You are on page 1of 8

ANG PAGPAPATUPAD NG MTB-MLE: PAGSIPAT SA KASO NG PILOT SCHOOL SA PROBINSIYA NG BENGUET, REHIYONG CORDILLERA

Jane K. Lartec, PhD; Nilda B. Bendalan, MAFIL; Villiam C. Ambong, MAED; Sheila D. Dotimas, MAFIL; Lorma L. Ugay, MAFIL Saint Louis University Graduate School, School of Teacher Education Baguio City 074 4470664 enaj2911@yahoo.com
ABSTRAK Sinipat sa papel na ito ang kaso ng Lengaoan-Waking Elementary School (LWES), ang pilot school sa probinsiya ng Benguet, rehiyong Cordillera sa pagpapatupad ng programang Mother Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE). Sinuri ang mga karanasan at hamon ng mga guro sa paghahanda at pagsasagawa ng programa gayundin ang ilang inisyal na pagtataya sa naturang programa. Sa pamamagitan ng masusing pakikipanayam at pagmamasid sa klase na dumaan sa mabusising pagaanalisa, natuklasang makabuluhan ang karanasan ng mga respondente sa unang taon ng pagpapatupad ng programang MTB-MLE. Malaking tulong ang mga dinaluhang pagsasanay sa kanilang paghahanda sa programa at mahalaga ang kasanayan at kakayahan ng mga guro ng hindi bababa sa apat na wika, sa iba ay higit pa (Kankanaey, Ilokano, Filipino at English) INTRODUKSIYON Saligan ng Pag-aaral Ang pamahalaan ay masigasig sa pagsasakatuparan ng mga repormang magsusulong ng mithiing pag-unlad ng bansa. Isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ay ang edukasyon. Sa katunayan, sa simula pa lamang ng panunungkulan ng Pangulong Aquino, may nakahanda na siyang 10 Point Program for Educational Reform. Dito sa nasabing programa ay maigting ang hangarin ng pamahalaang makaagapay ang Pilipinas sa mabilis na pag-unlad at pagbabago sa larangan ng edukasyon sa buong mundo. Upang makamit ang hangaring ito, kailangan ang reporma sa edukasyon dahil hanggang ngayon ay ipinapakita ng maraming pananaliksik na mababa ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral. Isa sa nakikitang dahilan ng mababang antas ng pagganap ng mga mag-aaral ay ang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo sa mga asignatura (Nolasco, 2012). Ang isa mahalagang reporma sa edukasyon ay ang midyum ng pagtuturong gagamitin sa paaralan. Binigyang halaga ang gamit ng bernakular na wika sa pagtuturo ng mga asignatura lalo na sa pre-school at unang tatlong baitang ng elementarya. Nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepED) ng Kautusan Blg. 74 s. 2009 hinggil sa pagpapatupad ng Mother Tongue-Based upang lalong maging matagumpay ang pagpapatupad nito. Kaakibat sa mga makabuluhang karanasan ang mga hamong kanilang kinaharap tulad ng kakulangan sa pagsasanay, kakulangan sa suporta at negatibong pagtingin ng mga magulang at iba pang mga miyembro ng pamayanan. Sa panig naman ng mga mag-aaral, kinakitaan sila ng kasigasigan sa loob ng klase at ng positibong pagkatuto sa mga asignaturang nailalahad sa kanila sa pamamagitan ng paggamit ng wikang kanilang nauunawaan. Nagpapatunay ito na ang paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral sa paaralan ay hindi hadlang sa pagkatuto manapay behikulo sa mas madaling pagkatuto at pagpapanatili ng kultura. Mga susing salita: mother tongue based-multilingual education, karanasan, hamon, suliranin Multingual Education (MTB-MLE) sa pagtuturo ng pre-school hanggang ikatlong baitang sa elementarya. Upang matagumpay na maisakatuparan ang programang ito, kasama sa kondisyong ibinigay ng DepED ang mga sumusunod: pagtatag ng sistema ng ortograpiya; pagbuo ng isang teknikal na grupo upang makita ang implementasyon ng programa; pagbuo at paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo sa unang wika na orihinal, mahalaga sa kultura, at nagpapakita ng lokal na mga realidad; puspusang pagsasanay ng mga guro; paggamit ng pagsusulit sa unang wika; at puspusang partisipasyon at suporta ng lokal na pamahalaan, mga magulang, at komunidad. Bagamat may mga pananaliksik hinggil sa usapin ng pagpapatupad ng MTB-MLE ang isinagawa kasama ang pag-aaral sa Lubuagan Kalinga, Cordillera Administrative Region (CAR), na nagsasabing mas mataas ang pagganap ng mga mag-aaral kung gagamitin ang kanilang unang wika (Walter & Dekker, 2008), nais matuklasan ng mga mananaliksik ang resulta ng inisyal na pagpapatupad nito sa probinsiya ng Benguet kung saan Kankanaey ang unang wika at gagamitin sa kindergarten at unang baitang. Isa ang Benguet sa 104 na paaralan at 16 distrito na nagsasagawa ng programang ito sa buong kapuluan. Sinimulan noong Hunyo 2010 sa probinsiya ng Benguet ang programa at ang Lengaoan-Waking Elementary School sa Lengaoan

