FANGO
, Anne Richel,
MARIÑAS
, Janine Angelica,
PUNONGBAYAN
, Joana,
RAMOS
, Carmel Kress, at
VERGEL DE DIOS
, Charysse mula sa BSN1-7, Kolehiyo ng Narsing Taong Aralan 2008-2009 sa patnubay ni
Gng. Zendel Rosario Manaois-Taruc, M. Ed.
Panimula
Ang utak ay binubuo ng 100 bilyong
nerve cells
o
neurons
na magkakaugnay at bumubuo ng tinatawagna
nerve cell networks
. Ang mga
nerve cell networks
ay may kanya-kanyang mahalagang papel naginagampanan. Ang iba ay mahalaga sa pag-iisip, pagkatuto at memorya. Ang iba naman ay mahalaga upangtayo ay makakita, makarinig at makaamoy.Upang magawa ang kanilang trabaho, ang mga
brain cells
ay mistulang isang maliit na pabrika. Maykumukuha ng materyales, nagproproseso, at nagtatanggal ng mga hindi kailangan ng sistema. Upang magingmaayos ang takbo ng lahat, kailangan ang koordinasyon ng isa’t isa gayundin ang maraming pagkain at
oxygen
.Sa Alzheimer’s Disease, ilang parte ng “pabrika” ng mga
brain cells
ang nasisira at nagiging dahilan ngpaghinto o pagkabigo ng sistema nda magawa ng maayos ang trabaho nito. Hindi pa rin sigurado kung ano angnagiging sanhi at kung saan at paano nagsisimula subalit ang paghintong ito ay nagiging dahilan ng pagkamatayng mga
brain cells
.(www.alz.org)Ano nga ba ang Alzheimer’s disease? May lunas ba ito? Anu-ano ba ang mga sintomas? Sa mga susunod natalata malalaman natin ang kasagutan sa mga tanong at magkaroon pa ng karagdagang kaalaman sa nasabingsakit.
Layunin ng Pag-aaral
•
Mailahad ang ilan sa mga batayang kaalaman ukol sa Alzheimer’s Disease
•
Bigyan kaalaman ang mga mambabasa ukol sa sa Alzheimer’s Disease
•
Maipakita na ang Alzheimer Disease ay isang isyu na dapat bigyan pansin
I. Mga Kaugnay na Babasahin at LiteraturaA. Ano ang Alzheimer’s Disease?1.Depinisyon
Ang Alzheimer’s Disease (AD) ay ang pangunahing sanhi ng
dementia
, isang sakit na nakaaapekto sapag-iisip at pakikisalamuha ng isang tao na kung mapabayaan at lumala ay maaaring maging sagabal sa pang-araw-araw na gawain (Davis,Microsoft Encarta,2003).Ito ay unang natuklasan ni Dr. Alois Alzheimer, isang
psychiatrist
na Aleman, noong 1906. Una niya itongnaobserbahan sa isang 51 taong gulang na babae na nagpakita ng mga hindi pangkaraniwang sintomas tulad ngunti-unting pagkawala ng memorya, pagbabago sa pag-uugali at pagkawala sa sarili (Brown & Hillam,2004).Noong una, pinaniniwalaan na edad 50 pababa lamang ang nagkakaroon ng Alzheimer’s Diseasesapagkat ang pagkakaroon ng mga sintomas ay itinuturing na normal lamang para sa mga edad 50 pataas.Ngayon ang Alzheimer’s Disease ay maaring uriin bilang
Early onset
at
Late onset
. Ang
early onset
ayang Alzheimer’s Disease na nagsimula ng maaga o nagpakita sa taong edad 65 pababa. Habang ang
Late onset
naman ay ang AD na nagpapakita sa taong edad 65 pataas. (Davis, Microsoft Encarta.2003)Sa kasalukuyan ay walang gamot para sa Alzheimer’s Disease. Tanging suportang emosyonal sapasyente at sa kanilang pamilya gayundin ang ilang gamot para sa ilang tiyak na sintomas ang naipagkakaloob.
2.Mga Sintomas ng Alzheimer’s Disease
Kaugnay nito, ang
Alzheimer's Association
ay naglista ng ilang senyales na nakakatulong sa pagtukoykung ang isang tao ay nagtataglay ng Alzheimer's Disease: