na tila mayaman
prayle ang aagap magpapakumpisal,
at inuukilkil na ang pamanahan
ng aring inumpok ay kumbento lamang.
Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin
sa oras na iyon, siyang sasabihin,
kalulwa't yaman dapat na ihain
sa prayle't ng huwag impyerno'y sapitin.
Ang lahat ng ito'y nadaragdagan pa
ng bala-balaking panilo ng kuarta
kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,
ay pawing pandukot sa maraming bulsa.
Sa gayon nang gayo'y lumaki nga naman
ang ari ng prayle't naghirap ang bayan;
mahalinhang bigla ng kapalaluan
ang binalatkayong kababaang asal.
Diyan na naninghal, diyan na nang-api
buong kataksilan ang pangyayari,
ang bawa't pinuno sa prayle ang kampi
baya'y namighati sa pagkaduhagi.
Ganda ng babae, ang dunong ang yaman
ay nagiging sanhi ng kapahamakan,
walang sumaklolong may kapangyarihan
sa kualita't nayuko baras ng katwiran.
Ang balang magsabi, ang balang mag-isip
ng magpaaninaw ng santong matuwid,
walang nararating kungdi ang maamis
luha'y patuluin hanggang sa mainis.
Sapagka't ang balang mapaghinalaan
na sa hangad nila'y di maaasahan
ay ipapahuli at pararatangan
ng salang dakila't madlang kataksilan.
At sa bilanggua'y agad kukulungin
sa gutom at uhaw ay papipitiin,
ang lamig ng lupa'y siyang babanigin
ng sa kanyang baya'y natutuong gumiliw.
Hindi tutulutang magtamong liwanag
sa araw at gabi ay kahabag-habag
kung hapong-hapo na sa gayong paghirap
ay paaamining siya nga'y nagsukab.
May ipinapangaw ang dalawang paa
kamay at katawa'y gagapusin muna,
saka tatapatan ang sakong ng baga
hanggang di umamin sa paratang nila.
At kung masunod na ang kanilang nasa
umamin sa sala ang lipos-dalita
tali nang kasunod, parusa'y ilalagda
sa martir ng prayle't mapapanganyaya.
Ang parusa noo'y samsamin ang yaman
Saka unti-unting alisan ng buhay;
daraan muna sa isang simbahan
Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.
Sa gitna ng plasa ay may nakahanda
na naglalalagablab na malaking siga,
diyan igagatong sa harap ng madla
ang sa kanyang baya'y ibig kumalinga.
Taghoy ng sinigan at madlang kaharap
luha ng magulang, hinlog, kamag-anak
pagtangis ng madla ay walang katapat
kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.
Yutang-yutang tao ang nanguuyam
ng panahong yaon sa gayong paraan,
ang payapa't aliw noon ay pumanaw
nalipos ng luksa libo-libong bayan.
Ang yaman nasamsam, buhay na nakitil
ay di babahagya't noo'y walng tigil,
ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.
magsabog ng dusa, gutom at hilahil.
Ano pa nga't noon ay kulang na lamang
Ang nangaulila'y magpapatiwakal;
Niloob ng langit, nanangagsangguinian
at nangagkaisang sila'y magdamayan.
Diyata nga kaya, ang winika nila,
at wala nang lunas sa ganitong dusa?
diyata nga baga't itong binabata
sa inaanak nati'y ipapamana pa?
Huwag magkagayo't yayamang namalas,
na sa daang ito'y nasubyang ang landas,
ay hawanin nating, sakitin ng lahat,
ilayo ang madla sa pagkapahamak.
Lalaki't, babae, matanda at bata,
ngayo'y manalangin, sa langit paawa,
ang santong matwid sa kusang dinusta
ay ibangon nati't Diyos ang bahala.
Kanilang nilusob ang mga kombento,
prayle'y inusig pinutlan ng ulo,
ang balang makitang prayleng nakatakbo
kung hindi barilin, kanilang binato.
Higanti ng baya'y kakila-kilabot
walang pagsiyahan ang kanilang poot,
ang mga kombento'y kanilang sinunog
inuring pugad ng masamang hayop.
Prayle'y nanglalaban, ngunit lalin kaya
sa galit ng bayan ang magiging kuta!
ang payapang dagat, pasiyang nagbala
ay walang bayaning makasasansala
Yaong bayang supil, dating mahinahon,
dating mapagtiis, at mapagpasahol,
inunos ng dusa't malalaking alon
ng paghihiganti noo'y luminggatong.
Walang nakapigil, walang nakasangga,
palibhasa'y bayan ang magpaparusa
ang mga pinuno'y nawalan ng kaya,
umayon sa baya't nang di mapag-isa.
Kaya nga bunso ko't magpahangga ngayon
ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,
kahit na bata ay nagsisipukol
inu-using nilang parang asong ulol.
Sa paraang ito, bunsong minamahal
ang dating dinusta'y makatighaw-tighaw;
ang prayle'y lumayas, iniwan ang bayan
at muling naghari ang kapayapaan.
Ngunit hindi naman ako nagpapayo
ang ganoong paraan baga'y asalin mo,
ako'y walang sukat na maisaklolo,
kaya katitii, magtiis, bunso ko.
Walang natimawa sa pagka-duhagi,
na di namumuhunan ng pamamayani;
kung hindi mo kayang prayle'y iwaksi
magtiis ka, irog, sa palad mong imbi.
Ang mga anak mo'y nangagugupiling,
sa dusting lagay mo'y di nahihilahil,
magdarayang hibo ng kaaway na lihim
siiyang diniringig, luha mo'y di pansin.
Diyata ay sino ang dapat mag-adya
sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?
kung sa mga anak mo'y di makaaasa,
walang daan, irog, kundi ang magbata.
Ang araw na sila'y magka-isang loob
at mangagkagising sa pagkakatulog;
ang araw na iyan, ang araw ng Diyos
baya'y maniningil . . . Sino ang sasagot?
Kailangan bunsong, sila'y mahirati
sa pagmamasakit sa bayang sarili:
Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .
huwag lilimuting ganito ang sabi:
"Panaho'y matamis sa tinubuan bayan
"at pawang panglugod ang balang matanaw,
"ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,
"tapat ang pag-irog, subalit ang namatay."
Alinsunod dito'y aling hirap kaya
ang sukat indahin sa pagka-kalinga,
sa sariling baya't upang matimawa,
sa madlang pahirap at sumapayapa?
Ang lahat mong anak, ginhawa't dukha man,
maging taga bukid, maging taga bayan,
lalaki't babae, pantas man at mangmang,
santong matwid mo'y dapat ipatanghal.
Walang iba, bunso, na dapat hiliin
sila ng sa iyo'y tapat na pagtingin:
ang pagpapabaya'y pananagutan din,
sa harap ng Diyos sila'y sisisihin.
Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,
sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay
"kayong nagpabaya sa sariling bayan,
"anya'y dapat naming Aking pabayaan!"
Ilayo ng langit sa ganitong sumpa
ang mga anak mo, bunsong minumutya:
sa iyo'y matuto ng pagkakalinga
matutong umampat ng iyong pagluha.
Ito na nga lamang ang maisasagot
ng salantang ina sa hibik mo, irog;
sasakyan mo'y gipo, huwag matutulog
ang mga anak mo't masigwa sa laot.