You are on page 1of 240

Title: THIS GIRLS INLOVE WITH YOU, PARE Author: Sonia Francesca For: PHR book imprint

Teaser #

Nagka-crush si Andi sa binatilyong si Christian noong unang beses pa lang niya itong nakita. Pero may konting problema. Christian was gay. Alam naman niyang parte lang iyong pinagdadaanan nitong stage ng identity crisis. But when someone courted her, nagalit ito. Hanggang sa umalis ito ng bansa nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya.

Years passed, muling bumalik sa buhay niya si Christian. Nagtaka pa siya nang maramdamang ang fascination niya rito noon ay naroon pa rin sa puso niya. And it gotten worst dahil nararamdaman niyang sa tuwing makikita ito ay lumalakas ang tibok ng

kanyang puso. Mukhang natuluyan na siyang mainlove dito. Ang problema, gaya pa rin noong una niyang naging problema rito.

Because Christian was still gay. Paano kaya niya ito gagawing lalaki? Hmmm

CHAPTER 1

ABALA SI Andi sa pagnguya ng french fries at pagsagot sa kanyang mga assignment sa fastfood restaurant na iyon nang mapalingon siya sa binatilyong kadaraan lang sa kanyang tabi patungong counter. The place was bursting with highschool students like her since it was located just across their school.

Pero iisang estudyante nga lang ang nakakuha sa atensyon niya. Well, paano nga ba namang hindi niya ito mapupuna e napaka-cute nito. He was taller than the usual fourth year students like her, he also looked so clean and fresh. Hindi tulad ng mga madalas niyang nakikita na puro amoy pawis at puro tinta ng ballpen ang uniform na white polo. Napansin din niyang hindi lang siya ang nakuhaan nito ng atensyon.

Ang mga mga nakapila sa tatlong counter na katabi nito ay bigla na lang humaba ang pila, karamihan ay mga estudyanteng babaeng panay pa ang ngiti rito. Pero ni minsan ay hindi niya ito nakitang nilingon man lang ang kahit sino sa mga babaeng iyon.

Andi, paupo naman, wika ni Ruel, isa sa kaklase niyang lalaki. Wala ka namang katabi rito, di ba?

Nakita niyang nakakuha na ng pagkain ang binatilyo sa counter at inililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar

na iyon. Marahil ay naghahanap ito ng mauupuan. Mabilis niyang pinalayas ang kaklase.

May kasama ako, no? Bumili lang siya ng pagkain niya.

Nasaan?

Nasa CR.

Akala ko ba

Kapag nakita ka ng girlfriend mong nakikipag-usap sa akin, patay kang bata ka.

Uy, buti pinaalala mo. Sige.

Nakasimangot lang niya itong sinundan ng tingin. May girlfriend na nga at lahat, dumidiskarte pa rin sa kung sino-sinong babae. Lahat na lang ng kaklase, kung di man kakilala, na mga lalaki ay ganun ang ugali. Mawala lang sa paningin ang girlfriend, feeling single agad. Hay naku, siguro wala na talagang matinong lalaking natitira sa mundo.

Hi! Puwedeng maki-share?

Bumagsak ang french fries na kipkip niya sa bibig nang makita ang binatilyong tinitingnan kanina sa counter. Anak ng patis! Patay na yata siya! Nakakakita na siya ng anghel!

Miss?

Oo. Mabilis niyang ibinagsak sa sahig ang mga gamit na umuokopa sa kabilang silya. Puwedengpuwede. Sige, upo ka.

Thanks. He slid down the chair with so much ease. Pasensiya ka na. Wala na kasing ibang bakanteng puwesto. Sigurado kang okay lang sa iyo ito?

Oo naman.

Salamat uli.

Inilapag na rin nito sa sahig ang bag nito at nagumpisang buklatin ang mga libro at notebook. Libro na napapalamutian ng ginupit-gupit na ibat ibang klase ng bulaklak at notebook na mukha pa ng artista ang nasa cover. Nag-unahan sa pagtaas ang mga kilay niya nang ilabas nito sa pencil case, na kulay pink, ang manipis na pulang ballpen na may feathers pa sa dulo. Doon din lang niya napansin na may kulay ang mga kuko nito.

Are you gay?

Nang balingan siya nito ay napangalumbaba na lang siya. Look at that face

No. Mapapangiti na sana siya nang marinig ang karugtong ng sagot nito. Im a girltrapped in a mans body.

Dumulas ang siko niya sa mesa. Ha?

Tumikwas ang isang kilay nito. Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng katulad ko? O, kagaya ka rin ng ate kong tabingi ang pag-iisip?

You mean She waved her hand in the air. Ganon ka? As in bading ka nga?

Yes, oo, yeah, uh-huh. At kung pagtatawanan mo lang din naman ako, mabuti pangay kabayo!

Pabagsak na kasi itong napaupo sa silya nang tumayo ito at bigla niyang hilahin pabalik. Saan ka pupunta? Hindi naman ako tumatawa, ah. Narinig mo ba akong tumawa?

Aray ko naman! Sabunutan kita riyan, eh. Nang sa wakas ay maayos na uli itong nakapuwesto ay hinarap siya nito. Well, salamat naman at hindi makitid ang isip mo sa mga gaya ko.

Of course. Alam ko namang nagdaraan ka lang ngayon sa stage na tinatawag na identity crisis.

What?

Identity crisis. Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo sa mundo. In your case, hindi ka pa sigurado kung ano nga talaga ang pagkatao mo. Kung lalaki ka ba o babae. Hinugot niya sa pumpon

ng mga libro niya ang kanyang psychology book. Napag-aralan na namin iyon kaya naiintindihan kita.

Isang mapanuring tingin lang ang ibinigay nito sa aklat niya bago siya muling binalingan. Nakangiti lamang niyang inilahad dito ang kanyang kamay.

Ako nga pala si Andi. First year student diyan sa Infant Jesus Academy.

First year ka pa lang? Hindi halata.

Malaking bulas kasi ako. So, whats your name?

Bumuntunghininga lang ito. Unfortunately, my parents christened me as Christian. Pero kung nakakapagsulat lang ako nang bininyagan ako, Christina ang isusulat kong name ko. Tinanggap nito

ang nakalahad niyang kamay. Taga-Marist School naman ako. Fourth year.

Wow, what a grip, sambit niya. I like it.

Kunot-noo na lang nitong binawi ang kamay. Thank you.

Nararamdaman niyang natutuwa siya rito at ngayon pa lang nangyari na natuwa siya sa isang lalaking kaedad niya. Sa mga mata kasi niya, walang kuwenta ang mga kasing edad niyang kalahi ni Adan. Kaya nga madalas siyang magtungo sa village ng kanyang Kuya Nathan dahil mga professional na ang mga lalaki roon at hindi nakakapanghinayang na pangarapin. Sa tantiya nga niya, anim na ang crush niya sa village na iyon.

Puwede bang makipagkaibigan sa iyo, Christian?

Dont call me Christian.

O, sige. Puwede bang makipagkaibigan sa iyo, Chris?

Oh, please. Tumirik lang ang mga mata nito.

How about Ian?

Yuck! Sige, Christian na nga lang. At least mas malapit iyon sa Christina.

Okay. So, puwede ba tayong maging magkaibigan?

Vahket?

Kasi ang cute-cute mo.

Dahil lang doon kaya gusto mo akong maging kaibigan?

Mukha ka rin namang mabait. At tsaka Muli siyang nangalumbaba at tinitigan ito nang husto. I think I like you.

Sus maryosep! Manghilakbot ka nga sa pinagsasasabi mo riyan, babae. Hindi tayo talo.

So, what? Basta, I like you.

Dont tell me my identity crisis ka rin.

Siguro. Lumapad ang kanyang ngiti. Bagay tayo.

Eeewww! You are so gross!

Nagmamadali na nitong niligpit ang mga gamit at umalis. Siya man ay ganun din ang ginawa at mabilis itong sinundan.

Christian, wait lang!

Layuan mo ako, por pabor! Ayokong magkasala!

Kung sa akin ka magkakasala, hindi ka parurusahan ng Diyos, I swear.

Nagtititili na ito habang patawid ng kalsada. Sa pagmamadali yata nitong makalayo sa kanya ay hindi na nito naiwasan ang isa pang estudyanteng lalaki na makabanggaan. Kilala niya iyon. Si Derek, ang hearthrob ng school nila. Nahulog ang mga gamit ni Christian na agad naman iyong dinampot ni Derek kaya hindi na tuloy siya nagkaroon ng pagkakataong maging gentleman dito. Or gentlewoman.

OrNapansin niyang napatunganga na lang si Christian sa estudyante.

Pasensiya na, pare. Hindi kasi kita napansin.

Aho-okay lang.

Sige.

Tinapik nito sa balikat si Christian bilang pamamalaam. Nang lapitan niya ang binatilyo ay nakasunod pa rin ang tingin nito kay Derek.

Christian, okay ka lang? Gusto mong upakan ko ang lalaking iyon para makaganti ka? Sabihin mo lang

Ang Prince Charming ko

Ha?

Ang Prince Charming ko! Inginuso pa nito ang direksyong tinahak ng lalaki. Lets go. Kailangang makilala ko siya.

Thats Derek Contreras. And, Christian, dear, mas guwapo ka pa roon.

Excuse me. Maganda ako. Teka, kilala mo siya? Come on, ipakilala mo rin ako sa kanya.

Ayoko nga. Gago iyon, eh.

Ooohh, type!

Kumain na lang tayo, Christian. Im sure, gutom lang iyan.

Saka na iyan. May misyon ka pa sa buhay. Ipapakilala mo pa ako sa future hubby ko.

Aagawin ka pa niya sa akin? Huwag na, no?

Hindi niya ako aagawin. Pramis. Sa iyo lang ako.

Talaga? She never thought she could feel so much at ease with the opposite sex. Well, not really the opposite sex but still she liked the feeling that she had finally found a guy worth her time. Kahit na nga dumadaan ito ngayon sa masalimuot na stage ng teenage life nito. Hmmm, lets seeIpapakilala kita kay Derek pero sa isang kundisyon.

Anong kundisyon?

Na pagbibigyan mo ako sa lahat ng gusto ko.

Ay, ambisyosa ka, sister.

Wala ka ring Derek. Tandaan mo, ako lang ang kakilala mo sa school namin.

Ipapakilala mo lang ako kay Derek, ang dami mo ng kahilingan.

Ayaw mo? Sige, bahala ka.

Oo na, oo na. Sige na, gagawin ko na lahat ng gusto mo.

Okay!

BASICALLY, DOON nag-umpisa ang pagkakaibigan nila ni Christian. Nang mabigo ito kay Derek dahil may girlfriend na nga ang lalaki ay sa kanya ito ngumawa. Pero hindi rin naman doon natapos ang pagkakaibigan nila. Hanggang sa makasanayan na nila ang kabaliwan ng bawat isa na halos magkasama na sila sa lahat ng gagawin ng isat isa. Lalo pang tumibay ang friendship nila nang ireto nila ang kani-kanilang nakatatandang kapatid. Her brother Nathan and his sister Sam. Magkaaway ang mga ito subalit dahil sa mga magkasanib na puwersa ng kalokohan nila ni Christian ay nagkasundo ang mga ito. And hopefully, magkaibigan din sa huli.

Sino iyon?

Si Miguel. Nanliligaw.

Hinila na ni Andi si Christian papasok sa kanilang bahay nang misang dumalaw ito sa bahay nila. Sa kusina niya ito dinala.

Kumusta na si Ate Sam? tanong niya. Inlove na ba siya sa Kuya ko?

Ewan ko. kunot-noo itong napatitig sa kanya. Are you wearing make-up?

Bagay ba? Sabi ni Miguel, ang ganda-ganda ko raw.

Para kang sira. Gusto mo bang masira ang mukha mo? Alisin mo iyan.

Binalewala lang niya ito. I know Im pretty with make-up.

Naniwala ka naman agad sa Miguel na iyon? Teka, bakit ngayon ko lang yata siya nakita dito sa inyo?

Ewan. Kainis talaga ang lukaret na ito. Minsan na nga lang siya mapupuri, inuusog pa nito. Hiniwa na lang niya ang cake sa table. Ipinakilala siya sa akin ni Kuya noong nakaraang araw. Tapos, ngayon na lang siyang dumating dito, with matching flowers and chocolates. Binigyan niya ito ng isang piraso. And cake.

Sa kanya galing ang cake na ito?

Yup. Mukhang masarap.

Inilayo lang nito ang platito. Baka may gayuma iyan. Hindi ko pa naman siya type. Bakit ka niya nililigawan?

Bakit ang dami mong tanong?

Hindi ito sumagot at hindi rin nawala ang pagkakanot ng noo nito. Whats with him? Iba yata ang mood nito ngayon.

I dont trust him, anito maya-maya.

And since when did you start criticizing handsome men?

Since you started letting handsome men into your house. Hindi ka dapat nagtitiwala agad. Paano kung snatcher pala iyon? Ang hirap kasi sa iyo, por que guwapo, mabait na agad ang tingin mo.

What? Nawalan na rin siya ng ganang kumain. Nasaktan na kasi siya sa sinabi nito. For your information, matino po si Miguel. Kapatid siya ng kapitbahay ni Kuya Nathan sa village nila. At si Kuya mismo ang nagpakilala sa kanya sa akin. Kaya huwag

mong sasabihin na guwapo lang siya kaya ako mabait sa kanya.

Nawalan na sila ng imikan pagkatapos niyon. Ilang araw na niyang napapansin na tila laging mainit ang ulo nito at hindi na ito palakibo. And everytime she would caught him looking at her, he would just looked away without saying anything. Pinalalagpas na lang niya iyon dahil baka nga naman wala lang talaga ito sa mood na makipagbiruan sa kanya. Batid din naman kasi niya ang sariling kakulitan na kahit ang kuya niya at mga magulang ay sumusuko na. Pero ngayon, wala talaga siya sa mood na pagbigyan ang kapritso nito. Inaasahan niyang ito naman ang magbibigay. Ngunit imbes na aluin siya, basta na lang ito nagpaalam.

Nanggigigil niyang nilantakan ang cake kahit na nga ni hindi na niya malasahan iyon. Type ba nito si Miguel? Kung ganon nagsalita na lang sana ito agad at pagbibigyan naman niya ito. Tutal naman wala siyang

gusto rito dahil mas may alam pa ito sa blending ng make-up kaysa sa kanya.

Nagmamaktol pa rin siya nang dumating ang kanyang Kuya Nathan.

Sina Mama? tanong nito pagpasok sa kusina.

Sinamahan si Papa sa business conference nila sa Davao. Next week pa sila uuwi. Bakit nandito ka?

Masama bang dumalaw? Dito naman ako nakatira noon, ah. Naupo sa puwestong iniwan ni Christian. Nakasalubong ko yung kapatid ni Sam sa labas. Galing siya rito?

Oo. Padabog niyang nilantakan ang cake sa platito.

Himala. Wala kayong sariling conference?

Wala.

Hindi yata maganda ang araw ninyo ngayon. Ganyan din kasama ang itsura ni Christian nang makita ko siya sa labas. Anong problema ninyo?

Siya lang ang may problema. Nakita lang niya si Miguel na galing dito, nagsungit na.

Tila naging interesante ito sa sinabi niya. Baka naman nagselos.

Oo, dahil hindi siya ang niligawan.

No, I mean, nagselos siya dahil may iba ng nanliligaw sa iyo.

Bakit naman siya magseselos e bading iyon?

Kaya mo ng sagutin iyang tanong mo. Inagaw nito sa kanya ang tinidor at nakikain ng cake. Siyanga pala. Ayoko ng makikialam pa kayo ni Christian sa amin ng ate niya. Masyado kayong panggulo. Kapag nalaman kong may ginawa pa kayong kalokohan, pagbubuhulin ko na talaga kayo.

Si Christian ang pagsabihan mo dahil siya ang maraming kaartehan sa katawan.

Sa isang salita, mula nang araw na naghiwalay sila ng kaibigan ay hindi na sila nito nagkaroon ng pagkakataong magkausap uli gaya ng dati. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niyang maunang lumapit dito upang humingi ng sorry. Wala sa karakter niya ang umamin sa kasalanang hindi naman niya ginawa. She missed him, though. Hindi na rin kasi ito nagpapakita

sa kanya at kung nagkikita man sila, nauuna na itong umiiwas. Siya naman, sa sobrang inis ay iniiwasan na rin ito sa tuwing nakikita ito.

Mabuti na lang at lagi niyang kasama si Miguel na patuloy na nanliligaw kaya hindi na rin siya napapahiya sa sarili kung sakaling hindi siya pansinin ni Christian. Ngunit hindi rin niya maikakaila na nami-miss na niya ito. at sa huli ay napalitan na ng pangungulila ang pagkainis niya rito. So, three days before his graduation, she finally decided to just forget her pride for a while and went on to visit him. Tutal ay may seryoso siyang dahilan ng pagpunta sa bahay nito. Kung pagsusungitan pa rin siya nito, e di magsusungit na lang din siya. Para quits na lang sila.

Pero hindi niya inaasahan ang maaabutang balita sa bahay ng pamilya nito. Ang ate nitong si Sam ang nakausap niya.

Nakaalis na si Christian papuntang Australia kahapon. Nauna na niyang kinuha ang diploma niya dahil hindi na siya makaka-attend ng graduation niya. Ewan ko nga rin kung bakit hindi na niya hinintay na makagraduate na muna bago umalis. Hindi mo ba alam?

H-hindi, eh

Pero ang sabi niya nakapagpaalam na raw siya sa iyo.

Obviously, kinalimutan na siya ng kaibigan. On her own graduation day, she went to get her diploma with a heavy heart. Nang kantahin nila gradution theme na If We Hold On Together, napaiyak siya dahil ang inakala niyang pinakamasayang araw sa highschool life niya ay magiging isa sa pinakamalungkot. Because her bestfriend had left without saying goodbye.

Because her best guy left without knowing he was the best thing that ever happened to her. CHAPTER 2

AY, KABAYO! Pinalo ni Andi ng hawak folder ang nakatatandang kapatid na gumulat sa kanya. Ano ka ba, Kuya?

Masyado ka kasing seryoso sa pagtatrabaho. Easy ka lang. Teka, kumain ka na ba?

Mamaya na. Muli niyang ibinalik ang mga mata sa binabasang business report. Tatapusin ko lang ito.

Ang sabi ng sekretarya mo, kaninang tanghali ka pa hindi kumakain. Anong oras na ngayon? Mag-uuwian na lang hindi ka pa nanananghalian. Sisantehin na kaya kita?

You cant do that. She adjusted her eyeglasses and continued reading. Babagsak ang kumpanyang ito kapag nawala ako. I made sure of that, my dear Kuya Nathan.

Why am I not surprise.

She took off her eyeglasses and turned to her brother. Mukhang sumulpot lang ito sa opisina niya upang makipag-asaran sa kanya. Kunsabagay, ganon naman silang magkapatid. Paraan na nila iyon upang kahit paano ay maibsan ang maghapong tensyon sa trabaho.

Mula nang maka-graduate siya ng college ay nanatili na siya sa kumpanya ng kanilang pamilya. Tinulungan niya ang kuya niyang magpatakbo niyon lalo pa nga at nagkaroon na ito ng sariling pamilya. She was her

brothers ultimate sidekick when it comes to business. Iyon naman talaga ang nais niya.

Noong nasa highschool pa lang siya ay lagi na siyang sakit ng ulo nito. Palibhasa ay spoiled siya sa mga magulang. But when their parents died, nakita niya ang pagseseryoso pang lalo ng kuya niya upang mahawakan nang maayos ang negosyong naiwan sa kanila. Kaya ngayon, sa abot ng kanyang makakaya ay ginagawa niya ang lahat upang matulungan ito. Her brother was happy with his wife and children now.

Nagsisisi kang nagkaroon ka ng kapatid na pangworld record ang kasipagan? Sabihin mo lang at madali naman akong kausap.

Sige, sisante ka na.

Manigas ka, Kuya. Co-owner kaya ako ng kumpanya nating ito. Binugahan niya ng hininga ang salaming pang-mata saka ito binigyan ng eksaheradong ngiti.

Baliw ka talaga.

Siyempre, manang-mana ako sa iyo, eh.