Buguias Benguet ang ginawang pilot school nito. Bilang pilot school, mahalaga ang anumang karanasan at kalalabasan ng pag-aaral ukol sa pagsasagawa ng programang inilulunsad lalo na ang ilang kondisyong ibinigay ng DepED sa pagpapatupad nito. Magsisilibi itong batayan at gabay ng anumang hakbang sa mga susunod magsasagawa din ng programang ito. Paglalahad ng Suliranin Nilayon ng pananaliksik na ito na masipat ang mga naging karanasan at hamon o suliranin ng mga guro sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE sa Lengaoan-Waking Elementary School ayon sa mga paghahandang ginawa bago isagawa ang programa at aktuwal na pagsasagawa ng programa. Binigyang pansin din ang inisyal na pagtataya at/o reaksiyon ng mga respondente hinggil sa programa tulad ng resulta o epekto nito sa mga mag-aaral. Kahalagahan ng Pag-aaral Bilang pilot school, makatutulong ang anumang impormasyong matutuklasan sa pag-aaral na ito sa Kagawaran ng Edukasyon sa paggawa ng polisiya at tagubilin para sa mas maayos at matagumpay na pagpapatupad ng programang ito sa probinsiya maging sa rehiyon. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa mga susunod pang mga paaralan na dadaan din sa ganitong proseso. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral ay isinagawa lamang sa LWES na naging pilot school sa probinsiya ng Benguet sa pagpapatupad ng programang MTB-MLE. Naging pokus sa pakikipanayam sa punongguro, sa mga guro, sa mga mag-aaral, at ilang mga magulang ang kanilang mga reaksyon at usaping may kinalaman sa pagpapatupad ng programang MTB-MLE sa paaralan. Nakalimita lamang ang paksa ng pananaliksik sa ilang mga hayagang kondisyong ibinigay bago isagawa ang programa at sa aktuwal na pagsasagawa ng programa tulad ng pagbuo at paggawa ng kagamitang pagpagtuturo, pagsasanay at partisipasyon ng lokal na pamahalaan, magulang at komunidad. KAUGNAY NA PAG-AARAL Maraming mga pag-aaral ang isinagawa hinggil sa bisa ng paggamit ng MTB-MLE sa pagtuturo ng mga mag-aaral. Ayon sa ulat ng PCER ng UNESCO (2003), nabanggit nilang ang mga batang natutong bumasa at sumulat sa unang wika bago matuto ng ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag-aaral kumpara sa mga kamag-aral nilang hindi natutuhan nang lubos ang unang wika. Sinang-ayunan ito ni Lundberg (2002) sa pagbanggit nina Scott, et al. (2009), na maraming mga pag-aaral ang nagpapatunay ng positibong relasyon ng unang wika sa pagkatuto ng pangalawang wika na sumusuporta sa katotohanan ng teorya ng linguistic interdependence. Natuklasang ang pagbibigay ng

sapat na panahon sa pagkatuto ng unang wika ay nagreresulta sa mas matagumpay na pagtatamo ng pangalawang wika. Sa mga lokal na pananaliksik, sumang-ayon dito ang lumabas sa isinagawang pag-aaral nina Walter at Dekker (2008) sa komparatibong resulta ng Lubuagan Experiment na mas mataas ang nakuhang iskor sa mga pagsusulit ng mga mag-aaral na ginamitan ng unang wika sa pagtuturo kumpara sa ginamitan ng English. PAMAMARAAN Disenyo ng Pananaliksik Palarawang kwalitatibo ang ginamit na disenyo ng pag-aaral gamit ang triangulation at coding. Kasama sa triangulation ang pagtataya kung tama ang narinig at nakita upang maitatag ang katotohanan ng mga impormasyong nakalap (Fraenkel & Wallen, 2006). Ginawa ito sa pamamagitan ng pangangalap ng datos gamit ang pakikipanayam at aktuwal na pagmamasid. Ginamit ang pagmamasid upang makita ang aktuwal na nangyayari sa klase at kung paano ginamit ang MTB-MLE sa pagpapaliwanag ng aralin. Ginamit naman sa pakikipanayam ang harapang pakikipagkomunikasyon sa mga kasangkot sa isinagawang pag-aaral. Samantala, ang coding ay ginamit sa pagsasaayos at pagsusuri ng mga nakalap na datos at paglalagay ng mga tiyak na tema o kahulugan (Hahn, 2008). Populasyon at Lugar ng Pag-aaral Pitong mga respondenteng guro na nagtuturo sa LWES ang kasangkot sa pag-aaral, kasama ang mga mag-aaral at ilang mga magulang. Sa mga gurong respondente, kasama ang punungguro ng paaralan, guro ng kindergarten, guro ng unang baitang, at iba pang guro ng elementarya. Ang ilan sa mga gurong respondente ay dumaan na sa serye ng mga pagsasanay hinggil sa MTB-MLE. Isanama rin bilang respondente ang ilang mga magulang upang makuha ang kanilang mga reaksiyon hinggil sa pagpapatupad ng naturang programa dahil ang kanilang mga anak ang magtatamasa sa anumang maging resulta ng programang ito. Ang LWES sa Buguias ay piniling ng dibisyon ng DepED, Benguet na maging pilot school ng pagpapatupad ng programang MTB-MLE sa probinsiya. Kasangkapan at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos Ang pinakakasangkapang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang video at tape recorder upang makuha ang mga mga aktuwal na nangyayari sa klase at mairekord ang mga datos sa panayam. Bumuo ang mga mananaliksik ng mga gabay na katanungan sa isinagawang pakikipanayam sa mga respondente. Bago isinagawa ang pakikipanayam, nagbigay muna ng sulat at nakipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa mga kinauukulan upang humingi ng permisong

