• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
OVERCOMING PROBLEMS IN THE TEACHING AND USEOF FILIPINO, O ANG PAG-IGPAW SA MGA PROBLEMASA PAGTUTURO AT PAGGAMIT NG FILIPINO
1
Lilia F. Antonio, PhD
Sentro ng Wikang FilipinoUniversity of the Philippines Diliman
Essential issues to the present state of our national language cannot onlybe attributed to education but to the political, economic and linguistic situationsand other realms of our people's lives as well. This was summed up by the Sentrong Wikang Filipino's position paper on HB 4701. The paper discussed therelevance of the Filipino language in our society and its role in the effectivelearning of students as well as the problems encountered by teachers in itsimplementation, both inside and outside the classroom. Finally, the paper sharedthe general objectives of the Sentro ng Wikang Filipino and its current programsand initiatives as concrete steps in overcoming problems in the teaching and useof Filipino language in the academe.
NAIS
kong simulan ang aking papel ngayong hapon sa pagbasa sa posisyongpapel ng Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diliman kaugnay sa House Bill 4701 na maytitulong "Ipagtanggol ang Tagumpay ng Wikang Filipino, Tutulan ang Pagbabalik ngIngles Bilang Pangunahing Wikang Panturo!" Sa aking palagay, nilalagom ng posisyongpapel na ito ang pinakaubod ng kasalukuyang problema ng wikang pambansa nanakaugnay hindi lamang sa mga isyung pang-edukasyon kundi maging sa pampulitika,pang-ekonomiya, panlinggwistika at pangkasaysayang larang ng buhay ng bawatmamamayang Pilipino.
 
ahigpit naming tinututulan ang isang peligrosong panukala na muling niluto atihahain ng Kongreso laban sa wikang Filipino. Kinonsolida nitong Setyembre14, 2005 ng Committee on Basic Education and Culture at Committee onHigher and Technical Education ng Kongreso sa iisang panukalang batas ang kampanyaupang tuluyang maipatupad ang paggamit ng wikang Ingles bilang pangunahing wikangpanturo sa batayan at mataas na antas ng edukasyon. Ito ang
 
“English as the Medium of  Instruction Act” 
o ang
House Bill 4701.
2
M
1
Papel na binasa sa The 9th Philippine Linguistics Congress na ginanap sa Science and Technology Training Center atNat. Inst. of Science and Mathematics Education Dvelopment , UP Diliman, Q.C. noong Enero 25-27, 2006. Ang ilangbahagi ay mula sa papel na binasa sa Seminar-Workshop tungkol sa "Proactive Responses to Language Issues inPhilippine Education and Development" sa pagtataguyod ng Institute of Language and Culture, Kalayaaan College naginanap sa U.P. College Cebu noong Oktubre 27-28, 2005.Nakatulong nang malaki sa pagbuo ng papel na ito sina Marita C. Pimentel, University Extension Specialist ng Sentrong Wikang Filipino U.P. – Diliman at Florentino A. Iniego, Jr., Instruktor,Departamento ng Filipino at Panitikan ngPilipinas-Kolehiyo ng Arte at Literatura-U.P. Diliman.
2
Ang House Bill 4701 ay konsolidasyon ng apat pang panukalang batas na nakahain sa Kongreso laban sa wikangFilipino. Ito ang mga sumusunod:
1)
 An Act Providing for the Use of English As A Medium of Instruction in PhilippineSchools
(HB 676),
2)
 An Act Providing for the Use of Basic English as the Medium of Instruction in Pre-school,
9
th
Philippine Linguistics Congress (25-27 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
 
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
Dahil dito higit pang pinagbuklod at pinalakas ng HB 4701 ang atake sa wikangFilipino. Ipinag-uutos nito ang sapilitang
 
paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ngpagtuturo sa lahat ng antas, sa lahat ng sabjek (maliban sa Filipino), at sa lahat ng oras sabawat sulok ng paaralan simula sa akademikong taon 2007-2008. Saklaw nito angpreschool, elementarya, hay-iskul, at kolehiyo; at maging sa mga teknikal at bokasyonalna kurso. Nakalakip din sa panukala ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng mgaeksaminasyon para sa admisyon, akreditasyon at akselerasyon ng mga paaralan.Ang HB 4701 ay supling ng dalawang naunang hakbangin upang puksain angwikang Filipino. Una na rito ang HB 1652 nina Kongresman Jose R. Gullas at EdgardoR. Gullas na naglalayong gawing Ingles ang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antassimula unang baitang. Sinundan ito ng atas ni Pangulong Gloria M. Arroyo, angExecutive Order 210 na naglalayong palakasin ang Ingles sa pamamagitan ngpagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo.Kapag naisabatas ang HB 4701, ipawawalang-bisa nito ang Patakarang Bilingguwalng 1987 na naglalayong pahusayin ang kasanayan sa Filipino at Ingles sa pamamagitan ngpagtuturo ng dalawang wikang ito at sa paggamit ng mga ito bilang mga midyum ngpagtuturo sa lahat ng antas.Bukod sa pagtutol, dapat labanan at biguin ang HB 4701. Dahil una, ito ay sukdulangpaglabag at pagbaluktot ng probisyon sa wika ng Konstitusyon 1987. Ayon sa Artikulo 14Seksiyon 6: “Sang-ayon sa mga probisyon ng batas at sa kung ano ang nararapat ayon saKongreso, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno upang masimulan at maipagpatuloyang paggamit sa Filipino bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.Ngunit sa HB 4701, sa halip na ipagpatuloy ang nasimulan, winawakasan at pupuksainnito ang wikang Filipino.Ikalawa, binabale-wala nito ang mga pag-aaral ukol sa siyentipikong batayan ngpagkatuto ng mga mag-aaral. Pinatutunayan ng mga pananaliksik sa bansa at karanasan sapandaigdigang pagsusulit (EDCOM Report 1998; Third International Math and ScienceStudy-TIMSS) na mas mabisa at mabilis matuto ang bata ng pangalawang wika kungmatatag ang pundasyon niya sa unang wika. At kasunod nito, mas madaling matutuhan ngmag-aaral ang iba pang aralin kapag itinuro ang mga ito gamit ang wikang alam niya. Samadaling salita, dapat patatagin muna ang kasanayan ng mag-aaral sa akademikongpaggamit ng kanyang unang wika (wikang bernakular o Filipino) bago ituro angpangalawang wika (Ingles).At ikatlo, inililibing nito sa limot ang makasaysayang pagpupunyagi ng mgamakabayang Filipino mula kay Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel L. Quezon at samga delegadong masikhay na nagratipika ng mga probisyon sa Konstitusyon 1987 sapagtatanghal ng wikang pambansa. Ang pagbabalik ng Ingles bilang midyum ng
 Elementary and High Schools and Prescribing the Teaching in Specialized English in Tertiary Levels of the Philippine Educational System
(HB 2846),
3)
 
