• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
A.
Kahulugan ng “Indie”
 
 Ang katagang “Indie,” ayon kay Andrews (2006), ay tumutukoy sa nagsasariling sining –
musika,pelikula, literatura, o kahit anong aspekto ng kultura
 –
na ginawang hindi ayon sa uso o pangkaraniwan, atwalang pinansyal na suporta mula sa korporasyon. Isang halimbawa ay angbandang walang kinalaman sa apat o limang malaking
corporate labels
tulad
ng Warner Music Group, EMI, Sony BMG, at Universal Music Group. Ayonnaman kay Stahl (2006), ang
Indie Music 
ay kahit na anong bilang ng
kategorya (
genre
), eksena,
subcultures
, at kultural at maestilong katangian, na
sinasabing may kalayaan mula sa
commercial pop music 
at kultura ng uso at
may makasariling
do-it-yourself 
na lapit.
Ikalawa, ang
Indie
ay isang kategorya. Ito ay minsang inilalarawan sa
iba‟t ibang kategorya o mga tunog sa musika na tumatakbo ng magkabanghay
sa mas kumersyal na musika. Minsan nang naihahambing o naikukumparaang
Indie
sa
underground 
na musika. Ang paggamit ng ganitong kahulugan ay
hindi tiyak dahil sa ilang dahilan tulad ng mga sumusunod: una, ang maestilongkaledad ay madalas na di tumutugma sa komersyal na kalayaan o sa di pagbitiwsa prinsipyo ng
Indie
. At ikalawa, hindi lahat ay nasasakop ng
Indie music.
  Ang ikatlong kahulugan ni Stahl ay ang pagiging kultural at pilosopikal ng
Indie
hindi lamang sa istilo ng musika o sa komersyal na pagmamay-ari. Mas
pinapahalagahan ng
Indie Artists
ang pagpapahiwatig ng sarili (
self expression
)
kaysa sa komersyal na pagsasaalang-alang. Sila ay sumasabay sa panahonngunit hindi sa naturang uso.
B.
Katangian ng “Indie Music”
 
 Ayon kay Andrews (2006) ang katagang “Indie” ay nagpapatuloy sa
pamamagitan ng hindi pormal na kinikilalang mga pamagat para sa mgaidealistang musikero, sa mga tagahangang sumusuporta sa ideya ng paglikha ngpansariling musika at sa mga kaibigan sa halip na sa pagkita o kasikatan. Angmga katangian ng Indie Music ay ang sumusunod: ginagawa nang walangpinansyang korporal o mula sa malalaking kompanya,
self-releasing
, pinalabas at
tinustusan ng
Indie bands
at sariling likha. Ito ay nagbabahagi ng kulturang likas
na nagsasarili at may pagmamahal sa sining. Ito ay palaging nagbabago at ayon
nga kay “Inblaze” mula saindieupdate.com,ang
indie music 
ay tumutukoy sa
 pioneers
o mga orihinal na nagpasimula ng kanilang mga uri ng musika.
Mga Kaugnay na Babasahin
INDIEMAND 
ISANG PAG-AARAL UKOL SA PAMUMUHAYNG MGA PILIPINONG
INDEPENDENT MUSICIANS 
CUEVAS, Makairog Jr., LAY, Michael Edward, MUSONES, John Martin,NOBLE, Ginyn, PARADO, Charmaine, TAN, Charles Jeffrey mula sa 1NUR1, College of Nursingsa Patnubay ni Prop. Zendel Rosario Manaois-Taruc, M. Ed.
 
 
Mga Katangian ng Indie Music 
C.
Kasaysayan ng “Indie Music” sa Pilipinas
 
1960’s
 
), ang
rock bands o instrumental bands
ay nagsimulang dumami nang
sumikat ang istilo ng musika ng mga Amerikano at Ingles tulad ng “TheShadow” at “The Ventures” dahil nagustuhan nila ito. Naimpluwensyahan ng
Beatles
ang mga bandang Pilipino kaya't naglaman ng mga linya o lirikong
socio-political 
ang Pilipinong musika. Ilan sa mga bandang lumitaw ay angMaria Cafra Band at Juan dela Cruz.
1970’s
 