Oy, mahiya ka nga. Kapatid lang kita at hindi anak, no? At kahit ang mga anak ko, walang gaya mo na pumapalya ang katinuan. Oh, thank God for that. Kung hindi, baka natuyuan na ako ng dugo.

Im so proud of you, Kuya.

Napakunot na lang ang noo nito. Mag-asawa ka na nga. Para mawalan na ako ng sakit ng ulo.

Hindi pa ipinapanganak ang lalaking magugustuhan ko.

At anong ibig mong sabihin? Na kung kailan uugudugod ka na ay saka pa lang iluluwal sa mundo ang lalaking pakakasalan mo? Kulang ang kasong child molestation sa iyo, Andi.

Yeah, yeah, sang-ayon na lang niya para matapos na ang usapan. Hindi ka pa ba uuwi, Kuya?

Im on my way home. Inayos na nito ang dalang attache case. Tapos na ang session nila para sa araw na iyon. Dinaanan lang talaga kita para i-bully. Inagaw nito sa kanya ang mga binabasa niya nito. Tama na iyan. Hindi nga makakapag-function nang maayos ang kumpanya kung wala ka. Thats why Im making sure na buhay ka pa rin bukas. Kumain ka na, Maria Alexander.

Fine.

Binuksan niya ang drawer at humugot ng isang pakete ng crackers na itinatago niya roon, just in case na magutom nga siya at hindi makakalabas agad. She picked up a piece and stuffed it in her mouth.

Satisfied?

Napabuntunghininga na lang ito saka napailing. Huwag ka ngang magsasalita kung may laman iyang bibig mo.

Muli siyang kumagat ng cracker. Hindi na tuloy maipinta ang mukha nito. Her brother was a perfectionist. Ayaw na ayaw nitong makakakita ng mali lalo na sa mga taong nakapaligid dito. At siya ang laging target ng pagiging metikuloso nito dahil sa mga kalokohan niya nang mga panahong nasa rebellion stage pa siya ng kanyang buhay. Nagbago lang ito

nang makilala at ma-inlove sa asawa nitong nuknukan naman ng gulo sa buhay. Kunsabagay, hindi lang naman ito ang nagbago. Siya man ay naging seryoso na sa pakikiharap sa buhay. Yun nga lang, paminsan-minsan ay tinatamaan pa rin siya ng kalokohan.

You really ought to start dating again, Andi.

You know I dont date, Kuya.

Well, its high time you should. Youre not getting any younger. Itigil mo na iyang picket mo laban sa mga lalaki at baka maunahan ka pa ng mga pamangkin mo na makapag-asawa.

Ang OA mo talaga kahit kailan, Kuya. But no, thanks. Mas gugustuhin ko pang maging single na lang kaysa magkaroon pa ako ng sakit ng ulong hindi ko naman

kailangan. Men are stupid. Nilingon niya ito. No offense meant.

None taken.

She leaned back against her seat and stretched out. Wala namang kaso sa akin ang makipag-date. Nakita mo naman noon ang lagi kong paglabas kasama ang mga lalaking ipinakikilala mo at mga nakikilala ko. Ang problema lang, lahat sila ay may mga diperensiya sa sarili.

I thought George was fine.

He was. Until his other two girlfriends showed up. Hinilot niya ang sintido nang maalala ang huling nakadate bago siya nag-give up na sa mga lalaki. God! I cant believe I even thought of going out with him again. Hay naku, pasalamat siya at hindi ako nakakita ng bareta kundi ay sinabon ko na siya.

Andi, no matter how much I hated to admit it, its in mens nature to be stupid. Kahit gaano man katino itong kuya mo, may lalabas at lalabas pa ring gago sa mga kabaro namin. Nagbabago lang sila kapag nakakita na sila ng babaeng pag-aaksayahan nila ng panahon na magbago. At nasa diskarte iyon ng mga babae kung paano sila makakakuha ng lalaking willing magbago para sa kanila.

Tinatamad akong dumiskarte, eh. Kaya dito na lang ako sa isang tabi. Sawang-sawa na talaga akong makipag-deal sa kanila.

So, ganyan ka na lang?

Magpasalamat ka pa nga dapat, Kuya, dahil mas masaya ngayon ang sister mo. Bukod diyan, wala kang kahati sa oras ko at buong-buo ko iyong naibibigay sa

pagpapatakbo nitong negosyo natin. She gave him her sweetest smile. Di ba?

Dont tell me, wala kang balak mag-asawa.

Ewan ko. Baka wala na. Bumuntunhininga siya saka nagpangalumbaba. I miss Christian.

Christian who? Akala ko ba tapos ka na sa mga lalaki?

E, hindi naman lalaki si Christian, no?

Saglit itong natigilan. Ah, yung kapatid ba ni Sam ang tinutukoy mo?

Yup. Muli siyang bumuntunghininga. I wish we could have our friendship back. Ang saya niyang

kasama at kahit siguro isang daang matitinong lalaki pa ang iharap sa akin, hinding-hindi ko siya ipagpapapalit.

I see

I know hes kinda gay and all. Pero mas mabuti nga iyon. Ikaw na rin ang nagsabi na ang mga totoong lalaki ay puro gago. No offense.

Nagkibit lang din ito ng balikat bilang kasagutan.

Nangingiti na lang siya sa tuwing maaalala ang mga kalokohan nila noon ng dating kaibigan. Hindi nga bat sila pa ang naging dahilan kung bakit nagkatuluyan ang ate nitong si Sam at ang kuya niya? Kaya lang bigla na lang itong nagbago pagkatapos na magkasundo ang mga nakatatanda nilang kapatid. Hindi na siya nito kinausap pa hanggang sa malaman na lang niyang nakaalis na pala ito patungong Australia kung saan

naninirahan ang panganay nitong kapatid para magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

Sumama rin ang loob niya noon kaya pinilit na lang niyang kalimutan ito at ibinuhos ang buong atensyon niya sa pag-aaral.

Do you think hes still suffering from a bad case of identity crisis until now, Kuya?

Temporary lang ang identity crisis at nangyayari lang iyon kapag nagdadalaga o nagbibinata na ang mga tao. But eventually, nalalaman din nila kung ano talaga ang papel nila sa mundo.

Kung ganon puwedeng maging straight si Christian at puwede rin tuluyan siyang maging bading. Tinapiktapik niya ang mga daliri sa kanyang table habang naglalakbay ang isip. I think I prefer my old friend. Yung Christian na makulit na baklita.

Ah, Andi. He could be a realy guy by now

Alam ko. Sa itsurang iyon ni Christian, Im sure hindi na siguro mabibilang ang mga babae niya kung sakaling naging straight na siya ngayon.

Hindi bat iyon naman ang gusto mo? Ang maging tunay siyang lalaki?

Oo. Pero kung marami naman akong kaagaw sa kanya, mas gugustuhin ko pang nagsa-suffer pa rin siya ng identity crisis hanggang ngayon. At least alam kong ako lang ang magiging babae sa buhay niya at siya lang ang magiging lalaki sa buhay ko.

Okay tila napipilitan lang na sang-ayon nito.

Marami na akong nakilalang gagong lalaki. And I dont want anything to dow with them anymore. Men just couldnt stay attracted to one woman for a long time. Thats science.

Men can love their wives for the rest of their lives. Thats a fact. At hindi mo iyon malalaman unless hayaan mo ang sarili mong hanapin ang lalaki para sa iyo. Tiyempuhan lang talaga iyan.

I still prefer Christian. Sa pagtanda ng mag-asawa, nawawala ang love. Sa huli ay companionship na lang ang dahilan kung bakit sila nananatiling magkasama. Which was fine with me.

Tinitigan siya nito. At sa unang pagkakataon, tila sineryoso nito ang mga sinabi niya. He even looked concerned.

What? untag niya.

I want you to fall inlove.

Malakas siyang natawa. Kuya, ang corny mo! Para lang iyon sa mga hopeless romantic.

At ikaw ay hopeless lang.

Sounds fair enough. Tinapik-tapik pa niya ang hawak na ballpen sa kabilang kamay. Ano kaya ang itsura ni Christian ngayon? Kuya, may balita kaya si Ate Sam tungkol kay Christian?

Saglit itong nag-isip at pagkatapos ay nagkibit na lang ng balikat. Mauna na nga ako sa iyo bago pa ako mahawa sa kawalan mo ng pag-asa. Hinihintay na ako ni Ate Sam mo. At ikaw, umuwi ka na rin para makapagpahinga. May bukas pa para tapusin ang mga trabahong iyan.

Opo. Nilaro-laro niya sa daliri ang salaming pangmata. Kuya, sa tingin mo bakit hindi pa rin bumabalik dito si Christian mula nang umalis siya ng bansa?

Ha? Eewan ko. Siguro.

Bading pa rin kaya si Christian hanggang ngayon?

Bakit biglang-bigla naman yata ang pagkakaroon mo ng interes tungkol sa kanya?

Wala naman. Ngayon ko lang kasi naisip na matagal na rin kaming walang communication. Hindi nga maganda ang naging paghihiwalay namin noon. Pero kahit paano naman ay naging magkaibigan kami, di ba? So, dapat ay may alam pa rin kami sa isat isa.

And whose fault is it?

Hindi siya makasagot. Ayaw niyang sisihin ang sarili dahil wala naman talaga siyang alam na kasalanan kung bakit bigla na lang itong nanlamig sa kanya noon. Ayaw din naman niyang isisi iyon kay Christian since hindi naman talaga niya alam kung ano ang dahilan ng biglaan nitong paglayo.

Sana nga lalamya-lamya pa rin si Christian hanggang ngayon, ano, Kuya? Para mas madali akong makalapit sa kanya kapag maisipan niyang bumalik pa rito.

Andi, ikaw na rin ang laging nagdidiin noon na identity crisis lang ang dahilan kung bakit ganon kumilos si Christian noon. Bakit imbes na positibong pagkatao niya ang hilingin mo ay kung ano-ano pa ang iniisip mo riyan?

Nagkibit lang siya ng balikat. Ano nga kaya ang mangyayari kung sakaling nagbago ito at naging tunay

na lalaki pagbalik ng bansa? Guwapo pa rin nga kaya ito? Makikilala pa kaya siya nito? Maibalik pa kaya nila ang dating pagkakaibigan kung sakali?

Napabuntunghininga na lang ito. Oo nga pala, Andi. Nakakuha ng vacation leave ang Ate Sam mo sa trabaho niya kaya isang linggo kaming magbabakasyon ng mga bata sa Palawan.

Puwedeng sumama?

Sige, basta ikaw pamangkin mo.

ang

magbabantay

sa

mga

Napasimangot na lang siya. Gagawin mo pa akong yaya. Huwag na lang.

Kung ganon doon ka na muna sa bahay namin tumigil Wala kasing ta-tao roon dahil isasama rin namin ang

dalawang katulong para makapagbakasyon na rin sila.

Okay lang. Tutal naman mas malapit ang bahay ng mga ito sa opisina nila. Mas magiging madali ang biyahe niya. Kailan ba ang alis ninyo?

This coming Saturday.

I have a business meeting this Saturday at siguradong aabutin na naman iyon ng gabi. Okay lang ba na hindi ko na kayo mami-meet pa bago umalis?

Okay lang. Well just leave the key to our next door neighbor. You still remember Jersey, right? Yung isa pang kalahi mong makulit.

Of course. Kumusta na nga pala iyon?

Shes still wrecking havoc in our village. At nakahanap pa ng kakampi. Iiling-iling na lang itong napalatak. Kayo ang mga babaeng itinatali na dapat ng mga lalaki para hindi na nanggugulo pa ng buhay ng may buhay.

Correction, Kuya. Kami ang dapat na tinutularan ng mga babae sa mundong ito.

Yeah, right. Nagtungo na ito sa pinto. Hindi naman sa pagmamayabang pero sa tingin ko ay nasa village na namin ang karamihan sa mga matitinong lalaking natitira sa mundong ito. Sana makakita ka na roon. Mataman siya nitong pinagmasdan. Hindi na talaga magbabago ang isip mo tungkol kay Christian?

That she still want her old friend? Hindi na magbabago ang isip ko.

HINDI ALAM ni Andi kung mapapakunot ang noo o ngingiti. Ang maliit na babaeng nasa harap kasi niya ngayon ay tila pinag-aaralan siya nang husto. Hawak nito ang susi ng bahay ng kuya niya na hinihintay niyang ibigay sa kanya.

Is something wrong? tanong na niya.

Ano nga uli ang pangalan mo?

Hindi ko pa sinasabi. But Im Andi, Nathans sister. Ngunit tila wala pa ring rekognasyon sa mga mata nito. Masyado na nga sigurong matagal mula nang huli siyang mapunta sa lugar na ito. Ikaw si Jersey, hindi ba?

Paano mong nalaman? Stalker ka, no?

Natawa na siya nang tuluyan. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Jersey. Weird ka pa rin gaya ng dati. Kumusta na ang paborito mong pet?

Pet?

Si Marx.

Hindi tao, hindi hayop si Marx.

Hanggang ngayon magkasundo?

bay

hindi

pa

rin

kayo

Papatay na lang ako ng tao. Sumilay na ang ngiti sa mga labi nito at nababanaag na rin sa mga mata nito na nakikilala na siya. O baka nga nakilala na siya nito kanina at pinagti-trip-an lang siya. Kumusta, Andi? Ang tagal mong hindi nagpakita rito, ah.

Medyo naging busy lang ako sa maraming bagay. Studies and then work. Ikaw?

Naging busy din ako sa pagpapatino ng mga baliw sa mundo. Im a registered nurse at Philippine Mental Health now. So, makikigulo ka na rin dito sa Rancho?

Not really. Pinababantayan lang sa akin muna ni Kuya ang bahay nila habang wala sila.

Oh, thats good. Ibinigay na nito sa kanya ang susi. Minsan kasi ay napo-possess ang mga bahay dito at naglalakad silang mag-isa kapag walang tao sa loob.

Yeah, I heard about it, pakikisakay na lang niya rito. Well, its nice seeing you again, Jersey. So, paano, papasok na ako sa loob. Pasensiya na uli sa istorbo, ha?

Oh, its okay. Goodnight, Andi. Nice seeing you again. And stay away from Marx. Miyembro iyon ng masamang kulto.

Iiling-iling na lang siya habang patungo sa bahay ng kanyang kuya. She really cant believe that woman. Napakaliit na tao pero nuknukan ng kulit. Kaya siguro hindi na nakakapagtakang kahit kailan ay hindi ito nakasundo ng paborito nitong kaaway na si Marx na ang alam niya ay laging dumadayo sa village na iyon para lang asarin ang dalaga.

Pagpasok sa loob ng bahay ay napangiti siya sa sarili nang makita ang kabuuan ng malawak na sala. Wala kasi sa pagkakaayos ang ilang kagamitan doon dala marahil ng pagkakasagi ng kung sino. May ilang mga damit din ng mga bata ang nakasampay sa likod ng sofa. Nag-iwan pa ang makukulit niyang pamangkin ng mga remembrance para sa kanya.

Tahimik na tahimik ang paligid. Kung hindi siya nagkakamali, ngayon na lang uli nakatikim ng katahimikan ang bahay na iyon. Nang binata pa kasi ang kuya niya ay ayaw siya nitong pinapupunta roon dahil ayaw nga nito ng naiistorbo. Ngunit nang makapag-asawa ito at magkapamilya ay pinalakihan nito ang bahay at pinuno iyon ng nakakatuwang ingay. Men can stay inlove with their wives, wika ng kuya niya. Hindi siya gaanong naniniwala sa ideyang iyon pero sa tuwing nakikita niya kung gaano kamahal ng kuya niya ang asawa at mga anak nito, pansamantalang nakakalimutan niya ang pangit na pananaw sa pag-ibig.

Dinampot niya ang mga damit at iniurong ng tuhod ang sofa upang bumalik ito sa dating ayos. Pagkatapos ay nagtungo siya sa back door kung saan naroon ang laundry area ng pamilya. Nang maidispatsa ang mga damit ay nagtungo na siya sa guest room upang makapagpahinga. She really like going to her brothers house. Nakikita kasi niya sa mga pamangkin ang kakulitang hindi niya napapansin noon sa sarili.

Ibinagsak niya sa carpeted floor ang dalang bag at humugot ng damit-pantulog saka nagbihis.

Wala pa siyang balak na matulog kaya kinuha din niya sa bag ang mga business reports na baon upang pagaralan habang hinihintay na dalawin siya ng antok. Pero hindi pa man siya nag-iinit sa kinauupuan nang maalalang hindi nga pala niya naikandado ang pinto sa sala. Papers in hand, she walked back to the living room, locked the door, turned around and screamed. Nagulat din yata ang lalaking kaharap niya kaya napasigaw din ito. Naputol lang ang ingay nila nang paluin niya ito ng mga hawak na papel.

Saklolo! Tulungan ninyo ako may magnanakaw sa loob ng bahay namin! patuloy niya itong hinampas.

Aw! Stop it.

May addict na magnanakaw dito! Nahawakan nito ang mga braso niya. Rapist! Rapist!

I said stop it! Im not a criminal.

Kriminal ka! Tinuhod niya ito sa maselang bahagi ng katawan nito ngunit agad din itong nakalayo. Agad niyang dinampot ang katabing lampshade at iniamba iyon dito. Marunong akong pumatay ng tao. Huwag mo akong subukan.

Im not a criminal. Nagpamaywang ito. I live here.

You cant live here. Because I live here. I mean, my brother lives here. With his family. And Im a family. You, are you a family?

What?

Nevermind. Kahit siya ay parang gustong mapakunot ang noo. Sa sobrang takot ay hindi na niya masundan pa ang logic ng kanyang mga sinabi. Pero hindi na niya iyon inintindi. Lumayas ka ngayon din kung hindi ay ipapadampot kita sa pulis.

I told you

Ah, no. Hindi ka pala puwedeng umalis dahil ipapadampot pa kita sa pulis.

Dahan-dahan siyang lumapit sa telepono nang hindi inaalis ang tingin sa estranghero. Nang bigla iyong tumunog. Nabitiwan tuloy niya nang wala sa oras ang lampshade. Pero mabilis din siyang dumampot agad ng kapalit. This time, malaking banga na naka-display doon ang natiyempuhan niya. May kabigatan nga lang iyon subalit hindi pa rin niya iyon binitawan.

Dinampot niya ang nag-iingay na telepono. Hello, kung sino man ang nariyan sa kabilang linya, puwedeng tumawag ka ngayon din ng pulis? May magnanakaw na rapist na addict dito ngayon sa bahay namin. She was dictating her address when a woman from the other line talked.

Andi? Si Ate Sam mo ito. Anong nangyayari riyan?

Ate Sam! Oh, God! May nakapasok na lalaki rito sa bahay. Magpadala agad kayo ng pulis dito, please.

Lalaki? Ang lalaki bang tinutukoy mo ay magaling mag-English?

Ewan ko.

Guwapo at matangkad?

She looked at the man. Well, yes. Hes handsome and tall. Napangiti ang lalaki. But thats not the point.

No, thats not the point because thats my brother, Andi. Pasensiya ka na kung hindi ko nasabi sa iyo na darating siya from Australia. Nagkakagulo na kasi ang mga bata kanina kaya nakalimutan ko na ang tungkol doon. Sige, ikaw na ang bahala sa kanya, ha? And, oh, please dont kill him. Bye.

Dial tone na lang ang narinig niya nang maputol na ang linya. Ibinaba niya ang telepono at diskumpiyado pa rin nang balingan ang lalaking ngayon ay kakikitaan na ng tila pinipigil na ngiti ang mga labi.

Anong nginingiti-ngiti mo riyan?

Nothing. Can we talk now? Iminuwestra nito ang hawak niya. Minus the jar, that is.

Pinakawalan na nga niya ang pobreng banga dahil nangangalay na rin ang mga braso niya sa bigat niyon. Subalit dahil wala pa rin siyang tiwala rito ay ang dalawang figurines naman ang pinagdiskitahan niya.

Kaya ko pa ring pumatay gamit ang mga ito.

Yeah, I know. And then the man smiled at her again.

At dahil ngayon lang niya ito natitigan nang husto nang hindi ito pinagtatangkaang ipadala sa kabilang buhay, napanganga na lamang siya rito. Dear God, sambit niya sa isip. The man was sinfully gorgeous! Pakiramdam niya ay hinigop ng mga ngiting iyon ang lahat ng kasamaan niya sa katawan. And something in his smile reminded her of something from her past. Or someone.

Naglakad ito palapit sa kanya. Hindi na siya nag-react pa dahil habang patuloy niyang pinagmamasdan ang guwapong mukhang iyon ay tila unti-unti na rin niya itong nakikilala. Subalit nanatiling blangko ang isipan niya sa kung sino nga ang lalaking ito at kung bakit kilala niya ito. Nang tuluyan itong makalapit sa kanya ay doon lang niya napagtanto kung gaano ito katangkad. At kung gaano kaguwapo ang mukhang iyon.

Maybe I should just take this before you hurt yourself.

Hinayaan na lang niya itong gawin ang gusto nitong gawin. Dahil hindi niya maalis ang paningin sa mukhang iyon. Yes, he was indeed gorgeous alright. But there was also something in him that caught her attention.

Sabi ni Ate Sam, kapatid ka raw niya. Ikaw ba si Kuya Roger?

Kuya Roger didnt leave the country for the last couple of years. Hinintay pa nitong magkaroon ng kahit kaunting recognition mula sa kanya. nang wala itong makuha ay napabuntunghininga na lamang ito. You really dont remember me, do you?

Should I?

Lumapad lamang ang ngiti nito. She could almost swear her heart just skipped a bit.

We were best buddies before I left the country to take up my college degree in Australia. Still doesnt ring a bell?

Continue, utos niya.

I was the love of your life. Back then, that is.

Excuse me? I dont even know you.

Oh. Okay. He cleared his throat, put his hand on his taut hips and gave his other hand an exaggerated flip in the air. Pagkatapos ay pinalamya nito ang boses. Its me, Andi.

Oh, my God! bulalas na lang niya sabay takip ng mga kamay sa kanyang bibig. She would recognize that chirpy voice anywhere, though its a little bit on the husky side. Christian?!

Yes. Bumalik na ang malalim na tono ng boses nito. Hello, Andi.

Oh, God! She threw herself at him and gave out a nervous laugh. Oh, God!

Yes, oh, dear God.

YOU SCREAM like a girl.

Thank you.

After the initial shock, magkaharap na sila ngayon ni Christian sa kitchen table at pinagsasaluhan ang pagkaing nahalungkat nila sa refrigerator.

Grabe, hindi kita nakilala, ah. Anong ginawa mo sa sarili mo, ha, Christian?

Ewan ko. Nag-evolved? pabiro pa nitong wika. Ikaw? Anong ginawa mo sa sarili mo at nagmukha ka ng babae?

Heh! Sabunutan kita riyan, eh. Palibhasa guwaping ka na ngayon kaya kung laitin mo ako, ganun-ganun na lang.

Kailan ba kita pinuriAray! Nakatikim na talaga ito ng pinong kurot sa kanya. Aray naman!

Okay lang iyan. Tinawanan lang niya ito at saka hinila ang braso upang panggigilan. Mabuti naman at marunong ka pa ring mag-Tagalog. Kung hindi ay baka sinipa na kita palabas.

Natatawa na lang itong napailing. Ikaw talaga, Andi. Hanggang ngayon bay si Baby Ama pa rin ang idol mo?

At ikaw, si Madonna pa rin ba ang favorite role model mo?

Nah.

Pinagmasdan lang niya ito nang lumagok ito ng tubig. Hindi talaga niya kayang pigilan ang sariling sundan ang lahat ng kilos nito. Iba na nga ang itsura nito. His amazing goodlooks flourished even more through the years. And he seemed at ease now with himself, even confident of his looks and disposition in life. Kung hindi lang siguro niya ito kilala, baka hindi lang isang major crush ang tumama sa kanya.

Baka nga ma-inlove pa siya rito.

Siyanga pala, pasensiya ka na kung nagulat kita kanina. Tumawag ako rito kahapon para ipaalam ang pagdating ko ngayon. At sinabi nila na ikaw na nga lang daw ang bahalang sunduin ako sa airport.

Pero wala namang nababanggit sa akin si Kuya tungkol sa pagdating mo.

Actually, ni-request ko talaga sa kanila na huwag ipaalam sa iyo kung sino ang susunduin mo sa airport. I wanted to surprise you.

Well, you succeeded.

And again, I really am sorry.

Kung ganon, hinintay mo pa rin ako sa airport?

Oo, kaya ginabi na ako.

She gave him an apologetic smile. Pasensiya ka na talaga. Hamo, pagdating nina Kuya, kakastiguhin ko sila.

Its okay. May kasalanan din naman ako.

Hindi. Kasalanan ito lahat ng mag-asawang iyon dahil kinalimutan nilang sabihin sa akin na may susunduin pala ako sa airport. Tumango lang ito bilang pagsangayon. Well, anyway, mabuti na lang at nakarating ka naman dito nang walang anomang aberya, still alive and kicking.

He chuckled. Itinukod niya ang siko sa mesa saka lantaran itong pinagmasdan. Hindi talaga siya nagsasawang pagmasdan ang mukhang iyon.

Why do you keep looking at me like that, Andi?

Nothing. Im just glad na hindi ka pa rin nagbabago.

What do you mean?

Look at you. Youre totally hot and yet youre stillyou. Kung naging totoong lalaki ka lang, siguradong hindi na kita lalapitan dahil sa dami ng babaeng nakapaligid sa iyo.

Bakit naman? Were friends, arent we?

Oo nga. Pero alam ko naman na makakalimutan mo ako sakaling mangyari iyon. Isa pa, baka kaasaran na lang kita. Ang tingin ko kasi sa mga pa-machong lalaki ay ginagawa lang medalya at trophy ang mga babaeng sumasamba sa kanila.

Thats really unfair for the straight guys out there.

And I really dont care. Im just glad youre not one of them.

Uhhuh. Tahimik na nitong ipinagpatuloy ang pagkain. Pasalamat ka at gaya pa rin ako ng dati.

So, talagang gay pa rin.

Oh, yeah.

Natawa na rin siya kahit wala ni isang katiting na ebidensyang binabae nga ito na di gaya noong una silang magkakilala. Napakarami ng nagbago rito. Now, he talk, walk, dressed and acts like a real guy. Tumayo siya at mahigpit itong niyakap mula sa likod.

Oh, Christian! I miss you so much!

Tinapik-tapik nito ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg nito. Get a hold of yourself, Andi. Nakakahiya. Baka isipin ng mga makakakita ng mga tao, patay na patay ka sa akin.

At ang arte mo pa rin. She turned around to face him. Halos dumikit na ang mga labi niya sa pisngi nito. Kaya hinalikan na niya ito. Welcome back, Christian.

He looked stunned for a moment and then cleared his throat with that suppressed smile of his. Mabuti na lang at bahagya itong nakabaling sa ibang direksyon dahil kung nagkataong nakaharap ito sa kanya ay siguradong magdidikit na ang kanilang mga labi.

You better take your arms off me, Andi. Baka tuluyan na akong masakal sa panggigigil mo.

Mabilis naman niya itong pinakawalan. Nararamdaman na rin kasi niyang nawiwili na siya sa ginagawa kapag nalalapit dito.

So, may boyfriend ka na ba, ha, Christian? Siguro hearthrob ka na sa Australia, ano?

Oh, yeah. I was the hottest piece of meat out there.

Hottest piece of meat? Natural ba sa mga bading ang magbitiw ng mga ganong salita?

Well, how would she know? E, ito lang naman ang binabaeng naging ka-close niya.

How about you, Andi? sa wakas ay baling na nito sa kanya. He really looked gorgeous. Ilan na ang naging girlfriend mo?

Hoy, sister, anong palagay mo sa akin, tibo? Excuse me. Hindi ko hahayaang itakwil ng lipunan ang ganda kong ito. Sayang naman ang beauty ko, no?

Oo nga.

What?

Ang sabi ko mali pala ang tanong ko. Okay. How many boyfriends do you have now?

Kumain ka na lang.

Youre still single?

Bakit parang natutuwa ka pa? Naiinis siya noon sa mga taong nagtataka kung bakit wala pa rin siyang boyfriend sa edad niyang iyon. Pero kay Christian ay

hindi niya magawang magalit. Huwag ka munang magpakasaya dahil isa sa mga araw na ito, magkakaroon na rin ako ng lalaki sa buhay ko.

So, wala ka pa ngang boyfriend.

You know what? You better cut the interregotion right now. Dahil kapag nainis ako, pa-planuhin ko na ang kamatayan mo. Marami akong alam na lason.

He leaned back against his seat and laughed. Tila naman musika sa kanyang pandinig ang halakhak nito. At ang kakaibang kislap ng mga mata nito nang mga sandaling iyon ang marahil ay siyang dahilan kung bakit imbes na tuluyang mainis ay natuwa pa siya rito. Matagal-tagal na ring panahon ang nakalipas mula nang huli siyang matuwa nang ganito sa isang lalaki. And it happened to be the same guy.

Napaka-pathetic naman niya. Sa loob ng maraming taon, iisang lalaki lang ang nagustuhan niya? At hindi pa nga tunay na lalaki. Kunsabagay, kumpara naman sa mga lalaking nakilala na niya, sa ugali pa lang ay wala ng panama ang mga ito kay Christian. Sa kaguwapuhan, mahihiya ang mga iyon na dumikit dito.

Im so glad Im back, wika nito nang sa wakas ay mahimasmasan at bumaling sa kanya. Na-miss din kita nang husto, Andi.

And when he looked at her like that, she could feel her heart skipped a beat. Okay, whats going on here? Normal bang tumibok ng ganito ang puso niya para sa isang dating kaibigan?

Oh, come on, Andi. Dont tell me youre going to cry now.

Dinampot nito ang tissue sa ibabaw ng mesa at idinampi-dampi iyon sa tenga niya. Malakas niya itong hinampas sa balikat. muli ay natawa lang ito.

Youre still gross, Christian.

Its a part of being in touch with my, you know, feminine side. Bakit? Ayaw mo ba akong maging ganito?

I cant do anything about your personality. Basta tanggap kita kahit ano ka pa.

Kung ganon okay lang sa iyo na maging tunay akong lalaki?

Natatawa niyang nilamukos ang tissue na naagaw dito. You dont have to change for me, Christian.

Ganyan ka na nang makilala kita at iyon din ang dahilan kung bakit gustung-gusto kita.

You mean, you just like me because Im gay?

Oo naman, no?

Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang tila nakita ang kalungkutan sa mga mata nito. Subalit agad din iyong naglaho nang mapadako ang tingin nito sa kanya. Man! Look at those eyes! Parang gusto niyang hawiin ang ilang hibla ng buhok nitong bahagyang nakatabon sa mga mata nito upang mas lalo iyong mapagmasdan.

Ah, eby the way, hanggang kailan ka mananatili rito sa bansa?

Oh, Im gonna stay here for good. Sawa na akong marinig ang sobrang accent ng mga Aussies. At tsaka nami-miss ko na talaga ang Pilipinas. Hinahanap-hanap ko ang traffic dito. Pansamantala, dito na muna ako kina Ate Sam titigil habang hindi pa ako nakakahanap ng property na mabibili.

Umuwi ka lang ng Pilipinas dahil na-miss mo ang traffic? You are so weird.

Well, actually, hindi lang naman talaga iyon ang dahilan ko kung bakit ako bumalik. Then he looked straight at her with that incredible eyes of his.

Daig pa niya ang sinipa ng kabayo sa dibdib nang maramdaman na naman ang panibagong dagsa ng kakaibang kaba na iyon. Bakit ba tila sume-segue ang puso niya sa tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata? Its not as if they havent look at each other that way before. In the end, though, minabuti na lang niyang balewalain ang damdaming iyon. Nakakahiya

sa kaibigan. Kadarating pa lang, kung ano-ano na ang iniisip niya rito. And for Gods sake! Hes gay!

Ako ba ang dahilan mong iyon? pagbibiro niya.

Simpleng kibit ng balikat lang ang isinagot nito, neither comfirming nor denying her statement. But nevertheless, kinikilig pa rin ang pasaway niyang puso.

Finish your meal. Ihahanda ko lang ang kuwartong tutulugan mo.

Cant I sleep in your room?

You cant sleep in my room!

Why not? Saglit itong tila nag-isip pa ng dahilan. Pareho naman tayong babae, ah.

Thats really cute, Christian. Tumawa lang ito. But no.

Takot ako sa dilim.

E, di huwag mong patayin ang ilaw.

Hindi ako makatulog ng may ilaw.

Matulog kang dilat.

Tumayo na siya upang magtungo sa isa pang guest room bago pa siya ipagkanulo ng estrangherong damdaming iyon dahil sa mga ngiti nito.

My, my, sambit niya habang patungo sa isa pang guest room. I cant believe your lusting over your gay friend, Andi. Nakakahiya ka.

Subalit kahit anong gawin niyang saway sa kanyang sarili, hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang mga ngiti, mga tingin at guwapong mukha ng kaibigan. Kunsagabay, wala namang nakakaalam, kunsuwelo na lang niya sa sarili bago hinayaang lunurin siya ng mga alaalang nakakapagbigay ng kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.CHAPTER 4

NAGHIHIKAB PA rin si Andi paglabas ng kanyang silid nang umagang iyon. Hindi na tuloy niya namalayan ang paglabas ni Christian sa kabilang silid kaya nakabanggaan pa niya ito sa makipot na hallway. Mabuti na lang at maagap siyang naalalayan nito kung hindi ay bumagsak na siya sa sementadong sahig.

Lagi na lang ba tayong magkakagulatan? natatawa nitong tanong. Teka, gising ka na ba?

Oo, kaya puwede mo na akong bitawan. The mere touch of him just made her senses into full alert. Bigla tuloy nawala ang natitirang antok sa kanya. Weird.

What?

Wala. Nag-breakfast ka na?

Hindi pa. I was hoping na sabay tayong magaagahan.

Nais siya nitong makasabay sa pagkain? Wala namang kakaiba roon dahil sa silang dalawa lang ang magkasama ngayon sa bahay. Ang problema lang, binibigyan ng kakaibang kahulugan ng kanyang isip ang mga salita nito. Her mind couldnt take his words

as a simple gesture of a gay friend. Kasi naman, Christian was the most adorable and handsome man shed ever met in her entire existence.

Well, half-man, that is. O kahit one-third pa ang pagiging lalaki nito, isang tingin lang sa napakaguwapong mukhang iyon, tila pati pangalan niya ay nakakalimutan na niya.

Andi? Are you okay?

H-ha? Ipinilig niya ang ulo. Ah, sa kaliwa, diretso.

What?

Hindi bat itinatanong mo kung nasaan ang banyo? Umiling lang ito. Gusto na niyang upakan ang sarili. Right.

Andi.

What?

Sigurado kang gising ka na?

Hindi nga, eh. Sige, babalik na lang uli ako sa kuwarto ko. Nice meeting you.

Subalit napahinto siya sa paghakbang nang makita ang pagsilay ng ngiting iyon sa mga labi nito. ang mga ngiting iyon na nakasama niya sa kanyang panaginip ng buong magdamag.

Ah, magdya-jogging na muna ako at nang mawala na itong agiw sa utak ko. Hindi kasi ako makapag-isip ng tama hanggat hindi ako nakakapagpapawis kahit paano.

Oh, thats a good idea. Sabay na tayo. Sa garden na lang kita hihintayin. Magwa-warm up lang ako sandali.

Wala na ito sa kanyang harapan bago pa man siya makasagot. Tinampal-tampal niya ang mga pisngi.

Wake up, Andi, aniya sa sarili. Ano bang nangyayari sa iyo? That guyI mean, that gay guy, is your friend. Bakit mo pinagnanasaan ang sarili mong kaibigan? Tigilan mo na iyan. Kahit sa isip lang, off-limits pa rin ang mga friends. Whether gay or straight.

Goodness! She was talking to herself again. Dumiretso na lamang siya pabalik sa kanyang silid, naghilamos at nagbihis. Nakatulong yata ang malamig na tubig na ipinanghilamos niya kaya kahit paano ay nararamdaman niyang maayos na uli ang takbo ng kanyang isip.

"Christian, halik Natigilan siya nang maabutan ito sa garden na nagpu-push ups sa isa sa mga benches doon gamit ang isang kamay lang. Whoa, sambit na lang niya.

She had never seen a gay guy with a very sturdylooking arms like that before. Talaga nga kayang berde ang dugo nito?

Eighteen, nineteen, twenty Nakita siya nito mula sa pagkakayuko nito. Tumayo na ito at pinagpagan ang mga kamay. Nandiyan ka na pala. Lets go?

Pero nakasunod na ang tingin niya sa mga palad nito na namumula na. Agad niyang ininspeksyon iyon.

Look at your hands, aniya. Masisira ang balat mo kung aaraw-arawin mo ang pagpu-push up. Teka, masakit ba?

Ha? Ah, oo. Masakit. Hinilot niya ang palad nito. Wow, that felt good. Isa pa nga.

Lagyan na muna kaya natin ng moisturizers?

Bakit?

Para hindi mag-chap ang balat ng mga kamay mo. Iyon kasi ang ginagawa ko kapag hindi nai-stress out ang mga kamay ko. At pagkatapos ay saka ko hihilutin hanggang sa ma-relax uli ang mga muscles.

That sounds nice. Okay, do your thing, Andi. Tinapunan niya ito ng nagtatakang tingin. I mean, baka kapag na-stress out nga ang mga kamay ko ay hindi na ako makakahawak pa ng suklayhairbrush pala.

Sige, ako na lang ang kukuha ng moisturizer sa kuwarto mo.

Kuwarto ko? Teka, puwede yung sa iyo na lang? Wala kasi akong ibang dinala rito kundi mga damit ko. Inisip kong dito na lang ako magsa-shopping ng mga moisturizers at kung ano-ano pa para hindi na ako mabigatan sa mga bagahe ko. Piniga-piga pa nito ang mga kamay. Baka kasi magka-muscle ako.

Kung ayaw mong magka-muscle e bakit nagpu-push ups ka pa rito?

Nakita ko kasi ang isang guwaping doon sa kabilang bahay. Itinuro pa nito ang katapat nilang bahay kung saan naroon at tila nagte-training ng kickboxing ang isang lalaki sa garahe nito. Gusto kong magpapansin. Yung lang.

Oo, sige na. Huwag ka na magsalita.

Nauunawaan mo ako, kung ganon?

Sinabi ng huwag ka na ngang magsalita, eh.

Bakit?

Basta. Dito ka na lang muna sandali. And dont try impressing any cute guys again.

Okay.

Habang pabalik sa kanyang kuwarto ay hindi niya mapigilan ang sariling mapakunot ang noo. Bakit ba napakahirap para sa kanya na tanggapin ang mga ginagawa nitong may kinalaman naman sa pagkatao nito? Dahil ba sa kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya makukuha ang atensyon nito?

Okay, thats it, sambit niya nang nanggigigil na damputin ang moisturizer sa nightstand. First of all, Andi, hes gay. Second, its in his gay nature to act that way. Third, stop acting like you care about his exploits as a gay. And fourth, stop talking to yourself!

Nagdadabog na siya nang balikan si Christian at tila mas nadagdagan pa ang pagmamarakulyo niya nang makitang may kausap at katawanan na itong dalawang lalaki.

Ang bruho! Talagang marunong pumili ng guwapo!

Naramdaman yata ng mga ito ang pagdating niya kaya agad natigil sa pag-uusap ang mga ito saka bumaling sa kanya.

Andi, wika ng lalaking pamilyar ang mukha sa kanya. Ang ganda mo na ngayon, ah. Samantalang noon, lalaki ka lang, di ba?

Hindi niya pinansin ang lihim na pagngingitian ng mga ito. Do I know you?

Of course. Everybody knows me.

This is Marx, pakilala ni Christian sa lalaking madaldal. And Melvin. Residente rin sila rito sa village.

Marx, sambit niya. No wonder you look familiar. Ikaw ang matagal ng pinapangarap ni Jersey na makalmot.

Hey, dont speak bad word.

Balita sa akin ni Jersey, pagdidiin pa niya sa pinakaaayawan nitong pangalan. Miyembro ka na raw ng kulto ngayon.

Sabihin mo sa kalahi na iyon ni Weng-Weng, tumaas na kamo ang ranggo ko. Ako na ang lider ng kulto namin.

Ang mabuti pa, singit na ni Melvin saka binalingan si Christian. Mauna na kami sa inyo. May laro pa kasi kami sa covered court. Nice meeting you, Christian.

Same here.

Lets go, Marx.

Sure. Oh, by the way, Christian, kung may free time ka, tawagan mo lang kami. You have our numbers, right?

Stay away from him! sigaw niya sa mga ito. Mahiya nga kayo sa mga sarili ninyo!

Imbes na sumagot ay tatawa-tawa lamang na lumayo ang dalawang lalaki. Nagbabanggaan pa ang mga ito na tila may kung anong planong nagkaroon ng instant success. Hinarap niya si Christian.

At ikaw naman, mag-iingat ka nga sa mga kinakausap mo. Sa umpisa lang sila mababait. Pero sa huli, lalabas din ang mga sungay nila. Alam ko iyon dahil ilang lalaki na rin ang nakasalamuha kong balahura.

Talaga?

Oo, kaya makinig ka na lang sa akin.

Hindi niya alam kung sineryoso nito ang mga sinabi niya dahil tatawa-tawa lang ito nang hilahin niya ito sa bench kung saan ito nagpu-push up kanina. Saka niya inasikaso ang paglalagay ng moisturizer sa mga kamay nito.

I know theyre cute and all. But youre cuter than them. Maghanap ka naman ng mas guwapo sa iyo at doon ka magpa-cute nang husto. At oo nga pala, dapat yung mabait din at matino.

Okay. Nakiusyoso na rin ito sa ginagawa niyang pagmamasahe sa mga palad nito. By the way, I like the feel of your hands on mine.

Napahinto siya sa ginagawa. Napapadalas na kasi kaysa sa nararapat ang paghaplos niya sa mga palad nito. Itinabi na niya ang moisturizer at itinaas ang zipper ng suot na sweater saka tumayo.

Saan ka pupunta? tanong nito. Tapos na ba ang massage session natin?

Oo. Magdya-jogging na ako. Sasama ka pa ba?

Sure. Baka mamaya may mga loko nga riyan.

Ano?

Ang ibig kong sabihin, baka may mga loko-loko riyan na makasalubong mo. Sasamahan na kita para may sisigaw kapag may nang-harass sa atin. Nakangiti lang siya nitong inakbayan nang kunot-noo itong balingan. Just kidding. Halika na nga at nang lumamig-lamig na iyang ulo mo. Ang aga-aga, highblood ka na agad.

Hindi ako highblood.

Pero pakiramdam niya ay umakyat sa ulo niya ang kanyang dugo dahil damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil nakaakbay pa rin ito nang lumabas sila ng bakuran.

Maghanap na lang tayo ng guwapo, maya-mayay wika nito.

Para kanino?

Para sa iyo.

E, ikaw?

Mas guwapo pa ako sa mga lalaki rito.

PAHINGA NA muna tayo, yaya ni Andi kay Christian nang malapit na sila sa covered court ng village. Napapagod na ako.

Wala pa nga tayong kalahating oras na tumatakbo.

Bahala ka kung ayaw mo. Basta ako magpapahinga na.

Diretso na siyang naglakad patungo sa court. Naiinis kasi siya dahil halos lahat na yata ng daanan nilang bahay mula nang mag-umpisa silang mag-jogging ay napapalingon sa kanila ang mga babae. Kung bakit naman kasi puting t-shirt at blue jogging pants pa ang suot nito? Lalo lang tuloy lumutang ang kaguwapuhan nito na nakakuha ng atensyon ng mga babae sa village na iyon. And she just couldnt take it. Mabuti na lang at

sumunod ito sa kanya. At least doon sa court, puro lalaki lang ang kasalukuyang naglalaro ng basketball.

Naglalaro ka rin ng basketaball? tanong niya rito. Napansin kasi niyang hindi na maalis ang mga mata nito sa mga naglalaro.

Oo. Nanatili lang itong nakatayo habang nakapamaywang at nanonood. I play point guard when I was still studying in Australia. These guys are good.

Talaga? Well, at least hes interested in the game rather than the players. Hindi ko alam na mahilig ka ring maglaro ng basketball. Akala ko kasi, brush at make-up lang ang alam mong paglaruan.

Napalingon ito sa kanya. That, too.

He sat beside her and rested his elbows on his thighs as he continued to watched the game. Ngayon ay napaka-macho naman ng porma nito. Napapakunot na lang siya ng noo. Kung hindi lang kasi niya alam na tagilid ang pagkatao nito, iisipin na niyang adik nga ito sa basketball at hindi sa mga naglalaro.

What do you think? tanong niya rito.

Oh, theyre good. See that? Itinuro nito ang isang sa mga manlalarong nakalusot sa mga nagbabantay sa ilalim ng ring at nakapag-shoot pa rin sa basket. Nice hook shot. Pumalakpak pa ito. Na sa kamalasan ay siya ring naging dahilan kung bakit nabaling sa kanila ang atensyon ng ilan sa mga naglalaro. Lalo na ang dalawang sira-ulong una ng nakilala ni Christian kanina, sina Marx at Melvin.

Uy, nandito si Miss Beautiful, nakangising sambit ni Marx.

Agad umarangkada ang protective instinct niya para sa kaibigan. Batid kasi niya kung ano ang tingin ng mga so-called macho na ito sa mga gaya ni Christian. Hinila niya ito sa braso palapit sa kanyang tabi.

Huwag kang lalapit sa mga iyan, babala niya rito. Babaho ka.

Ow?

Oo. Mabango ka pa naman.

And to emphasized her words, sininghot pa talaga niya ang balikat nito.

Ang bango ng damuho!

Nakakahumaling ang amoy nitong lalaking-lalaki. Mabuti na lang talaga at naging bading ito. Dahil kung naging lalaki ito ay siguradong hindi siya makakalapit nang ganito rito. Takot lang niyang masabihan na malandi at nang-aakit ng lalaki.

Andi, konting hinay lang kay Christian, nakangising wika ni Marx. Baka masinghot mo iyan.

Sinimangutan lang niya ito. Inggit ka lang.

Oo nga, eh.

Bigla itong pinagsisiko at pinagtatampal ng mga kalaro nito na tila ba pinigilan ng mga itong makapagsalita pa ang lalaki. Napakunot lang ang

kanyang noo habang pinagbubutihan ang panghohostage sa braso ni Christian.

Bakit kayo tumigil sa paglalaro? tanong niya. Ituloy na lang ninyo ang mga ginagawa ninyo at hayaan na lang ninyo kami rito ni Christian.

But I really love the feel of Christians body against mine. Nakakaadik.

Gusto mong sumali? yaya ng isa sa mga itong narinig niyang ang pangalan ay Ivan. Kulang pa kami ng isang player.

Kumpleto naman kayo, ah, aniya.

Kulang kami, giit nito. Ano, pare? Sali ka na. May pustahan nga lang. Beinte-beinte.

Wala siyang beinte-beinte. She looked up at Christian na abot-tenga na ang ngiti. Huwag kang sumali sa kanila, Christian. Ha-harass-in ka lang ng mga iyan.

You think so?

Oo naman.

Binalingan na nito ang mga manlalaro. Andi doesnt want me to get hurt, guys.

Bakit ka sumusunod sa payo ng mga matatanda? tanong ni Marx. Wala pa man, ander ka na. Hay. Goodluck na nga lang sa iyo. Mukhang kailangangkailangan mo nun.

Thanks.

Christian had casually put his arm on her shoulders as they walked side by side from the covered court.

Whats with those people? tanong niya. Kung makipag-usap sila sa iyo para ang tagal na ninyong magkakakilala.

They were just friendly.

I dont like them.

Me neither.

For the first time that morning, she was having a great time. Ni hindi na niya pinansin pa ang pagkakaakbay nito sa kanya. Baka nga naman kasi maunsiyami ang papaganda niyang pakiramdam. Tutal naman, hindi rin ito nagrereklamo. Which was quite unusual. Ang Christian kasi na nakilala niya noon ay numero unong

reklamador ng bayan. Ngayon, kapag may sinabi siya, susunod na lang ito. In any case, she definitely like the new Christian beside her. She snuggled closer to him. he may have changed.

But one thing stayed the same after all these years was her fascination of him. At mukhang mananatili pa ang damdaming iyon ng matagal-tagal pang panahon.CHAPTER 5

ANG DAMI naman nito, puna ni Christian sa grocery basket na bitbit nito. End of the world na ba bukas?

Nagrereklamo ka? Dinagdagan pa niya ng dalawang balot ng sanitary napkins ang laman ng basket nila. Huwag ka ng maarte diyan. Guwapo ka naman, eh.

Nambola ka pa. Binigyan nito ng makahulugang tingin ang kalalagay lang niyang produkto sa basket

nila. May balak ka bang magtayo ng grocery store ng mga sanitary napkin?

Tinampal lang niya ito sa braso. Why are you acting like that? Youre supposed to help me here, not criticize.

Ngumiti lang ito. Sabi ko nga kulang pa ang mga ito. Ayun, pink. Para kumpleto na ang kulay ng napkins mo.

Mataas, eh. Ikaw na lang ang kumuha.

Naramdaman na lang niya ang pag-angat ng kanyang katawan. Binuhat na pala siya nito. napahawak na lang siya nang mahigpit sa buhok nito.

Hayan, anito. Abutin mo na.

Christian, ibaba mo ako!

Kaya mo na iyan. Bilis, at ang bigat mo.

Ibaba mo na sabi ako. Hindi ko na kailangan ng napkins. Maya-maya pay maingat na rin siya nitong ibinalik sa lupa. Ano ka ba! Nakakahiya sa mga tao!

Nakatingin na kasi sa kanila ang ibang mamimili roon dahil sa katatapos lang na eksena nila. He just shrugged off his shoulders and picked up their basket.

Hamo sila. Sigurado kang hindi mo na kailangan ng kulay pink na napkin?

Hindi bagay sa iyo ang pink. Itinulak na lang niya ito patungong counter. Kung bakit naman kasi abot mo naman ang estante, binuhat mo pa ako.

Sinamahan na nga kita roon, gusto mo pang hawakan ko ang mga bagay na iyon? Abuso ka na.

Parang gusto na talaga niyang maghinala rito. He do push ups and likes basketball. Ngayon naman ay hindi ito mapakali sa womens personal hygiene section. Wala man siyang alam kung ano ang karakter ng mga binababae pero dahil may nakatatanda siyang kapatid na lalaki, nakikilala niya ang mga iginagawi ni Christian. Iyon ang ilan sa mga karakter ng mga tunay na lalaki.

Hindi kaya hindi naman talaga bading itong si Christian? Nawala lang siya sa kanyang pagninilaynilay nang makarating na sila sa counter para magbayad. Ito ang nakapila para sa kanila kaya kitangkita niya nang sulyap-sulyapan ito ng mga nakapila rin doon at sa iba pang counter. He seemed oblivious of hype he was creating as he fumbled on his wallet. Nang may naglakas ng loob na kausapin ito. At sa

nakikita niya, binabae rin ang mga ito na tila nagkacrush nang husto kay Christian.

Ang pogi-pogi mo naman, Papa. Artista ka ba?

Ahm, no. Simpleng mamamayan lang ako na naggogrocery ngayon.

Anong pangalan mo? Saan ka nakatira? Gusto mo ng load?

Natawa lang si Christian at mas lalong tila nahumaling ang mga ito sa kanya. He really looked so d**n handsome when hes laughing like that. At natutura rin siya na maganda ang pakikitungo nito sa mga kasapi ng third sex. Ang ibang mga lalaki kasi, binabastos na ang mga ito na para bang hindi sila tao.

Christian just earned himself another ten thousand pogi points on her book. Patuloy lang ito sa pakikipagkuwentuhan at pakikipagbiruan sa mga tao roon na nakisali na rin sa mga ito. Hanggang isang maganda at sopistikadang babae ang dumating at walang kiyemeng nakipagkilala rito. Sa ginawa nito ay muntik na itong sabunutan ng tinabig nitong bading kung hindi lang ito napigilan ng mga kasama nito.

Hi, Im Odette.

Hi, Im married.

Naghalakhakan ang mga tao roon sa isinagot ni Christian. Nagmamadali ng umalis ang babae na namumula ang mukha. May palagay din siyang matatagalan pa bago uli makikita ang naturang babae. Saka naman bumaling sa kanya ang ngiti ng kaibigan.

Salbahe ka, aniya rito habang patungo na sila sa kanilang sasakyan sa parking lot ng grocery store na iyon. Napahiya tuloy yung babae kanina.

Bakit? Sinabi ko lang naman na may asawa na ako.

Thats my point.

I still dont get why she would be embarrassed about me having a wife.

E, bakit mo naman kasi sinabing may asawa ka na? Hindi mo ba siyatype?

Mas maganda ka pa dun.

Ha?

Wala

E, sinabi mong maganda ako, eh.

Bilisan mo na lang ang paglalakad at nang makauwi na tayo agad.

Masyado siyang nagulat sa sinabi nito dahil mula nang magkakilala sila nito ay ngayon lang ito nagsalita ng tungkol sa kanyang itsura. And she was fully expecting him to say that he was far more beautiful than that woman. Pero Mas maganda ako kaysa sa babaeng iyon? Shucks! Ang haba ng hair ko!

Ilang beses na rin naman siyang nasabihan na maganda at sa tuwing maririnig iyon ay nagpapasalamat lang siya. But with Christian, kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa nang marinig itong sabihing maganda siya. Ewan niya pero iba ang dating ng mga salita nito. Sabihin ng bias siya ngunit talagang

mas maganda sa kanyang pandinig na marinig iyon mula sa kaibigan.

Andi, can I ask you something?

Tungkol saan? Kinagat-kagat na lang niya ang straw ng biniling softdrink upang kahit paano ay mabawasan ang excitement na nararamdaman niya.

Sinagot mo ba si Miguel?

Sinong Miguel?

Yung manliligaw mo noong nasa highschool pa lang tayo.

Ah, si Miguel. Bakit mo naman siya biglang naalala ngayon?

Wala lang. So, sinagot mo ba siya?

Hindi. Nang mawala ka kasi, huminto na rin siya sa panliligaw. Now that I think about it, parang napapansin ko nga noon na kapag magkasama kami ay ikaw na lang ang pinag-uusapan namin.

Ako ang pinag-uusapan ninyo?

E, mukha naman kasing nag-e-enjoy siya nung una na ikaw ang topic namin. When you left, tinigilan na rin niya ang panliligaw. Siguro naasar na rin siya dahil ikaw na lang lagi ang bukambibig ko.

Napansin niyang napayuko ito upang hindi niya marahil makita ang pagngiti nito. What a guy.

Sokung ipinagpatuloy niya ang panliligaw sa iyo, sasagutin mo ba siya?

No.

Why not?

I told you, ikaw lang talaga ang gusto ko noon. Hinalungkat niya ang bitbit na plastic bag upang maghanap ng susunod na kakainin. She picked up a burger. Ewan ko, pero wala na akong ibang nakikita noon na guwapo kundi ikaw.

But he courted you, didnt he? And you let him.

Bakit ko naman siya pipigilang manligaw? Mabait naman si Miguel at nagkakasundo kami sa maraming bagay.

Mabait din naman ako at mas maraming bagay tayong pinagkakasunduan noon.

Bakit, nanligaw ka ba?

Hindi.

Nakita mo na? And besides, youre too busy at that time.

I was?

Oo. Bigla ka na lang hindi nagsasasama sa akin kapag pinupuntahan kita sa inyo para lumabas. Lagi ka pang parang may monthly period at sinusungitan ako. Kaya nang dumating si Miguel

Pinalitan mo na ako.

Of course not. Ikaw kaya ang lumayo. Humigot siya ng softdrinks bago muling nilantakan ang hamburger. Bakit ka nga pala bigla na lang parang umiwas sa akin noon, ha, Christian?

Nang hindi ito sumagot ay sinulyapan niya ito. Nakatingin ito sa kanya na tila ba kay lalim ng iniisip. But when he smiled at her, she almost choked on her food. Kaya mabilis din siyang uminom. At dala marahil ng wala naman sa ginagawa ang kanyang isip, nasamid siya at muntik pang lumabas sa kanyang ilong ang softdrinks na ininom. Inihit na rin siya ng ubo. Inalo naman siya agad ni Christian hanggang sa kahit paano ay mahimasmasan siya.

Okay ka na?

Umiling lang siya, hawak ang ilong. My nose hurt.

May hinugot itong panyo sa bulsa nito at idinampi iyon sa ilong niya.

Blow, utos nito.

She did. Hindi man iyon nakabawas sa kahihiyang inabot niya dala ng kanyang katangahan, kumalma naman ang pakiramdam niya. Because Christian was being so nice, so much of a gentleman, and so d**n good to look at.

Sa susunod, lulunukin mo ang iniinom mo, ha? Hindi iyong ibubuga mo sa ilong. Masakit iyon. Itinupi nito ang panyo at muli iyong idinampi sa ilong niya. Blow.

And her heart just melted. Parang gusto na niyang mapabuntunghininga habang patuloy siya nitong inaasikaso. Ito ang pakiramdam na hinahanap-hanap niya sa mga nakaka-date noon. Ang tila maging

prinsesa, maging baby, sa piling ng isang lalaki. Ng isang partikular na lalaki.

Ni Christian.

Pero hindi siya lalaki, hija, wika ng munting tinig sa kanyang isip. Na agad naman niyang dinurog. E, pakialam mo ba? Si Christian lang ang gusto ko, lalaki man o hindi. Siya lang. Period!

Uy, ang sweet naman.

Pasali kami, puwede?

Tatlong lalaki ang nalingunan nilang nakatambay sa may kadilimang bahagi na iyon ng parking lot. Hindi naman mukhang holdaper ang mga ito dahil maayos naman ang kanilang mga itsura at ang isa pa nga sa

mga ito ay nasa drivers seat ng kotseng pinagtatambayan ng mga ito. May hawak nga lang na tig-isang bote ng alak ang tatlo. Hindi na rin siya magtataka kung hindi lang tatlong bote ang kaulayaw ng mga ito nang mga sandaling iyon.

Lihim siyang inudyukan ni Christian na maglakad na patungo sa kanilang sasakyan. Subalit hinarang sila dalawa sa mga ito. Agad napakunot ang kanyang noo nang malanghap ang alingasaw ng alak sa mga lalaki.

Pare, baka naman puwedeng magpakilala kami sa magandang kasama mo?

Oo nga, segunda ng kasama nito saka bumaling sa kanya. Hi, Miss. Birthday ngayon ng kaibigan namin. Samahan mo naman kaming mag-celebrate.

Ano bang palagay ninyo sa parking lot na ito? Kabaret? Gagawin nyo pa akong entertainer.

Andi, no, bulong sa kanya ni Christian. Lets just go.

Ang angas mong babae ka, ah. Hindi ka naman kagandahan.

At sino ba ang ipinagmamalaki mo, ha? Itong si Pogi? Pingasan ko ang mukha niyan, eh.

Nasampal na siguro niya ang dalawang lasing kung hindi lang siya nahawakan ni Christian sa braso. Wala siyang nakikitang takot sa mukha ng binata dahil napakakalmado pa rin nito.

Pasensiya na, mga pare, anito. Masyado na kasing gabi kaya kailangan na naming umuwi. Please excuse us.

Teka, hindi naman ikaw ang kinakausap namin. Bakit sagot ka nang sagot?

Gusto yata nitong makatikim sa atin, Marky. Patikimin natin kung ganon.

Sandali, bahagyang itinaas ni Christian ang isang kamay nito. Hindi ako naghahanap ng away.

Sinabi ba naming magsalita ka? Ha?

Nag-init na ang kanyang ulo nang itulak ng lalaki si Christian. Hinawi naman siya nito upang maitago sa likuran nito. Nasaan na ba ang lintik na mga guwardiya sa grocery store na iyon?

Ang angas mo, ah. Lalaban ka ba, ha? Kakasa ka sa amin?

Pare, ayoko ng gulo.

Ayaw mo ng gulo? Bakla ka ba?

Tol, sa itsura niyan, hindi malayong maging bakla nga iyan. nuts! Ayoko talaga ng mga bading! Umalis na nga tayo, mga tol. Baka mahawa pa tayo sa kaberdehan ng dugo niyan.

Hindi bakla si Christian! galit niyang sigaw sa papalayo ng dalawang lalaki.

Andi, saway nito.

Pero hindi siya nakinig. Kung kaya nga lang niyang buhatin ang isa sa mga sasakyan doon ay ibinato na niya iyon sa mga damuhong lalaki.

