• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • 1
    CommentGo Back
Download
 
“Bata, Bata, Bakit Ka Iniwan?”
(Isang Masusing Pagtalakay Sa Mga Karanasan ng Mga BatangNakararanas ng Child Abandonment)
Cagurungan
, Marie June L.,
Quiambao
, Raphael Louis D.,
Ramirez
, Marie Danielle C.,
Samot
, Eryll Jean D.,
Santos,
Karissa M.
Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing , Pangkat 1-2 ng Unang Taon SY 2008-2009
Sa Patnubay ni :
Gng. Zendel Rosario Manaois- Taruc
www. deviantart. com
Panimula
 
Sinasabi na ang pangunahing yunit ng komunidad ay ang pamilya. Ito ay karaniwangpinaniniwalaan ng mga Pilipino, na may malaking pagpapahalaga sa aspeto ng isang buongpamilya. Sa kabila nito, marami pa ring mga magulang ang pinipiling iwanan ang kanilang mgaanak sa kamay at pag-aaruga ng hindi nila kakilala. Ang walang kamalay-malay na batang iniwanay lalaking hindi kilala ang kanyang tunay na mga magulang, mistulang ligaw sa dapat tahakinglandas. Lagi niyang hahanap-hanapin ang kalinga ng isang magulang na hindi niya nadama kahitkailan, kaya’t sa iba’t-ibang paraan, lugar, o bagay niya pilit itong hahanapin habang kinikimkimang katotohanang wala talaga siyang alam sa sinasabing “espesyal na kalinga” na ito.Kadalasan, ang ating atensyon ay laging nasa dahilan ng mga magulang upang iwanannang ganoon lang ang kanilang anak na kung tutuusin ay sarili nilang dugo at laman. Hindi nilanaiisip ang hinanakit ng inabandonang bata. Sa sitwasyong ito, ang bata ang laging biktima. Siyaang mas nahihirapan at nasasaktan. Ang pakiramdam na walang gumagabay at nag-aaruga aylubhang masakit at hindi katanggap-tanggap. Hindi nila alam kung saan ba sila nabibilang sakomunidad kung saan ang pamilya ang isa sa mga pinakaimportanteng sangkap.Ang “child abandonmentay ang pagpapabaya at pagsasawalang bahala ng mgamagulang hindi lamang sa kanilang mga anak, pati na rin sa kanilang mga obligasyon atresponsibilidad bilang tagapag-alaga. Ito ang nagsisilbing paraan ng karamihan upangmatakbuhan ang kanilang kahirapan sa buhay at upang maisalba ang mga bata sa parehongkalagayan na kanilang posibleng kahihinatnan. Ito ay isa sa mga pinakaimportanteng isyu ngating komunidad at ng kabataan lalong lalo na ngayong panahon kung saan ang turing sa isangbatang inabandona ay isang rebelde o mga taong hindi tanggap ng isang pamayanan. Ang mgataong nakapaligid sa mga batang ito ay hindi naiisip na ang kanilang kalagayan ay hindi nilakasalanan. Kung mapagtatanto at lubos na iintindihin lamang ang kanilang kondisyon, ang tulongat pag-unawa ay madaling maibibigay ng ating mga puso. Kailangan natin silang tulungan upangmaiwasan ang paglihis nila sa tamang landas sa buhay.
 
Ang mga batang inabandona ay karaniwang iniiwan ng kanilang mga magulang sa mgataong pinaniniwalaan nilang makapagbibigay kalinga at pagmamahal sa kanilang mga anak. Itoay ayon sa teoryang “Kindness Of The Strangers” ni John Boswell noong 1988. Sinasabi sateoryang ito na laganap ang child abandonment. Ang mga batang biktima dito ay kalimitangprodukto ng ipinagbabawal na pag-ibig, may malubhang karamdaman, at minsan, pati na rin angmga lihitimong anak. Sa kanyang pag-eestima, mga 20-40% ng mga bata ang inabandona noongunang tatlong siglo. Ngunit sinasabi rin niya na marami sa mga batang ito ay nasagip sa tulongng mga estranghero. Ang mga iba ay naging mga alipin, ngunit ang iba naman ay nabigyan ngpagkakataong maging bahagi ng isang pamilya.Ang kanyang ideya ng child abandonment ay isang praktikal at pinakamabuting paraan ngpag-iwan sa mga batang hindi kayang tustusan o alagaan ng kanilang mga magulang. Ngunitnilinaw ni Boswell na ang kanyang teorya ay naiiba sa teoryang “Infanticide”. Ang teoryang“Infanticideay ang pagpatay sa mga batang may diperensya o mga batang inayawan ngkanilang mga magulang dahil sa iba’t-ibang rason. Batay sa pag-aaral ng mga mananalaysay atmga antropologo, ito ay isang importanteng salik ng pagbabantay o pagkontrol ng populasyonsimula pa noon. Sa pag-aaral ni Boswell, naipakita niya ang kaibahan ng dalawang teorya nakung saan sa
Infanticide
, ang tanging naghihintay sa mga bata ay kamatayan, samantalang sakanyang “Kindness Of The Strangers”, hindi laging humahantong ang
child abandonmen
sakamatayan. Maari rin itong magbigay daan sa pang-aalipin. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat,ito ay kadalasang humahantong sa pagkakatagpo ng bagong pamilya.
Paghahambing sa Teoryang “Kindness of Strangers” at Teoryang “Infanticide”
LayuninSa katapusan ng pamanahong papel, layunin ng mga mananaliksik na:
Masuri ang mga karanasan ng mga batang dumaranas ng “child abandonment” partikularng mga minor de edad sa Pilipinas.
Matuklasan at mailahad ang mga salik na napapaloob sa
child abandonment 
.
Maibigay ang pagkakaiba sa mga pananaw ng mga batang inabandona sa bahayampunan, sektor ng pamahalaan na nangangalinga sa mga batang inabandona, at mgabatang iniwan sa kanilang mga kamag-anak.
Mailahad ang kwento ng iba’t-ibang sitwasyon ng mga batang inabandona sa Pilipinas.
 
