• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • 4
    CommentGo Back
Download
 
 
“Buto’t Balat. . . Naglalakad” 
Isang pananaliksik papel tungkol sa MalnutrisyonBAUTISTA, Krystle Joyce, MENDOZA, Airah Jem, PESCANTE, Nina Carmela,RAMOS, Gizzelle Irrah, ZIPAGAN, Ma. Kristine Joy mula sa klase ng BSN 1-4 ng Unibersidad ng SantoTomas,Kolehiyo ng Narsing, taong 2008-2009,sa patnubay ni Gng. Zendel M. Taruc.
Layunin
Ang aming pamanahunang papel ay may layunin mag-bigay ng kaalaman sa mga mambabasa na angmalnutrisyon ay tuluyang kumakalat sa ating bansa at ito ay may malaking epekto sa paglikha ng ating lipunan ngmga makalidad na tao. Nilalayon ng aming pangkat na maglahad ng mga datos upang mapatunayan na hindidapat magsawalang bahala sa ganitong isyu at kailangan ng agaran na solusyon dahil ito ay palala ng palala nanagdudulot ng epekto sa ating ekonomiya at kumakalat sa iba’t ibang sulok ng ating bansa na parang isangedidemyang nakakamatay. Nais naming ipamahagi ang mga nakalap naming mga impormasyon upang masmaging pamilyar ang mga tao sa mga sintomas ng malnutrisyon. Nais rin naming manghikayat ng mgamambabasa na tumulong sa pagkalat ng mga impormasyon na ito at gumawa din ng kanilang sariling pag-aaralukol dito.
Introduksyon
Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na bansa. Dahil rito maraming problema angating hinaharap. Maraming pamilya ang naghihirap dahil sa ekonomiya ng ating bansa at dito na nagsisimula angmga problema na hindi natin maiiwasan. At isa dito ang problema ng Malnutrisyon.Ang malnutrisyon ay isang kalagayan kung saan ang ating katawan ay hindi nakakakuha ngsapat na bitamina, mineral at sustansya upang mapanatili ang kalusugan ng ating katawan. Taliwas sa kaalamanng karamihan, hindi lamang ang mga taong hindi nakakain ng madalas ang nakakaranas ng malnutrisyon, maaridin makaranas ng ganitong kalagayan ang mga taong may sapat ngang pagkain ngunit walang sapat nabitamina, mineral at sustansya.
I. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURAA. Ang Malnutrisyon
Ayon sa
National Nutrition Council 
(NNC) noong 2008, ang malnutrisyon ay isang kondisyon kung saanang katawan ay kulang o sobra ng mga mahahalagang sangkap na naaangkop sa tamang paglaki.Ito ay isangpalansak na kataga sa kondisyongmedikalna sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Karaniwang ginagamit itosa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain, mababang pagkatunaw, o labis na pagkawala ngsustansya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa labis na nutrisyon na bunga ng sobrang pagkain ng tiyak nasustansya. Makararanas ang isang tao ng malnutrisyon kapag ang sapat na dami, uri o kalidad ng sustansya ngsinasabing malusog napagkainay hindi kinakain sa mahabang panahon. (Wikipedia, 2008)
B. Grapiko ng Ilang mga Bahagdan ng Kaso ng Malnutrisyon sa Iba’t-Ibang Lugar sa Bansa
 
C. Ang mga Dahilan
Sa buong mundo, ang mga maralita ang kadalasang nakakaranas ng malnutrisyon sapagkat malimit nahindi sapat ang kanilang pagkain sa araw-araw. Pinapalalala pa ang sitwasyon kung kay dami pa ng magsasalo-salo sa kakarampot na kakanin. (Santiago, 2007) Ayon din naman kay Mildred Guirindola ng
Food and NutritionResearch Institute
(FNRI) noong 2007, ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihan at di-sapat nakaalaman ng mga magulang sa paghahanda ng mga masusustansyang pagkain ay ilan pang mga dahilan sahindi mapigilang paglobo ng mga kaso ng malnutrisyon.
D. Ang mga Epekto
Ang grapikong ito ay naglalahad ng bahagdan ng kaso ng malnutrisyon sa ilang dako ng Kabisayaan. Mahihinuhadito na ang mga dako ng Central Visayas at Negros Oriental ay mayroong malaking bilang ng mga taong
malnourish
at ang Bohol naman ang pinakamababa.Ang grapikong ito ay nagsasaad ng dami ng kaso ng malnutrisyon sa dako ng NCR. Mahihinuha sa larawan naang pook ng Malabon ay siyang mayroong pinakamalaking bilang ng mga taong nakakaranas ng malnutrisyonhabang sa lugar naman ng Makati ang mayroong pinakamaliit na bilang.
 