Baka kayo ang mga bakla! patuloy niya nang muli silang balingan ng mga ito. Matapang lang kayo kasi tatlo kayo at isa lang si Christian. E, kung ako kaya ang harapin ninyo?

Andi.

Ganyan lang ang mga iyan kasi nakainom at marami sila. Hinila na siya nito palayo subalit hindi pa rin maibsan ang ngitngit niya. Not because Christian was gay doesnt mean they have the right to insult him like that. Especially in front of her. Sila ang mga bakla kasi tumatapang lang sila kapag lasing.

Galit na lumapit sa kanila ang tatlong lalaki. Hindi siya nagpasindak.

Sinong sinabihan mong mga bakla?

Kayong tatlo.

Bawiin mong sinabi mo.

Bakit, tinatamaan ba kayomga lola?

Abat

Hindi rin siya umilag nang umangat ang kamay ng isa sa mga ito kaya kitang-kita niya kung paano iyong sinalag ni Christian. Si Christian na ngayon lang niya nakitang nawala ang aliwalas ng mukha. His handsome face was now covered with so much anger she would have fled away if she didnt know him.

Dont you even lay a finger on my girl.CHAPTER 6

DONT YOU even lay a finger on my girl. Iyon ang mga sinabi ni Christian na hindi maalis sa isipan ni Andi. Wala naman talagang kakaiba sa mga salitang iyon subalit tila iba ang dating niyon sa kanya. Parang tumatagos iyon sa puso niya. Nais sana niyang linawin iyon sa kaibigan. Ang problema naman, mula nang dumating sila sa bahay galing sa grocery store ay hindi na ito umiimik pa. Hindi tuloy niya ito makibo.

Nagkaroon ng kaguluhan kanina sa parking lot ng grocery store nang pumalag ang tatlong lalaki kay Christian. For the first time, nasaksihan niya kung gaano kalakas ang kaibigan. Tatlo laban sa isa. Mabuti na lang at lasing ang mga gagong lalaking iyon kaya mabilis ding napatumba ang mga iyon ng kaibigan bago pa dumating ang mga guwardiya.

Pero bakit nga ba kanina pa siya nito hindi man lang pinapansin? Sa huli ay hindi na rin siya nakatiis sa pananahimik nito.

Galit ka ba sa akin? tanong na niya. Ano bang ginawa ko?

Ngunit nanatili pa rin itong walang imik habang nagliligpit ng mga pinamili nila sa kusina.

Christian

Lets just not talk about it.

I want to talk about it. Ayokong laging nanghuhula kung ano ang iniisip ng ibang tao.

Kung ganon huwag mo na lang isipin ang iniisip ko.

Humalukipkip siya. Hindi ka pilosopo, Christian. Kaya puwede bang huwag ka ng mag-inarte riyan? Sabihin mo na sa akin kung anong problema mo?

Binitiwan nito ang hawak na canned goods saka siya kunot-noong binalingan. Hindi ako nag-iinarte lang.

Kung ganon, anong problema? Bakit ganyan ka?

Dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang isuong ang sarili mo sa disgrasya. Napakislot pa siya nang galit nitong tapikin ang plastic bag sa harapan nito. Bakit hindi ka na lang lumayo sa mga lalaking iyon doon sa parking lot nang sabihin kong lumayo ka na?

Iyon lang ang ikinagagalit mo?

Lumapit ito sa kanya. She could see frustrations in his eyes. Galit nga yata talaga ito.

They could have hurt you. Alam mo ba iyon, ha, Andi? Sa liit mong iyan, isang pitik ka lang sa kanila. Pero imbes na lumayo ka, sinubukan mo pa talaga sila.

Bakit parang ako pa ang sinisisi mo sa nangyari? Ipinagtanggol lang naman

Hindi ko kailangan ang tulong mo! Sa laki kong ito, kayang-kaya ko silang lahat.

Talaga? Mataas na rin ang tono ng boses niya dala ng pagtatampo sa sinabi nito. Hindi raw nito kailangan ng tulong niya. Kung ganon bakit hindi mo sila nilabanan nang insultuhin ka nila?

Dahil ayokong mapahamak ka!

mapasubo

sa

away.

Ayokong

Hindi ako mapapahamak!

Andi! They could have hurt you!

Sinabihan ka nilang bakla!

I dont care!

Dont yell at me!

Tila may sasabihin pa ito ngunit imbes na magsalita ay marahas na lang nitong isinuklay ang mga daliri sa buhok. Then he sighed and just turned away from her.

Im sorry, malumanay nang muli ang boses nito. Hindi kita dapat sinigawan. Magpapahangin lang ako sa labas.

What? Hindi pa tayo tapos

Pero nakalabas na ito ng bahay bago pa man niya natapos ang kanyang sasabihin. Napatunganga na lang siya. Ito na yata ang pinakamalalang pag-aaway nila, and he just walked away like that. Naiwan tuloy siyang hindi alam kung ano ang mararamdaman.

Fine! Umalis ka kung gusto mo!

Nagmartsa siya patungo sa kanyang silid at pabalagbag na isinara ang pinto. Galit, inis, asar, pagtataka, pagtatampo. Para ng halo-halo espesyal ang kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Bahala ka na rin sa buhay mo! sambit niya habang palakad-lakad sa loob ng kanyang silid. Ikaw na nga ang tumulong, ikaw pa ang masama. Kaya sa susunod, Andi, tumahimik ka na lang para hindi ka na nasisisi sa huli. Ha? Masyado ka kasing makulit. Masyadong

matigas ang ulo. Nakita mo tuloy ngayon, kasalanan mo pa ang lahat! Aaahhhh! Bakit ka ba kasi ipinanganak kang napakabait ng mga magulang mo!

Padabog siyang naupo sa kama. Kung meron nga lang sigurong contest na pahabaan ng nguso ngayon, baka siya na ang record holder sa sobrang sama ng loob na nararamdaman niya. Ngunit ilang segundo pa lang siyang nananahimik nang mapagdiskitahan naman niyang pagsusuntukin ang unan upang kahit paano ay mailabas ang kanyang frustrations. Isinalpak din niya iyon sa mukha niya at kinagat-kagat. Pagkatapos ay dumapa naman siya sa kama saka doon nagwala. After a few minutes, unti-unti na rin siyang nahihimasmasan. Nakuntento na lang siya sa pagkakadapa sa kama habang yakap ang nabugbog na unan. Ano kaya ang problema ng isang iyon? Nasaktan ba siya sa nangyaring gulo kanina? Ngayong kahit paano ay malinaw na ang isip niya, saka lang niya naalalang may napansin nga siyang pangingitim sa kaliwang

bahagi ng panga nito. Napaupo tuloy siya nang wala sa oras.

Hindi kaya iritado lang si Christian dahil doon? Dahil may iniinda siya pero hindi ko man lang pinansin. Agad siyang binugbog ng kanyang kunsensiya. Ang sama ko pala talaga. Kung tutuusin ay siya nga ang nagtanggol sa akin kanina tapos siya pa ang binuliglig ko nang hindi man lang ako nagtatanong kung okay lang ba siya.

Pero may munting tinig pa rin sa kanyang isipan na nagsasabing hindi niya kasalanan iyon. Kung sanay humingi na lang ito ng tulong sa kanya imbes na pagtaasan siya ng boses, baka magkasundo pa uli sila ngayon.

She looked at the closed door and sighed. Hindi talaga siya sanay na nagkakaganito sila ni Christian. Ni minsan, mula pa nang una silang nagkakilala, hindi siya nito kinontra sa mga gusto niya. Hindi nito

kinuwestiyon ang mga ginagawa at sinasabi niya. Kung tututol man ito, sa una lang iyon pero sa huli ay pagbibigyan din naman siya nito. Ngayon lang talaga ito nag-react gaya ng inakto nito kanina. At nakipagbasag-ulo pa ito. Si Christian na isang banidoso, nakipagbasag-ulo para sa kanya.

Hindi rin nakaligtas sa kanya ang sobrang galit nito para sa tatlong lalaking iyon. She had stood frozen on her feet as she watched him pulvorized those men back at the parking lot. Kung hindi pa nga siguro dumating ang mga guwardiya at nakialam ang ibang mga nakakita, baka napatay na nito ang mga lalaking iyon.

Pero bakit? tanong niya sa sarili. Why did he act so violently, when he could just shout out for help?

He acted so strange. Somuch more like a man. Malakas niyang ipinilig ang ulo. Nasisiraan na yata siya ng bait. Paano niyang naisip na sa maiksing sandaling

iyon ay nag-iba na ang kanyang kaibigan? When she knew all along, from the very start, that he was gay. Pero ang mga kilos na iyon ni Christian, ang mga pananalita at ang nakamamatay nitong tingin sa tatlong lalaki, tila ba ibang-iba na ito sa galawgaw at mala-kiti-kiting Christian na nakilala niya noonMuli niyang ipinilig ang ulo. Bakit ba kung ano-ano ang iniisip niya? Obvious na nasaktan ang kaibigan sa mga nangyari kanina. Iyon lang ang dahilan kung bakit ito nagalit nang husto.

Tama, ganon lang iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala sa iniisip na nagbago na ang kaibigan nang ipasya niyang puntahan na ito kung saan man ito napadpad pagkatapos ng away nila kani-kanina lang. He needed her. Kapag napabayaan ang mga pinsala nitong natamo, mangingitim iyon at mababawasan ang kaguwapuhan nito at magkakatotoo ang sinabi ng mga ungas na lalaking iyon. At hindi siya makakapayag.

And you dont even have to say sorry if you dont want to, kumbinsi niya sa sarili habang naghahanda ng lumabas. Mabait naman si Christian. Tinopak lang siguro siya kanina kasi nga nasaktan siya. Okay. Tama na iyan.

Ngunit pagbukas niya ng pinto ay muntik pa siyang mapahiyaw nang bumulaga sa kanya ang mukha ni Christian. Nakaamba ang kamao nito na tila ba kakatok pa lang sa pinto ng silid niya. Mahahalata rin na nagulat ito sa bigla niyang pagsulpot.

Christian!

Bigla ang pagsipa ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib nang makita ito. Dahil sa sandaling pagkakahiwalay nilang iyon ay may kung anong nagbago rito. His delicate handsome face had some darkening smudge on his jaw and it didnt even lessen his charms. In fact, mas lalo pa nga itong nagmukhang lalaki. Lalaki?

Christian!

AhmI was just

Sorry. Bakit ganon na lang ang tibok ng kanyang puso? Ayokong makipag-away sa iyo. Ikaw ang lalaki kong friendwell, not really lalaki perobasta, ayokong mag-away tayo dahil lang sa mga kulugong iyon.

Isang maingat na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Okay. Im sorry as well.

Sa sobrang kasiyahan ay bigla na lang niya itong niyakap. Ewan niya subalit sa pakiramdam niya, ito ang isa sa mahahalagang tao na ayaw niyang mawala sa buhay niya. And, oh, how it felt so good being in his arms like this.

I love you, pareI mean She deepened and slurred her voice as she jokingly slapped his shoulder. Pare, labomopare.

Bahagyang kumunot ang noo nito. Parang hindi naman yata iyon ang narinig kong sinabi mo.

Hay! Marunong ka pa sa nagsasalita. Halika na nga dito.

Hinila na niya ito papasok sa loob ng kanyang silid at pinaupo sa kama. Pagkatapos ay hinila sa ilalim ng kama ang medicine kit na aksidente niyang nadiskubre noong unang gabi niya roon. Kung hindi siya nagkakamali, napaglaruan ng mga pamangkin niya at hindi na naalala pang kunin. Kailangan talaga niya ng distraction para hindi nito mahalata na halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba na iyon. Kung bakit naman kasi nasabi niya ang mga salitang iyon?

I love you? Aahhh!

Andi, bakit?

Napapiksi siya palayo rito nang dumampi ang kamay nito sa balikat niya. Isinalpak niya rito ang medicine kit.

May nangingitim kang pasa sa mukha. Gamitin mo na lang ang salamin sa tokador ko kapag ginamot mo iyan. Tinalikuran na niya ito.

Andi! Hinawakan siya nito sa braso. Kakaiba na rin ang tono ng boses nito. Nasaktan ka. Bakit hindi mo sinabi sa akin?

Anong nasaktan?

Hayan, sa likuran mo. Itinuro nito ang bandang puwitan niya. Halika na, dadalhin kita sa ospital. Pagkatapos, papatayin ko ang mga lalaking iyon.

Christian, its just blood

You have blood all over you!

Its just mens blood.

Mens blood? Whose man? nagtatagis na ang mga bagang nito. Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang nanakit sa iyo

Christian, mens blood. Not mens. Menstruations blood. Meron ako ngayong monthly period.

Ha?

She would have answered him when she felt the sudden gush and just picked up one of the sanitary napkins they bought earlier. Tumakbo na siya sa banyo upang ayusin ang kanyang dillema. Habang nasa banyo ay napapangiti na lang siya kapag naaalala ang mga nangyari. Mabuti na lang at tuloy-tuloy ang takbo ng buhay. Kung hindi, mabubuking na siya ni Christian. Natigilan siya nang hawakan an seradura ng pinto ng banyo.

Oh, my God! sambit na lang niya. I did say I love him!

Napahawak siya sa papalakas na namang kaba sa kanyang dibdib. The erratic beating of her heart, the sudden emotion that made her blurted out those three precious words, it all comes down to one thing.

She had that certain feeling for his gay friend. Was she inlove with him? Simple lang ang sagot ng kanyang puso. Yes.

Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang tila hindi mapakali si Christian dahil panay ang pagkiskis nito sa mga palad. Nang makita siya ay umaliwalas naman ang mukha nito subalit sa mga mata nito ay naroon pa rin ang matinding pag-aalala. Hindi na niya masaway ang kanyang puso. Ngayong inamin na niya sa sarili ang damdamin para rito, tila gusto niyang matawa at umiyak nang sabay.

Okay ka na? Sigurado kang wala kang anomang naging pinsala? Hindi ka nasaktan ng mga gagong iyon?

Nakangiti lang siyang tumango at pinagmamasdan ang guwapong mukhang iyon na minahal niya nang hindi sinasadya. Walang imik na lang niya itong pinaupong muli sa kama saka inasikaso ang pasa nito.

Ilang minuto rin silang hindi nagkikibuan habang ginagamot ito. It seemed like an invisible current was floating around the room, affecting both of them. Hindi siya sanay na pareho silang hindi nagkikibuan na dalawa since kapwa sila madaldal. Wala na ang malalakas nilang tawanan pati na rin ang walang humpay na biruan.

Hindi talaga dapat na iibig ka sa iyong kaibigan dahil masisira lang ang lahat ng pinagsamahan ninyo.

Huwag mo namang eskobahin iyang mukha ko, Andi.

Ibinaling nito sa kanya ang mukha nito. Huwag ka kasing magulo.

Masakit po kasi ang ginagawa mo.

She liked the thought that she knew he was gay. At least, alam niya kung saan siya lulugar at alam niya ang gagawin. Well, sana nga alam niya ang mga ginagawa niya.

Ang arte mo talaga. Idinampi niya sa pasa nito bulak na basa ng alcohol. Dinadahan-dahan ko na nga, eh.

Tama na iyan. Hinawakan nito ang kamay niya.

Hindi pa ako tapos.

Hipan mo na lang. Okay na iyan.

Pero nang ilapit naman niya ang mukha rito upang hipan sana ang pasa nito. Ang problema, hindi naman ito bumaling sa ibang direksyon kaya ang nangyari ay magkaharap na sila ngayon, gahibla na lang ang pagitan ng mukha nila sa isat isa. She could almost

breathed in his minty fresh breath. At ni hindi na niya magawang kumurap.

Mas guwapo pala ito sa ganun kalapit. Mas nakikita niya makakapal nitong pilik, matangos na ilong at mga matang nanunuot kung tumingin.

Aherm, tikhim nito. Balak mo ba akong halikan?

Kaya niyang magpanggap alang-alang sa pagkakaibigan nila. Gusto mo gasahain pa kita, eh.

Talaga? Lumapit pa talaga ito nang husto sa kanya. Sige nga.

Youre supposed to say kadiri ka, sister.

May nakakadiri ba roon? I think its cute.

Cute ang magahasa?

I havent been raped by a woman before.

Siya na rin ang sumuko. Dinutdot nito ito sa noo palayo. Ikaw ang kadiri, bakla.

For a moment there, she thought she saw a flicker in his eyes. Pero bago pa man niya maipaliwanag ang ibig sabihin niyon, ay agad na rin iyong naglaho.

Hindi ako bakla, buong-buo nitong deklara.

Ha?

Joke lang!

Kasabay ng pagsabunot niya sa buhok nito ay ang malakas nitong halakhak.CHAPTER 7

MUNTIK NG madulas sa hagdan si Andi nang paggising niya kinabukasan ay makita niya si Christian sa kusina. Hand on his taut hips, abala kasi ito sa pagluluto habang pasipol-sipol pa. Pero ang halos makapagpawala sa kanyang katinuan ay ang katawan nito. Wala kasi itong damit pang-itaas at nakapantalon lamang kaya kitang-kita niya ang magandang proportion ng katawan nito. Pakiramdam niya, kaya niya itong pagmasdan lang maghapon. Pagharap din nito sa kanya upang asikasuhin marahil ang mesa ng pagkain ay napakunot na ang noo niya nang makita itong naka-apron pa pala.

Good morning, nakangiti nitong bati sa kanya. Gusto mo ng kumain? Tamang-tama, nakapaghanda na ako

Nagpamaywang itong muli nang mapansin marahil ang pagkakatitig niya rito. He really doesnt look like gay at all. Whats the problema? Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?

Wala naman. Na-miss lang kita.

Na-miss?

Magdamag kasi kitang hindi nakita.

Natawa na lang ito nang tanggalin nito ang apron at isinuot ang t-shirt na nakasampay sa likuran ng silya. Parang gusto niyang mag-protesta. Hindi na kasi niya makikita ang katakam-takam nitong katawan. Lihim na niyang pinagtatawanan ang sarili dahil sa mga iniisip habang nasa harap nito. Ganito pala siya kabulgar sa kanyang damdamin kapag umaga.

Ako, hindi mo na-miss? patuloy niya.

Hindi. Sinimangutan lang niya ito kaya siguro bumawi rin ito agad. Dahil napanaginipan kita. Nakakasawa na nga. Lagi na lang ikaw ang nakikita ko.

Lagi mo akong napapanaginipan? Lumapad ang kanyang ngiti. Lumubo rin ang kanyang puso, knowing she was the only girl in his dreams. Buti hindi ka binabangungot.

Laging muntikan na.

Sama mo! Lumapit na siya rito saka ikinawit ang kamay sa isang braso nito bago sinuri ang mga niluto nito. Masarap ba ang mga iyan?

Oo naman. Sinulyapan nito ang pagkaka-abrisyete niya rito. Para saan iyan?

Wala lang. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakakapit dito. Huwag kang magulo, Christian. Ganito talaga ako sa umaga.

This is sexual harassment, you know.

Did you know that you have such a suave voice? Umiling ito. Now you know.

Inaakit mo ba ako?

Bading ka. Bakit kita aakitin?

Ganon? Paano kung nagkataong hindi ako bading? Anong gagawin mo?

Gagahasain ka at sisiguruhing hindi ka na makakawala pa sa akin.

Maging lalaki ka muna.

Sure. Ibinaling nito sa kanya ang buong atensyon nito. Okay. Ill pretend to be a real guy for a while. Now what are you going to do?

Well, first Lumayo siya rito ng ilang hakbang. Ill stay away

Bakit?

Siyempre, kung lalaki ka na nga, natural na hindi ako puwedeng umakto ng ganito sa iyo. Kumbaga, pakikiramdaman muna kita

Im still gay.

Akala ko ba were pretending youre a real guy at the moment?

Just reminding you. Okay, go on. Ano pa ang gagawin mo ngayong pansamantala akong naging lalaki kunwari?

Humakbang ito palapit uli sa kanya.

Bakit lumalapit ka?

Nag-uumpisa na naman kasing rumegodon ang puso niya. Kung bakit naman kasi naisipan pa niyang hamunin ang pagkakataon ngayong umaga. Tuloy, siya ang nalalagay sa alanganin. But d-A-M-*n! He smelled so good!

Dont guys do this to the woman they like?