isagawa ang pananaliksik sa naturang paaralan gayundin upang hingin ang kanilang permiso sa pagpayag na sumailalim sa gagawing pakikipanayam at pagmamasid. Isinagawa ang pakikipanayam ayon sa iskedyul na inilaan upang maging maluwag sa kanila at nang makuha ng mga mananaliksik ang nararapat na datos. Hinayaan ding gamitin sa panayam ang wikang kanilang komportableng gamitin sa paraan ng pagpapahayag upang mahalaw ang mga datos na walang kaba at natural sa mga respondente. Isinagawa ang pakikipanayam sa punongguro sa tanggapan ng Division Office ng Benguet, sa Wangal La Trinidad dahil nataong may pagpupulong ang mga punongguro. Pagkatapos ng pakikitagpo sa punongguro ay humingi ng permiso na magsasagawa rin ng pakikipanayam at pagbisita sa nasabing paaralan. Sa mismong paaralan isinagawa ang pakikipanayam sa mga guro na gayundin ang pagmamasid sa aktuwal na klase ng pagpapatupad ng MTB-MLE. Ang mga pagmamasid sa klase at pakikinayam ay nairekord at dumaan sa proseso ng transkripsiyon. Bagamat may mga pangunahing katanungang inihanda ang mga mananaliksik, nagsagawa pa rin sila ng mga follow-up na mga katanungan upang makuha ang sapat na datos sa mga respondente sa pakikipanayam. Ang mga isinagawang transkripsiyon ng nakuhang datos ay dumaan sa masalimuot na proseso ng pagsusuri sa pamamagitan ng coding. Gumawa ang mga mananaliksik ng grid upang matulungan sila sa puspusang pagsusuri ng datos at pagbibigay ng mga kaukulang tema. Ang mga temang binuo ang nagsilbing batayan sa pagbibigay ng mga kategorya. Ang paulit-ulit na pagbasa sa naging resulta ng transkripsiyon ay nakatulong sa mga mananaliksik upang lalong makita ang mga mahahalagang impormasyong maisasama sa pagtalakay. Pagkatapos ng pagbibigay ng mga tema sa nakuhang datos, dumaan ito sa proseso ng beripikasyon sa mga kasangkot sa pag-aaral.

kaso ng pilot school sa probinsiya ng Benguet, nabanggit ng mga respondente na may ilang paghahandang isinagawa ang DepED. Ilan sa mga ito ang pagdalo nila sa mga seminar tungkol sa usaping MTB-MLE na nakapagbigay sa kanila ng mga kaalaman kung paano isasagawa ang programa. Isang pagkakataon para sa kanila ang mapasama sa naturang pagsasanay kaya naging dahilan ito upang piliin ang kanilang paaralan bilang unang lunsaran ng programang MTB-MLE. Gaya ng nabanggit ng punungguro na isa siya sa pinalad na makasama sa pagsananay hinggil sa MTB-MLE. Napagasatan kami nga nakiseminar ti seminar para ditoy nga program, adda nagapu UP Diliman, maysa from Cagayan and siak from Benguet and idi last year diyay and adda manen ti paseminar nga inatendaran mi, para amin diyay ti MTBMLE (Pinalad kaming naisama sa seminar para sa programang ito, may galling sa UP Diliman, isa mula sa Cagayan at ako mula sa Benguet.. yan ay noong nakaraang taon at may seminar muli kaming dinaluhan lahat yun ay para sa MTB-MLE). Bagaman positibo ang naging dulot ng pagsali sa mga seminar, naging suliranin naman nila ang hindi pagdalo ng lahat ng mga guro lalo na ang mismong nagtuturo ng antas na ginagamitan ng MTB-MLE at ang kakulangan ng mga gurong magtuturo. Upang matulungan silang magkaroon ng kaalaman, bukod sa mga pulong na isinagawa ng punongguro, siya mismo ang nagtuturo sa mga mag-aaral. Ito ay inilahad sa kanyang tugon sa panayam. ket idi June (2010) pinagrugi dakami nga dagusen..Nangrugi pimanen dagiti teachers nga mangisusuro isunga kapilitan nga pati siak ket tumultulong nga agsuro iti MTBMLE ta kurang ti teachers. (Noong Hunyo 2010 ay agad kaming nagsimula, at nagsimula na rin ang mga guro sa pagtuturo, at pilit akong tumutulong sa pagtuturo ng MTB-MLE dahil kulang ang mga guro) Ayon sa isang gurong dumalo sa naturang pagsasanay, marami siyang natutuhan at kahit na nagtuturo siya ng ikalimang baitang, naging daan din ang pagsasanay na kanyang dinaluhan upang lalong maunawaan ang proseso ng pagsasagawa na kanyang ibinabahagi sa kanyang mga kapwa guro. Aniya, lalo sanang magiging makatotohanan ang aplikasyon ng kanyang natutuhan sa pagsasanay kung siya mismo ang nagtuturo sa kindergarten o di kayay sa unang baitang. Kasama sa paghahanda ng mga guro ang paggawa nila ng action plan ng advocacy na nagbibigay tuon sa paraan ng pagsasagawa at ang tungkuling gagampanan ng mga miyembro ng komunidad tulad ng mga opisyales, mga magulang at iba pa. Sa panig ng mga guro, lalo na ng mga nakadalo sa seminar, nabanggit nilang hindi naging matagumpay ang pagpapatupad ng