 An Act Providing for the Adoption of a New Bilingual Program in Philippine Schoolsand the Use of English As Medium of Instruction
(HB 2894), at
4)
 
 An Act Prescribing English As the Medium of  Instruction in All Curricular Subjects, Except in Filipino Language Subjects, in All Public Elementary and SecondarySchools
(HB 3203).
9
th
Philippine Linguistics Congress (25-27 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
2
 
Antonio/Overcoming Problems in the Teaching and Use of Filipino
pagtuturo ay isang malinaw na pagpapawalang-halaga sa dunong, pawis, panahon, atsalaping isinakripisyo alang-alang sa tagumpay ng wikang Filipino.Binibigyang-diin ng mga Kongresman at mismong ni Pangulong Arroyo nakailangang gawing obligatoryo ang Ingles upang maging “globally competitive” atmapataas ang “English comprehension" ng mga Filipino. Ngunit sa likod ng mgaretorikang ito ng globalisasyon, ang kampanya sa Ingles ay lumilikha ng mga “worldclass citizen” na mapabibilang lamang sa hukbo ng domestic helpers, call-centeroperators, mga guro, mga nars at doktor, at iba pang propesyonal na lumalabas ng bansa.Sa halip na asikasuhin ng gobyerno ang ekonomiya, siyensiya, at negosyo upang lumikhang oportunidad sa lokal na trabaho, ang pagtatamo ng “English proficiency” ay nakatuonsa paglilingkod sa kapakanan ng dayuhan.Hindi Ingles ang solusyon sa problema ng bayan. Matagal na nating ginagamit angwikang ito ngunit nananatili pa rin ang problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon.Ang tunay na solusyon ay ang pagkakaroon ng isang gobyernong may matatag nakapasiyahang politikal upang iwaksi ang politika ng pakikipagkompromiso, pandaraya, atpaninikluhod sa dayuhan. Isang gobyernong may makabansa, siyentipiko, atdemokratikong programa sa pagpapahusay ng sistema ng edukasyon.Sa halip na gumawa ng paraan upang itaguyod ang pambansang wika, muling hinahatiat pinagwawatak-watak ng administrasyong Arroyo ang sambayanan. Inilalayo nito angbukal at batis ng mabunying kaalaman na makakamit sa paggamit ng kanyang sarilingwika tungo sa landas ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran.Dapat nating paigtingin ang pagkakaisa upang paghandaan ang nagbabantang unos sawikang Filipino. Iisa lamang ang direksiyon na tinatahak ng HB 1652, EO 210, at HB4701: ang pagbabago ng Konstitusyon o ang charter change. Kaya’t hindi nakapagtatakangang mga isponsor ng mga panukalang batas at atas laban sa wikang Filipino ang siyangring mangunguna sa pagwawasiwas ng tabak upang tuluyan nang pugutan ng ulo angwikang Filipino sa Konstitusyon.Bilang mga edukador, mananaliksik, mag-aaral, at mamamayang nagmamahal sawika, kultura, kasaysayan, at identidad ng Filipino kailangan nating magsama-sama hindilamang sa loob ng paaralan kundi maging sa lansangan upang lumahok sa malawakangpakikibaka ng sambayanan. Ang atake sa wikang Filipino ay atake sa ating pagkabansa.Atake ito sa kabuhayan, karapatan, at kapakanan ng sambayanan. Kapag minamaliit atipinagkakait ang wikang Filipino sa mamamayan, para na ring kinitil ang kanilangkarapatan na mabuhay ng malaya, marangal, at matalinong ipagmalaki ang kanilangpagka-Filipino.Ang pakikibaka ng wikang Filipino ay hindi na lamang pakikibaka sa loob ngakademya. Ang problemag pangwika ay problemag pambansa. Kung kaya’t kami saSentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas ay nanawagan naTUTULAN, LABANAN, AT BIGUIN ANG HOUSE BILL 4701!!!IPAGTANGGOL ANG TAGUMPAY NG WIKANG FILIPINO!!!
9
th
Philippine Linguistics Congress (25-27 January 2006)Organized by the Department of Linguistics, University of the Philippines
3
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...