Malay ko, pabalang niyang sagot upang pagtakpan ang nararamdaman. Lalaki ba ako?

Okay. Nang madikit siya sa refrigerator ay inilapat nito ang isang kamay sa ulununa niya at gaya kagabi, muling nagkalapit ang kanilang mga mukha. Since were pretending at the moment, why dont we pretend that Im about to kiss you. As a real guy.

Chris

Yes?

Y-youre scaring me. Mabilis na naglaho ang panunukso sa mga mata nito at napalitan ng

emosyong hindi niya maintindihan. I meanahm, medyo hindi lang talaga ako sanay

I didnt mean to scare you. He gently touched her cheek with the back of his other hand. Sorry, hindi ko dapat ginawa iyon.

P-pero hindi naman

Ngumiti na lang ito at lumayo na sa kanya. She could feel frustrations now building inside her. Frustrations that she doesnt know what to do when he acts like that.

Mag-breakfast na nga lang tayo. He pulled a chair for her. Ano bang gagawin mo ngayon? May pasok ka ba sa trabaho mo?

O-oo. Naupo na rin siya at pinagsilbihan siya nito agad.

See that? The Christian she knew a few years ago wasnt like this at all. Hay naku!

Pero hindi na muna ako papasok sa office ngayon. Tatawag na lang ako para kumustahin sila roon at imomonitor ang operations ng kumpanya namin through computer na lang. Hindi naman kasi puwedeng iwan kita ritong mag-isa e bisita kita.

Thats so sweet. Itinupi nito ginamit na tuwalya at apron. Hindi ko alam na may itinatago ka rin palang kabutihan sa puso.

Matagal na po akong mabait, no? Hindi mo lang alam dahil matagal kang nawala. Now that he had once again diverted their attention away from the growing tension between them, they could converse easily

again. Ano nga pala ang ginawa mo sa Australia these past years? Nawalan na kasi ako ng balita sa iyo mula nang umalis ka rito, eh.

Well, una nag-aral ako kaya ngayon ay industrial engineer na ako sa isang malaking firm sa Melbourne. And then napasok din ako sa modelling world, ewan ko kung bakit. Nagsalin ito ng kape sa kanyang tasa. Pero sandali lang iyon. Kumbaga, stint ko lang iyon noong nag-aaral pa lang ako. After that, tinulungan ko naman ang kuya ko na patakbuhin ang maliit niyang negosyong naipundar doon. Nang maka-graduate ako ay nakakuha rin ako agad ng trabaho kaya doon na lang nabuhos ang lahat ng oras ko.

Masyado ka palang naging busy kaya hindi mo na ako naalala rito.

Naalala naman kita.

Kung ganon bakit hindi ka man lang nagparamdam sa akin sa loob ng maraming taong iyon? Nakakasama ka ng loob, akala mo. Iminuwestra pa niya rito ang hawak na tinidor. And I can still remember when you left without saying goodbye. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Ate Sam, hindi ko pa malalamang nakalayas ka na pala ng Pilipinas.

Busy ka kasi noon kay Miguel.

Ano naman ang kinalaman niya sa biglaan mong pagalis?

Nagkibit lang ito ng balikat. Ewan ko. Gusto mo pa ng sausage?

Tumango lang siya at doon na natapos ang usapan nila. When she was finally back to her room, malayo sa negosyo ang isip niya kahit na nga nakatutok ang kanyang mga mata sa harap ng monitor ng laptop

niya. Parang may itinatago sa kanya si Christian. At ngayon lang din niya napag-isip-isip na mula nang muli sila nitong magkita ay hindi pa ito nagbabanggit ng kahit na isang gay language. O umakto gaya ng normal na mga binabae.

Okay, maaaring hindi nga ito ang tipo ng bakla na bulgar. Pero hindi ba dapat ay kahit paano naman ay may ipinapahiwatig pa rin ito na miyembro nga ito ng federasyon? But he was every inch a real guy to her eyes. Sa isip nga lang siguro niya ito binabae.

Ang isa pang inaalala niya ay ang sarili niyang damdamin mismo. Paano kapag nalaman nitong may iba siyang nararamdaman dito bukod sa pagkakaibigan? Lalayuan kaya siya nito? Iiwasan? Pero ayaw niyang layuan siya nito o iwasan man lang. She wanted to be near him all the time. Kung kinakailangang kalimutan niya ang sariling damdamin

para lang masigurong hindi na uli sila magkakalayo nito ay gagawin niya.

She would rather lose the feeling rather than her beloved friend.

Hapon na nang maisipan niyang lumabas na ng kanyang silid. Wala pa rin siyang natatapos na trabaho dahil okupado ng kung ano-anong isipin sa pagitan nila ni Christian ang atensyon niya. And speaking of Christian, wala yata ito sa bahay. Patungo na siya sa kusina upang hanapin sana ito nang marinig niya ang malulutong na tawanan na iyon na nagmumula sa labas ng bahay. Nang sumilip siya sa bintana ay nakita niyang naroon ang kaibigan at kabiruan pa yata ang mga lalaking naabutan nila sa covered court na nagbabasketball noong nakaraang araw.

Sige na, pare, wika ng lalaking naulinigan niyang tinawag na Irvine. Sabihin mo na kung sino sa amin ang sa tingin mo ay mananalo sa Linggo?

Ano bang criteria?

Kung sino ang pinakaguwapo, sagot naman ng isa pang lalaking nagngangalang Harvey.

Ah! Talo na kayo, deklara ng isa ring may kadaldalang si Van. Ngiti ko pa lang, laglag na mga panties ng mga girls dito.

lol! Nagyabang ka na naman. E, si Illiana nga lang, nangangatog na mga tuhod mo.

lol ka rin. Di counted iyon. Bumaling pa ito kay Christian. Tutal, technically, ay ikaw ang muse dito ngayon, sa tingin mo sino ang mananalo? May pustahan kasi kami. Mas maraming boto, mas okay.

Id go with

Pare, kapag hinalikan kita ngayon, dagdag boto ba iyon?

Muling nagtawanan lang ang mga ito at sabay-sabay na tila ba tinatangkang halikan si Christian. Bigla siyang lumabas ng bahay at binuksan ang hose ng tubig sa garden saka pinaliguan ang mga lalaking agad nagsilayuan.

Demonyo talaga kayong mga lalaki kayo! Huwag na huwag ninyong magalaw-galaw si Christian! He is way better than any of you, you jerks! Umalis kayo rito kung hindi, ipadadampot ko kayo sa mga pulis!

Inawat naman siya ng kaibigan. Andi, calm down. Nagbibiro lang naman sila.

Nagbibiro o hindi, hindi ka pa rin nila dapat tinatratong parang laruan.

Andi, huwag kang magalit sa amin, ani Marx. Mas inosente pa kami riyan sa ipinagtatanggol mo aaahh!

Nagsilayuan pa ang mga ito nang muli niyang paulanan ng tubig. Umalis na kayo! At huwag na huwag na uli kayong makalapit-lapit pa kay Christian kahit kailan. Hindi ako nagbibiro. Talagang ipapapulis ko kayo!

Nagbubulungan pa ang mga ito at impit na nagtatawanan nang paisa-isang umalis. Melvin was the last one to leave.

Isa ako sa mga nautusan ni Alec na maghanap ng mga searchers para sa gaganaping okasyon sa Linggo, Andi. Gusto mong sumali?

Ayoko!

Nakita niyang nagpalitan ng makahulugang tingin ito at si Christian. Maya-maya pa ay tumikhim na ang kaibigan.

Iyan nga ang pinag-uusapan namin kanina, Andi, anito. Kaya ako hina-harass nina Marx. They were trying to get my vote.

For what?

Ako kasi ang papalit sa iyo bilang searcher kung saan sila ang mga searchies.

What?!

Katuwaan lang.

Bakit nakipagkatuwaan ka sa mga sira-ulong unggoy na iyon?

He cant back out now, Andi. Handa na ang pustahan namin. At pumayag na rin ri Christian.

Imbes na pagalitan si Christian sa katangahan nito ay si Melvin ang napagdiskitahan niya.

Im going to slit your throat.

Okay, natatawa na lang nitong wika. Ill take that as a yes. Well see you on Sunday. Chris, pare, swerte ka talaga.

Anong ibig niyang sabihin? baling niya sa kaibigan nang wala na si Melvin. Bakit may pakindat-kindat pa siyang nalalaman, ha?

I dont know. He likes me, I guess.

Christian!

Yes?

Bilang kasagutan ay ikinulong lang niya ang mukha nito sa kanyang mga palad at mariin itong hinalikan sa mga labi. Akin ka lang.

May narinig siyang pag-iingay. Nang lingunin niya iyon ay nakita niyang hindi pa rin pala tuluyang nakakalayo ang mga pasaway na lalaki. Ngayon ay nagkakagulo na

ang mga ito habang nagsisipulan, nagkakawayan at nagtatawanan.

Nasaksihan ng mga ito ang kanyang ginawa. Ngunit imbes na mahiya ay nakapamaywang lang niyang hinarap ang mga ito. It was a clear warning that she was serious about putting them behind bars if they ever get near her guy again. Or gay. Or whatever.

Mabuhay ka, Christian! sigaw ng mga ito.

Nananampalataya kami sa iyo!

Hinila na lang niya papasok ng bahay ang kaibigan na kumakaway pa sa mga ito.CHAPTER 8

ANG ATING napakagandang Miss Searcher ay twenty eight years old, single and available. Tama ba kami, Miss Searcher?

Puwede na.

Nagtawanan at nagpalakpakan ang mga taong nagkakatipon ngayon sa covered court na iyon ng Rancho Estate Village. It was a lovely Sunday afternoon. Dahil tatapat ng weekday ang Valentines Day ay ipinasya ng pamunuan ng homeowners association na ngayong Linggo na lang idaos ang okasyon para lahat ng residente ay makadalo. At ang portion na iyon ang isa sa mga huling katuwaan para sa araw na iyon. Unfortunately, isa si Andi sa mga minalas na mapilitang sumali roon.

Kung bakit ba kasi nagpabuyo pa siya sa mga lalaking iyon na sumali sa kalokohang ito? At ang Christian na iyon, bakit hindi niya makita ngayon kung kailan kailangang-kailangan niya ang suporta nito.

May tatlo tayong searchies ngayon. Searchie number one is kind and witty. And according to him, sexy daw siya.

Hindi niya mapigilang magkomento. Sexy? Hindi kaya nagkamali siya ng sinalihan? Baka dapat ay searcher siya imbes na searchie.

Hindi, searchie talaga ako, singit ni Searchie Number One. Steady naman ang pagkatao ko.

At tumawa pa ito na tila ba ikanatutuwa talaga nitong naroon ito ngayon. Hindi kaya pinagti-trip-an lang siya ng ungas na ito? Nagpatuloy ang programa.

Kung ikaw ay isang hayop, basa niya sa questionaire na ipinapatanong sa kanya ng emcee. Ano ka at ano ang gagawin mo para makuha ang atensyon ko? Searchie number two, you first.

Ill be cat. She hated cats. Para mapansin mo ako? well, Ill just stay close as I can to you and as I rubbed my buddy against yours, Ill purr and saymeow, meow!

Ah, e, hindi po ako daga. Searchie number three, whats your agenda?

Ill be a bird

Searchie number one, what are you going to be? Sumingit na siya at baka kung ano pa ang sabihin ni Searchie Number two. Marami pa namang mga bata roon.

Ill be a goldfish in your aquarium.

Okay, thats nice. She likes fish. Fish are harmless, at walang double meaning.

Ano naman ang magiging silbi mo sa akin kung magiging isa ka lang goldfish?

Fishes, especially aquarium fishes, are said to have a calming effect on human. So, kapag pagod ka na sa work mo, just look at me in the aquarium and Ill soothed your soul.

Huuu! Bola! biro ng isa sa mga searchies.

Mas may calming effect ang mga birds sa kulungan.

Parang gusto niyang pukpukin ang makukulit na dalawang searchies. Ano kaya ang nakita ng mga organizers ng okasyong iyon at kinuha ng mga ito ang dalawang pasaway na ito?

May pagka-sentimental akong tao, patuloy niya. What song would you dedicate for me?

Mama Mia.

Sing it for me.

Mama, I just killed a manput a gun against his head, pulled the trigger now hes dead

Thanks! sigaw na niya para lang tumigil na ito. Wala na ring tigil sa katatawa ang mga tao roon. Mabuti pa ang mga ito, natutuwa sa mga nangyayari. Samantalang siya, gustong-gusto ng mag-walkout. Mas malakas na kasi ang kutob niyang pinagti-trip-an lang siya roon.

Searchie number three, whats your song for me?

Oh, Baby.

Ano iyon?

Nag-umpisa itong kumanta. Oh, baby, baby, babymy baby, baby, wochang tsuning washi niiinngg!

Kunot-noo na lang siyang napailing habang walang tigil na sa kakatawa ang mga manonood nila. Hay naku. Searchie number one, ikaw naman, anong kalokohan ang kakantahin mo para sa akin?

This Guys Inlove With You, Pare.

What? Anong palagay mo sa akin, lalaki? Ano ba naman itong mga napili na pagpipilian niyang makadate? Mga takas yata sa mental ang mga ito.

But I cant sing it. Hindi kasi bagay ang lyrics.

E, bakit iyan ang pinili mong kanta?

Maganda ang title. Bagay lang sa nararamdaman ko ngayon. Pero para sa iyo, papalitan ko na lang ang title.

Okay. Ano na ang song mo?

This Guys Inlove With You, Babe.

Naghiyawan at nagpalakapakan ang mga miron nila. Siya naman ay tila biglang tinamaan ng pamilyar na kaba na iyon sa kanyang dibdib. Bakit bigla yatang nag-iba ng direksyon ang puso niya? This feeling was supposed to be for Christian only. All of a sudden, she

had this urge to see know who owns that deep baritone voice of Searchie Number One.

Nilingon tuloy niya ang mga nakasaradong booths kung saan naroon ang mga searchies. Pero nasa loob ng mga booths ang mga ito kaya wala rin siyang nakita.

Ano sa tingin ninyo ang pinaka-the best asset ninyo? basa uli niya sa questionaire. Just give me one part of your body.

My heart.

My soul.

My heart and soul, sagot ni Searchie Number One. I cant choose. Para sa akin, hindi puwedeng

paghiwalayin ang dalawang iyon. Coz when the heart loves, so was the soul.

Pare, wika ni Searchie Number Two. Mahal na yata kita. Ah lab yu.

Napabuntunghininga na lang siya habang hinahanap sa karamihan sa mga taong naroon ang isang pamilyar na guwapong mukha. Christian where are you? Help me out here, will you?

Last question na lang, wika ng emcee. Kung kaharap ninyo ngayon si Miss Searcher at bibigyan kayo ng sampung minuto na kasama siya, ano ang sasabihin ninyo sa kanya? Searhie Number Two, you first.

Maganda ba si Miss Searcher?

Hindi, inis niyang sagot. Kuba ako at may kulugo sa tungki ng ilong.

Oh, that was

Searchie Number Three?

Wide reader naman ako, eh. I could tell her anything she wants to know. From astrology to zoology. From Vitamin A to Zinc. Basta, hindi siya mobo-bore sa akin.

Yeah, right. Hinintay niyang magsalita ang panghuling searchie.

Searchie Number One, what will say to Miss Searcher?

Nothing. Ill just kiss her.

Nagpalakpakan ang mga tao. Obviously, yung huling sumagot ang bet ng mga ito. On her part, she didnt know if she wanted to pick one. Pinakamatino na si Searchie Number One, but still, he wasnt her Christian. At iisang lalaki lang naman talaga ang nais niya nang mga sandaling iyon.

Okay, nasa last part na tayo ng portion na ito, wika ng emcee. Si Miss Searcher at ang mapipili niyang searchie ay magkakaroon ng isang romantic date bilang premyo. So, Miss Searcher, I give you the floor. Choose away.

Kailangan ba talagang pumili?

Oo, sa ayaw at sa gusto mo, binuntutan pa nito iyon ng tawa.

Kanya-kanya naman ng bet ang mga tao. Kung anoanong numero ang pinagsasabi ng mga ito, ranging from one to ten. Whats with these people? Muli niyang inilibot ang paningin sa mga tao, hoping that she could see Christian and bailed her out of this mess. Ngunit sa huling pagkakataon ay bigo siya.

Searchie Number One, sagot na lang niya. Nagpalakpakan muli ang mga nanonood.

Ipapakilala na muna natin ang mga searchies na hindi mo napili. Searchie Number Two is six feet in height, noble, very high born, and charismatic Nilingon siya ng emcee. Daw. Anyways, he plays basketball and enjoys a long walk along the road of our village, under the moon and the stars pa raw. Searchie Number Two is our resident DENR Secretary, Marx Javellana.

Ngiting-ngiti si Marx nang sa wakas ay lumabas ito ng booth nito na may dalang pumpon ng bulaklak.

Magsisisi ka ngayong hindi ako ang napili mo, wika pa nito ngunit hindi naman nawawala ang panunukso sa mga mata nito. Uy, goodluck sa date ninyo, ha?

Searchie Number Three is five foot eleven in height, brilliant, suave, debonaire, enjoys good talk, good food and some good music. Searchie Number Three is Van Simon Jimenez.

Pareho ng ekspresyon nito ang ekspresyon ng mukha ni Marx. Ganito rin ang itsura ng mga ito nang unang beses silang magkakilala. Na tila ba may alam ang mga itong hindi niya alam.

At ang napili ni Miss Searcher ay si Searchie Number One. He is six feet one in height, intelligent, charming,

and enjoys playing basketball as well. He was also an industrial engineer from Australia.

Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya nang marinig ang huling mga sinabi nito. Industrial engineer? From Australia?

Here is Mr. Searchie Number OneChristian Adriano.

Napalingon siya sa pinanggalingan kanina nina Van at Marx. Naroon nga si Christian. Maha-hyperventillate na yata siya nang mga sandaling iyon. Lalo na nang lumapit ito at ibinigay sa kanya ang boquet of roses. Nag-umpisang manukso ang mga manonood.

Kiss! Kiss!

Nakangiti lang ito nang tuparin ang sinabi nito kanina sa tanong na kung ano ang gagawin nito kapag nagkaharap sila ngayon. Hindi na nga ito nagsalita pa at dahan-dahan na lang siya nitong hinapit sa kanyang beywang. Tila ba binibigyan pa siya ng pagkakataong tumanggi at lumayo.

But the moment he had swept her in his arms, all thoughts just disappeared. Ang tanging nakarehistro na lang sa kanya nang mga sandaling iyon ay guwapo nitong mukhang unti-unting bumaba. Hanggang sa maipikit na lang niya ang kanyang mga mata nang sa wakas ay maglapat ang kanilang mga labi.

He was kissing her ever so gently and yet the intensity was overwhelming. He was kissing her like they were the only people in the world. He was kissing her like she was the only woman for him.

He was kissing her like no other man did.

Saglit lang siyang natigilan subalit nang maramdaman ang malambot at masuyo nitong mga labi ay hinayaan na lang din niya ang sariling namnamin ang mga sandaling iyon. Gumanti siya ng halik.

She had never felt this overwhelmed all her life. Pakiramdam niya ay nakalutang ang kanyang mga binti sa ulap. Tila naririnig din niya ang pag-aawitan ng mga anghel sa langit. In the arms of the man that she loves, she could feel everything. She could do anything. Ganon ang dating sa kanya ni Christian. Kung hindi man ito buong-buong magiging kanya balang araw, ang importante, minsan sa kanyang buhay, naranasan niya ang ganitong pagkakataon kung saan siya lang ang babae sa buhay nito. Kung saan damang-dama niya ang mga halik nitong tila tumatagos sa kanyang puso.

When the kiss ended, she could only stare at those incredible eyes of his. Ikinurap-kurap niya ang mga

mata upang masigurong hindi lang siya naghahallucinate. Subalit nanatili sa kanyang harapan ang lalaki. Hindi lang halusinasyon ang lahat. Hanggang sa marinig niya ang malakas na boses na iyon mula sa kanilang mga audience.

Alright, man! Ganyan nga! Si Marx iyon. Ipakita mong isa kang certified macho man. Puwede ka na uli ngayong makipagpustahan sa amin sa basketball. You wouldnt have to act gay

Napansin na rin nitong nakatingin na rito ang mga tao roon na kanina pa nanahimik kaya dinig na dinig ang mga sinabi nito. At upang makabawi marahil ay binalingan nito ang katabi.

