Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
1Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
PNoy Speech in Dumangas

PNoy Speech in Dumangas

Ratings: (0)|Views: 26|Likes:
Published by LakanPH
Speech of His Excellency Benigno S. Aquino III, President of the Philippines. Meeting with the Local Leaders and the Community, Dumangas, Iloilo. 21 February 2013.
Speech of His Excellency Benigno S. Aquino III, President of the Philippines. Meeting with the Local Leaders and the Community, Dumangas, Iloilo. 21 February 2013.

More info:

Categories:Types, Speeches
Published by: LakanPH on Apr 03, 2013
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

04/03/2013

pdf

text

original

 
SPEECH OFHIS EXCELLENCY BENIGNO S. AQUINO IIIPRESIDENT OF THE PHILIPPINESMEETING WITH THE LOCAL LEADERS AND THE COMMUNITYDUMANGAS, ILOILOFEBRUARY 21, 2013
Bago pa man po tayo tumulak patungo dito sa Dumangas, sabikna akong makadaupang-palad ang malalambing at mapagmahal na mgaIlonggo. Dahil po sa inyong nag-aalab na tulong at suporta, narito tayongayon, buong-sigasig na tinitimon ang sambayanan tungo sa tunay atmalawakang pagbabago. Madamo gid nga salamat sa pag-upod ninyosa amon sa tadlong nga dalan.Lagi nga pong sulit at makabuluhan ang pagpunta natin dito saIloilo dahil sa mga proyektong magbubunsod ng serbisyo at benepisyopara sa mga Ilonggo. Hunyo ng nakaraang taon nang nagtungo tayo ritopara dumalo sa kauna-unahang International River Summit sa atingbansa, kung saan tinalakay ang tungkulin natin sa pag-aaruga ng mgailog, at ang paglinang nito upang tugunan ang ating mgapangangailangan. Kanina naman po, galing tayo sa Kapitolyo para sagroundbreaking ng Jalaur River Multi-purpose Project II, angpinakamalaking dam sa labas ng Luzon na magsusuplay ng taunangpatubig sa 31,840 ektaryang lupaing agrikultural. Hindi po matatawaranang hatid nitong benepisyo sa inyong probinsya at sa kalakhang lipunan;
1
 
tinatayang mahigit dalawampung libong magsasaka ang makikinabangdito, at magpapataas din sa produksyon ng bigas ng hanggang halos290,000 metriko tonelada kada taon. Ang maganda pa, labimpitonglibong trabaho ang malilikha para sa konstruksyon ng proyekto, at orasna maging fully operational, tinatayang may tatlumpu’t dalawang libongmga magsasaka, mangingisda, vendors, at iba pang manggagawangIlonggo ang mabibigyan ng pagkakataon para sa mas magandangkinabukasan. Nagpapasalamat tayo kay Senador Frank Drilon, natalagang tinututukan ang proyekto para sa kapakanan ng mga Ilonggo.Sagisag nga po ang ganitong mga pagtitipon sa pag-agos ng mgatagumpay natin sa tuwid na daan. Malayong-malayo ito sa kalakarangating dinatnan kung saan tila nilulunod ang nakakaraming Pilipino sakumunoy ng kahirapan; habang hugas-kamay sa pang-aabuso’tkatiwalian ang nasa kapangyarihan. Ang ginawa nilang bisyo: angwalang-pakundangang pag-ubos sa kabang-bayan para sa mgaproyektong wala namang katuturan.Narito po ang isang halimbawa: ang proyekto nilang dredging saLaguna Lake. Ayon sa plano, magtatanggal sila ng putik sa lawa ngLaguna, para mapataas ang water holding capacity nito. Maganda posana ang proyekto, kaso ang ginawa nila: naghukay sila ng putik mulasa isang bahagi ng lawa, pero itatambak lang din sa kabilang bahagi nglawa. Paano namang magkakaroon ng diperensya sa kapasidad ng
2
 
Laguna lake kung naglalaro ka lang pala ng burak dito? At ang talaganaman pong nakaka-insulto: wala na nga silang nagawang mabuti saproyekto, aba, pinagbabayad pa ng 18.7 bilyong piso ang mga Pilipino.Buti na lang po’t agad natin itong pagbisto, at ipinakansela ang kontrata.Nakarating na rin po siguro sa mga Ilonggo ang pagpapapogi ngdating namumuno sa TESDA, kung saan nagpamudmod ito ng mgascholarship voucher kahit wala naman palang nakalaang pondo. Natural,bokya ang halaga ng voucher. Ang resulta: 2.4 billion pesos angsinisingil ng mahigit isanlibong eskwelahan mula sa pamahalaan. Angmas nakakapanlumo: ang sambayanang Pilipino ang magbabayad saginawa nilang utang.Isa pa pong halimbawa ng kanilang kalokohan: 99.98 percent dawpo ng mga barangay sa Pilipinas, may kuryente na. Sino naman po anghindi kikislap ang paningin sa datos na ito? 0.02 percent na lang, taposna ang problema. Pero nang binusisi natin ang proyekto, ang tumambadsa atin; halos 36,000 sitios na walang kuryente. Pinalabas po nilangkapag nakabitan ng ilaw ang isang barangay hall, may kuryente na rinang buong barangay. Ayon pa po sa kanila, isang milyong piso angkailangan para sa pagpapailaw sa bawat sitio. Ibig sabihin, tatlumpu’tanim na bilyong piso ang aabutin para solusyunan ito.Sa tuwid na daan, hindi po natin pinapalampas ang ganitong mgabukol sa pamahalaan. Sa pagtitimon po ni Secretary Joel Villanueva sa
3

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->