• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
“Bata, Bata, Bakit Ka Iniwan ?”
(Isang Masusing Pagtalakay Sa Mga Karanasan ng Mga BatangNakararanas ng Child Abandonment)
Cagurungan
, Marie June L.,
Quiambao
, Raphael Louis D.,
Ramirez
, Marie Danielle C.,
Samot
, Eryll Jean D.,
Santos,
Karissa M.
Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing , Pangkat 1-2 ng Unang Taon SY 2008-2009
Sa Patnubay ni :
Gng. Zendel Rosario Manaois- Taruc
www. deviantart. com
Panimula 
Sinasabi na ang pangunahing yunit ng komunidad ay ang pamilya. Ito ay karaniwangpinaniniwalaan ng mga Pilipino, na may malaking pagpapahalaga sa aspeto ng isang buong pamilya.Sa kabila nito, marami pa ring mga magulang ang pinipiling iwanan ang kanilang mga anak sa kamayat pag-aaruga ng hindi nila kakilala. Ang walang kamalay-malay na batang iniwan ay lalaking hindikilala ang kanyang tunay na mga magulang, mistulang ligaw sa dapat tahaking landas. Lagi niyanghahanap-hanapin ang kalinga ng isang magulang na hindi niya nadama kahit kailan, kaya’t sa iba’t-ibang paraan, lugar, o bagay niya pilit itong hahanapin habang kinikimkim ang katotohanang walatalaga siyang alam sa sinasabing “espesyal na kalinga” na ito.Kadalasan, ang ating atensyon ay laging nasa dahilan ng mga magulang upang iwanan nangganoon lang ang kanilang anak na kung tutuusin ay sarili nilang dugo at laman. Hindi nila naiisip anghinanakit ng inabandonang bata. Sa sitwasyong ito, ang bata ang laging biktima. Siya ang masnahihirapan at nasasaktan. Ang pakiramdam na walang gumagabay at nag-aaruga ay lubhangmasakit at hindi katanggap-tanggap. Hindi nila alam kung saan ba sila nabibilang sa komunidad kungsaan ang pamilya ang isa sa mga pinakaimportanteng sangkap.Ang “child abandonment” ay ang pagpapabaya at pagsasawalang bahala ng mga magulanghindi lamang sa kanilang mga anak, pati na rin sa kanilang mga obligasyon at responsibilidad bilangtagapag-alaga. Ito ang nagsisilbing paraan ng karamihan upang matakbuhan ang kanilang kahirapansa buhay at upang maisalba ang mga bata sa parehong kalagayan na kanilang posiblengkahihinatnan. Ito ay isa sa mga pinakaimportanteng isyu ng ating komunidad at ng kabataan lalonglalo na ngayong panahon kung saan ang turing sa isang batang inabandona ay isang rebelde o mgataong hindi tanggap ng isang pamayanan. Ang mga taong nakapaligid sa mga batang ito ay hindinaiisip na ang kanilang kalagayan ay hindi nila kasalanan. Kung mapagtatanto at lubos na iintindihinlamang ang kanilang kondisyon, ang tulong at pag-unawa ay madaling maibibigay ng ating mgapuso. Kailangan natin silang tulungan upang maiwasan ang paglihis nila sa tamang landas sa buhay.Ang mga batang inabandona ay karaniwang iniiwan ng kanilang mga magulang sa mga taongpinaniniwalaan nilang makapagbibigay kalinga at pagmamahal sa kanilang mga anak. Ito ay ayon sateoryang “Kindness Of The Strangers” ni John Boswell noong 1988. Sinasabi sa teoryang ito na
 
laganap ang child abandonment. Ang mga batang biktima dito ay kalimitang produkto ngipinagbabawal na pag-ibig, may malubhang karamdaman, at minsan, pati na rin ang mga lihitimonganak. Sa kanyang pag-eestima, mga 20-40% ng mga bata ang inabandona noong unang tatlong siglo.Ngunit sinasabi rin niya na marami sa mga batang ito ay nasagip sa tulong ng mga estranghero. Angmga iba ay naging mga alipin, ngunit ang iba naman ay nabigyan ng pagkakataong maging bahaging isang pamilya.Ang kanyang ideya ng child abandonment ay isang praktikal at pinakamabuting paraan ngpag-iwan sa mga batang hindi kayang tustusan o alagaan ng kanilang mga magulang. Ngunit nilinawni Boswell na ang kanyang teorya ay naiiba sa teoryang “Infanticide”. Ang teoryang “Infanticide” ayang pagpatay sa mga batang may diperensya o mga batang inayawan ng kanilang mga magulangdahil sa iba’t-ibang rason. Batay sa pag-aaral ng mga mananalaysay at mga antropologo, ito ay isangimportanteng salik ng pagbabantay o pagkontrol ng populasyon simula pa noon. Sa pag-aaral niBoswell, naipakita niya ang kaibahan ng dalawang teorya na kung saan sa
Infanticide
, ang tangingnaghihintay sa mga bata ay kamatayan, samantalang sa kanyang “Kindness Of The Strangers”, hindilaging humahantong ang
child abandonment 
sa kamatayan. Maari rin itong magbigay daan sa pang-aalipin. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, ito ay kadalasang humahantong sa pagkakatagpo ngbagong pamilya.
Paghahambing sa Teoryang “Kindness of Strangers” at Teoryang “Infanticide”LayuninSa katapusan ng pamanahong papel, layunin ng mga mananaliksik na:
Masuri ang mga karanasan ng mga batang dumaranas ng “child abandonment” partikular ngmga minor de edad sa Pilipinas.
Matuklasan at mailahad ang mga salik na napapaloob sa
child abandonment 
.
Maibigay ang pagkakaiba sa mga pananaw ng mga batang inabandona sa bahay ampunan,sektor ng pamahalaan na nangangalinga sa mga batang inabandona, at mga batang iniwan sakanilang mga kamag-anak.
Mailahad ang kwento ng iba’t-ibang sitwasyon ng mga batang inabandona sa Pilipinas.
I. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
 