Holy crap, man! Youre gay?!

ANDI!

Lakad-takbo na ang ginagawa ni Andi upang makalayo kay Christian. Pagkatapos ng mga narinig niya kanina sa stage, pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang maihaharap sa mga tao sa village na iyon. Hindi lang kasi siya pinagkaisahan ng mga itong lokohin, napahiya pa siya nang husto sa mga ito.

Andi, wait!

Leave me alone, Christian!

Let me explain

Hindi na kailangan.

I still want to.

Nang buksan niya ang gate ng bahay ay pinigilan nito iyon. Kaya ngayon ay magkaharap na naman sila. Naiiyak na siya sa sobrang sama ng loob at pagkapahiyang inabot nang hapong iyon. Pero hinding-hindi siya iiyak sa harap nito.

Andi, please. Mag-usap tayo sandali. Hayaan mo akong magpaliwanag na muna.

Just leave me alone, Christian. Huwag mo ng hayaang lumaki pa ang galit ko sa iyo.

Please dont be mad at me

You lied to me! Pinagmukha mo akong tanga! Pinagmukha ninyo akong tanga lahat! Kaya huwag kang magmakaawa na huwag akong magalit sa iyo

dahil wala kang karapatang humiling sa akin ng kahit na ano.

Okay, sige. Magalit ka kung gusto mo. You want to slap me? Go ahead. Pero hindi mo ako mapipigilang ipaliwanag kung bakit ko nagawang magsinungaling. Kung bakit nagawa ng mga kapitbahay kong tulungan ako sa kasinungaling iyon. Sa wakas ay nagawa na rin niyang manatili sa kanyang kinatatayuan. Masamang-masama ang loob niya sa mga nangyari at talagang wala na siyang balak na pakinggan ito. But deep in her heart, she still wished that everything didnt happen at all.

Look, Andi, I didnt mean to lie to you. Gusto ko lang namang mapalapit sa iyo kaya nagawa kong magpanggap bilang ang dating Christian na nakilala mo. You were expecting a gay friend, not a straight guy. Sinabi iyon sa akin ng kuya mo bago pa man tayo magkita. Kaya hinayaan na lang kitang isipin na gaya pa rin ako ng dati kung iyon lang ang tanging paraan

upang manatili ang pagkakalapit natin. Alam kong nagustuhan mo lang ako noon dahil sa pagiging binabae ko. Nakakalapit ka kasi sa akin ng walang pagaalinlangan. But things changed for me before I even left the country, Andi. Things changed because of you.

That still didnt give you the right to make a fool out of me.

I didnt make a fool out of you. He gave out a frustrated sigh. Things got out of hand. And Im really sorry. Pero iyon lang kasi ang alam kong paraan upang makalapit uli sa iyo. Kung ang ipinakita ko sa iyo nang una tayong magkitang muli ay ang bagong Christian, ituturing mo pa rin ba akong kaibigan gaya ng dati? Ganun pa rin ba ang magiging pakikitungo mo sa akin?

Maybe not, diresto niyang sagot dito. Pero dapat ay sinubukan mo pa rin. Weve been friends before. Akala ko, kilala mo na ako. Hindi pala.

Andi

Hindi ako kasing babaw ng ibang taong kilala mo, Christian. I would have given you a chance to show me the new you. Pero inunahan mo ako. Inisip mo na agad na dahil lang sa mga sinabi ko kay Kuya, ganon na nga ang maaring maging pakikitungo ko sa iyo. Kahit anong mangyari, naging kaibigan naman kita, Christian. Nagtiwala ka dapat sa akin imbes na sa mga narinig mo lang na sinabi ko.

Kitang-kita niya kung gaano kalaki ang pagsisisi sa mga mata nito. Ang totoo, pinapatawad na niya ito. Kahit naman kasi anong mangyari, naroon pa rin ang malaking pagmamahal niya rito. Kaya lang hindi maalis sa kanya ang sama ng loob na idinulot ng kawalan nito ng tiwala sa kanya bilang isang dating kaibigan.

Andi, Im really sorry.

I know. And Im sorry, too. Napabuntunghininga siya.

Tutal naman narito na sila ngayon, siguro panahon na rin upang ilabas na niya ang mga nararamdaman upang kahit paano ay maibsan ang bigat ng kanyang damdamin. Im sorry dahil minahal kita sa kabila ng pagkakaibigan natin.

A-Andi

Minahal kita kahit ganyan ka. Ayoko sanang pansinin iyon dahil kaibigan kita at kahit kailan ay hindi mo ako maaaring mahalin. Pero wala akong magawa. Sa tuwing sasabihin ko sa puso ka na kalimutan ka na lang, ako rin naman ang sumusuko. Dahil hindi ko kayang kalimutan ka. Hindi ko kayang kalimutan ang

nararamdaman ko para sa iyo. At ayoko rin namang kalimutan iyon. Alam kong nagtataka ka kung bakit sinasabi ko ito ngayon sa kabila ng katatapos lang na pangyayari. I just want to clear my heart, thats all.

Hinintay niya itong may sabihin subalit nanatili lang ito nakatitig sa kanya. Mabuti na nga iyon. Siya na lang muna ang magsasalita para na agad ang dapat niyang sabihin.

Kung tutuusin, nagsinungaling din ako dahil itinago ko ang totoong nararamdaman ko sa iyo. Nagpanggap din ako kaya pinapatawad na kita. Nang subukan uli niyang buksan ang gate ay hindi na siya pinigilan nito. Babalik na bukas sina Kuya Nathan galing sa bakasyon nila. Babalik na rin ako sa condo ko. Kalimutan na lang natin ang mga nangyari. Isipin na lang natin na isang napakalaking prank joke lang ang lahat ng ito. She opened the gate and let herself in. Hindi na niya narinig pang sumunod sa kanya ang lalaki sa loob.

Nakakaloka talaga ang buhay minsan. Kung kailan gumaganda na ang takbo ng pangyayari, saka pa may dumarating na mga pagkakataong hindi inaasahan at sisirain ang lahat. Katulad ngayon. Kung kailan nakapagtapat na siya ng nararamdaman, saka naman kailangan pa nilang maghiwalay agad. Kung kailan naranasan niya kung paano maging pinaka-espesyal na babae sa mundo sa mga bisig nito kahit sa maiksing sandali lang, saka pa dumaldal si Marx.

She touched her lips thats still tingling from his kissses as she sat on her bed. Why does it has to end now? Why does stories like ours have to end like that? Well, who the heck knew? Basta nangyayari na lang ang mga kakaibang biro na iyon ng tadhana.CHAPTER 9

NAPAANGAT NG mukha si Andi mula sa pagkakatutok ng pansin sa monitor ng kanyang computer. Her brother was standing at the door.

Busy?

Medyo. May kailangan ka, Kuya?

Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin. Pumasok na ito ng opisina niya. Nakakatawa, hindi ba? Dito rin tayo noon huling nagkausap ng masinsinan bago kami nagbakasyon.

Kumusta na nga pala sina Ishi at Draco?

Hayun, ang iitim. Nagre-request pa nga sila na magbaon daw kami ng tubig-dagat para ipasalubong sa iyo.

Thats really nice of them. Si Ate Sam, kumusta?

Okay naman. Hanggang ngayon ay bakasyon pa rin siya dahil sa sobrang pagod sa pag-aalaga kina Ishi. Tumango lang siya saka ibinalik ang pansin sa computer monitor. Yung isa ba, hindi mo kukumustahin?

Nilingon lang niya ito at pagkatapos ay muling ibinaling ang pansin sa ginagawa.

May lunch meeting ka ngayon kay Mr. Santos sa Greenbelt. Kung ako sa iyo, Kuya, umalis ka na para hindi ka maipit sa traffic. Monday pa naman ngayon.

Ikaw na ang um-attend.

Bakit?

Katatawag lang ni Ate Sam mo. Masama daw ang pakiramdam niya. Kaya nga ako maagang uuwi

ngayon. Ikaw na ang bahala roon, ha? Nasa pinto na ito nang muli itong lumingon sa kanya. He just looked at her for a moment and sighed. I thought you like him.

Hindi na niya kailangang manghula kung sino ang tinutukoy nito. Kuya, I dont want to talk about it.

And when will you start talking about it? Its been a week, Andi. She just continued working on her computer. Well, if youre interested to know, hindi naging maganda ang lagay ni Christian nitong mga nakaraang araw. Hindi siya kumakain at hindi na rin siya naglalalabas ng kanyang bahay.

May bahay na pala siya. Good for him.

Why dont you see him? Or talk to him?

What for? He lied to me.

Everybody lies for a reason, Andi. Kahit si Pope John Paul ay nagsisinungaling din.

Paano mong nalaman?

Basta. Kausapin mo na si Christian. Hayaan mo siyang magpaliwanag kung bakit niya nagawang magsinungaling sa iyo.

Nagawa na niya iyon.

Kung ganon ano pa ang ikinagagalit mo sa kanya?

Nanatili siyang nakatutok sa harap ng kanyang computer. Narinig niyang napabuntunghininga ito.

Andi, ano ba ang kaso kung hindi totoong bakla si Christian? Ayaw mo ba nun? Matagal ka ng may crush sa kanya kaya ka nga wala pa ring boyfriend hanggang ngayon, hindi ba? Dahil siya lang ang gusto mo after all these years. Maaaring katangahan ang ginawa niyang pagsisinungaling at pagpapanggap pero ginawa lang naman niya iyon nang dahil na rin sa iyo.

Hindi pa rin siya sumagot. Alam na rin naman kasi niya ang tungkol doon.

Hay naku, makaalis na nga lang. But piece of advice, sis. Huwag mong hayaang hadlangan ng pride ang anomang nararamdaman mo. Dahil hindi ka liligaya riyan. Take it from me. Muntik ng makawala sa akin si sam nang dahil sa kayabangan ko. Goodluck sa meeting mamaya.

Naiwan siyang nagmumuni-muni pag-alis ng kanyang kuya. Sira na naman ang konsentrasyon niya. She took off her eyeglasses and massage her temple. Its been a

week since the last she had seen Christian. Nang araw din kasi na malaman niya ang totoong pagkatao nito ay agad siyang nag-alsa balutan. At hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya sa kanyang puso ang kakaibang sakit na iyon.

Pero iyon ay hindi na dala ng naging pagtatalo nila kundi ng isiping hindi na niya ito maaari pang makita. After the initial shock, reality of what happened sank in. Nagtapat siya rito nang hindi man lang niya nalaman kung ano ang totoong nararamdaman nito para sa kanya. Oo nga at sinabi nitong nagsinungaling lang ito dahil nais nitong mapalapit sa kanya nang hindi siya nagkakailangan. At hinalikan na rin siya nito. But then she still didnt know how he felt about her. Truly felt about her.

Ngayon iniisip niya, tama ba ang ginawa niyang pagtatapat dito noon?

Isinubsob niya ang mukha sa mesa. Hanggang sa condo niya ay dinadala niya ang kanyang mga trabaho upang may umuukopa sa isip at oras niya at nang hindi na maalala pa ang lalaki. She would tire herself to death until her body gave in to stress and lack of sleep. Pagkatapos nun, matutulog na lang siya nang mahimbing. Subalit kahit sa panaginip ay hindi pa rin siya tinatantanan ng mga alaala ng halik nito. And she would wake up crying in silence.

Madaling sabihin ng sinoman na dapat na niyang kausapin at harapin na si Christian. Pero ang hindi alam ng mga taong iyon, hindi ganon kadali ang lahat. She had her humiliation to face up. Na baka pinagtatawanan na siya nito ngayon. Not to mention the fact that she didnt know his own feelings for her. Pagkatapos ng mga nangyari, ngayon lang pumasok sa isipan niya ang takot na marinig mula sa bibig mismo nito ang mga salitang hindi naman siya nito mahal.

But still, she missed the hell out of him. Gustong-gusto na niya itong makausap muli, marinig ang boses at makita ang guwapo nitong mukha. Ang kulit kasi niya. Sinabi ng hindi na dapat niya pinansin ang kakaibang damdamin niya para rito dahil masisira lang ang pagkakaibigan nila nang dahil doon. Pero mas pinakinggan niya ang tibok ng kanyang puso. Hayan tuloy, hindi lang ang lalaking mahal niya ang nawala sa kanya, pati na ang kanyang kaibigan. Wala ng pagasang maibalik pa ang kanilang pagtitinginan, sigurado iyon.

Mam, may naghahanap ho sa inyo.

She looked up at her secretary. Sino daw?

Christian daw po.

What?! Agad nataranta ang kanyang puso at isipan. N-nandito na ba siya? Sabihin mo, a-ano, ahm

Hes on the phone, Mam. Line two. Kanina pa po nagri-ring ang phone ninyo rito kaya lang masyado yata kayong busy kaya hindi ninyo narinig. Kaya ako na ho ang sumagot.

H-ha? Kahit paano ay nahimasmasan din siya. Masyado na ba talaga siyang naging okupado ng kanyang nararamdaman kaya nawalan na siya ng pakialam sa iba pang bagay kanina? S-sige, ako na ang bahala. L-line two ba?

Yes, Mam.

Pag-alis ng sekretarya ay hindi agad niya madampot ang telepono. Ano ang sasabihin nito sa kanya? Ano ang sasabhihin niya rito? Dahil sa lakas ng kaba sa kanyang dibdib, halos naging blangko na ang kanyang isipan. Hindi na niya alam kung ano na ang ginagawa

niya. Na-realize na lang niyang hawak na pala niya ang awdotibo ng telepono.

Hello? Was that her voice? So calm and even?

Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya. Andi, its me. Please dont hang up the phone.

Muntik na siyang mapaiyak nang marinig ang boses nito.

Christian! She could almost feel her heart reaching out to him. Napahigpit ang hawak niya sa telepono.

Im kinda busy right now, Christian. So, kung ano man ang sasabihin mo, pakibilisan lang.

Alright, may pagsuko na sa boses nito. The truth is, I just called you up to invite to lunch or dinner, perhaps.

I cant. Napayuko na lang siya at napapikit upang pigilan ang kanyang mga luha. ImIm really busy

Andi, please. II just want to talk to you.

I will talk to you. But not right now. Not at this moment.

Pasimple niyang pinahid ang luha na nakaalpas pa rin sa mga mata niyang nakapikit. Intindihin mo sana, Christian. Hindi ko pa kayang harapin ka.

Pero kailan pa tayo mag-uusap

Im sorry. I have to go. Bye. Bago pa man ito makapagsalitang muli ay ibinaba na niya ang telepono saka tinawagan ang sekretarya. Luisa, kapag may tumawag pa uli sa akin, pakisabi mag-iwan na lang ng message. Ill just call them afterwards. Ayoko muna ng istorbo ngayon.

She put down the phone and picked up her box of tissue paper. Matapos matuyo ang mga luha ay hindi na niya hinayaan pa ang sariling muling igupo ng nararamdaman. Dinampot niya ang bag at nagmamadaling lumabas ng kanyang silid. Nakita niyang nakamasid lang sa kanya ang nagtatakang sekretarya nang walang imik siyang dumaan sa table nito patungong elevator. She needed to get out. Kung hindi, siguradong mamumugto lang ang kanyang mga mata sa kakaiyak at mas lalong hindi siya makakalabas ng opisina niya. Kailangan niya ng mapagbubuhusan ng kanyang damdamin.

STA. LUCIA East Grandmall Bowling Alley. Doon nakarating si Andi matapos siyang mag-walkout sa kanyang opisina. Sa paglalaro ng bowling niya ibinuhos ang lahat ng frustrations na nararamdaman niya. Nangangalay na ang kanyang kanang braso dahil ang mga ginagamit niyang bowling ball ay yung mga pinakamabibigat na sa tuwing inihahagis niya ay tila mababasag ang bowling lane. Ni wala siyang pakialam kung ang mga tira man niya ay gutter lang ang nakikinabang. Basta sa bawat bitaw niya ng mabigat na bola, buong lakas lang niya iyong pinakakawalan.

Andi?

Nilingon niya ang nagsalita. Isang binabae ang nakita niyang papalapit sa kanya. Do I know you?

Oh, my gosh! Its really you! Ako ito, girl. Si Miguel well, Michelle na ako ngayon.

Pansamantala niyang nakalimutan sintimyento nang pagmasdan ito.

ang

kanyang

Miguel? Ikaw talaga iyan?

Yes, girl! Kumusta ka na?

Okay lang, walang gana niyang sagot. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?

Naghahanap ng boylet. Impit itong humagikgik. Actually, binisita ko lang ang bagong branch ng parlor ko sa mall na ito. My fifth branch.

Congrats. Mayaman ka na pala.

Hindi naman. Masipag lang. Hay naku, lets sit na muna, sister. Para makapagkuwentuhan tayo nang maayos.

Naupo sila sa mga silya sa bandang likuran ng alley. Tila naman hindi ito kumbisido sa kanyang sagot.

Ikaw, ano nga pala ang ginagawa mo rito? Nang makita kita kanina, parang gusto mo ng basagin ang mga bola ng bowling sa paghahagis mo.

Naglalabas lang ako ng frustrations.

Hmmm, parang alam ko na ang ipinagkakaganyan mo, lola. Mataman siya nitong pinagmasdan. You looked like you just had your heart broken.

I dont want to talk about it, Miguel.

Aray, ang sakit naman sa ears. Tinakpan pa nito ng malalantik na daliri ang mga tenga. Lola, pasalamat ka at may history tayong dalawa dahil kung hindi, sinabunutan na kita.

She just stared at her canned softdrink. Kahit paano ay may pinagsamahan naman talaga sila nito. Hindi nga lang gaya ng sa kanila ni Christian. Pero masaya siya na may kasama siya ngayon na puwede niyang kausapin.

Natatandaan mo pa ba si Christian, MigI mean, Michelle? Impit itong tumili. Si Papa Christian? Of course naman, no? Super duper mega crush ko nga iyon noon, eh. I think siya ang first ever kong crush.

Kung ganon kaya mo lang ako niligawan ay dahil gusto mong mapalapit sa kanya?

Yeah, kinda. Bakit, mag-dyowa na ba kayo ngayon?

No.

Why not? He seemed to really like you back then.

Napatingin siya rito. He liked me even then?

Haller! Ano pa kaya ang ibig sabihin ng mga kakaibang sulyap niya sa iyo kapag hindi ka nakatingin sa kanya? O, ang pag-aalala niya nang husto kapag hindi mo naipaalam sa kanya kung saan ka nagpupunta?

Pero akala kosa iyo siya may gusto kaya lagi niya akong sinasaway pag magkasama tayo.

Hay naku, wish ko lang, sister. Dahil kung sakaling nagkatotoo iyon, ako na ang pinakamasayang girlalush sa mundo. But unfortunately, ikaw nga ang gusto niya. Natatandaan ko pa nga ang araw na kumprontahin niya ako. I thought he was going to propose to me. Pero ang lolo mo, pagbabantaan lang pala ako.

What?

Oo, pinagbantaan niya ako. Sinabi niyang kung sasaktan lang daw kita, uunahin na niya akong saktan. Grabe, muntik ng masira ang beauty ko sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig na kuwento nito. Dahil kung tatantiyahin niya, nang mga panahong iniisip niyang iniiwasan siya ni Christian ay ang mga panahong may nararamdaman na rin pala ito sa kanya.

A-are you sure about that, Michelle?

Yes, girl. That guy of yours was a lovestruck fool. Hes been inlove with you ever since. Pagkatapos ay bumuntunghininga ito. Oh, dear. Problems, problems. Hay naku, ang mga lovers nga naman. Ang drama talaga ng mundo ninyo. Mabuti na lang at ang mga boys ang nababaliw sa beauty ko.

Miguel

Nagtititili ito. Sister, naman. Ano ka ba? Michelle, okay? Michelle.

Michelle, are you really, really sure?

That Papa Christians really, really inlove with you? Yes. Ive seen the way he looked at you, girlfriend. Kaya alam ko na nung una pa lang na hindi talaga siya badaf all the way. Dahil walang miyembro ng aming

federasyon ang nagkakagusto sa mga kalahi namin. Binuntutan pa nito iyon ng tawa.