Noong 1970 nagsimula sila bilang mga agresibong banda nagumagawa ng musika para sa mga taong may kaparehas na ideolohiya samusika. At ayon pa rin kay Izra, nanatiling makabayan at
socio-political 
ang
mga komposisyong Pinoy. Karaniwang tagalog naman ang wikang ginamit.
1980’s
 Naging uri naman ng protesta sa panahaon ng EDSA revolution ang mgamusikang Pinoy
rock.
Narito ang pag-
unlad ng panibagong uri ng “punk rock” gayundin
ang ibang uri ng Pinoy
rock 
tulad ng
reggae
. Ang mga bandang Cocojam at Bagong
Lumad ay halimbawa ng mga bandang sumikat noong panahong iyon.
1990’s
 Pagdating ng 1990, maraming banda na may iba't ibang tugtugin atimpluwensya ang sumulpot na parang kabute. Ilan sa mga ito ay ang Eraserheads atRivermaya. Samantala, ang
 Alternative Pinoy Rock 
naman ay pinasikat ng mga bandang Parokya ni Edgar atSiakol. Sa panahong ito, marami nang banda ang tumutugtog sa buong Pilipinas. Maraming banda angnagsimula sa Maynila at sa iba't ibang panig ng bansa lalo na sa Cebu. Ang mga bandang ito ay may iba't ibangimpluwensya at sariling himig ng musika. Iba na ang tema at liriko ng tugtugin ng mga banda ngayon kaparis
noong 60's o 70's pero nagbibigay pa rin ito ng sarili nilang “identity.”
 
 Pioneers
ng MusikaPalaging NagbabagoPara sa mga Ideal-istikong MusikeroPagmamahal saSining Nagbabahagi ngKulturaDo-It-Yourself Pagpapakawala ngSariliWalang PinansyangKorporal
 Indie Music
 
 
2000 hanggang sa kasalukuyan
 Ngayon, marami nang mga pakontest ang nagaganap sa Pilipinas na ang mga kalahok ay mga Indiebands. Isa sa mga nanalo ay ang bandang Jeepney Joyride sa Redhorse Muziklaban, sila ay lumahok rin saYamaha Band Alert noong 2000 at Global Battle of the Bands noong 2005. Ang kanilang tema sa kanilangmusika ay pagkakaibigan, pagmamahalan at pagbabago. Ang kanilang mga tinutugtog ay ang mga karaniwangpagsubok na idinaranas ng mga mamamayang Pilipino. Isa pang Indie band ay ang Hemp Republic.Talagang lumalaganap na ang Indie music ngayon. Ayon sa tripod.com,ang mga taga-hanga atkaibigan ng bandang MYOG sa Maynila ay ikinakalat ang musika ng banda. Sarilinilang ipinopromote ang kanilang musika sa Luzon at Visayas. Kapag may mgapagkakataong tumugtog kahit saan, nagtutulungan sila para magkaroon ng gigs. Ang lahat ng ito ay posible dahil sa internet sapagkat mas mabilis na komunikasyonat pwede nilang i-
upload 
ang kanilang sariling gawa.
D. Mga Benepisyo o Adbentahe at mga Disadbentahe ng Pagiging Indie
 Ayon kay Grand (2008), ang pagiging
Indie
ay may benepisyo sa musika. Ito ay ang paggamit ng mu-rang
home studio gear 
(kung mayroon silang sapat na kaalaman sa pag-aayos nito, paghahanap ng baguhang
 producer 
o
 
inhinyero), at murang limbagan (mga nailalagay sa internet na mga kanta sa pamilihang
online
nangwalang ginagawang paglilimbag, pagbabalot, at pagbibiyahe ng kalakal). Sabi naman ng bandang Drama, angpinakamagandang benepisyo ay walang
 pressure
na maging sintulad ng musika ng pinakapopular na banda. Ang pagkakaroon ng sariling tunog at ang pagwawalambahala sa mga sasabihin mo at kung sino ang masasak-tan o matatamaan ng mensahe ng musika. Ang pagkakaroon ng isang
major label 
ay nangangahulugan ng maskaunting kalayaan sa pagpili ng musika, dahil ang
record label 
ay ang pumipili at hindi ang musikero. Ayon naman sa tripod.com, maraming mga disadbentahe ang pagkuha ng mga
record label 
. Isa samga nagatibong epekto ay ang kawalan ng kasiguraduhan ng mga musikero kung makakakuha talaga sila ngmalaking
record deal.
Ito ay dahil na rin sa
genre
ng kanilang musika at pisikal na anyo. At kung sakaling maka-kuha sila, hindi naman sila sigurado kung talagang tutulungan sila ng kanilang
record label 
kung hindi sila
gaanong sisikat. Hindi na rin sila makakapagtugtog sa iba‟t
-ibang lugar dahil may namamahala na sa kanila atpwede rin palitan ang pangalan ng kanilang banda at palitan rin ang
genre
ng kanilang musika. Isa pa sa mga
dahilan ay maaari na mayroon na silang mga sariling trabaho na hindi na kayang iwan para sundin ang mgapangarap na maaaring hindi matupad lalo na sa panahon ng taghirap.
Pagiging IsangIndependent Artist
Adbentahe
 
Disadbentahe
Mas MuraAngProduksyonWalangPressureHindiMakasisigurosa RecordDealHindi Tiyak ang Kinabu-kasan ngBandaPagkawala ngOras dahil saPagtatrabahoKalayaang saPagtutugtog
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...