konseptong ito ay nalinang salamat sa libro ni Simpson sa identidad ng pagkalalaki sa mundongpinagagalaw ng media, na tinatawag na
Male Impersonators: Men Performing Masculinity.
(St. John, 2003)
Hulyo ng 2003 ipinalabas ang dokumentaryong
Totally Gay
sa
VH1
at sinundannaman ito ng
Queer Eye for the Straight Guy
sa
Bravo.
Pinag-usapan at tinalakay sa mgapalabas ang bagong klase ng kalalakihan, samantala, ibinalita naman sa mga pahayagan, angmga bagong uso na naaayon sa kanila (van Bree, 2004).
C.Depinisyon ng Metrosekswal
Ang metrosekswal ayon kay Richard Trubo (w.p.) ay isang
straight
, sensitibo, maypinagaralan, “
urban dweller who is in touch with his feminine side.”
Siya ay may lingguhangpagpapa-
manicure
at ang kanyang buhok ay nasa pangangalaga ng isang
stylist
kaysa sa isangbarbero. Mahilig siyang mamili, maaaring meron din siyang alahas, at ang kanyang paliguan aypuno ng mga
grooming products
tulad ng
moisturizers
at
make-up
. Ang kanyang panlabas nakaanyuan ay kadalasang nakakakuha ng atensyon sa mata ng karamihan.Binigyang kahulugan naman ni Gary Drum ang metrosekswal bilang isang heterosekswalna hindi lamang partikular sa kanyang pananamit at pangangalaga sa katawan, ngunit pati narin sa mga kaugalian sa pag-aayos na kasama ang mga bagay na ginagawa ng mga babae tuladng
exfoliating, moisturizing
at
spa treatments.
Subalit nabanggit sa kanyang artikulo ang sinulatni Sean K sa
South China Morning Post
na ang sekswalidad ay
“unspoken part of the definition”.
Hindi raw kinukwestyon ang sekswalidad ng isang metrosekswal, bagkus, siya ay inilalarawan ngkung ano siya pati na rin ng kung ano ang hindi siya.
D.Katangian ng Metrosekswal
Ayon kay Jake Brennan (w.p.), ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng isangmetrosekswal: makabago, kadalasan ay binata na “masyadong binibigyang pansin” ang kanyangsarili at ang kanyang
feminine side
; palaayos sa kanyang katawan; ang kanyang mga damit aylaging sunod sa uso nasa opisina man o nasa gimikan; walang pag-aatubili kung gumastos ngkanyang kita makasunod lamang sa uso sa istilo ng buhok, damit at sapatos. Ang ilangkalalakihan naman ay naguguluhan sa tunay na kasarian ng mga ito samantalang ang iba aynagseselos sa mga metrosekswal dahil sa pagtatagumpay nila sa mga babae, lalo na sapagpapahanga sa mga babae na natutuwang makasama sila sa kadahilanang nakikita nila samga metrosekswal ang mga detalye ng pagiging tunay na lalaki. Ang iba naman sa mgametrosekswal ay nahihilig sa literatura, mga palabas sa sinehan at sining; may kaalaman sapagluluto; may abilidad sa pagpili ng perpektong alak at musika; nahihilig sa interior designing;“
is a city boy or, if living a commute away from downtown, is still urbane, if not rightly urban”
atnasisisyahan sa pagbabasa ng panlalaking magasin.
E.Ang Metrosekswal at Narsisismo
Ang pinakakonkretong depinisyon ng metrosekswal ay
narcissism
o
ang
labis napagmamahal at paghanga sa sarili. Ayon sa artikulo ni Qasim Moini (2007) na hinango niya sapahayag ni Sigmund Freud, ang metrosekswal ay “
narcissist type C: loves what he would like tobe.”
Samantala, ang konsepto ng metrosekswal ay mayroon pang isang panig, ang
media
atkomersyalismo. Sa pananaw ng komersyalismo, hindi
narcissist
ang metrosekswal. Dahil ito sakagustuhan ng mga
marketers
na palawakin ang pakinabang ng konseptong ito sa negosyo.Ayon sa artikulo ni Vivian Manning-Schaffel (2006), nais ng mga kumpanya ng mga produktongpampaganda na kumbinsihin ang mga kalalakihan na normal lang sa isang lalaki ang gumamitng kung anu-anong produktong pang-ayos sa katawan. Bagama’t magkaiba ang pinaniniwalaanng dalawang panig,