RESULTA AT DISKUSYON Mga Karanasan at Hamon ng mga Guro Mula sa nakalap na datos sa mga respondente, natuklasan ng mga mananaliksik na may mga makabuluhang karanasan at hamon o suliraning kinakaharap ang mga kasangkot sa pagpapatupad ng programang MTB-MLE. Nahati ang pagtalakay sa mga paghahandang isinagawa bago ang pagpapatupad ng programa at sa aktuwal na pagpapatupad nito. Mga Paghahandang Isinagawa Bago ang Pagsasagawa ng Programa. Sa pagpapatupad ng isang bagong programa, kinakailangan ang mga kaukulang mga paghahanda upang mapagtagumpayan ang anumang plano o programang nais ipatupad. Sa

action plan sa kanilang paaralan dahil sa kakulangan ng panahon. Ang ilang dahilan dito ay ang panahon at ang agad na pagpapatupad ng programa na hindi pa gaanong handa ang mga guro sa kanilang mga estratehiya sa malawakang pagpapatupad ng kanilang plano para sa naturang programa. Pagkatapos isagawa ang action plan para sa advocacy noong Pebrero ay bakasyon na ng mga guro at mag-aaral kaya medyo nahirapan sila sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan at kapwa guro. Bagamat may ilang mga pagsasanay na isinagawa sa kanilang paaralan, noong Hunyo lamang nila puspusang isinagawa ang pagsisimula ng pagpapatupad ng action plan. Mahihinuha ito sa tugon ng mga guro nang tinanong sila hinggil sa paghahanda: Ket no enya jay inbaga ni principal ket isu deyayen (wala, kung ano lang ang sinabi ng Prinsipal ay yun na). Nagbibigay ito ng pahiwatig na ang mga guro ay umaasa na lamang sa mga impormasyong ibinibigay ng punongguro at ng ilang mga nakadalo sa pagsasanay hinggil sa programa. Ang paggawa ng kagamitang pampagtuturo ay binigyang pansin din sa paghahandang isinagawa bago ang pagpapatupad ng programa. Sa katunayan, nakagawa na ng mga kagamitang pampagtuturo ang isang guro bilang awtput sa dinaluhang pagsasanay. Ang ilan sa ginawang kagamitang pampagtuturo ang big book sa wikang Kankanaey na may pamagat na Ay Laydem ay Amey ed Amlimay? (Gusto mo bang Pumunta sa Amlimay), Estoryan di Bulbul-o (Kuwento ng Isang Paruparo), at Si Ama Ed Num-a (Si Ama sa Bukid). Naging matagumpay naman ang pagsisikap ng mga gurong gumawa ng kagamitang pampagtuturo upang magamit sa mga mag-aaral at nasiyahan sila sa naging karanasan nila sa paghahandang ito. Makikita ito sa sumusunod na tugon ng ilang mga respondente: sunga dagijay short stories ket nag aramid kami ta awan met ti printed. (kaya sa mga maikling kuwento, gumawa kami dahil wala namang nailimbag) Mayat ngem mejo narigat a ta awan ti usar. Kaspangarigan koma no sound M ket agaramid ka ti istorya nga adu ti sound M na.. Si mama, si mama ay inmey ed num-a. (mabuti, pero medyo mahirap dahil walang gamit, halimbawa sa tunog na M, gagawa ka ng kuwento na maraming matatagpuan na tunog na M) Di panmayatan na met ketdi iman et din comprehension. Magay probleman tan naaawatan da. (ang kagandahan nito ay ang pag-unawa, walang problema dahil naiintindihan nila) Mapapansing naging makabuluhan ang karanasan ng mga guro sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo bilang pantulong sa matagumpay na pagpapatupad ng programa. Gaya ng nabanggit, ang mga gurong

dumalo ng seminar ang nagpasimuno ng paggawa ng mga kagamitang ginamit ng guro ng kindergarten at unang baitang. Natuklasan pa ring kaakibat ng mga makabuluhang karanasan ng mga gurong respondente ang mga hamong kanilang kinaharap sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo. Isa sa pinakamabigat na suliraning kanilang sinabi ay ang taglay nilang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng kagamitan. Naging hamon din sa kanila ang kakulangan nila ng oras sa paghahanda kaya ang mga bakanteng oras nila ay inilalaan nila sa paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo. Sinang-ayunan ito ng naging tugon ng mga respondente noong tinanong sila ng mga mananaliksik sa naging hamon nila sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo: Mayat piman ngem adak ngarud kaya ay man am amag si materials..tan di endawat da metlang yan objective mo metlang yan Filipino asi kan e am amagan si kankanaey na. (Maganda naman kaya lang hindi ko kayang gumawa ng kagamitan.. dahil layunin lamang ang ibinigay at nakaFilipino pa kaya kailangang gumawa ng kankanaey nito). Isunga isu adi di problema tan shat kan manemnem a si am ammo da ay words. (Kaya maraming problema dahil kailangang mag-isip ng mga salitang alam nila). ay wen a maam pati piman dagijay materials ket isingsingit mi ti vacant time mi and i-ov-overtime an mi. (ay, oo maam, isinisingit namin ang paggawa ng mga kagamitang pampagtuturo sa mga bakanteng oras namin at nag-oovertime pa kami). Asi ngarud metlang adu-adu ay klase din kankanaey. Natken kankanaey dad Buguias, natken ed Amlimay, natken abe ed Alibacong (At saka maraming klase ang Kankanaey, iba ang Kankanaey ng Buguias, iba sa Amlimay, iba naman sa Alibacong). Maliban sa kasanayan, ang pagkakaroon ng dayalekto ng Kankanaey ang isa sa hamon ng mga guro kung paano sila makakagawa ng kagamitang tutugon sa pagkakaibang ito ng wikang Kankanaey. Sa kabuuan, ang kakulangan sa kasanayan at kakayahan ang ilang naging hamon sa mga paghahandang isinagawa ng mga gurong respondente bago ang pagpapatupad ng programa ngunit dahil sa pagiging malikhain ng mga guro, nagagawa nilang kahit papaano ay tuklasin ang iba pang mga paraan kung paano isasagawa ito sa mga mag-aaral. Naging susi rin sa kanilang matagumpay na proseso ng paghahanda ang masigasig na pamumuno ng kanilang punongguro upang matulungan sila.

