“Child Abandonment” sa Kabuuan
Ang pag-abandona sa bata ay isang gawain ng isang magulang na nagpapakita na hindi na niya balak pangmasama sa buhay ng kanyang anak (Wolf, 2008). Ang pagpapabaya sa kabataan ay nag-uugat sa napakaramingdahilan. Ito ay mula sa ulat ni Justin Long (WP). Ang ilan sa mga ito ay ang kahirapan, paghihiwalay ng magulang,pagiging iresponsable ng mga magulang, maagang pagbubuntis, atbp. Ang lahat ng ito ay nararanasan ng bawat bansasa mundo, mahirap man o mayaman, magmula pa noon hanggang ngayon. Ang problema ng pag-iwan sa mga bata aymabigat at patuloy pang lumalala. Karamihan sa mga batang biktima nito ay nasa ampunan o di naman kaya’y nasalansangan, kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang mga pamilya. Sila ay kadalasang pinahihirapan,pinapatay, at binebenta habang patuloy pa rin silang dumarami. Isa itong problema na tayo lahat ay sangkot at tayonglahat din ang dapat magresolba.
Mga Personal na dahilan ng mga magulang sa pag-iwan ng mga sanggol sa ospital
Napakalaki ng epekto sa buhay ng mga sanggol ang pag-aabandona sa kanila ng kanilang mga magulang,ayon ito kay Shen Jiahong, isang propesor at
psychologist
sa Tsina. Ngayon, nagiging talamak na ang pag-iwan sa mgasanggol sa ospital. Pangunahing dahilan nito ang mahinang kalagayan o malubhang karamdaman ng mga bata,idagdag pa rito ang kawalan ng kapasidad ng mga magulang na tustusan ang gamutan ng kanilang mga supling(Hawke, 2005). Pinipili na lang ng mga magulang na iwanan ang kanilang anak dahil para sa kanila, ospital lamangang makapagbibigay ng pinakamabuting pangangalaga sa mga sanggol pagdating sa kalusugan. Ito ay dahil din sahindi nila kayang bayaran ang gastos sa panganganak. At panghuli, hindi matanggap ng pamilya ang hindi magandangkinahantungan ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.Pero sa bawat kwento ng pag-aabandona, bawat isa at natatangi dahil na rin sa iba’t-ibang rason ng mgamagulang sa pag-iwan sa kanilang mga anak. Sa paglaki ng mga sanggol na iniwan, nahihirapan sila makisalamuha saibang tao dahil walang magulang na gumagabay sa kanila. Napakahalaga ng ginagampanang tungkulin ng mgamagulang sa paggabay at pagpapalaki ng kanilang mga anak. Sila ang tumutulong sa mga bata sa paghubog ngkanilang magagandang ugali, ang kanilang sariling pagkatao sa kabuuan. Dahil na nga maagang iniwanan ng mgamagulang ang bata, nagkakaroon ito ng malaking puwang sa kanyang paglaki at ang kanyang pangangailangangpangangalaga ay naisasantabi (UNICEF, 2005). Ang pag-aabandona sa mga bata ay isang napakalalim na sugat nahindi malilimutan kailanman ng isang bata (Stuy, 2007).
Kahirapan: Isa sa pinakamalaking dahilan ng child abandonment
Ang pagsisi lagi sa magulang bilang pinaka may kasalanan sa pag-aabandona ng bata ay hindi laging tama.Ang mahirap na kondisyon ng buhay ng mga magulang ay siyang tumutulak sa kanila upang abandonahin ang kanilanganak kahit salungat ito sa kanilang mga saloobin. Sinasabi din na kailangan magabayan ang mga magulang partikularna ang mga nanay dahil malaki ang dulot sa kanila ng kahirapan. Sa kanilang pagsuko, ang kawawang bata angdumaranas ng mapait na kahihinatnan (Wiegers, 2002). Ang isang maganda at maunlad na pamayanan ay may masmaliit na posibilidad ng “child abandonment” dahil sa kanilang maayos at magandang kondisyon sa buhay (WP).
Tungkulin ng bagong pamilya sa batang inabandona
Ayon kay Dana E. Johnson (2002) ng Elsevier Development, mayroong iba’t-ibang epekto ang pagpapaampon sapaglaki ng bata. Ang pagpapaampon ay kalimitang ginagawa pag wala nang natitirang ugnay sa isang bata sa kanyangtunay na magulang at kapag ito na lamang ang natitirang paraan para sa magandang kinabukasan ng bata (McKenzie,1993). Ang batang napapaampon sa maayos na pamilya ay nahuhubog sa paraang tama ngunit kabaligtaran namanang pangyayari sa mga napupunta sa pabayang pamilya. Responsibilidad ng mga sangay na umaasikaso sapagpapaampon ang maayos na pagpili sa mga magulang na tanging makapagbibigay ng malinaw na edukasyon samga bata (Testa, 2004), kaya dapat isipin ng mga nag-aampon ang kapakanan ng bata dahil sa kanilang magigingdesisyon ay magkakaroon ng malaking epekto sa personalidad at maging sa prinsipyo na dadalhin ng bata hanggangsa dulo ng kanyang paglaki.
Child Abandonment Kaugnay ng Child Enslavement
Ang isa sa mga epekto ng “child abandonment” ay ang “child enslavement”. Ayon kay Andrew Cockburn sakanyang “21
st
Century Slaves”, may dalawampu’t-pitong milyong kababaihan at kalalakihan ang ginagawang alipin atkinukulong upang pilitin magtrabaho at magsilbi na kadalasang ginagamitan ng karahasan upang abusuhin angkanilang karapatang pantao (Denee, 2004). Ang sapilitang pagtatrabaho ay isang gawain kung saan ang bata aypinagtatrabaho na wala pa sa legal na edad at ng mga bagay na higit pa sa kanyang kapasidad (Fisehaassefa, 2008).
Leave a Comment