CHILDABANDONMENT
Kahirapan
Pag-regulang populasyon
Kindness of StrangersInfanticide
Pang-aalipinKamatayanBagong PamilyaKamatayanBawal na pag-ibigMalubhangkaramdaman
www.deviantart.comwww.photobucket.com,www.deviantart.com
 
“Child Abandonment” sa Kabuuan
Ang pag-abandona sa bata ay isang gawain ng isang magulang na nagpapakita na hindi naniya balak pang masama sa buhay ng kanyang anak (Wolf, 2008). Ang pagpapabaya sa kabataan aynag-uugat sa napakaraming dahilan. Ito ay mula sa ulat ni Justin Long (WP). Ang ilan sa mga ito ayang kahirapan, paghihiwalay ng magulang, pagiging iresponsable ng mga magulang, maagangpagbubuntis, atbp. Ang lahat ng ito ay nararanasan ng bawat bansa sa mundo, mahirap man omayaman, magmula pa noon hanggang ngayon. Ang problema ng pag-iwan sa mga bata ay mabigatat patuloy pang lumalala. Karamihan sa mga batang biktima nito ay nasa ampunan o di namankaya’y nasa lansangan, kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang mga pamilya. Sila aykadalasang pinahihirapan, pinapatay, at binebenta habang patuloy pa rin silang dumarami. Isa itongproblema na tayo lahat ay sangkot at tayong lahat din ang dapat magresolba.
Mga Personal na dahilan ng mga magulang sa pag-iwan ng mga sanggol sa ospital 
Napakalaki ng epekto sa buhay ng mga sanggol ang pag-aabandona sa kanila ng kanilang mgamagulang, ayon ito kay Shen Jiahong, isang propesor at
 psychologist 
sa Tsina. Ngayon, nagigingtalamak na ang pag-iwan sa mga sanggol sa ospital. Pangunahing dahilan nito ang mahinangkalagayan o malubhang karamdaman ng mga bata, idagdag pa rito ang kawalan ng kapasidad ngmga magulang na tustusan ang gamutan ng kanilang mga supling (Hawke, 2005). Pinipili na lang ngmga magulang na iwanan ang kanilang anak dahil para sa kanila, ospital lamang angmakapagbibigay ng pinakamabuting pangangalaga sa mga sanggol pagdating sa kalusugan. Ito aydahil din sa hindi nila kayang bayaran ang gastos sa panganganak. At panghuli, hindi matanggap ngpamilya ang hindi magandang kinahantungan ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.Pero sa bawat kwento ng pag-aabandona, bawat isa at natatangi dahil na rin sa iba’t-ibangrason ng mga magulang sa pag-iwan sa kanilang mga anak. Sa paglaki ng mga sanggol na iniwan,nahihirapan sila makisalamuha sa ibang tao dahil walang magulang na gumagabay sa kanila.Napakahalaga ng ginagampanang tungkulin ng mga magulang sa paggabay at pagpapalaki ngkanilang mga anak. Sila ang tumutulong sa mga bata sa paghubog ng kanilang magagandang ugali,ang kanilang sariling pagkatao sa kabuuan. Dahil na nga maagang iniwanan ng mga magulang angbata, nagkakaroon ito ng malaking puwang sa kanyang paglaki at ang kanyang pangangailangangpangangalaga ay naisasantabi (UNICEF, 2005). Ang pag-aabandona sa mga bata ay isangnapakalalim na sugat na hindi malilimutan kailanman ng isang bata (Stuy, 2007).
Kahirapan: Isa sa pinakamalaking dahilan ng child abandonment 
Ang pagsisi lagi sa magulang bilang pinaka may kasalanan sa pag-aabandona ng bata ay hindilaging tama. Ang mahirap na kondisyon ng buhay ng mga magulang ay siyang tumutulak sa kanilaupang abandonahin ang kanilang anak kahit salungat ito sa kanilang mga saloobin. Sinasabi din nakailangan magabayan ang mga magulang partikular na ang mga nanay dahil malaki ang dulot sakanila ng kahirapan. Sa kanilang pagsuko, ang kawawang bata ang dumaranas ng mapait nakahihinatnan (Wiegers, 2002). Ang isang maganda at maunlad na pamayanan ay may mas maliit naposibilidad ng “child abandonment” dahil sa kanilang maayos at magandang kondisyon sa buhay(WP).
Tungkulin ng bagong pamilya sa batang inabandona
Ayon kay Dana E. Johnson (2002) ng Elsevier Development, mayroong iba’t-ibang epekto angpagpapaampon sa paglaki ng bata. Ang pagpapaampon ay kalimitang ginagawa pag wala nang
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...