Aktuwal na Pagsasagawa ng Programa. Hindi naging madali para sa punongguro at mga guro ang pagsisimula ng programang ito lalo pat tulad ng unang nabanggit, kulang sila sa puspusang pagsasanay. Ayon sa mga respondente, ang tanging sandata lamang nila ay ang kaalaman nila sa bernakular na wikang gagamitin sa klase pati ang kaalaman nila sa lingua franca na Ilokano at ang wikang opisyal na English at Filipino upang matulungan sila sa usaping ito. Ngunit, batid nilang kahit na gamay nila ang wikang gagamitin sa pagtuturo, kailangan pa rin ang kaalamang teknikal sa pagsasagawa nito. Pinatunayan ito ng tugon ng isang guro na, narigat a, ta kanyami ket awan met ti training mi? (mahirap a, kasi wala kaming pagsasanay). Naging makabuluhan sa kanilang pagsasagawa ng programa ang pagiging malikhain sa pagpapatupad ng programa sa likod ng kasalatan ng kasanayan. Mapapatunayan ito ng isa sa naging tugon ng respondente na, ... ket no enyan a ti available nga resources ket isu ti iremremedyuan mi. On the part of the teacher a piman ket talaga nga ag adjust da. (kung ano lang ang available na mga kagamitan, yun ang reremedyuhan namin. Sa panig ng mga guro ay talagang kailangan nila ang pag-aangkop). Nagagawa ng mga gurong gumawa ng kaukulang remedyo upang maisakatuparan ang programa. Gayundin nagiging matapang silang subukin ang anumang estratehiya sa pagpapatupad ng programa gaya ng nabanggit ng isang respondente, Tured nakem lang, aramiden lang no enya ti naadal. Ket successful met piman. (Lakasan lamang ng loob, gawin lamang kung anong natutuhan, naging matagumpay naman). Maraming natutuhan ang mga guro sa pagpapatupad ng programa tulad ng paggamit ng kanilang kaalaman sa unang wika at iba pang wikang kanilang nalalaman upang lalong maging masigasig ang kanilang mga mag-aaral sa pagkatuto. Naging malikhain din sila sa pagtuklas ng ibat ibang paraan sa pagtuturo ng wika lalo pat wala namang katumbas ang Ingles sa Kankanaey. Tulad ng nabanggit ng isang respondente, haan nga amin ket adda ti dialect tayo ket kasla kurang pay, kaspangarigan kuma ti colors ket kasla dagijay primary colors lang ti adda, maysa pay ya terms ti English kaspagagiran jay encircle, enya kankanaey triangle ken daduma pay (hindi lahat ng termino ay matatagpuan sa ating dayalekto dahil parang kulang, tulad ng mga kulay iyon lamang mga pangunahing kulay ang may katumbas sa Kankanaey, isa pa ay ang mga termino sa Ingles tulad ng encircle, anong kankanaey ng triangle at iba pa.) Sa asignaturang matematika at agham, ginagamit ang bernakular bilang wikang pantulong sa pagpapaliwanag ng mga konsepto. Halimbawa sa matematika ay sinasabing one plus one is equal to two. Hindi na sinasabing esa tapean si esa yan

dua. Ito ay dahil naiintindihan naman ng mga bata ang mga salitang ginagamit. Sinabi nilang ginagamit nila ang bernakular na wika sa pagpapaliwanag sa konsepto ng aralin sa mga mag-aaral upang malaman nila ang proseso ng pagsasagawa ng addition. Ibig sabihin, ang wikang bernakular ay pantulong lamang upang lalong maintindihan ng mga mag-aaral ang konseptong itinuturo. Makikita ito sa tugon mula sa mga respondente: Ijay kinder ket hanakun a nga nag L1 iti Math.. han kun inusar ti esa , dua, toloijay instructions a ket usaren mi ti L1 ngem no sen et operations et English metlang tan a ammo da met ay one plus one equals two.. (Sa kinder, hindi na ako gumamit ng unang wika sa Math, hindi ko ginamit ang esa, dua, tolo.. sa panuto doon ko ginamit ang unang wika ngunit sa mga operations ay English din dahil alam naman nila ang one plus one equals two. ken handa metlang nga ammon dagijay nauneg nga kankanaey.. ammo da metten ti one, two , three nga panagbilang narigrigat ketdin no ipausar ti sawas esa, sawas dua, sawas tolo tan adi da metlang maawatan. (at hindi rin nila maintindihan ang mga malalalim na kankanaey.. alam naman na nila ang one, two, three sa bilang mas mahirap gamitin ang sawas esa (labing-isa), sawas dua (labindalawa), sawas tolo (labintatlo) dahil hindi rin nila maintindihan), Marami ring mga hamon ang kinaharap ng mga guro sa pagpapatupad ng programa lalo pat nagsisimula pa lamang ito. Isa ang kakulangan ng mga gurong magtuturo kaya minsan ay pati punongguro ay nagtuturo na rin. Sinang-ayunan ito ng kanyang pahayag na, nangrugi pimanen dagiti teachers nga mangisusuro isunga kapilitan nga pati siak ket tumultulong nga agsuro iti MTB-MLE ta kurang ti teachers. (nagsimula nang magturo ang mga guro kaya pilit din akong tumutulong sa pagtuturo ng MTBMLE dahil kulang ang mga uro). Dahil pinili silang pilot school, pinangambahan nila ang madalas na pagbisita ng mga nakatataas na opisyal at mga ibang mga organisasyong magiging interesado sa isinasagawang programa. May ilang mananaliksik tulad ng taga-UP ang pumunta at ilang beses din ang mga tagapamanihala at mga superbisor ng DepED na pumunta sa kanilang paaralan upang obserbahan ang kanilang pagpapatupad ng programa. Ang paggawa ng mga banghay-aralin batay sa mga konsepto at mga kagamitang pampagtuturong inihanda ng mga guro ang isa pa rin sa hamong kinakaharap ng mga guro. Gaya ng sumunod na tugon ng isang respondente na nahirapan siya sa paggawa ng kagamitan at banghayaralin dulot ng pagkakaiba-iba ng dayalekto ng kankanaey. Aw ok lang ngem di challenge nga talaga et den man amag si materials. Alaem lang