Ang malnutrisyon ay kakulangan o kalabisan sa bitamina, mineral, at sustansya sa katawan. Kaugnaynito, naaapektuhan ang katawan at pag-iisip ng isang taong
malnourished.
Ilan lamang sa mga epekto nito ayang mga sumusunod:
Pagkatuyo ng balat
Pamamaga ng mga gilagid
Sirang mga ngipin
Mabagal na paglaki
Mababa o mataas sa normal na timbang
Paglaki ng tiyan
Osteoporosis
Pagiging matamlay
Madalas na pagkahilo
Mahina ang pag-iisip
E. Mga Solusyon
Ayon sa DSWD at
City Health Department 
, magsasagawa sila ng mga pulongsa mga guro upangpalawakin ang edukasyon ukol sa kalusugan at kallinissan. Hinihikayat rin nila ang pagtatanim ng mga gulay atprutas sa bakuran ng mga tahanan. Nagrekomenda sila ng isang
nutritionist 
bawat ssiyudad upang tuklasin angmga masustansya at murang pagkain. Ayon kay Councilor Chris Alix, magpapamahagi sila ng lugaw na mayamansa bitamina, kasama nito ang regular na pagsusuri ng kalusugan ng mga bata. Binibigyang diin din angepektibong pagpapaplano ng pamilya at pagpapasuso. At ang pinakamainam pa ring solusyon ay angpaghihikayat sa mga magulang na maghanap ng trabaho upang mapakain ng mainam ang kanilang buongpamilya.Ayon sa Department of Education, isang solusyon ay “
food for school program” 
sa pangunguna niSecretary Jesli Lapus. Ang mga mag-aaral sa
kindergarten
at sa unang baitang sa mga napiling pinakamahirapna paaralan ay nakatanggap ng isang kilo ng bigas, pan de coco, at gatas mula sa
National Dairy Authority.
Isang abot-kayang alternatibong pampaganang gamot sa presyong pitong piso bawat pakete nanaglalaman ng
 powdered mixture
ay kasalukuyang ipinapakilala ng isang programa sa Los Baños, Laguna upanglabanan ang malnutrisyon lalo na sa rural na mga komunidad at upang matulungan ding mapagbuti ang mga batamaging ang mga buntis at nagpapasusong mga ina.Ang nasabing pampagana ay tinawag na Kalinga. Ito ay yinari ng Barangay Integrated DevelopmentApproach for Nutrition Improvement (BIDANI), isang sangay na programa ng
Institute of Human Nutrition nad Food 
(IHNF) ng Unibersidad ng Pilipinas Los Bos. Ito ay naglalayong mapaunladang
food and nutritionsecurity 
ng mga rural na komunidad sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga kolehiyo, unibersidad, at lokal nagobyerno.Ayon sa isang mananaliksik ng BIDANI na si Charina Moneja, sa mga mahihirap na pook, ang mga bataay madalas na pinapakain laman ng kanin at sabaw at ang masaklap pa nito ay hindi sila kumakain ng gulay atwala din sa kanilang kakayahang makabili ng karneo isda man lamang.Bilang tugon sa problema, nagsagawa sila ng mga
feeding program
at ang mga pinapakain nila ayhinahaluan nila ng Kalinga.Bilang patunay sa husay ng Kalinga, ipinahayag ni Aileen Delferio, 25taong gulang, mayroong dalawanganak na dinadala sa
feeding program
tuwing hapon sa Purok 4, Barangay Masaya, Bay, Laguna na siya aylubhang natutuwa sa programa matapos namakitang tumaas ang timbang at gumanang kuamin ang kanyangmga anak.Ipinakita lamang nito ang mga hakbang na ginagawa ng mga ilang organisasyon upang malabanan angmalnutrisyon. Sila ay umiisip ng mga alternatibong pamamaraan na tiyak na abot-kaya ng mga kapos-palad. Sapamamagitan nito ay natutugunan ang mga pangunahing kailangan ng isang bata upang lumaking malusog,malakas, at malayo sa sakit.
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...

napakaganda po ng research niyo.salamat po at nagkaroon ako ng kaalaman tunkol sa malnutrisyon

grabe salamat my projet na ako keep up the good work mwah!

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...