CHILDABANDONMENT
Kahirapan
Pag-regulang populasyon
Kindness of StrangersInfanticide
Pang-aalipinKamatayanBagong PamilyaKamatayanBawal na pag-ibigMalubhangkaramdaman
www.deviantart.com
 
I. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
“Child Abandonment” sa Kabuuan
Ang pag-abandona sa bata ay isang gawain ng isang magulang na nagpapakita na hindina niya balak pang masama sa buhay ng kanyang anak (Wolf, 2008). Ang pagpapabaya sakabataan ay nag-uugat sa napakaraming dahilan. Ito ay mula sa ulat ni Justin Long (WP). Angilan sa mga ito ay ang kahirapan, paghihiwalay ng magulang, pagiging iresponsable ng mgamagulang, maagang pagbubuntis, atbp. Ang lahat ng ito ay nararanasan ng bawat bansa samundo, mahirap man o mayaman, magmula pa noon hanggang ngayon. Ang problema ng pag-iwan sa mga bata ay mabigat at patuloy pang lumalala. Karamihan sa mga batang biktima nitoay nasa ampunan o di naman kaya’y nasa lansangan, kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ngkanilang mga pamilya. Sila ay kadalasang pinahihirapan, pinapatay, at binebenta habangpatuloy pa rin silang dumarami. Isa itong problema na tayo lahat ay sangkot at tayong lahat dinang dapat magresolba.
 Mga Personal na dahilan ng mga magulang sa pag-iwan ng mga sanggol sa ospital 
Napakalaki ng epekto sa buhay ng mga sanggol ang pag-aabandona sa kanila ng kanilangmga magulang, ayon ito kay Shen Jiahong, isang propesor at
 psychologist 
sa Tsina. Ngayon,nagiging talamak na ang pag-iwan sa mga sanggol sa ospital. Pangunahing dahilan nito angmahinang kalagayan o malubhang karamdaman ng mga bata, idagdag pa rito ang kawalan ngkapasidad ng mga magulang na tustusan ang gamutan ng kanilang mga supling (Hawke, 2005).Pinipili na lang ng mga magulang na iwanan ang kanilang anak dahil para sa kanila, ospitallamang ang makapagbibigay ng pinakamabuting pangangalaga sa mga sanggol pagdating sakalusugan. Ito ay dahil din sa hindi nila kayang bayaran ang gastos sa panganganak. At panghuli,hindi matanggap ng pamilya ang hindi magandang kinahantungan ng bagong miyembro ngkanilang pamilya.Pero sa bawat kwento ng pag-aabandona, bawat isa at natatangi dahil na rin sa iba’t-ibangrason ng mga magulang sa pag-iwan sa kanilang mga anak. Sa paglaki ng mga sanggol nainiwan, nahihirapan sila makisalamuha sa ibang tao dahil walang magulang na gumagabay sakanila. Napakahalaga ng ginagampanang tungkulin ng mga magulang sa paggabay atpagpapalaki ng kanilang mga anak. Sila ang tumutulong sa mga bata sa paghubog ng kanilangmagagandang ugali, ang kanilang sariling pagkatao sa kabuuan. Dahil na nga maagang iniwananng mga magulang ang bata, nagkakaroon ito ng malaking puwang sa kanyang paglaki at angkanyang pangangailangang pangangalaga ay naisasantabi (UNICEF, 2005). Ang pag-aabandonasa mga bata ay isang napakalalim na sugat na hindi malilimutan kailanman ng isang bata (Stuy,2007).
www.photobucket.com,www.deviantart.com
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...

hi mga baby ang cute ninyo sana maka ampun ako nang batang babae text me 09215517285

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...