concept asi kan iamagan si lesson plan. Asi mansasabali din kankanaey tako. (Oo, okay lang ngunit ang talagang hamon ay ang paggawa ng kagamitan, dahil kunin mo lang ang konsepto bago mo gawan ng banghay-aralin. Saka, magkakaiba kasi ang dayalekto ng Kankanaey) Isa pa ring naging mabigat na hamon sa mga respondente ang pagtanggap ng mga magulang sa bagong programa. Nabanggit ng mga gurong walang puspusang diseminasyong naganap sa lahat ng mga magulang kaya habang isinasagawa na ang programa, may mga magulang na namumuna sa nasabing paraan ng pagtuturo. Mapapatunayan ito sa pahayag ng ilang respondente, Aye, sin damo adi et madi-madi da.. Manbubunget pay da din udom. Intoy iyat na sa ay? Et intoy iyat da ngen ay makaadal si Tagalog uno English mo di kali met lang di maestra yan kankanaey?(Ay, noong una, talagang ayaw nila, nagagalit pa ang iba at sinabing, paano na iyan?, Paano sila matututo ng Tagalog o Ingles kung ang gagamiting salita ng guro ay Kankanaey rin?) han maawatan ti adu nga parents ta haan da nga ammo. Dapat gamin piman ket adda pay ti advocacy. Before nga nailaunch koma gamin ket adda ti advocacy. Ta ditoy metlang inted ti dep Ed ket isu ti first stage. Ngem gapo ta June en ken kuna da nga agrugi en, ura urada nga na i- implement isunga adu ti questions ti parents. (hindi maintindihan ng karamihang mga magulang dahil hindi nila alam. Dapat kasi may advocacy muna bago ito nasimulan. Dahil sa ito ang unang hakbang sa DepED Benguet, ngunit dahil sinabi nilang Hunyo ay magsimula na kaya ura-uradang naiapatupad na dahilan kung bakit maraming tanong ang mga magulang). Sinang-ayunan ito ng punongguro na noong una ay hindi matanggap ng mga magulang ang ideya ng paggamit ng bernakular na wika kaya kailangang ipaliwanag sa kanila. Idi damo a ket madi da met a. Ngem nagpameetingak agtatalna da met sunga kunak kanyada no adda pay lang han you maawatan umay kayo kanyak ta e explain ko. (Noong una ayaw nila, ngunit noong nagkaroon kami ng pulong hindi sila nakaimik kaya sabi ko sa kanila na kung may mga bagay pa kayong hindi maintindihan, punta kayo sa akin). Isa pang naging hamon sa mga nagtuturo ay ang kawalan ng pondo at suporta ng nakatataas. Nabanggit ng ilang respondente na kulang ang suportang ibinigay sa kanila dahil walang pondo na

nakaapekto sa pagsasailalim sa pagsasanay at sa paggawa ng mga de-kalidad na mga kagamitang pampagtuturo. Gaya ng makikita sa tugon, ngem din problema yan din funding na ya support. Unina iman din udom ay region a tan kanan da en maraming libro asi pay lang lilima da ay napud Bataan, samantalang datako ay mangkasapulan ay talaga tan siat takun man-amag yan wat es esa di papaeyen da. (ngunit ang problema ay ang pondo at suporta, buti pa ang ibang rehiyon kasi sinabi nilang maraming libro at lima ang dumalo mula sa Bataan, samantalang kami na talagang nangangailangan dahil kailangang gumawa ng kagamitan ay iisa lang pinadalo). Hindi lamang suporta sa pagpapadalo sa mga pagsasanay ang naging hamon kundi pati sa proseso ng pagpapatupad dahil agad-agad itong ipinatupad kaya hindi sinuportahan ng mga opisyales ng barangay dahil hindi masyadong dumaan sa puspusang diseminasyon. Sinang-ayunan ito ng punongguro nang sinabing, Istay isu piman ti plano mi ken maam ngem idi kunada nga irugi yun a ket kairugi kamin. Dapat talaga din advocacy tapno waday support, mangrugi sin Barangay, si Mayor, si District tapno ammo da ay supportaran. (Balak sana naming magkaroon ng advocacy ngunit noong sinabi nilang simulan na namin ay agad na naming sinimulan. Dapat may advocacy rin talaga upang may suporta, mula sa barangay, kay Mayor, at sa Distrito upang alam nilang suportahan ang programa). Ipinapakita lamang ng resulta ang katotohanang ang mga hamon ay dulot ng hindi puspusang paghahanda sa paglulunsad ng programa, bagaman sa huli ay tinutuklas nila ang mga paraan kung paano gawing maging matagumpay ang programa. Ilang Pagtataya at Ganting-tugon sa Pagpapatupad ng Programa Dahil unang taon pa lamang ng pagpapatupad ng programa sa naturang pilot school, mahalagang suriin ang ilang inisyal na pagtataya at reaksyion ng mga tuwirang kasangkot dito. Ayon sa punongguro, sa unang taon pa lamang ng kanilang pagsasagawa ng programang ito ay nakikita na niya ang magandang resulta nito sa kanilang mga mag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang pagiging interesado nila sa klase dahil walang hadlang sa kanilang pag-unawa at pagpapahayag. Narito ang ilang tugong magpapatunay sa naturang resulta: Ay para kadagijay ubbing a ket makitak nga very beneficial kanyada ta haan nga baro para kanyada ta isu us usaren da. Ti panagkitak ket awan ti barrier iti learning da. Very interested da piman.. imagine maam, idi in launch mi daytoy nga program, between 8am to 10am ket break da kuma piman ket awan piman ti rimrimuar, usually ket agrecess da during those time ngem haan piman ta interested da (Sa mga bata, nakikita kong very beneficial sa kanila kasi hindi bago sa kanila ang ginagamit

nilang wika. Sa tingin ko, walang hadlang sa kanilang pagkatuto. Very interested sila, imagine, noong nasimulang maipatupad ang programa, noong break time nilang 8:00AM 10:00AM, walang lumabas sa kanila, recess dapat nila pero interesado silang matuto). ay dagijay piman pupils a ket very positive.. Hanen masapul ti picture picture ta ammo dagijayen pupils. Familiar dan ijay concept nga ibagbaga jay teacher.. (ay sa mga bata ay napakapositibo. Hindi kailangan ang mga larawan dahil alam na nila. Pamilyar sila sa konseptong sinasabi ng mga guro). Bagamat hindi muna sila makapagbigay ng estadistikal na datos sa pagkakaiba ng perpormans ng mga mag-aaral na gumamit ng bernakular kumpara sa mga mag-aaral na hindi gumamit ng bernakular sa kanilang una at ikalawang taon ng pag-aaral, makapagbibigay na sila ng mga kongkretong halimbawa ng magandang bunga ng programang ito. Isa sa hayag na resulta ay ang paraan ng pagbasa ng mga mag-aaral. Napansin ng punongguro na sinangayunan naman ng mga guro na ang mga mag-aaral gumamit ng bernakular ay deretso sa pagbasa ng mga salita kung marunong nang magbasa, samantalang ang mga ginamitan ng English at Filipino ay papantig kung magbasa. Halimbawa, ang mga mag-aaral na ginamitan ng bernakular ay babasahin ang pahayag na That is a ball na deretsong That is a ball samantalang ang mga hindi gumamit ng bernakular ay babasahin nang papantig na That is a ball. Ket successful met piman Ti mayat piman nga na observe mi kadagitoy Kinder nga nagstart ti L1 ket diretso da nga nga agbasa.. D ba, dati ket dagitoy grade 1 no agbasa da - that..is.. a.. ball! (Naging matagumpay ito.. ang kagandahang napuna namin sa mga kinder na nagsimulang turuan ng unang wika ay diretso sila sa pagbasa. Di ba dati sa mga Grade I kung magbasa sila that..is..a..ball!) Idinagdag din ng isang respondenteng guro ng kindergarten, na sinang-ayun naman ng gurong nagtuturo ng unang baitang na ang kanilang mga magaaral ngayon na gumagamit ng bernakular ay mas aktibo sa pakikisangkot sa mga aralin kaysa sa mga nauna nilang mga mag-aaral na hindi gumamit ng bernakular. Sinang-ayunan ito ng resulta ng pagmamasid sa aktuwal na pagkaklase kung saan nakita ang kasiglahan ng mga mag-aaral at nasaksihan din mismo ng mga mananaliksik na napakasigasig nila sa pakikisangkot sa mga gawain pati sa pagsasalita o pagpapahayag ng kanilang kaisipan at/o opinyon. Kapansin-pansin din daw ang pagdami ng honor pupils noong Marso nang nasimulang ipatupad na ang programa ng MTB-MLE. Ang dating bilang ng mga mag-aaral na nabibigyan ng parangal ay nadagdagdan.