Parang gusto na niyang makisabay sa tawa nito. Ang totoo, now that she thought about it, maraming beses na niyang nakikita ang mga manifestations na iba na nga ang ipinapakita sa kanya ni Christian. Hindi lang niya iyon matanggap nang maayos dahil nga sa pagaakalang natural lang sa isang kaibigan ang maging maalalahin. Isa pa, nakatatak na kasi sa kanyang isipan na hindi naman ito maaaring magkagusto sa isang babae since babae rin ito.

Wait, patuloy nito. Alam mo ba kung bakit kita niligawan noon? Although kinikilabutan ako sa tuwing maaalala ko ang mga araw na iyon.

Pinalo niya ito sa braso.

Ouch, ha? Sabunutan kita riyan. Anyway, as I was saying, kaya siguro ako kinuntsaba ng kuya mo at ate ni Papa Christian ay dahil alam nilang maaari nga siyang magselos sa akin.

Sandali, anong ibig mong sabihin na kinuntsaba ka nina Kuya? Para saan?

Masyado raw kasi kayong pasaway noon ni Papa Christian dahil pinakikialaman ninyo ang love story nila ni Ate Sam. So, they contacted my Kuya Thad and asked me to court you. Tama naman sila, nagselos nga si Papa Christian.

Kaya ba siya bigla na lang lumayas ng Pilipinas?

Well, hindi ko alam kung iyon nga ang dahilan niya. Pero siguro. Nagkibit lang ito ng balikat. Who knows? Tanungin mo siya para malaman mo ang totoo. Iyon lang kasi ang alam ko.

Muli niyang ibinaling ang pansin sa kanyang inumin. I cant.

Why not?

Basta.

Because you love him as well? Hindi siya nakaimik. Oh, my gosh! This is so nice! So, anyway, bakit nagmumukmok ka rito ngayon imbes na kasama mo na ang dyowawa mo? Dont tell me may LQ na agad kayo.

Parang ganon na nga.

At sino ang may kasalanan?

Ewan ko. Hindi ko alam. Basta, naguguluhan ako.

That hot papa loves you and you love him. O, alin ang magulo roon?

Michelle, its really not that simple.

Well, girl, ang tingin ko naman, ikaw lang ang nagpapagulo ng sitwasyon ninyo. Ang mabuti pa, magusap na kayo bago pa lumala ang lahat. Sayang naman kung maghihintay na naman kayo ng forty thousand years para lang ayusin ang isyu ninyo. Sayang ang time na hinahalikan mo lang dapat siya.

Napayuko na lang siya nang maaalala ang araw na hinalikan siya nito. His kisses felt so nice and warm and so right. Ni hindi niya naisip noon na iba nga ang preference nito pagdating sa ka-partner. Basta masaya at babaeng-babae ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon.

Youre blushing! Oh, my gosh! He kissed you, didnt he? Kinikilig itong tumili. See? See? I told you he loves you. Kaya ano pang hinihintay mo rito, sister? Wala kang mapapala sa mga bowling balls na iyan. Doon ka sa may totoong balls na mapapakinabangan moouch!

Nahampas uli niya ito sa braso. Ang bibig mo.

E, bakit? Totoo naman, ah.

She got his point, though. Pero paano kungkung mali ang akala natin?

Day, hindi nagkakamali ang puso. Kaya lang naman nasasaktan minsan ang mga taong nagmamahal ay dahil hinahayaan nilang makialam ang kanilang mga isip. Falling inlove is not a quiz, darling. So, use your heart instead of your head.

Maybe hes right. Maybe she was using her head all the time that she had forgotten it was heart that was on the line.

Michelle?

Yes?

Thank you.

Sus, ano ka ba? Wala iyon, no? I liked you before and I still like you until now. Although, hanggang sisterly love lang dahil hindi tayo talo. Ito naman ang pumalo sa kanyang braso. Ang talagang nagmamahal sa iyo ay wala rito kaya get your pretty little butt moving before somebodys butt get to Papa Christian.CHAPTER 10

MABILIS NA nakarating sa Rancho Estate Village si Andi matapos ang naging pag-uusap nila ni Michelle. Naabutan niya sa bahay ng kanyang Kuya Nathan ang kanyang mga pamangkin na kasalukuyang naglalaro sa garden kasama ng dalawang batang lalaking magkamukhang magkamukha. Ishi, the youngest and the only girl among the four kids, was crying and the first to see her. Mabilis itong tumakbo sa kanya.

Tita Andi! Away nila ako!

Mabilis namang dumipensa ang nakatatanda nitong kapatid.

E, kasi, Tita, bawal naman talaga ang mga girl sa laro namin. Pang-boys lang ang baril-barilan. E, hindi naman po boy si Ishi.

Kahit na. Marunong naman ako ng baril-barilan. Patuloy sa pagnguyngoy ang pamangkin. Tita, pagalitan mo sila Kuya at Jigger at Trigger.

Gusto man niyang kampihan ang pamangkin ay mas mabuti ng malaman nito kung saan dapat ito lulugar. She knew she was still too young to understand the situation. Pero mas mabuti na iyon kaysa naman maranasan nito ang hirap ng hindi alam kung saan siya nararapat. Hindi lang kasi isip nito ang magugulo. Pati na rin ang mundo nito kapag nagkataon.

Ishi, may mga dolls ka naman na puwedeng laruan, hindi ba? Iyon na lang ang paglaruan mo. Pangit naman ang mga toys nila Kuya mo, eh.

Pero

Just call your other friends. Hindi bat ikinukuwento mo sa akin noon nang maglaro kayo ng lutu-lutuan nina Lexie at Checka?

Opo. Pahikbi-hikbi na lang ito.

Iyon naman pala. E, di kayo na lang uli ang maglaro. Hindi ka pa madudumihan. Tingnan mo ang mga kamay nina Kuya mo, dirty. Pagagalitan iyan nina Mommy mo mamaya.

Sa wakas ay nagawa na ring ngumiti ni Ishi. Ilang sandali pa ay nagtatakbo na ito sa labas ng bahay. Marahil ay upang sunduin ang mga kalaro. Napansin naman niyang nawala na sa paglalaro ng mga maliliit na sundalo ang tatlong batang naiwan sa garden.

Mukhang na-fascinate din ang mga ito sa paliwanag niya.

Just stay with your toys, boys. Siyanga pala, Draco. Nakita mo ba si Tito Christian mo?

Hindi ko na po siya nakikita, Tita.

Ha? Umalis na naman ba ang lalaking iyon nang walang paalam?

Hindi na po lumalabas ng house niya si Tito Christian, wika ng isa sa kambal.

Monster na siya, dugtong ng kakambal nito.

Oo nga, sang-ayon ni Draco. Sa garden ng house niya kami naglalaro dati pero ayaw na niya ngayon. Maingay daw kami.

Hindi naman po kami maingay, eh.

Lagi na po siya galit. Monster na siya.

Hindi na lang kami punta sa house niya. Pero maganda talaga garden niya, di ba, Jigger?

Oo. Nag-swim pa nga po si Trigger sa fishpond ni Tito Christian pero di po siya nagalit. Pero ngayon po, hawak lang kami gate ng house niya galit na po siya agad. Monster talaga po siya.

Teka muna, ayaw niya sa pagmo-monologue ng tatlo. Draco, ang ibig mong sabihin, hindi na rito nakatira si Tito Christian mo?

May house po si Tito.

Sabay-sabay na itinuro ng mga ito ang direksyon ng isang bungalow na may malawak at magandang garden.

Ayun po, o.

Pero paano siyang nagkaroon ng bahay dito? Kararating lang niya galing Australia noong nakaraang linggo, ah.

Umalis po si Tito Christian? singit na naman ng isa sa kambal. Pero dito lang naman po siya lagi. Noong noon pa. Ibig sabihin ay matagal na matagal ng naninirahan doon ang lalaki. Kaya ba ganon na lang kapamilyar ang kambal na ito kay Christian? Naningkit ang kanyang mga mata. Hanggang saan ba ang naging kasinungalingan sa kanya ng lalaking iyon?

Nandoon ba ngayon si Christian? Tumango lang ang tatlong bata. Puwede bang huwag muna ninyong sabihin sa mga maghananap sa akin na nagpunta ako sa bahay niya ngayon.

Tumango lang uli ang mga ito. Aawayin nyo po ba si Tito Christian?

Bad po iyon.

Ayaw po ni Daddy namin ng away.

Im just gonna talk to him. And then maybe when I have the chance, Im going to strangle him.

Nagmamadali na siyang nagtungo sa itinurong bahay ng mga ito. Bukas ang gate at pinto kaya mabilis siyang nakapasok.

Christian! sigaw niya pagpasok. Christian, nasaan ka? Mag-usap nga tayong lalaki ka.

Bakit?

Napasigaw pa siya nang mula sa kanyang likuran ay marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napaurong siya palayo rito.

Christian, what Nawala ang mga litanyang ipapaulan sana niya rito nang makita ang itsura nito. What happened to you?

Halatang hindi ito nakapag-shave nang umagang iyon. Although hindi naman nabawasan ang kaguwapuhan nito. In fact, nadagdagan pa nga ang appeal nito sa kanya. But still, hindi siya sanay na napapabayaan nito ang sarili. Ang buhok nga nito ay tila sinuklay lang ng mga daliri nito at ang suot na t-shirt ay gusot-gusot pa.

His hands were even dirty and there were traces of mud on his worn out pants.

Naghukay lang ako sa garden.

Naghukay ng ano?

Kahit ano. Pampatanggal ng stress.

Stress?

Dont tell me you didnt know.

Sinundan niya ito nang magtungo sa kusina.

Ano nga palang ginagawa mo rito? tanong nito habang naghuhugas ng kamay. Akala ko ba masyado kang busy sa trabaho mo ngayon?

Kung kailan naman dapat ay nagsasalita na siya, saka naman tila umurong ang kanyang dila.

Medyo busy din ako sa pagkakalkal ng lupa ngayon kaya kung ano man ang sasabihin mo, mabuti pang sabihin mo na.

Tuluyan na siyang nawalan ng lakas ng loob. She couldnt even summoned up the couraged to hate him for treating her like a stranger when only a few hours ago, he almost begged to talk to him. Kaya ipinasya na lang niyang umalis.

Pasensiya na sa istorbo. Babalik na lang siguro ako kapag hindi ka na busy.

But the moment she turned around, he had blocked her way out. The roughness in his eyes was gone. In its

place was an emotion she could easily figured out asgiving up.

Giving up on what?

Lagi na lang ba tayong maghahabulan, Andi? Im sick and tired of this.

Sino ba ang nagpapalis sa akin dito? ganti niya.

Narinig mo ba akong pinaalis kita?

You just told me

Alright. Its my fault. Im sorry.

Alam mo kung ano ang mga kasalanan mong inihihingi mo ng sorry?

Hindi. Pero wala na akong pakialam kung may kasalanan man ako o wala. But Im sorry, anyway. Justdont go. Lets talk, please.

Napabuntunghininga na lang siya. I was supposed to hate you, you know?

Then hate me.

I cant.

Then will you just love me, instead?

I already did. Remember?

Kung ganon bakit bigla ka na lang lumayo? punungpuno ng pagdaramdama ang boses nito. You just

dont know how happy I was when you told me you love me. Pero agad mo ring binawi iyon. That was a cruel thing to do.

What else do you expect?

Dahil nagsinungaling ako sa iyo tungkol sa totoo kong pagkatao?

Hindi lang iyan. Nalaman ko rin sa pamangkin ko at sa mga kaibigan niya na matagal ka na palang narito sa bansa. Ano pa ba ang hindi ko nalalaman tungkol sa iyo, Christian?

Wala na. Iyon lang ang itinago ko sa iyo. Hindi rin mahahalata sa ekspresyon nito ang pagsisisi. I wont say sorry for it. Dahil kung hindi naman ako nagsinungaling ay hindi naman kita makakasama. Ginawa ko lang naman iyon dahil na rin sa iyo.

At kailan ko sinabing magsinungaling ka sa akin?

When you told your brother that youd rather have me as a gay guy than a straight guy.

What?

Sumandal ito sa hamba ng pinto ng kusina. Matagal na akong nagpapabalik-balik sa Pilipinas, Andi. And everytime, kina Ate Sam ako tumutuloy kaya kilala na rin ako ng mga tao rito. Matagal ko na ring nabili ang bahay na ito.

Bakit hindi mo sinasabi sa akin na ilang beses ka na palang sumusulpot dito sa bansa?

Dahil gusto kong maging maayos at perpekto ang lahat kapag nagkaharap na tayo. Kaya sinabihan ko sina Ate Sam at Kuya Nathan na huwag ipaalam sa iyo

ang lahat. At nang handa na ang lahat, saka mo naman sinabi kay Kuya Nathan ang tungkol sa wish mong sana nga ay binabae na lang ako gaya nang una mo akong makilala. Siyempre, noong una ay ayoko sanang magpanggap.

Inihagis nito ang basahan at muli siyang hinarap. I had a bad case of identity crisis when we were still in highschool. Alam mo iyan. But as I get to know you better, as I get to spend more and more time with you, unti-unti kong nararamdamang nagbabago na ako. Noong una ay naguguluhan pa ako dahil ang pagkakaalam ko nga ay isa ako, you know. At dahil sa kalituhan kong iyon, nagpasya akong lumayo na lang muna sa iyo.

So, hindi totoong naging busy ka noon sa pag-aaral mo.

Marahan itong umiling. Nag-aalala kasi akong kapag nalaman mong hindi naman pala ako gaya ng iniisip

mo, layuan mo na ako. Lagi mong sinasabi sa akin noon how stupid boys are. Na hinding-hindi mo sila magugustuhan dahil ang tingin nila sa kanilang mga sarili ay puro mga Greek gods na dapat sambahin ng mga babae. Iyon ang mga salitang tumatak sa isip ko kaya nang sa huli ay malaman kong nagkakagusto na nga talaga ako sa iyo, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kaya mo ba ako iniwasan noon?

I didnt know what to do. Pagkatapos ay umeksena pa si Miguel. Nagselos ako sa kanya kaya mas lalong nagulo ang sitwasyon natin. At pagkatapos nating mag-away noon, hindi mo na uli ako pinansin.

Ikaw diyan ang hindi na namansin pa.

Akala ko kasi, kayo ng dalawa.

Hindi, no. Sabi ko naman sa iyo, ikaw lang ang gusto ko nang mga panahong iyon.

Well, obviously, mas inintindi ko ang pagseselos ko imbes na ang mga sinabi mo. Identity crisis really sucks and I had a tough time going through that phase of my life.

And so you left without saying goodbye.

I had to. Gustong ayusin ang buhay ko. Gusto kong sa pagkikita nating muli, maharap na kita nang maayos.

Kung ganon bakit kinailangan mo pang magpanggap? Bakit hindi ka na lang humarap sa akin kung ano ka na talaga?

As I said, according to you brother, you were expecting a gay friend, not a straight guy. Kaya wala

akong ibang choice kundi ang magpanggap na muna pansamantala.

Humalukipkip siya. Pagkatapos ng mga narinig na pinagdaanan nitong hirap dahil sa kanya at mga bagay na isinakripisyo nito para na rin sa kanya, tuluyan ng naglaho ang anomang hinanakit niya rito.

At hanggang kailan mo naman balak na magtago sa mga alaalala ni Christina?

Noong pagkatapos mo akong halikan at i-announce sa mga taga-Rancho na sa iyo lang ako. Thats when I decided to join that dating game. Hindi ko na rin naman maitatago sa iyo ang nararamdaman ko dahil kusa na iyong lumalabas. Alam kong ilang beses mo na akong muntik ng mabuking. At bago pa mangyari iyon, na alam kong masama ang kahihinatnan, uunahan na kita. Ako na mismo ang magsasabi sa iyo. Kaya sa ikalawang pagkakataon, pinaghandaan ko uli ang magiging pagtatapat ko sa iyo.

Talagang naka-plano na rin ang pagsali mo sa dating game na iyon?

Sinigurado ko rin na hinding-hindi mo mapipili sina Van at Marx. Nagpatulong na rin ako sa lahat ng mga kapitbahay ko rito upang hindi mo mabuking na matagal na akong narito sa Pilipinas.

Kaya pala pakiramdam ko nang mga sandaling iyon ay pinagti-trip-an lang ako roon. And let me guess, naka-plano na rin ang biglaang pagbabakasyon nina Kuya.

Hiniling ko sa kanila na bigyan ako ng pagkakataong masolo ka.

Ni hindi man lang nag-alala si Kuya na bakabaka

May mangyari sa atin? Imposible iyan. I was supposed to be gay, remember? Isa pa, kung may mangyayari man sa atin, baka nga magpamisa pa ang kuya mo.

Desperado na talaga siyang magka-boyfriend ako, bulong niya. Sasabunutan ko talaga iyon.

He just smiled at her. Ah, how she missed that smile of his.

Andi, I didnt mean to lie to you or hurt you. I only wanted to be near you again. Pagkatapos ng maraming taon nating pagkakahiwalay, hindi mo lang alam kung paano akong nanabik na makita kang muli at makasama. Gagawin ko ang lahat para lang matupad iyon. Alam mo ba kung gaano ako kasaya nang mga sandaling iyon? Lalo na nang halikan kita? And then when you told me you love me, I was more than happy.

Kung ganon bakit ni wala ka man lang sinabi?

Hindi pa ba sapat ang halik kong iyon?

Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Sa tuwing maaalala niya ang eksenang iyon, hindi niya mapigilan ang sariling muling sariwain ang mga sandaling iyon sa mga bisig nito.

Christian finally walked towards her, pulled her into his arms and kissed her again. Tila ba alam na rin nito kung ano ang iniisip niya nang mga sandaling iyon. Hindi na siya tumutol pa nang muling maglapat ang kanilang mga labi. This has been a part of her dreams ever since.

Finally, she didnt have to dream anymore. Dahil totohanan na ito. Hindi na rin naman pala masama na mahalin mo ang iyong kaibigan.

I love you, Andi. Sige, nagsisisi na rin ako sa mga naging kasinungalingan ko.

Her answer was another heartwarming kiss.

Im sorry din, Christian. Nang dahil sa kagagahan ko, nahirapan ka tuloy sa naging pagpapanggap mo. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman talaga sa iyo bagay ang maging bading. Ipaubaya na lang natin iyon kay Michelle at sa mga ka-federasyon niya.

Mabuti pa nga. He kissed the tip of her nose. Thank you for loving me even if you thought I was different.

I couldnt help it. Noon pa man, ikaw na talaga ang gusto ko.

Inihilig niya ang ulo sa malapad nitong dibdib at pinakinggan ang malakas na tibok ng puso nito.

Ngayon ko lang ito naisip, Christian.

Ang alin?

Na hindi naman talaga ako nagrereklamo sa pagiging unfaithfull ng mga lalaki. I was just making an excuse for myself because I know, deep down, you were still the one that I want. Youre the only one. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi na ako nakuntento pa sa mga lalaking nakikilala ko. Hinahanap-hanap ko kasi sa kanila ang katauhan mo.

Nag-iisa lang ako.

Kaya nga, eh.

She looked up to him to see the love shining in his eyes.

Mabuti na lang pala at hindi niya hinayaang mawala ang nararamdaman niya rito kapalit ng kanilang pagkakaibigan. Pero kung hindi man naging ganito ang kinalabasan ng lahat, hinding-hindi niya pagsisisihan na minahal niya ito. Maaring makukuntento siya sa katauhan nito kung sakaling naging totoong binabae ito. Subalit hahayaan niya ang pusong mahalin pa rin ito nang buong-buo.

Oh, well, mabuti na lang at hindi na niya kailangan pang pagdaanan ang mga bagay na iyon. Because the love of her life was a real guy and he loves her as well.

Bakit? tanong nito.

Wala. Gusto lang kitang tingnan.

Ah, okay. Kapag nagsawa ka, sabihin mo lang sa akin at nang maipagpaalam na kita sa kuya mo.

Para saan?

What do you think?

Hindi pa rin ba nag-e-expire ang napanalunan nating date noong nakaraang linggo?

Ang layo naman ng iniisip mo.

E, tungkol saan ang sinasabi mo?

He closed his lips but his eyes was glowing with mischief and love for her. Secret.

May pa-secret-secret ka pang nalalaman diyan. Baka gusto mong

He stopped her by kissing her once again. Marry me.

What?

Muli siya nitong hinalikan. Marry me.

What?

Ngumisi ito. She matched his grin. Mukhang nagkaintindihan na rin sila sa wakas.

You might also like