Ayon sa guro, malaki ang papel na ginampanan sa pagkatuto at pag-unawa ng mga leksiyon ng paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral dahil mas naintindihan nila ang konseptong itinuturo ng kanilang mga guro na nagbubunga rin ng kanilang kapakipakinabang na pag-unawa ng aralin. Isa pa ring nakitang naging positibong resulta ng programang ito ay ang pagbaba ng bilang ng mga humihinto ng pagaaral. Binanggit ng isang respondenteng guro na sa mga nakaraang taon ay humigit-kumulang 20-30 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nagpatala ang hindi nakatatapos ng kinder at unang baitang. Sa kasalukuyan ay kapansin-pansing bumaba sa 10-15 bahagdan na lamang ang huminto sa kalagitnaan ng taong aralan. Iniuugnay nila ito sa katotohanang hindi sila natatakot magpahayag ng kanilang sariling ideya dahil gamit ng guro ang wikang kanilang naiintindiha gayunding mas madali para sa kanila ang pakikipag-ugnayan sa loob ng klase. Isang dahilan ng paghinto at pagkawala ng interes ng mga mag-aaral sa pagkaklase ay ang katotohanang hindi nila naiintindihan ang wikang ginagamit ng mga guro sa loob ng silid dahil hindi pa nila ito pinag-aaralan. Sinang-ayunan din ito ng mga mag-aaral noong tinanong sila kung aling wika ang mas gusto nilang gamitin sa pagpapaliwanag at pagpapahahayag, walang pag-aatubiling ang isinagot nila ay ang Kankanaey.

KONGKLUSYON Batay sa mga palalahad ng karanasan ng mga guro sa unang taon ng pagsasagawa ng programang ito ay hindi malayong makakamit din ang tagumpay na nakikita sa pananaliksik ng ibang mga paaralang gumagamit ng programang ito. Hindi man dumaan puspusang mga pagsasanay ang mga gurong kinasangkapan sa programang ito, matagumpay naman nilang nagawa ang kanilang tungkulin dahil sa patuloy na pagtuklas ng mga paraan sa pagsasagawa nito. Dagdag pa rito ang hindi matatawarang sigasig at partisipasyon ng punongguro sa pagsasagawa ng programa at sa suporta ng mga gurong dumalo sa seminar na hindi nagkait ng kaalaman at kasanayang kanilang natanggap. Bagamat marami nang pananaliksik ang nagpapatunay sa kagalingan ng programang ito, hindi pa rin maiiwasang may mga hamong susuungin sa pagsasagawa ng programa kasam rito ang internal at eksternal na salik. Positibo ang pangkalahatang pagtatataya ng mga guro sa kanilang unang taon ng pagsasagawa nito kayat inaasahang ang magandang resultang ito ang hihikayat sa iba pa na hindi pa gaanong sumasang-ayon sa pagsasagawa ng programang ito. REKOMENDASYON Batay sa naging resulta ng pananaliksik na ito, ang mga sumusunod ay iminumungkahi ng mga mananaliksik upang matagumpay na maisagawa ang pagpapalaganap ng MTB-MLE sa lalawigan:

TALASANGGUNIAN 1. Lahat ng mga punongguro at mga guro ng kinder at unang baitang ng buong Benguet Division ay kailangang dumaan sa puspusang pagsasanay ukol sa pagsasagawa ng MTB-MLE upang magkaroon sila ng pagpapahalaga tungkol sa programang ito. 2. Ang ibang mga guro ng elementarya kung hindi man makadalo sa mga pagsasanay ay mabigyan ng sapat na kaalaman tungkol sa programang ito ng DepEd sa pamamagitan ng pagbabasa ukol sa mga naging resulta ng MTB-MLE upang magkaroon ibayong pagpapahalaga sa programa at isagawa ang advocacy info-drive upang walang maiiwan at lahat ay makikipatulungan sa pagsasagawa ng programang ito. Isangkot ang lokal na pamahalaan upang maging katuwang sa pagsasagawa ng programa. 3. Gagawa ang mga manunulat ng bawat pangkatetniko na gumagamit ng parehong bernakular na wika ng mga kagamitang pampagtuturo. 4. Siguraduhin ng DepED na lahat ng Superintendente ay susuporta at susubaybay sa pagsasagawa ng nasabing programa. 5. Maglaan ang pamahalaan ng sapat na pondo sa pagsasagawa ng programang ito. PAGKILALA Pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang pamunuan ng Lengaoan-Waking Elementary School sa pakikipagtulungan upang matagumpay na maisagawa ang pag-aaral na ito. Sa lahat ng mga guro, mag-aaral at mga magulang na nakapanayam na naging tapat sa pagbibigay ng kanilang reaksyon ukol sa programang ipinatutupad. Pinasasalamatan din ang Gradwadong Programa ng School of Teacher Education ng Saint Louis University, Baguio City sa pagkakataon at suportang ibinigay upang isagawa ang munting pagaaral na ito. Department of Education (2009), DepED No. 74 s. 2009. Institutionalizing Mother Tongue-Based Multingual Education (MLE). Department of Education. Republic of the Philippines. Fraenkel, J. & Wallen, N. (2006). How to design and evaluate research in education (6th Ed.) New York: Mac Graw Hill Co. Hahn (2008). Coding qualitative data. Retrieved January 7, 2012 from http://qrtips.com/coding.htm Nolasco, R. (2012). The Challenge of Mother Tongue-Based Multilingual Education in the Philippines. Paper presented at Saint Louis University, Baguio City. Scott, K. et al. (2009). Relation of Native-Language Reading and Spelling Abilities to Attitudes Toward Learning a Second Language. Heldref Publications. 54(1): 30-40. Retrieved from ERIC database UNESCO (2003). Mother-Tongue Based Multilingual Education a Franework. Retrieved July 29, 2011 from http://unesco.org/education/educprog/sne Walter, S & Dekker, D. (2008). The Lubuagan Mother Tongue Education Experiment: A Report of Comparative Test Result. Summer Institute of Linguistics: Philippines.

You might also like